Dealing With The Billionaire

By thinkablejea

2.6K 244 27

Natasha Santiago is a lazy girl from isabela who loves to read and to dance.she will take her life in Manila... More

note
prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5.
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 15
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue: Iñigo's POV
Thank you!!

Chapter 17

46 4 0
By thinkablejea

Advice 


"Daaa! You're here! I missed you da," agad kong niyakap si papa nang makalabas sa kotse. Ang laki ng pinagbago niya. "Pasok ka po muna."

"Kamusta ka na?" Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko mula ulo hanggang paa. "Galing ka sa trabaho?"

Tumango ako. "Kakauwi ko lang po, nasa sala po sila ate at mama. Magbibihis lang po ako." Dali-dali akong pumunta sa kwarto at mabilis na nagbihis, habang nagbibihis ay biglang umilaw ang cellphone ko.

From: Iñigo♡♡

Hey love, how are you?

I've been busy these past few days

I'm going home soon, can we go out?

I miss you

From: Iñigo♡♡

Are you busy?

Text me back if you're done

I love you

Pabuntong-hininga kong binitawan ang cellphone ko at inalala ang sinabi ng mama niya. 'Ayokong madamay ang pamilya ko pero ayoko rin siyang iwan ng gano'n gano'n nalang.' Muli kong kinuha ang cellphone ko at nagtipa ng text.

To: Iñigo♡♡

Hii, sorry ngayon ko lang nabasa yung text mo.

I miss you too

Iniwan ko ang cellphone ko at pumunta na sa kanila..ayaw kong masira na naman ang mood ko. Pagkababa ko ay masaya silang nag-uusap. Namiss ko 'to. Nakasandal ako sa pinto at tanaw-tanaw lang sila. Habang nakatingin sa kanila ay bigla namang nag-flashback ang nangyari kanina

"balita ko ay may planta raw kayo sa isabela? Kayang kaya kong sirain ang pinagkukunan niyo ng pera sa isang iglap lang kaya 'wag na 'wag mo 'kong kalabanin. Tandaan mo ang sinabi ko dahil baka manlumo yang mga tuhod niyo dahil sa gutom."

I wanted to answer her that time but I didn't want to be rude to her, pero hindi naman yata tamang man'damay ng iba, lalo na ang pamilya ko. Dad spent almost a year at that plantation and I don't want it to be affected because of me. I immediately wiped away my tears and acted as if nothing had happened.

"Oh, iha, nandiyan ka na pala. Kakain na rin tayo." wala sa sarili akong tumango at pumunta na sa kusina. Kailangan kong umarte na parang wala akong iniisip–walang nangyari.

Sumunod naman sila. Parang nahimigan nila ang pananahimik ko kaya hindi rin sila nagsasalita at may kahulugan ang mga titigan nilang tatlo. Bahagya akong naubo at pekeng ngumiti. 'Ang awkward' gumanti naman sila ng ngiti at sinimulang kumain.

Nang matapos kumain ay hindi pa rin ako nagsalita at walang pasabing bumalik sa kwarto ko. Napatingin naman ako sa cellphone ko at may mga text doon na galing kay Iñigo na hindi ko binuksan. Pinatay ko ang cellphone ko at dumiretso sa cr para maligo.

Papalubog na ang araw nang matapos ako. Saglit akong lumabas ng bahay para maglakad-lakad. Hindi ko namalayang napunta ako sa isang bakanteng lote, tanaw ang papalubog na araw. Umupo ako sa tumbang kahoy at pinagmasdan ang paligid.

"Bukas na ang dating ni Iñigo ah–"

"What the hell?! ano ba!" I immediately stood up in shock when someone spoke behind me. "Nakakagulat ka naman...anong ginagawa mo dito?"

"Hay nako Secretary Natasha, bakit naman nag-e-emote ka dito? Pauwi na ang boyfriend mo ah? Hindi mo ba susunduin sa airport?" nahimigan niya yata ang pananahimik ko kaya natigilan siya sa pagsasalita. Masuri niya 'kong tinignan habang ako naman ay naiilang.

"What are you doing? Stop staring," I looked at him intently. "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko...why are you here? Do you need something?"

"N-Nothing...nakita lang kita dito kaya kita pinuntahan. Nag-away ba kayo ni Iñigo?" He asked, worriedly. Hindi ako sumagot.

We didn't fight, I don't know. Baka ako lang ang may problema dahil sa pag-iisip ng masama. Pabalik na siya bukas at hindi pa rin buo ang decision ko. Kaya ko naman siyang mahalin habang hindi nadadamay ang pamilya ko ah?

"Bakit kasi!?" Wala sa sarili kong sabi. Nalilitong tumingin naman si Jared habang naka-kunot ang noo. "B-Bakit kasi nandito ka..'yun ang gusto kong sabihin. Aish! Nevermind, hindi kami nag-away..ano lang..."

"Ano lang?...Alam mo? Kailangan niyong mag-usap. Ilang araw kang hindi nakita nun. Magtatampo 'yun." Pang-kokonsensiya niya. Ang taas kasi ng pride ko eh, ang hirap babaan. Gusto ko man siyang kausapin ay parang nag-da-dalawang isip pa 'ko kung itutuloy ko o hindi.

"S-Susubukan ko, mukha ngang kailangan naming mag-usap." I shifted my gaze. Nag-pasya akong tumayo na nang makita ko kung gaano na kadilim ang langit. Gan'on din ang ginawa ni Jared at pinagpagan ang damit sabay ngiti sa akin. "Mauuna na 'ko, salamat sa oras mo. Mag-ingat ka pauwi." Naglakad siya papalayo sa akin at tuluyan nang pumasok sa kotse niya.

Tahimik sa bahay at nakasisigurado akong tulog na ang mga tao. Pumunta muna ako sa kusina para mag-timpla ng kape. Sa isang banda ay, nakita ko si papa'ng naka-upo sa veranda habang sumisimsim ng kape at nakahalukipkip na nakatingin sa labas.

"Da...Bakit po gising ka pa? Sila mama po, tulog na?" Umupo ako sa tabi niya at tumingin din sa tinitingnan niya. Mga kabahayan na puro palamuti, paghahanda sa papalapit na pasko.

Tumango siya. "Nasa kwarto lang ang mga 'yun. Masyado pang maaga, ikaw, saan ka galing? Bigla kang lumabas kanina kaya akala ko ay may nangyaring hindi maganda." Umiling ako, hindi ako nagsalita at nakatingin lang sa labas. "May problema ka ba, iha? Anong bumabagabag sayo at parang pasan pasan mo ang mundo?" Kumunot ang noo ko. Ganon na ba 'ko ka-obvious at napapansin nila na may problema ako?

sumimsim ako sa kape bago magsalita. "Wala naman pong magba-bago kung sasabihin ko."

"Wala ngang magba-bago pero maiibsan ang sakit kapag sinabi mo anak, ano bang problema?"

"Naguguluhan po ako.." Pabuntong-hininga kong saad. Maski siya ay napabuntong hininga. "Naguguluhan po ako sa nangyayari, masama po bang magmahal?" Umiling siya. "Bakit po gano'n? Hindi naman pala masama pero may tumututol?

"Nag-away ba kayo ng nobyo mo?"

Umiling ako. "Hindi po.."

"Pero bakit ganyan ang sinasabi mo? May ayaw ba sa pag-iibigan niyo?" Tumango ako. "Siya ba ang mamahalin mo? Bakit sa kanya ka nakikinig?"

"Mama niya po yun eh, may nagugustuhan siya para sa anak niya..Tama po ba yung gagawin ko? Ang paglayo sa kanya?" Halos maiyak kong sabi. Pinipigilan kong 'wag umiyak sa harap niya. "Ayaw ko pong may madamay na iba dahil sinusuway ko ang decision ko. Gusto ko pong maayos ang lahat sa gagawin ko. Alam kong pareho kaming masasaktan pero para sa amin po 'yun.

"Kung ang desisyon mo ay para sa inyong dalawa, edi, ituloy mo. Pero hindi paglayo ang solusyon anak..pag-usapan niyo para hindi lalong sumakit. Kung lalayuan mo siya nang walang dahilan ay masasaktan kayong dalawa, mas masakit kesa sa inaasahan mo." Inubos niya ang kape na natitira at tumayo na. "Matutulog na 'ko, ayusin mo ang pinto dito at sumunod ka na, may pasok ka pa."

"Sige po." Saglit akong tumayo para kunin ang cellphone ko at muling bumalik sa veranda, sunod-sunod ang pagtunog no'n kaya hinayaan ko lang. Nang matigil ang pagtunog ay kinuha ko ito at isa-isa tiningnan kung saan galing.

102 message from Iñigo♡♡

From: Iñigo♡♡

Good afternoon love, uuwi na 'ko bukas. I missed you so much, see you tomorrow! Goodnight my love❤

Ilang beses kong tinignan ang message na yun, mabilis na nangilid ang mga luha ko sa hindi malamang dahilan. 'Ayokong masaktan ang taong 'to, he don't deserve to be hurt by someone, even me...' nakakapalan ako sa mukha ko. Ako pa ang may ganang saktan siya. I'm sorry Iñigo, mahal kita pero bago kita mahalin ulit..gusto kong may napatunayan na 'ko hanggang sa hindi na ako kwestyunin ng mama mo.

To: Iñigo♡♡

Good to know, can't wait to see you^^

Goodnight too

Kahit hindi pa inaantok ay pinilit kong ipikit ang mata ko para mawala ang sakit. Sobrang sakit na at pati ako ay sumusuko na. Saglit ko pang tiningnan ang cellphone ko kung naka-kuha ako ng tugon mula sa kanya ngunit disappointment lang ang nakuha ko. Dahil na rin sa bigat ng mata kaya nakatulog ako.

Continue Reading

You'll Also Like

91.9K 2.5K 63
[COMPLETED ✔️] Coleen Andromeda used to live her everyday hellish life. The word pain is not new to her at all. She's emotionally drained and wanted...
1.6M 92K 46
|𝐑𝐨𝐬𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐢𝐠𝐚𝐫𝐞𝐭𝐭𝐞𝐬 - 𝐈| She was someone who likes to be in her shell and He was someone who likes to break all the shells. "Jun...
291K 8.1K 38
Date Start:June 6 2021 Date Finished:July 29 2021
1M 25.3K 43
Unedited Madison Stark a kindergarten teacher life changes upside down when she realized she has been arranged to her ex boyfriend's best friend. Rya...