UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)

By AKDA_NI_MAKATA

821 91 0

(on-going) SPOKEN WORD POETRY SERIES #1 Halina't tunghayan niyo ang kwentong talagang makakabihag sa inyong p... More

Unspoken Promises
MOTTO
PROLOGUE
P1
P2
P3
P4
P5
P6
P7
P8
P10
P11
P12
P13
P14
P15
P16
P17
P18
P19
P20
P21
P22
P23
P24
P25
P26
P27
P28
P29
P30
P31

P9

17 2 0
By AKDA_NI_MAKATA

#SWP9 

Kinabukasa'y hindi pa naman sumasapit ang tanghali pero okupado ko na ang aming malawak na kusina ng aming mansyon. Kanina pa ako dito at wala pang kain mula kaninang almusal. 

"Ma'am, baka mapaso kayo...papagalitan kami ni Mayor." Umiling ako. 

Pang ilang sabi na ba niya 'yan? 

Okay naman ako, kanina pa rin ako napapaso pero habang tumataggal nasasanay na ako sa sakit. Maliit lang naman iyon, mainit sa pakiramdam at parang namamaga pero agad din naman nawawala. 

"Okay lang po ako dito," tinabunan ko ang niluluto kong sinigang na baboy. Nakakagutom yung amoy. "Ano nga po ulit susunod na ilulunod?" Tanong ko. 

"Ah, yung gulay na." Taranta niyang kinuha ang gulay. Agad ko naman itong inagaw. "Ako nalang maglalagay, masyado ng mainit ang takip ng kaldero baka mapaso kana." 

"Ako na po, promise hindi po ako magsusumbong kay Daddy kapag may nangyari sa akin." 

"P-pero..." 

"Yaya, I can do it." Binuksan ko na ang takip. Lumabas tuloy ang mabangong usok mula sa aking niluto, agad ko nang nilunod ang gulay. 

Tiningnan ko ang oras. Malapit nang magtanghalian, siguro narito na si Anton maya-maya. "Pakilinisan nalang po ang lamesa tapos pakihain nalang din po itong niluto ko kapag naluto na." 

"Sige-sige, mabuti naman at pinaubaya mo na sa akin 'to, naku parehas na parehas talaga kayo ng nanay mo!" Napapakamot pa siya sa puti niyang buhok. 

Ngumiti lang ako. "Maliligo lang po ako, baka kasi dumating na si Anton." Tumango lang siya at ginawa na ang aking inuutos. Masaya naman akong umakyat at pumasok na sa aking kwarto. 

Halos umabot pa ako ng isang oras sa pagliligo dahil sa kakakuskos ko sa aking balat. Pakiramdam ko kasi ang dumi-dumi ko at ang baho ng aking pawis ay dumidikit sa aking balat. Sinuot ko na ang aking bistidang bulaklakin at umikot sa harap ng salamin. 

"Ang ganda ko!" Hindi ko maiwasang puriin ang sarili. Bagay na bagay sa akin ang aking suot at ang pisngi at labi ko'y pumupula pa, hindi dahil sa koloreteng katulad sa nilalagay ng ibang babae sa kanilang mukha kundi dahil sa normal nitong pagkatingkad. 

Sinuklay ko ang aking buhok pagkatapos ay tinali ang maliit at manipis na bahagi ng aking buhok sa gilid nang ulo ko—sa may kaliwang bahagi. Isang beses ko bang tiningnan ang aking ayos sa harap ng salamin bago nagpasyang lumabas na. 

Siguro nama'y nariyan na si Anton. Sabi niya kagabi tanghali daw siya makakapunta sa akin dahil nakapagpaalam na naman siya kanila Kuya Nate. Halos lampasan ko na nang isang hakbang ang bawat baitang ng aming hagdan sa sobrang pagmamadali. Gusto ko na siyang makita, pagkatapos nito...yayayain ko naman siya pumunta sa studio ko dito sa bahay para iparinig ko sa kaniya yung mga hinanda kong poetry para sa kaniya. 

Ilang taon ko na ba siyang hindi nabigyan ng tula? Simula nung narinig ko ang mga sinabi niya, hindi na ako naglakas ng loob na bigyan siya. 

Sobrang saya ko pa nung makababa na ako ng tuluyan at pumunta sa dining area pero agad na bumagsak ang aking balikat ng makitang walang ibang tao doon kundi ang aming maid. 

"Wala pa po si Anton?" Ani ko nang makalapit sa lamesa. 

"Naku Ma'am, wala pa po." Nawala ang aking ngiti at napatingin sa relo ko. 

Anong oras kaya siya darating? 

Ako: 

    Anton, hihintayin kita. 

Umupo ako sa upuan at nilaro muna ang aking cellphone. Sa sobrang busy ko sa akin cellphone ay hindi ko man lang namalayan ang oras. Ala-una trenta na't wala pa rin siya. Gutom na gutom na rin ako pero wala akong ganang kumain.

Muli kong tiningnan ang tanggapan kung may pumasok na ba, pero wala talaga. Bagsak ang mga balikat na tumayo ako mula sa pagkakaupo. 

"Yaya, pakiligpit nalang po ng mga ito." Walang gana kong sabi. 

"Ma'am, hindi po ba kayo kakain...'diba kanina pa po kayo walang kain?" Nahihimigan ko ang pag-aalala niya kaya mas lalo lang pumait ang aking nararamdaman. 

Sana naisip rin 'yan ni Anton. Bago niya ako paasahin. 

"Hindi na po..." tiningnan ko ang labas. "Aalis nalang po muna ako, mamamasyal lang." 

Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Dere-deretso ang aking lakad hanggang sa makalabas ako ng bahay. Tiningnan ko ang aming garahe kung may iniwan silang sasakyan, pero wala. Gamit nila Papa lahat papuntang Maynila. 

Lumabas ako sa gate at tulad dati, wala pa rin itong katao-tao. Tahimik pa rin dito dahil exclusibo itong subdivision. Nang may makita akong tricycle ay agad akong sumakay at nagpahatid sa Rancho ng mga Montecarlos. 

Malapit lang naman ang rancho sa amin kaya hindi umabot ng kinse minutos ng marating namin ang bukana nito. Sumabog ang aking buhok ng makababa ako dahil sa malakas na hangin. Agad ko itong inayos. Matapos kong magbayad ay agad ko nang ginala ang paningin. May mga tao sa may plantation banda dahil na rin sa busy ang mga tao sa paghaharvest ng mangga. 

Dumaan ako sa may tulay para makarating ako sa mga barn house nila Kuya Nate. Rinig ko ang ingayan ng mga taong hindi ko alam kung sino. Hinanap ko ito kaya hindi naman ako nabigo dahil ilang metro lang ang layo mula sa aking kinatatayuan, nakita ko na sila Kuya Nate na nagtatawanan at nagsisigawan. 

Nakasakay sila sa kanilang mga kabayo. May nagpapaunahan pa na makaabot sa kabilang dulo ng rancho. Hinanap ko si Anton pero wala. Nang dumapo ang aking paningin sa mga naguunahan, doon ko lang nakita si Anton. Ngingiti na sana ako ng makita siya pero agad din nawala ang aking ngiti ng makitang hindi siya nag-iisa sa kabayong sinasakyan. Sa harapan niya mayroong babaeng nakaupo at nayayakap na niya. Tawa ng tawa iyon habang nakahawak sa braso ni Anton na nakahawak sa tali ng kabayo. 

Sila ang unang nakarating sa banda nila Kuya Nate. Kitang-kita ko kung paano bumakat ang mga muscles ni Anton sa kaniyang masikip na bamit ng pilitin niyang mapahinto ang kabayo. Nilapitan sila ng mga kaibigan nila. 

Hindi hinayaan ni Anton na unang makababa yung babae. Bumaba muna siya bago pabuhat na ibinaba ang babaeng agad naman yumapos sa mga braso ni Anton. Maya-maya pa'y nagulat nalang ako ng halikan nito sa pisngi si Anton. 

"You're so good!" Rinig kong saad ng babae. 

Tumawa lang si Anton. 

Napahakbang ako paatras. Kaya ba hindi siya nakapunta sa akin kasi busy siya sa babae niya? Sabi niya wala siyang gf? Pero bakit ngayon, nakalimutan na niyang pumunta sa akin dahil sa babae niya. Akala ko pa naman makakasama ko siya ngayon, pero nandoon naman siya sa babae niya at tuluyan ng nakalimutan ako. 

Isang araw rin akong hindi lumalabas ng bahay. Kahit pa, nandyan si Anton o si Phoenix dahil hinahanap ako. Ayokong magpakita kay Anton, nagtatampo pa rin ako sa kaniya. 

Anton: 

     Hey, I'm sorry...nakalimutan kong i-text ka na hindi ako makakapunta. 

Anton: 

     Beverly,

Anton: 

     Galit ka? 

Anton: 

     Hindi ka daw kumain sabi ng maid niyo. 

Iyon ang mga huling mensahe ni Anton sa akin nung araw na iyon pero lahat ng iyon ay hindi ko nireplyan. Kahit nakailang tawag o text na siya, hindi pa rin. Hinahayaan ko lang itong tumunog hanggang sa mamatay ito. 

Normal naman ang araw ko matapos ang mahabang klase sa school. Maliban sa pagpunta ko sa canteen at library para mag-aral, wala na akong ibang ginawa. Iwas rin ako kay Phoenix na ikinainis niya kaya nauna na siyang umuwi ngayon. Ako nama'y kakalabas lang ng eskuwelahan para umuwi. 

Ala-singko na ng gabi kaya nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa langit. Some students are staying near the gate, kumakain sila ng mga street foods habang nakikipagtawanan sa guardya. 

Inayos ko ang pagkakabitbit ng mga librong hiniram ko bago dere-deretso na ang lakad. Ngunit hindi pa naman ako nakakalayo ng biglang may humigit sa kamay ko at pinaharap ako. Sisigaw na sana ako pero nung makita ko kung sino ito'y natahimik ako. 

"Uuwi kana?" Ani niya habang pinagmamasdan ako. 

"Ha, oo..." Tugon ko rin. 

He nodded slowly. Tiningnan niya ang mga dala ko bago ibinalik ang mga mata sa akin. 

"Mabuti naman, ihahatid na kita." akmang kukunin na niya ang aking mga librong dala ng iiwas ko ito sa kaniya kasabay ng aking paghakbang paatras. 

"Maglalakad lang ako, Anton." Pilit ko siyang nginitian. 

"Maglalakad, are you kidding me? Kalahating oras pa ang layo ng bahay niyo mula rito." Kalmado man ngunit nahihimigan ko ang badya ng galit sa kaniya. He jaw moved in intense way. 

Iniiwas ko ang aking tingin doon. "Sige mauuna na ako, may pupuntahan pa kasi ako." Sabi ko nalang para makaiwas. 

Muli akong tumalikod at nagsimula ng maglakad pero hindi pa naman ako nakakalayo ng maramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. 

"So tama nga ako, hindi ka totoong busy kasi umiiwas ka sa akin." Ani niya na parang siguradong-sigurado na. 

"Hindi ako galit, Anton." Ani ko at mas binilisan pa ang paglalakad. 

"E ano, nagtatampo lang? Dahil ba sa hindi ko pagpunta sa inyo nung isang araw?" Hinawakan niya ako sa kamay pero agad ko rin naman iniiwas sa kaniya.

 I heard his low chuckle that makes my cheeks burned. Ano ba Beverly!? Pinapahiya mo lang sarili mo e. 

"Hindi nga!" I hissed. 

"I told you, i-tetext sana kita pero nakalimutan ko na at isa pa, na lowbat rin ako. Hindi rin naman ako makaalis agad doon kasi dumating din yung iba naming kaibigan." He explained clearly. 

Umirap ako. "Ang sabihin mo kasama mo ang babae mo kaya hindi ka makapunta sa bestfriend mo." 

Imbes na sa isip ko lang sana iyon sasabihin ay nabigla pa ako ng masabi ko iyon ng malakas. Naglakihan ang aking mga mata at nilingon siya. 

"Wala akong babae." Nangingiti niyang sabi. 

Namula ako sa kahihiyan at napakagat nalang ako sa aking labi. 

Oh damn, Beverly. Sa kadami-daming oras naman na mapahiya ka, sa harap pa mismo ng kaibigan mo. 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...