My Phenomenal Bodyguard

بواسطة Brittledollyrose

19.1K 2.8K 284

PHENOMENAL, known through the senses rather than through thought or intuition. -extraordinary or ang pagiging... المزيد

My Phenomenal Bodyguard
CHAPTER 1 First Meet
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 49
CHAPTER 5O

CHAPTER 48

214 23 8
بواسطة Brittledollyrose


Zaitel's POV



"Gusto mo ng ice cream?" Biglang tanong ni Acerdel na mukhang napansin rin na kanina pa akong nakatitig sa mamang nagbebenta ng ice cream. Medyo may kalayoan ang pwesto ni manong pero kitang-kita naman namin siya mula rito sa swing na kinauupoan namin dito sa loob ng Parke.


Naalala ko pa na dito ko unang nakilala noon si Darren, pinagtanggol niya ako doon sa mga batang lalaki na bully.

Nakangiti akong tumango bilang sagot.


"Dito ka lang bibilhan kita." Sabi niya pero kaagad ko siyang pinigilan.


"Huwag. Ako na lang ang bibili." Suhestiyon ko sabay tayo at walang sabi sabing naglundag-lundag na tumungo sa nagbebenta ng ice cream.

Nakangiti akong naglakad pabalik sa pwesto namin kanina habang may bitbit na dalawang ice cream, isa para sa akin at ang isa ay para kay Acerdel. Nahinto lang ako sa paglalakad ko ng mapansin kong may babaeng kausap si Acerdel, pareho silang nakatayo at magkaharap sa isa't isa.

I know this bitch.

"Hi Ms. Mahangin." Bati ko sa babaeng kaharap ni Acerdel ng makalapit ako sa pwesto nila. Ngumiti ako ng peke ng nakangiti rin itong pekeng humarap sa akin.

"So it's true na magkasama nga kayong dalawa." Nakataas kilay niyang sabi.

Humakbang ako palapit kay Acerdel.

"O tapos? Anong pakialam mo." Mataray ko ring sabi na ikinaawang ng malaking bibig niya.

Di ko muna siya pinagtuonan ng pansin at binalingan na muna ng tingin si Acerdel habang nakangiti.

"Here's your ice cream." I sweetly offered para pagselosin 'yong garapatang babae. Kaagad din namang tinanggap ni Acerdel ang ice cream.

"Amh, can I asked a favor honey." I said flirtily emphasizing the word 'honey'. Kahit naman si Acerdel ay naghulat sa itinawag ko sa kaniya lalo na ang garapatang babae ng biglaang pagtawag ko Kay Acerdel ng 'honey' pero kahit na ganoon nagawa pa rin akong tugonan ni 'honey'.


"Hmm, what is it?" He asked while licking the ice cream and then he smiled sweetly.


"May nakita kasi akong street foods don. Gusto ko sanang matikman, mukhang masarap kasi." Sabay turo don sa nagtitinda ng iba't ibang mga street foods na sadyang malayo naman ang distansya mula rito sa kinatatayoan namin.


"Okay, let's go?" Nakangiti niyang aya.

"Ikaw na lang ang bumili dito na lang ako maghihintay sa'yo." Nakangiti kong sabi. Pero mukhang hindi pa ata siya papayag base sa ipinapakita niyang ekspresyon sa kaniyang mukha.

Napatingin ito sa babaeng nasa likuran ko at kaagad ring napatingin ulit sa akin at bumuntong hininga.

"I can't leave you with her." Bulong niyang sabi.

"Kakausapin ko lang naman siya. Atsaka mas maldita kaya ako kaysa sa kaniya. Kaya ko ang sarili ko." Pangungumbinse ko rito.

"She's not worth with your words. Pabayaan mo na siya." Pangungulit niya habang nakanguso pa kaya di ko napigilian ang sarili kong nanggigigil na kurotin ang magkabilaan niyang pisngi.

Habang si Windy naman ay ilang ulit kong narinig na napa-tsked.

"Please............... honey." I said with a puppy eyes sabay halik sa kaniyang pisngi.

Pinagtutulakan ko ito para lang magsimula na itong maglakad. Kahit labag sa kaniya ang kagustohan ko ay pumayag na rin siya kalaunan.

And now it's time to face this 'garapata' bitch.


"Hanggang dito ba naman sinusondan mo pa rin kami." Kalmado kong sabi habang pinagku-krus ang sariling bisig sa harap ng dibdib ko.

Mailap itong umiwas ng tingin sa akin.

Got you bitch.

"W-what do you mean?" Maangmaangan nito.

"May lahi ka bang aso at panay sunod mo sa amin." Mataray kong sabi.

Nilabanan niya ako ng tingin at mataray na nagsalita.

"Pardon?" Galit niyang sabi.

"Ay oo nga pala nakalimotan ko na may pagkabingi ka nga pala. Pity on you. Dapat nagpa-set ka na ng schedule sa veterinarian mo." Nakangisi kong sabi na ikinausok ng ilong niya sa pinaghalong inis at galit.

"How dare you. Are you insulting me you bitch." Nanggagalaiti sa galit niyang sabi.


"Hindi pa ba halata you slut." Nakataas kilay kong tugon.

"Alam mo nagtataka pa rin ako kung bakit ka nagustohan ni Acerdel." Sabi niya na parang hinuhusgahan ang pagkatao ko. Pinasadahan niya pa ako nang nakakainsulto niyang tingin mula ulo hanggang paa ko, na para bang imposibleng magkagusto ang isang tulad ni Acerdel sa akin.

"Magtaka ka kung ikaw na garapata ang nagustohan niya." Nakangisi ko pa ring sabi. Tsk akala niya naman maapektohan ako ng sinasabi niya. Fuck you slut.


She gritted her teeth in annoyance.

"You know what, nagsasayang lang ako ng oras sayo. Dapat ang magagandang katulad ko hindi na pinapatulan ang mga katulad mong hindi naman kagandahan." Sabi niya sabay irap sa akin. Okay, ang hangin niya talaga at ang kapal ng mukha.


Nilampasan niya ako at ang ikinainis ko pa ay malakas niyang binanggaan ang braso ko dahilan ng pagkahulog ng ice cream na hawak-hawak ko.

Sa sobrang inis ko, walang pag-aalinlangan kong hinila ang buhok niya na nagpabalik sa kaniya sa kaniyang pwesto kanina. Kaagad ko din naman iyong binitawan.

"Awww!" hiyaw niya at binigyan ako ng nakakamatay niyang tingin na hindi naman umeepekto sa akin. Inaayos niya medyo nagulo niyang buhok na kaka-salon lang kanina. Alam ko kasi nakita ko din siya kanina sa loob ng mall na pinasukan namin.


"Talagang mahangin ka ano. Wala kang modo. Kinakausap pa kita kaya huwag na huwag mo akong pagtatangkaang talikuran." Mataray kong sabi.

"I will sue you." Galit niyang sigaw sa akin.


"Go ahead. Natural naman siguro para sa isang duwag na pulis ang ipakulong ang mga taong ginagawa siyang mahina." Panghahamon ko sa kaniya.

Nagtaray-tarayan ito na halatang ayaw rin magpatalo.

"You bitch! You just ruined my hair style alam mo bang kaka-salon ko lang kanina........."

"Alam ko. Hindi naman ako bulag." I cut her off. Nakita ko din kasi siya kanina sa loob ng mall sa isang parlor doon.

Wala akong pakialam kung pulis man siya. Tsked, di ko siya uurongan kung 'yan ang inaakala niya.

"Hindi na nga kagandahan pangit pa ang ugali." She said with a disgusted tone.

"I'm not your mirror garapata." I said na ikinalukot na mukha niya.

I took one step close to her. I tsked and look at her seriously.

"Nahiya naman ako sa kapal ng make-up mo." Komento ko na ikinaawang ng bibig niya. Lumapit ako ng konte sa kaniya.
"Kapag nginudngod ko ba 'yang pagmumukha mo sa semento ninipis na ba 'yan?" Tanong ko habang may pan-iinsulto siyang nginisihan.

*Pak*

And dang. She slap me. Feeling ko medyo natabingi 'yong mukha ko ng konte sa ginawa niyang pananampal. Palalampasin ko ito pero sa oras na magtangka pa siya ulit sisiguradohin kong may lalabas ng dugo jan sa ilong niya.

"Napaka-maldita mo para magustohan ka ni Acerdel. Ang kapal din ng mukha mo, no? Wake up and stop dreaming, hindi mangyayari lahat nang pagpapantasya mo kasi ako ang para sa kaniya." Ang then she laughed na para bang imposibleng mangyari  na magkagusto si Acerdel sa kain.

I clap three times, giving her around of applause. She's really getting into my nerves. She's making my blood boiled in annoyance and anger.

"Well, sorry ka. Isa sa pagiging maldita ko ang nagustohan ni Acerdel sa akin. At isa pa, kung talagang sayo siya bakit ako ang kasama niya ngayon at hindi ikaw? It only means na ikaw 'yong kailangang magising sa katotohanan kasi akin siya....... Naiintindihan mo, akin siya. Kaya itatak mo 'yan sa makitid mong utak." Di nagpapatalo kong sabi. Kung masama ang mga titig niya sa akin kanina mas lalo pa itong sumama sa ngayon.

I saw her tightening her jaw and raising her right hand, readying her self to slap me, again.

"Subokan mo lang. Tignan natin kung sino ang makakalaban mo kung gagawin mo 'yan." May pagbabanta kong sabi.

Nagulat ako ng bigla niya na lang hablotin ang kamay ko at isinampal iyon sa sarili niyang mukha. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya. Nababaliw na ang................


"What's going on here?" A deep but baritone voice spoke from my behind. At alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon kahit na hindi na ako lumingon pa.

"A-cerdel she slap me huhuhu." Nalukot ang mukha ko sa pagda-dramang ginawagawa ng babaeng ito, siya naman ang may kapakanan at siya rin naman ang gumawa niyan sa sarili niya.

Nagmamakaawa itong tumingin kay Acerdel habang madramang nakahawak sa kaniyang pisngi. Peke rin itong umiiyak may paluha-luha effect pa siyang nalalaman.

So, she did it because she knows na papalapit na si Acerdel sa amin. Napatingin naman ako kay Acerdel na seryoso lang na nagpabalik-balik ang tingin sa aming dalawa nitong madramang babae na ito.

She really pisses me this day. Simula nong kaninang umaga sa mall hanggang dito. Umatras ako ng konte at pinakalma ang sarili ko baka kasi masapak ko itong babaeng ito.

"Acerdel look at my face it's swollen and hurt. Zaitel did this. Basta niya na lang akong sinampal kahit wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. She's crazy..............."

Nahinto ang kaniyang pagda-drama ng suntokin ko ito sa mukha. Nanggigil na talaga ako. Ang tigas ng kaniyang pagmumukha sa totoo lang. Hindi na talaga ako makapagtimpi.

Di makapaniwalang napatingin sa akin si Acerdel.

"Let's go." Seryoso kong sabi sa kaniya sabay talikod pero nanatili akong nakatayo sa kinatatayoan ko. I calmed myself. Buti na lang walang tao sa pwesto namin kaya malabong may ibang nakakita sa ginawa ko at wala rin akong pakialam kung may nakakita man.

She groaned in pain, I'm sure of that. And I know no one expected my deeds.

"Ouch my nose." Daing niya.

"Ouch, you crazy bitch. Did you see that Acerdel kanina sinampal niya ako at ngayon kitangkita mo naman na sinuntok niya ako. Makikita mong babae ka, sa susunod na magkita tayo sisiguradohin kong sa presinto na ang susunod na destinasyon natin. Ipakukulong ki................."

"You better hired the best lawyer you have because I'm the one you can fight against when you do that." Rinig kong sabi ni Acerdel. He's not giving a state it's more on threatening. Akala ko kakampi siya sa haliparot na Windy.

Tsk.

"W-what?" Di makapaniwalang anas ni Windy.

"I heard and saw everything from the very beginning." He said before holding my hand.

Pero bago pa kami nagsimulang maglakad may sinabi pa si Acerdel na nagpailing at nagpatawa sa akin ng mahina at palihim.

"You deserve it. I'm Zaitel's property now. Ang let me inform you something........" Pabitin na sabi ni Acerdel at pumihit ito paharap muli kay Windy,

"To much drama will lend you to your karma." He said before pulling me away from that sluty bitch.

That's my man.

"Pinadugo mo 'yong ilong niya." Kapagkuway sabi ni Acerdel ng makapasok at makaupo kami sa loob ng kotse niya.

He started the engine ang maneuver the car.

"Bumalik ka sa kaniya kung naaawa ka." Mataray kong sabi at niyakap ko na lang si stitch na iniwan lang namin dito kanina sa kotse.

"My honey is jealous." Tudyo niya sa akin habang mabagal lang na pinapatakbo ang kotse papasok sa village.

"I'm not." Pagmamatapang ko pagkatapos ay ihinilig ko ang aking ulo sa nakabukas na bintana. Hapon na rin at nagugutom na ako. Nasayang tuloy 'yong ice cream ko kanina. Am I really jealous? Hell no.

"Don't deny it, I heard everything and I can see it through your eyes now."

Kaya pala wala siyang bitbit na barbeque kasi hindi naman talaga siya pumunta sa sinabi ko.

Napalingon ako ng marinig kong may mahinang kumakawalang tawa sa bibig ni Acerdel.

"Anong tinatawa-tawa mo jan? Gusto mo rin yatang masuntok." Asik ko sa kaniya ng marinig ko itong mahinang tumatawa.

"Of course not. Naalala ko lang 'yong araw na sinuntok mo rin ako na ikinadugo rin ng ilong ko. That was so painful and I'm sure nasaktan rin ng sobra si Windy sa ginawa mong suntok, after all she's a woman............"

Napahinto ito sa pagsasalita ng masama ko itong tinitigan.

"Well, she deserved it anyway, for messing my honey."



......

"Hi Ms. Zaitel." Kaagad na bati ni Fergal ng makababa ako sa kotseng sinasakyan.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko habang nakatingin sa mga kaibigan ni Acerdel.

"We need to talked." Napabaling ang tingin ko sa seryosong nagsalita, it was Kerr whose facing Acerdel now.






A/N: Good afternoon 😊
Konting tiis na lang malapit na din itong matapos kaya easy lang po kayo. Thank you sa support niyo po. Love lots.


واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

734K 38.9K 21
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐀𝐧𝐢𝐤𝐚 𝐑𝐚𝐢 𝐱 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐫 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ...
687K 36.1K 30
𝐓𝐡𝐞 𝐔𝐧𝐞𝐱𝐩𝐞𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ~ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐 Sara Zafar, once a vibrant, effervescent spirit, embarks on a new chapter of her life in New Y...
4.5M 282K 105
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
571K 46.9K 22
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...