My Phenomenal Bodyguard

By Brittledollyrose

20.2K 2.9K 285

PHENOMENAL, known through the senses rather than through thought or intuition. -extraordinary or ang pagiging... More

My Phenomenal Bodyguard
CHAPTER 1 First Meet
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 5O

CHAPTER 49

305 26 16
By Brittledollyrose

Zaitel's POV



"Where are you going?" Tanong ni Acerdel ng makababa ako sa Salas.

"Sa labas magpapahangin lang." Sabi ko.

"Stay." Seryoso nitong sabi na ikinainis ko. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at saka hinawakan ako sa palapulsohan ko pagkatapos ay iginiya sana ako pabalik sa hagdanan. Malakas kong iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Ano na naman ba ang problema mo? Tatlong araw mo na akong kinukulong dito sa bahay at nababagot na ako. Araw-araw na lang ba tayong ganito, kinumpiska mo pa ang cellphone ko. Mamamatay ako sa pagkabagot at sa sobrang inis sayo." Sigaw ko sa kaniya.

Ewan ko kung ano na naman ba ang nangyayari kay Acerdel. Simula nong nag-usap-usap sila ng mga kaibigan niya nagka-ganito na siya. Ayaw niya na akong palabasin sa bahay kahit sinasabi ko namang magpapasama ako sa kaniya, ayaw niya pa rin. It's been three days since I step my pair of foot outside this fucking house. Kahit sa harap o sa garden lang ako pupunta pinagbabawal niya rin.

He is back from his weirdness again.

"Sundin mo na lang ang utos ko." Seryoso niyang sabi.

"Ayan ka na naman sa susundin ang utos mo. Napupuno na ako sa'yo. Nasasakal na ako." Singhal ko sa kaniya.

"I'm just........ " I cut him off directly.

"Your just, what? Tigilan mo na nga ako, pwede ba? Alalahanin mong bodyguard lang kita kaya wala kang karapatang pigilan ako sa mga gusto kong gawin. Kung makapag-utos ka gusto mong parati kang nasusunod. Sagad na sagad na ang pasensya ko sayo." Walang preno kong singhal sakaniya.


I saw how pain crossed his eyes. Unti-unting nag-sink in sa akin ang mga salitang binitawan ko.

Regret written on my face. I pressed tightly my lips together.

"I'm not doing this because I'm just your bodyguard. I am doing this because I am your man and it's my duty to protect you." He coldly said that send shivers into my spine. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Di ko itatangging kinilig ako sa 'your man' na sinabi niya. Ang sama ko na talaga minsan sa kaniya.

May kung ano itong dinukot mula sa bulsa nitong jogging pants na gray.

It's my cellphone.

"Here." Abot niya sa cellphone kong hawak niya. "But still, I won't allow you to go outside." Malamig niya pa ring pagkakasabi at kaagad itong umalis sa harapan ko at muling bumalik sa kinauupoan niyang sofa kanina.

Pinakatitigan ko lang ang bawat galaw niya sandali bago ko napag-desisyonang may pagsisising umakyat muli sa kwarto ko.

What did I do?

..........

Buong araw akong nanatili sa kwarto ko, hanggang sa maghapon at gumabi na lang. Nahihiya ako sa ginawa kong pagsigaw kanina kay Acerdel.

Napatingin ako sa pintoan ng may marinig akong may kumatok roon.

Hindi ako umimik, hindi rin ako gumalaw sa pagkakahiga sa kama ko. I was just staring at the door.

And I heard Acerdel's voice spoke.

"Your dinner is ready." Rinig kong sabi niya sa labas pagkatapos non ay wala na akong ibang narinig mula sa kaniya.

Tumihaya ako ng higa at pinakatitigan ang kisame. Inabot ko ang cellphone kong nasa bedside table ko. I turned it on when I realized it's off. Hindi ko pa ito nagagalaw simula nong ibigay ito ni Acerdel sa akin kanina, mukhang pinatay niya ito bago pa niya naibigay ito sa akin.

Agad akong napatingin sa oras sa gilid ng screen ng cellphone ko ng mabuksan ko na iyon. It's already 8:13pm and I'm hungry. Kung hindi ako kakain ngayon ikakamatay ko talaga ito. Patay gutom pa naman ako.

Kahit ayaw ko mang makita o makasalubong man si Acerdel ay pinilit ko pa rin ang sarili kong bumangon at lumabas ng kwarto ko. Nang makarating ako sa kusina kaagad akong nagprepara ng kakainin ko at inilagay iyon lahat sa isang tray, kasi balak kong sa  kwarto na lang ako kakain.

Mukhang tulog na ata si Acerdel, hindi ko kasi siya nakasalubong o nakita man lang kanina.

"Ang sarap niya talagang magluto." Sabi ko sabay hawak sa tiyan kong nabusog dahil sa masarap na kinain ko. Napatihaya ako sa kama ko dahil sa busog.

Napabalikwas akong napabangon at nagtataka't mamimilog ang mga matang napatingin ako sa bahaging labasan ng terrace ko ng may narinig ako roong pagkaskas ng guitara. Guni-guni ko lang ba itong naririnig ko. Pero hindi e, patuloy pa rin ito sa pagkaskas ng gitara.

"Sino 'yan?" Nagmamatapang kong tanong. Could it be a ghost. Dahan-dahan akong bumaba sa kama ko para sana kumaripas ng takbo palabas at puntahan si Acerdel. Pero kabababa ko pa lang ng may marinig na akong pamilyar na boses na nagsisimula ng kumanta kasabay ng malamyos na pagtugtog ng guitara.

🎶SHE'S MY ANGEL
SHE'S MY BEAUTIFUL DISASTER
SHE'S MY PRINCESS
SHE'S THE GIRL THAT I'VE BEEN DREAMING OF.....

WAITING FOR
WAITING FOR THE RIGHT TIME
THAT'S SHE WOULD GIVE HER HEART TO ME OHHH YEAHHH..🎶

Puno ng kuryosidad akong nagsimulang maglakad sa mahina at walang ingay na pamamaraan papuntang teresa, nawala na 'yong takot na nararamdaman ko kanina at napalitan iyon ng pagtataka at paghanga sa lalaking kumakanta.

🎶CUZ I'VE BEEN WAITING FOR SO LONG
BUT CAN WAIT HOWEVER SO LONG IT'S TAKE
CUS UR WORTH IT FOR WAITING MY ANGEL....

OHH OHH WHOO...
CUZ UR MY PRINCESS...
MY PRINCESS....🎶

"Acerdel?" Nagtataka kong bigkas sa pangalan ng lalaking bumungad sa akin sa labas ng teresa ng kwarto ko. There he is, playing a guitar and singing again an unfamiliar song. Komportable itong nakaupo sa upoan.

🎶I KNOW UR NOT READY..
BUT LISTEN TO MY HEART BEATING JUST FOR U GIRL..

I KNOW UR NOT READY
BUT PROMISE TO ME THAT UR NOT LEAVING ME..
CUZ I DON'T KNOW WHAT TO DO IF I LOST U..

CUZ..CUZ...CUZ.OOO
CUZ..CUZ..CUZ.OOO
CUZ WAITING FOR....
WAITING FOR..
TO THE RIGHT TIME THAT UR READY GIRL...

CUZ I'M WAITING......

MY ANGEL..🎶

Lumapit ito sa akin ng matapos itong kumanta at masuyong hinawakan ang aking magkabilang kamay saka dinala iyon palapit sa kaniyang mukha para halikan iyon sa magkabila.

Napakurap-kurap na lang ako habang pinagmamasdan siya.

"I'm sorry." He said, pleaded.
"Hindi ko naman intensyon na sakalin ka at ikulong ka rito sa sarili mong bahay. I'm just scared baka kasi may mangyaring masama sayo kapag nasa labas ka. I'm sorry. I just want to protect you not as your bodyguard but as a man." Hinging patawad nito ulit.

"Pasensya na rin at nasinghalan at nasigawan kita kanina." Hingi ko ring paumanhin.

Wuy kaloka dapat dalagang pilipina lang, e. Pero sige na nga maharot naman ako, syempre biro lang.

Well, ano naman kasing masamang mangyayari sa akin at natatakot siya?

Ngumiti ito na ikinangiti ko rin pabalik. He kiss my forehead and hug me tightly in between of his arms.

Marupok na kung marupok.

"Ikaw na naman ba ang nagsulat ng kinanta mo?" Nakangiti kong tanong habang nakayakap pa rin sa kaniya.

"Hmmm, I wrote it when I thought of you." Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa mga labi ko.

Ihinilig ko ng maayos ang ulo ko sa tapat ng puso niya. His heart is beating so fast.

"Alam kong gusto mo pa rin si Somerhalder kahit na hindi mo man sabihin nakikita ko ang mga sagot sa iyong mga mata. Gusto kong pilitin ka na ako na lang sana, na sa akin na lang lahat ng pagkagustong nararamdaman mo sa kaniya. Yes I'm selfish, gusto kitang ipagdamot sa lahat kahit na wala namang tayo. Pero alam ko naman na kapag ang puso na ang pinag-uusapan wala talaga akong mapipigilan." Puno ng emosyon niyang sabi. Alam kong delikadong mamangka sa dalawang ilog.............I mean tatlo pala......pero ano naman ang magagawa ko kung sila na ang gumagawa ng sarili nilang desisyon. Hindi ko alam kung saan 'to patutungo itong lahat na'to.

"Sorry for that." I said with a shy smile.

Ako 'yong naiipit sa sitwasyon namin. Nahihirapan ako sa mga desisyong gagawin ko. Gusto ko si Darren pero......gusto ko rin si Acerdel.......at kung si Vien ang pag-uusapan gusto ko siya pero bilang kaibigan ko lang, he's like a big brother to me.

Iwinaglit ko muna ang nasa isip ko tungkol sa bagay na 'yon ang importante ang sa ngayon, bahala na ang susunod.

"Your heart, I can hear the loud beats. It's beating rapidly." Mahina kong sabi sabay haplos ng isa kong palad doon sa parte ng kaniyang dibdib.

"It's because of you. Feel free to listen my heart beats, honey." At sinimulan niyang suklayin ang buhok ko.
"Your my Angel. My beautiful disaster." He whispered.

"Thank you sa lahat. Thank you for the care and for cooking me a food everyday. And by the way I love your song........at sana, kung magsusulat ka na naman muli sana Tagalog na." I said that made him chuckled.

And silence wrapped through the atmosphere again. Hanggang sa napagdesisyonan ko siyang kausapin ulit at humingi ng isang pabor.

"Acerdel?"

"Hmm?"

"Can you sleep beside me?"

"O-of course..........and I won't ask if your sure about it." Natawa naman ako sa isinagot niya.


.......

"Darren." Banggit ko sa pangalan ng tumatawag sa cellphone ko. Napatingin ako sa entrada ng kwarto ko at lumapit roon at ni-locked iyon bago ko sinagot ang tawag ni Darren. Naglakad ako pabalik sa kama ko at naupo sa dulo.

"Darren?"

["Zai? Bakit ilang araw kitang hindi ma-contact, nasaan ka ba?" Nag-aalala nitong tanong. "Pasensya  na rin at hindi kita nadalaw ng ilang araw naging busy lang kasi ako. Kamusta ka na pala?"] Hinging paumanhin nito at pangangamusta.

"Okay lang ako. Ikaw, kamusta ka na?" Malumanay kong tanong.

["I'm fine as long as you're okay. By the way I'm heading to your place. I miss you, Zai."]  Sabi niya na ikinalaki ng mata ko, lagot hindi magugustohan ni Acerdel na makita siya rito at sigurado rin akong kinausap na ni Acerdel ang guard sa village na ito tungkol sa hindi pagpasok kay Darren.

"No. I mean hintayin mo na lang ako sa gubat doon na lang tayo magkita. Sige na ibaba ko na 'to, bye Darren." Mabilisan kong sabi baka aangal pa kasi siya mahirap na, makulit pa naman 'yon.

Ano na ang gagawin ko ngayon?

Hindi naman siguro mapapansin ni Acerdel na lumabas ako kung sasaglit lang ako sa labas. Total marami naman 'yong nilabhan niyang mga  damit namin. Siguradong magagalit na naman si Acerdel kapag nalaman niyang lumabas ako. Haiyst, sorry Acerdel pero susuwayin kita ngayon.

Kaagad akong pumasok sa close in closet ko at nagsuot ng jogging pants na pinaresan ng hoody.

Dahan-dahan bawat galaw ko sa loob ng bahay hanggang sa maabot ko na ang gate at dahan-dahan rin iyong binuksan. Buti na lang talaga mapilit siya kanina na huwag na akong tumulong na maglaba sa kaniya.

Takbo, lakad at pasimpleng pag-jogging ang ginawa ko lalo na nong napadaan ako sa guard house. Buti na lang at hindi niya na ako pinansin. Tumakbo ako ng mabilis para hindi masayang ang oras ko sa paglalakad, hanggang sa matanaw ko na rin na may kotse sa labas ng gubat at wala ng pag-alinlangan na pasukin 'iyon na mapansin kong walang tao sa loob ng kotse. Mukhang nauna na siyang pumasok.

"Pssst" sutsot ko kay Darren ng makita ko itong nakahilig sa bridge, ang lalim ng iniisip niya para hindi niya ako mapansin.

Nakangiti akong lumapit rito at kinalabit siya. Napaigtad pa ito ng konte bago pumihit paharap sa akin habang may pag-aalinlangan ngumiti sa akin.

"Anong problema mo?" Nagtataka kong tanong sabay matiim na tinitigan ang kaniyang mukha. Saka lang umaliwas ang kaniyang mukha sa tanong kong iyon.

"Wala akong problema pero may iniisip ako." He said sabay gulo ng buhok ko.


"Ano naman 'yong iniisip mo at tulala ka kanina?" Puno ng kuryosidad kong tanong bago humilig sa hawakan ng tulay kagaya niya.

Umiling ito ng paulit-ulit.

"Huwag mo ng itanong hindi mo rin naman magugustohan ang sasabihin ko, wala naman kasing kaintere-interesante." He said with a smile before chuckling. But I felt strange, it felt like his making a fake one, a fake smile, faking his happiness.

"Ahh ganon ba." Nasabi ko na lang.

"Zai sorry." Malungkot nitong sabi.

Nagtataka ko siyang binalingan ng tingin. Bakit siya nagso-sorry sa akin ngayon?

"May kagagohan ka na naman bang ginawa............." Napahinto ako sa sasabihin ko ng bigla niya na lang akong yakapin.

Nagtataka man sa kaniyang ikinikilos ay hinayaan ko na lang ang sarili kong yakapin niya ako. Habang tumatagal ay nararamdaman ko ring humihigpit ang yakap niya sa akin, na para bang doon siya humuhugot ng lakas sa papamagitan ng yakap ko.

So I hugged him back. Baka may pinagdadaanan siyang mabigat.

"Anong nangyari?" My pag-alala kong tanong habang hinihimas ang likod niya. May mali talaga sa kaniya ngayon, e.

"Natatakot ako, Zai." Sabi niya na lalo kong ikinataka.

"Si Darren may kinakatakotan? Nagpapatawa ka ba?" Pagbibiro ko sa kaniya.

Binigyan niyang distansya ang katawan namin at seryoso akong tinitigan pero nandon parin ang pag-aalinlangan at takot sa kaniyang mga mata.

Ano ba talagang nangyayari?

"Darren"

"Zai, sorry. Huwag ka ng magtanong kung bakit ako humihingi ng tawad sayo kasi hindi rin naman kita sasagutin. Pero palagi mong tatandaan at isaisip na humihingi ako ng tawad palagi sayo, kahit araw-araw pa 'yan o oras man. Patawad Zai. Tumango ka lang, please." Nakikiusap nitong sabi na mas lalong ikinagulo at ikinataka ko. Pero kahit na gulong-gulo na ang isip ko sinunod ko pa rin ang gusto niya. Tumango ako ng ilang beses bago kami nagyakapan ulit, pero sa pagkakataong ito ako na 'yong unang yumakap sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaan niya ngayon. Ayoko ng magtanong kasi 'yon naman ang gusto niya. Iintindihin ko siya sa abot ng makakaya ng pag-iintindi ko para sa kaniya. Isa siya sa mga taong pinapahalagahan ko at ayokong bigla na lang siyang mawala sa akin. Kung ano man ang tinatago niyang kasalanan sa akin pipilitin kong intindihin ang mga 'yon pero sana hindi matunaw ang pasensya at pag-iintindi kong ito sa kung ano man ang kaniyang nililihim.

Humiwalay ako sa pagyayakapan namin ng may maalala akong gustong-gusto kong itanong sa kaniya.

"Nga pala Darren, may itatanong ako sa'yo." I said as I stared to his face.

"What is it?"

"Bakit pinalitan mo ng Somerhalder ang apilyedo mo?" Sandali itong natigilan sa naging tanong ko pero kaagad ring nakabawi at nakangiting sumagot sa akin.

"Trip ko lang, na bored ako plain and simple. Ang boring kasi talaga," Sagot niya na ikinasalubong ng kilay ko. I stared at him flatly. Seryoso? Ganiyan na ba ka-boring ang buhay niya sa America at pati apelyedo niya ay pinag-trip-pan,  "Somerhalder is my mom's maiden name." He added.

"Kung bibigyan man ako ng pagkakataong mag-aral muli at sa abroad 'yon, talagang hindi ako papayag na makapag-aral sa America." Opinyon ko na kaagad din naman niya akong binigyan ng nagtatakang titig.

"Bakit naman?" Salubong ang kilay niyang tanong.

"Baka mapag-trip-pan ko dib ang sarili kong apelyedo dahil lang sa na-boring ako." Seryoso kong sagot na tinawanan lang naman niya.

"Mapapalitan pa rin naman 'yan sa ayaw at sa gusto mo kapag ikasal ka na sa lalaking mamahalin mo." Sabi niya na ikinangiwi ko, wala pa naman sa plano ko ang magpakasal.

"Buti na lang hindi nagalit ang daddy mo?" I curiously asked.

"Hindi naman."

"Impossible."

.......

"Bibilhan na lang kita ng Cheetos sa susunod." Sabi ni Darren ng makalabas kami sa gubat.

"Talaga?" Excited kong sabi habang masayang nakangiti. God, I miss Cheetos.

"Oo naman, kung gusto mo pa nga lahat ng flavors na gusto mo bibilhin ko."

"Sabi mo 'yan, ha. Talagang aasahan ko 'yan." Seryoso kong sabi pero kaagad ring tumawa. Kaagad rin kaming nakarating sa kalsada kung saan nakaparada ang kaniyang kotse.

"Pangako 'yan. Atsaka may surpresa rin ako para sayo pero hindi pa sa ngayon ko ibibigay, sa tamang panahon and that would be my birthday gift for you." Pangangako niya sabay ngiti.

"Wala namang tamang panahon e. Lahat ng panahon tama ikaw lang 'yong gumagawa ng ikakapangit ng panahon mo." Sabi ko at sabay kaming napatawa, pero bigla-bigla na lang napahinto si Darren sa pagtawa habang nakatingin sa likuran ko.

Napatingin ako sa kaniyang tinitignan, pero ang hindi ko inaasahan ay ang biglang paghinto ng isang itim na Van sa tapat namin at may mga lalaking armado at puro nakaitim na maskara ang nagsilabasan roon, nasa mga anim(6) ata sila.

Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Darren. Itinago niya ako sa likod niya para maprotektahan, pero sa ngayon wala iyong laban sapagkat armado ang mga kalalakihang nasa harapan namin.

"D-darren." Mas lalong umusbong ang kabang nararamdaman ko ng isa-isang lumapit sa amin ang mga lalaking kalalabas lang ng Van.


"Bitawan mo ako............." Sigaw ko sa lalaking humawak sa akin, "......sabing bitawan mo ako." Malakas kong sigaw ng may lalaking pilit na inilalayo ako kay Darren.

"Let her go." Sigaw rin ni Darren sa lalaking nakahawak sa akin. Mahigpit ang kapit ko kay Darren ganon din siya sa akin kaya pinagtulongan na akong hilahin ng iba pang lalaking nakamaskara.

Hawak-hawak na din ngayon si Darren ng tatlong kalalakihang nakamaskara.

"DARREN." Malakas kong sigaw ng bigla na lang suntokin ng isang lalaking nakamaskara si Darren sa may tiyanan nito dahilan ng ikinabitaw ko sa pagkakahawak sa kaniyang braso dahil napauklo ito sa sakit.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong luha na maparagasa.

"Darren, bumangon ka jan." Umiiyak kong kausap sa kaniya pero ang ubo lang niya ang naging tugon sa akin.

"H-huwag niyo siyang sasaktan, parang awa niyo na." Umiiyak ko paring sabi.

Gusto ko sanang humingi ng tulong.........at si Acerdel kaagad ang nasa isip ko. Pero paano naman ako makakahingi ng tulong kung hawak ako ng mga kalalakihang di naman namin kilala.

Ang tigas talaga ng ulo ko.

Ito na 'yong sinasabi ni Acerdel sa akin na mapapahamak ako kapag nasa labas ako lalo na't hindi ko siya kasama.

Napatingin akong muli kay Darren ng akmang sisipain siya ng lalaki.

"HUWAG." Malakas kong sigaw na ikinahinto niya sa kaniyang binabalak.

Kung sana may mga tao lang sana at mga bahay na malapit rito, siguradong may matitira pang pag-asa sa isipan ko na makatakas sa mga kamay ng mga kalalakihang ito sa oras na ito........pero wala, e, medyo malayo rin ito sa village namin. Sana lang talaga mapansin ni Acerdel na wala ako sa bahay ngayon at kaagad niya akong hanapin. I'm sorry kung nagmatigas na naman ako Acerdel.

Nanghihina akong nagpumiglas sa pagkakahawak nila sa akin ng maramdaman kong may kung anong tela silang itinakip sa ilong ko na sobrang nakakahilo ang amoy. Hanggang unti-unti na ring bumibigat ang mga talukap ng dalawa kong mga mata sa hilo. May naririnig pa akong mga nagsasalita pero malabo na ang mga binibigkas nila sa pandinig ko. Ang huli kong naramdaman ay may kung sinong nagbuhat sa akin papasok sa kung saan.





A/N: Thank you for reading readers. Nagiging intense na ang isturya charrr hahaha.

I just want to thank my neighbor for composing  me a song. Hazel thank you.

The title of her song is WAITING FOR THE RIGHT TIME. That's what acerdel sang for Zaitel in this chapter.



Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 638K 168
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
4.3M 285K 61
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
5.5M 224K 67
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
198K 15.4K 35
𝐕𝐈𝐇𝐀𝐀𝐍 ♡ 𝐑𝐔𝐇𝐀𝐍𝐈𝐊𝐀 Ruhanika, a quiet introvert with a passion for books and study. She thrives in the world of words, finding solace in...