South Boys #2: Heartbreaker

Autorstwa JFstories

13.3M 748K 524K

He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrer... Więcej

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Epilogue
message-bonus chapter-announcement
BONUS CHAPTER
SOUTH
Serial Charmer

The Final Chapter

200K 10.5K 9.8K
Autorstwa JFstories

"MR. AND MRS. HERRERA, NAKIKIUSAP AKO SA INYO. IBIGAY NIYO SA AKIN ANG ANAK NIYO."


Tigagal ang lahat sa akin. Si Mrs. Herrera ay napatakip pa ng kanyang bibig dahil sa pagkagulat.


"Mr. and Mrs. Herrera, I know that I am not perfect; that I have many flaws, and many wrong decisions in life... But I will do everything and anything to be worthy of your precious son."


Si Jillian na nasa aking gilid ay napatakip na rin ng kanyang bibig.


"Aayusin ko ang sarili ko, magiging mabuting tao ako kasi mabuting tao ang anak niyo. Please... please, believe me, trust me..."


Bumukas ang backdoor sa kusina at mula roon ay pumasok si Jordan. "My, may I borrow your phone—" Natigilan siya nang makita akong nakaluhod sa sahig. "Carlyn, what are you..."


Ang mapulang mga labi niya ay umawang at ilang beses siyang napakurap dahil sa gulat. Hindi siya makapaniwalang nandito ako sa kanila—at nakaluhod sa sahig ng kusina nila.


"Ineng," sambit ni Mrs. Herrera nang mahimasmasan. "Tumayo ka riyan—"


Umiling ako sa butihing ginang. "Hindi po ako tatayo hangga't hindi ko naririnig ang sagot niyo. Hindi ako aalis dito hangga't hindi kayo pumapayag sa pakiusap ko," luhaan ang mga mata bagamat matigas na sabi ko.


"C-Carlyn, what's this?" naguguluhang tanong ni Jordan.


Hindi ko siya pinansin. Ang mga magulang niya ang higit na importante ngayon sa akin. Hinarap ko ang mga ito habang nakaluhod pa rin ako.


"Nakikiusap ako, pagkatiwalaan niyo ako. Pangako ko na hindi ko sasaktan at papabayaan ang anak niyo. Mamahalin ko ang anak niyo at papahalagahan buong buhay ko. Ibigay niyo siya sa akin."


Napahagulhol na ako habang nakaluhod.


"Please, I am begging you, give me your son..."


Nagulat ako nang lumapit si Jordan at biglang nakiluhod din sa tabi ko. Hinarap niya ang mga magulang habang nakaluhod. "Mommy, Daddy, please give me to Carlyn."


Lalong napanganga ang mag-asawang Herrera at maging si Jillian.


Kinuha ni Jordan ang kamay ko habang nakaluhod kaming dalawa. "I love her. I want to marry her and I want to be with her until the end of me. Please, give us your blessings."


Napasentido si Mrs. Herrera at tila nakukunsumi na nagsalita. "Tumayo kayo! Tumayo kayong dalawa at mag-usap tayo nang maayos!"


"We're not going to stand up unless you give us your blessings," pagmamatigas ni Jordan.


Napabuga ng hangin si Mrs. Herrera. "May sinabi ba kami ng daddy mo na hindi kami papayag? We are just waiting for the two of you to discuss your plans! Stand up you two! Jordan, ano ba? Patayuin mo si Carlyn, hindi iyan makakabuti sa kalagayan niya! For God's sake, she's pregnant! Ano bang pumapasok sa mga kukote niyo!"


Si Mr. Herrera naman ay nangingiting naiiling sa likod ng asawa.Inalalayan ako ni Jordan na makatayo mula sa pagkakaluhod. Hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko na para bang kapag mabitiwan niya ako ay mawawala ako.


Humalukipkip si Mrs. Herrera. "So now, lovebirds, what are your plans?"


Nagkatinginan kami ni Jordan. Luhaan akong ngumiti sa kanya. "I only have one plan, ma'am. It is to love your son until the end of time."


Nakita ko na namasa na rin ang mga mata ni Jordan. "That's my plan, too. To love you for the rest of my life."


"Baka gusto niyo ng isama ang afterlife," biglang sabat ni Jillian. Mahina man at mahinahon ang boses niya ay nalalangkapan naman ng pagkairita. Nang lingunin namin siya ay nagulat ako nang bigla siyang ngumiti. "I can't believe this. Ang corny niyo."


Binitiwan ko si Jordan kahit ayaw niya. Lumapit ako kay Jillian. "Sorry, Jill. Hindi mo talaga ginalingan ang pagdadasal."


Umirap ang babaeng mukhang santa. "Hindi naman talaga ako nagdasal."


Niyakap ko si Jillian na ikinagulat niya. Wala na akong pakialam kahit pa itulak niya ako, pero hindi niya naman ginawa. Sa pagkagulat ko rin ay imbes na itulak ako ay gumanti siya ng magaan na yakap sa akin.


"Jill, sa ayaw mo at sa gusto, ate mo na ako," luhaan bagamat nakangiti kong sabi sa kanya.


Naluluha rin ang mga mata niya nang sumagot. "Ano pa nga bang magagawa ko?"


Pagkatapos ng sandaling pag-uusap ay pinasunod ko sina mommy at Ninong Luis dito sa Tagaytay. Ngayon ay kausap na nila ang parents ni Jordan sa sala. Napagkasunduan na rin na ang kasal ay dapat idaos sa lalong madaling panahon, next month na agad. 


Simpleng garden wedding lang ang unuang plano, pero I doubt kung magiging simple lang talaga dahil umaapila si Ninong Luis. Hindi raw dapat gawing simple at mukhang minadali ang kasal ng panganay niya. And that touched my heart. 


Nasa kuwarto ako ni Jordan ngayon, katabi ko siya sa kama habang magkayakap kaming dalawa. Wala siyang tigil sa paghalik sa buhok ko at paghaplos sa tiyan ko. 


"Am I dreaming?" bulong niya sa akin.


Tumingala ako at umiling. "Gusto na kitang itali sa akin. You can tell me I'm crazy because I really am."


Namula ang makinis na mukha ni Jordan. Napaiwas siya ng tingin sa mga mata ko. "Uhm, a-anong pumasok sa isip mo?"


"That I love you and I don't want to lose you again," tapat na sabi ko. Maluwag na nasabi ko nang tuwid ang nararamdaman ko sa kanya. "Jordan, I love you."


Napaubo siya at napalunok pa bago muling tumingin sa akin. "What? Can you say that again?"


"Na mahal kita at ayaw na kitang mawala?"


Muli siyang naubo.


"Jordan, mahal kita."


Napabangon na siya habang umuubo. Namumula pati ang tainga niya. Nag-aalala namang napabangon din ako para hagurin ang likuran niya.


"Bakit? May sakit ka ba? Bawal ka pang mamatay, magpapakasal pa tayo saka mahal na mahal kita."


Mahina siyang napamura.


Ihinarap ko sa akin ang namumula niyang mukha. Hinalikan ko siya sa labi para magtigil na siya. Nang maghiwalay kami ay tulala pa rin siya sa akin.


"This is just surreal," sambit niya habang hinihingal.


"Ano pa bang dapat gawin para maniwala ka?"


Doon na ngumiti ang mapula niyang mga labi. "I'll tell you but we have to lock the door first."


And it was my time to blush...




NAKAUWI NA AKO SA AMIN. Nang araw din na iyon ay inihatid kami ni Jordan pa-convoy. Hindi muna kami magsasama dahil kailangang gawing tama sa pagkakataong ito. 


Mabilisan ang preparasyon ng kasal namin. Magaling ang kinuhang wedding coordinator ni Ninong Luis last week. Ang hatian sa gastos ay 50-50 kahit noong una ay ayaw pa ng daddy ni  Jordan magpahati, hindi pumayag ang step-father ko.


Dahil walang magawa isang umaga ay nagkalkal ako sa maliit na bodega ng bahay namin sa Navarro. May hinahanap ako na agad ko rin namang nahanap. Kabado pa ako noong una dahil akala ko ay wala na ito. But thankfully, it was here.


JORDAN MOISES HERRERA'S BALIKBAYAN BOX


Nakasulat ang mga letra in bold letters sa kahon na nasa bodega. I never thought I would look for this. Destiny was really a player, I must say.


Nanginginig ang mga kamay ko nang buksan ang malaking kahon. Maalikabok ito pero wala akong pakialam. Nagwawala ang puso ko sa loob ng aking dibdib habang sinisipat ang mga laman sa loob. Naririto pa rin ang lahat.


Narito pa rin ang pink Blue Magic teddy bear na first baby namin ni Jordan. Nandito ang mga regalo niya sa akin tuwing monthsary namin, ang mga balat ng chocolates, ang kwintas, ang mga letters, lahat. Maging ang mga damit niya na hindi ko na naibalik, nandito pa rin.


Pati ang Pikachu na underwear ni sissy ay nandito rin pala. Napahagikhik ako nang itaas ito. Ibabalik ko ito kay Jillian sa tamang panahon. 


Ang pawis ko dahil sa init ng bodega, ang sipon ko dahil sa alikabok, at ang luha dahil sa ligaya at lungkot na dulot ng nostalgia ay naghalo-halo na yata pero hindi ko pa rin magawang titigan ang kahon. Nandito ang high school memories ko, ang memories ng aking puppy love, first love, and true love in one.


Nandito ang happy ending na akala ko talaga ay hindi na para sa akin.


"Darling..."


Napalingon ako nang bumukas ang pinto ng bodega. Nakatayo roon si mommy at nakatingin sa akin.


Nginitian ko siya. "You kept this, my?"


Maliit siyang ngumiti at tumango. Humakbang siya palapit at ipinatong ang kamay sa ibabaw ng kahon. "I just had the feeling that I must keep this. I guess, I did the right thing." Tumingin siya sa akin. "Don't you think so?"


Imbes sagutin ay yumakap ako sa kanya. "Thank you, mommy!"


Masuyong hinagod niya ang likod ko. "Darling, I am happy for you."


Nang bitiwan ko siya ay nakita kong pinangingiliran ng luha ang kanyang mga mata. Nakatingin siya sa akin nang buong pagsuyo.


"My, I really want to be happy."


"You will be. This time, you'll be truly happy."


Ngumiti ako. "I love you, mommy."


"I love you most, my first baby." Nangatal ang mga labi niya habang dumadami ang luha sa kanyang mga mata. "Mommy loves you so much... and mommy is sorry for everything..."


"Oh, my girls are here." Sumilip sa pinto ang nakangiting si Ninong Luis.


Nagpunas ng luha sa mga mata si mommy bago nilingon ang asawa. "Napatulog mo na ba si Baby Caley?"


"Yes, ma'am."


"Good."


Tumingin sa akin si Ninong Luis. "You have a visitor."


Nauna na akong lumabas sa bodega. Iniwan ko sila mommy at Ninong Luis doon sa loob.


Ang una kong nakita pagpunta ko sa sala ay ang matangkad na lalaking naka-plain white shirts at jeans. Galing ito sa kusina at may bitbit na isang baso ng tubig.


Nang mapatingin ito sa akin ay ngumiti. "Sorry, wala akong mautusan. Tulala iyong helper niyo e uhaw na si Sussie."


"Ah, K," sagot ko kay Arkanghel.


Sumilip ako sa pinto ng kusina. Naroon si Nanette na nakatulala nga. Hindi ako nag-aalala dahil sanay na ako kay Nanette na parang dinaanan ng masamang hangin kapag nakakakita ng guwapo.


Sa sofa ng sala ay nakaupo ang best friend kong si Sussie. Maiksi na ang buhok niya, naka-summer dress, chubby na ulit, at pagkaganda-ganda. Halata na rin ang tiyan niya na hindi ko sure kung baby na o belly fats ba. Nang mag-angat ng paningin ang babae sa akin ay agad na bumangis ang maamo niyang mukha.


Lumapit ako sa kanya at masaya siyang binati. "Hi, BFF!"


Tumayo siya at hinarap ako. Ang mga mata niya ay puno ng hinanakit. "Alam mo bang gabi-gabi kitang isinasama sa mga dasal ko; na sana okay ka lang, na sana malusog ka, at masaya ka! 'Tapos malalaman ko, gusto mo na palang tapusin ang buhay mo!"


"Sussie," awat sa kanya ni Arkanghel.


"Bitiwan mo ako!" Itinulak niya si Arkanghel na tumalsik agad paupo sa sofa. Lumaki na kasi ulit ang mga braso niya kaya ang lakas niya na ulit—o baka OA lang talaga si Arkanghel.


"Sorry, Sussie," mahinang sabi ko. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng tampo at galit niya.


Ang mapulang mga labi ni Sussie ay nangatal at humikbi. "Akala ko ba magkaibigan tayo? May kaibigan bang walang malay sa nangyayari sa kaibigan niya?"


Ang nakasalampak na si Arkanghel sa sofa ay umahon na. Ginulo nito ang buhok gamit ang mahahabang daliri. Tumingin ito sa akin at ang kulay abong mga mata ay nagpapaalam. Bumalik muna ang lalaki sa kusina para bigyan kami ni Sussie ng pagkakataon na makapag-usap ng solo.


"Sussie, upo tayo habang sinusumbatan mo ako. Baka mangalay tayo e, pareho tayong buntis."


"Sige." Naupo naman siya sa sofa.


Pagkaupo namin ay hinarap niya ulit ako. "Uhm, saan na nga pala tayo?" tanong niya.


"Sa hindi ko pagsasabi sa 'yo nang buo sa mga problema ko," sagot ko naman.


Tumango siya at muling nagluha ang mga mata. "Bakit ka ganoon? Akala ko ba magkaibigan tayo? Alam mo, ikaw lang ang kaibigan ko na pinagsasabihan ko ng lahat ng problema ko sa mundo. Wala akong itinatago sa 'yo."


"Hindi mo agad sinabi sa akin na nagkabalikan na kayo ni Arkanghel," bulong na sumbat ko.


"Hindi pa kasi iyon sure," katwiran niya agad pagkarinig sa sinabi ko. "'Wag mong baguhin ang usapan, ikaw ang mahilig maglihim sa ating dalawa at hindi ako."


"Sorry na, Sussie..."


"Ikaw lang ang kaibigan ko, Carlyn. Mula noon, hanggang ngayon, ikaw lang. Kahit nang umalis ka papuntang Singapore, kahit niloko mo ako nang sabihin mong pupunta ka pa sa London sa lolo mo, kahit wala ka namang lolo, naniwala ako. Pinatawad pa rin kita. Mahal pa rin kita, palagi kitang inaalala kasi alam kong hindi pa rin tapos ang gusot niyong tatlo nina Jordan at Isaiah."


Nakagat ko ang aking ibabang labi.


"Mag-best friend tayo kaya hindi mo maaalis sa akin na mag-alala. Masaya ako nang malaman na buntis ka at sa wakas ay malinaw na ang relasyon niyo ni Jordan. Ang saya ko kasi sa wakas, naamin mo na sa sarili mo na pwede kang magmahal at mahalin. Pero iyong saya ko ay nawala nang malaman na minsan mo na palang tinangkang tapusin ang lahat."


"Dahil ayaw kitang saktan."


"Hindi mo ba ako nasaktan ngayon?" malamig na tanong niya. "Alam ko na kahit noon pa, marami ka nang hindi sinasabi sa akin. Alam ko na ang dahilan mo ay ayaw mo akong pag-alalahanin. Pero, Carlyn, ganoon ba talaga ako kahina para itago mo lahat sa akin?"


"Sorry..." Inabot ko ang kamay niya kahit pilit niya iyong iniiwas sa akin. "Sorry kasi alam kong may mga problema ka rin. Saka ayaw ko na malaman mo na may mas malala pa akong pinagdadaanan, dahil nahihiya ako sa 'yo."


Nagpunas siya ng luha. "I hate you..."


"Sussie, I love you. Akala ko dati kinaibigan lang kita kasi gusto kong mahawa sa pagiging matalino mo, sa pagiging seryoso mo sa buhay. Kahit hindi ka friendly, pinagpilitan ko pa rin ang sarili ko sa 'yo noon. Gusto ko kasi talagang maging katulad mo. But as time went on and I got to know you, I realized that I really wanted to be your friend because you are a good person."


Napahikbi na naman siya.


"I am happy to be friends with someone like you. To be your friend is a great achievement for me. Ipinagmamalaki ko pa nga sa school noon na kahit patapon ako, may kaibigan akong matino, mabait, at matalino. Ayaw kong mawala ka. Ang dami ko nang maling desisyon sa buhay, hiyang-hiya na ako sa 'yo. Hindi ko kayang i-risk na ma-turn off ka nang tuluyan at talikuran mo ako..."


Ang lahat ng sinasaloob ko ay ibinuhos ko.


"May mga gusto akong sabihin sa 'yo pero sinarili ko na lang dahil sa tingin ko hindi mo naman na kailangang malaman pa. Kuntento na ako na makasama kita, mayakap kita, maramdaman na nag-aalala ka. Believe me, napakalaking tulong na para sa akin kahit ang simpleng makasama ka lang..."


"Don't do something like that again," basag na basag ang boses niyang sabi. Ang luhaan niyang mga mata ay bumaba sa kaliwang pulso ko kung saan naroon ang bakas ng sugat. Hindi iyon makikita dahil natatakpan ito ng charm bracelet na regalo ni Jordan sa akin noong birthday ko.


Nang magtama ang aming mga mata ni Sussie ay ngumiti siya.


"Kapag inulit mo pa ulit, hindi na kita papatawarin, ha?"


Naiiyak akong tumango. "Promise."


"Mahal ka namin. Marami kaming nagmamahal sa 'yo at lahat kami, magagalit kapag inulit mo iyon. Narinig mo? Magagalit kami lahat. Ib-block ka namin sa Facebook, sa Messenger, sa IG, sa lahat."


Ngumiti ako at yumakap sa kanya. "Sussie, sorry..."


Gumanti siya ng yakap. "Nagtatampo lang naman ako dahil bakit kay Isaiah ay sinabi mo, sa akin, hindi... Bakit mas nagtitiwala ka kay Isaiah e chismoso iyon..."


Humiwalay ako sa kanya. "Kanino niya sinabi?!"


Inginuso niya ang papunta sa kusina namin. "Kay Arkanghel."


"'Tapos chinismis ni Arkanghel sa 'yo?"


Tumango si Sussie.


Nagtagis ang mga ngipin ko. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang hilaw na magpinsan na 'yan. 


Sa asar ko ay ikinuwento ko kay Sussie ang tungkol sa lihim na hobby ni Arkanghel noong high school kami. Hayun, nang magpaalam sila na uuwi ay namumutla ang lalaki. Mabuti nga sa kanyang chismoso siya. Sana ibitin siyang patiwarik ni Sussie pagkauwi nila.




KINAHAPUNAN ay dumating sina Ate Jade. Kasama niya ang baby niya at ang businessman na asawa. Ito ang unang beses na makita ko in person ang pamangkin ko sa kanya. Babae rin ang bagong silang na sanggol, Jamaica ang pangalan. Itinabi namin ito kay Baby Caley sa kuna.


"How are you, bunso?" Niyakap ako ni Ate Jade at hinalikan sa pisngi.


"I'm getting better now, ate."


Ate Jade was glad to hear that I was seeing a doctor for my mental therapy. She was also aware now of my pregnancy and that I was getting married.


"I am so happy, bunso. I am so proud of you." Hindi mabura-bura ang pagkakangiti niya.


Nag-family dinner kami bago umalis sina Ate Jade. Sa Bayleaf Hotel sila mag-stay ng pamilya niya habang nasa Pilipinas. Pagkatapos na ng kasal ko ang balik nila sa Singapore.


Nang nasa kuwarto na ako ay itinext ko si Nelly para kumustahin ang business namin. Businesswoman na ang dating Marites representing General Trias, Cavite.


Sumunod kong kinamusta si Charlotte na kapatid ni Charles. Sandali kaming nagkausap bago ako nahiga sa kama para magpahinga. Nakatitig ako sa kisame habang may ngiti ang mga labi.


"Are you happy?" sambit ko sa kawalan.


Ipinikit ko ang aking mga mata bago tumulo ang mga luha na naroon. Ako na rin ang sumagot ng aking tanong.


'I am happy. I am very happy, Charles. And I hope you are, too.'




PAGSAPIT NG GABI ay dumating si Jordan. 11:00pm dahil na-traffic pa siya pauwi galing Manila. Dala niya ang mga itinext ko sa kanya kanina. Kwek-kwek, maruya, at turon na hindi ko alam kung saan niya nabili sa ganitong oras-- at syempre, dala niya ang sarili niya na number one sa cravings ko.


Magulo ang buhok at pawisan siya nang lumapit sa akin. Sinalubong ko naman siya ng malinis na tuwalya. "Kumain ka na?"


Humihingal siyang umiling. "Sabay tayo."


Hinila ko na siya papunta sa kusina. Hindi naman siya kumain. Pinanood niya lang ako kung paano ko lantakan ang mga dala niyang pagkain. 


Pagkaubos ko ng lahat ay pinainom niya ako ng tubig sa baso. "Bawal na muna ang soda."


Mabait na tumango ako. "Opo."


Naiiling na lumapit siya. "Halika na sa kuwarto mo. Magpahinga ka na."


"Uuwi ka pa?" nakalabing tanong ko sa kanya. Kasi kahit ginagabi na siya rito, umuuwi pa rin siya ng Tagaytay. Pinapauwi siya ni Ninong Luis. Nalaman na kasi nila na nag-s-stay na rito noon si Jordan, at hindi nila iyon nagustuhan. Saka na raw kami magbahay-bahayan kapag kasal na.


Malungkot na tumango si Jordan. "Iwan mo na lang ulit nakabukas iyong cam sa videocall."


Napanguso ako. "Eee 'wag ka nang umuwi..."


"Magagalit ang parents mo."


"Sinong gusto mong magalit? Sila o ako?"


Napakamot siya ng pisngi. "Agh! You're so cute."


Napangisi ako at lumambitin sa kanyang leeg. Lalo akong nagpa-cute sa kanya. "Kung uuwi ka, sama mo 'ko..."


Napangiwi siya. Alam ko kung bakit. Pinagalitan din kasi siya ng daddy niya dahil hindi pa naman kami kasal.


"Pst! Jordan!" pagkuha ko sa kanyang atensyon dahil ang lalim ng iniisip niya. Mukhang tinitimbang niya pa nang husto kung sino ba ang hindi niya kayang magalit, kung sina mommy at Ninong Luis ba o ako.


Problemado ang maamong mukha ni Jordan nang tumingin sa akin. Pero joke ko lang naman iyong magagalit ako e. Hindi na kaya ako nagagalit ngayon. Lagi na akong mabait. Nagbagong buhay na ako simula last week. 


Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Alam kong nahihirapan siyang pumili kaya tinulungan ko na siyang mag-desisyon. Malambing ko siyang nginitian saka kinuha ang isang kamay niya.


"I love you..." Nang nasa pinto na kami ay tumingkayad ako para abutin ang mga labi niya.


At dahil doon ay tuluyan nang napatid ang pagpipigil niya. Hindi niya na kinaya. Humihingal siya nang maghiwalay ang mga labi naming dalawa.


Nagliliyab ang kulay tanso niyang mga mata. "I surrender."


Ang lawak ng ngisi ko. "Yehey, I love you!"


Ini-lock ko ang pinto bago kami umalis. Hindi na ako nagpaalam kina mommy at Ninong Luis dahil tiyak naman na hindi sila papayag. Sana maunawaan na lang nila na naglilihi ako at si Jordan ang pinaglilihian ko. Saka miss na miss na talaga namin ang isa't isa kaya sana pagbigyan na nila kami.


Sa tindahan ay buhay na buhay pa rin ang mga kapitbahay ko. Nakatambay sila roon at nang makita kami ay agad na sumunod ng tingin. Kung noon ay ayaw ko silang intindihin, ngayon ay mas wala na akong pakialam sa kanila. Masaya ako sa buhay at hindi ko kailangan ang pagtanggap nila o ng kahit sino. 


Their opinions about me are not my problem because I know my truth.


Bago sumakay sa passenger seat ng kotse ni Jordan ay tumingkayad ako para halikan ang lalaki sa labi. Sandali siyang nabigla at napangiti pagkatapos.


Sa kotse habang nasa biyahe kami ay itinext ko si Jillian. Kailangan malaman din ng parents nila na hindi uuwi ang butihin niyang kuya dahil itinanan ko na.



To Sissy:

Hindi uuwi ang kuya mo. Bawal siyang hanapin, okay? Goodnight!


Pinalitan ko na ang pangalan ni Jillian sa phonebook ko tutal goods na kami.


Kahit hatinggabi na ay nakapag-reply pa rin ang babae. Mukhang may ginagawa siya kaya gising pa siya.



Sissy:

I already expected that. Anyway, did you like the food?



Napakunot ang noo ko. Food? Muling nag-beep ang phone ko.



Sissy:

The kwek-kwek, maruya, and turon. Kuya asked mom to do make them. I helped a little. Anong oras na kasi at nagmamadali na si kuya papunta diyan.



Napalingon ako kay Jordan na busy sa pagmamaneho. Kung ganoon ay pumunta pa pala siya sa kanila para lang ipaluto ang mga pagkaing dala niya kanina?!


Nag-tipa ako sa phone. Naabala pa si Mommy Ethel at lalo si Sissy Jillian dahil sa cravings ko. Hindi ko naman alam na inutusan sila ni Jordan. Akala ko naghanap lang ng mabibilhan itong isang ito. Hiyang-hiya tuloy ako.



To Sissy:

Thank you, Jill.



Sissy:

Just be happy with kuya. That's the only thing I request of you.



Ibinalik ko ang phone ko sa bag at saka sumandig sa balikat ni Jordan.


"Jordan..." tawag ko sa kanya.


"Hmn?" ungol niya habang ang mga mata ay nasa daan. He was like that when driving. Sobrang ingat. Ang dahan din ng pag-andar ng kotse kahit pa wala naman kaming gaanong kasabay sa kalsada. Buntis daw kasi ako kaya bawal akong matagtag sa biyahe.


"I love you," sabi ko sa kanya.


Matagal bago siya sumagot sa bahagyang basag na boses. "I know and I love you." Nang matapatan ng ilaw mula sa labas ng sasakyan ang mukha niya ay nakita ko na parehong namumula ang mga mata at dulo ng matangos na ilong niya. Naiiyak siya pero pinipigilan niya. He was so adorable.


Sa Taal Vista Tagaytay Highlands kami pumunta. Dito muna kami dahil kahit nagkikita kami gabi-gabi ay miss na miss pa rin namin ang isa't isa. Bukas na kami pupunta kina Jordan dahil malamang na bukas na bukas din ay pupunta roon sina mommy at Ninong Luis kapag nalaman nilang umalis ako sa bahay nang hindi nagpapaalam.


Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Jordan habang naglalakad kami sa damuhan. Ang malamig na hangin ng gabi ay humahalik sa aming mga balat. Paglingon ko sa kanya ay nakatingin din pala siya sa akin.


"I love you, Jordan Moises Herrera."


"One hundred twenty-one."


Kumunot ang noo ko.


"You've told me you love me for one hundred twenty-one times today."


"Be ready to hear it for the rest of your life... Dahil araw-araw, sasabihin ko sa 'yo at ipaparamdam kung gaano kita kamahal... Hindi ako titigil kahit maumay ka pa... Sasabihin ko pa rin palagi, paulit-ulit, at walang katapusan na mahal na mahal kita..."


Jordan smiled with tears welling up his luminous brown eyes. "I'm ready and I am looking forward to it."


"Yeah, you should be..." I said softly as I cried looking up at him.


Matagal na magkahinang ang mga mata namin pero walang kumukurap kahit pa kapwa na kami luhaan. And as we stared at each other, I could feel the healing of my broken heart.


Yes, I was still broken but I was on the process of becoming whole again. The journey wasn't easy, it was a very slow process, but I would never get tired. I would not give up on myself again because giving up on my self was giving up too on those people who loved and cared for me.


I would not waste their trust, especially the trust of the person who was now standing in front of me; I would never waste his trust again. I was not sure if I could be perfect but even if I couldn't, I would make sure that no matter how flawed my love was, I would not stop loving him.


Ngumiti ako sa kanya. "Jordan, mahal kita palagi..."


Tumango siya at magaan akong niyakap. "I love you, Carlyn Marie Tamayo-Herrera, mabubuhay tayo ng magkasama at masaya..."


JF


Our next and last update for this story is the Epilogue. 

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

6.6K 116 28
Collection of my artworks💕
21.2K 798 9
WARNING R-18: SENSITIVE THEMES AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK Sawang-sawa na sa buhay si Janica, at naisipan na niyang gumawa ng goodbye letter sa Eart...
1.3K 131 24
Nagyaya si sarah magbakasyon sa kanilamg lugar.Ngunit sa paglalakbay nila nakapasok sila sa lugar ng kagubatan na punong puno ng kahiwagaan .Kaya nga...
1.1K 148 37
I HEART YOU BY:@c_sweetlady Sina Daint at Chariee ay nagkakilala dahil sa kanilang mga magulang na pinilit silang pag-lapitin. H...