Irresistible Series 2: Lost i...

By exjhayy

5.4K 257 33

Minsan kung sino pa ang taong bumuo sa pagkatao natin, ay siya rin pala ang higit na wawasak sa'tin. More

Lost in Fire
Blurb
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6

Kabanata 1

457 32 3
By exjhayy

Kabanata 1

Bless

"Hija?"

Napahinto ako sa ginagawa nang narinig ang boses ng ginang. Binitawan ko ang hawak na hinuhugasan na pinggan at tinuyo ang kamay gamit ang kitchen towel sabay lingon sa likuran ko.

"Ma'am?" 

She smiled.

"How are you?" bigla niyang tanong.

Nahihiya akong ngumiti. "Maayos naman po."

Tumango siya. "Good to know. Come here, I have something to tell and ask you as well."

Tumalikod na siya kaya palihim kong inayos ang sarili ko at sumunod sa ginang na naglalakad patungo sa sala.

Wala akong ideya kung anong sasabihin niya pero may hawak siyang brown envelope. 

Umupo siya sa bakanteng sofa kaya nagmadali na akong lumapit. Tumayo ako sa harapan niya at agad niyang inilahad ang kamay sa kaharap na single couch.

"Sit down, hija."

Napalunok ako at mas lalo pang nahiya. Masiyado siyang mahinhin at malumanay ang pagkakabigkas ng mga salita.

Tumalima ako sa gusto niya at tahimik na umupo sa bakanteng upuan.

 "Anyway, I heard about Luigi's attitude these past few days. I'm sorry for that hija. Pagsasabihin ko na lang siya mamaya," aniya.

“Okay lang po, Ma'am,” sagot ko at ngumiti. “Ano po palang pag-uusapan natin?”

Nakatitig ako sa mga maganda niyang mata nang bumakas dito ang kakaibang emosyon na hindi ko mawari kung para saan.

Pero imbis na mag-usisa ay hinintay ko na lamang ang kaniyang sasabihin dahil mukhang importante. 

"We already received the results of your background information. And again we were sorry for probing your privacy. We just really want to be careful. Lalo na at sa mga nangyari noon sa amin," paumanhin niya sabay binuklat ang hawak na envelope at inilabas ang isang kapirasong papel. 

Kinabahan ako at hindi ko mawari ang dahilan.

“Okay lang po, Ma’am. May permission ko naman po,” sagot ko,

She smiled. "So your full name is Gwenilla Adaline Galicia?"

"Opo," sagot ko.

Tumango-tango muli ang ginang habang nakatitig sa hawak na papel. Tahimik na binabasa ang nakasulat doon na unti-unting nagpakabog sa dibdib ko.

"But your mother, who passed away just last month, wasn't your b-biological parents?" 

Napalunok ako at para bang may bumara na kung ano sa lalamunan ko kaya tipid lamang akong tumango at sumulyap sa kaniyang mukha. 

Gumuhit ang lungkot sa mga mata niya at dahan-dahang umangat ang ulo sa akin. 

"Alright…" usal niya na para bang biglang may kakaiba. 

"May problema po ba?" tanong ko. 

Ayaw ba nila ako? Papaalisin ba nila ako? Hindi naman ako masamang tao. Marunong din naman ako sa gawaing bahay. Masipag naman ako sa lahat.

Pero kung ano man ang magiging desisyon nila ay tatanggapin ko na lang. Susubukan ko na rin ulit tawagan si Auntie Marietta baka sakaling makontak ko na siya. 

Sapat na ang pagpapatuloy ng pamilyang ito sa akin kahit na hindi naman nila ako personal na kakilala at simula’t sapul ay nagmagandang loob pa rin sa akin. 

Hindi ko maitago ang lungkot sa mga mata ng tumingin ako sa ginang pababa sa hawak niyang papel. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang bahagyang panginginig ng kaniyang kamay. 

S-Siguro nga. Hindi ako pasado. 

“Ma'am ayos lang naman po kung hindi po ako magtatagal dito. Malaki na po ang bagay na pagpapatuloy ninyo sa akin.”

“Hey!”

Naputol ang sinasabi ko ng biglang sumulpot ang boses mula sa kawalan. Mabilis na lumipad ang paningin ko sa pinanggalingan ng boses at napansin ko si Sir Zoren na bumababa mula sa hagdanan. 

Napalunok ako nang bumaling sa puwesto ni Ma’am Mayumi na malungkot ang mga mata na nakatitig sa papalapit na asawa.

"You already told her?" ani Sir nang nakalapit kay Ma'am. 

Marahang bumuntong hininga ang ginang at umiling-iling ang ulo. 

"Sasabihin pa lang…"

Mabilis na sumikip ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay huling araw ko na talaga ito at mukhang nahihirapan lamang magsabi si Ma'am Mayumi sa nais iparating.

"Gwen?" 

"Opo," mabilis kong tugon kay Sir nang nagsalita ito habang umuupo sa tabi ng asawa.

"What year are you now?"

Namilog ang mga mata ko sa gulat. 

"Sa college po ba?" 

Tumango ito. "Yeah."

"Second year college na po sana kung papalarin akong makapag-aral ulit."

Did you already compile your requirements?"

"Po?" 

Ngumisi ito kalaunan kaya parang unti-unting napawi ang pangamba sa puso ko. 

"Kompleto ba ang requirements mo? Pag-aaralin ka namin sa darating na pasukan."

“Po?!” mas lalo akong nagulat.

Sabay na tumawa ang mag-asawa dahil sa naging reaksyon ko. Napasulyap ako kay Ma’am Mayumi na nakangiti na rin, hindi kagaya kanina na para bang ang lalim ng iniisip.

“Again, kumpleto na ba ang requirements mo sa school? Three months from now the first semester class will start.”

“T-Talaga po?” I couldn’t hide how I’m feeling bliss right now. 

Nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko dahil sa nag-uumapaw na saya. 

“Yes, so mind telling us what course you want to take so we can serve a slot for you?”

“Hon, it would be better kung sabay sila ni Brianna mag e-enroll sa college,” singit ni Ma’am Mayumi. 

Lalong kumislap sa tuwa ang mga mata ko dahil sa halo-halong saya at pagkabigla.

“Oh, that’s great since they are both going to college.”

“Yeah, mas ahead lang siya ng isang taon kay Brianna. At mas maayos na rin kahit paano dahil may titingin kay Brianna lalo na at sigurado na ang alis ng dalawa niyang Kuya. Is that fine with you, Gwen?” 

Wala pa sa isang segundo akong tumango-tango ng mabilis sa ginang. 

“Opo, Ma’am, wala pong problema sa akin.”

“Hindi mo naman kailangan bantayan dahil malaki na si Brianna. And she already knows what is right and wrong. We just wanted to know if she’s fine even without her Kuya’s,” dagdag pa nito.

Kahit gustuhin ko man na magtanong kung bakit ay mas pinili ko na lamang manahimik.

“Sige po ako na po ang bahala sa kaniya. Pero sigurado na po kayong pag-aaralin ninyo ako? Malaki po ang gastos sa college, e,” nahihiya kong sinabi.

“Yes. We will shoulder all your school expenses and we will also give you a monthly allowance for your personal needs.”

“Ma’am, Sir, kahit hindi na po!” pagprotesta ko ngunit sabay silang umiling.

“You will receive a monthly allowance because you also work here and you don’t have to worry about your school expenses. Ayusin mo na lang lahat ng requirements mo. Hihingiin ko rin kay Luigi or Rocco ang map ng school na papasukan mo na magagamit mo rin lalo na at baguhan ka pa.”

“Hindi na po siguro kailangan no’n. Mabilis naman po akong magkabisado ng lugar.”

“You can still use it, Gwen. Para hindi ka maligaw sa school lalo na at malaki ang university na papasukan mo. Grab this opportunity for yourself.”

“Sobra-sobra na po ito,” sabi ko. “Pero promise po magsisipag po ako sa trabaho sa loob ng bahay habang hindi pa nagsisimula ang school year. Magpapakabait po ako. Hindi po ako gagawa ng masama…” madamdamin kong sinabi.

I stared at them and I could really see how genuine they were while telling it to me. 

“So, are we clear now?” si Ma’am.

“Opo! Opo!” 

“Good. But one condition,” singit ni Sir Zoren kaya napasulyap ako sa kaniya.

“A-Ano po iyon?” tanong ko at kinabahan bigla nang nakita ang pamilyar na bulto ng tao ang tahimik na pumasok sa loob ng bahay mula sa prontera ng pintuan.

“No boyfriend—”

“Wala po akong boyfriend, Sir!” halos napasigaw ako sa gulat.

Natawa si Ma’am Mayumi sa akin.

“Is not that Gwen. 'Tsaka imposibleng hindi ka magka-boyfriend ang ganda-ganda mong bata. Ako nga kakadisiotso ko pa lang noon niligawan na ako nitong si Zoren, tsk.” 

“Oh don’t throw the topic with me, baby,” natatawa si Sir habang sinasabi iyon bago ako nilingon. “Hindi imposible iyon Gwen, kasama iyon sa pagdadalaga. But as much as possible, iwasan mo muna lalo sa panahon ngayon iba na ang kabataan. Study first,” payo nito.

Nakatitig ako sa mag-asawa. Ganito rin kaya ang sinasabi nila sa anak nilang babae? Hindi ko naman kasi masiyadong nakakausap dahil madalas nasa kuwarto lang si Brianna. Halos nakikita ko lang siya sa hapag-kainan o ‘di kaya ay kapag may kailangan.

Kalaunan ay tumango ako sa mag-asawa. 

“Opo, hindi ko po sasayangin ang pagkakataong ito—” napahinto sa pagsasalita nang narinig ang mabibigat na yabag ang papalapit sa pwesto namin. 

Sabay-sabay kaming napalingon doon ngunit agad akong nag-iwas ng tingin dahil sumalubong na naman sa akin ang malamig niyang mga mata.

“Oh Luigi.”

“Hi, Mom and Dad,” bati niya. 

Natahimik ako.

“Luigi, it’s good that you are here now, come here.”

Mabilis na nagwala ang dibdib ko nang narinig iyon mula kay Ma’am Mayumi. Gusto ko na lamang tumayo at umalis sa pwesto ko nang nakita ang pares ng sapatos na humahakbang patungo sa puwesto namin.

“Yes, Mom?” aniya nang nakalapit.

“Sit down first.”

“No need, Mom. I still have some important things to do,” tugon niya. “Just tell it now.”

Napaangat ang ulo ko sa ginang nang bumuntong hininga ito.

“Fine. Can you please treat Gwen nicely? You have always been harsh to her since she stayed here. She’s nice and kind.”

“Is that it, Mom?” putol niya sa ginang. “Am I not treating her well?” nahimigan ko ang pagkadisgusto sa tinig niya kaya para na namang hinahabol ng kung ano ang dibdib ko dahil sa lakas nang pagtambol nito.

Napalunok ako.

“Ma’am Mayumi, ayos naman po si Sir Luigi, e. Maayos naman po ang pakikitungo niya sa akin…” singit ko.

Umiling ang ginang, at mariin na tumitig kay Luigi na halatang hindi kumbinsido.

“I am warning you Luigi. Be nice to Gwen because from now on, she’ll be our school girl.”

Luigi sighed. “Fine, Mommy. Is that all?” 

“Yes, you can go now.”

Tumaas lang ang kilay niya bago dahan-dahang tumingin sa akin. Sinubukan kong ngumiti sa kaniya ngunit inirapan niya lang ako sabay talikod.

Ang suplado talaga. 

“I’ll just talk to him later. Don’t worry, honey,” ani Sir Zoren.

“Talagang kailangan mong kausapin iyan Zoren. Simula nang binigyan mo ng posisyon sa kumpanya mo ay nag-iiba ang ugali,” iling ng ginang.

My gaze immediately lifted to Luigi’s direction while stepping up the stairs. Isang linggo na ako rito pero mukhang galit pa rin siya sa akin dahil sa unang engkwentro namin.

Hindi ko naman sinasadya na masira ang lakad niya noong araw na ‘yon.  

“Okay na tayo, Gwen. Basta paghandaan mo na lang ang announcement para sa submission ng mga requirements. Puwede kang mag-aral kasama si Brianna. Kahit advance study. Ibibigay ko rin sa’yo ang mga lumang libro ni Luigi at Rocco baka makatulong sa kukunin mong course.”

“Maraming salamat po talaga. Hindi ko po sasayangin ang p-pagkakataon na ito,” sinubukan kong maging normal pero pumiyok pa rin ang boses ko sa huli dahil matinding emosyon.

Tuluyan nang nangilid ang luha sa mga mata ko kaya agad na akong tumayo. Nakakahiya kung sa harapan pa nila ako magdadrama.

“And also, Gwen, please drop calling us Ma’am and Sir.”

“Naku po hindi na. Tatanggapin ko po lahat pero hindi po ang pag-iiba ng tawag sa inyo.”

“But you don’t have to call us that way.”

Mabilis akong umiling sa mag-asawa. 

“Pasensya na po pero hindi ko po kayo mapagbibigyan. Hayaan na lang po ninyo ako bilang respeto na lang din po,” sabi ko. 

Ang sarap sa pakiramdam na hindi nila ako kaano-ano pero heto kung tratuhin nila ako ay parang kadugo nila.

Pero alam ko pa rin naman kung saan ako lulugar kaya hindi ko aabusuhin. This family is indeed a blessing to me.

“Sige na nga ikaw bahala,” natawa pa ito dahil sa kakulitan ko. 

Namalayan ko na lamang ang sariling nakahulma ang ngiti sa labi sa harap ng mag-asawa. 

“May sasabihin pa po ba kayo? May gagawin pa po kasi ako,” nahihiya kong sinabi.

“Wala na, Gwen.”

Tumango ako at akmang tatalikod na ng may naalala ako bigla.

“Ano po palang gusto ninyong pagkain? Marunong po ako magluto.”

Bumakas ang pagkamangha sa mata ng mag-asawa nang nagkatitigan ito ngunit pareho na naman silang umiling. Napangiwi ako dahil para bang nagtutugma ang isipan nila.

“May pupuntahan kami ni Zoren kaya hindi na kami rito kakain. Baka gabihin na rin kami pauwi.”

“Kung ganoon po kailangan ko pa rin magluto para kina Brianna at Sir Luigi?”

“No need, Gwen. We will just ask Luigi to order your food.”

Napalunok ako nang napagtanto na maiiwan na naman ako rito. Ayos lang naman sana kung wala ang supladong iyon pero kasi… lihim akong napabuntong hininga.

I don't have the right to complain. 

I’m just a worker here.

“S-Sige po.”

Nang tumango ang mag-asawa at saka na ako tumalikod kasabay ng muling pagngiti ng labi ko. 

Pagkatapos ng isang taon na paghinto. Makakapag-aral na ulit ako. 

Nang makabalik sa kusina ay tinapos ko na agad lahat ng gagawin ko at mas lalo akong ginanahan magtrabaho dahil sa magandang biyaya.

Makalipas ang halos isang oras nang natapos ako sa ginagawa ko ay sumaglit ako sa kuwarto.

Sa maid quarters area na hindi mo akalain dahil malaki ang silid at kumpleto rin ang mga gamit doon. May malambot na kama, maliit na TV na flat screen at may window aircon din kaya hindi halata na pang-kasambahay lang ang kuwarto 

I took a deep breath as I sat down on my bed.

Chineck ko lamang ang lumang phone ko kung may paramdam na si Auntie pero wala parin kaya lumabas na ako at saktong kakababa lang ni Ma’am Mayumi at Sir Zoren sa hagdanan. 

Bihis na bihis.

“Oh Gwen, aalis na kami. Katukin mo na lang si Luigi sa room niya at si Brianna para sa inyong pagkain mamaya,” anito.

“Opo, Ma’am. Ingat po kayo,” tugon ko.

“Huwag ka mahiya sa batang iyon. Pinagsabihan ko na,” saad nito.

“Sige mauna na kami. Mag-lock na rin kayo mamaya ng gate baka anong oras na kami makauwi. At si Rocco hindi naman uuwi ngayong araw kaya huwag na ninyong hintayin.”

Tumatango lang ako sa lahat nang hinahabilin ng mag-asawa sa akin hanggang sa tuluyan na silang naglakad palabas. 

Nasa labas naman ng gate ang sasakyan kaya hindi na kailangan buksan ang gate.

Sinundan lamang ng mata ko ang papalayo nilang bulto hanggang sa makalabas ng bahay at makalipas ang ilang minuto nang narinig ko na ang pagkabuhay ng sasakyan.

Lumihis ang ulo ko at napalingon sa orasan malapit sa mga picture frame sa glass table sa gilid. 

Tanghali na at wala na akong choice kundi ang akyatin si Sir Luigi kagaya nga nang habilin ni ma’am Mayumi.

Inuna kong akyatin si Brianna sa kaniyang kuwarto at saktong lumabas ito sa silid niya.

“Hi? Mommy and Daddy are already out?”

“Oo, kakaalis lang,” sagot ko at ngumiti. “Nga pala gutom ka na ba? Hindi na kasi nagpaluto ang magulang mo o-order na lang daw.”

“Oh I see, I’m already starving. Can you please knock on my Kuya Luigi room to buy our food?” aniya at napatingin sa sarili na magulo pa ang ayos ng damit at medyo nahihiya.

“Sige, tatawagin nalang kita ulit mamaya kapag kakain na.”

“Thank you, Gwen,” she smiled widely as she turned her back. 

Nang nakapasok siya pabalik sa kuwarto niya ay hinintay ko muna itong magsara bago humakbang patungo sa kabilang direksiyon sa kuwarto ng kaniyang Kuya.

Pinagdikit ko ang dalawang palad habang palapit nang palapit sa tinatahak na direksiyon dahil muli na namang naghuhurementado sa pagtibok ang dibdib ko.

I slowly chewed my lips when I finally reached his front door. My trembling hands lifted as soon as I couragely knocked on the door. 

“S-Sir?” sinabayan ko nang pagtawag ang katok ko ngunit nakailang katok na ako ay wala pa rin nagbubukas.

Nagpatuloy ako sa pagkatok kahit na posibleng magalit na naman siya pero kasi gutom na si Brianna. Baka ako naman ang mapagalitan.

“Sir?”

Hindi ko na mabilang kung nakailang katok na ang ginawa ko, nangangawit at sumasakit na rin ang kamao ko kaya sinubukan kong pihitin pabukas ang pinto at laking tuwa ko dahil hindi iyon naka-lock.

Pagbukas ko ay para akong magnanakaw na sumisilip sa maliit na siwang ng pinto ngunit ganoon na lamang ang gulat ko sa nakita.

“S-Sir…” I uttered in excessive shock. 

“What the fuck?!” sigaw niya kaya natataranta akong lumabas ng silid at pabagsak na sinara ang pinto dahil sa nakita. 

Napahawak ako sa sariling dibdib habang nakatayo at sapo-sapo ang malakas na tibok ng dibdib. 

“A-Ano iyon?” napahagod ako sa nanunuyot na lalamunan dahil sa nakita. 

“Ang laki ng…” bulong ko sa sarili.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 37.7K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...