You Belong To Me

By riyazyn

3.1K 140 2

[COMPLETED & UNDER REVISION] "You're mine! You only belong to me!" I said to her. "What?" She snapped after h... More

Author's Note
WORK OF FICTION
SYNOPSIS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Special Chapter
Epilogue

Chapter 11

54 4 0
By riyazyn

Cristy

"Baka sa mga oras nato, may idea na sila kung sino kayo. Wag niyong hahayaang may makalapit sa inyong tauhan ni Vilardino. Kailangan niyong maging maingat. Nararamdaman kong kapag nakuha natin yung pulseras ni Vinn Ryke, matatapos na natin ang misyong to. Dismiss muna!" Ani madam L. Kaya nagsitayuan kami. "Cristy, may naisip ka bang paraan para makuha yun?" Tanong sakin ni madam.

"Wala pa po madam. Pero sisiguraduhin ko pong makakaisip din ako." Tumango lang si madam.


"Magpahinga muna kayo."


Hinatid kaming tatlo ni Clark sa aming apartment. Parehas lang kaming tatlo ng building na inuupahang apartment.


"Salamat sa paghatid, Clark." Ani Lala.

"Wala yun. Anytime.." tumingin si Clark sakin. Lumapit siya sakin at may binulong. "Tsk. Sa tingin ko may gusto sayo yung Vinn Ryke na yun. Ang sama ng tingin sakin kahapon eh!" Hinatid kasi ako pabalik kahapon ni Clark sa university at nadatnan namin si Ryke sa may gate, nagmumugtok.


"Umuwi ka na nga! Kung ano-ano pinagsasabi mo!" Taboy ko sa kanya.


"Totoo naman ah! Lalaki ako kaya nararamdaman at nalalaman ko kung kelan nagkakagusto ang isang lalaki." Aniya.


"Tsk." Iniwan ko siya dun at pumasok sa loob ng building.

Pagkapasok ko sa room ko, napabuntong-hininga ako.


"Alam mo na ngang may gusto ako sayo, pero hinahayaan mo paring makita ko na lumalapit ka sa iba.."


Naalala ko yung sinabi niya kahapon. "P*ste! Eh di pumikit siya! Problema niya na yun!"


"Cristy.. ayokong nakikita kitang may kasamang ibang lalaki. Kung gusto mo paring makipagkita sa kanya.. siguraduhin mong wala ako sa paligid niyo."


"Tsk. Nagdadrama ang bwisit!" Inis akong humiga sa kama. Ngayon, nagsisisi na akong pumayag maging pekeng jowa niya! Arggh!!


Kanina nung papasok ako sa university, nakita ko siyang may kasamang babae. Tumawa-tawa pa sila. Ano yun, sinabi mo lang sakin na may gusto ka sakin bawal na akong makipagkita sa iba? Ikaw nga, may pasabi-sabi kang gusto moko pero may kasama ka namang ibang babae at tatawa-tawa pa kayo! At least ako, hindi ko sinabi sayo na may gusto ako sayo---


"Taragis! Ano bang nangyayari sakin? P*ste!" Ipinikit ko ang mata ko pero sila lang dalawa ang nakikita ko. "Aarrgghhhh!" Sinampal ko ang sarili ko. "Wag mo silang isipin, cristy! Wala kang pakialam sa kanila! Kahit pa.. kahit pa mag*** sila jan, wala kang pakialam! Matulog ka na nga!"


-_- baliw na ba ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko?


Itinakip ko ang unan sa mukha ko at tumagilid ng higa.


"Inhale! Exhale! Matulog ka na.. matulog ka na.." kumbinsi ko sa sarili ko.


Nang hindi parin ako makatulog ay bumangon ako at kinuha ang cellphone ko.


Tinitigan ko lang ang lockscreen kong si Jimin ng BTS at ang wallpaper ko na si Lee Dong Wook. Buti naman, kumalma na ang sistema ko.


Yun lang ang ginawa ko habang nakahiga ako hanggang sa kinain ako ng antok at nakatulog.


Ryke

Palagi nalang may kausap si Lolo sa phone niya tuwing nakikita ko siya. Yan kaya yung inutusan niyang paimbestigahan si Cristy?


Nagtataka talaga ako kung bakit ganun nalang kadesperado si lolong malaman ang katauhan ni cristy--I mean, wala namang kakaiba sa kanya.


Humiga ako sa kama. Naalala ko ang nangyari kanina.


Nakita ko si Jena kanina at nagkatuwaan ng biglang dumaan si Cristy na nakakunot-noo at deretso ang tingin. Nagseselos siguro siya haha!

Alam kong assuming ako pero hindi ko talaga maiwasang hindi isipin yun.


Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang number ni Cristy. Kinuha ko to kay Jevie kanina dahil alam kong hindi ibibigay ni Cristy kapag sa kanya ko kinuha to.


Di-nial ko yun at nataranta pa ako ng mag-ring yun.


"Hmmm--" pinatay ko agad yun ng sagutin niya. Sh*t! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ganun ba talaga ako natamaan sa kanya?


Napalunok ako ng subukan ko ulit yung idial.


"Kung sino ka man, papatayin talaga kita sa pambubulabog sakin!" Napangiwi ako ng bumungad yun sa pandinig ko. "Sino ka ba? Hatinggabi na, nang-iistorbo pa!" Napangiti ako sa tono ng boses niya. Ganyan na ganyan ang tono niya nung unang nilapitan ko siya. "Clark, I swear.. humanda ka sakin bukas--"


"Tss!" Pinatay ko agad yung tawag. Clark na naman? Hanggang siguro sa panaginip yung Clark na yun ang nakakasama niya! Bwisit! At ano daw? Bukas? Magkikita na naman sila bukas? Hah! Eh di magkita sila, pakialam ko naman! P*ste!


Nawalan agad ako ng gana kaya inilapag ko ang cellphone ko. "Makatulog na nga!"


*****

"Pasok na po ako, mom." Kiniss ko si mommy sa cheek.


"What's wrong? You have a dark circle under your eyes? Puyat ka ba?"


"Sa ano lang po.. sa mga projects.." palusot ko.


"Wag mong masyadong isipin yang projects mo. Take time to rest. Okay son?"


"Yes, mom. Bye!" Sumakay na ako sa kotse ko.


Nanalamin pa ako at tama nga si mommy, maitim nga ang ilalim ng mata ko.


"Tss!" Hindi kasi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip kay Cristy at Clark, lalo ng magkikita parin sila ngayon. "Palagi nalang kayong nagkikita! Pakasal na kaya kayo!"


Iniisip ko kasi kung bakit magkikita na naman sila ngayon, anong gagawin nila at kung saan sila pupunta. Hanggang sa hindi ko na namalayan yung oras. Madaling araw na nung mapansin ko.


Pinaandar ko na ang kotse ko at pinausad patungong school.


"Bwahahaha! Anong mukha yan? Parang adik hahaha!" Bungad sakin ni Albert pagkapasok ko palang ng school.


"Hahaha! Oo nga. Ano bang nangyayari sayo? May pinagpuyatan ka ba kagabi?" Segunda naman ni Brian.


Tss! Inaasahan ko na to.

>_<


"Pumasok na nga lang tayo!" Sabi ko at iniwan sila.


Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Cristy na naglalakad ng mag-isa.


Pinilit ko ang sarili ko na wag siyang pansinin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang hindi ko siya nakita.


Kasalanan mo to! Kasalanan mo to!


Tumingin lang ako sa unahan at hindi lumingon-lingon.


"Woii!" Kahit nilapitan na niya ako hindi parin ako lumingon. "Problema mo?" Aniya.

Ako naman pinipigilan kong kumawala ang ngiti sa labi ko. Hah! Asa naman siyang papansinin ko siya! Matuto siyang lumapit no! Kasalanan niyang napuyat ako kagabi.

"Tsk. Bahala ka jan!" Aniya at umambang umalis pero oo na! Ako na ang hindi makatiis--kaya hinawakan ko siya sa braso. "Oh, akala ko ba nagdadrama ka?"


Sinamaan ko siya ng tingin at tinuro ang mata ko. "Tingnan mo to!" Asik ko.


Kumunot ang noo niyang tumingin sa mata ko. "Sinuntok?" Aniya pa at pinandilatan ako.


Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "A-Ano? H-Hindi to sinuntok! Tsk! Nagkaganito to nang dahil sayo!"


"Ako pa sinisi mo? Eh bakit, ano bang ginawa ko?" Nanghahamong turan niya.


"Hindi ako nakatulog kagabi.." mahinang sabi ko habang sa ibang direksyon nakatingin.


"Tsk! Oh eh bat kasalanan ko? Kasalanan mo yun!" Napatingin ako sa kanya ng nanlaki ang mata.


"Alam mo ba kung bakit hindi ako nakatulog kagabi? Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sayo!" Sabi ko habang tinuturo pa siya. "Puro ka nalang Clark! Wala ka ng ibang bukang-bibig kundi siya! Nagkasama naman kayo kahapon ah!" Nakita kong napanganga siya sa sinabi ko.


"I-Ikaw yun? Ikaw yung nambubulabog kagabi?" Sumimangot ako pero hindi umimik. "Ano bang trip mo't tumatawag ka ng hatinggabing tapat? Saka.. san mo nakuha ang number ko?"


"Bat ko sasabihin?" Sabi ko at tumingin sa kamay ko. "Ay sh*t! I'm late!"


"Yan kasi! Pumasok ka na nga dun!" Singhal niya at bahagya pa akong tinulak.


"At ikaw? Estudyante ka rin kaya pumasok ka rin."


Hindi siya umimik at biglang naglakad papalayo.

"Hoyy! San ka ba pupunta? Palagi ka nalang umaalis!" Sigaw ko sa kanya at hinabol siya. "San ka na naman ha?"

"May pupuntahan lang." Tamad na sagot niya.


"Saan nga?"


"Anak ng--palagi ka nalang nagtatanong! Dyan nga lang eh! Mag-aral ka na nga dun para may magandang kinabukasan ka!" Nagpatuloy siya sa paglalakad. Susundan ko sana siya pero nilingon niya ako. "Wag na wag mokong susundan!" Tinuro pa niya ako habang tinitingnan niya ako ng masama.


"Si Clark na naman ba kasama mo?"


"Hindi!" Nanggigigil niyang sagot. "Kaya, pumunta ka na dun at mag-aral, naiintindihan mo?"


Sumimangot ako. Hindi daw! Baka naman totoo na hindi sila magkakasama ni Clark ngayon.


"Sigurado ka ah! Hindi kayo magkakasama ngayon?"


"Oo nga, ang kulit! L*ntek! Late na ako!" Dali-dali siyang umalis at iniwan ako dung nakatayo.


Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang tinayuan niya kanina. Sana nga hindi..


Nagpatuloy ako at pumasok sa building.


Cristy

P*ste! Bat ba ang taas ng pasensya ko sa l*ntek na yun! Pwede ko namang balaan yun, bakit hindi ko ginawa? Tss!

"Ang tagal mo!" Bungad sakin ni Clark nang makarating ako sa bus stop.


Sa bus stop ko nalang siya pinaghintay at naglakad lang ako papunta dun. Baka kasi sundan ako nung Ryke na yun at magdrama na naman.

"Ang importante, andito na ako." Sabi ko lang.

"Ayaw mo bang makita tayo ng Vinn Ryke na yun kaya dito moko pinaghintay?" Aniya habang pumasok na kami sa loob ng kotse. "Gusto mo ba siya?" Napatigil ako sa pagsi-seat belt at napatingin sa kanya.


"What the hell, Clark? Sa tingin mo ba nasa isip ko ang ganyang bagay ngayon?" Singhal ko.


"Baka lang kako may gusto ka sa kanya. Nagtatanong lang eh!" Hindi ko siya pinansin at pinausad ang kotse.


Palihim kong minumura ang sarili ko dahil sa reaksyon ng katawan ko kanina. Nung tanungin ni Clark yun, bigla nalang nanginig ang sistema ko, ewan ko kung bakit.


****

"May mga nawawalang mga estudyanteng babae. Sabi sa datos na aming nakuha, mga 15 na ang nawawala at lahat magaganda. Ang hinala ng iba ay ibinibenta daw sila kapalit ng malaking halagang pera dahil maraming mga kano ngayon ang naghahanap at bumibili ng mga bata pa." Sabi ni madam. "Hindi natin alam kung may kinalaman ba ang Vilardinong yun sa insidenteng ito o kung may iba pa tayong kalaban pero aalamin natin yan... ngayon!"


"Ngayon?" Nakakunot-noo kong tanong.


Tumango lang si madam sakin. "Ngayon. Dahil may pupuntahan kayong bahay na siyang itinuturo ng mga pulis. Dun daw dinadala ang lahat ng babaeng kinikidnap. Para mas maaga kayong makapunta, maghanda na kayo ngayon palang. Dahil malayo-layo din yun.


"Wag kayong mag-alala, may contact kami sa inyo at sa oras na may mangyayari dun, magpapadala kaagad kami ng SWAT dun. Sige na, maghanda na kayo."


Tumayo ako at tinungo ang kotse ni Clark. "Hiramin ko muna ang kotse mo. Uuwi lang ako."


"Sige. Teka, asan nga pala sila Lala at Jevie?"


"Nasa school. Sabi kasi ni Jackson, inoobserbahan nila Vilardino ang mga kilos namin. Kapag sabay-sabay kaming nawawala, baka maghinala sila. Kaya, hindi ko na pinapunta dito sina jevie at lala." Tumango-tango lang siya. Pinaandar ko na yung kotse.

"Ingat sa daan." Binusinahan ko lang siya saka umalis.

Nang makarating ako sa apartment ay nagtaka pa ako dahil bukas ang pinto. Inilabas ko agad ang baril na nasa bag ko.


Nang makapasok ako ay itinutok ko agad ang baril sa taong nandun pero agad ko yung naibaba nang makilala kung sino yun.


Namutla pa siya pagkakita sakin na may hawak na baril.


Tinampal ko ang noo niya. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba pumasok ka?" Sabi ko at isinilid ang baril sa bag. Alam kong nagtataka siya kung bakit may baril akong dala.


"B-Bakit may baril ka? San mo yan nakuha?" Tama nga ako!


"Tss. Laruan lang yun. Nakita ko lang sa labas." Tiningnan niya ako ng hindi naniniwala. "Itatapon ko sana nang makita kong bukas ang pinto." Nakita kong prente siyang umupo. "Bat ka andito? L*ntek! Tatapalan ko ng tape ang bibig ng babaeng yun!"


"Sino?"


"Si Jevie! Kasi hindi siya tumatahimik! Binigay pa niya ang number ko, tas address ko ibinigay din niya!"

"H-How did you know that it was her--"


"Umuwi ka na!" Sabi ko at nag-umpisang manghalungkat sa damit ko. Magdadala lang ako ng extrang damit para pampalit.


"W-What are you doing?" Tila natataranta niyang turan.


"Aalis ako." Simpleng tugon ko.


"A-Ano? San ka pupunta? Sama ako!" Inis akong tumayo.

"Bat ka ba buntot ng buntot sakin, nanay mo ba ako? Umuwi ka na!"


"Ayoko nga!" Pagmamatigas niya at humiga. "Sabihin mo muna kung san ka pupunta?"


"Uuwi ka.. o.." P*ste! Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin! L*ntek!


"O?.." nanghahamong tanong niya.


Malalim akong bumuntong-hininga. "Uuwi ka o.. h-hindi mo na ako makikita kahit kelan?" Napapalunok pa ako. Ang kulit kasi! Parang bata!


Bumukas sa mukha niya ang takot. Parang bata na takot mawalan ng candy? Ganun ang mukha niya.


Maya-maya pay, tumulis ang nguso niya bago tumayo. "Syempre, ayoko namang hindi ka na makita kaya.. uuwi nalang ako." Mahinang sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas, makakapaghanda na ako.

"I-lock mo ang pinto pagkalabas mo." Sabi ko habang nagpatuloy sa paghahalungkat.


"Tss. Di man lang ako ihatid, kahit sa labas lang." Narinig kong bulong niya.

"Ryke!" Sambit ko sa pangalan niya in a warning tone.


"Oo na!" Lumabas na siya na ipinagpasalamat ko.

Nagpatuloy ako at napaigtad pa ng may nagsalita.


"Parang ayokong umalis." Galit akong tumayo at lumapit sa kanya pero agad siyang lumabas at tatawa-tawang tumakbo.


P*ste!



*****

A/N: Oh diba, Jimin and Lee Dong Wook lover ang bida niyo😁

VOTE & COMMENT...

Continue Reading

You'll Also Like

5.9K 356 36
- L O N G D A L E S E R I E S # 1 - Chris did not expect the changes in her life right away until she met Val, a very mysterious boy at first who is...
249K 38.4K 99
แ€•แ€ผแ€”แ€บแ€žแ€ฐแ€™แ€›แ€พแ€ญแ€แ€ฑแ€ฌแ€ทแ€˜แ€ฐแ€ธแ€†แ€ญแ€ฏแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€šแ€ฐแ€•แ€ผแ€”แ€บแ€œแ€ญแ€ฏแ€€แ€บแ€•แ€ผแ€ฎ แ€Ÿแ€ฎแ€ธแ€Ÿแ€ฎแ€ธ แ€–แ€แ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€€แ€ผแ€•แ€ซแ€ฅแ€ฎแ€ธ
13.1K 368 31
COMPLETED Kayelene Dianne.Her goal in life is to finish her study and help her family.But what if a guy named chester will enter her life.What will h...