DARK SECTION

By MsDzayr

1.4M 55.7K 21.3K

Luna Amora Velasquez, a fifteen-year-old girl who promised her late parents that she would do better in her s... More

DARK SECTION
PROLOGUE
1: Black Panthers Gang
2: West Star High School
3: Dark Helios Gutierrez (Deth)
4: Second Encounter
5: Recklessness
6: Punishment
7: Threat
8: Jealousy
9: Leo Zennor Trinidad
10: Plan
11: Worn Out
12: Betrayed
13: Alexus Dreyar Vargas
14: Confused
15: Cared for Luna
16: Brother's Dispute
17: Bloody Battle
18: Knoxx Chase Vasquez
19: Sky Arc Gang
20: Breathe Out
21: Real Status
22: Good
23: Be prepared
24: Mini Pajama Party
25: Surprise
26: Hellcome
27: First
28: Vincent's Limitation
29: Dark Cell
30: Hard-headed
31: Sorry
32: First Mission
33 : Mission Accomplished
34: Kaiser's Past
35: Denver's Birthday
36: Sleepyhead
37: Ride
38: Clueless
39: Kiss
40: Friendship
41: Date
42: Test
43: Mission Accomplished
45: School Event (Part 2)
46: School Event (Part 3)
47: Smile
48: Confrontation
49: Uninvited
50: Family
51: Abducted
52: Panty
53: Operation
54: Bicol
55: Tricky
56: Tag Along
57: Mountain
58: Rain
59: Pageant
60: Punishment Accepted
61: Three Kisses
62: Textmate
63: Lies
64: Online Selling
65: Excuse
66: Brother's Love
67: Alamat Ng Halamang Tanga
68: Sunset
Epilogue
69: Trespassed
70: Denied
71: In between
DARK SECTION CLASS LIST (UPDATED)
📢

44: School Event (Part 1)

14K 605 194
By MsDzayr

| SCHOOL EVENT PART 1 |

LUNA'S P. O. V

ANG sarap talagang manakal! Kanina ko pa sinusumpa ang pangalan ni Mr. PPP dahil pagdating na pagdating namin ay ipinaliwanag agad sa amin ni Ms. Ortega ang kaganapan bukas at ang nakakabaliw dito ay kasama nga kami sa event at maglilinis pa!

Ibigsabihin nito hindi kami magpapahinga ngayon at igugugol namin ang oras namin sa pagpa-practice para sa performance bukas ng umaga. Nakakaloka lang dahil kakapasabog lang namin ng warehouse at kakasabak lang sa patayan, tapos heto kami ngayon, estudyante ulit.

"We need to participate in dance contest, singing contest, create booth, and participate sa mga games." Anunsyo ni Deth. Nakapaikot ang upuan namin nina Tev, Eunice, Stella, Zai, at Leo habang si Deth ay nasa harap at nakaupo sa mesa. Nasa tabi niya naman nakatayo sina Wolf, Storm, at Chaos. Ang ilan naman ay nakahiwalay ng upuan at ang iba ay nakaupo sa bintana.

"Putangina talaga," naiinis na sabi ni Xenor kasabay ng pagsipa niya ng upuan sa harap niya.

"Bugbog ang katawan ko sa pagod tapos imbis na magpahinga, maghahanda pa tayo sa letseng event na 'yan?" naiinis ding sabi ni Zai na napatayo pa pero napaupo naman siya nang hilain siya ni Stella. "Kumalma ka nga."

"We have no choice. May hatak daw ito sa points natin." Imporma ni Storm.

Mahinang natawa si Vincent at ginulo ang buhok niya. "Sinigurado talaga ng ama mo na mapipilitan at mahihirapan tayo bago tayo pagbakasyunin."

Marahas na bumuntong-hininga si Storm saka kumuha ng marker. "Tutal wala naman na tayong choice. Hatiin na lang natin ang mga gagawin para maging madali ang lahat." Nilingon niya si Deth kaya napalingon din kami rito.

"Sino-sino nga ulit dito ang magaling sumayaw?" Tanong niya sa amin. 

"Tumayo kayo Warren, Xenor, Gabriel, at Chaos." Utos ni Deth. "Hindi makakasayaw si Sander sa lagay niya ngayon. Sa iba na lang natin siya ilalagay."

Tumango naman si Storm at sinulat ang mga pangalan nito sa white board.

"Alisin niyo ang pangalan ko."

Napatingin kami sa nagsalita. It was Xenor.

"Mamaya na 'yan. Tumayo ang mga natawag para malaman natin agad kung sino pa ang walang gagawin."  Utos ni Deth. Sumunod naman ang mga natawag maliban na lang kay Xenor na nanatiling nakaupo kahit na pinagtitinginan siya nina Warren, Gab, at Chaos.

"Sino ang isasabak na'tin sa singing contest? P'wedeng may kasama," sabi naman ni Wolf na ikinapalakpak ni Rance at masayang itinuro sina Zai at Stella na naglalandian na naman. "Si Zairus maganda kumanta kung aayusin niya lang pati na rin si Stella!"

"Ay oo! Sila na 'yung pambato natin sa by partner!" Pagsang-ayon naman ni Vincent.

"Maganda ang boses ni Zai?" nagtatakang tanong ni Rance. Kitang-kita ang pagtataka sa mga mukha ng mga gunggong na halatang hindi makapaniwala.

"Tama sina Wolf at Vincent, maganda ang boses ni Zai. Hindi lang niya inaayos." Pagkumpirma ni Stella. Nagkrus ito ng mga braso. "Alam niyo na, parang tanga, e."

"Tumayo na kayo, Stella, Zai." Utos ni Deth. Tumayo naman agad si Stella. Habang si Zai ay nananatiling nakaupo at nakaangat lang ang tingin kay Stella. "Stel..."

Nakangiting nilingon ni Stella ang boyfriend niya. "Tara na. Wala namang ibang magpe-perform na iba." Kung gaano naman ka-willing si Stella, gano'n naman kapansin-pansin sa mukha ni Zai ang pagtutol.

Tumayo naman si Zai pero hindi napakali ang mga mata nito hanggang sa huminto ito kay Vincent na may malungkot na mga mata. "P'wede naman kami ni Vincent... huwag ka-"

"Tingnan mo nga ako nang diresto, Zairus Arellano," maotoridad na sabi ni Stella at hinarap nang maayos ang boyfriend. Tumayo naman ang balahibo ko dahil sa pagtawag niya kay Zai sa buong pangalan nito. Napapikit ng mga mata si Zai. Mukhang alam niya na nasa limit na si Stella. Nagmulat siya ng mga mata at tiningnan nang diretso si Stella gaya ng gusto nitong mangyari.

Ano ba'ng nangyayari?

"Kinahihiya mo ba ako?" ditesong tanong ni Stella.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang namumuong luha sa mga mata ni Zai. "H-Hindi, pero gaya ng sabi ko sa'yo, you have a title and reputation to protect. P'wede namang i-secret natin ang relationship natin. Bukas lang nama-"

"Title and reputation? Ito na naman bang pagiging queen ko ng buong WSHS?" Nahihimigan ko sa boses ni Stella ang pagtitimpi. "Lintek naman, Zairus, sira na 'yun magmula nang maging dark student ako at choice ko 'yun. Walang mali sa ginawa ko. Ang mali ay nasa ginagawa natin ngayon bilang dark student pero 'yung piliin ka at sumunod dito? Walang mali ro'n, Zairus. Ilang beses ko ba pauulit-ulitin sa'yo 'to, ha?" Tumaas na ang boses niya. Mapait siyang ngumiti kasabay ng pagtulo ng luha niya. "Bakit ba mas may pake ka pa sa sasabihin ng iba tungkol sa ating dalawa kaysa sa desisyon kong magkasama tayo? Sila ba ang girlfriend mo? Eh 'di sana hindi na lang ako ang niligawan mo, hindi ba?"

"Stella, enough na." Awat ni Eunice sa kaibigan sabay hawak sa braso nito pero inalis lang ito ni Stella. Mabilis at mabigat ang paghinga niya habang nakatitig kay Zai. "No, this issue should be resolved right now at kung kinakailangang sa harap niyong lahat, then so be it."

Nagpapanic na lumapit si Zai kay Stella at inabot ang dalawang kamay nito. Kita ang takot sa mga mata niya. "S-Siyempre ikaw ang girlfriend ko, pero paano na lang 'yung mga sasabihin nila sa'yo? Kung ako lang naman, ayos lang, pero kung ikaw na ang-"

"Zairus! Wala nga akong pake! Wala. Akong. Pake. Naiintindihan mo ba?!" Stella snapped. Namumula na siya sa galit pero gaya ni Zairus, umaagos na rin ang luha niya. "No'ng nakipaghiwalay ka, tinanong kita kung dahil ba takot kang mahusgahan ka-"

Umiling-iling si Zai, lumuluha na rin. "Hindi..."

Marahang inalis ni Stella ang mga kamay nito sa mga kamay niya. "Hindi 'yan ang isinagot mo sa akin noon kaya hinayaan kita pero no'ng nakaraan, nilinaw mong hindi 'yan ang dahilan at naniwala ako sa'yo kaya sana paniwalaan mo rin ako kung sasabihin ko na hindi ako takot na mahusgahan dahil kasama kita." Pinunasan niya ang luha niya gamit ang likod ng kamay niya at matapang na inilapit ang mukha sa mukha ni Zai saka itinuro ang dibdib nito. "Kung hindi mo ko kayang pagkatiwalaan, tapusin na natin 'to, Zai kasi baka nga talagang mali nagpakatanga ako at sinundan ka rito kasi magiging sagabal lang ako sa'yo."

Natulala lang si Zai sa huling mga salitang binitawan ni Stella hanggang makaalis ito. Ang dalawa niya namang matalik na kaibigan na sina Wolf at Vincent ay lumapit sa kaniya. 

"Sorry, pre, nakalimutan ko." Paghingi ng tawad ni Vincent. Sumunod naman si Wolf. "Ako rin. I'm so sorry. Tutulungan na lang kitang manuyo, mapatawad mo lang ako."

"Zai huwag mong patagalin. Fix it now," mahinang sabi ni Eunice. Walang buhay na napatingin sa kaniya si Zai. His eyes seems lifeless. "Bakit?"

Eunice sighed heavily. "Okay, I know you know I don't like you for my best friend. I admit that I didn't like you before and I always told her that there was someone else who deserved her better. Duh, she's Stella, the queen of our campus and always on top sa Section A. I don't want her to associate with someone like you because that would ruin her reputation and it really happened." She rolled her eyes. "That's normal for a true friend naman 'di ba? To wish what is the best for their best friend. And just like other true friends, all I want for her is to have someone na papantay sa standard niya and unfortunately that isn't you because you belong in this section."

Sumama ang tingin ng ilang mga gunggong kay Eunice. What she said was foul but she was just telling the truth. Masyadong mataas si Stella noon, habang ang tingin naman ng ibang section sa section namin ay napakababa.

Nanlaki ang mga mata ni Eunice at nagtaas ng dalawang kamay sa ere. "Calm down, you guys. Don't get offended kasi I'm telling the truth lang naman dito." Napakurap-kurap siya, nag-iisip ng magandang ipampakalma sa mga gunggong. "Y-Yeah, you all got the looks and other students admire you for those, but still, dark student pa rin kayo kaya siyempre you still won't get away with judgments. And now na nandito na ako, of course, gaya niyo, I will be judged too." 

Kumalma ang mukha ng mga gunggong. Ang ilan sa kanila ay napabuntong-hininga na lang.

Napabuntong-hininga rin si Eunice na animo'y natanggalan ng tinik sa lalamunan bago ibinalik ang tingin kay Zai na nasa baba na ang tingin. Binasa ni Eunice ang labi niya bago nagpatuloy. "The day you broke up, I was there... watching." Pag-amin nito. Mukhang walang alam si Zai dahil napaangat siya ng tingin kay Eunice, nakakunot na ang noo.

"I followed her kasi I wanted to be there for her. I was the happiest that day even though I saw Stella hurt. Alam ko naman kasing makakamove-on din siya sa'yo. But when I saw you cry when Stella left you and I heard your conversation with Vincent, there, I realized that you really love my best friend. Despite knowing your reason, hindi ko sinabi kay Stella kasi alam kong magiging gaga na naman siya. I also thought that I would be able to fill the love that you gave to Stella, but I couldn't. I thought that she would move on with you in just a few months but she didn't. She was smiling and enjoying naman, but I couldn't feel my friend with her. She changed and it wasn't good. There, I told her your reasons kasi baka ayun ang kailangan niya. We had a fight, of course, I was expecting it. She ignored me until the day came that she told me she would follow you here. It was a stupid plan, yet I was happy when she still told her plan to me despite being mad at me. Instead of stopping her, I supported her so I'm here too."

Naging tahimik ang paligid dahil sa mga binitawang mga salita ni Eunice. Napansin naman ito ni Eunice kaya napalingon-lingon siya sa paligid niya. "W-What?! Are you all judging me with my past decisions?!"

Walang sumagot hanggang sa nagbuntong-hininga siya at sinamaan ng tingin si Zai na nakatitig lang sa kaniya. "Go, get your woman, Zairus. Hindi ako nagpunta rito to see my best friend crying a river again. If Stella comes back to me with swollen eyes, I swear to God, I'm gonna ruin you. I will slander you to her again."

Zairus seemed to come to his senses at Eunice's threat and ran out of the room.

Now, I understand how their love started and their conflict. Basically, Stella's from Section A and a queen of the campus, while Zai belongs in the worst section. For Eunice, Stella's greatest downfall is choosing Zai, but she still did it because she fell in love with Zai. Now, Zai is worrying what others might say to them tomorrow kung magsasama sila sa pagpe-perform. Ayaw niyang makarinig ng masasakit na salita si Stella sa iba. Ang problema, wala namang pake sa kanila si Stella.

"Hayaan niyo na muna sila. Maaayos din nila 'yan," sabi ni Deth. 

"Sino'ng totoka sa booth at ano'ng klase bang booth?" I quickly changed the topic to change the atmosphere as well. "Magandang dito na isama si Sander. Kahit nakaupo lang siya, makakatulong na siya."

Nasa clinic pa rin kasi si Sander at tulog pagtapos niyang magamot. Mabuti na lang talaga at mabilis siyang nadala sa clinic. Natagalan lang naman no'ng kasama namin siya. Hindi naman p'wedeng exempted siya. Sarmiento won't let him.

Nagtaas ng mga kamay sina Rance, Eunice, Vincent, Storm, Steven, at Wolf.

"Photo booth tapos magpapapicture sila sa aking lahat lalo na 'yung mga girls," natutuwang suhestyon ni Wolf na panay hawi ng buhok niya.

"Ugali mo talagang hayop ka!" Sigaw ni Vincent saka binato ng ballpen si Wolf. Akma itong gaganti nang senyasan ko si Deth kaya hinila niya si Wolf pabalik sa pwesto niya. "We have no time to joke around, you idiot."

Binitawan ni Deth ang damit nito. Naiinis na inayos ni Wolf ang damit niya habang nakatingin kay Vincent.

"But I like Wolf's idea," sabi ko na nakapagpakinang ng mga mata ni Wolf. "not including the latter." Pagpapatuloy ko dahilan para mapangiwi si Wolf. "Medyo madali lang ang paggawa ng photo booth since we only need art materials lang naman and creativity to create a nice background. Steven has his DSLR Camera so camera wouldn't be a problem."

Napatango naman ang iba. Nagtaas ng kamay si Eunice. "I agree with Luna. That's the most feasible plan. Kung mahaba sana ang time natin, we can make it bonggacious, but no, eh."

"Wow! Himala at sumasang-ayon ka na sa kaniya." Pansin ni Rance kaya nakatikim siya ng bato ng sapatos pero hindi kaniya, kung hindi sapatos ni Denver na nagpakalat-kalat. Pinagsisipa kasi ng mga gunggong kanina. Wala namang pake ang loko kasi tulog. Pero ayos lang, at least nandito na sila ni Luci at Knoxx at hindi nagpapakalat-kalat.

"Shut up your fucking mouth, Rance."

"Okay. Photo booth." Nilista ni Storm ang photo booth sa white board bago nagsalita ulit si Deth. "Tama lang na kabilang si Storm sa mag-aasikaso ng booth dahil tagilid ako sa mga nagtaas ng kamay."

"Grabe!"

Isa-isang nagreact ang mga nagtaas ng kamay kanina.

"Sino-sino naman ang mga maglalaro?" Tanong ni Deth kaya nagtaas ako ng kamay. "P'wedeng ako ang mamili?"

Kumunot ang noo niya at parang sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko pero tumango rin naman. "Fine."

Tumayo ako saka ko kinuha sa kamay ni Storm ang marker at nagsulat sa blackboard ng mga pangalan. "Sina Deth, Gavin, Leo, Lucifer, Denver, Knoxx, Xenor, at River."

"I didn't give you permission just to include me with whatever stupid idea of yours," sabi ni Deth.

Hinarap ko silang lahat at ang iba ay natawa na lalo na sina Rance at Tev. Nagising din si Denver.

"Bakit?" Painosente kong tanong.

"Ayoko, sa iba niyo na lang ako ilagay." Pagtutol ni Denver. Umiling din ang lahat ng nilista ko at isa-isang tumayo. Maliban kay Deth, naglakad sila palabas ng kwarto.

Nasa tapat na sila ng pinto nang sumigaw ako. "Chickens!"

Sabay-sabay nila akong nilingon, galit na galit ang mga expression ng mukha!

"I'm not!"

"Not me!"

"Hindi!"

Sabay-sabay na sigaw nila. Pinagkrus ko ang braso ko sa harap ng dibdib ko saka sila nginitian.

"Then play," nanghahamon na sabi ko.

Nilingon ko si Deth na ngayon ay naghihilot na ng sintido niya. Bumaba siya sa mesa saka kami hinarap lahat. "Fine, so we could just get over with this and proceed—"

"Deth!" Sigaw ng mga tutol.

"That's final," Deth said with finality. Lihim naman akong napangiti. Nakita ako ni Deth kaya agad kong iniwas ang tingin ko at sumipol.

"Nasulat na sa board, final na talaga." Pagsang-ayon ni Storm saka itinuro ang mga naisulat kong pangalan. "Eh ikaw, Luna. Saan ka?"

Humarap ako sa board at itinagilid ang ulo ko bago ko muling tingnan si Storm. "Sasali ako sa palaro tapos tutulong na rin ako sa booth. Mukha kayong pagod lahat, e. Ako at si Deth lang yata ang hindi mukhang pagod."

"Thirty minutes bago mag-alas dose. Simulan na natin ang paggawa ng booth para matapos tayo agad."

"Yeah, magpa-practice na rin kami ng pangmalakasang dance number," sabi ni Chaos saka tumayo. Lumapit naman sina Warren at Gab kay Xenor na naupo na sa bintana.

Ano kayang problema niya? Kasama siya sa binanggit ni Deth na sasayaw, so he was expecting Xenor to dance with Chaos and others.

"Let's move our asses bago pa ako antukin!" Sigaw ni Wolf saka nilapitan si Eunice. "Simulan na natin 'yung booth."

May napapansin ako sa dalawang 'to pero nevermind.

"Oh ano kayo d'yan?" Masungit kong tanong kina Gavin, Xenor, Leo, Lucifer, Denver, Knoxx, at River na ang sama kung makatingin sa akin.

"Tumulong muna tayo sa paggawa ng booth."

Napalingon ako kay Deth na nagsalita. Seryoso siyang nakaharap sa pito.

Paniguradong pagtapos ng event, lupaypay kami nitong lahat. Walang duda 'yon!

Pero gusto kong makita kung paano maglaro ang mga seryoso sa buhay.

ALAS TRES na nang matapos namin ang photo booth. Naggupit kami ng mga props tulad na lang ng sungglasses, beards, hearts na gawa sa karton. Nagprint din kami ng mga pictures and emojis. Ang color naman ng mga pahabang papel de hapon na magsisilbing background ay color black at red na nakasabit. Nakatayo ito sa pamamagitan ng mga kahoy na nakuha namin sa likod ng building. Gumawa din kami ng tatlong klaseng photo frame. One, for marriage. Second, for crush lang. Third, for sawing palad sa lovelife o single. Lastly, for a group of friends.

Hindi valentine's day for this kind of booth pero ipinilit talaga ni Wolf at dahil nagmamadali kami, ayun na lang ang sinunod namin. Pero okay lang din naman.

Tapos na rin sa magpractice sina Zai at Stella. Hindi sila nagsalita tungkol sa nangyari pero we could tell na nagkaayos na sila dahil magkaholding hands sila nang dumating sila at ianunsyong tapos na silang magpractice. Walang nangulit. Alam naman pala ng mga gunggong na 'to ang respeto.

Tapos na rin ang mga dancers namin. Lahat ay inabutan na ng antok at kani-kaniya ng higa sa nilatag naming mga karton. Tinamad na rin kasi ang lahat na umakyat pa sa room dahil sa sobrang pagod at antok. Nag-inarte pa si Eunice pero hindi na rin ito nakaangal nang antukin siya.

Kanina ko pa sinusubukang matulog pero hindi ko magawa dahil binabantayan ko si Tev na katabi ko. Pilit siyang pinaalis ni Leo sa tabi ko at pinababalik sa clinic pero ayaw nito. Wala rin akong nagawa para paalisin siya kaya kinausap ko na lang si Leo na hayaan na.

Dahan-dahan akong tumayo dahil sa bigat na ng pantog ko. Pagkalabas ko, nanliit ang mga mata ko nang makita sina Warren, Gab, at Xenor na nakaupo sa damuhan habang nakatanaw sa langit.  At dahil tsismosa ako, dahan-dahan akong lumapit sa kanila at nagtago sa puno.

"Last na, hindi ka na talaga sasali sa sayaw? Ikaw pa naman ang leader namin." tanong ni Gab.

SI Xenor ang nagturo sa kanila? Kaya pala hinila siya ni Warren kanina at nagpunta sila sa taas para magpractice pero bakit ayaw sumayaw ni Xenor?

"Dahil pa rin ba ito sa mga magulang mo?" Biglang tanong ni Warren kaya naisip ko 'yung nangyari sa mall. It was his birthday but instead na mag-celebrate siya with her parents, nasa labas siya at tinatakbuhan ang mga kinauutangan niya.

"Hindi ka dapat huminto sa pagsasayaw dahil lang naghiwalay ang mga magulang mo-"

"Warren." Awat ni Gab. Marahas na bumuntong-hininga si Warren at nailing bago hinawakan ang balikat ni Xenor.

"Okay, sorry dude," mahinang sabi ni Warren. "Yeah, I understand where you're coming from. They became your strength as they both encouraged you to dance and now they separated, nawalan ka na ng gana pa para magpatuloy ka pero sana magkaroon ka ulit ng drive para gawin ang bagay na makakapagpasaya sa'yo and we all know that dancing is one of them. Sander, Gab, Chaos, and I are here for you at kahit hindi magsalita ang iba, I know they are also on your back cheering for you."

"I think ang kailangan mo lang ay bagong inspiration."

Natulala ang dalawa kay Gab hanggang sa kumunot ang noo ni Xenor. "Ikaw ba 'yan Gab?"

Umiling si Warren na bakas pa rin ang pagtataka sa mukha. "It sounds like you're not the Gabriel who is always absent-minded, innocent, and over reacts"

Ngumiti siya saka mahinang tumawa. "Let's just sleep," inaantok na sabi niya saka nahiga. Nagkatinginan sina Xenor at Warren. Nagkibit-balikat si Xenor at nahiga na rin.

"Seriously, dito talaga tayo matutulog?"

Hindi na pinansin nina Gab at Xenor si Warren. Napipilitan namang nahiga na rin si Warren. Nakaramdam na ako ng panginginig hindi lang dahil sa lamig kung hindi dahil sa sasabog na ang pantog ko!

Mabilis akong tumakbo papunta sa cr at nang matapos, bumalik na ulit ako sa higaan ko at pinilit na matulog. Balak ko sanang tawagan si Ced dahil hindi ko na siya nakakausap pero naisip kong sosorpresahin ko na lang siya sa susunod na araw.

NAGISING ako sa pag-alog sa akin ng kung sino at nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Tev na nagkukusot na rin ng mga mata. "Ate, alas sais na."

Humihikab akong naupo at nagtali ng buhok. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Dahan-dahan niyang hinawakan ang mukha niya. "Medyo kumikirot 'yung mga sugat ko, Ate pero iinom ko lang ng gamot 'to."

Nauna akong tumayo bago siya tinulungang makatayo. "Huwag magpakapagod mamaya, ha? Pagkatapos nating kumain, iinom ka na ng gamot para sa mga sugat mo."

"Deth!" Sigaw ko nang matanaw si Deth na nasa labas at may hawak na mga papel. Mukhang busy na dahil sa event. Nakalimutan kong SSG President nga pala ang gunggong na 'to at hindi lang basta leader ng section namin.

Nahinto siya sa paglakad at bahagyang tinulak ang pinto para masilip ako. "What?"

"Uminom ka na ba ng gamot para sa sugat mo sa likod?" Mataray kong tanong dahilan para mag-react ang halos lahat sa mga gunggong. Nakalimutan ko siyang kumustahin dahil para siyang hindi nagdaan sa parusa.

"Uy! May concern," nang-aasar na sabi ni Zairus kaya pinukol ko siya ng nakakamatay na tingin. "Baliw! Nauna kong sinabihan si Tev tungkol sa gamot. Manahimik ka."

Nailing-iling na tumayo ito at nag-unat unat. "Masyado ka namang defensive. Ang aga-aga para mabatrip."

Inirapan ko siya saka ko isa-isang pinulot ang mga karton na nagkalat. "Kung hindi ba naman mukha mo sasalubong sa umaga ko, talagang mababadtrip ako."

"Stella!" Sigaw niya kaya galit siyang tiningnan ni Stella na may hawak na salamin. "What?!"

Bigla na lang lumiwanag ang mukha ni Zai saka nilapitan si Stella at niyakap ito mula sa likod. "Good morning!"

Pilit na kumawala si Stella sa pagkakayakap sa kaniya ni Zai. "Ang tagal mo magising kaya tigil-tigilan mo na ako at mag-asikaso ka na."

Nalukot ang mukha ni Vincent na nasa likod lang nina Zai. "Umagang kay landian."

"Naipwesto na 'yung booth natin. Inaayos na lang. Nandun na sina Eunice, Vincent, Storm, Wolf, at Sander. Pinaupo lang namin si Sander sa gilid. Medyo masama pa ang pakiramdam pero kakayanin niya naman daw. Masamang damo naman daw siya. Si Steven na lang ang kulang." Imporma ni Rance. "P'wede bang pa-finalize na lang, Luna?"

Ngumiti ako. "Yeah, that's what I'm planning to do."

"Hoy tingnan-tingnan niyo si Sander, ha!" Bilin ni Zai.

"Wow! Mahal na mahal mo pala si Sander?" Pang-aasar ni Rance.

"Gago! Inaalala ko lang 'yung kondisyon ng tao!" Depensa ni Zai. Sa ilang buwan naming pagsasama, napapansin ko lang na kapag may isa sa amin ang nalalagay sa panganib, siya itong pinaka napapansin kong nag-aalala talaga nang sobra. Though minsan sa mga mata niya ko lang nakikita ang concern dahil hindi naman siya palaging nagsasalita ng mga ganitong bagay. Baka iniisip niyang aasarin siya tulad ngayon.

Inayos ni Tev ang buhok niya saka isinuot ang tsinelas niya. "Sige, maliligo lang ako saglit. Hindi niyo kasi ako ginising, e."

"Kailangan mong magpahinga, Steven. Kung hindi nga lang talaga kailangang magparticipate rito, dapat nagpapahinga ka, e." Singit ni Gab habang nagpapaikot ng bola sa daliri niya.

"Thanks, Gab."

Nginitian lang siya ni Gab at umakbay kay Xenor na kararating lang at mukhang bagong ligo rin gaya ni Gab. Mabango at basa pa ang buhok, eh. "Xenor joined our group, Luna kaya hindi na siya makakasali sa palaro."

Ano naman kaya ang naging inspiration nito at sumali na siya? Sabi ni Gab kanina kay Xenor ayun ang kailangan nito.

"May nahanap na inspiration, eh, just earlier? I'm not sure, pero kanina ko lang na-confirm. Ang ganda raw kasi."

Napalingon ako sa likod ko. Napapagitnaan na nila ako. Basa ang buhok ni Warren at presko ang dating. Buti pa sila nakaligo na!

"Sino? Sino'ng maganda?" puno ng kuryosidad na tanong ni Gab. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang tatlo. Kita ko naman ang pagtalim ng tingin ni Xenor kay Warren na nakangisi.

Ibinaling ni Warren ang tingin kay Gab. "Paano mo naman nalamang tao?"

Napakamot ng ulo si Gab. "Hindi ba tao? Eh, hayop?"

Natataawang hinawakan ni Warren ang balikat ko. "Makakasali si Xenor sa palaro. Ayon sa sched, mauuna ang sayaw, sumunod ang kantahan bago palaro kaya ayun, p'wedeng dalawa ang salihan ni Xenor."

"P'wede naman pala, e," natatawa kong sabi na ikinasama ng mukha ni Xenor. "Huwag kang tumawa, babae."

"Na-miss ko 'yan."

Him calling me 'babae'. Napangiti ako nang makita na suot niya pa rin ang bracelet na niregalo ko sa kaniya nung birthday niya.

"Ang alin?" Kunot-nuong tanong niya.

"Wala."

NASA loob na kami ng gymnasium at lahat ng students ay nagtitipon-tipon. Nakapila lahat nang maayos pero ang ingay ay hindi ko maipaliwanag dahil sa panay bulungan at ang topic? Siyempre kaming dark students na ngayon lang daw makakasali sa event na 'to at ang pinakamalala ay panay tingin at bulungan dahil sa mga dancers na gunggong na nasa likod ko. Kanina ko pa nililibot ang tingin ko sa kabuuan ng gymnasium pero hindi ko pa rin mahanap si kamatayan na busy yata kakaikot.

"Huwag mo munang hanapin. Mahal ka pa rin nun."

Malakas kong hinampas ang braso ni Rance saka nilingon ang tatlo sa likod ko na hindi mapakali sa mga damit nila na ako ang nag-isip bago kami matulog. Si Denver daw ang bumili dahil ito naman ang magaling sa paglalabas-masok.

"Ready na ba ang mga sasayaw?"

Kinawayan ako nina Gab at Chaos. Si Warren naman ay masama ang tingin sa akin pero nginitian ko lang siya. Nakasuot sila ng black bagger pants at loose-fitting white graphic t-shirt/ Simple lang pero binuhat ng galing nila sa pagdadala. 

"Where's Xenor?" Tanong ni Eunice kaya napahanap kaming lahat.

"He's coming," sabi ni Stella. Sinundan namin ng tingin ang direksyon ng tingin niya.

Natawa ang mga gunggong nang makita si Xenor na nakasuot din ng tulad sa suot ng kagrupo niya. Ang naiiba lang ay ang kwintas niyang nakalabas. Nakapamulsa siyang naglalakad na parang kaniya ang daanan pero ang gulo naman ng buhok.

Tang'na! Palagi na lang. Hindi ko pa siyang nakitang maayos ang buhok niya.

Nagsimula ng maasinan ang mga uod sa likod namin. Ang mga babaeng 'to napakalalandi. Hindi pumirmi. Parang kanina lang kinikilig kina Warren tapos ngayon naman kay Xenor?

"Mukha kang naiirita, babae."

"Ayusin mo nga ang buhok no," naiinis kong sabi. Tumingkayad ako saka marahang sinuklay ang buhok niya dahilan para kumunot ang noo niya at hawakan ang ulo ko. "Kailan ka kaya matututong kumalma?"

"Students, silence. Let's welcome Mr. Sarmiento!"

Napalingon kaming lahat sa stage. Pumalakpak ang lahat kasabay ng pag-akyat sa stage ni Mr. PPP na nakangiti. Nakulo talaga ang dugo ko sa kaniya lalo na't nangiti siya na para bang kumpleto ang tulog niya samantalang kami parang pikit lang ang ginawa namin dahil sa trip niyang 'to.

Wala ni isa sa amin na taga-dark section ang pumalakpak at kung sakaling gawin nila itong issue, sasabihin naming pagod kami dahil wala kaming maayos na tulog

"Ayoko ng patagalin ang lahat kaya simulan na natin ang kasiyahan. Let us see what you all can do, West students."

"Sana tumagal pa buhay mo," natatawa kong sabi. Siniko ako ni Rance kaya napairap ako. "I'm just being sarcastic."

Mahina siyang natawa saka pumunta kina Warren. "Mukhang pati kami magugulat sa hinanda niyong dance number, ha?"

"Shut up, Rance."

NATAPOS na lahat magperform at siyempre pangit ang performance nila. Duh! Mas maganda yata ang amin kahit hindi ko pa nakikita. Wala pa sa amin ang nakakakita ng sayaw nila dahil sa ibang room sila nagpractice.

Wala na rin ang mga nakatoka sa booth dahil busy sila sa labas. Humiwalay na sila kanina no'ng magsimula ang dance contest. Si Zai naman tumulong muna rin doon. Sina Gavin, Leo, Lucifer, Denver, Knoxx, at River naman ay nasa likod lang namin. Sila kasi 'yung mga maglalaro mamaya. Nandito sila dahil wala naman silang gagawin. Masyado na ring maraming nakatao roon sa booth para makipagsiksikan pa sila.

"Let's give around of applause to Dark Section!" Sigaw ng hindi ko Emcee. Humiyaw ang ilang mga babae. Halos napapikit ang isang mata ko sa sobrang lakas ng hiyawan. Nakakalimutan yata nilang dark students ang hinihiyawan nila.

Tumapat sa akin si Xenor kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. "Problema mo?"

"Sungit mo talagang babae ka."

Mahina akong natawa saka sinuntok ang tiyan niya. Okay, matigas. "Charot! Goodluck, Xenor."

Nailing-iling siyang hinawakan ang tiyan niya.

"Nasaan ang goodluck namin, Luna?"

"Eto, oh," sabi ko saka binuklat ang hawak kong kartolina na mabilisan ko lang ginawa kanina. Binuklat din nina Eunice at Stella ang kartolina na ibinigay ko sa kanila.

"This is not nice," maarteng sabi ni Eunice habang nakatingin sa kartolina.

It looks nice naman. Hindi rin basta-bastang lettering ang ginawa ko 'no! Naka-doodle rin 'to! Kaya lang ang nakasulat ay...

Go! Go! Go mga Gunggong!

Ang ibang mga estudyante na nasa likod at chismosa ay natulala sa hawak naming kartolina. Mahina akong natawa nang sabay-sabay bumagsak ang balikat ng apat.

"Itago mo 'yan, Luna." Lumapit sa akin si Chaos at ibinaba ang kamay ko. "Huwag niyong iaangat. Anong gunggong? Sa pogi naming 'to?"

Kumunot ang noo ni Gavin at lumapit kay Chaos saka hinawakan ang noo nito. "Wolf? Zai? Is that you? Sinong sumapi sa'yo sa dalawa?"

Tinapik niya ang kamay ni Gavin. Nakataas ang dalawang kamay nitong umatras habang umiiling-iling.

Muli naman akong nilingon ni Chaos. "Basta huwag-"

"Hayaan mo na," natatawang sabi ni Gab saka kinuha sa akin ang kartolina. Nakangiting tiningnan niya ito saka pinaharap sa mga kagrupo niya. "It looks nice naman. Gusto ko."

"Gab!"

"Let them be." Awat din ni Xenor.

"Pati ba naman ikaw, Xenor?" naiinis na tanong ni Chaos.

"Ayos lang 'yan, Chaos. If that's how they show their support, let them be," natatawang sabi ni Gab.

"Dark Section, come to the stage." Muling pagtawag ng Emcee.

Naiinis na tumalikod si Chaos. Natatawa naman ang tatlo na tumalikod at naglakad na sa gitna. Sumunod naman ang tatlo. Nasa unahan na si Xenor dahil sa pagbagal ng lakad ni Chaos, ang dalawa sa likod niya ay sina Warren at Gab habang sa pinakalikod ay si Chaos.

Bawat babaeng madaanan nila ay kala mo hihimatayin ampucha! Hate nila ang section namin sa pagiging worst pero kapag usapang lalaki na, ayun nagkaka-amnesia!

Nang makaakyat sila ng stage, pumwesto agad sila. Tumugtog agad ang music at waaaaaaaaaaaah! Itinaas ko na ang hawak kong kartolina. Nahihiya pa ang dalawa sa pagtaas kaya kinailangan ko pang iangat ang mga kamay nila.

Pinukol nila ako ng masamang tingin bago nila itinaas ang mga hawak nila. Nginitian ko na lang sila at ibinalik ang tingin sa stage. Nagsimula na rin akong makisabay sa sigawan pero ang akin ay pinagplanuhan. 

"Gooooo! Goooo! Goooo, Dark boys!" sigaw ko habang gumigiling-giling.

"Dark boys?" Pagtatakang tanong ni Stella kaya natatawang nilingon ko sila. "Baka mahinto sila kung gunggong isisigaw natin. Tama na ang nakasulat sa kartolina."

Sobrang galing nilang sumayaw. Bawat galaw nila ay nakasabay sa beat. Napakalinis din nilang sumayaw and their body control was totally insane! Ang hot tingnan ni Xenor at mukha siyang masaya sa ginagawa niya. Si Chaos din na nagagawa pang kumindat sa mga babae! Si Warren na nakangiti! At si Gab na enjoy na enjoy ang pagsayaw.

"Thank you for your participation, Dark students."

"As if naman makakatutol kami." Bulong ko pero napalitan ng ngiti ang inis ko nang makitang papalapit na sila.

"Panyo nga, Luna." Hingi ni Chaos kaya binatukan siya ni Warren. "Ganiyan ba manghiram?"

Peke niyang nginitian si Warren saka ako muling hinarap. "Pahiram po, Lu-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang batukan naman siya ni Xenor. Marahas akong bumuntong-hininga saka kinuha ang panyo sa bulsa ko. Akma na itong kukunin ni Chaos nang biglang agawin ito ni Xenor. Inangat niya ang bangs niyang nakadikit na sa noo niya saka ito pinunasan. 

"Xenor!" Sigaw ni Chaos pero tinalikuran lang siya nito. "Why?"

Marahas na bumuntong-hininga si Chaos saka umayos ng tayo at pinagpagan ang damit niya saka tumingin kay Eunice.

"Sorry, I didn't bring any."

Sunod niyang tiningnan si Stella.

"Ayoko."

"Panyo lang naman hinihiram ko!" Malakas na sigaw ni Chaos.

Mahina akong natawa sa itsura niya na para bang pinagkaitan ng pagkain. Inabot ni Xenor ang panyo sa akin pero nang akma ko itong tatanggapin ay may humawak sa kamay ko kaya sabay kaming nag-angat ng tingin ni Xenor dito.

"Deth?"

"Deth, saan ka ba nagpupunta? Hindi mo tuloy napanood 'yung pangmalakasang sayaw namin," nanghihinayang na sabi ni Chaos kaya binatukan siya ni Warren dahil sa inis.

"Don't tell me tatanggapin mo?" Tanong ni Kamatayan.

"Ang alin?"

Saglit niyang tiningnan ang panyo kong hawak ni Xenor kaya kunot-nuong tiningnan ko siya. "Malamang. Panyo ko 'yan, e."

"Xenor." Tawag niya kay Xenor.

Hindi sumagot si Xenor at inilagay na lang sa bulsa niya ang panyo ko.

"Xenor, akin na 'ya-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lang akong hilain ni Deth papalabas ng hall.

"Deth! Bitaw! Bitaw!" Paulit-ulit na sigaw ko habang naglalakad kaming dalawa. Ang lalaki ng hakbang niya kaya parang takbo na ang ginagawa ko kahit na dapat lakad lang.

Binitawan niya naman ako pero madilim ang mukha niyang hinarap ako. Nasa gilid na kami ng school at walang mga nadaan.

"Napagsabihan ka ba ng Panot mong tatay kaya ka ganiyan? Ano'ng sinabi niya sa'yo? May prob-"

"Ikaw." Putol niya sa iba ko pang sasabihin kaya kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "Ang ano?"

"Ikaw ang problema ko."

Paanong naging ako na ang problema ngayon?

A/N: Check my latest post in my message board po hehe. Thank you for votes, follows, and comments po! I appreciate y'all!

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 54 7
Life Struggle Series #2 LACK OF PARENTAL LOVE. "I have a complete family, but my heart feels incomplete." -Paisley Vivienne Arceta Financially stabl...
3.4K 120 14
The Love Manifesto Series #7 Sa katalinuhang taglay ni Sean, hindi na nakapagtataka na libro ang una niyang minahal at kapag mahal niya ang isang bag...
5.4K 183 17
Solace Bridget Marquez was naturally born to be competitive, her only goal was to work hard, do well. Losing and being defeated is not in her vocabul...
1.2K 109 52
Having a goal in my life is my way to achieve my dream Yan ang paniniwala ni Nhiana lahat ay nakaayos na not until she meet azeo Si azeo na gugulo n...