CHANGE

Bởi thisisBarbie

1.6K 39 10

This story is not just about a two person In love but this is also about the Love for our family and the Love... Xem Thêm

CHANGE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 20

74 2 1
Bởi thisisBarbie


ELLA's POV

Nandito na kami sa location, wala pa sila princess, mukhang napaaga ako. Hindi namin kasama si Tita M. Wala siya bahay nung umalis kami ni karing, tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Hindi ko alam kung bakit naging emotional siya kagabi hindi naman siya ganun dati kapag nagkkwento ako sa kanya about sa pamilya ko.

May kumatok sa pinto at pumasok si Bryan. "Hi, goodmorning" bati niya at tumabi siya sakin sa couch "Goodmorning" bati namin ni karing 

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, hindi naman ito yung una kong photoshoot pero first time na kasama ko si princess at kirby. Dumaldal din ng dumaldal si bryan siguro mga 30 minutes na siyang nagkekwento at puro tango at ngiti lang ang sinasagot ko sa kanya. At may kumatok ulit sa pinto.

"Goodmorning everyone! Wow ang aga niyo namang dalawa" si Ms. Bella kasunod si Princess at Kirby at si Nanay

Nagkatinginan kami ni nanay parang nagtataka siya, ako nangingilid yung luha ko. Gusto ko siyang yakapin at sabihing miss na miss ko siya.

"Excuse me po" sabi ko at lumabas na ko dumiretso ako sa c.r at pumasok sa cubicle

Kaya pala kinakabahan ako, pinunasan ko yung luha ko at kinalma ko yung sarili ko. Siguro mga 5 minutes ako sa loob at lumabas na ako. Pagkalabas ko nakita ko si Tita M.

"Tita" nasabi ko na lang mukhang natigilan naman siya pero tumango lang siya sakin at patuloy parin siyang nagpress powder. Lalabas na sana siya pero tinawag ko siya "Tita" napatigil siya sa pagbukas ng pinto.

"I'm sorry" at niyakap ko siya "Please, kausapin mo na ako. Hindi ko po yun yung ibig kong sabihin kagabi" at napaiyak na ako. Sa tingin ko nagpipigil siya kasi hindi parin siya nagsasalita "Sige na, okay na. Ikaw talaga kakaayos ko lang ng mukha ko sinira mo agad" biro niya at hinarap niya ko

"Sorry kung naging emotional ako ha? Si-siguro natatakot lang ako na iwanan mo ko" natigilan ako sa sinabi niya 

"Tita hindi kita iiwan gusto ko lang klaruhin tyaka ayusin yung samin ni nanay" pagpapaliwanag ko sa kanya "Yes, yes. i'm really sorry for acting that way" at niyakap niya ko "Magayos ulit tayo" dagdag pa niya at nagtawanan kami

Patapos na kami ng may kumatok sa c.r? "Cindy?" tanong ni karing pagkapasok niya "Nandito lag po pala kayo, hinahanap ka na sa loob cinds" 

"Bakit kumatok ka pa?" tanong ko sa kanya habang palabas na kaming tatlo "Akala ko kwarto mo e" biro niya "Gaga" at pumasok na kami sa loob

Pagkapasok namin humigpit ang hawak ni Tita M sa kamay ko at binulungan niya ko "Si Cindy ka ngayon" at tumango ako

"Oh, Nandito na si cindy" sabi ni ms. bella "Are you alright cindy?" tanong niya sakin ng nakangiti Grabe ang ganda ganda niya talaga "Opo" sagot ko naman

"Okay ayusan niyo na sila habang nagpprepare yung photographer" sabi niya at lumapit ito sa mga magpipicture

Nakita kong nakatingin sakin si nanay na parang may malalim na iniisip, hindi kaya? Nakilala niya ko? pero Imposible!

Apat din yung make up artist at mabilis naman kaming naayusan. Pastel colors yung mga damit na binigay samin. Isa isa kaming pinicturan, magaling ding magproject sa camera si princess. Naalala ko nung mga bata pa kami mahilig talaga siya magpopose. Mabilis siyang natapos kasi halos lahat ng kuha niya magaganda. 

Ako naman yung next, siyempre maayos din naman akong magtrabaho kahit papano marami na akong natutunan from my previous photoshoot. Marami na rin akong kaibigang photographers kaya naturuan nila ako kung pano ang tamang pagproject sa camera, anong anggulo at iba pa. Mabilis din akong natapos, ganun din si kris at bryan. 

Sunod naman by pair na. Nauna si Kris at si Princess medyo natagalan sa kanila "Kris ang awkward ng mata mo" sabi ng photographer  

Kung titingnan bagay na bagay sila. "Look at her kris" sabi ulit ng photographer Naayos din naman agad yung mga kuha sa kanila, medyo matagal nga lang.

"Ms.?" napalingon ako para tingnan kung sino yung tumawag sakin, medyo nagulat ako pero naalala ko yung sinabi ni Tita M. Ako si Cinderella Obligar ngayon. "Po?" 

"Anong pangalan mo?" 

"Cinderella Obligar po" 

"Cind- Ella?"

"Po?" nagulat ako sa sinabi niya "Hindi ba ikaw si Ella?" gusto kong umamin, napatingin ako ka Tita at nakatingin din siya samin, umiling siya at tumango naman ako.

"Ahm, pwede rin naman pong itawag yun sa-sakin pero Cindy po yung nickname ko" 

"Hindi, ikaw si ella" ulit niya magsasalita pa sana ako ng lumapit samin si princess "Ma" tawag niya at tumingin siya sakin ng medyo nakasimangot "Anak siya yung sinasabi ko sayo" sabi pa niya kay princess.

"Ang kulit mo naman e sinabi ng hindi siya yun, halika na dun" at hinila na siya ni princess

"Cindy Bryan?" tawag nung photographer 

Hinila na ako ni bryan at nagstart na rin kami medyo tumagal din samin. Hindi kasi agad ako nakapagfocus kay bryan. "Cindy? Alam mo naman siguro yung mali mo" sabi ng photographer "Sorry" nasabi ko na lang. Nagfocus ulit ako kay bryan at naging maayos na yung flow ng photoshoot. Nagbreak muna kami then after break kaming apat na.

Lumabas muna ako kasi hindi ko kinakaya na kasama sila sa iisang room. Hindi ko alam kung mapipigilan ko pa yung sarili ko.

"Hi" nagulat ako ng may nagsalita bigla sa likod ko at mas nagulat ako ng makita ko si Kirby

"Hi" sagot ko "May nangyari ba kagabi?" tanong niya 

Oo nga pala! "Ah Kirby, Sorry ha? Sumama kasi yung pakiramdam ko kaya hindi na ko nakapunta ta-tapos yung phone ko hi-hindi ko pa makita"

Nakatingin lang siya sakin "Kris?" tawag ko sa kanya "Ano ulit yung sabi mo kanina?" 

"Ha? Ahm na sumama yung pakiramdam ko-" pero pinigilan niya ko "Hindi yung tinawag mo sakin kanina"

Oh shit! I didn't call him kirby! Aish! bakit ba lutang yung utak ko! "Ha? K-kris?"

"Kirby" sabi niya "Yun yung tinawag mo sakin, h-how did you know that?" dagdag niya

"Kris ang sabi ko hindi kirby" mukhang natigilan siya "Yeah siguro nga, i'm sorry medyo lutang din yung isip ko" ngumiti lang ako sa kanya 

"Sorry nga pala kagabi ulit hindi ako nakapunta, next time na lang?" 

"Sure, no worrries" sabi niya ng nakangiti

"High school friend pala ha?" biglang dumating si princess at ang sama ng tingin niya sakin

"Princess?" nasabi lang ni kris

"Siya ba yung high school friend mo ha?" tanong ni princess kay kirby

Naguguluhan ako sa kanila "at Ikaw? bakit ka makikipagdinner sa boyfriend ko!" baling sakin ni princess Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi ako makapagsalita, tinulak niya ko ng mahina.

"Princess!" sigaw ni kris 

"Hey, hey ,hey what's happening here?" patakbong lumapit samin si bryan "Princess" at hinawakan niya ko

"Tss!" nasabi lang niya at umalis na siya "Princess!" tawag ni kris at sinundan siya

"Are you okay? Anong nangyari?" tanong ni bryan

"Hi-hindi ko alam" at inalalayan niya ko papasok sa room at umupo kami sa couch

"Are you okay cindy?" tanong ni ms. bella, kami lang ang nandito sa loob

"Ah tita si" pinigilan ko si bryan at tiningan ko siya "Okay lang po ako ms. bella" lumapit siya sakin at chineck ako kung may lagnat or what

"call me tita" sabi niya at nagsmile siya sakin 

Biglang nawala yung kaba sa dibdib ko, tinap niya yung likod ko at tumayo na "Nasaan nga pala si princess at kris?" 

"Hi-hindi po namin alam tita" sagot ni bryan "Okay, thanks" at pumunta siya sa desk niya para kunin yung phone niya. Siguro tatawagan niya.

Isa isa na silang bumalik sa set. Halos mag 30 minutes ang lumipas nang makumpleto kaming lahat. Naging maayos naman ang mga kuha samin although tumitigil lang kapag nasasaktuhan na magkatabi kami ni kris papaggitnaan kami ni princess.

Nang matapos na kaming lahat at lumapit sakin si Bryan

"Cinds can I invite you ngayon sa birthday ng grandma ko"

"As in ngayon na?" balak ko sanang puntahan si nanay pero mukhang hindi ko pa nga kaya

"Yes, kantahan mo siya, Please?" hayy how can i resist this guy  "O-okay" nasabi ko na lang

"Yes! Ihahatid na lang kita mamaya sa inyo"

"Okay, magayos lang ako"

at nagayos na rin siya "Karing, Tita M ininvite ako ni bryan sa birthday ng grandma niya kantahan ko daw, okay lang naman diba?" sabi ko sa kanila pero bakit parang nahihiya ako

Lumapad yung ngiti ni tita m "oo naman walang problema" si karing naman pangasar yung tingin sakin "Oh bakit?" tanong ko sa kanya "Wala naman, enjoy" sabi niya at lumabas na sila

"Ms. Ahm Tita Bella una na po kami, thank you po"

"No problem, Thank you rin" at nagbeso beso kami

Nginitian ko lang si kris at princess pati si nanay at lumabas na rin kami ni bryan.

Mabilis lang din kami sa birthday party ni bryan. naka 3 kanta ako, kumain, picture picture at nagpaalam na rin kami.

"Nag enjoy ka ba?" tanong niya "Oo naman, ang bait ng family mo e" sabi ko habang nakangiti "thank you" sagot niya

Tumahimik ulit kami, nasa sasakyan na niya kami at ihahatid na niya ako. "Right or Left?" 

"Right" sabi ko "Wow" sabi niya "bakit?" nagtaka ako sa sinabi niya "Wala wala" habang nakangiti 

Anong nangyari sa kanya "Ahm, Cindy?" 

"Yes?"

"if you don't mind me asking, anong nangyari kanina?" nagulat ako sa kanya

"Ah magdidinner sana kami ni kir-Kris last night kaya lang sumama yung pakiramdam ko kaya hindi ako nakapunta. Then ang alam pala ni princess high school friend ni kris yung immeet niya hindi ako, kaya nagalit siya"

"Really? Are they really in that kind of relationship?" 

"I think so? Kaya siguro ganun yung reaksyon niya"

"So why would kris ask you out for a dinner?" na caught off guard ako dun ah

"We're friends?" 

"O-Kay" nasabi na lang niya "Saan ka dito?" 

"Sa Ricaza Village" 

"Really??" gulat niyang tanong "Oo, Bakit?" 

Ngumiti na naman siya "Nothing" 

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya habang tumatawa "Yep, Why?" at tiningnan niya ako

"Para kang baliw e" at tumawa ako at nginitian niya lang ako  at tinaas niya yung balikat niya

"Street?"

"5th, #6" sagot ko 

"wow! just wow!" sinabi niya ulit 

Nang makarating kami sa bahay, bumaba siya at pinagbuksan niya ko ng pinto. So gentleman.

"Thank you, sorry din napalayo ka pa ata" sabi ko sa kanya "Nope, sa kabila lang ako" sabi niya habang nakangiti

"Ah kaya pala, okay okay. Anyway, Thank you" sabi ko kaya pala parang nagugulat siya sa kabilang village lang pala siya, small world

Pumasok na ko sa loob, hindi ko na siya hinintay umalis. Hindi rin naman siya aalis kung hindi pa ko nakakapasok sa loob. Hay, napakagentleman. Nagulat ako ng biglang may magsalita 'pag ka pasok ko.

"So, How's your date? tanong ni karing habang umiinom ng tubig

"Hindi yun date" sabi ko sa kanya "Sus, so pano ba yan? Bryella na ba? Wala ng Kirella?" tukso niya sakin

"Clarita! Ang korny mo!" sabi kong tumatawa at umakyat na ko sa kwarto ko

Nagshower na ako at nagayos. Hindi ko alam kung kelan ko pupuntahan si nanay pero once na maramdaman ko na okay na ako. Pupuntahan ko agad siya pero sa tuwing maiisip ko yun papasok din sa scene si Tita M at nalulungkot ako bigla. Hayyy, Saka ko na lang muna iisipin.

____________________________________________________________________________

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

895K 36.6K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
11.9K 429 15
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...