A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️

By heradevils

1.7M 55K 54.1K

~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGH... More

INTRODUCTION
CHARACTERS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
F I N A L
EPILOGUE

CHAPTER 21

63.8K 1.9K 2K
By heradevils



Kinabukasan maaga akong gumising para maghanda ng agahan. Mahimbing parin ang tulog ni Maureen na sinamahan pa ng munting hilik. Masuyo kong inayos ang comforter sa ibabaw niya saka bumangon at naghilamos bago pumunta sa kusina.

Magluluto na sana ako ng agahan nang maalala kong sosyal pala ang tiyan nitong si Maureen, for sure hindi siya kumakain netong mga delata o kaya instant noodles. Nagpasya nalang akong mag-grocery saglit sa pinakamalapit na grocery store sa labas ng R.Homes. Walking distance lang yung grocery store kaya nilakad ko na. Pagdating ko, iniwan ko yung bag ko sa baggage counter saka tinungo ang meat section.

After makapili at ma-ilagay sa basket ang mga binili kong bacon at sausages, tinungo ko naman yung shelve para bilhin yung Cereal Oats na paborito ni Maureen. Nalaman kong ito yung fave niya kasi sa tuwing nag-duduty ako sa opisina ng bahay niya, nakita ko ang laman ng kanyang ref. Puro premium quality lahat ng brand ng pagkain. Jusko, ang high maintenance niya talaga. Kung kami lang din naman magkatuluyan in the future mukhang kailangan kong magsumikap magtrabaho para mai-provide sakanya lahat ng mga nakasanayan niya.

Inilagay ko ang Cereal Oats sa basket at palakad na sana para bumili din ng fresh milk nang makita ko ang isang babaeng pilit inabot ang Cereal box sa mataas na bahagi ng shelve.

I have no intentions of helping her pero dahil mabait ako ay inabot ko ito para sa kanya.

"Omg thank you." tumingala sakin ang babae at matamis na ngumiti. "I appreciate the help, thanks cutie."

"Walang anuman." sagot ko saka ito nilampasan at tinungo ang chiller para kunin ang fresh milk bago tinungo ang cashier.

"Good morning, ma'am." bati ng cashier sakin. Isa-isa nitong ini-scan ang mga pinili ko bago ipinakita ang total. "Eight hundred fifty-five po lahat."

Akma ko na sanang bayaran ang mga ito nang hindi ko makapa yung wallet ko. Tsk, naiwan ko pala sa loob ng bag.

"Ate saglit lang ha kukunin ko lang yung wallet ko sa bag, nasa baggage counter e."

"I'll pay for it." rinig kong sabi ng babae sa likuran ko. Kunot-noong nilingon ko ito at nagulat nang makilalang siya yung babaeng tinulungan ko kani-kanina lang.

"Naku miss huwag na kukunin ko lang yung wallet ko saglit." sabi ko saka tinignan ang cashier. "I'll be right back." dali-dali kong tinungo ang baggage counter saka kinuha ang wallet sa loob ng bag ko. Pagbalik ko, naka-paperbag na yung pinamili ko at may resibo na.

"Okay na po yan ma'am." sabi sakin ng cashier. "Binayaran na po ni madam." itinuro nito ang babae.

I glance at the woman. "Magkano po ba lahat, miss? Babayaran kita."

"Oh no need, cutie. Just think of it as my thank you for helping me getting this Cereal."

"H-ha? pero nakakahiya naman po."

The woman smiled at me. "Don't be. If it wasn't for you, I won't be able to get this." she pointed the cereal box.

"Sure ka?" medyo nag-hesitate ako.

The woman just nodded and winked playfully at me.

"Sige.....salamat kung ganon." kinuha ko na yung paperbag saka lumabas ng grocery store. Nagpasya akong mag-abang ng masasakyan pauwi dahil medyo umaambon na at baka mabasa 'tong mga pinamili ko.

Tahimik akong naghihintay nang biglang may nagsalita.

"Going home?"

Napalingon ako bandang kanan ko at muling nakita ang babae kanina sa loob.

"Uhm oo." sagot ko.

"I'll give you a lift, saan ka ba nakatira?"

"Ah sa R.Tower Condominium pero huwag na po, okay lang ako dito."

The woman looked up at the sky. "A heavy rainfall is about to approach." then she looked at me. "Halika na ihahatid na kita."

Mukhang mabait naman ang babae pero ayoko. "It's okay miss, i'm all good thanks."

"Okay," sumakay na siya sa kotse niya at pina-andar ito. Pag-alis ng babae ay timing namang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tsk, pakshet naman o.

Patingin-tingin ako sa kalsada pero wala talagang dumaang ni isang tricycle o jeep. Napabugha ako ng hangin bago mahagip ng mata ko ang kotseng sinasakyan ng babae kanina. Paatras itong nagdrive hanggang sa tumigil sa harapan ko, her window opened and revealed her pretty face.

"See? I told you it's going to rain." amused niyang binuksan ang pinto. "Come on up now, ihahatid na kita."

Wala akong choice kundi sumakay na lang dahil baka abutan pa'ko ng bagyo dito. Pumuwesto ako sa passenger seat at saka siya hinarap.

"Salamat po. Naabala tuloy kita."

"No worries, nasa iisang direksyon lang naman tayo pupunta. I'm going to visit a friend on R.Homes kaya hindi mo 'ko naabala."

Tumango ako at hindi na nagsalita.

"By the way, i'm Ivanka." pakilala niya. "And you are?"

Ivanka? siya ba yung tinutukoy nila Maggie at Sue sa gc kagabi o kapangalan niya lang?

"I'm Gail." sagot ko.

"Nice to meet you, Gail." matamis siyang ngumiti sakin bago ibinalik ang tingin sa kalsada, napansin kong may accent yung way ng pananalita niya. If i'm not mistaken, french yung accent.

"Likewise miss Ivanka." tugon ko saka ibinaling ang atensyon sa ibang direksyon.

Di nagtagal ay narating din namin ang R.Homes, hinatid niya ako sa mismong tapat ng R.Tower Condominium. Mabilis kong binuksan ang pinto at saka bumaba.

"Thank you po sa ride miss Ivanka." magalang na pasalamat ko. "Mauna na'ko sa inyo."

"Hey cutie wait." pigil niya nang akma na akong aalis. "Are you free later tonight?"

"Ha?"

A playful smile formed her lips. "I'm hosting a party at my place, would you like to come?"

I shook my head, declining her invitation. "No thanks, hindi po ako mahilig sa mga parties e."

Ivanka pouted but managed to smile back. "Can I have your number then?" she asked in a flirty kind of way.

Ngumiwi ako. Yikes. "Sorry i can't, may magagalit kase."

"Ow, taken ka na pala?"

Taken na ba ako? Wala pang kami ni Maureen pero papunta din naman kami doon so yes, medyo taken na nga ako.

"May ka M.U ako ngayon." sagot ko.

Ivanka chuckled. "Mutual Understanding o Malanding Usapan?"

"Both."

She pouted again. "Ay sayang naman."

Nag-peace sign ako. "Sorry."

Ivanka grabbed something on her purse. "Here catch."

Agad ko yung nasalo at confused na tinignan. "Ano po 'to?"

"That's my calling card, just in case you change your mind later and decided to attend my party, just give me a call." muli niya akong kinindatan.

I just simply nodded as a responce.

"Well i'll see you around, cutie." nag-flying kiss siya sakin bago umalis.

Iling-iling akong pumasok sa lobby at itinapon ang calling card sa basurahan, mahal ko ang buhay ko at ayokong makatay ni Maureen.

Pagbalik ko sa unit ay tulog pa rin yung babe ko, mahimbing pa rin itong natutulog habang yakap ang malaking unan. Sobrang likot nito kagabi na halos wala na akong space sa kama pero okay lang kasi katabi ko naman siya.

Magana akong nagluto habang nanood ng balita sa RIBC news channel. Nasa kalagitnaan ako sa pag-fry ng sausage nang makita ko si Maureen lumabas ng kwarto. Kahit bagong gising ay maganda parin, hays kinikilig na naman matres ko.

"Good morning, babe." malambing na bati ko.

Maureen yawned and stretched her arms. Umupo siya sa stool at matamis akong nginingitian. "Good morning, baby."

"Kumusta pakiramdam mo?"

Bahagya niyang hinilot ulo niya. "My head still hurts."

"Ayan inom pa. Naalala mo ba mga pinang-gagawa mo kagabi nung lasing ka?"

Nag-isip siya saglit. "I can't remember everything pero naalala ko tinawagan kita para magpasundo."

"Other than that, ano pa?"

Maureen's cheeks suddenly turned red. "Uhm...i kinda did something....?"

Natawa ako. "Oo may ginawa ka nga."

Mas lalo siyang namula. "Did we did it last night?"

"Did what?" pilya ko siyang tinignan.

"M-make out?"

Umiling ako. "Walang nangyari kasi hindi ko pinatulan ang mga panghaharot mo sa'kin kagabi."

Maureen coughed, twice. "What did i do?" she looked so innocent while asking that.

"Gusto mong idetalye ko?"

She shyly nodded.

Binaba ko ang hawak na tinidor saka itinukod ang dalawang siko sa kitchen island. "You kissed me inside the bar last night. Tapos dinala kita sa kotse pero hinalikan mo lang ulit ako. Tapos naghubad ka sa harapan ko at nilandi ng todo-todo, you were saying naughty words and even begged me to make love to you but i refused because i know you're not on yourself."

Maureen gasped. "D-did I really did that?"

"Shall I continue?" i grinned at her.

"Stop, ayoko ng marinig."

Natawa ulit ako. "Ang sakit mo sa puson kagabi beh."

Maureen blushed again, feeling embarrassed. "How did we end up here?"

"I carried you of course. If only you could see how clingy you were."

"Shocks, titignan ko mamaya sa CCTV at ipadelete ko. Ayokong ma-issue ng mga empleyado ko. Baka isipin nila lasengga amo nila."

I chuckled and pinched her nose.

"Anyways do you have any plans today?" pag-change topic niya.

"May gala kami mamayang hapon nila Maggie." sagot ko.

"Saan kayo pupunta?"

I shrugged my shoulders. "Di ko pa alam e, mamaya pa namin pag-uusapan."

She smiled. "Mag-ingat kayo mamaya, enjoyin nyo yung semestral break ninyo."

"Ikaw ba, ano gagawin mo ngayong araw?" ako naman nag-tanong.

"I'll stay at home and read some emails." sagot niya.

"Hay naku trabaho na naman. Babe sunday ngayon, have a day off please."

"I will, i'll take the wholeday rest. Masakit pa rin ang ulo ko after last night's party." bahagya niyang pinisil-pisil ang noo niya.

"Speaking about that, sabi ni Maggie simula 'nong nagbati daw kayo ni Theia at dumating yung kaibigan nyong galing France, lagi daw kayong nag-ninight out."

"Well i won't deny that, we're just having fun. Very rare lang kaming gumigimik simula nung may kanya-kanya na kaming career. Saka, minsan lang naman."

"Yeah minsan nga lang pero grabe ka naman kung malasing.....ang sakit mo talaga sa matres."

Amusement dance on Maureen's eyes. "Ganon ba kalakas ang epekto ko sayo?"

"Hindi ako bato, Maui. Saka sayo lang naman ako ganito, loyalista kaya ako." pls jowain mo na ako, gusto ko ng ma-under sayo.

Humagikhik si Maureen saka lumapit sakin at yumakap sa aking baywang. I kissed her forehead first before hugging her back. Ah ang sarap niya talagang kayakap, I can hug her like this forever.

"Pwesto ka na sa mesa, kakain na tayo." maya't-mayang sabi ko.

"Kakainin mo 'ko?"

"Kapag yan sineryoso ko, hindi ka makakauwi."

Maureen's giggle turned into an outright laughter, lumapit na siya sa dining table at umupo sa silya.
Di nagtagal ay nag-agahan na kami. It was a breakfast full of fun. Ngayon lang ulit ako nag-enjoy kumain ng may kasama dahil nasanay nakong laging mag-isa. Masaya ako dahil si Maureen ang kasama ko.

After mag agahan, nagpaalam na sakin si Maureen at nangakong babalik mamaya. Hinatid ko siya hanggang elevator saka bumalik sa unit at inaabala ang sarili sa paglinis ng buong living room.

I was vacuuming the floor when she came back. Masama niya akong pinukolan ng tingin bagay na ipinagtaka ko.

"Maui?"

"I went to the security room to checked the CCTV footage from last light, pero may nakita akong footage kaninang alas siyete ng umaga." she crossed her arms while continuing glaring at me. "Sino yung babaeng naghatid sayo?"

Patay.

"A-ano kasi...yung k-kanina pumunta ako ng grocery store tapos m-may tinulungan a-akong babae."

"O tapos?"

"Tas b-bilang thank you sakin, hinatid niya ako dito."

"At nagpahatid ka naman?"

"Ayoko naman sana k-kaso maulan e, wala rin akong masasakyan pauwi kaya pumayag na ako." depensa ko.

Maureen didn't answer. Tumalikod lang siya at lumabas ng condo.

"Babe, teka lang. My labs!" pero di niya ako pinansin, dere-deretso lang siya sa elevator.

Napakamot na lang ako sa pisngi ko habang sinundan siya ng tingin. Lagot na.





**********



Kinahapuan, nagkita kami nila Sue kasama ang bagong kaibigan naming si Rivah. Nag malling kami at nag ikot-ikot sa BGC pero di ako maka concentrate kasi namomoblema ako kung paano amuhin si Maureen.

"Hoy gail, kanina ka pa tahimik ah. Magsalita ka naman." untag sakin ni Maggie, nasa Burgos Circle kami ngayon.

"Wala ako sa mood ngayon magic sarap, sorry." sagot ko.

"LQ kayo ni Ate?"

Tumango ako saka inexplain sa kanya ang buong pangyayari kaninang umaga, tawang-tawa lang siya sakin habang nakikinig. Abnormal amputa hindi nakakatulong.

"RIP gail, it was nice being your friend." aniya sabay tapik sa balikat ko. "Gusto pa naman kitang maging sister in-law."

Pikon ko siyang itinulak palayo, bagay na ikinatawa niya lang.

Pagsapit ng alas siyete, nagpaalam na kaming lahat sa isa't-isa. Bumalik ako sa condo at nagulat nang makita sa loob si Maureen, may susi kasi ito kaya malaya itong makalabas-pasok.

"Maui." wika ko.

Hindi sumagot si Maureen, bagkos inirapan niya lang ako at pumunta sa kusina na agad ko namang sinundan.

Nagsalubong pareho ang kilay ko nang makita ang napakaraming paperbags sa ibabaw ng kitchen island at dining table.

"Ano 'tong mga 'to?" takang tanong ko.

"A whole Grocery for a month." mataray na sagot niya. "Para hindi ka na mag-effort lumabas para lang bumili ng grocery tas tulungan yung babae mo."

Di ako naka-react, natuod lang ako sa kinatatayuan ko.

Maureen was about leave pero agad ko siyang hinapit sa baywang at iniharap sa akin.

"Are you still mad at me?"

She rolled her eyes. "Hindi ba halata? Oo duh."

"Sorry na." suyo ko sa pinakamalambing na boses.

Inirapan niya ulit ako at akma sanang bumitaw pero hindi ko hinayaan. Sa halip, dahan-dahan ko siyang isinandal sa kitchen island at hinalik-halikan sa leeg.

"Sorry na please." i rained tiny kisses on her neck and collarbone.

Maureen tried to push me away pero sa ginagawa niya ay mas lalo ko pa siyang hinapit at unti-unting inilapit ang labi ko sa labi niya hanggang sa maglapat. I began to move my mouth and kissed her softly on the lips. She groaned in protest and didn't respond, but later on she kissed me back. Lihim akong napangiti. We exchanged a long hot kiss before looking into her eyes. 

"Bati na tayo?" dahan-dahan kong hinaplos ang katawan niya pababa sa kanyang gitna.

"O-oo."

"Hindi ka na galit sakin?" unti-unti kong ipinasok isang kamay ko sa loob ng panty niya.

"H-hindi na."

Muli ko siyang hinalikan na agad niyang tinugon. We shared another long passionate kiss.

"Dito ka lang matulog..." bulong ko sa pagitan ng halik namin.

"I-I c-cant i'll be early tomorrow."

"Sige na..." my kisses went down to her neck again. "Please." sa wakas nahawakan ko na yung gitna niya at basa na yun. "Your little friend here wants my attention."

Pinalo niya ako. "Yang kalandian mo, Abi ha, itigil mo yan."

Nag puppy eyes ako. "Sleep with me."

"Next time," she tapped my cheeks.

"Why not now?"

"Kasi alam kong mapapagod ako at mawawalan ng ganang pumasok sa opisina bukas at hindi pwede yun, madami akong gagawin at aasikasuhin."

Sumimangot ako saka inalis ang kamay ko loob ng panty niya.

Inabot ni Maureen ang tissue at siya na mismo ang nag-punas sa basang daliri ko.

"By the way, bantayan mo yung phone mo. May tatawag sayo bukas na staff galing Lexus."

"Ha, Lexus?"

"Yeah." she answered.

"Diba car company yun?"

"Exactly, a car and i bought you one." bumalik yung mataray niyang anyo. "Subukan mong sumakay ulit sa ibang kotse at bibitayin na talaga kita."

Once again, i'm stunned. "Seryoso ka ba dyan?"

"Kailan pa ako nagjoke ha, Abi?"

Napatitig ako sa kanya. Grabe....

"Well anyways." she throw the tissue on the trashbin and wrap her arms around my neck. "Magiging busy ulit ako next week and i won't be able to call you or visit you, hiling ko lang sana mag-behave ka."

"Behave naman ako ah."

"So kaya pala may tinulongan kang babae kanina at nakisakay sa kotse niya ganon?" she sound sarcastic.

"Nag-explain na'ko sa dahilan ko diba?"

Pina-ikot ulit ni Maureen ang mga mata niya. "I still hate it."

I raised my right hand na para bang nanunumpa. "Sayo lang ako uuwi." kahit walang tayo.

Maureen smiled in satisfaction before tapping my head. "That's my little puppy."

woof, bark, aw2x, awooo!!!!

Matamis ko siyang nginingitian bago niya ako hinalikan sa labi at nag-paalam. 



••••••🌈••••••

Sweet Surrender: Side Story 3 is already published, go check it out (Yen and Vaughn's story)

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
630K 23.1K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
63.2K 3.8K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1M 32.7K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...