Breezes of the Sky

By ali_lips

2.2K 436 75

"Once you have tasted the taste of sky you will forever look up" Ever since, Aethra Celestine goes with the... More

AUTHOR'S NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 7

53 18 0
By ali_lips

I never thought of being friends with Celine. I feel comfortable when she hugged, that feeling of being secured despite of what happen. I am having my lunch sa classroom at kasama ko si Celine. Pagkatapos ng moment namin kanina sa may field inaya ko siyang maglunch dito. Pumayag naman siya dahil wala mana siyang klase pagkatapos niyo. Sinamahan ko pa siya na kunin ang lunch niya sa classroom nila.

"I never know na marunong ka rin pa lang magluto" puri niya sa akin ng pinatikim ko siya ng baon ko. Ako ang nagluto kanina dahil may schedule kami ng pagluluto sa dorm. Nagluto ako ng adobo at lumpiang shanghai. "Magaling ka ring magbake, nasayo na ang lahat".

"Nako hindi naman, tinuruan lang ako ni Tala kanina yung kaibigan ko."

"Atleast masarap, turuan mo ako sa susunod ah" tumingin siya sa akin at hinihintay akong sumagot.

"Sure walang problema" nagpatuloy ako sa pagkain at panay ang kwento nitong si Celine. Madaldal din pala 'to.

"Why they are looking at us?" tukoy niya sa mga kaklase ko. Tumingin naman ako sa kanila at nagsiiwasan naman ng tingin.


Gutom kayo no! Sorry kayo!


"Hayaan mo sila" nagpatuloy ako sa pagkain at hindi ko sila pinansin. Anong akala nila bibigyan ko sila? No way! Magutom sila diyan.


"Galit talaga pre" ani Nathaniel.

"Hindi ba halata, iisa na nga lang ang kilay e" dagdag ni Jeric.

"Nagugutom na ako"

"Tara canteen"

"Tinatamad naman ako"

"Edi mamatay tayo sa gutom"


Hindi nalang umimik si Celine at nagpatuloy na sa pagkain. Naubos na niya ang dala kong ulam. Ang lakas pala niyang kumain, pero hindi naman tumataba.


Wala si Lakan at Sinag ngayon. Nagpunta sila sa canteen dahil doon sila kakain. Makikipag-date siguro.


"Cel" tawag ni Elliot sa kaniya. Hindi siya pinansin ni Celine. Nag-away ba sila? Tinignan ko naman si Elliot at ng tumingin siya sa akin ay inismiran ko siya.

"AC are you done? Tara doon tayo sa field" nililigpit niya na ang gamit niya ng tanungin ako. Hindi pa ako tapos kumain, kaso tinignan niya ako kaya niligpit ko nalang ito.

"Cel, talk to me" si Elliot ulit. Makulit talaga 'to e.

"Tara?" aya niya sa akin. Tumayo ako at dinala ang paper bag, doon na siguro ako magdedessert. Nabitin kasi ako, inubos ni Celine yung ulam.

"Cel" tawag ulit niya.

Hindi pa rin niya ito pinansin, nagpatuloy lang kami sa paglalakad hangang sa makalabas kami.


"Nag-away ba kayo?" Basag ko.

"Who?"

"Ni Elliot"

"Hindi naman, pero galit ako sa kanya"

Bakit naman 'to galit?

"Bakit?"

"Dahil inaway kaniya at tinawag na mababaw"

"Nako, huwag mo ng isipin iyon. Tsaka huwag kang magalit sa kaniya"

"Hindi naman sa ganoon iyon AC, Elliot and I are bestfriends. Ako ang nahihiya kapag may ginagawa siyang mali. Lalo na kapag may napapaiyak siyang babae. Nako kung alam mo lang, ang dami ng napaiyak niyan noong highschool. Gwapo nga playboy naman"

"Marami na siyang naging girlfriend?"

"May isa lang siyang naging girlfriend at yung iba naman ay flings lang. Hindi naman kasi siya nagseseryoso. Tinatanong ko nga kung may nagugustuhan siya ang sabi niya naman ay wala"

"Ah ganoon ba" tumango-tango pa ako. Wala sa itsura ni Elliot ang marami ng naka-flings. Tahimik kasi siya at mukhang masungit. Kaya feeling ko ay wala pa itong nagiging jowa.


Umupo na kami sa pwesto namin kanina. Inilabas ko naman ang cookies na binake sa akin ni Tala.

"Gusto mo?" Alok ko kay Celine. Tinanggal ko na ang takip ng tupper ware at kumuha ng isa.

"Akala ko ay hindi ka nakapagbake?" Kumuha na rin siya at tinikman ito.

"Si Tala ang nagbake niyan, nagpaturo kasi siya sa akin kaya ayon napasobra yata ang gawa niya at ipinabaon sa akin"

"Marunong ba lahat kayong magbake?" Nakalahati niya na yung cookies. May alagang dragon ba ito sa tyan niya? Ang bilis niyang maubos.

"Siguro, nag-aaral na rin sila. Nanonood lang sa youtube. Nahiligan na rin nila noong natuto ako"

"Ang sabi mo hindi ka nakapagbake?" Galit na bungad sa akin ni Elliot.

Ito na naman tayo.

"Hindi nga"

"Wow ah, eh ano yan?" tukoy niya sa dala ko. "Tapos si Cael meron din, sinong niloko mo?"

"Wala"

"Liar"

Anong karapatan niya na tawagin akong sinungaling e hindi naman niya alam ang totoo. Tatayo na sana ako para sampalin siya kaso pinigilan ako ni Celine.

"Stop it Elliot!" sigaw ni Celine.

Tumigil naman si Elliot.

"Una kana sa classroom niyo, ako na kakausap sa kaniya" pakiusap ni Celine sa akin. Iniligpit ko muna ang gamit ko at umalis na rin. Ayoko pa sana silang iwan baka may mangyaring war kaso baka madamay pa ako. Huwag nalang.


Nang makarating ako sa classroom ay nagkukumpulan sila. May ginagawa ba silang kababalaghan? Baka may chismis!


"Sarap!"

"Juicy"

"Rawr"

Nakita ko sila na may pinapanood.

"Ehem" Nagulat naman sila at nagsitayuan. Nakita ko na nanonood sila.


Ng mukbang...


Nagugutom na siguro sila. Kawawa naman.


"Nagugutom ako pre" sabi ni Liam.

"Ako rin pre" dagdag naman ni Edric.

"Yung mga bulate ko sa tyan nagsasayawan na" si Gabriel.


Umupo ako at hindi sila pinansin. Nagpaparinig siguro sila sa akin. Nandito na rin sila Lakan at Sinag. Tumingin sa akin si Sinag ngunit inismiran ko siya. May kasalanan ka pa sa akin. Tinignan ko naman si Lakan at ngumiti sa akin, may chocolate pa siya sa ngipin.


"Pre tara mukbang tayo sa bahay" yaya ni Jeric kay Liam.

"Talaga ba pre? Marami siguro kayong pagkain sa inyo. Isama natin sina Lakan at Sinag"

"Ayoko pero kung mapilit kayo, sige" si Sinag.

"Sorry may date ako, pero pwede ko naman i-cancel" si Lakan.


Wow ah may date daw e wala namang jowa. Sino ididate niya si wala?


"Isama mo naman kami pre"

"Ako na maghahanda"

"Ako na maghuhugas ng pinggan"

"Nagugutom na ako, teka pre ano bang ulam niyo?" Si Nathaniel.


"Asin" tumawa naman si Jeric.


"Gag*"

"Akala ko grasya na!"

"Natatakam pa naman ako"


Natawa na rin ako, halatang gutom na gutom sila.


"Nagugutom na talaga ako!" ngawa ni Zedric.


Naalala ko naman na may natira pa akong cookies kanina. Kaso galit ako sa kanila. Ibibigay ko ba?huwag nalang kaya?


"Zedric" tawag ko sa kaniya. Tumingin naman silang lahat sa akin. Ang daming Zedric ah.

"Si Zedric kayo?" asar ni Zedric sa mga kaklase namin.


"Bakit tinawag niya si Zedric?"

"Bati na ba sila?"

"Sanaol pre"

"Sa susunod papalitan ko na pangalan ko"

"Bakit kasi Jeric pangalan ko e"


"Ano yun AC" nasa harapan ko na siya.


Nag-aalangan pa ako. Ibibigay ko pa ba?


"Ah eh..." sige na nga. "Nagugutom ka diba?" Lumiwanag naman ang mata niya, pagkain pagkain pagkain!


"Oo e, wala na nga akong makain sa bahay. Wala na rin akong pamilya. Umaasa nalang ako sa mga ibinibigay sa akin" umiiyak pa siya ng peke.

"Ang pangit mong umiyak pre" sabi ni Jeric.


"Gusto mo pagkain?" Lumiwanag ang mukha niya.


"Syempre naman, nagugutom na talaga ako"


"Bili ka"


Nabalot ng katahimikan ang klase. Naghampasan pa nga yung iba. Si Sinag na katabi ko ay nahulog na sa sahig kakatawa. Si Zedric naman ay maiiyak na.


"Akala ko pre bibigyan kana"

"Kawawa naman, ayos lang yan laway mo nalang kainin mo"

"Meron ako dito pre candy, kaso balat nalang"


Galit namang tumingin sa akin si Zedric, "paasa ka naman, akala ko bibigyan mo ako". Aalis na sana siya...

"Sorry sorry hahahaha, ito oh" abot ko sa kanya nung cookies. Naglakad siya pabalik.


"Thank you AC, hulog ka talaga ng langit hindi na ako magtataka kung bakit gusto ka ni..."


Sino daw?


"Alam mo pre, ang baho ng bibig mo. Takpan nalang natin"


"Pre pahingi!"

"Sarap! Nagugutom na ako"

"Share naman diyan Zedric"


"Uyy Cael pahingi ako!" sigaw ni Sinag.


Tinignan ko si Cael na nasa harapan at nagsasarili. Kumakain siya nung binake kong ensaymada sa kanya. Nang marinig ng mga kaklase ko ang sigaw ni Sinag sinugod ni si Cael.


"Sugurin si Cael!"


"Sugooooddd!"


Tumakbo naman palabas si Cael dala yung pagkain. Para talagang lightning ang mga kaklase ko sa bilis kumilos kapag may nakitang pagkain. Sinundan ng iba si Cael at naiwan sina Sinag at Lakan.


Malungkot silang bumalik sa pwesto namin. "Hindi ako nakakuha pre, huhuhu. Mukha pa namang masarap"


"Ako din, ang dami pa namang cheese"


Natawa ako sa kanila, para kasi silang natalo sa sabong.


"Bakit mo kami tinatawanan AC? Naiiyak na nga kami at nagugutom tumatawa kapa" wow ah nahiya yung chocolate niya sa ngipin kanina.


"Bakit bawal?"

"AC, sorry na"

"Sino ka?"


"Ako lang to si Sinag, yung gwapo"


"Yuck!"

"Kadiri ka pre"

"Anong kadiri doon?"


Yung gwapo, wala sa itsura niya.


"Sorry na beb" si Sinag.

"Beb?" Saan galing iyon.

"Tawag ko sayo beb"

"Oo nga beb, sorry na" si Lakan.

"San galing yung beb?" Anong na namang pauso nila.

"Short for bebe"

"Hindi naman kita bebe"

"Hindi nga, pero bebe kita. Beb" si Sinag.

"Binibiro ka lang namin kanina" pagpapaliwanag ni Lakan. Naupo na sila sa tabi ko at iniharap ang upuan nila sa akin.

"Beb?" Nagpapacute si Sinag sa akin.


Nakakata-cute!


"Sorry na kasi"

"Forgive us na"

"Please"

"Ikikiss kita sige kapag di mo kami pinatawad"

"Sumbong kita kay Tala e" hamon ni Lakan kay Sinag.

"Huwag pre, nagalit na nga sa akin dadagdagan mo pa"

"Anyare sa inyo?" Lumungkot naman si Sinag. Nagaway nga! Suyo malala 'to.

"E kasi, sinabi ko yung nangyari kanina. Tapos naiyak kapa diba. Pinaliwanag ko naman kay Tala. Kaso kung hindi daw sinimulan ni Sinag iyon hindi ka maiiyak. Kaya iyon, nagalit ang bebe niya." Paliwanag ni Lakan.

"Wala pa ngang kayo LQ na agad?"

"Oo nga e beb, wala pang kami away na agad. Tulungan mo naman ako oh. Kausapin mo si Tala. Hindi naman kasi ako ang nagpaiyak sayo si ano iyon"

"Si Elliot" sagot ko. Nahihiya pa niyang sabihin.

"Kaya sorry na beb" sabay pa nilang sabi.

"Please"

Kita ko naman na nagtinginan ang dalawa, anong binabalak ng mga 'to?

 "Ano ba! Tumigil nga kayo! Isa!"

"Forgive us muna" ani Lakan na hawak ang kamay. Si Sinag naman ay kinikiliti ako.

Mga bwiset na to! "Ayoko!" Mas kiniliti pa nila ako. Nahulog na ako sa upuan ko at hindi pa rin sila tumitigil. Para akong kinakatay na baboy dito.


"Oo na sige na!" Pagsuko ko. Huminto na sila. Nalukot na ang damit ko at natanggal na rin ang tali ng buhok. Nawala ng poise ko don. Mga pesteng to.


"Bwiset kayo!" Nag-apir pa ang dalawa. Naalala ko yung sinabi ni Zedric kanina... "Ah Sinag, tungkol doon sa sinabi ni Zedric..."

"Ano yun?" tingin niya sa akin. Lumapit din si Lakan at nakiusyoso.

"May nagkakagusto daw sa akin dito?"


Nagtinginan ang dalawa, nag-aalangan pa nilang sabihin. "May pagkain ako dito" Inilabas ko yung dalawang ensaymada sa bag. Nagningning naman ang mga mata nila. Pagkain e!


"Sasabihin niyo ba o hindi?"


"Ikaw na magsabi Lakan" utos ni Sinag sa kaibigan. Tumingin ako kay Lakan. Nagkakamot pa ito ng batok. Nagiisip pa kung sasabihin o hindi. Kaso inilapit ko sa kanya yung ensaymada. 

"Sagot na nangangawit na ako oh"

"kasi..." 

"Sino nga?"

"Si Elliot" sabi ni Sinag. 

Si Elliot? May gusto siya sa akin?  Hindi ako mapakali at nagulat sa narinig ko. 

"Saan?" tanong ni Lakan.

"Ayon oh, kasama si Celine pati si Cael" turo niya sa kanina na nasa labas. 

Akala ko si Elliot na. Fake news pala. Umasa ako doon ah!

Tinignan ko naman yung tinuro niya. Nakita ko si Elliot kasama sina Celine at Cael. Lalapitan ko na sana sila kaso lumagpas na sila sa classroom. Sayang! kakausapin ko pa naman sana si Celine, tatanungin ko kung anong nangyari sa usapan nila.

Nakita ko naman na kinakain na nila yung ensaymada. Aba! nalingad lang ako ah.

"hoy, akin na yan! hindi mo pa naman sinasabi sa akin e" inaabot ko yung ensaymada. Kalahati nalang ito. Ang bibilis talaga nila! Hindi nila ako pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkain. Iniinggit pa nila ako, at sara sarap sa kinakain. Para sila model sa isang commercial may pa emotions pa. Ang kapal!

"Ang dadaya ninyo, sabihin niyo na kasi sa akin" pamimilit ko sa kanila. Kaso ang mga walang hiya hindi ako pinansin at tinalikuran pa ako. "Ah ganyan kayo! Sige di ko kayo ipagbebake bukas".

"Sige na nga, sasabihin ko na. Pero dagdagan mo yung cheese bukas ah" humarap pa sa akin si Sinag at may cheese pa sa gilid ng labi. Ang dugyot! "Sige na Lakan, ipinapasa ko na sayo ang pagiging marites, spill mo na kay AC"

Humarap ako kay Lakan, na sinusubo pa yung darili dahil dun sa filling ng ensaymada. Mas dugyot 'to! 

"Ano na! sasabihin niyo ba o hindi?" hindi na ko makapagpigil. Ayaw pa nilang i-spill ang tea baka ma-slap ko nalang sila.

"Sandali ito na! iinom muna ako. May tubig ka ba dyan?" ani Lakan.

"Mamaya kana uminom!"

"Oh, nandito na pala si Cael e" sabi pa ni Lakan.

Nakita ko naman si Cael na kakapasok lang. Tinignan ko siya at tinignan niya ako. Nagtinginan kami. Nginitian pa niya ako, kaso hindi ako ngumiti. Hindi pa kasi siya nagsosorry sa akin kaya 'di ko pa siya bati. Anong akala niya, marupok ako? No way!

"Cael pre, nandito ka na pala" tukoy ni Sinag kay Cael. Hindi ba halata?

"Yeah" sagot naman nito. Lumapit pa siya sa amin at tinabihan ako. Tinignan niya ako, tinignan ko rin siya. Nagtinginan kami.

"oh, baka malusaw kayo ah" pang-aasar ni Lakan. 

"Gusto mo sunugin kita! Hindi mo pa nga sinasagot yung tanong ko e" panakot ko kay Lakan, tinignan ko naman si Sinag at nangingiti lang. Nililihis nila ang usapan e.

"Ayan diyan mo nalang kay Cael itanong" sabi naman ni Lakan. 

Ano to? Pass the message feautring spilling the tea!

"Ano ba iyon?" tanong sa akin ni Cael. 

"Wala, nevermind nalang" sagot ko. Attitude ako e bakit ba?

"Arte pa e, kanina pinipilit mo kami" si Lakan. Kanina kasi iyon! nawalan na ako ng interest.

"ako na nga..." Si Sinag. Mas lumapt pa siya sa amin. "Tinatanong ni AC kung sino daw may gusto sa kaniya dito sa classroom" 

"Wala huwag na hindi ako interesado!"

"Why are you not interested on me?" ani Cael at diretsong nakatingin sa akin. Don't tell me...





Continue Reading

You'll Also Like

257K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
196K 4.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
8.3K 333 64
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
22.2K 150 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...