In the Night Sky

By jollyou_

5K 171 10

Despite the fact that they have their own world in showbiz, they have been secretly engaged. Their parents ar... More

TALA NG MAY AKDA
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32

KABANATA 14

95 4 0
By jollyou_

"Tapos?!" atat na tanong ni Zaina.

At the same time that I'm working on a project with Kio and Kevin, the A Plus are planning for our comeback. Aiyana, on the other hand is still working as a doctor kahit hindi na tanungin ay malalaman naman kung ano ang trabaho niya.

"Aba! Tulog na agad 'tong bruha na 'to!" gulat na sabi ni Zaina. Normal ang usapan naming ganito kahit alam kong inaakala ng mga students dito ay nag aaway kami sa lakas ng boses mag usap.

Zaina was able to stay in Hyamer for a few months dahil na rin nagalit sa kaniya ang magulang niya. Her parents' disapproval with her for leaving the country and returning when she only wanted to. Iba talaga ang bet ng mga mayayaman, eh.

"Then he stated that his boyfriend was Edward so he took the project because Direk pressured him. And ako naman daw ang main lead kaya walang problema," kibit balikat na tuloy ko sa k'wento.

"Ano namang kinalaman ni Edward dito kaya he agreed to this project? Dahil lang ba boyfriend?" inaantok pa na tanong ni Aiyana. Nagulat pa kami sa kanya!

"I didn't ask that because I was hurt, but you have a point!" tumatango pa 'ko nang sabihin ko iyon.

"Sobrang laki ang ikakasira mo kung hindi mo pa maitigil iyang nararamdaman mo, Aciellin."

"Alam ko iyon," I sighed.

"Malaki rin ang project na 'to if ever siya ang gumanap. Sayang naman!" saad din ni Zaina.

"May boyfriend na nga, eh!" saad din ni Yana. "Swerte na niya r'on."

We're still sitting at the Hyamer University cafeteria, waiting for the students na bumili ng mga pens ni Zaina. And since this is just our common free time, we came here and sat on the cafeteria's side.

"Ate?" kinalabit pa ni Ven ang ate niya. She's wearing her uniform. It suits her so well. "Oh my gosh! What are you two doing—Erase that! Kayong tatlo? Right!"

"It won't even take an hour, and there are no risks involved. So please don't worry," kausap ni Aiyana sa phone niya habang nagtatakang tumitingin din kay Ven.

"Ang OA naman nito," malakas kong bulong kay Zaina.

"I'll look after your daughter, po." Habol pa ni Yana sa kausap.

"She sells her pens in her room since she doesn't have any money and she knows her pens are pricey naman," hindi ko na tinuloy ang sinasabi dahil si Zaina ay matalim na ang tingin sa'kin.

"Sooo?" mahabang tanong ni Ven para ituloy ko ang sinasabi.

"She sells them here in the university," ani ko.

"Bakit pa kayo nandito?"

"At bakit ka rin nandito?" mabuti naman at nagsalita na 'tong si Aiyana.

"I bought one too, Ate! And lunch time na, duh! Bakit nga kayo nandito?"

"Ako ang seller kasi bawal namang may makaalam na si Zaina talaga 'yung seller."

"Bakit naman, ate Chin?"

"Anong bakit?" tanong din ni Zaina sa tanong ni Ven. "Ganito kasi 'yan. Iyong nanay at tatay ko galit sa'kin. Sinong tanga ang may dahilan? Syempre, ako! Sino ang bawal umalis ng bansa? Ako pa rin! Walang pera? Mommy naman kasi. Wala na 'kong pera kaya ibebenta ko na lang gamit sa bahay. Mindset ba, mindset."

"Why naman nandito rin si ate?" nagtatakang tinuro niya si Aiyana.

"Bawal ang magbenta rito sa loob, 'di ba? Kahit nakapag-order na sila ay mahirap pa rin! Kapag may nakahuli sa amin edi may magpapaliwanag."

"Wait, what? That's a smart move, ates!" nag thumbs-up pa ito sa harap namin.

"Ha? Meron bang Ven?" napatingin agad ako kay Zaina dahil wala namang nakasulat na Ven sa lists niya.

"Wala," bulong ni Zaina sa tenga ko.

"Code name ba gamit mo?" mahina kong sabi.

Tumango agad siya. "Yeah, why?"

"Huwag mong isusumbong kay tita na binebenta ni Zaina 'yung mga pen, ha?"

"That's so mahal nga, eh! I should have a discount," malapad pa ang ngiti niya.

"Mayaman ka naman," saad ni Zaina at kinuha ang pen na may pangalang Sane, her code name. "Walang discount discount dito, hindi na uso 'yan!"

"You're so madamot naman, ate! Do you want me to lend you some money ba?" sumeryoso pa ang itsura niya.

Napatingin ako kay Zaina na nanlaki pa ang mga mata. "Ikaw na ang pinakamagandang nilalang sa buong Hyamer na may ganang magpautang. Grabe! Dapat ito 'yung mga nilalaan niyo ng oras na ibigay sa'kin, ano?" tinaas taas pa ni Zaina ang dalawang kilay dahil nagpaparinig sa'min. "Hindi katulad ng iba diyan na mas nilalaan ang pagsesend sa'kin ng mga message na kung hindi ko ipapasa ay magiging tricycle raw ako. Goodness gracious! Laking tulong sa problema!"

"Hoy!" pagtigil ko sa kanya. "Akin na ang sunglasses at mask ko!" utos ko kay Zaina dahil dumarami na ang mga estyudante rito sa cafeteria pati ang mga sinasabi niya. Hindi naman siya tipsy sa lagay na 'to. Pinaupo ko na rin sa table namin si Ven habang ang mga kaibigan niya ay nasa kabilang table. Mabuti na lang at naka-cap na 'ko kanina.

"Uhm," nagkunwaring umubo pa ang lalaking nakatayo sa harap namin. "I want to get the limited pen, Xean."

"Hello!" Zaina greeted kaya napatingin kami ni Aiyana sa isa't isa. I took his pen and gave it to him immediately lalo na't siya na lang ang hinihintay namin para matapos. "Thank you!" she said happily when the man put the money on the table. "I'll treat all of you, what do you want besides coffee?" masayang tanong ni Zaina.

"Nothing," Aiyana and I answered at the same time.

"Gusto ko cheesecake!" nilakihan ko ang mata dahil sa sinabi ni Ven kaya binawi niya rin agad iyon.

"Ano ba 'yun?" tanong ko kay Kevin at humarap bigla sa kanya. Dahil d'on ay dumampi ang labi naming dalawa.

"Mahal kita," sagot niya sa tanong ko kaya napatulala ako. Umiwas ako nang tingin at napatayo nang makita si Kio roon.

"Cut!" sigaw ni Direk kaya nagmadali na 'kong lumapit sa kanya. "Sorry for the sudden shoot, Aciellin. Alam kong wala 'to sa sched mo pero thank you. Good job! Pack up na, guys!" nagmamadaling sigaw niya sa mic na hawak bago ako iwan.

Napadayo pa 'ko rito para lang sa tatlong halik na 'yan. Nakakasuka! Ang sabi ko pa naman ay isang take lang dapat perfect na namin pero parang sinasadya niya pa yatang mamikon, eh! Sumakay na tuloy ako sa sasakyan ko at hinintay na sunod sunod lumipat ng place ang lahat. Bahala na sila sa buhay nila.

"You're late," madiing saad ni Aina.

Napabuntong hininga ako nang kabubukas ko lang ng pinto at mayroong tao na ang bumungad sa'kin. Matalim pa ang tingin nilang dalawa. Dumiretso agad kami sa loob habang tinatanggal ko ang mga nasa mukha ko at coat na suot.

"Pa'no kami magsisimula kung wala ka? Dapat iniisip mo 'yan, Aciellin. Lagi kang ganiyan, ha!"

"Sorry na. Nandito na po ako," pekeng ngumiti ako at nilapag ang mask, sunglasses at donuts with coffees na dala.

"Nagsasayang kasi tayo ng oras, Aciellin." Seryoso ang pagkakasabi ni Ayz kaya nawala ang peke kong ngiti.

"Gabi gabi ba naman kasi tayong pumupunta rito para lang magpractice. Nakakapagod!"

"Kung suntukin pa kita," inis na tingin sa'kin ni Aina. "Hindi pa ako mapapagod d'on."

"Ikaw na nakaisip kaya gawin mo 'yan sa sarili mo. Mandadamay ka pa tala—"

"Shut up, guys. Let's practice tonight so that we can just shoot once."

"Sorry po!" The three of us were surprised dahil biglang nawala ang music while shooting the dance na pinaulit ulit sa amin ng mga director kanina pa. We looked behind the cameras where they were talking to the woman who had apologized earlier. The woman was already crying when the three of us approached them to find out what had happened. "Who is she?" I asked softly when they approached us.

"Intern po, ma'am," he said and wiped my sweat. I took the towel he was holding and ask, "Why is she crying?"

"The directors found out that she had already removed the music outlet earlier just so she could charge her phone."

Napanganga ako nang malaman iyon. Baka pinagalitan din siya ngayon kaya nag iiyak. Kanina pa kasi wala yata sa mood mga directors dahil paulit ulit na kami kahit wala namang nagkakamali sa'min. Pinaghandaan namin ang shoot today kaya alam naming perfect ang ginagawa namin. Ewan ko lang talaga kung ano ang problema nila sa'min dahil mukhang sadya.

"So the directors scolded her?" Aina asked.

"No."

"If that's the case, why is she crying?" Ayz asked, confused.

"Wala kang kasalanan."

"Oo, alam ko! Huwag niyo na 'kong turuan!" sunod sunod ang sigaw niya kasabay ang malakas na pag-iyak kaya nagulat kaming lahat. Nagkatinginan pa kaming magkakatabi.

"Kaclan po ng isang director, ma'am. Kaya po walang nagagalit at nakikielam."

I picked up the microphone that was being held by a staff person. "If that's the case, Direk, we should finally put an end to this."

"What?" napatingin ang lahat sa'min, even the intern and the directors.

"I don't think there's any point in sugarcoating someone dahil lang kaclan niyo siya or anything."

"How are they going to improve then?" tanong ni Ayz kaya rinig din iyon dahil na rin nakalapel pa kami.

"Hello!" bungad nila Kio at ng mga kaibigan niya. Lahat tuloy kami ay napunta ang atensyon sa kanila na masayang pumasok. Iba talaga timing ng mga 'to.

"Oy, bakla! Tapos na ba ites?" lumapit pa sa'min ang isa sa kaibigan ni Kio ngunit lumayo lamang kaming tatlo sa kanila para mag impake na.

"What's happening?" lumapit si Kio para tanungin iyon. Inilalagay ko pabato naman ang iba kong personal na gamit habang si Minha ay sa mga costume ko. "Why do I hate the atmosphere here?"

"Ewan ko sa'yo. Problema mo na 'yan!" inis kong kinuha ang tinanggal niyang mini-fan sa baggage ko.

"This is not yours!" inalis niya muli iyon.

"Can you just please..." masama ko siyang tinitigan. "Okay, fine!" binato ko pabalik kay Kio ang hawak na mini fan.

"Let's go," tawag ni Ayz nang makaalis na kami agad.

"Please!" pagtigil pa sa'min ng isa sa mga direktor. Tumingin ako kay Ayz para malaman kung aalis na ba kami o kakausapin niya pa muna iyon. "Masasayang lang ang pinaghirapan niyo ngayong araw!" sigaw niya pa muli kaya biglang natuon sa kanya ang atensyon ko. What the fuck? Sila ang nagsayang ng oras namin!

"Ano bang nangyayari?" kinakabahan ang boses na tanong ng isa sa mga kaibigan ni Kio.

Sasagot na sana ako sa sinabi ng direktor ngunit pinigilan ako ni Minha. Lumabas na lang tuloy kaming lahat na walang iniwang salita sa kanila.

"Sigurado na ba kayo sa mga desisyon niyong umalis?" tanong ng manager ni Aina habang nandito kaming tatlong A Plus nakaupo sa hagdan. Magkakrus pa ang mga kamay nila sa dibdib habang sinisigurado ang desisyon namin.

Ramdam na ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin ngayong gabi kaya ipinikit ko ang mata. I don't know why but I felt comforted.

"What would you think, Zion?" tanong ni Minha sa manager ni Ayz na nag iisang lalaki sa'min.

"Women should decide," rinig kong sagot niya.

"Kalerki! Ang tatagal ng mga junakis niyo, ha!" napadilat ako nang lumapit pa sa'min ang mga kaibigan ni Kio habang pinapalo ang manager namin. Close yata talaga sila sa lahat. "Sleeping beauty ang ganap mo?" tanong pa sa'kin kaya inirapan ko siya.

"At least hindi beast," kibit balikat kong sabi.

"Kabog!" natatawang pinalakpakan niya 'ko.

Pinisil ko ang kaliwang paa dahil sa sakit na binibigay nito. "Sakit na paa ko," naiiyak kong sumbong kay Minha.

"Wait! Kailangan ko 'tong ivideo para malaman nila kung gaano maging softy ang isang Aciellin."

Nang tinapat niya bigla sa'kin ang camera ay tinitigan ko lang iyon habang sumandal na muli sa hagdan. "The number you have dialed cannot be reached please try again later. Toot... Toot... Toot." Nakangusong sabi ko habang iniinda ang sakit. Joke time yata 'to.

"Gogora na akes," dinig ko ang bulong ni Kio sa mga kasama niya. "Umuwi na tayo," umupo siya sa harapan ko para sabihin iyon.

"Ayoko umuwi," iling ko. "Tinatamad akong maglakad."

"Uuwi tayo."

"Nauna na sila sa condo namin. Iniwan na nila 'ko. Okay lang! Lahat naman umaalis!"

"Lasing ka ba talaga? Pangatlong bote? Himalang malasing ka agad."

"Grabe sila! Pagod na 'ko sa sayaw na pinapagawa nila sa'min. Every night kaming nagprapractice tapos parang pinaglaruan kami, ampota. Ayoko na! Nasaan si dad?" sinampal ko ang mukha ni Kio na nakaharang sa mukha ko.

Hinawakan ni Kio ang kamay ko para makatayo pero nagpipilit lang akong umupo. Sa huli ay iniwan niya 'kong mag isa rito sa hagdanan.

"Ano ba?!" nagising ako bigla nang buhatin ako ni Kio para ilagay sa isang skateboard.

"Ayusin mo ang upo. Hilahin kita, dali!"

"Mukha ba 'kong bata para makipagbiruan sa'yo?" inis kong tanong.

"Dahan dahan!" natatawang bulyaw ko kay Kio nang binilisan niya ang takbo para makasakay na kami sa sasakyan ko. "Nahihilo na 'ko,"  hinawakan ko ang ulo ko dahil sa bilis.

"Mahal kita," he said as he looked outside of the car.

Tumingin din ako sa tinitignan niya. Napatakip ako sa labi nang malaman kung sino iyon. Edward.

Continue Reading

You'll Also Like

38.7K 2.5K 61
๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐ง๐ ๐›๐จ๐จ๐ค ๐จ๐Ÿ ๐ฌ๐ก๐จ๐ซ๐ญ ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐š๐›๐จ๐ฎ๐ญ ๐จ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ข๐š ๐ซ๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐จ ๐š๐ง๐ ๐ฒ/๐ง'๐ฌ ๐ฆ๐ž๐ž๐ญ-๐œ๐ฎ๐ญ๐ž๐ฌ/๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๏ฟฝ...
95.9K 2.5K 35
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
69.9K 3.9K 81
When shrivi goes home after a long time. Who doesn't have her parents' love and family's love for some reason. She had support from her grandmother...
272K 6.2K 58
โ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. โž kate martin x fem! oc