Victim Of Evangeligaw

By dustyone

694 82 29

Tahimik ang buhay ko noon. Well, sa sarili kong batayan lang naman. NBSB ako or No Boyfriend Since Birth. Per... More

Chapter 1 - Broken Hearted
Chapter 2 - Moving On
Chapter 3 - Usap Lang Sana
Chapter 5 - Undecided Na Ako
Chapter 6 - This Is It
Chapter 7 - I'm In Love
Chapter 8 - I Am Now Confused
Chapter 9 - Never Heard Of This
Chapter 10 - Begging To Move On
Chapter 11 - Truth Found Me
Chapter 12 - I Changed My Mind
Chapter 13 - Realizations
Chapter 14 - For Good
Chapter 15 - I Just Can't
Author's Note

Chapter 4 - Desisyon Ko 'Yon?

33 6 2
By dustyone

Maging ako ay nagulat sa naging tugon ko. Ay bakit ako nag-"I love you too"?! Sa bagay, hindi ko man aaminin, gusto ko na rin naman siya so why not.

“Mau," ani ko at ipinakita sa kanya ang conversation namin ni Kristoff.

Nanlaki ang mga mata niya at parang anumang oras ay mag-uusok ang ilong niya sa inis. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin na parang nagtatanong kung bakit. Hindi siya makasigaw kasi nasa tricycle kami.

Ngumiti lang ako sa kanya nang hilaw. Kilala ko si Mau. Magagalit ‘yan pero bukas wala na ‘yang paki, support na ulit ‘yan.

***

Nang makauwi, kumain muna ako na dala-dala ang cellphone sa lamesa.  Parang hindi ko na talaga kayang iwan ang cellphone ko. Pagkatapos ay nagbihis at nag-cellphone ulit.

“Ano bang tawagan natin? Babe? Love?” tanong ni Kristoff. Kinakagat ko nalang talaga ang lower lips ko para tigilan ang pagngiti ko. Pero nagtataka ako sa gusto niyang iparating.

“Huh? Bakit may tawagan? ‘Di ba para sa magjowa lang ‘yon?” pabalik kong tanong.

“Iyon na nga. Hindi nag-a-I love you ang hindi magjowa, right?”

Mas lalo akong nagtaka.

“Do you mean tayo na?”

“Yes,” bilis niyang sagot.

“Well, wait lang, ha. May boyfriend na ako?” tanong ko kay Kristoff. Gusto kong magreply agad siya pagka-send ko pa lang ng tanong na ‘yon.

“Correction, *first and last boyfriend.”

Nakaramdam agad ako ng init sa magkabilang pisngi ko at ngumiti.

“Ba’t ka naka-ngiti riyan?” biglang tanong ni Mama na siya ring pagseryoso ko ng mukha.

“May nakakatawa kasi dito, Ma,” pagsisinungaling ko pa at ibinalik na niya ang tuon sa kanyang cellphone. Bilib ako sa kanya kasi kahit nag-cecellphone, nakita pa rin akong nakangiti. Ang talas ng mata, palibhasa lagi kumakain ng kalbasa. Sabi niya kasi kakain daw dapat ako ng kalbasa para healthy ang mata ko.

Agad kong pinaalam kay Maureen na kami na ni Kristoff. Tumawa lang siya. Sabi na nga ba, minsan galit ‘yan, minsan wala talaga siyang pakialam.

***

Kinagabihan bago ako matulog, nagmumuni-muni muna ako. Grabe. Wow. Totoo ba ‘to? May boyfriend na ‘ko? Ngumiti ako. So this is how it feels to have a boyfriend? ‘Yong hindi lang ka-MU?

Si Ken kasi, ka-MU lang ‘yon. Pero parang may label nga kami kung tutuusin. Pero itong kay Kristoff, this is different. I now have a boyfriend! First time ko ‘to. Based sa mga nakikita ko online, it feels good to be in a relationship. At least, may inspiration ang isa’t isa.

Hindi ko man lang napaghandaan. Hindi man lang ako naging maganda sa araw na ito. Hindi man lang ako napunta sa romantic na lugar. Pero okay lang, saka na ‘yan ‘pag nagkita na kami ni Kristoff.

Nagulat ako, actually. Nagulat ako dahil hindi pa rin ako makapaniwalang may jowa na ako. Hindi ko in-expect that this night would be special. Tatandaan ko ‘tong araw na ito dahil excited na akong bumati ng, “Happy monthsary!”

I laughed at the idea. Ang cheesy.

Wala na rin naman akong magagawa. Nandito na ‘to. Tanggapin ko nalang. Besides, I like Kristoff.

Hinihintay ko ngayon si Maureen. Sabay kami pupuntang school. Minsan ako ang dumadaan sa kanila and usually, ako pa rin ang naghihintay sa kanya dahil parang pagong ‘yon, mahina kumilos. Pero mahal ko ‘yon.

Maya-maya may kumatok na sa gate namin at alam kong si Maureen na ‘yon. Hindi pa ako nakalabas, kita ko na agad ang ulo niya na nakadungaw sa pintuan namin. Mag-liliptint pa ‘to, for sure, kaya hinihintay ko pa siyang matapos.

Maya-maya ay umalis na kami.

***

“Mau, I can’t believe it. May boyfriend na ako, Mau,” wika ko kay Maureen na nakatingin sa labas ng tricycle.

“Hindi ka ba makapaniwala?” lumingon siya sa ‘kin.

“Hindi. Hindi ko nga in-expect, e.”

“Pwes ako, in-expect ko, Lex.”

Nagtaka ako.

“Huh? What do you mean?”

“Lex, kilala kita. Madali kang mahulog. Madali kang ma-attach. Basta, lahat madali lang sa ‘yo. Ang pagmomove on lang siguro ang hindi,” aniya.

“Aray naman, ha. Ba’t di ka kaya mag-boyfriend at nang hindi ka na bitter d'yan?”

“No way,” depensa niya.

“Sagutin mo na kasi si Marco. Gustong-gusto ka nung tao, o!”

“Ayoko nga. Hindi siya ang gusto ko, no.”

“Kasi si Ryan ang gusto mo? E, hindi ka naman—”

“Nako, mga hija! Hinay-hinay lang kayo sa pagboboypren dahil maraming manloloko ngayon!” medyo sigaw ng driver ng sinasakyan naming tricycle.

Nagkatinginan ulit kami ni Maureen at tumawa.

I don’t believe lolokohin ako ni Kristoff, he is mature and I think gentle siya.

***

Habang nag-didiscuss si Miss Ally, nag-peace sign ako indicating na mag-c-CR ako. Ganoon ang gawi namin dito sa school. Itataas namin ang isang kamay namin at magpi-peace sign. Alam na ng teacher ‘yon kaya tatango sila diretso kung may estudyanteng nagpi-peace sign sa kalagitnaan ng kanilang klase. Ang purpose no’n is para hindi sila ma-disturb nang matagal.

As usual, dinala ko ang cellphone ko. May message ako galing kay Kristoff. Gusto niya raw akong ma-meet. Nag-imagine tuloy ako na nag-meet kami at medyo kinabahan ako. I am not into meetings. Hindi ako mahilig makipag-meet sa mga nakilala ko online pero kung para kay Kristoff, gagawin ko.

Sabi ko lang sa kanya na pag-iisipan ko muna. Medyo hindi pa ako ready. Pero I know deep inside, magmi-meet din kami sa ayaw at sa gusto ko dahil hindi pwedeng hanggang online lang ang relasyon namin.

Pagkatapos ay bumalik na ‘ko sa loob ng classroom. Ang ingay talaga.

“Mau, makikipagmeet siya sa ‘kin,” wika ko kay Maureen.

“Oh, tapos? Ano’ng plano mo?”

“Syempre, makikipagkita. Pero sabi ko lang muna sa kaniya I’ll think of it pa.”

“Sus,” sagot niya lang.

“Sus ka d’yan, tumingin ka nga sa likod mo.”

Nang tumingin siya ay nakita niya si Marco sa likuran na nakangiti sa kinaroroonan namin.

“Ayieee,” tukso ko pa sa kanya.

Agad din niyang binalik sa ‘kin ang tingin niya at nag-pout kaya natawa ako. Madaling mairita si Maureen kapag tinutukso ko siya kay Marco, may gusto sa kanya.

***

Kinagabihan and as usual, nag-uusap na naman kami ni Kristoff. We’ve been talking about life, people, music, stars and moon, future. He even said na kung hindi lang din daw ako ang magiging asawa niya, he’s not gonna marry. Napa-“char” ako do’n.

He asked to take selfies of me.

“Ayoko,” sabi ko.

“Sige na.”

“Ayoko nga, pangit ako.”

“Maganda ka naman. Sige na nga,” he insisted.

Nag-selfie ako nang ilang ulit at pinili ko ‘yong magaganda kong kuha. Hindi ganoon ka-tangos ang ilong ko, hindi rin masyadong makapal ang kilay ko. I have short hair. At may kaunting pimples ako which is my insecurity.

Sinend ko sa kanya ang mga napili kong picture.

“Sabi ko sa ‘yo pangit ako, e.”

“Lexi, nakakabulag ang pagmamahal.”

So what does he mean? Na pangit talaga ako pero mahal niya ako kaya nabubulag siya, ganoon?! So in short, agree siya na pangit talaga ako? Wow! Nakakainis!

***

Nagtampo kaya hindi ko na siya nireplyan. Nagbihis na ako ng pampatulog at naiisip ko na naman bigla ang mga ginagawa ko sa buhay. Talaga bang ito ang gusto kong mangyari? Talaga bang desisyon ko ‘to?

Continue Reading

You'll Also Like

297K 2.8K 100
🌹🌹🌹🌹🌹Just a qoutes🌹🌹🌹🌹🌹 100 amazing English Qoutes Date started:March, 12, 2018 (by the way, hindi po lahat ng qoutes ay sakin) ahahaha ng...
47K 6.3K 29
She was not only born with a silver spoon, she was rocked in a diamond cradle and raised in a gold castle. She had the world at her feet and on her f...
10.4K 1.6K 25
Layaknya bunga tulips yang sedang bersemi, parasnya begitu indah, cantik untuk seorang laki laki. Arezka Cyrille Elworth, putra dari sebuah kerajaan...
194M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...