Something Tells Me I'm Fallin...

By Strawbrielle

246K 4.5K 609

"I wonder what falling in love feels like?" My name is Alice, a girl who has zero experience in... More

Something Tells Me I'm Falling In Love
Chapter 1: Just a Crush [08/02/14]
Chapter 2: Himala
Chapter 3: Alice By The Sidelines
Chapter 4: Teddy Bear Keychain
Chapter 5: White Lights and Lanterns
Chapter 6: Your First Smile
Chapter 7: Dylan
Chapter 8: Click!
Chapter 9: Butterflies
Chapter 10: "I Want You To Love Me Back"
Chapter 11: You and I
Chapter 12: Best Friend
Chapter 13: Date
Chapter 14: Unexplainable Feeling
Chapter 15: Sing For Me
Chapter 16: Love isn't Logical Anyway
Chapter 17: The Heart Never Lies
Chapter 18: Imposibleng First Dance
Chapter 19: M.U.
Chapter 20: First Heartbreak
Chapter 21: Friend #1
Chapter 22: Sentimental
Chapter 23: Destiny's Reason
Chapter 24: Yellow Chrysanthemum
Chapter 25: Revelation of Hidden Feelings
Chapter 26: Secret Admirer
Chapter 27: First Kiss
Chapter 28: Surprises
Chapter 29: Two Kinds of Keys
Chapter 30: Melodies of Life
Chapter 31: When The Heart Beats For Two
Chapter 32: Like or Love?
Chapter 33: Our Destiny
Chapter 34: The Key to My Heart
Chapter 35: Love Letter
Chapter 36: Ang Pinakaimportanteng Bagay
Chapter 37: Realize
Chapter 39: Mistaken Love and Misunderstandings
Chapter 40: The Truth
Chapter 41: The Real Friend #1
Chapter 42: Precious Friends
Chapter 43: Fears
Chapter 44: Only Love Can Heal
Chapter 45: Odds and Promises
Chapter 46: Being Without Him
Chapter 47: Music Box
Chapter 48: Too Late
Chapter 49: Plan Failed
Chapter 50: Traitor in Disguise
Chapter 51: Never Fall in Love Again
Chapter 52: Reset
Chapter 53: Tadhana
Chapter 54: Ace
Chapter 55: Parallel Lines
Chapter 56: Brawl And Epiphany
Chapter 57: Sana
Chapter 58: The Most Important Girl To Me
Chapter 59: A Chance and The Last Favor
Chapter 60: Confession of Love
Chapter 61: Sawi
Chapter 62: Paalam
Chapter 63: Nostalgia
Chapter 64: The Search and The Chase
Chapter 65: The Escape
Chapter 66: Payback
Chapter 67: Kidnapped
Chapter 68: Drained and Drowning
Chapter 69: What Being in Love Is Like
Chapter 70: "No"
Chapter 71: "Yes"
Epilogue [10/23/16]

Chapter 38: Second Thoughts

2.2K 41 6
By Strawbrielle

Alice's POV

Wala akong maramdaman na kahit ano. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong magalit o malungkot eh. Masyado akong nabigla sa mga pangyayari kaya hindi ko na alam kung paano ako mag-rereact sa ganitong sitwasyon. Walang ding ibang pumapasok sa loob ng utak ko. Basta ang alam ko lang ay..

Nalilito ako.

Litong-lito.

Hindi na bago ang ganitong pakiramdam sa'kin ngayon. Pero mas kakaiba ito kaysa dati. I was confused. Not just emotionally but also mentally. Para bang nag-aaway yung puso't isipan ko. Halos magmanhid na nga yung buong katawan ko eh.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Pero hindi ko siya makita. Hindi ko makita si Dylan. Nasaan na ba siya? Late na naman ba siyang papasok? Absent kaya siya?

Kailangan ko siya ngayon. Gusto kong itanong sa kaniya ang lahat ng mga tanong na nasa isip ko. Gulong-gulo na ko.

"Diba may nanliligaw sa kaniya ngayon?"

"Oo. Tapos makikipaghalikan lang pala siya sa iba."

"Pinapaasa lang niya yung manliligaw niya."

"Nakakaawa naman pala siya kung gano'n. Umaasa lang siya sa wala."

Lahat ng mga mata ay nasa akin. In a negative way. Tingin na nila sa'kin ngayon ay isang malandi at paasang babae. Gusto kong tumakbo palayo ngunit hindi ko naman maigalaw yung mga paa ko. Para bang may humihila sa mga paa ko pababa at sinasabing, "Hoy! Hindi ka pwedeng tumakas! Dito ka lang at pagbayaran mo itong ginawa mo!"

Hindi ko kaya ang ganitong klase ng sitwasyon. Ginawa ko naman lahat para lang umiwas sa gulo. Pero heto. Nangyari pa din. Ano bang ginawa ko para mangyari 'to sakin?

Nagmahal lang naman ako ah. Kasalanan ba ang magmahal? Kasalanan ko ba kung magkagusto ako sa dalawang tao?

Kung kaya ko nga lang turuan ang puso ko na huwag magmahal, gagawin ko na nang walang pag-aalinlangan. Kaso hindi eh. You can't force your heart to love or to unlove someone.

Para bang tumutulak ka lang ng isang kalabaw mula sa isang bangin para turuan siyang lumipad. Tanga ka nalang din kung sa tingin mo'y mangingitlog yun kapag tinururan mo. Eh ang turuan mo ngang magmahal ng iba ang sarili mo eh hindi mo rin magawa.

In short. Imposible.

"Alice." natauhan ako sa taong tumawag sa pangalan ko.

Inangat ko yung ulo ko. Nagulat nalang ako nang makita ko nalang si Brix sa harap ko na may seryosong expression sa mukha. Hindi ko namalayan na kanina pa pala akong nakatulala sa sahig.

Napatingin ako sa freedom board at napansin kong wala na yung litrato doon.

"Tara." Kinuha niya yung kamay ko tapos itinakbo ako palayo.

Nung hinawakan niya yung kamay ko, doon ko lang naramdaman na kaya ko palang igalaw yung mga paa ko. Na kaya kong tumakbo mula sa mga titig ng mga tao sa paligid.

Takbo lang ako ng takbo. Hinayaan ko lang si Brix na hilahin ako palayo sa high school building. Namalayan ko nalang na dinala pala niya ako sa may maliit na garden sa parking area.

Mula nung tumigil kami sa pagtakbo, napansin kong nakatalikod lang si Brix sa'kin. Hindi niya magawang humarap sa'kin. Malamang nasaktan ko siya. Na-guilty nalang akong bigla. I feel like I betrayed him.

"I'm sorry..." pinipigilan ko lang ang sarili kong umiyak.

Hinarap na ako ni Brix.

"Wala kang kasalanan." hinawakan niya ang pisngi ko.

"P-pero-"

"I'm okay." he forced a smile.

Sinungaling. Alam kong may kasalanan ako. Alam kong nasaktan kita. Halata kaya sa expression ng mukha mo. I have to apologize for what I have done.

"I'm sorry, Brix... I'm sorry." tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.

"Nakakaawa naman yung manliligaw niya. Umaasa sa wala."

Naalala ko nalang bigla yung mga tsismis na narinig ko kanina. Tama sila.

Tinakpan ko yung mukha ko ng dalawa kong kamay. Hindi ko na siya kayang tingnan sa mata. I feel like a horrible person for hurting him.

Pinilit niyang alisin yung mga kamay ko mula sa mukha ko ngunit nabigo siya. Narinig ko nalang siyang nagbuntong-hininga.

"Ano ka ba. You don't have to apologize." hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap ako.

"H-hindi ka galit?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"Dahil pinapaasa lang kita. Ganun din yung tingin ng iba."

"Porkeiyon na yung tingin ng iba, iniisip mo na rin na pinapaasa mo ko? Bakit, sinadya mo ba iyon? Binalak mo bang paasahin ako?"

I looked up at him, "H-hindi."

"Ayon naman pala eh. Atsaka, hindi ko naman inisip na pinapaasa mo lang ako. Kaya huwag ka nang umiyak." he smiled.

"Pero.. Nasaktan kita... Dahil doon." I referred to the picture.

"Ah, eto ba?"

Pinakita niya sakin yung litrato na nakadikit sa freedom board kanina. It was crumpled. Kaya pala bigla nalang itong nawala nung tiningnan ko ito sa freedom board kanina. Kinuha niya pala.

"Papel lang ito." sabi niya tapos binato niya yung litrato sa pond. "Besides, it wasn't even your intention to kiss that guy. It was his fault kung bakit nangyayari ito sa'yo."

Hindi na ko nagsalita pa. Hindi ko kayang i-deny lahat ng mga sinabi niya. Totoo naman kasi. Pero kahit kaunti, hindi ko sinisisi si Dylan sa mga nangyari. Isa na din ito sa mga dahilan kung bakit na-giguilty ako kay Brix. Dahil hindi ko masisi nang buong-buo si Dylan.

Mayamaya lang, nakita namin si Joshua na papalapit samin. Sinabihan niya kaming magsisimula na daw yung practice para sa waltz.

Dahil wala ako sa mood para mag-practice ng waltz at dahil na rin nag-aalala si Brix na baka pag-initan ako ng mga taong makakakita sa'kin, hinatid nalang niya ako sa clinic at sinabing hintayin ko siya doon hanggang sa mag-uwian.

Pagkatapos akong iwan ni Brix sa clinic, humiga ako sa kama at natulog nalang muna ako para kalimutan ang mga nangyari. Kahit pansamantala lang.


✿✾❁❃❀


Nagising nalang ako nang makarinig nalang ako ng mga strums mula sa isang gitara. Pamilyar yung tugtog na nagmumula doon. Tumayo ako mula sa kama at napansin kong wala yung nurse.

Lumabas ako ng clinic at hinanap kung saan nanggagaling yung tugtog. Nalaman kong nanggagaling pala iyon mula sa school garden. Pumunta ako doon at isang lalaki ang nakita kong nakaupo sa bench habang tumutugtog ng Out of My League sa gitara niya.

Hindi ko nga lang makita nang mabuti yung mukha niya dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw. Bagong gising kasi ako kaya hindi pa masyadong nakakapag-adjust yung mga mata ko sa ilaw.

Lumapit ako nang kaunti at nakita kong si Dylan pala iyon. Pinagmasdan ko lang siyang tumugtog. Tumigil lang siya sa pagstrum sa gitara niya nang mapansin niya akong nakatingin sa kaniya.

"Nandito ka pala." nginitian niya ko.

Nagtaka nalang ako sa kung paano siya umakto. Bakit parang hindi niya alam yung tungkol sa nangyari kanina? Yung tungkol sa litrato sa freedom board?

"Tara, upo ka." He tapped the spot next to him.

Umiwas ako ng tingin. Lumapit naman ako nang hindi tumitingin sa kaniya. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Umupo ako sa tabi niya and placed my hands on my lap while staring at the floor.

Hindi ako mapakali.

"Bakit parang hindi ka mapakali?" Napaupo ako ng matuwid sa gulat. Ang lapit kasi ng mukha niya sa'kin habang naka-tilit yung ulo niya at inoobserbahan yung mukha ko.

"H-h-hindi ah." umiwas ako ng tingin. "B-bakit ka nga pala nandito? Paano yung waltz practice?"

"Hindi na ko pumunta. Wala ka kasi." sabi niya. "Paano ako makakapag-practice nang mabuti kung wala yung partner ko, diba? Akala ko nga absent ka eh."

"S-sorry."

Nagkaroon ng maikling katahimikan. Nagpatuloy lang siya sa pagstrum sa gitara niya when he suddenly spoke.

"Ano kaya kung dito nalang tayo mag-practice ng waltz?" he suggested na may malawak na ngiti sa mukha.

"Ngayon?" tanong ko.

"Oo! Mamaya na yung presentation natin eh."

"U-uhh... Wa-" binaba niya yung gitara niya at hinila ako patayo. Hinawakan niya yung kamay ko habang nasa beywang ko naman yung isang kamay niya.

"Game?"

Tumango nalang ako. Ano pa bang magagawa ko? Nasa holding position na kami eh. Pero ngayon ko lang na-realize na ang persistent pala niya.

"1.. 2.." he counted. Pagdating sa third count, sinimulan na namin ang pagsayaw.

Dahan-dahan naming isinayaw yung mga steps na itinuro sa'min. It was smooth. Walang mali. Feeling ko para akong si Cinderella na isinasayaw ng prince charming niya.

Buti nalang at walang taong nakakakita samin ngayon. Hindi nga lang ako masyadong makapagconcentrate. Naiilang kasi ako sa kaniya eh. Atsaka, hindi ko pa din maalis sa isip ko yung litrato.

Tumigil na kami sa pagsayaw.

"Buti nalang at memorize ko pa yung steps. Akala ko nakalimutan ko na eh." sabi niya.

Kinuha niya yung kanang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya at pinagdikit yung mga palad namin.

A-anong ginagawa niya? Lalo tuloy bumilis yung pagtibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.

"Alam mo.. " pinagmasdan niya yung magkadikit naming mga kamay. "Mamimiss ko 'to." parang malungkot siya nung sinabi niya yun.

Ano kaya yung tinutukoy niya na ma-mimiss niya? Yung kamay ko? Imposible. Yung pagsayaw namin ng waltz? Malamang hindi din. Yung moment na ito? Nah. Baka ako yung ma-mismiss niya? Wew. Ayoko nang mag-isip pa ng rason at baka mag-assume na naman ako. Halos pagtawanan ko na nga yung sarili ko sa mga naiisip ko eh.

Hindi ko man alam kung ano yung tinutukoy niya, nakaramdam pa rin ako ng lungkot. Bigla na naman kasing sumagi sa isip ko na hindi ko na siya makikita pa pagkatapos niyang grumaduate. Mamimiss ko talaga 'tong moment na ito.

Mamimiss ko siya.

Kaya habang hindi pa huli ang lahat, I'll just appreciate this moment before it turns into a memory. Tapos, tatanungin ko siya tungkol sa nangyari sa may UTMT kahapon.

"Sa waltz, lalaki dapat ang nagdadala ng sayaw. Kaya kung hindi mo pa masyadong memorize yung steps, huwag kang mag-alala. Ako'ng bahala sayo. Just trust me, okay?" he assured.

I just nodded. Naghintay muna ako ng ilang sandali bago ko siya tanungin. Kinakabahan pa kasi ako.

"Gusto ko lang sana itanong." I finally spoke.

"Ano yun?"

"T-tungkol sa nangyari kahapon.. sa may UTMT."

"K-kahapon? Sa UTMT?" he suddenly became uneasy.

"T-totoo ba iyon?"

"Y-yung alin?" napansin kong namumula yung mukha niya. Weird. Imagination ko lang siguro yun.

"Yung ano.." gusto ko sanang i-confirm mula sa kaniya kung totoo ba yung sinabi niya kahapon. Kaso sa tuwing naaalala ko yung sinabi niya, lalo akong kinakabahan.

Napatunayan na nga nung litrato na totoo yung sinabi niya pero... Gusto ko pa rin talagang malaman mula sa kaniya.

Napansin kong pinagpapawisan na siya. Dahil lang siguro sa init ng panahon.

"A-ano kasi! K-kailangan ko ng umalis! S-sige! Bye!" bigla nalang siyang tumakbo palayo. Natulala lang ako sa kaniya dahil sa biglaan niyang pag-alis.

Bigla nalang siyang tumigil sa paglalakad. He turned around and walked back towards me. Namumula pa din yung mukha niya.

"M-mamaya... S-sasabihin ko sa'yo lahat!" Tumakbo na ulit siya palayo.

Ano'ng nangyari sa kaniya?

Hay. Ano ba 'yan. Hindi pa nga ako tapos sa sasabihin ko tapos bigla nalang siyang aalis. Pero okay na rin siguro iyon. At least nabawas-bawasan yung kaba ko. Hindi ko nalang rin siya tatanungin pa tungkol doon. Mas kakabahan lang ako.

Pero teka lang. M-mamaya? Sasabihin niya lahat?

Mamaya?!

Ahhhh! Oo nga pala! Mamaya na iyon! Shet. Mas kinabahan tuloy ako lalo.

Bumalik nalang ako ng clinic at humiga ulit sa kama. Paulit-ulit na nag-faflashback sa isipan ko yung mga sinabi niya. Nakakainis. Hindi na naman ako mapakali.

Pagdating ni Brix, hinatid na niya ako sa bahay namin. Since mainit ang panahon, sumakay nalang kami ng jeep. Pagtigil ng jeep sa isang kanto, nilakad nalang namin yung daan papunta sa bahay ko.

Wala sa aming dalawa ang nagsasalita. Pareho lang kaming tahimik habang naglalakad. Palihim akong tumingin sa kaniya at napansin ko na hindi siya mapakali. Bakit kaya?

Pero shet. Kinakabahan pa rin ako sa mangyayari mamaya. Kung ano-anong bagay na yung pumapasok sa loob ng isipan ko tungkol sa kung anong mangyayari mamaya. Nakakabaliw na.

Pagdating namin sa tapat ng bahay namin, nagpasalamat na ako sa kaniya sa paghatid niya sa'kin at nagpaalam na. Papasok na sana ako ng gate nang pigilan niya ako.

Hinarap ko siya.

"I-I just want you to know that..." nag-aalinlangan pa siyang magsalita. "I'm not giving up on you, Alice." Diterminadong niyang sabi. "I'll prove to you that that piece of paper is not even enough for me to give up on you." He said those words while staring deep into my eyes.

Nagpaalam na siya atsaka umalis. Tulala lang ako habang pinagmamasdan ko siyang umalis. I was totally moved by what he said that it made me want to choose him instantly. Tutal, napagdesisyunan ko naman na mula kahapon pa na siya yung pipiliin ko eh.

Pero ngayon...

"Mahal kita, Alice."

Hindi na gano'n kadali yun.

Ang pag-aassume, parang isang ilusyon lang 'yan eh. Akala mo nandoon. Akala mo meron. Pero ang totoo, wala pala talaga. Pero yung tatlong salitang sinabi ni Dylan? It's not an illusion. It's not a fantasy.

It's real.

But still, there's a part of me na ayaw maniwala kaya hindi ko maiwasang hindi gustuhing malaman kung totoo nga ba ang lahat ng iyon. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Pero nalalapit na rin ang oras para malaman ko na ang mga kasagutan sa mga tanong ko. At mamaya na iyon.

Shet.

Continue Reading

You'll Also Like

230K 4.4K 44
COMPLETED. MFBB SEQUEL MY FLOWER BOY BROTHER (BOOK 1 ans 2) IS NOW AVAILABLE AT PRECIOUS PAGES STORE FOR ONLY 119 PESOS :) Grab your copy now :) Pa...
2.4K 238 67
After the failure of First love, Geyl decided to not love a guy but one day she just woke up and there are three dazzling handsome hot guys that will...
29.5K 502 62
Noon, naranasan ko nang magmahal ng isang seminarista at siyempre ang masaktan din ng dahil sa kanya ... Makakaya ko pa bang magmahal ulit ng kagaya...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.