Thinking Of Tink

By bulabita

5.6K 217 85

Falling in love is facile. Staying in love is laborious 'couz you need to make an endeavor. And quitting love... More

Thinking of Tink Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 6

271 15 5
By bulabita


BELLE'S POV🐢

"Anong sabi mo?" Galit na tanong ko. Nabigla naman siya.

"Oh easy easy, joke lang 'yun HAHAHA yung mommy mo kasi kanina pa tawag ng tawag eh nakasilent 'ata 'yang phone mo, tsaka focus na focus ka sa kagwapohan ko kaya hindi mo namalayan." Natatawang saad niya. Agad ko siyang binitawan at dali daling tinignan ang cellphone ko. 7 miss calls. Tumawag uli si mommy kaya tumalikod ako't sinagot ito.

"Belinda, my God baby where are you? It's late na, bakit hindi ka pa umuuwi? Nasiraan ka ba, where are you, malayo ka pa ba sat'in? Magpapadala ako ng mechanico." Mahabang litanya ang bumungad sa'kin kaya napabuntong hininga ako't lumingon sa likod. Nakitingin lang din siya sa'kin. Tsaka ako muling humarap.

"Mommy I'm okay don't worry, ano--nagkayayaan lang tumambay kasama 'yung mga bagong kaibigan ko. Sorry hindi ako nagpaalam na matatagalan akong umuwi." Pagsisinungaling ko habang nakapikit, yung isang kamay ay nakahawak sa noo.

"Saan ba yan, pupuntahan na kita."

"Mom wag na pauwi narin naman kami eh, nagready lang 'yung mga kasama ko." Agarang saad ko.

"Okay, mag ingat ka sa pagmamaneho, madilim na 'yung daan anak."

"Okay mom, bye love you."

"Love you too, take care."

"I will mom bye."

Bumuga ako ng hangin sa bibig, bago lumingon sa kanya.

"Tinuruan mo 'kong magsinungaling punyeta ka." Taas ang isang kilay na saad ko.

"Sinabi ko bang magsinungaling ka?" Inosenteng sagot naman niya.

"Hindi---"

"Eh 'yun naman pala eh."

"Alangang sabihin ko na andito ako sa Music hall! Syempre magtatanong 'yun kung anong ginawa ko dito, alangang sasagot ako ng 'andito kasama ni ano. Nag-uusap kami, niyaya niya akong maging jowa niya! Nye! nye!nye! Nye!Nye!' kingnanay mo!" Hingal at naiinis na sambit ko.

"Oo na. Oo na" ani niya na itinaas pa ang dalawang kamay, pormang sumusuko. "Ang ingay mo! So ano na?" Dagdag na tanong niya

"Anong ano na?"

"Papayag ka ba sa plano kong 'yun o hindi?"

"Papayag lang ako kung bibigyan mo ako ng isang magandang dahilan kung bakit kita kailangang tulungan?"

Sumeryoso siya, malalim ang naging buntong hininga niya. Tumingin siya sa mga mata ko, gayon nadin ako sakanya.

"Plano ko palang ay may magandang dahilan na, pa'no pa kaya ang kalalabasan kung matupad man. Isa sa magandang dahilan ko ay ang maisakatuparan ang matagal ko nang inaasam. 'Yun ay ang makuhang muli ang taong gusto ko at minahal ko noon pa man. Magandang dahilan ang may maidudulot kang kaligayahan sa dalawang taong nagmamahalan. Wala kang gusto sa'kin at wala akong gusto sayo pero mas pinili ko ang sumuong sa totoong relasyon kasama ka, dahil natatakot akong kapag pekeng relasyon ay madali kang makawala sat'in dahil pwedeng ikaw lang ang magdesisyon. Natatakot ako baka hindi pa tapos ang plano ko susuko kana. Samantalang kapag totoong relasyon ay tayong dalawa ang dapat na masunod sa mga desisyon at kailangan ng pahintulot sa isa't isa sa anumang sitwasyon." Malumanay na pagpapaliwanag niya.

"'Yun na nga eh, wala akong gusto sayo, wala kang gusto sa'kin. Paano tayo aakto na totoong magkarelasyon?" Naguguluhang tanong ko.

"Just be yourself, hindi naman kailangang maging sweet ka sa'kin parati. Iwasan lang natin ang pagtatalo sa mga maliliit na bagay. Magsasama tayo palagi kung kinakailangan para makasanayan natin ang presensiya sa isa't isa at para makilala kita't makilala mo rin ako. Hindi man lubusan at least may mga bagay akong malalaman tungkol sayo at may mga bagay karing malalaman tungkol sa'kin, at isa na ito sa mga bagay na 'yun. Kaya sana pumayag ka." sinserong paliwanag niya.

Wala naman sigurong masama kung papayag ako di ba? Makakatulong pa ako 'pagnagkataon.

Tinignan ko siya sa mga mata. Talagang makikita mo ang sinseridad na nando'n.

"S-Sige." Nauutal na sambit ko. Lumiwanag naman ang mukha niya.

"Talaga?" Paninigurado niya pa kaya tumango ako.

"Yes" masayang aniya, itinaas pa ang kanang kamay para makipag appear. Hindi ko 'yun tinanggap kaya ibinaba niya rin agad.

"Sorry nabigla lang." Nakangising paumanhin niya.

"Tss. Una na 'ko gabi na."

"Sabay na tayo, hatid na kita."

"Tss. May sasakyan ako."

"Oo nga ihahatid kita, sasakay ako sa sasakyan ko at sasakay ka rin sa sasakyan mo."

"Wag na, kaya kong umuwi mag-isa."

"Ah sige, sabay nalang tayo papuntang parking lot."

Hindi ko na siya sinagot at nagtuloy tuloy nalang sa palabas ng Music hall. Madilim na ang paligid, naka on ang mga ilaw sa bawat building. Tahimik at wala ng katao tao ang field. Nilingon ko siya at halatang katatapos niya lang maglock ng pinto. Bahagya siyang tumakbo para masabay sa'kin.

"Bakit may susi ka do'n?" Tanong ko habang naglalakad papalabas ng campus.

"Member ako ng banda kasama sina Gello. Minsan member ng banda minsan member ng choir."

"Oh eh bakit nga may susi ka?"

"Ako ang leader ng banda samantalang 'yung kaibigan mo naman ang leader ng choir."

Ayos din kausap to, sarap ihampas sa malaking bato.

"Mmm si Vivoree. Ang tanong ko bakit nga may susi ka?"

"Dahil nga ako ang leader, ako ang may karapatang humawak ng susi do'n."

"Simpleng tanong marami pang pasikot sikot kung sumagot." Ani ko't nagtuloy na sa paglalakad papunta sa kotse ko. Narinig ko naman siyang tumawa.

Buti nalang naglilibot libot pa 'yung guard nang dumaan kami sa gate dahil kung hindi baka kung ano anong question pa ang itatanong sa'min.

*Peepppp* rinig kong busina niya kaya napalingon. Malapit lang yung pinaradahan niya habang 'yung akin ay nasa bandang gitna ng parking lot na'yon.

"You go first, I'll follow you." Sabi niya na inilabas pa sa bintana ang ulo. Tumango ako at pumasok.

Nauna nga ako habang nakasunod naman siya. Maya maya pa ay bumusina nanaman siya't lumiko sa isang kalye. Nagpatuloy naman ako hanggang sa makarating ng bahay.

Nakita ko si mommy sa labas ng gate pagkarating ko. Siya pa ang nagbukas nito nang maaninag niya ang kotse ko. Agad akong pumasok at ipinark ang kotse sa garahe. Pagkababa ko ay sinalubong ako ng yakap ni mommy.

"I'm worried about you baby, kanina pa'ko contact ng contact sayo pero hindi mo sinasagot. Pupuntahan na sana kita sa school niyo kanina kung hindi mo pa sinagot 'yung last call ko sayo."

"Hi mom good evening. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam biglaan kase eh." Pagdadahilan ko.

"It's okay baby, mabuti naman at may mga kaibigan kana. By the way kumusta ang lakad niyo?" Napalunok ako ng hard!

"Ah--okay lang naman mom, enjoy na enjoy kami." Pinilit kong ngumiti ng natural.

"Okay pumasok ka na sa loob nang makapagpalit kana, sigurado akong pagod ka."

"Sige mom."

Pagpasok ko ay nando'n sina ate Cels at ate Niña sa sala nanonood ng tv.

"Oh Belle andito kana pala, 'yung mommy mo kanina pa dial ng dial sayo, nagriring naman pero hindi mo sinasagot." Ani ni ate Niña.

"Nagkayayaan lang pong gumala kasama ang mga kaibigan ko kaya hindi ko na napansin ang cellphone ko sa sobrang enjoy hehe." Pagsisinungaling ko na naman! Nagiging sinungaling na'ko dahil sa mokong na'yun.

"Ah gano'n ba, o sige umakyat kana do'n para makapagpalit ka. Pagkatapos mong magpalit ay bumaba ka na para makapagdinner na tayo." Saad naman ni ate Cels.

"Okay po, akyat na po ako." Sabi ko tsaka ako nagmamadaling umakyat at pumasok sa kwarto ko.

Doon lang ako nakaramdaman ng pagod. Parang galing sa marathon ang utak ko sa sobrang pagod nito. Sa puntong 'yun ay natanong ko ang sarili ko, bakit ako pumayag ng basta basta? Hindi madali itong pinasok ko, hindi ko pa siya lubusang kilala at..... S-Siya 'yung first boyfriend ko! Eversince ay hindi pa ako nagkanobyo hanggang crush lang talaga. May mga manliligaw naman ako pero hindi ako ready ng mga oras na'yon. Eh ngayon r-ready na ba ako? Alangan naman, eh parang laro lang naman 'yung eksena kanina, wala akong gusto sakanya pero pumayag akong maging jowa niya. Litong lito ako, nakapasok na'ko at hindi ko alam kung pa'no to lulusutan. Hindi ko akalaing ganito pa ang maeexperience ko sa unang relasyon ko. Sa taong hindi ko pa talaga kilala at nakasalubong ko lang sa whole way kahapon tapos ngayon jowa ko na!

Kung babalik na sa dati ang relasyon nila magiging single naman na ako, okay lang siguro na ako ang maging daan nila para maibalik ang naudlot nilang saya. Sabi nga niya 'Magandang dahilan ang may maidudulot kang kaligayahan sa dalawang taong nagmamahalan.' Tama nga naman.

Hindi ko siya kilala pero magtitiwala ako sakanya.

Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang pag-iisip.

"Belle iha gising."

"Hhhmmm..."

"Bumangon ka na't kumain late na mag aalas dyes na. Hindi kana namin ginising kanina dahil parang pagod na pagod ka sa gala niyo." Tinig ni ate Cels ang bumungad sa'kin. Nakadapa ako kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Hhhmmm... Okay po ate, susunod po ako."

"Siguraduhin mo lang ah, baka magpatuloy ka sa pagtulog d'yan Belinda."

"Oo na babangon na po."

"Tsaka pala 'yung cellphone mo, naka on 'yung wifi natin, kanina pa tunog ng tunog 'yung messenger." Pahabol na saad niya tsaka lumabas na.

Kumaripas akong bumangon mula sa pagkakahiga at agad na inabot ang cellphone kong nasa mini table katabi ng higaan ko.

Donny Pangilinan
: Nakauwi kana ba?

Donny Pangilinan
: Nagdinner kana?

Donny Pangilinan
: Hey!

Donny Pangilinan
: Belle, I'm sure my messages are popped up on your phone, why are you didn't open it?

Donny Pangilinan
: Nagbago ba isip mo? Just tell me, I'll not force you to deal with my plan.

Donny Pangilinan
: I'll wait for your reply.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga nabasa ko. Mabait talaga siya sa chat pero sa personal---never mind.

Nagtipa ako ng reply para sakanya.

Belle Mariano
: Sorry, nakatulog ako pagkauwi ko, naka auto connect kasi 'yung phone ko sa wifi namin kaya nakaonline ang mga social media account ko.

Donny Pangilinan
: Typing...

Grabe wala pang isang minuto, segundo pa'yon mula sa pagsend ko.

Donny Pangilinan
: Thank God, I thought you changed your mind. Are you done with your dinner?

Napakamot ako sa ulo bago nagtipa.

Belle Mariano
: Hindi pa.

Tipid na reply ko.

Donny Pangilinan
: Bakit hindi pa, late na oh. Buti hindi ka pa nagwawala d'yan, eh walang pang laman 'yang t'yan mo.

Belle Mariano
: Tigilan mo'ko sa mga kalokohan mo. Hindi na'ko makakareply sayo, bababa na ako para kumain.

Donny Pangilinan
: Okay, chat me after mong kumain.

Belle Mariano
: Bakit, kailangan pa ba 'yun?

Tss!

Donny Pangilinan
: Ganon ang ginagawa ng magjowa Belle.

Belle Mariano
: Bahala na, byeeee!

*Tingggg* chat niya pero hindi ko na pinansin.

Nag ayos lang ako sandali bago lumabas ng kwarto at dumertso sa dinning area. Wala ng tao do'n, tulog na siguro sila.

Pagkatapos kong kumain ay akmang manghuhugas na ako ng pinggan nang may nagsalita sa likuran ko.

"Ako na d'yan." Tinig iyon ni ate Niña na halatang kagigising lang kaya lumaki 'yung boses niya.

"Ay! Pwet ng langaw!" nabibiglang saad ko naman.

"Hahaha kape pa Belle, magugulatin ka talagang bata ka."

"Ate Niña naman eh, ang laki laki ng boses niyo--sinong hindi magugulat." Paiyak na sambit ko.

Sino ba naman kasing hindi magugulat, simula no'ng pagkain ko payapa at walang anumang tunog ang maririnig sa paligid maliban sa plato't kutsara na gamit ko, tapos biglang may nagsasalita malaking boses pa!

"Haynako! Umakyat kana do'n para makapagpahinga kana, maaga kapa bukas."

"Sige po akyat na po ako, matulog nadin po kayo pagkatapos niyo diyan ate."

"Sige goodnight."

"Goodnight din po."

Pagpasok ko sa kwarto ay cellphone agad ang hanap ng mata ko.

Donny Pangilinan
: I'll call you later.

Donny Pangilinan
: But I don't have your number, can you give me your number?

Donny Pangilinan
: And accept me on my friend request, pleaseee. I'm sorry if I have a lots of favor. Thank you for trusting and helping me with my plans.

Kapag sa chat lang ay para talaga siyang anghel, 'yung tipong hindi makabasag ng pinggan tss!

Agad akong tumungo sa Facebook.

Donny Pangilinan
: Thanks for accepting. Can I have your number now?

Belle Mariano
: Kailangan ba 'yun? Hindi ko kabisado numero ko, wag na!

Donny Pangilinan
: Of course, kailangan 'yun Belle. Open your settings, then go to Mobile network, after that makikita mo 'yung number mo sa ibaba no'n.

Daming alam tsk! Tsk!

Belle Mariano
: Okay, bukas na inaantok na ako eh.

Donny Pangilinan
: What? Ngayon na Belle, gawin mo na ngayon!

With exclamation point ah, galit ka!?

Belle Mariano
: Ikaw nalang lagi ang nasusunod ah! Bibigyan kita pero hindi muna ngayon, inaantok na'ko!

Donny Pangilinan
: Okay I understand, sorry.

Hindi na'ko nagreply sakanya at naghanda na para matulog. Tumunog ng dalawang beses 'yung phone ko habang nagsusuklay ako, ready na sanang matulog.

Donny Pangilinan
: Sleep tight, goodnight.

Donny Pangilinan
: I'll wait you at the parking lot tomorrow.

Tss. Ito na nga ba 'yung sinasabi ko. Makikita kami ng ibang estudyante, magtataka pa'yun dahil kaninang umaga lang gumawa kami ng eksena tapoosssss....!

Tsk! Bahala na nga! Nakatulog na'ko after ng ilang mga minuto.

[ Wednesday ]

5:15 ako gumising, naligo agad ako tsaka nag ayos ng sarili. Wednesday ngayon P.E uniform ang dapat na susuotin pero wala pa akong P.E, school uniform palang ang meryo'n ako. Nag suot nalang ako ng black na highwaist pants at puting may kaunting design sa gitna na t-shirt. Puting sapatos rin ang ginamit ko at nagpabango narin. Pagkatapos ay bumaba agad ako.

"Mom, I'll go na." Saad ko Bago bumiso.

"Okay take care, I love you."

"I love you too mom, bye."

Nagsimula na akong magmaneho hanggang sa marating ko ang parking lot. Pagkababa ng kotse ay didiritso na sana ako papasok ng may narinig akong pamilyar na boses.

"Good morning." Bati ni Donny.

Shit nakalimutan kong hihintayin niya pala ako dito. Makikita kami ng iba nito! Tumingin ako sakanya. Ang presko ng awra niya, dumagdag pa sa kagwapohan niya ang unipormi naming P.E na talagang bumagay sakanya.

"Mmm, morning." May pa tangong ani ko pa. Lumapit siya sa'kin kaya nalanghap ko ang panlalaki niyang pabango.

Sheytt lakas makadagdag sa kagwapohan ang pagiging mabango!

"Let me carry your bag." Nakangiting alok niya.

"H-Hindi na, kaya ko na." Nahihiyang sagot ko.

Ewan ko pero parang ang awkward sa'kin nito, nahihiya pa ako. Iniwas ko ang aking paningin sa kanya. Hindi alam kung paano ako tatayo o pa'no epepewesto ng mabuti ang mga paa ko! Kung saan ilagay ang kamay ko! Kung anong dapat na reaction ng mukha ko! At higit sa lahat hindi ko alam kung saan ako titingin, hindi ko kayang makipagtitigan sa mga mata niya. Nakakabaliw ang pakiramdam kong ito!

"I understand you. I know it's awkward but please, don't be shy at me. I'm the one who asked in
this favor, so supposedly I am the one who'll act like that." Hindi ko maitatanging ang gwapo niya sa pagkasabi niyang 'yun. Ang gwapo ng English niya!

"S-Sorry hindi ko mapigilan eh. Ang gwapo mo kasi---habang ako mukhang sapatos mo lang!" Unti unting huminang boses na ani ko.

"Ganyan ba kasexy 'yung sapatos ko para maikukumpara mo sayo?" He said. A perfect smile was plastered on his face.

"Tsk! Ewan ko sayo." Nahihiyang saad ko tsaka tumalikod papasok ng campus.








____________________________________

Hello eberwan, this is my first time writing a story. Pasensya sa mga typo error, wrong grammar and punctuation! Adik na adik ako sa dalawang to kaya ako nakagawa ng storya na galing sa aking munting imahinasyon. Sana ito'y inyong magustuhan nang sa ganon ako'y inyong suportahan.

Hello Bubblies I'm a bubbly also. Pa share ng story ko love you'll.

Itim at pula lagi't lagi!

🖤❤️iTINKendgameNATO🖤❤️

PLEASE DO VOTE, DON'T FORGET.🔔

♥️🖤♥️🖤♥️🖤♥️🖤♥️🖤♥️🖤♥️🖤♥️

Happy birthday to me! Espesyal sa'kin ang araw na'to kaya sinikap kong maka update ng kahit kaunti, eh ang kaso--ginanahan ako kaya tumaas 'din ng kaunti HAHAHA.

Continue Reading

You'll Also Like

386K 23.3K 82
Y/N L/N is an enigma. Winner of the Ascension Project, a secret project designed by the JFU to forge the best forwards in the world. Someone who is...
955K 58.7K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
223K 11.5K 44
╰┈➤ *⋆❝ 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐤 𝐢'𝐝 𝐩𝐚𝐬𝐬 𝐮𝐩 𝐚 𝐟𝐫𝐞𝐞 𝐭𝐫𝐢𝐩 𝐭𝐨 𝐢𝐭𝐚𝐥𝐲? 𝐢 𝐥𝐢𝐭𝐞𝐫𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐤𝐞𝐞𝐩 𝐦𝐲 𝐩𝐚𝐬𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐢𝐧 𝐦𝐲 �...
1M 35.2K 62
𝐒𝐓𝐀𝐑𝐆𝐈𝐑𝐋 ──── ❝i just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!❞ 𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 jude bellingham finally manages to shoot...