CHAPTER 1
SHIANNA
"Hi ate!" mahigpit na yakap ang sumalubong kay mommy nang tuluyang bumukas ang pintuan ng malalaking Bahay nina Tita at kuya Carlo.
Habang nagyayakapan sila. Ako naman ay pinagmasdan lang ang dalawa na parang halos isang dekadang hindi nagkita.
Ang tagal nilang humiwalay sa pagkakayakap ah. Aabutin yata kami ng linggo dito. Tssk!
Si Mommy ang unang humiwalay sa pagkakayakap nila ni Tita at sabay silang tumingin sakin.
"Hija! how are you? ang laki mo na Shiana. Dalagang-dalaga ka na at sobrang ganda mo pa Hija." puri ni Tita sa'kin na di parin mawala ang ngiti sa labi na nakadagdag ng kaniyang kagandahan.
42 na si Tita Sandra pero di parin kumukupas ang kagandahan niya. In fact, habang tumatanda mas lalo pa siyang gumaganda at parang Isang dyosa.
"Thankyou Tita, I'm fine and doing well naman po." nakikita ko sa peripheral vision ko, Mommy shook her head and I just ignore her reaction.
Anong gusto niyang isagot ko kay Tita? na sa likod ng maamo kung mukha ay isa pala akong basagulera? Tssk.
"Are you sure Hija? your mom told me about your actions in your school." agad namang nawala ang matamis na ngiti sa labi ko nang sinabi yun ni Tita.
Kinukwento na pala ni Mommy sa kaniya yung mga ginagawa ko sa school namin.
Ilan na ba Naging school ko? kada taon paglipat lipat ako ng school dahil sa pagiging basagulera ko.
Natural sasabihin talaga yun ni Mommy kay Tita Sandra. Dito niya ako papatirahin sa bahay ni Tita eh.Malamang magkukwento talaga siya.
"Pasok muna tayo sa loob,dun Tayo mag-uusap" sabi ni Tita sa'min kaya agad naman kaming pumasok sa loob ng kabahayan. Napakalaki talaga ng Bahay ni Tita, halatang mayaman talaga siya.
Malaki rin naman ang bahay namin ni Mama pero simple lang siya,kumbaga kakasya saming dalawa at sa mga taong naninilbihan sa bahay.
"Upo muna kayo ate. Tatawagan ko muna si Zander, nako yung batang yun,buong gabing babad sa kaniyang reviewer. Napakasipag talagang bata." lumingon ako kay mama at sobrang liwanag ng mukha niya saka sumilay ang isang napakalaking ngiti sa mga labi nito.
Buti pa si Zander, proud na proud si Mama sa kaniya. Samantalang ako?hays pasakit lang sa buhay ni Mama.
I left a heavy sigh at tumingin kay Tita.
"Tita?" tawag ko sa atensyon niya kaya naman ay lumingon ito agad sa'kin.
"What is it Hija?"
Tumingin muna ako kay Mommy at binalik ang tingin ko kay Tita.
"Pwede po bang lumabas saglit? magpapahangin lang po Sana ako..."
Please Tita pumayag ka. Ayokong marinig kong ano man ang pag-uusapan ninyo ni Mommy...
"Sure! why not. Basta mag-ingat ka ha?"
I just smile and looked at mommy.Nginitian ko rin siya and she just shook her head. Tumingin ako ulit kay Tita at nginitian siya ulit.
"Thankyou po Tita"
"You're welcome..." she replied.
Dali-dali akong tumayo at lumabas ng Bahay.
HABANG naglalakad ako, kinapa ko yung phone sa sling bag na itim para mag facebook. Baka may message narin sakin si Ivan.
Ivan Lee Villarin, my boy Bestfriend and my long time crush too. Siya lang ang kaibigan ko sa school namin at kauna-unahang naging kaibigan ko Kasi honestly? wala naman akong kaibigan. 'Yong iba they always bully me, yung iba naman natatakot dahil sa personality ko na mahilig pumasok sa kahit ano mang gulo.
As I opened my Facebook, bumungad ang message ni Ivan sakin,Nangunguna pa nga eh.
Andami naman nito, 20+ messages.Tssk, miss naman ako kaagad ng mokong na'to...
Ivan Lee Villarin
Active now•
:Hey
:Yah!
:Shianna!
:Aish! Can you please reply me at least one word?
:Shianna Madrigal! I warned you! wag kang pumasok sa ano mang gulo!
:Shianna I'm pissed right now!
"Hala siya! sobrang OA ah, anong gusto niya? na magrereply yung phone basta-basta? abnormal talaga.Tssk!"
Nagtipa lang ako sa keyboard at nireplayan si Ivan, kung makapag-alala feeling boyfriend ang isang 'to eh.
Shianna Madrigal
Active Now•
:Gagi ka ba? tinadtad mo na ako ng chats ah!
:Ang atat mo naman. Kita mo namang hindi online yung tao eh.
Ivan Lee is Typing•••
Ivan Lee Villarin
Active Now•
:Sino ba namang hindi mag-aalala huh? ang tagal mong magreply sa chats ko.
:Sira na nga ata tong keyboard ko kakatipa eh...
Shianna Madrigal
Active Now•
:Sorry na po sir noh? kung napagod ka kakatype jan sa phone mo🙄kasalanan ko pa pala..HAHHAHAHAHA nakakatawa ka eh noh? tsaka tumigil ka nga! h'wag kang OA!andito lang naman kami ni Mommy sa Bahay nina kuya Carlo at Tita.
Ivan Lee Villarin
Active 2 minutes ago•••
"Aba! tignan mo'to!iniwan ba naman ako! for sure Inoff niya active status niya! Tssk! may susuyuin ka na naman bukas Shianna, haayst" sabi ko sa sarili ko while titig na titig sa phone. I off my phone at binalik iyon sa aking sling bag. Sakto namang pag-angat ko ng aking tingin ay mapasubsob ako sa malamig na semento ng kalsada dahil sa walang hiyang bumangga sakin.
"Wtf? t4ng1na!" tumayo ako at pinagpag ang mga duming dumikit sa suot ko na dress. Klarong klaro pa naman 'to dahil color white ang pinasuot sakin ni Mommy na dress.
Pagkatapos kung pagpagan ang aking damit ay inangat ko ang aking tingin and looked the person who bumped me.
"Hoy! G*go ka ba? Hah? Kita mong may tao ah! tapos babangain mo?t4ng4 ka ba?" singhal ko sa kaniya.
Medyo hindi ko mafigure-out yung mukha niya dahil Nakasuot ito ng itim na mask at itim na sombrero,naka itim rin ito na jeans at itim na jacket. Tanging ang kaniyang mata lang ang aking nakikita. May pagkachinito siya at makapal ang Kilay. Parang si Andrea Brillantes lang.
Gagi! magnanakaw ba'to? did just a theif bumped me? baka modus lang niya na banggain ako para makuha ang bag ko!
Hinigpitan ko ang paghawak ng sling bag ko para kung sakaling may nakawang mangyayari ay maproteksyonan ko yung bag ko, andito pa naman yung phone at iba ko pang importanteng gamit.
"Hoy ikaw!" duro ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon. "For sure you're a theif! how could a theif entered in this 5 star subdivision huh? ano ba namang mga security rito!hindi binabantayan ng maayos ang subdivision!" kabado kong sabi.Kinapa ko ulit ang phone ko sa aking sling bag para sana tumawag ng pulis na may makapasok rito na magnanakaw sa subdivision nang biglang nagsalita ang lalaki nasa harapan ko.
"Do I look like a theif?" walang emosyon niyang sambit.
Sheeeet! ang ganda ng Boses niya, baritong-barito...
"E-Eh k-kung g-ganun. Kung h-hindi ka magnanakaw! bakit ganyan ang suot mo? tapos binangga mo pa ako!" depensa ko.
"Ano bang pakialam mo kung ganito ang suot ko? And I apologize if I bumped you.I thought you're wall." sabi niya at tumingin sa dibdib ko, tinakpan ko yung dibdib ko at sinamaan siya ng tingin.
"G4go ka ah! Hindi ako Flat! tangina ka!"
Lumingon siya sa paligid at tumingin ulit sakin.
"You know what? woman in a white dress? or kung sino ka man? you're just waisting my time." magsasalita pa sana ako pero umalis na siya. Di ko man naramdaman na naglakad na pala siya. Gagi flash ba siya? ambilis ah.
Pero di ko talaga malilimutan ang sinabi niya flat ako!hindi ako flat!
Tangi kong naisip at tinignan ang dibdib ko.
Hindi naman ako Flat ah?
Tangina niya! kapag talaga magkita kami ulit! babasagin ko yung bayag niya! I swear!
Naglakad nalang ako na nakasimangot at wala nang ganang magpahangin pa kaya I decided na bumalik nalang sa mansion.
|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]