DARK SECTION

By MsDzayr

1.4M 57.1K 22.1K

Luna Amora Velasquez, a fifteen-year-old girl who promised her late parents that she would do better in her s... More

DARK SECTION
PROLOGUE
1: Black Panthers Gang
2: West Star High School
3: Dark Helios Gutierrez (Deth)
4: Second Encounter
5: Recklessness
6: Punishment
7: Threat
8: Jealousy
9: Leo Zennor Trinidad
10: Plan
11: Worn Out
12: Betrayed
13: Alexus Dreyar Vargas
14: Confused
15: Cared for Luna
16: Brother's Dispute
17: Bloody Battle
18: Knoxx Chase Vasquez
19: Sky Arc Gang
20: Breathe Out
21: Real Status
22: Good
23: Be prepared
24: Mini Pajama Party
25: Surprise
26: Hellcome
27: First
28: Vincent's Limitation
29: Dark Cell
30: Hard-headed
31: Sorry
32: First Mission
33 : Mission Accomplished
34: Kaiser's Past
35: Denver's Birthday
36: Sleepyhead
37: Ride
38: Clueless
39: Kiss
40: Friendship
41: Date
42: Test
43: Mission Accomplished
44: School Event (Part 1)
45: School Event (Part 2)
46: School Event (Part 3)
47: Smile
48: Confrontation
49: Uninvited
50: Family
51: Abducted
52: Panty
53: Operation
54: Bicol
55: Tricky
56: Tag Along
57: Mountain
58: Rain
59: Pageant
60: Punishment Accepted
61: Three Kisses
63: Lies
64: Online Selling
65: Excuse
66: Brother's Love
67: Alamat Ng Halamang Tanga
68: Sunset
Epilogue
69: Trespassed
70: Denied
71: In between
72: D-Section
73: The Battle of the Worst Sections
DARK SECTION CLASS LIST (UPDATED)
šŸ“¢

62: Textmate

12.4K 534 235
By MsDzayr

| TEXTMATE |

DETH'S P. O. V

I remain seated. Hindi ko na siya hinabol matapos ng ginawa ko sa kaniya. Nanatili rin ang mga mata ko sa dagat na may reflection ng buwan. Napailing-iling na lang ako nang maalala ulit ang pinag-usapan namin kanina.

Flashback...

"Oh, Steven!" sigaw ni Chaos na katabi ko. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya at nakita si Steven na may hawak na mga bato. Tumakbo papunta sa kaniya ang tsismoso. Sumunod naman ako.

"Ang gaganda, ha!" puri ni Chaos sa mga hawak ni Steven na mga bato na may iba't ibang hugis.

"Nag-iipon ako ng mga bato sa tuwing napunta sa beach. Napansin ko kanina ang daming mga kakaibang hugis na bato rito. Ngayon lang nagkatime," sabi niya saka muling yumuko at kumuha pa ng mga bato.

"Buti hindi ka na natatakot kay Deth?" tanong nito nang makatayo siya nang diretso.

Natawa si Chaos. "Nasa tabing-dagat si Luna kasama sina Sander, Wolf, at ang iba pa."

Si Luna nasa tabing-dagat? Nanlaki ang mga mata ko. Dali-dali ko silang tinalikuran.

"Deth..."

Bago pa man din ako makahakbang, narinig ko na ang pagtawag sa akin ni Steven kaya nilingon ko siya.

"Kasama pa ba 'tong mga ginagawa mo sa plano? Sabi mo tinatamad kang bumyahe pero no'ng sinabi nila na nakita nila si Luna rito, bumyahe ka. Sumama ka pa sa kaniya ro'n sa tinutuluyan nila. Tapos ito... umaakto ka sa gusto niya."

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya. Ang tanging napasok lang sa isip ko ay si Luna na nasa tabing-dagat tapos nabanggit pa ang pangalan ni Sander na takot sa malalim na tubig. Knowing how Wolf and others' mind work, pagtri-tripan nila si Sander na takot sa lalim. At makikialam na naman ang babaeng 'yun panigurado. Tangina, bakit pa kasi sumama si Luna?! Baka mapaano siya sa mga kasama niyang 'yon.

"Plano? Ano'ng plano? Hindi kita maintindihan," sabi ko. I slightly tilted my head when they looked at each other. Sila lang pala nagkakaintindihan, eh 'di sana sila na lang nag-usap. Napailing ako at natatarantang tinalikuran silang dalawa at tumakbo.

"Putangina," mura ko nang makitang nasa lalim na ng dagat ang mga gago at pinagtri-tripan si Sander habang nasa likod lang nila si Luna na nanonood. Mukhang marunong siyang lumangoy, nevertheless, hindi siya dapat napunta sa lalim nang walang kasamang matinong tao. Eh kahit nga ang pinakamagaling pang lumangoy, napapahamak dahil sa mga taong nasa paligid nila, siya pa kaya?

"Deth!"

Nakaapak na ako sa tubig nang mapahinto ulit ako dahil sa sigaw ni Steven. Galit ko silang nilingon. Nakasunod na pala sila sa akin. Lumapit sa akin si Chaos.

"He's talking about using Luna."

"T-Teka, gamitin saan?" naguguluhan kong tanong. Tangina, plano? Gamitin? Nilingon ko ulit sina Luna. Nakita ko ang panic at galit sa mukha ni Luna. Hindi ko na rin makita ang limang mga gago.

"Blue. So... you really dump the idea of using Luna to get Blue?" unti-unting humina sa pandinig ko ang tinanong ni Chaos dahil bago pa man din niya matapos ang tanong, tinakbo ko na ang distansya namin nina Luna.

Kahit na hindi ko narinig lahat ng sinabi niya, palagay ko alam ko na ang tinutukoy nilang plano dahil malinaw kong narinig ang pangalang 'Blue'.

How could I forget about that plan? How could I forget to ride with their emotions as there is still part of them who wants to believe that the reason for being like this to Luna is all because of that plan?

End of the flashback...

I consider Luna not as a threat in my section, but rather a threat to my heart. That's the fact. Who would've thought that someone like me who decided to only look at one woman, Elisse, for the rest of my life started to feel jealous that I shouldn't have felt dahil kahit na hiwalay na kami ni Elisse, alam kong siya dapat ang dahilan kung bakit ako nababaliw at hindi ibang babae.

But the time came when I realized na hindi gano'n kalalim ang nararamdaman ko for Elisse. My love is too shallow for her that is why as soon as I laid my eyes on Luna, I became interested in her na para bang nakita ko na siya dati or she looks familiar kaya madali lang nag-grow ang feelings ko for her. Steven was right. I did love Elisse. Tama rin siya na nasasayang ako sa mga panahong nagkasama kami ni Elisse and I only loved her because I loved the person I met before. Her old self. Elisse being Lucy. I was just kind of guilty to admit all of that... that I was a jerk for including Elisse sa sobrang mess up kong feelings and thoughts.

Pero kahit inaacknowledge ko na may gusto na ako kay Luna, I still want to get revenge not because they hurt Elisse who was my girlfriend but because they hurt my friends. Elisse and Kian I mean.

Luna enlightened my mind and heart unconsciously. Kung hindi siya dumating sa buhay ko, hindi ko pakikinggan sina Steven at hindi talaga ako mapapaisip sa nararamdaman ko para kay Elisse. Kung hindi siya dumating sa buhay ko, malamang ipaglalaban ko si Elisse at kung magpatuloy kami, masasaktan ko pa siya nang mas grabe sa dinadanas niya ngayon sa oras ba ma-realize ko ang tunay kong nararamdaman for her.

Itinago ko 'to sa sarili ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Bago pa ang plano, alam kong may nararamdaman na ako para sa kaniya. May parte pa rin sa akin ang nagiging in denial sa nararamdaman ko para sa kaniya because I find it impossible na ma-love at first sight ako sa ibang babae. I used that plan as an excuse para mapalapit kay Luna nang hindi gumagawa ng ingay... ingay ng mga gunggong. If they are asking me if I really don't have feelings for Luna, I always deny my feelings for her. Knowing those stupids, kung sinabi ko sa kanila na gusto ko si Luna at kahit ipag-utos kong tumahimik sila tungkol dito, sigurado akong may gagawin at sasabihin sila would make Luna awkward, embarrass, and fucking creep out.

Sa lahat ng pinakita ko kay Luna at lahat ng sweet gestures na ginawa ko, walang peke roon. Lahat 'yun totoo. Kahit pa tamaan ako ng kidlat ngayon. Sa tuwing may ginagawa ako sa kaniya o para sa kaniya, hindi ko naiisip ang plano na gamitin siya dahil unang-una pa lang alam kong excuse lang 'yun.

Matagal na akong sigurado that I love that feisty woman, and I will make her mine if the right time comes.

As for my problem with Blue, tuloy pa rin 'yun dahil 'yun naman talaga ang unang plano naming, ang balikan ang Blackwing Gang but this has nothing to do with Luna.

"Dethia, tawag ka na nila! May drama pa tayo!"

Damn it! What kind of name is that?!

Mariing ipinikit ko ang mga mata ko. For Luna. Huminga ako nang malalim saka ko iminulat ang mga mata ko at nilingon si Rance at kumaway-kaway. "Coming hottie babybabe!"

"Tumitindig-balahibo ko sa'yo, Deth, please lang!" Sigaw ni Rance saka kumaripas ng takbo.

Matapos lang 'tong punishment na 'to, I'll make them pay.

LUNA'S P. O. V

NAKAKAINIS! Nasa tabi ko si kamatayan at parang walang nangyari at napakakalmado niya! Hindi ko alam kung bakit! Dahil ba sa tapos na ang punishment niya?! Paano ba naman kasi gumawa pa sila ng script na halos isang oras tapos nilayasan pa sila ni Kamatayan dahil sa tagal kaya ayan malamang hindi na siya ang bida. Tapos na 'yung punishment niya, e.

Ako lang ba 'tong sobrang naapektuhan sa ginawa niya?! Tangina! Tapos parang may kung ano sa tiyan ko habang magkadikit ang labi namin kanina! Tingin ko kinabagan ako dahil sa paghalik niya!

"Luna, don't think about what happened earlier. Just enjoy this night with these idiots," mahinang sabi niya habang nakatingin sa mga gunggong na nagwre-wrestling na sa buhanginan.

"B-bitaw na wolf! 'Yung kamay ko g-gago!" Sigaw ni Zai habang nahampas sa buhangin ang isa niyang kamay. Nakadapa kasi siya habang si Wolf naman ay nasa ibabaw niya, nakapatong ang tuhod sa likod niya at hawak-hawak ang braso niya.

"Sabihin mo muna please master," natatawang sabi ni Wolf na lalong dinidiinan ang braso nito sa likod. "Gago ka-Ahhhh! Oo na! Oo na! Tangina mo tala-Ahh!Oo, p-please master!"

Kumunot ang noo ni Wolf. "Please ano?"

"B-bitaw please na, master," hirap na hirap na sabi ni Zai.

Huh?

Natatawang binitawan ni Wolf si Zai saka pabagsak na naupo sa gilid.

"Sasali raw si Denver!" Masayang sigaw ni Tev habang hila-hila si Denver na mukhang tamad na tamad. Magulo rin ang buhok niya at hindi pa talaga nakamulat ang mga mata na halatang kagagaling lang sa tulog.

"Ano'ng role niya?" Tanong ko.

"Matutulog lang sa gilid."

"Shutangina! Lilipat lang siya ng pwesto, e!" Sigaw ko dahilan para matawa ang iba. 

Nakapila na sina Tev, Rance, Stella, Sander, Vincent, Wolf, Zairus, at Denver. Wala sina Warren at Luci dahil maagang natulog ang mga loko. Masakit daw ang ulo ni Luci habang si Warren naman ay masakit ang ngipin na mukhang nakatulog dahil sa sakit.

Lahat ng mga nakatayo ay nakatingin sa katabi kong si kamatayan na mukhang wala yatang balak tumayo at sumali.

"Deth, tayo na!"

"Not gonna happen unless Luna will ask me to stand up," walang buhay niyang sabi. Tapusin ko kaya ang buhay niya? Imagine, napatay ko si kamatayan? 

Hindi ko nga siya pinapansin dahil sa nangyari kanina tapos maggaganito siya?! Kulang ba talaga siya sa pansin?

"Robot ka ba at hawak ni Luna ang remote?" kunot-nuong tanong ni Sander.

Nagkibit-balikat lang si Deth saka hinarap si Ced na naglalaro ng rubics cube. "Galing mo na, Ced, ah."

"Tinuruan niyo po ako at ni Kuya Zai, e," nakangiting sabi ni Ced. Nagbaba ako ng tingin sa nilalaro kong buhangin.

"Luna," may diing tawag ni Stella sa akin. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin, ramdam ko ang tingin sa akin ng lahat.

Seryosong nilingon ko siya. "Deth, tayo na."

"Fine."

Napairap ako nang sumagot siya pero unti-uting napakunot ako ng noo ko dahil hindi pa rin siya tumatayo,

"Deth, bakit hindi ka pa natayo?" Tanong ni Sander.

"Bakit naman ako tatayo?" Masungit niyang tanong kaya napatanga na lang kaming lahat sa kaniya.

"Sabi mo kaya fine!" Sigaw naman ni Rance.

"D-don't tell me akala mo kayo na, Deth?" nauutal na tanong ni Vincent kaya nagtatakang napatingin ako kay Deth. Nakakunot ang noo at marahang hinihilot ang batok niya na napatingin kay Vincent. "Hindi ba?"

Nanlaki ang mga mata ko. Akma kong susuntukin ang braso niya nang nakangiting balingan niya ako ng tingin at sunod na ibaling ang tingin kay Ced. Kinagat ko ang nakakuyom kong kamay sa sobrang gigil. This guy is unbelievable! 

"Hindi ganun ang ibigsabihin ko!" kalmadong sabi ko.

"A-ah hindi ba?" Natatawang tumayo siya saka ako kinindatan. "Just kidding, Luna."

Tangina nito! Nang-aasar talaga!

Nasa harap na silang lahat at nasa unahan si Rance na kunwari ay may hawak na mic pero wala naman talaga. Wala kaming idea sa plano o takbo ng story nila kaya sana matino pero tiningnan ako ni Chaos at itinuro si Ced. Hindi ko alam kung bakit at paano ko siya naintindihan pero malakas ang pakiramdam ko na gusto niyang takpan ko ang tenga ni Ced na ginawa ko naman.

Tinanggal ko saglit ang kamay ko sa tenga niya. "Takpan ko muna, Ced, ha? Laro ka lang diyan."

Tumango naman siya saka nagpatuloy sa paglalaro ng rubics cube niya kaya muli kong tinakpan ulit ang tenga niya.

Tumikhim si Rance saka pumalapak. "Today, you will all witness the dark students' talents when it comes to acting. Ang drama na ito ay pinamagatang Captured By Me directed by Zairus and Rance. Strikto ako at patnubay at gabay nating lahat ang kailangan. Maaaring may kakyutang tema, nakakalokong lengguwahe, nakakagwapong karanasan, horror awuuuu, o droga na ikinaadik ko sa'yo na hindi angkop sa mga pangit." Yumuko siya saka sila nagsipagpwesto.

"Tanginang simula 'yan!" Sigaw ni Xenor. "Parang kwento niyo, walang kwenta panigurado."

"Simula pa lang nakakatangina na!" Sigaw naman ni Gavin.

"Bashers bashers!" sigaw pabalik ni Rance na tinataboy ang dalawa sa pamamagitan ng mga kamay niya.

Hiwa-hiwalay sila habang si Denver naman ay nahiga na sa gilid at natulog. May best actor na.

"Babe, what do you want?" Tanong ni Zairus kay Stella habang nakaakbay dito. Naglalakad-lakad lang silang dalawa. "I want some juice."

Ngumiti si Zairus saka lumapit kay Sander na palagay ko ay tindero ng juice dahil para siyang nagbubugaw ng langaw gamit ang towel niya. "Ano ho 'yun, sir?"

"Isa ngang lemon juice," sabi ni Zai saka tumango. Tumalikod si Sander at bahagyang naupo. Kumunot ang noo ko nang natagalan ito. Nang tumayo siya at humarap ay may hawak na itong plastic cup na may lamang buhangin saka inabot kay Zai. "Eto ho, sir. Made from tender love and care with safeguard."

Pekeng ngumiti si Zai na may patango-tango pa. "Hayop ka talaga."

"S-sir?" Natatawang tawag ni Sander.

"Eto kako bayad ko."

Nakangiting inilahad ni Sander ang kamay niya habang nakapikit pa ang mga mata. Mukhang pera talaga. Nakangiting nilagyan ni Zai ng buhangin ang kamay niya na galing sa ibinigay na buhangin ni Sander saka ito ang inabot sa kamay ni Sander. "Keep the change."

"Baka mamatay muna siya bago niya mabilang 'yan." Kumento ni Xenor saka tumayo at pumasok sa loob ng tent.

Nang magmulat ng mga mata si Sander ay itinapon niya ito. "Gago ka talaga kahit kailan, Zai!"

"Wala sa script!" Maarteng sigaw ni Eunice. Siya kasi ang nagreview ng script na ginawa ng mga gunggong.

Magkakagrupong naglalakad sina Tev, Wolf, Vincent, at Deth na nagkakasiyahan. Pinagtritripan nila si Wolf na panay ang agaw sa hawak nilang bola. Kung titingnan, makakasalubong nila sina Zai at Stella na busy sa pagtingin sa paligid.

Hinila ni Zai papalayo si Stella dahilan para hindi sila magkasalubong nina Wolf. Kumunot ang noo nina Vincent sa ginawa ni Zai at lumapit kay Zai. Pagkalapit nila ay walang ano-ano na itinulak si Wolf dahilan para masubsob siya kay Zai.

D-Don't tell me Bl 'to?

Kunot-nuong nilingon ko si Eunice na mukhang alam na titingnan ko siya dahil nagtama ang mga mata namin. Nagkibit-balikat lang siya.

"A-Ah, sorry." Mabilis na umalis sa pangungumibabaw si Wolf. Nagsitawanan naman sina Rance.

"Ayiiiiieee!" Nagtutulakan sina Tev at Rance na parang mga tanga lang na kinikilig kina Zai at Wolf na nakaiwas ang mga tingin at namumula ang mga mukha.

"Hoy, gago! Nandiyan 'yung girlfriend!" Paalala ni Tev.

Kumunot ang noo ko nang tumalikod si Zai at lumapit sa kaniya si Stella. May ginawa si Stella sa mukha nito at nang humarap si Zai, dun na ako natawa nang makita siyang may nagkalat na lipstick sa pisngi. Blush on na pang mabilisan!

"Tangina!" Sigaw ni Deth na napahawak pa sa balikat si Steven. Sapo-sapo niya ang tiyan niya habang natawa.

Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganiyan. His laugh is too much for me to take dahil nakangiti na rin ako at 'yung puso ko ay naghaharumentado na naman na akala mo wala ng bukas.

"Mali naman story title niyo! Dapat sa ngalan ng pag-ibig, handang mga magpakatanga, eh!" Sigaw ni Chaos na lumabas na ng tent. "Good luck sa dignidad niyo Zai at Wolf!"

Si Zai ay mukhang napilitan dito dahil kay Stella at mukhang si Eunice naman ang nakapagpapayag kay Wolf.

Matalim na tiningnan ng dalawa si Chaos dahilan para humagalpak siya. "Tang'nang mga mukha 'yan! Nangangamatis, hayop!" Tumabi pa siya kay Storm na nakalukot na ang mukha habang nakatingin kay Chaos. 

"May nasinghot ka na naman ba? O baka nakipag-chat ka na naman sa isa sa tatlo mong ka-chat?"

Umiling-iling si Chaos at inakbayan ang kaibigan. "Mali ka, Storm. Kausap ko silang lahat."

"Wow, nagbabalik loob na ang totoong chickboy, ha!" Sigaw ni Wolf saka inakbayan si Deth.

"Gago ka, Wolf! Ikaw pa rin ang mas grabe!"

Hindi na ako nagulat na malamang babaero rin si Chaos dahil 'yun ang una ko sa kaniyang impression kaya nga napagbintangan ko siya no'n, e though lumabas na assuming ako pero ayos lang.

"Kung itinuloy niyo na 'yung drama niyo," sabad ni River. Nanonood pala siya? Akala ko nagbabasa na naman, e.

"Game ulit!" Sigaw ni Vincent kaya bumalik sila ulit lahat sa mga pwesto nila.

Kumunot ang noo ko nang biglang maglahad ng kamay si Wolf. Ganun din si Deth na nakakunot ang noo at nagtataka sa pinaggagawa ng mga gunggong sa harap niya.

"A-Ah, hi. What's your name?" Nahihiyang tanong ni Wolf. Para siyang tanga!

Tuluyang binitawan ng isang kamay ni Zai ang braso ni Stella saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Wolf. "Zairus but you can call me babe."

"I am Archer. Yeah, I'll call you babe and you will call me mahal. How about that?" Tanong nito saka kumindat. Para namang tangang hinila niya si Zai saka inakbayan.

Pinunasan ni Zai ang pisngi niya na may pulang lipstick at kinalat para mag mukhang nag-ba-blush siya. "Yes, mahal."

Tangina?!

"The end!" Sigaw ni Rance na tumalon at inakbayan pa sina Vincent at Deth na hindi maipaliwanag ang mga mukha.

"What the hell just happened? W-why instead Wolf and Ste-" Naguguluhang tanong ni Deth na 'di kalaunan ay biglang dumilim ang mukha. "What's the relation between the title of this fucking drama to the acting we just did?"

Inilagay ni Tev ang kamay niya sa baba niya na animoy nag-iisip at nakatingin pa sa taas. Kumikinang ang mga mata niyang tiningnan si Deth nang maisip niya na ang sagot. "Hindi ko alam. Sila Rance ang nagsuggest niyan."

"This is the worthless drama I have ever seen in my whole fucking life." Kumento ni River dahilan para mapatango sina Leo, Gavin, Storm habang nakatulala sa kanila.

Matapos ng walang kwentang drama ay nagharutan lang saglit ang mga gunggong at isa-isa na kaming natulog. Yes, natulog kami kahit alas siyete pa lang. Well, lahat naman kasi ay nagsabing busog na. Si Ced lang ang kumain dahil sinabihan ko siyang kumain bago matulog.

Katabi ko sa Ced na mahimbing na ang tulog. Siya lang ang kasama ko sa tent. Gusto sana ni Tev tumabi kaso pinigilan siya ni Deth dahil baka maglikot daw ito at magising si Ced kaya hindi na nagpumilit si Tev.

Nakatanggap din ako ng text na baka sa susunod pa raw na araw kami masusundo ni Lucas dahil ang daming pinagagawa sa kaniya nina Tita. Si Raiven naman daw ay nalalapit nang magpakamatay dahil sa pagkaburyo sa bahay nila. Grounded daw dahil sa pagtakas.

Sinubukan ko na ring ipikit ang mga mata ko at dahil sa pagod ay madali akong nilamon ng antok.

NAGISING ako nang makaramdam ako ng lamig. Nang imulat ko ang mga mata ko ay wala pala akong kumot. Naupo ako saka inabot sa paanan ni Ced ang kumot. Hihiga na sana ako nang may anino ng tao akong nakita. Kunot-noo kong binuksan ang tent saka ako lumabas.

"Sasama kami. Tatawagan ko rin sina mommy para tumulong." Dinig kong sabi ni Wolf na ikinatango ni Zai. "Ako rin tutulong."

Marahas na bumuntong-hininga si Deth. "Fine. Samahan niyo si Storm. I'll ask my tito to help finding your lola."

"Thank you sa inyo," nakangiting sabi ni Storm pero bakas sa mga mukha niya ang pag-aalala.

"Ano'ng meron?" Tanong ko saka ako naglakad papalapit sa kanila. Nakuha ko ang atensyon nila.

"Nawawala 'yung lola ni Storm kahapon pa raw pero ngayon lang ipinaalam sa kaniya kasi akala nila mahahanap agad nila si lola. Tumawag din si Mr. Sarmiento at may misyong pinagagawa pero bukas pa namang gabi kaya mauuna muna kami sa inyo sa pagluwas para samahan si Storm dahil hindi 'to mapapakali hangga't hindi nahahanap ang lola niya. Tutulong na rin kami sa paghahanap kay lola." Paliwanag ni Zai.

Hindi na ako nagulat sa misyon dahil nasabi sa amin ni Deth na kahit nasa bakasyon kami ay p'wedeng ipatawag kami ng ama niya para sa isang misyon.

Kumunot ang noo ko saka itinali ang buhok ko. "Teka, bakit kailangan niyong mauna? Sasama ako. Tutulong din ako sa paghahanap."

"Kami rin!"

Nilingon namin ang pinanggalingan ng sigaw. Nanlaki ang mga mata ko nang isa-isang nagsilabas ang gunggong sa mga tent nila.

"Yeah. Good morning." Bati ni Denver dahilan para malakas siyang hampasin sa braso ni Rance. "Gago! Hindi pa umaga!"

"Ano'ng meron?" Tanong naman ni Gab na nagkukusot pa ng mga mata.

"Ang iingay niyo naman," nagrereklamong sabi ni Leo na magkasalubong ang kilay pero nakapikit pa rin ang mga mata.

"Hindi niyo ba gustong magpatulog?" Iritadong tanong ni Gavin.

"What's happening?" Naguguluhang tanong ni Warren na sinundan naman ni Knoxx. "Nagutom ba kayong lahat?"

"May handaan ba?" Tanong naman ni Tev habang naglilibot ng tingin.

Nailing-iling na lang si Wolf. "We have a mission. Tumawag si Mr. Sarmiento though bukas pa namang gabi 'yun pero may mas malaki tayong problema."

"Ano pa'ng mas malaking problema natin?" Tanong naman ni Vincent na sinusuklay ang buhok gamit ang kamay.

"Nawawala ang lola ni Storm."

"Mas malaki ngang problema," mabilis na sabi ni Gab. "Tara na. Magligpit na tayo."

"We'll fix our things," sabi ni Stella saka kami tinalikuran at bumalik sa tent nila ni Eunice.

NASA bus na kami at halos dalawang oras na kaming nagbabyahe. May mga nakilos na rin habang wala pa kami roon. Ang mommy ni Wolf na isang pulis na may mataas na ranggo at ang tito ni Deth ang mga tumutulong sa paghahanap ngayon.

Tulog ang lahat sa bus kasama na si Ced. Nasa pinakalikod kami ng bus. Nasa kaliwa ko si Ced at nakapatong ang ulo sa hita ko habang nasa kanan ko naman si kamatayan na ang himbing ng tulog. Nakahilig pa ang ulo sa balikat ko.

Nakailang subok na akong matulog pero walang nangyayari. Ito ang mahirap sa'kin, e. Kapag nagising na hirap na ulit makatulog.

Tumingin ako sa labas ng bintana at napangiti sa ganda ng tanawin pero napawi ito nang ibalik ko ang tingin sa loob ng bus at makita si Storm na diretsong nakatingin sa harap ng bus. Nasa gilid lang kasi naman siya, kahilera.

"Storm." Mahinang tawag ko sa kaniya pero mukhang hindi ako naririnig. Tinawag ko siyang muli pero gumalaw si Ced kaya tinapik-tapik ko muna ang braso nito bago muling tawagin si Storm na tumingin na.

Nakangiting tumango ako. "Magiging ayos din ang lahat."

Tipid naman siyang ngumiti saka ibinalik ang tingin sa harap. Marahas akong bumuntong-hininga saka ko isinandal ang ulo ko sa ulo ni Deth para naman may dulot ang ulo niyang nakihilig.

"LUNA, wake up."

Napamulat ako ng mga mata ko nang may marahang tumatapik sa braso ko. Nang magmulat ako, nanlaki ang mga mata ko nang nasa halos isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin ni Deth kaya naiinis na inuntog ko ang noo ko sa noo niya. "A-anong gagawin mo?"

"Ginigising ka," natatawang sagot niya.

"Teka! Nasaan si Ced?!" Sigaw ko saka mabilis na tumayo at hinagilap sa loob ng bus si Ced.

"Ate, I'm here po."

Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita siyang kalong-kalong ni Eunice at may spaghetti na hawak. "You're so.... praning, Luna."

Inirapan ko lang siya saka pabagsak na naupo sa upuan.

"I understand you."

Naguguluhang nilingon ko siya. "Huh?"

"Too woried about Ced's safety? Ganiyan din ako kay Lucky."

"Kumusta na nga pala si Lucky?"

Marahas siyang bumuntong-hininga saka mapait na ngumiti. "Kinuha ulit ng ama ko. Ng tunay naming ama. Well, wala namang pake sa amin si Lordwick. Sa pera at trabaho niya lang siya may pake."

"Eh 'di hindi mo na naman siya mabibisita?"

Malungkot siyang umiling.

"Matatapos din ang problema natin sa dalawa mong ama, Deth."

Tumayo siya saka nakangiting naglahad ng kamay. "Kain na tayo."

Nakangiting tinanggap ko ang kamay niya. We are in the same situation na may maliit kaming kapatid na pinoprotektahan at may magulong pamilya.

Sana na lang malagpasan namin 'tong dalawa.

Nagsimula na kaming kumain habang si Ced naman ay katatapos lang kumain. Kanina pa raw kasi siya gising nung naamoy niya 'yung spaghetti na binili nina Vincent sa Jollibee. Nagtake-out na lang para rito na lang sa bus kainin at tuloy-tuloy ang byahe.

Tumunog ang phone ni Deth kaya inabot niya sa akin ang pagkain niya saka tumayo at pumunta sa pinakalikod ng bus bago sagutin ang tawag.

"Kumusta ang paghahanap sa lola ni Storm?" Tanong ni Stella kay Wolf.

"May nakakita raw kay lola pero nung puntahan na nila roon sa itinurong lugar, tanging bag na lang ang ang nakita ng mga tauhan ni mommy at ayun sa tita ni Storm, bag daw ito ni lola."

"Eh nasaan na si lola?" Kunot-nuong tanong ko.

"Naghahanap pa rin sila kasama ang mga tauhan na ipinadala ng tito ni Deth," sagot ni Wolf saka kumagat ng chicken.

"Hindi ba nasabi ni Deth dati na ang tito niya ang kausap niya sa mga ganiyan?" Tanong ni Rance.

"Oo," sagot ni Zai na kauupo lang sa tabi ni Stella saka niya ito inabutan ng softdrinks.

"Kilala niyo ba kung sino 'yung tito niya?" Tanong naman ni Tev.

Umiling si Wolf na nasa kabilang upuan. "Kahit kaming mga kaibigan niya dati pa, hindi pa makikilala ang tito niyang 'yan. Hindi niya naman nakwe-kwento pero dati pa lang tuwing may misyon kami at nagkakaroon ng problema na kailangang solusyunan, lagi siyang humihingi ng tulong sa tito niya. Naisip nga namin na baka mas mayaman at makapagyarihan pa 'yun sa dalawa niyang ama, e."

"Speaking of his father, ano na naman kaya ibibigay na misyon nun?" Kunot-noong tanong ni Rance.

Natahimik kaming lahat. Malamang kung hindi niya kami uutusang pumatay, malamang may pasasabugin.

"Tito mo na ba 'yon? Ano nang balita?" Tanong ko nang makalapit siya sa amin kaya napatingin siya sa akin saka nginitian.

"She's safe, Storm," sabi niya kaya napatayo si Storm. Bigla na lang naiyak si Storm kaya nagkatinginan kami ni Deth.

"I'm glad she's safe. Kung may nangyari kay lola, I will blame myself. Hindi naman dapat ako kasama rito pero pinilit niya ako dahil minsan lang daw ako makasama sa inyo. Natatakot akong mawala sa akin si lola. Kahit matanda na siya at naiintindihan kong anytime p'wede na siyang kunin sa amin, ayoko pa ring iwan niya kami. Naiintindihan ko pero ayaw ko."

Lumapit sa kaniya si Wolf at umakbay. "Lola is safe now, Storm. No need to cry."

Sunod namang lumapit si Chaos saka umakbay din kay Storm. "Don't worry, man. Hindi mawawala sa'yo si lola. Hindi pa siya handang iwan ka, e."

Nakangiting tumayo si Zai. "Kaya nga! Hindi pa mamamatay 'yun si lola! Lakas lakas nun mambato ng walis, e. " Napailing-iling siya. "Hindi ko talaga malimutan nung binato niya ako ng walis kasi napagkamalam niya akong si Rance dahil magkamukha raw kami." Tumingin siya kay Rance at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. "Alam ko namang gwapo si Rance pero ang layo ng level ng handsomeness namin."

HInila ni Stella si Zairus dahilan para mapaupo ito. "Alam mo iniisip ko kung bakit ko ba sinagot ang isang katulad mo na bubura sa mundo sa sobrang kahanginan mo."

"Hala ka, Zairus! Nagdadalawang isip na si Stella! Halatang wala kayong future na dala-" Natigilan si Vincent nang matalim ang mga matang tinitigan siya ni Zai. "Tumahimik ka, Vincent!"

"Let's go, Ced. Play tayo sa likod." Binuhat ni Eunice si Ced saka sila nagpunta ng likod. Inalis naman ni Wolf ang kamay niya sa balikat ni Storm saka mabilis na pumunta kay Eunice.

"Ako lang ba nagtataka?" Tanong ni Sander habang nakain ng popcorn at napapantastikuhang nakatingin kina Eunice at Wolf sa likod.

"Na ano?" Pagtatakang tanong ni Stella.

"Babaero si Wolf. Hindi ba ginusto niya rin 'yung mga babae na 'yun? So, 'yung inaakto niya ngayon towards Eunice ay tulad lang din sa ibang babae niya?" Sunod-sunod na tanong ni Storm.

"Parang iba ang tingin niya kay Eunice kasi natotorpe ang gago, e." Natatawang sabi ni Chaos. Nagsalita ang isa pang babaero. Buti nalang si Zai kahit mayabang, halatang stick-to-one.

"Babaero na torpe? Ang weird pakinggan!" Naiiling na sigaw ni Xenor na kumportableng nakaupo at nanonood lang ng palabas sa TV.

Marahas na bumuntong-hininga si Vincent saka naupo sa upuan niya. "Oo! Hayaan na lang natin siya sa lovelife niya."

NANG matapos kaming kumain ay bumalik muli kami sa pagtulog. Nasa likod pa rin kami ni Ced nakapwesto. Tulog si Ced habang ako ay nakasuot ng earphones at nakikinig ng music ng One Direction.

Kumunot ang noo ko nang naglakad papalapit sa akin si Deth saka naupo ulit sa tabi ko. Inalis ko ang isang earphone sa tainga ko. Baka may sabihin.

"Ano? Gagawin mo na namang unan 'yung bali-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang kunin ang ulo ko at inihilig sa balikat niya. "Ang ingay mo masyado. Natutulog na ang kapatid mo kaya matulog ka na rin."

NAUNA naming inihatid si Storm sa bahay nila. Bumaba kaming lahat sa bus. Katulad ni Sander, ang simple rin ng bahay nila pero ramdam naming masasaya ang mga nakatira rito.

"Oh, mga apo. Musta bakasyon niyo?" Bungad sa amin ni lola nang makalabas siya ng pinto. Nilapitan siya ni Storm at inalalayan.

"Ayos lang po, lola! Ang saya po! Sa sunod po sama kayo, ha?" Masayang sabi ni Tev na ikinatawa ni lola. "Sige, sige, apo."

Tumingin siya kay Storm na nangingilid na ang luha sa mga mata. "Ikaw, apo? Ayos ka lang ba? Bakit naiiyak ang paborito kong apo?"

"Lola naman. Ako lang po ang nag-iisang apo niyo. Tsaka ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan. Saan ka po ba pumunta?"

"Naiwala ko 'yung kapares ibinigay mong hikaw."

Tiningnan kami ni Storm at umiling bago tingnan ang lola niya. "Lola naman, e. Kaya ko namang bilhan ka no'n ulit."

Tumango si lola at natawa. "Regalo mo sa'kin 'yun kaya dapat iniingatan."

"Tita, saan po kayo pupunta?" Tanong ni Storm sa babaeng kalalabas lang at may dalang-dalang malalaking bag pero mga walang laman.

"Mabuti nandito ka na, Nix. Maiwan ko muna kayo ni Nanay, ha? Kailangan ko kasing maghakot pa ng mga paninda natin sa tapat ng palengke dahil may nagkakalat na balita na baka dumating na naman ang mga parak naman ang mga parak. Naiwan ang tito mo para magbantay do'n. Kinulang kami ng bag kaya bumalik ako dito. Kailangan na talaga na'ting makaipon para magkaroon ng pwesto dun. Sige na. Alis na muna ako," nagmamadaling sabi ni Ate saka mabilis na umalis pero bigla itong huminto saka kami nilingon. "Kumain muna kayo sa loob mga anak."

Napangiti naman kaming lahat. May iilang tumango lalo na 'yung mga mukhang pagkain. Napangiti si Tita saka tuluyan ng umalis.

"Luna!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nagulat ako nang kotse ni Raiven ang makita ko.

"Sakay, dali!" Sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko nang may mga kotseng papalapit sa kotse niya.

Mabilis kong binitbit si Ced at nilingon sina Deth. "Deth, kunin ko na lang 'yung bag ko sa'yo mamaya. Kailangan na naming umalis."

Akma pa sana siyang lalapit nang mabilis na akong tumakbo at pumasok sa binuksan ni Raiven na pinto gamit ang paa niya. Hindi pa nga ako nakakapagseatbelt ay pinaharurot niya na kaya mahigpit akong ang napahawak sa hawakan at kay Ced. "Hindi pa kami nakakapagseatbelt!"

"Maabutan tayo!"

"Sino ba 'yung mga 'yun? Blackwing Gang o Red Shadow Gang?!" Sigaw ko saka nilingon ang likod namin.

"Tauhan ni Dad."

Tumigil ang mundo ko sa sinabi niya at walang buhay na tiningnan siya. "Tumakas ka na na-"

"Sorry na, Lu-"

"Raiven!"

"Si Daddy kasi! Nakakainis na! Tinakot ko siyang magpapakamatay ako pero binigyan pa ako ng baril! Anong klase siyang ama?!" Galit na galit na sigaw niya na pinag-iinitan pa ang manibela.

"Alam mo kung wala si Ced dito? Kanina pa kita pinagmumura." Kalmado kong sabi.

Tumango siya saka saglit na tiningnan kami ni Ced bago ibalik ang tingin sa daan. "I know. Big thanks sa'yo, Ced."

"Teka, paano mo pala nalaman na nandito kami?"

"Because of your phone."

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"A-ah because of Ced's necklace." Pansin ko ang paghigpit niya ng hawak sa manibela.

"Raiven." May diing tawag ko sa pangalan niya dahilan para mapatingin siya sa akin at marahas na bumuntong-hininga bago ibinalik ang tingin sa daan. "Fine. 'Yung binigay sa'yo ni Kaiser na phone ay may tracker-"

"What?!"

"Luna, in case na mawala ka, malalaman namin kung saan ka namin tutuntunin. Tulad lang nito 'yung necklace ni Ced na may tracker din." Pagdadahilan niya.

Marahas akong bumuntong-hininga saka inayos ng pagkakakandong si Ced. "Ayos lang naman sana. Maiintindihan ko naman pero sana sinabi niyo naman."

"Sorry, Luna."

"Fine. So, saan na tayo nito at dinamay mo pa kami sa kalokohan mo?"

"Actually may basbas ako mula kay Alexus. Siyempre, kung wala, paniguradong lagot ako," natatawa niyang sabi na ikinakunot ang noo ko. Imposibleng pumayag si Alexus sa ganito. Hinahabol si Raiven ng mga tauhan ng Dad niya tapos dinamay kami?

"Huh? Siya? Pumayag sa kalokohan mong 'to?!"

"Well, busy kasi si Lucas at nasabi nitong baka bukas ka pa masundo tapos kanina nung patakas ako, tumawag sa akin si Kaiser at nagtataka kung bakit nandito na kayo sa Manila. Pinaalam ko 'to kay Alexus kaya ayun sinuportahan niya ang pagtakas ko."

Bigla na lang tumunog ang phone ko kaya madali ko itong hinugot sa bulsa ko. Mabuti na lang at nasa bulsa ko 'to.

From: +63 909 4276 ***

It's me, Deth. We have a mission later. Eight PM sharp sa school. Don't be late. Take care, Luna Amora Velasquez.

"At saan naman kaya nito nakuha ang bagong phone number ko?" Tanong ko. Kakabago ko lang kasi ng phone number ko, sa utos ni Alexus. Wala siyang sinabing dahilan no'ng tinanong ko siya pero sinunod ko na lang.

"Sino'ng nakakuha ng bagong phone number mo?" Mula sa gilid ng mga mata ko, kita ko ang saglit niyang pagtingin sa akin na magkasalubong ang mga kilay.

"Wala." Pagtatanggi ko.

Sinave ko muna ang number niya saka nilagyan siya ng nickname sa contacts. Naiiling na nireplyan ko siya. Inilipat ko ang phone ko sa kanang gilid ko habang nakapulupot ang kaliwa kong kamay sa tiyan ni Ced.

Ako:

Bakit binuo mo ang pangalan 'ko? Galit ka ba?


Gunggong na Kamatayan:

Why did your parents give you such a long name?


Ang bilis naman nitong mag-reply. Bakit tunog nagrereklamo siya sa pangalan ko, e siya itong nag-type ng buong pangalan ko. Gunggong talaga.

Ako:

Bakit mo sa akin itatanong? Akyat ka sa langit tapos try mo silang tanungin dun.


Guggong na Kamatayan:

If at the end of the day I'll just call you mine.

Makailang beses akong kumurap. Inilapit ko pa ang mukha ko sa screeen ng phone ko para siguraduhing tama ang nababasa ko na marunong bumanat si kamatayan.

"Malabo na ba mga mata mo, Luna?"

Kunot-nuong nilingon ko si Raiven. "Huh?"

"Baka gusto mong ipasok nalang natin 'yung phone sa mga mata mo?"

Hindi ko na siya inintindi at ni-reply-an si kamatayan. Akala niya siya lang magaling sa ganito?

Ako:

Your parents is so fucking amazing, Deth.


Gunggong na Kamatayan:

And why?

Ako:
'cause they made you for me. 😉


Naghintay ako ng reply pero wala na. Ilang minuto ang nakalipas pero walang gunggong na kamatayan na nag-reply.

Nakakasama ng loob 'yun, ha! Havey ba?! Hays!

"Do you have a textmate?" Tanong ni Raiven. Hindi ko siya sinagot at ibinalik sa bulsa ko ang phone ko.

ZAIRUS' P. O. V

HINDI na normal ang nangyayari sa mundo! Nasa bus kami ngayon at katabi ko ngayon si Deth dahil inaway ako ni Stella. Nauna raw kasi akong pumasok sa bus at iniwan siya sa labas kaya ayun nagtampo. Kakaiba pa naman magtampo 'yun. Tampo niyang may matatanggap kang physical injuries kaya eto, dinededma ang isang gwapong katulad ko.

Bakit kaya ganiyan ang ibang mga babae?

Napabuntong-hininga na lang ako saka tumingin sa labas ng bintana. Nasa bintanang part ako habang si Deth naman ay nasa kabila ko. Kumunot ang noo ko nang makitang nagkagat labi siya na parang nagpipigil ng ngiti at dahil tsismoso ako like Chaos, sinilip ko ang phone niya. Hindi ko pa tuluyang nakikita ay tinulak niya na ang noo ko nang hindi niya man lang ako tinitingnan.

"Woo your woman, Zai."

Gago! May himalang nangyayari! Hindi niya ako sinigawan! Hindi madilim ang mukha ni Deth! And worst, inutusan ako ng magandang bagay!

"Sino ka-textmate mo at para mahalikan ko bilang pagpapasala-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sikmuraan niya ako. "Repeat what you said and you'll die."

Tangina! Magpapasalamat lang naman ako, e!

Tumayo siya saka ibinulsa ang phone at naglakad papunta sa harap saka hinarap kaming lahat. "We will have mission tonight. Our mission will be protecting David's family."

"Pro-protektahan?" Nauutal kong tanong. Malalaki na sila tapos kami bata pa lang tapos gusto nila ng proteksyon mula sa'min? Parang hindi naman ako sanay. Isa rin pala ito sa mga misyon namin dati.

Tumango si Deth. "Yes. Mrs. and Mrs. David has only one daughter. She is Alexandra, a senior high school student. We will protect all of them as they will have birthday party for Alexandra at their mansion later. It will be an open area since sa garden sila magce-celebrate. We are asked to protect them because Blackwing Gang may attack them."

"Blackwing gang? Ano'ng atraso nila dun? Tsaka where did they get the info?" Pagtatakang tanong ni Warren.

"It's about drug transaction at mukhang pumalya sina Mr. and Mrs. David sa napag-usapan. Nakakatanggap sila ng death threats at base sa pagkakatanda nila ay tanging Blackwing Gang lang daw ang nagawan nila ng atraso." Paliwanag ni Deth na ikinabuntong-hininga ng ilan sa amin.

"That's good, then. Looks like mapapaaga ang paghaharap natin ng mga 'yun," sabi ni Leo. Sa aming lahat si Leo, Rance, at ako ang may gustong-gusto na ipaghiganti si Kian at Elisse mula kay Blue.

"Yeah, we just need to prepare ourselves. It will be a bloody night for us." Pagtatapos ni Deth.

A/N: Be patient po waiting for my updates. Simula kasi Chapter 59, 6-8k word counts po ang per chapter kaya maraming kailangan i-edit. May mga dinadagdag din po kasi akong scene.

Dahil nabasa niyo ang 📢 ko nung nakaraan (bago itong chap) at natapos itong bagong chapter na ito, I assume na you're a reader of the Dark Section. I'm hoping na wala ng nahalo rito na readers na walang respect po sa akin lalo na sa story na 'to.

Thank you po for supporting this story! Mahal namin kayo so much!

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
11.8K 1K 47
Everything was all right and normal, not until the death of her mom made Astrid so confused about the mysteries of life. She lost everything - her fa...
1.2M 53.4K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...