Unintentional

By Majstinx

8.9K 194 17

The Monteros Kwatro Hanggang kailan nga ba magtatago si Maria mula sa isang lalaking nagpakulong sa kaniyang... More

Unintentional
Synopsis
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23

Kabanata 15

209 7 0
By Majstinx


"Do you still long for Dianne?"

"Baby.." tawag nito sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay bago inilagay sa sarili nitong dibdib. "Do you think I will touch you if I still long for her?"

Naumuo pa rin ang isang malaking nakabara sa lalamunan ni Maria. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba ang sinasabi ng lalaki.

Ngayon lamang niya nakasama si Ion. Hindi pa niya ito lubos na kilala.

Pumasok na ang lahat ng senaryo sa kaniyang isipan. Paano kung hindi naman talaga siya nito gusto? Paano kung kaya lang siya nito kasama ngayon ay dahil nangungulila ito sa naging girlfriend at anak nito?

Ang daming tumatakbo sa kaniyang isipan. Hindi niya mapigilan ang sarili na magduda.

"Please, don't think too much. Hindi mangyayari ang kung ano mang kinatatakutan mo." Ani Ion sa kaniya habang hinahampos ang kaniyang buhok.

Hindi mapalagay si Maria.

Sana nga.

"DIOS mío, María! A dónde fuiste?! Estaba tan preocupado por ti! Ni siquiera Sauron puede encontrarte!" My God, Maria! where did you go?! I was so worried about you! even Sauron can't find you! Bungad agad ng ama ni Maria sa kaniya ng makapasok siya sa kanilang kabahayan.

Bahagyang napayuko si Maria.

"Lo siento, papá. Tuve que ir a algún lado. Necesitaba calmar mi mente porque el evento era demasiado para mí." I'm sorry, Papá. I had to go somewhere. I needed to calm my mind because the event was too much for me. Mahinang sagot niya ngunit sapat upang marinig ng kaniyang ama.

Minabuti niya na huwag magpahatid kay Ion dahil tiyak na magdudulot ng gulo iyon lalo na kung narito si Sauron.

Tao na lamang ni Ion ang naghatid sa kaniya. Mabuti nga ay hindi nagtaka ang mga guard nila sa bahay dahil ibang sasakyan ang naghatid sa kaniya.

"Bueno, entonces deberías haberme dicho. Estaba tan preocupada pensando que Ion Montero te secuestró porque te arrastró fuera de la casa! Hay tantos testigos!" Well then you should've tell me. I was so worried thinking that that Ion Montero kidnapped you because he dragged you out of the house! There are so many witnesses! Sermon pa nito.

Nanatili na lamang na tahimik si Maria.

"What do you mean, papá? She was with Ion Montero?!" Tumataas na boses na sabi ni Antonia. Kadadating lamang nito habang mahigpit na hawak ang hermes bag.

Hindi sumagot si Alejandro dahil alam nito na may pagtingin si Antonia kay Ion.

"I was with him. He didn't hurt me. I'm fine, papá." Tanging sagot niya, ni hindi niya binigyang pansin ang galit ng kaniyang kapatid.

"You seduced him, aren't you? He's papá's enemy!" nang-gagalaiti na sabi nito sa kaniya. Tinalikuran lamang ito ni Maria.

Pagod na pagod na siya ngayong araw. Gusto na lamang niya mag pahinga. Pagod na pagod ang kaniyang katawan at para bang babagsak anumang oras.

"Don't you dare turn your back on me!" rinig niyang sigaw ni Antonia habang papaakyat siya ng hagdanan.

"Stop it, Antonia. Let your sister rest.." saway ng kanilang ama dito.

Rinig niya pa ang inis na sigaw ni Antonia. Nawala lamang ito anng makapasok na siay sa loob ng kaniyang silid.

Napahinga ng malalim si Maria. hindi niya alam kung ano ito oinasok niya ngunit nasisiguro niya na may malaking gulong magaganap. Naging konektado na siya kay Ion.

Hindi niya alam ang intensyon ng binata ngunit hindi niya rin maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit nagpapadala siya rito.

Ang Empire, Galdreon.. si Sauron.. si Ion..

Para siyang mababaliw sa kakaisip sa posibleng mangyayari. Malaking gulo ito. Ano pa mang gawin niya ay di na niya mababawi ang naganap.

Humiga siya sa kaniyang kama at inalala ang naging huling usapan nila ni Ion bago siya umuwi.

"I will visit you more often.. your dad or even that knight in shinning armor of yours can't stop me." seryosong salita ni Ion.

Narito na sila sa tapat ng kanilang bahay

"Knight in shinning armor?" takhang tanong ni Maria habang tinatanggal ang kaniyang seatbelt.

Umirap si Ion.

"Sauron." masungit na sabi nito bago siya tinulungan na magtanggal ng seatbelt.

"Sauron is good to me. Wala siyang ginagawa saking masama." Sagot niya sa lalaki.

Ion made face.

Binuksan niya ang pintuan ng frontseat upang lumabas.

"Sige na, pasok na ko sa loob. Ingat ka sa byahe." bilin niya.

Bago siya lumabas ay hinila nito ang kaniyang batok upang siya ay halikan.

Itinulak niya ang dibdib nito ng mapansin niyang tumatagal na ang halik nito. Nakangisi itong humiwalay sa kaniya.

"Ingat sa byahe, drive slowly." bilin niya.

" 'course, I will. Sinabi mo e." Anito bago siya nginitian.

Ipinikit ni Maria ang kaniyang mga mata. Masama ang kaniyang pakiramdam para sa mga darating na araw. Hindi niya alam kung anong kaniyang haharaping ngayong sa kaniya na nakasalalay ang kanilang kumpanya, nakisabay pa ang pagpasok ni Ion sa kaniyang buhay.

Ngayon pa lang ay nais na niyang ihanda ang sarili. Magiging mabigat na ang lahat sa kaniya.

LIMANG buwan na ang nakaklipas.

Napapikit na lamang si Maria nang makita kung paano kalabitin ni Sauron ang gatilyo ng baril. Tinamaan sa ulo ang lalaking kanina lang ay humihinga pa. Napabaling siya ng ulo sa kanang direksyon upang di na makita pa ang nakahandusay na bangkay sa kaniyang harapan.

Alam niya ang dahilan kung bakit umabot sa ganitong sitwasyon ang lalaking pinatay ni Sauron. Masama rin ang gawain ng taong iyon noong nabubuhay pa ngunit sadyang hindi niya matanggap kung paano ang nagiging kapalit ng mga kasalanang nagawa nito.

"Kung hindi tayo, sino ang magbibigay hustisya sa kasalanang nagawa niya sa'tin, Maria?" Salita ni Sauron habang mabagal na naglalakad papunta sa kaniyang direksyon. Nakatitig ito sa kaniyang mga mata.

Nakakagulat ngunit marunong nang magtagalog si Sauron. Naipasa na rin nito sa wakas ang Filipino language class na limang taon nitong pinag aaralan. Gamit na gamit na nito ang lengguwahe ng mga Filipino.

"Karma. May balik ang lahat ng ginawa niya kaya hindi na sana dapat umabot sa ganito, Sauron." sagot ni Maria.

Napangisi si Sauron. "This is his karma, baby. You need a fucking gun to make the karma work."

"Sauron.."

"We've been doing this for how many years, Maria. Hindi ka pa rin ba talaga sanay? Besides, this is your work now. Ikaw ang boss ng kumpanya niyo ngayon. Ang lahat ng tauhan na nasa ilalim mo ay ginagawa ang mga bagay na 'to." anito bago naupo sa swivel chair nito.

Nilingon ni Sauron ang kaniyang assistant.

"Clean that." turo nito sa lalaking nakahandusay.

Napabuga na lamang ng hangin si Maria. Alam niyang wala na siyang magagawa, wala siyang maikokontra sa mga naging salita ni Sauron. Kung tutuusin ay isa na rin siyang kriminal dahil siya na ngayon ang tumatayong boss ng business ng kaniyang ama. Hindi man siya ang pumapatay ay siya naman ang amo ng mga pumapatay.

Si Sauron man ang nagmamando at nagpapatakbo ng kanilang business ay siya pa rin ang kinikilalang boss ng kumpanya. Hindi niya kayang gawin o iutos ang pagpatay at pagbebenta ng mga illegal na bagay.

Naupo siya sa upuan na nasa harap lamang ng table ni Sauron.

"Kailan mo balak kuhanin si Calliope kay Zyrian? Lumalaki na ang bata. Nagsisimula na siyang hanapin ka at ang nanay niya." Panimulang banggit niya ng dahilan kung bakit siya nadalaw sa opisina ni Sauron.

"Mas mabuting nasa puder ni Zyrian si Calliope kaysa manatili sa akin." Malamig na sabi ni Sauron. "Masyadong delikado ang mundong ginagalawan ko. Ayokong idamay siya ng mga kalaban ko."

"Huwag mong idahilan sakin 'yan, Sauron. Kaya mo siyang protektahan. Kaya mo siyang maipangtanggol kung sakali. Maging ama ka sa kaniya. Bigyan mo naman siya ng panahon para magkasama kayong dalawa." Salita niya kay Sauron.

Sadyang naawa lamang si Maria sa bata. Noong huling dalaw niya kay Calliope ay madalas na nitong sambitin ang mama at papa. Nabanggit din sa kaniya ni Zyrian na madalas na nitong iyakan ang amang si Sauron. Bagama't magkalayo ay alam na alam ni Calliope kung sino ang kaniyang ama.

"Nabanggit sakin ni Zyrian na nagkita kayo ng haponesa na ex-girlfriend mo kung kaya't hindi na naulit ang pagdalaw mo sa anak mo. Kung ngayon pa lang ay ganito na ang epekto ng ex girlfriend mo ay mabuti pang tigilan mo na ang pag iisip sa kaniya. Marami pang babae sa mundo, Sauron. Makakakuha ka at makakakuha ng babae kahit kailan mo gusto. Simulan mo munang pag tuonan ng pansin si Calliope." pahayag ni Maria sa lalaki.

Naglilinis lamang ito ng baril ngunit alam niyang nakikinig naman ito sa kaniya.

"Or kung gusto mo pa rin na bumalik sayo ang ex girlfriend mo, mas maganda na makita niyang nagpapakaama ka kay Calliope. Kung mabuti siyang tao at naiintindihan ang sitwasyon mo ngayon, mabilis siyang babalik sayo. Kase kung nakikita niyang hindi ka nagpapakaama sa anak mo ngayon, paano pa ang magiging anak ninyong dalawa sa hinaharap, hindi ba?"

Umahon si Sauron mula sa pagkakasandal sa swivel chair niya.

"I love Calliope. So much. Ginagawa ko lang ang lahat ng ito para sa ikakabuti niya. Nanatili akong sumusunod sa bilin ng nanay niya bago siya namatay. Hinding-hindi ko pababayaan ang anak namin." sagot nito sa kaniya. "And about that japanese girl you were talking about, huwag kang naniniwala sa mga pinagsasabi ni Zyrian. Author iyon, mahilig gumawa ng kwento. Masyado lamang iyong bored sa buhay niya kaya mahilig ichismis ang buhay ng iba."

Napairap si Maria.

"I know if Zyrian is lying or not. At sa tingin ko ay totoo ang mga sinabi sakin ng kapatid mo. So, kailan pa kayo nagkita nitong ex girlfriend mo?" Tanong ni Maria.

"It's better not to talk about her, Maria. She's in the past. I would like to just.. forget about her. Sa nagawa kong kasalanan sa kaniya ay malamang hindi na niya ako mapatawad pa." Malamig na sabi nito.

Hindi iyon naintindihan ni Maria ngunit alam niyang malalim ang pinghuhugutan nito.

Napabuga si Maria ng hangin bago tumayo.

"Fine. Pero bigyan mo ng panahon si Calliope. Ako nang bahala muna sa kumpanya namin." Aniya dito.

Tumigil sa paglilinis ng baril si Sauron. Nanglumbaba sa lamesa habang nakatitig sa kaniya.

"Aren't you curious?" Makahulugang tanong nito sa kaniya.

Napakunot ang noo ni Maria.

"Curioso de que?" Curious about what? tanong niya.

"Bakit kasabay ng pag upo mo sa kumpanya niyo ay ang siyang pagsulpot din ni Ion sa buhay mo?" Nakangising tanong nito.

Bahagyang natigilan si Maria. Mahirap sagutin ang naging tanong ng lalaki, para siyang nilalamon nito at tila ba malaki ang magiging dulot sa kaniya.

Inalis ni Sauron ang pagkakangalumbaba sa lamesa.

"I know you're dating him. Ilang beses nang isinusumbong sakin ni tío Alejandro ang pabalik-balik na sasakyan ng Montero'ng iyon sa mansyon ninyo. Hindi ako nangialam dahil alam kong matalino ka, darling." Salita nito.

Napahigpit ang hawak ni Maria sa kaniyang handbag.

Hindi. Malaki ang tiwala niya kay Ion.

Hindi siya nito lolokohin. Ramdam niya na mahal siya nito at hindi siya kayang saktan.

_*_

Continue Reading

You'll Also Like

865K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...