CELESTE'S POV:
Nang matapos na Kami ay inayos na namin Ang mga gamit ko.
"Hija ano yang nasa dibdib mo?"- Tanong ni Ma'am Irene.
"Anting-anting Po ito ma'am para Hindi makuha ng mga iba't ibang kaluluwa Ang katawang lupa ko"- Celeste
"Wag mo na akong tawaging ma'am, Tita Irene nalang"- Tita Irene
"Sige Po"- Celeste
"Dito kana muna, kung okay lang sa'yo? Kasi kapag nandito ka parang nandito na rin si Celestine eh"- Tita Irene
"Okay lang po sa akin hehe"- Celeste
"Salamat hah"- Tita Irene
"Walang anuman ho"- Celeste
"Psst huy!"- may tumawag sa gilid ko
"Ano? May kailangan ka ba?"- Tanong ko Kay Celestine
"Tanggalin mo na yan Wala naman ibang kaluluwa Dito eh Tsaka tapos naman na kayo"- Celestine
"Pag may nakapasok sa akin Ikaw may kasalanan ah"- Sabi ko sa kanya
(Dirty Mind, Dirty Mind D-d-d-d Dirty Mind... Jessan niyo tahimik- Author)
"Oo Ako bahala sa'yo"- Celestine
"Sige"- Sabi ko at tinanggal ko Ang kwintas ko.
"Pwede pumasok?"- Celestine
"Wag, di ako ready.. baka kung Anong Gawin mo sa akin"- Sabi ko at lumayo sa kanya.
"Hmmp Ang Arte mo!"- Sabi niya at inirapan ako.
"Ano pinag-uusapan niyo?"- biglang sabat ni Tita Irene
"Si Celestine Po kasi nangungulit"- Celeste
"Ahy hahaha makulit talaga yan"- Sabi niya. Binatukan naman ako ni Celestine.
"Aray!"- Celeste
"Oh Anong nangyari sa'yo?"- Tita Irene
"Napaka abusive Po ng Anak niyo"- Sabi ko sabay hawak ko sa Ulo ko.
"Tse!"- Sabi ni Celestine at umalis.
"Tse ka rin!"- Sigaw ko sa kanya
"Ang Pangit mo!"- Celestine
"Ang Arte mo!"- Celeste
"Ang taba mo!"- Celestine
"Ang payat mo!"- Celeste
"Ang Pangit ng Boses mo!"- Celestine
"Ang daldal mo!"- Celeste
"Di bale nang madaldal at least maganda Ang Boses Hindi katulad mong laging pumipiyok"- Celestine
"Ang dami mong sinasabi!"- Celeste
"Edi wow!"- Celestine
"Hoy Tama na! Para ka nang abno Jan oh hahaha"- Sabi ni Tita Imee
"Alam mo bagay talaga kayo, Jan Nagsisimula yan eh. Yung magkaaway muna tapos sila din magkakatuluyan sa huli. Parang RomCom lang"- Dagdag ni Tita Imee.
"Ang dami mo ding daldal manang noh, sa'yo nagmana yang si Celestine eh"- Tita Irene
"Edi wow!"- Sabi ni Tita Imee..
"Magtita nga Po kayo"- Sabi ko at napatingin si Tita Imee Tsaka naman biglang sumulpot si Celestine sa Tabi niya.
"Luh lagi nalang sumusulpot Celestine?"- Sabi ko at tumawa.
"Ahy jusko kaya naman pala Ang lamig"- Tita Imee Tsaka tumakbo sa Tabi ko.
"Hahaha Tita oh tinatawanan ka ni Celestine"- Sabi ko dahil Hindi tumitigil kakatawa si Celestine
"Tse! Dun Nako sa kwarto"- Sabi ni Tita Imee at dumeretso na sa kanyang kawarto.
"Hija, ihatid na kita sa kwarto mo"- Alok ni Tita Irene kaya tumango nalang ako.
Sumusunod lang sa akin si Celestine kaya naman ay naiilang ako.
"Teka lang po ah"- Sabi ko Kay Tita Irene
"Bakit?"- Tita Irene
"Hoy wag mo nga akong sundan, Ang creepy mo na"- Sabi ko Kay Celestine
"So what?"- Sabi nito at umirap
"Ayoko nun, kailangan maganda ka palagi, Ayoko Yung nakakatakot Yung mukha mo"- Celeste
"Tse! Ang dami mong alam"- Celestine
"Yeah alam ko rin kung Pano kita mapapasakin"- Celeste
"Tsk! Lakad na kayo"- Celestine
"Napaka bolera mo pala Celeste ah hahaha"- singit ni Tita Irene
"Ang lakas Po ng topak ng Anak niyo"- Pagbibiro ko
"Ang sama mo naman"- Sabi ni Tita Irene at mahinang hinampas Ang balikat ko. Bigla namang may tumulak sa akin ng napakalakas dahilan ng pagkatumba ko.
"Aray ko! Ano ba!"- Sabi Kay Celestine na ngayon ay pinagtatawanan lang ako.
"Buti nga sa'yo Deserve mo yan!"- Celestine
"Humanda ka sakin"- Sabi ko at Bumangon na ako.
"Oh ano naman gagawin mo?"- Celestine
"Basta!"- Sabi ko.. marami akong alam na paraan para makalipat Ang Isang kaluluwa sa Isang katawang lupa. Kaya maaari pang mabuhay ulit si Celestine. Ngunit Hindi na sa dati niyang katawan kundi sa ibang katawan. Maaari lang Gawin iyon sa pamamagitan ng paggamit ng Isang bangkay na kakamatay lang o fresh pa.
Alam ko Ang mga ito dahil Yun Ang turo ng Lolo ko. Ang Lolo ko ay Isa ring albularyo at espiritista. Ang Tita mo naman ay Isang manghuhula sa isang Tiangge. Ako ay inirerecommend lang nila kapag hindi nila kaya.
*BACK TO REALITY*
Nakarating na Kami sa Isang kwarto at pumasok na ako sa loob. Pagkatapos nun ay inilapag ko na Ang mga gamit ko. Lumabas na si Tita Irene ngunit nandito parin sa loob si Celestine.
"Oh ba't di ka pa lumalabas?"- Celeste
"Wala lang, gusto lang kitang Bantayan"- Celestine
"Bakit naman Girlfriend ba kita?"- Celeste
"Kapag binabantayan Girlfriend agad? Diba pwedeng concerned lang?"- Celestine.
"Wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin?"- Celeste
"Ano ba yang tanong mo, anyways may phone ka ba Jan?"- Celestine
"M-meron bakit?"- Celeste
"Pahiram naman"- Sabi nito kaya binigay ko Ang phone ko ngunit nahulog lang niya ito.
"Ahy Sh*t! Hindi ka nga pala nakakahawak"- Sabi ko at pinulot ko Ang Cellphone
"Oo nga pala"- Celestine
"Pano ngayon yan?"- Celeste
"May alam ka bang spell para makahawak ako?"- Celestine
"Oo pero Hindi ko na maalala eh"- Celeste
"Wala ka bang libro o something Jan?"- Celestine
"Ahy oo Meron, Eto oh"- Sabi ko at inilabas Ang libro na bigay sa akin ng Lolo ko. May kalumaan na Siya dahil madami na Ang nakagamit nito.
"Oh hanapin mo na Dali"- Celestine
Hinanap ko naman ito ngunit Hindi ko mahanap hanap dahil sa kapal ng Libro. Hindi ko namamalayan na napapapikit nalang ako sa antok.
"Huy!"- Sabi ni Celestine at dinuro ako
"Ano ba?!"- Sabi ko at nabitawan ko Ang libro ko.
"Ahy Hala!"- Sabi ko
"Yan Kasi"- Sabi ni Celestine. Nang Kukunin ko na Sana Ang libro ay nakabukas pala ito sa Isang page. Nakasulat duon Ang spell kung paano makahawak ng Isang bagay Ang Isang kaluluwa.
"Celestine! Eto nah!"- natutuwang sambit ko.
"Patingin?"- Sabi niya at pinakita ko naman.
"Sige na sabihin mo na Yung maga kataga Dali"- Sabi niya kaya sinunod ko naman ito. Nang matapos yun ay hinintay namin Ang magiging resulta. Naging mas maliwanag si Celestine at mas madali ko nang Makita.
"Try mo tong Kunin"- Sabi ko sa libro. Kinuha niya naman ito at sa wakas ay nahawakan na niya.
"Yes!"- Sabi ko at napatayo ako.
"Oh My Gosh Thank You Celeste"- Sabi niya at bigla akong niyakap. Nagulat ako dun pero niyakap ko naman siya pabalik. Unti unti siyang humiwalay sa akin at sabing...
"Ay sorry, nadala lang ako"- Celestine
"Hindi okay lang"- Celeste
"Pero thank you talaga ah"- Celestine
"Walang anuman"- Celeste
"Pero Celeste pwede favor?"- Sabi niya na ipinagtaka ko.
TBC.....