Mafia Obsession: Ezar Carter...

By KwinDimown

4.6M 113K 18.6K

Emery Patty Salvacion has no confidence on herself, lagi siyang nilalait at minamaliit ng mga taong nakapalig... More

AUTHOR'S NOTE:
1
2
3
4
5
6
7-SLIGHT SPG
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
EZAR CARTER
ABOUT EZAR
PRE-ORDER
Physical book pre order:
SECOND GENERATION

PROLOGUE

204K 4.1K 1.1K
By KwinDimown


Slow update lang ang kaya ko dahil tatlong story ang ginagawa ko. I decided na simulan na ito dahil hindi naman ito gaanong related sa Billionaire series.

AGAIN!!! SLOW UPDATE!!!

****************************


     "WE'RE NOT accepting like you." Mataray na sabi sakin ng babaeng pinag-applyan ko ng trabaho.

"Maganda naman po ang records ko–"

"–It's not about your records Miss." Tiningnan niya ako na parang nandidiri kaya napayuko na lang ako. "Wala ka pang experience sa trabaho miski isa and..look at yourself, napakataba mo kaya I'm sure mabagal ka sa trabaho. Mayayaman din at mapili ang ibang guest namin."


"N-Naiintindihan ko po." Yumuko na lang ako at umalis doon.

Sabi na nga ba at hindi na naman ako matatanggap. Sino nga ba naman ang tatanggap sa kagaya ko?


Mataba, hindi maputi, hindi maganda, parang alambre ang buhok at higit sa lahat madaming peklat at dry ang balat.


Napangiti na lang ako ng mapait. Kaya nga rin siguro ako iniwan ng mga Magulang ko kasi ganito ang itsura ko...


"Para kang pinagbagsakan ng langit." Napaangat ako ng tingin ng may magsalita. "Ngiti naman diyan magandang bestfriend ko."


"A-Anong ginagawa mo dito!?" Gulat kong tanong at nilapitan siya.


"Syempre nandito ako para i-support ka." Umangkla ito sa braso ko. "So, kamusta naman? Tinanggap ka?"


"Lig-gwak ulit." Tugon ko. "Lagi naman eh hehe. Walang tatanggap sa–"

"–Wag mong sabihin yan. Mga bobo lang kasi yung mga yun." Natawa na lang ako sa sinabi nito. "Ililibre na lang kita at sasamahan para hindi kana malungkot."

"Sigurado kaba? Baka pagalitan kana naman at saktan."


"Alam mo, pinalayas ako ni Mama. Bukas na lang daw ako bumalik." Sabi nito. "Ayun fishball."


Hinila ako nito patawid sa kabilang kalsada kung nasaan yung nagtitinda ng fishball.


Kung wala siguro itong babaeng ito baka lalo akong naging miserable. Siya si Lorelei ang nag iisang kaibigan ko at nag iisang taong tumanggap sakin kahit ganito ako.


"Manong ten na fishball po at ten na kikiam." Nilingon ako ni Lei. "Anong gusto mo?"


"Ganon na lang din po." Sabi ko


Nilagay naman agad sa cup nung tindero at inabot samin. Nagbayad si Lorelei at hinila ako paupo sa isang bench.


"May budget kapa ba this week?" Tanong ni Lei. "Pahihiramin kita gusto mo?"


"Wag na, ang dami ko ng utang sayo." Totoo yun, hindi kona mabilang ang utang ko sa kanya. "Siguro naman makakahanap ako ng trabaho at wag kang mag alala dahil may budget pa ako at may makakain pa ako."


"Emery, wag mong tipirin ang sarili mo ah? Ayokong pumayat ka." Naglalambing na yumakap ito sakin. "Mawawalan na akong ng teddy bear kapag pumayat ka."

"Opo, hindi ako papayat."


Natawa lang kami parehas at nagpatuloy sa pagkain.

**

  "Lei, sa tingin mo may taong magmamahal sakin?" Tanong ko


Magkatabi kami ngayong nakahiga sa lapag na nilatagan ko lang ng makapal na comforter. Hindi kasi kami kasya sa kama ko dahil sa malaki kong katawan.


"Ano bang tanong yan? Abay syempre meron, ang ganda ganda mo kaya." Dumapa si Lei at humarap sakin. "Ang tanga naman ng mga taong hindi magkakagusto sayo."


"Kahit mataba ako? Kahit puro peklat ako? Kahit hindi ako maputi? Kahit parang alambre yung buhok ko? Kah–"


"–Tumigil ka nga, binababa mona naman ang self confidence mo eh!" Sermon nito. "Emery bukod sa lagi kang maniwala sakin, sana maniwala ka rin sa sarili mo dahil unang una, dapat ang sarili mo ang una mong kakampi. Wag mong hayaang ibaba ng iba ang confident mo. Be proud to yourself Emery."


"So, what kung mataba ka? Maganda ka naman at hindi nagsasayang ng pagkain, Ano naman kung puro peklat ka? Tanda yan na na-enjoy mo ang childhood mo, Ano naman kung mukang alambre ang buhok mo? Mahal ang shampoo at conditioner, Ano naman kung hindi ka maputi? Ang tunay na Pilipina ay hindi maputi, kapag maputi ka hindi ka Pilipina isa kang espasol."


"Ang daldal mo talaga." Natatawang niyakap ko siya. "Matulog na lang tayo dahil bukas ay sasamahan mo ulit akong mag apply."


"Yan ganyan."

Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanya.

***

  "Pang-ilang apply mona?" Tanong ni Lei habang nakaupo.


"Thirty." Napayuko ako. "Pagod kana ba? Sorry."


"Ano kaba okay lang."

Bawat ma-a-applyan ko ay pinalalayas ako at sinasabing hindi nila kailangan ng bago kahit may nakalagay na hiring. Yung iba ay minamaliit at nilalait ako, kaya itong si Lorelei ay nagwawala at inaaway yung mga tao.


"Doon try mo." May itinuro itong building. "Try mo diyan dali! Hindi ka sinu-swerte sa mga restaurant at iba pa, try mo naman diyan."


"Gaga, kung doon hindi ako tinatanggap mas lalo naman diyan." Natatawang sabi ko.


Nasa harap namin ang C.C Company, ang isa sa pinakasikat na kumpanya sa mundo.

"Try mona." Hinawakan ako nito sa kamay at hinila palapit doon. "Try mo lang naman, malay mo swertihin ka."

"Ayoko diyan, puro magaganda ang nandiyan at makikinis."


"Bakit? Maganda ka naman ah."


Wala na akong nagawa ng hilahin ako nito. Akmang papasok na kami pero hinarang kami ng security guard


"May appointment po?" Maotoridad na tanong nito.


"Wala po, mag-a-apply po sana itong kaibigan ko." Sagot ni Lorelei na nakaturo sakin.

"Yan?" Tumawa ang dalawang guard kaya napayuko ako. "Kung ikaw Miss ay pwede pa, pero iyang kaibigan mo ay hindi. Tingnan mo ang laki laki ng katawan, nakakadiri pa dahil ang daming peklat tapos ang itim at yung buhok parang alambre. Miss doon kana lang mag-apply sa perya."

"Grabe ka naman Kuya ang bastos mo!"


Hinawakan ko sa kamay si Lorelei. "Umalis na lang tayo."


"Hindi." Matigas nitong sambit. "Hindi ko akalain na ang C.C Company ay may mga makikitid ang utak na nagtatrabaho."


Natigil naman sa pagtawa yung dalawang guard. "Anong sabi mo!?"


"Sabi ko ang bobo mo po!"


Nabigla ako ng itulak nito si Lorelei dahilan para mapaupo ito sa sahig, agad ko naman itong nilapitan. Nakakahiya dahil ang dami ng nakatingin samin.


"Grabe ka naman Kuya, hindi nyo naman po siya dapat saktan." Sabi ko dito.

"Bastos yang batang iyan eh!" Dinuro kami nito. "Umalis na kayo dahil kung hindi, ipa-pu-pulis ko kayo!"

"Tara po sa presinto!" Sabi ko. "Kayo na nga po ang nananakit tapos kayo pa ang ganyan!"

"Aba't!"

Akmang hahampasin ako nito pero hindi natuloy dahil sa isang baritong boses na ikinataas ng balahibo ko.


"What's going on here?"


Agad namang tumabi ang mga tao. Lumitaw ang isang lalaking naka-toxido. Ang gwapo niya pero nakakatakot siya.


Ang malalamig nitong mga mata ay napunta sakin kaya iniwas ko ang tingin ko at tinulungan na lang tumayo si Lorelei.


"Sir, iyan po kasing mga yan ay nanggugulo." Sabi nung Guard.


"Sinungaling ka Manong, sabi ko lang naman mag-a-apply yung kaibigan ko pero nilait mona siya." Sabi ni Lorelei. "Tinulak mo pa ako tapos umamba ka pang sasaktan ang kaibigan ko."


"Ah, umalis na lang tayo." Hinawakan ko sa kamay si Lorelei. "Sorry na lang po sa gulo."

"Stay." Malamig na sabi nung lalaki kaya wala sa sariling tumayo ako ng tuwid. "You want to apply in my company?"


"Ah, h–"

"–Opo, gusto niya." Sabi agad ni Lei kaya pinanlakihan ko siya ng mata.


"You're hired." Nanlaki naman ang mga mata ko.


"P-Po?"


"Exactly 8:00 AM dapat ay nandito kana, don't be late. I hate late." Nilampasan kami nito. "And both of you, fired."


Napatulala na lang ako sa sinabi nito at naguguluhan din dahil kusang tumibok ang puso ko.





A/N: EXPECT SLOW UD

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 55 10
MY ONE SHOT STORY COMPLICATIONS -Sa Kabilang Buhay -Tinatapos Ko Na -Demonyo
4.7M 92.9K 42
I'm just an ordinary girl who fell in love with a casanova. Lahat ng babae kaagaw ko. Pag sexy at maganda napapansin niya. Ako? Isa lang naman akong...
82.5K 260 3
ASTINE SERIES #1 [ COMPLETE ] Read at your own risk โžœ Dylan was known as "number one Cassanova" in their University. He changes girl so easily, he...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...