Fake Words ✓

By bloodycattygreen

383 90 16

Napakaraming mapanlinlang na mga nilalang sa mundo, nanloloko, nagsisinungaling para lamang makamit ang kanil... More

Fake Words
Prologo
1
2
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
Epilogo
bloodycattygreen

3

21 5 3
By bloodycattygreen

Maraming typo at grammatical errors, at hindi edited ang mga chapters. Kung ayaw mong mag-isip, matakot, masindak at maguluhan. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo tumigil ka na sa pagbabasa dahil hindi para sayo ang istoryang ito. Huwag unahing basahin ang dulo, unahin sa pinakuna upang hindi kayo ma-spoil. Makakarating din tayo sa dulo mga mahal ko. Ngunit sa mga magbabasa ng istoyang ito, maraming salamat sa inyo lalong-lalo na sa aking mga steffers. Don't forget to leave a comment and vote this chapter. (^^)

- B C G

Vien's Pov:

"Number 5, what is the main focus of-----" hindi na natapos ni miss Perez ang kaniyang susunod na sasabihin ng tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang aming klase at kailangan na naming umalis.

"We will resume our quiz on monday. So you can still have a review on weekends. That's all for today, goodbye class." magiliw na saad ni ma'am bago tuluyang kunin ang kaniyang mga gamit at mauna ng lumabas ng aming room.

"Ano ba 'yan si ma'am, akala ko pa naman hindi na matutuloy ang quiz. Kainis!"  napailing na lamang ako sa naging reaksiyon ng isa sa aking mga kaklase. Alam ko na hindi mawawala ang pagrereklamo sa ibang estudyante lalo na kung mas gusto nila ang magliwaliw. Ngunit ginagawa lamang ni ma'am ang trabaho niya, kung babagsak ang kaklase ko, hindi yun kasalanan ni miss Miss Perez. Kasalanan niya mismo iyon dahil hindi siya nag-aaral.  Kung minsan may mga bagay tayo na hindi natin napaghahandaan na nagiging dahilan ng ating pagkatalo, at kapag natalo tayo madalas na isinisisi natin ang mga ito sa iba. Kahit na wala naman talaga silang kasalanan.

Bakit ba kailangan ko pa silang intindihin, kung wala naman akong pakialam sa kanila? Umiling na lamang ako at isinukbit na ang aking bag sa aking likuran at nagsimula nang maglakad palabas ng room. Hindi na ako nagulat ng maramdaman ko ang presensiya ng isang tao. Walang iba kundi ang isa ko pang kaibigan na si Dylan. Napatingin ako sa kaniya at andiyan na naman ang nakakahawang ngiti niya na naging dahilan upang ako ay mapangiti rin. Inayos ko na lamang ang aking buhok ng simulan niya itong guluhin na siyang palagi niyang ginagawa.

"Ano sabay na tayong umuwi? Hatid kita sa building na tinutuluyan mo." nakahahawa talaga ang kaniyang ngiti na naging dailan upang mapangiti muli ako. Sino ba naman ang hindi mahahawa sa ngiti ng lalaking ito? Na kapag ngumingiti siya ay hindi na kita ang kaniyang mga mata dahil sa sobrang singkit niya.

Sasagot na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko sa kadahilanang may nag-text dito. Kinuha ko ang telepono ko sa aking bulsa at binuksan ito upang makita kung sino ang nag-text.

Mikay:
Vien punta ka rito sa library, sabay na tayong tatlo umuwi.

Ibig sabihin magkasama silang dalawa ni Mira sa library. Pero ano kayang ginagawa nila roon? Sa aming tatlo ako ang madalas pumunta sa silid-aklatan para magbasa, pumupunta lang ang dalawa roon kapag may assignment sila. Nakapagtataka kung bakit sila naroon. Muntikan ko pang makalimutan si Dylan sa tabi ko kaya ibinalik ko na sa aking bulsa ang aking cellphone at muling humarap sa kaniya ng may ngiti sa aking mga labi.

"Pasensiya Dylan pero nag-text kasi si Mikay na sabay na raw kaming tatlo umuwi. " ngumiti muli si Dylan bago magkamot ng kaniyang batok at magsalita.

"Kung ganon next time na lang siguro. Enjoy lang kayo M3 Girls," napailing na lamang ako sa huli niyang sinabi, M3 Girls ang siyang bansag sa aming tatlo.

Kumaway ako sa kaniya at ganoon din siya. Pagpapahiwatig ng aming pamamaalam sa isat-isa. Sakto naman at nakasalubong niya ang mga team-mate niya sa basketball na tila tinutukso pa siya. Hindi ko lamang alam kung kanino siya tinutukso, marahil sa babaeng laman ng kaniyang puso. Napatingin ako sa paligid, nagbabakasakali na makita ko ang babae na natitipuhan niya, ngunit wala naman akong nakita na babaeng estudyante. Kumaway ang mga kasamahan niya na naging dahilan upang kumaway na rin ako. Nanatili ako sa aking kinatatayuan hanggang sa hindi ko na sila matanawa, na naing dahilan upang maglakad na rin ako patungo sa library,

M3 Girls, bansag nilang lahat sa aming tatlo nina Mira at Mikay. Siguro dahil kilala kami sa paaralan kaya binansagan kaming tatlo. Ako nakilala dahil sa pagsali ko sa ibat-ibang patimpalak, si Mira nakilala dahil fashionista, habang si Mikay ay nakilala dahil palakaibigan. Ang bansag nilang iyon ay hango sa aming pangalawang pangalan na nagsisimula sa letrang em. Mycaylla kay Mikay, Miranda kay Mira, at Madisson sa akin.

Ngunit nakapagtataka kung bakit walang sumusunod sa akin na mga kaluluwa. Kahit may pagtataka sa aking isipan ay nagkibit-balikat na lamang ako dahil mas mabuti nga naman na hindi ako guluhin ng mga kaluluwa, upang sa gayon ay maging payapa naman ang isip at puso ko.

Ng tuluyan na akong makarating sa silid-aklatan ay bumati muna ako sa librarian at pumirma muna sa logbook bago ko tuluyang matanaw sila sa isang mesa. Naglakad ako sa mesa na okupado nila bago hilahin ang isang bakanteng upuan upang makaupo ako. Nilagay ko ang aking bag sa isa pang bakanteng upuan.

"Bakit pinapunta niyo pa ako rito? Puwede naman na maghintayan na lang tayo sa may gate."  nagtataka kong tanong dala ng aking kyuryusidad habang nakatingin sa kanilang dalawa. Napabuntong hininga si Mikay habang si Mira ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa isang tila album sa lamesa. Ano ba ang ginagawa ng mga ito rito? Hindi naman sila gumagawa ng assignment dahil walang libro sa lamesa, maliban sa tila album na binubutingting ni Mira.

"I'm looking for someone. I want the two of you to help me find her. " saad habang patuloy na nakakunot ng noo habang patuloy na binubuklat ang mga pahina ng bagay na hawak niya, na naging dahilan upang lumakas ang kyuryusidad na aking nararamdaman.

Pinakatitigan ko si Mikay gamit ang aking mapanuring mga mata dahil wala atang balak si Mira na magsalita pa.

"Huwag mo akong tingnan ng ganiyan Vien, dahil wala rin akong alam. Basta we need to find someone named Clara," nagpalipat-lipat ang aking tingin sa kanilang dalawa habang patuloy nilang ginagawa ang kanilang mga sarili na okupado sa paghahanap ng tao na nagngangalang Clara. Napagtanto ko na ang hawak nila ngayon ay hindi lamang basta album, kundi isang year book na kung hindi ko alam kung anong taon.

"Teka nga muna, kaano-ano mo ba itong Clara na gusto mong hanapin?" napatingin sa akin si Mira ngunit ng mag-angat ako ng kilay ay napaiwas siya sa akin ng tingin, na siyang ipinagtaka ko ng lubusan.

"Shes's my f-friend." napailing na lamang ako bago mapabuntong hininga. May mali e, sigurado akong may mali, pero sa ngayon ay hindi ko lamang matukoy kung ano.

Ayaw kong mangbintang at mas lalong ayaw kong magduda dahil kaibigan ko siya. Ngunit sa mga ipinapakita niya ngayon ay hindi ko maiwasang isipin na may hindi tama. Tila may sekreto siyang tinatago at hindi maganda ang kutob ko sa taong nais niyang hanapin. Ang Mira na kilala ko ay hindi mauutal at higit sa lahat kung magkakaroon man siya ng bagong kaibigan, ay dapat galing ito sa kasalukuyan at hindi sa panahong dekada na ang nakalipas.

Kung ano man ang siyang itinatago ni Mira ngayon ay kailangan ko itong malaman sa mas lalong madaling panahon. Iba ang nararamdaman ko sa gustong gawin ni Mira, ayaw ko na sa huli ay mapahamak siya kaya kailangan ko na malaman ang totoo.

"Alam niyo itigil na natin 'tong kahibangan ninyo, mabuti pa umuwi na tayo." hindi ko man nais ay wala akong ibang magagawa kundi ang magkunwari na lamang na galit upang sa gayon ay pabayaan na lamang nila ang nais nilang hanapin. Nagsimula na akong maglakad paalis ngunit napatigil din ng magsalita si Mira.

"But, I made a promise, that i will find her no matter what happen. So please just help me. " sinasabi na nga ba. Hindi isang tao ang Clara na gusto niyang hanapin, kundi isa itong kaluliwa. Napalunok ako kasabay ng pagbaling ko ng aking tingin kay Mira. Anong kahibangan ang pinasok ni Mira?

Nalilitong napatingin sa aming dalawa si Mikay, hindi malaman kung saan ba mapupunta ang usapan naming ito. Pumikiy ako ng ilang segundo bago bitiwan ang mga salitang kumakatawan sa naging desisyon ko.

"Fine, tutulungan kita, but ask informations about her para hindi tayo naghahanap ng paisa-isa. Kapag may impormasyon ka na tungkol sa kaniya, tell me right away. " Nais ko man ang sabihin sa kaniya na walang kabaluhunan ang ginagawa niya ay hindi ko maaring sabihin ito. Mukhang hindi ko na siya mapipigilan sa nais niyang gawin, kaya wala na akong ibang magagawa kundi ang maunahan sila na matukoy ang tunay na katauhan ng Clara na hinahanap niya.

Nagkatinginan ang dalawa bago sabay na ngumiti at magpasalamat sa akin. Tumango na lamang ako sa kanilang dalawa bago maglakad at pumirmamunang muli sa logbook at tuluyan nang maglakad palabas ng library.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang isipin kung anong nangyayari kay Mira. Hindi siya ganito, hindi siya magsasayang ng panaon  niya para lamang hanapin isang bagay. Ano kaya talaga ang nangyari? Pursigidong-pursigido si Mira na hanapin ang Clara na iyon.

Clara, Clara, Clara, sino ka?

Dahil sa katanungan ko sa aking isipan ay napatigil ako, lumakas din ang ihip ng hangin kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Napanganga ako dahil sa aking napagtanto. Hindi ako ganon kasigurado pero lagpas kalahating porsyento ang taya ko.

Posibleng-posible na ang Clara na siyang hinahanap ni Mira ay ang kaluluwa na aking nakita sa kuwarto niya kanina. Muli kong naalala ang pagngisi na ginawa ng kaluluwa na iyon, na naging dahilan upang magdala na naman ito ng kilabot sa akin. Maaring kinausap niya na si Mira kaya hinahanap na ito ng kaibigan ko ngayon. Siguro ay huminhgi siya ng pabor sa kaibigan ko kaya hinahanap siya ng ganito ni Mira. Ngunit papaanong ganoon niya kadali na napapayag si Mira? Hindi naman kaya may ginawa na siyang masama sa kaibigan ko? Sana naman ay nagkakamali lang ako.

"May lihim talagang sweetness itong si Vien hihihi, hinintay tayo," sinaman ko ng tingin si Mikay dahil sa ginawa niyang pagtulak sa akin. Masyado kong iniisip ang mga bagay na tungkol sa mga kaluluwa, buti na lang ay nagkaroon ako ng sapat na puwersa para hindi matumba. Napahagikhik din si Mira na naging dahilan upang mas sumama ang timpla ng mukha ko.

"Chill lang vien,' hinawakan ni Mikay ang magkabilang balikat ko at inusog-usog ako na parang isang bata. Hindi na kami nagsalita pa at sabay-sabay na lamang na naglakad palabas ng paaralan.

"That bastard! He said he will fetch us!" pangagalaiti ni Mira sa lalaking sumunod sa amin kanina kung hindi ako ngakakamali.

"Sus, asa ka pa. Scam kaya 'yun," ganting sagot naman ni Mikay. Alam ko na nagsasamaan na silang dalawa ng tingin ngayon hindi ko man nakikita.

Puro lamang daldalan ang dalawa hanggang sa marating na namin ang building kung nasaan ang condo ni Mira. Sana ay nagsabi na lamang silang dalawa na nais nilang mag-usap, upang sa gayon ay tumabi na lamang ako.

"Good evening po!" Masiglang bati nilang dalawa sa guard na naka-duty ngayon. Hindi ko na sila pinansin pa at naglakad na lamang patungo sa elevator, dito ko na lamang sila hihintayin.

Nakayuko lamang ako habang iinisip pa rin ang ang nangyari sa library, ng sa hindi inaasahan ay biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib at dahan-dahang nanlaki ang aking mga mata. Dahil nakayuko ako, ang una kong nasilayan ay ang kaniyang mga binti na walang sapin at duguan. Habang dahan-dahan kong inaangat ang aking mga mata ay dahan-dahan ko ring nararamdaman ang pagbilis ng aking paghinga. D-duguan...duguan ang kaniyang mga braso at ang pula sa damit niya ay hindi pala isang disensyo, kundi purong dugo na tila nakapinta na sa kaniyang damit dahil sa mahabang panahon.

Ngunit hindi ko maipalagay ang aking loob ng tuluyan ko ng makita ang kaniyang mukha. Lalong bumilis ang tibok ng aking puso maging ng aking paghinga, napaatras ako, kinilabutan ako at nagsipagtauan ang aking mga balahibo. Bago tuluyang magsara ang pinto ng elevator ay aking nasaksihan ang tunay niyang kahindik-hindik na wangis. Ang...kaniyang...mukha...ay...duguan...

Ang kaniyang mga mata ay...malamlam... Ang kaniyang mahabang buhok na puno rin...ng...dugo...ay iwinawagayway ng hangin. Higit sa lahat, ako ay natatakot dahil sa kaniyang mukha na puno...ng...taga...na nagdurugo...na naging dahilan upang umusbong na naman ang takot sa aking puso.

Mukhang kailangan ko nga na matakot, dahil ang kaluluwa na ito ang siyang magpapakumplikado ng buhay ko.

Plagiarism is a crime, punishable by law.
                                                 
-BCG-

All rights reserved 2022.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 42.8K 69
"Anong gagawin mo kung minumulto ka ng matalik mong kaibigan? Humihingi ba siya ng tulong? O kasama ka sa mga nagkasala sa kanya?" Highest Rank: #1...
2.2M 74.7K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...