Learn To Love Again (Boyxboy)

By jwayland

332K 9.1K 903

After bumalik sa Canada two years ago ni Dustin ay kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas kahit labag sa kal... More

After Two Years
The Wedding
Can't Wait to Go Back
Home Sweet Home
Responsibilidad
Rebelde
I Lost My Virginity.....
Failed to Be a Goodboy
A Complication
What The F?!
Fly Like A Bird
Revenge is Sometime Salty
Pag-amin
Missing Him
Siya Ulit!
New Home
Meeting Alexander Villanueva
Game Over
New Guy
Hindi Pa Tamang Panahon
Time to Find My True Love
Are You In Drugs?!
My Abductor
Stranded
Restraint
This Is The End
You Get What You Want
The Right Choice
Living With Andrei Montevista
Three Days
Unexpected Meeting
Walk A Tight Rope
The Escaped
The Brawl
Special Chapter

A Promise Of Forever

9.2K 243 43
By jwayland

Gandang gabi guys after how many months of waiting ito na po ang final chapter ng Learn to Love Again and please wala na pong hihingi ng addtional pigang piga na ang isip ko sa kung anong isusulat ko dito hahaha, maraming maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa love story nina Dustin at Jonathan sana'y maibigan ninyo ang pagtatapos nito.

Picture of Jonathan Montero on the right=====>>>>>>>>

Song is Starting Over Again by Lani Misalucha

===============================================================================

CHAPTER THIRTY FIVE

Dustin's POV

Ang pakiramdam ko para akong lumulutang sa hindi ko malamang dahilan, wala akong makitang kahit na ano, pawang kadiliman lang ang natataw ko, hindi ko nga alam kung nakapikit ba ako o hindi, pero kahit ganoon ay ang gaan ng pakiramdam ko, wala akong nararamdaman na kahit na anong takot o lungkot, if patay na ako ay hindi na masama dahil at least wala na akong mararamdaman na kahit na ano.

Handa na akong lamunin ng tuluyan ng kadiliman ngunit kung kailan handa na ako ay biglang parang boses na gumugulo sa katahimikan ko, gusto ko siyang sagutin na tantanan na ako ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko ngunit bigla akong napatigil ng marinig ko ang kalungkutan na kaakibat ng boses na iyon, and just like that bigla akong nakaramdam nang labis na kalungkutan na para bang apektadong apektado ako kung kanino man nanggagaling ang boses na iyon.

"Please Dustin, stay strong, we're here for you, I'm here for you, I love you." narinig kong salitang nagmula sa taong gumugulo sa katahimikan ko at matapos makaramdam ng labis na lungkot ay naramdaman ko na lang na may mainit na likidong tumulo mula sa mga mata ko.

"Jonathan......." ang kauna unahan salitang namutawi sa bibig ko o kung may lumabas ba talaga sa bibig ko at ilang sandali lang ay nakakita ako ng isang liwanag sa simula ay sobrang liit lang nito hanggang unti unti itong lumalaki sa paningin ko na pilit kong inaabot.

At ang una kong nakita nang magmulat ako ng mga mata ay ang maamong mukha ni Jonathan na pulang pula ang mga mata marahil sa labis na pag-iyak.

Bumukal sa mga mata nito ang bagong mga luha marahil ng makitang gising na ako kaya naman dali dali itong tumayo sa inuupuan nito. Gusto ko sana siyang pigilan at magmakaawang huwag akong iwan ngunit parang wala akong lakas na magsalita.

Ilang sandali lang ay nakaramdam na naman ako ng pamimigat ng talukap ng mga mata ko, pinilit kong labanan ang antok dahil gusto ko uli makita si Jonathan ngunit masyadong malakas ang tawag ng karimlan at ilang sandali nga lang ay tuluyan na akong bumalik sa karimlan.

Jonathan's POV

"Please magpakatatag ka Dustin, nandito kami para sayo." naiiyak kong pagsusumamo dito habang hawak hawak ko ang kamay nito.

Ilang sandali ko pa itong kinakausap na magpakatatag kaya naman nagulat ako ng bigla na lang itong magmulat ng mga mata, hindi ko napigilan muling tumulo ang mga luha ko, at kahit mabigat sa dibdib ko ay kinailangan kong bitawan sandali ang kamay nito para pindutin ang buzzer na nasa ibabaw ng kama nito at ilang sandali nga lang ay dumating na ang mga doctor.

"Dustin nandito na ang mga doctor." ang sinabi ko dito ngunit agad kong napansin na wala na naman itong malay.

"Huwag kayong mag-alala Mr. Montero magiging maayos din ang pasyente, wala naman siyang internal damage kaya kailangan niya lang magpahinga." ang nakangiting sinabi sa akin ng nurse.

Pero kahit na ganon ay hindi ko pa din mapigilan mag-alala, lumabas na ang doctor sa kuwarto at akala ko ay nag-iisa na lang ako sa pagbabantay kay Dustin kaya naman nagulat ako nang may kamay na humawak sa balikat ko at ng lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Marvin.

"Matatag si Dustin, makakayanan niya ito Jonathan." ang nakakaintinding sinabi nito kahit na nga ba halatang halata din ang pag-aalala nito sa nakakabatang sakit.

"Paano kung nahuli pala tayo Marvin, paano kung hindi tayo nakarating........." ang sinabi ko dito ngunit hindi ko na natuloy iyon nang maalala ko ang naabutan namin kanina, pakiramdam ko ay parang nawalan ako ng hininga ng makapasok kami sa bahay na iyon lalo na ng makita kong duguan sa sahig ang taong pinakamamahal ko habang nakaamba ang kutsilyong hawak hawak ng lalaking iyon.

Malinaw pa din sa akin ang mga nangyari na para bang patuloy iyon tumatakbo sa isip ko na para bang sirang cd.

"Jonathan!" narinig ko na lang na may tumawag sa akin at nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita kong si Marvin pala iyon kasama si Xavier.

"Hi Marvin nakauwi ka na pala kamusta ang honeymoon." sinabi ko dito kasabay ng pagak na tawa at matapos non ay nagpatuloy ako sa pag-inom, ilang araw ko nang nilulunod ang sarili ko sa alak para kahit man lang sandali ay makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko, finally pinalaya ko na siya pero ang sakit sakit pa din talaga eh, sobrang mahal na mahal ko iyong tao.

"Anong ginagawa mo Jonathan?!" galit na galit nitong tanong sa akin na nagpakunot sa noo ko.

"Well I think I'm drinking beer at the moment." sarcastic kong sinabi dito, ni hindi ko pinansin ang matalim na tingin na pinukol nito sa akin samantalang tahimik lang na nanonood si Xavier na tinanguhan ako at tinanguhan ko din.

"Well obvious na obvious naman ang ginagawa mo, pero anong ginagawa mo bakit hindi mo kasama si Dustin?" tanong nito sa akin and again just hearing his name bring so much pain in my chest na parang pakiramdam ko ay anumang oras ay muling papatak na naman ang luha ko ngunit agad ko iyong pinigilan dahil pagod na pagod na ako sa kakaiyak, kaya naman inisang tungga ko ang hawak kong red horse, kukuha sana ako ng panibagong bote nang marahas iyong agawin sa akin ni Marvin at basta na lang malakas na binato nito sa kung saan.

I glared at him at nakipagmatigasan lang ito sa akin kaya naman ako na mismo ang sumuko at kumuha na lang ako ng panibagong beer.

"Hindi ka man ba nag-aalala kung nasaan na si Dustin?" naiinis na nitong tanong sa akin dahil sa kinikilos ko.

"Hindi ko na kailangan mag-alala dahil sigurado akong masaya na iyon sa bago niya." nalalasahan ko ang pait ng katotohanang iyon, na iba na ang mahal ni Dustin na tuluyan na itong nawalan ng pag-ibig sa akin.

"You don't understand Jonathan, malakas ang kutob ko na nasa panganib ngayon si Dustin." ang sinabi nito and that caught my attention at parang nawala ang kalasingan sa sistema ko at matiim akong nakinig sa kinuwento nito ng subukan nitong tawagan ang kapatid at ilang sandali lang daw ay nawala na ito sa linya at nang subukan ni Marvin na tawagan mula ang kapatid ay out of reach na daw.

"Jonathan, masama ang kutob ko sa nangyayari kay Dustin, my brother need us now, at kung may kahit katiting na damdamin ka pang nararamdaman kay Dustin ay tutulungan mo kami." nanghihina na nitong sinabi.

Gusto ko sanang sigawan ito sa mukha na hindi lang katiting ang nararamdaman kong pagmamahal kay Dustin kung hindi buong puso ngunit minabuti kong tumahimik na lang.

Napagkasunduan namin ng planuhin ang gagawin naming paghahanap kay Dustin.

"We need to know the name of the person na sinamahan ni Dustin." ang sinabi ni Xavier na kumontak na din sa mga connection nito iba na din talaga kapag mayaman ang asawa mo, madaming mga bagay ang malalaman ka.

"Sa pagkakatanda ko ang pangalan non ay Andrei ata." ang sinabi ko ngunit hindi ko alam ang last name ng taong iyon kaya medyo mahihirapan kaming hanapin ito.

Sinimulan namin maghanap sa bandang Timog kung saan unang nagkita si Dustin at Andrei, inisa isa namin ang mga bars na naroon at nagtanong tanong kami kung may kilala ba silang Andrei, diniscribe din naman ang itsura nito sa mga natanungan namin ngunit ni isa man sa mga iyon ay wala daw na nakakaalam.

Lumipas ang mga araw na wala pa din kaming nakukuhang lead kung nasaan si Dustin at labis na takot na ang nararamdaman ko habang lumlipas ang mga araw, sa pagod ay minabuti ko na munang pumasok sa isang restaurant na bukas ng umagang iyon.

"Good morning sir kayo po pala ulit." ang nakangiting bati sa akin ng guard ng naturang restaurant, ito kasi ang unang bar na tinanong namin.

Dumiretso ako sa bar ngunit nagtaka ako ng hindi ko makita ang nagbabantay, actually naisipan ko lang sanang bumili ng mineral water ngunit wala ito kaya naman lumabas na lang ako sa paglalakad ko ay nakita ko ang naturang lalaki na may kausap sa phone and for some reason parang may puwersang nagtutulak sa akin na lapitan ito.

"Yes sir Andrei may nagpunta nga po dito kaso katulad ng sinabi niyo ay hindi ko pinaalam na may kilala akong Andrei." biglang nanglaki ang mga mata ko sa narinig at gusto ko nga sanang agawin ang phone nito ngunit nagtimpi ako dahil baka maalerto si Andrei kapag nalaman nitong alam na namin na ito nga ang may-ari ng unang restaurant na pinuntahan namin.

Matapos kong masigurado na tapos na itong makipag-usap ay agad akong lumapit dito at laking gulat nito nang hatakin ko siya sa kuwelyo at marahas na hinagis sa pader ng restaurant, kitang kita ko nang mawalan ito ng kulay sa mukha nang mamukhaan ako.

"Si...sir may kailangan po ba kayo?" nanginginig nitong tanong, kita ko pa ang paglinga linga nito na para bang naghahanap ng tulong.

"Nasaan si Andrei, san niya tinatago si Dustin!" mahina lang ang pagkakatanong kong iyon ngunit sobrang nipis na lang ng pasensya ko.

"Hindi......." ngunit hindi ko na ito pinatapos at isang malakas na suntok sa sikmura ang ginawad ko dito.

"I only have three seconds of patience before I kill you so tell me nasaan si Andrei!" galit na galit kong tanong dito.

Kitang kita ko ang takot sa mga mata nito ngunit ilang sandali lang ay naramdaman ko ang kamay ni Marvin sa balikat ko stopping me from doing any harm to the man.

Dinala namin ito sa pulisya na malapit sa lugar na iyon para tanungin, sa una ay todo tanggi pa din ito ngunit nang sinabi naming madadamay siya sa kasong isasampa namin ay tuluyan na itong nagsalita.

"Nautusan lang po ako ni Sir Andrei na magsinungaling maniwala po kayo sa akin." pagmamakaawa nito.

"Nasaan ngayon ang amo mo?" tanong ng pulis dito.

"Hin...hindi ko po alam." nanginginig nitong sinabi, hindi ko napigilan ang sarili ko na sugudin ito mabuti na lang talaga at naging maagap sila Marvin at Xavier.

"Maniwala po kayo hindi ko po talaga alam kung nasaan si Sir, hindi ko nga po alam kung taga saan siya." pagpapaliwanag nito.

"Anong buong pangalan ng amo mo?" tanong uli ng pulis.

"Andrei..... Montevista po, please sir maawa na po kayo sa akin." ang naiiyak na nitong pagmamakaawa.

Matapos ang interegasyon na iyon ay agad na tinawagan ni Xavier ang mga contacts nito para alamin kung saan maaring naroon si Andrei Montevista.

Lumipas pa ang ilang araw at nalaman namin ang bahay nito sa Quezon City ngunit ayon sa kasambahay nito ay ilang araw na daw na hindi umuuwi si Andrei, kaya naman nagpatuloy kami sa paghahanap ng clue kung saan maaring dinala ni Andrei si Dustin.

"Apat na araw na Xavier ngunit wala pa ding balita kung nasaan na si Dustin." hindi ko maiwasang hindi mafrustrate dahil pakiramdam ko masyado akong useless.

"Ginagawa nang mga tauhan ko ang lahat Jonathan wala na tayong magagawa kung hindi ang maghintay."  ngunit pagod na akong maghintay at walang ginagawa kaya naisipan kong bumalik sa restaurant nito para makahanap ng clue, ng makita ako ng naturang tauhan ni Andrei ay kita ko ang takot sa mukha nito.

"Please sir nagsabi po ako ng totoo, hindi ko po talaga alam kung nasaan si Sir Andrei." ang nanginginig nitong sinabi at bigla naman akong nakaramdam ng awa dahil alam kong napag-utusan lang ito.

"I know at huwag kang mag-alala hindi kita sasaktan." ang sinabi ko dito kahit na nag-aalangan ay tumango na lang ito.

Naisipan kong dumiretso sa opisina ni Andrei para makahanap ng clue kung saan maari kong makita ang taong iyon.

Ngunit hinalughog ko na ata ang opisina nito ngunit wlaa akong makitang address nito, isang larawan ang nakita ko na agad kong kinuha at pinakita sa tauhan ni Andrei.

"Saan ang lugar na ito?" tanong ko dito, habang matiim naman ntiong tinitigan nito.

"Sorry sir hindi ko po alam kung saan yan." sagot nito, minabuti kong dalhin ang larawan na iyon habang naglalakad ay biglang may tumawag sa akin.

"Jonathan!" narinig kong tawag sa akin ng boses ng babae at nang matunton ko kung kanino iyon ay napangiti naman ako ng makita kong si Andrea pala ang tumatawag sa akin, isa ito sa mangila ngilang taon nakakaalam ng pagkatao ko.

"Andrea kamusta ka na?" nakangiti kong tanong dito, ngunit natigilan naman ako nang bigla itong magtanong.

"Nagkita na ba kayo?" nakangiti nitong tanong.

"Nagkita kami nino?" naguguluhan kong tanong dito.

"Ni Dustin nagkita ba kayo? Nagkita kasi kami sa Antipolo tapos nasabi ko na sa kanya ang totoo." ang paliwanag nito, si Andrea kasi ang tumulong sa akin para paniwalain si Dustin na wala talaga akong nararamdaman sa binata.

"Nagkita kayo ni Dustin?" tanong ko dito hindi ako makapaniwala sa sinabi nito at matiim akong nakinig sa paliwanag nito at matapos nga noon ay agad kong tinawagan sila Marvin, at ilang sandali lang ay magkakasama kami nila Marvin, Xavier at Andrea na patungo sa Antipolo.

Nakipag coordinate na din si Xavier sa pulisya ng Antipolo at ng tinuro sa amin ni Andrea ang restaurant kung saan sila nagkita ay nagsimula na kaming tuntunin ang bahay na nasa picture at sakto naman na may nakakaalam sa naturang lugar.

At matapos maiplanong maigi ang magiging aksyon namin ay agad kaming nagtungo sa bahay ni Andrei.

Nasa labas pa lang kami ng bahay ay dinig na dinig ko na ang galit na galit na boses nang taong nasa loob at lalong akong kinabahan ng marinig ko ang boses ni Dustin at parang tumigil ang mundo nang maatukhan namin na duguan na nakahiga si Dustin sa sahig at tanging ang underwear lang nito ang suot habang nakaumang naman ang isang mahabang patalim sa binata, hindi na ako nakapag-isip ng tama at basta na lang ako tumakbo kay Dustin shielding him from the blade that Andrei is holding.

Ngunit imbes na makaramdam ng sakit at isang tunog ng putok ng baril ang narinig at kasabay non ay ang pagbagsak ni Andrei sa sahig, buhay pa ito.

Agad na sinugod ang dalawa sa pinakamalapit na ospital.

"Ang mahalaga ay umabot tayo Jonathan at ngayon nga ay ligtas na si Dustin." he said.

"Mabuti na lang talaga kung hindi ay hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung tuluyang nawala na sa atin si Dustin." emosyonal kong sinabi dito.

Namagitan ang katahimikan sa pagitan namin habang binabantayan namin si Dustin, natawagan na ni Marvin ang pamilya nito sa Canada at nagsabi nang lilipad sila sa Pilipinas, samantalang si Xavier ay kinailangan asikasuhin ang pagsasampa ng kaso laban kay Andrei.

"Sigurado ka na ba talaga sa plano mo Jonathan?" nagulat na lang ako ng marinig kong muling nagsalita si Marvin.

"Oo sigurado na ako, ngayong ligtas na si Dustin ay itutuloy ko na ang pag-alis sa bansa." mahirap man sa akin ay kailangan kong gawin ang bagay na iyon ayoko nang guluhin pa si Dustin kaya napagdesisyunan kong pumunta ng Malaysia para sa expansion ng business namin.

Masakit sa akin ang malaway kay Dustin ngunit kailangan ko itong gawin para sa ikabubuti ng lahat, marahil noong dalawang taon na nakalipas ay sapat na para sabihin sa akin na hindi  kami talaga para sa isa't isa ni Dustin.

Dustin's POV

Nang magmulat ako ng mga mata ay agad na tumambad sa akin ang nakangiting mga mukha ng pamilya ko, si Daddy ang mommy ni Marvin, si Maggie at si Marvin kasama ang asawa nitong si Xavier.

"Hi guys." natatawa kong sinabi dito na nagpangiwi sa akin ng maramdaman ko ang sakit sa mukha ko.

"You're really crazy Dustin for making us worry like that." naiinis na sinabi ni Maggie sa akin.

"I'm really sorry Maggie, everyone." sinsero kong paghingi ng paumanhin dito.

Nalaman kong ilang araw na pala ako sa ospital na iyon at sandali akong nagisin diumano at pagkatapos nga non ay dalawang araw din akong walang malay.

Parang may naalala ako sa sinabi nilang nagising daw umano ako at bigla kong naalala si Jonathan ang lalaking pinakamamahal ko.

"Si Jonathan?" tanong ko kay Marvin in particular ngunit agad itong nag-iwas ng tingin kaya naman may nararamdaman akong may mali.

"Marvin, nasaan si Jonathan?" medyo tumaas na ang boses ko dahil wala man lang na sumasagot sa akin kaya naman agad akong tumayo na agad nilang pinigilan.

"Malamang ay nasa airport na siya ngayon papuntag Malaysa." si Xavier na mismo ang sumagot sa tanong ko.

"Pero..... bakit?" naguguluhan kong tanong mas lalo sa sarili ko.

"Dahil ito ang tingin niyang tama Dustin, lalo na't pinalaya ka na niya." this time si Marvin na ang sumagot.

"No..... hindi siya puwedeng lumayo, hindi niya ako puwedeng iwan, I love him so much." naluluha na ako habang naiisip kong lalayo na sa akin ang taong pinakamamahal ko.

"Pero malamang sa malamang ay nakasakay na siya ng eroplano." ang nanglulumong sinabi ni Marvin para naman akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig mula dito, hanggang mapatingin ako kay Xavier.

"This Xavier Santillan, gusto kong ihanda niyo ang private plane ko pupunta kami ng Malaysia." ang narinig kong sinabi nito sa kausap nito. Nanglaki naman ang mga mata ko sa narinig mula dito.

"Alam mo bang ikaw na ang pinakamabait na brother in law sa buong mundo." ang natatawa kong sinabi dito at nang makalapit ito ay hinalikan ko ito sa pisngi.

"You think you can get away to me like that Jonathan think again." determinado kong sinabi sa sarili.

Jonathan's POV

Narinig ko na ang announcement ng Pilot ng eroplanong sinasakyan ko at ilang sandali nga lang ay naglanding na kami.

Agad kong kinuha ang mga gamit ko at bumaba na sa eroplano, ang bigat ng mga paa ko habang naglalakad patungo sa exit, kahit nagdecide na ako ay mahirap pa din talaga kaya naman ilang beses ko din kinumbinsi ang sarili ko na this is for the best.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa paliparan ay sakto naman na may dumating na Taxi at matapos kong sabihin ang hotel ay pinikit ko sandali ang mga mata ko at pakiramdam ko ilang minuto pa lang ang naitutulog ko ngunit laking pagtataka ko nang makita kong nasa isa akong kuwarto.

Bigla ang pagsalakay ng takot sa dibdib ko sa nangyari, paano kung modus pala ang nasakyan kong taxi, kung saan kukunin nila ang internal organs ko.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng marinig ko ang pagbukas ng pinto, hinanda ko na ang sarili ko sa kung anumang mangyayari ngunit nagulat ako ng makita ko ang taong bumungad sa akin.

"Dustin?" naguguluhan kong sinabi dahil ang buong akala ko ay nasa PIlipinas pa din ito at nagpapagaling ngunit anong ginagawa nito sa Malaysia at base sa paika ika nitong paglalakad ay masasabi kong hindi pa talaga ito magaling.

"Ako nga Jonathan." ang nakangiti nitong sinabi.

"Pero paano anong ginagawa mo sa Malaysi, bakit ka nandito?" ang magkasunod kong tanong dito.

"Ikaw anong naisip mo kung bakit mo ako iniwan?" puno ng hinanakit nitong tanong.

"Dahil ito ang gusto mo Dustin, ang layuan na kita." sagot ko naman dito.

"Iyon din ang akala ko Jonathan ngunit mahal na mahal kita at nang nalaman kong hindi pala totoong may nangyari sa inyo ng kaibigan mo ay doon na ako nagdecide na muling tanggapin ang pag-ibig mo, please tell me na mahal mo pa din ako kahit konti lang." puno ng agam agam ang boses nito habang nakatingin sa akin.

Agad kong tinawid ang maliit na distansya sa pagitan namin at mahigpit ko siyang kinulong sa mga braso ko.

"Buong puso ko ang sayo Dustin, mahal na mahal na kita na sobrang sakit sa akin na iwan ka." madamdamin kong sinabi dito.

"Please patawarin mo ako Jonathan, patawarin....." ngunit hindi ko na pinatapos itong magsalita at agad kong sinakop ang labing labis kong pinanabikan.

Agad naman tumugon ito sa mga halik ko kaya naman biglang nagapoy ang pagnanasa sa loob ko, I want to take him now, I want him to be mine forever ngunit nang marahil maramdaman ni Dustin ang ginagawa ko ay agad ako nitong pinigilan.

"Hindi ka pa ba handa?" tanong ko dito, naiintindihan ko kung hindi pa ito handa dahil willing naman akong maghintay.

"Hindi sa ganoon ang problema lang kasi ay nasa labas ang pamilya ko at nakakahiya naman na paghintayin natin sila." ang natatawa nitong sinabi.

"Pamilya mo you mean Marvin?" tanong ko dito.

"Marvin, dad, Maggie and Tita Anita." ang sinabi nito sa akin.

Bigla tuloy akong kinabahan ng malaman kong makikilala ko na ang Daddy at Ate nitong si Maggie mas grabeng takot ang nararamdaman ko kapag makaharap ko na si Maggie.

"Huwag kang mag-alala paniguradong magugustuhan ka nila." pagpapalakas nito ng loob ko ngunit hindi naging sapat sa akin iyon kaya naman hinatak ko ito at muli itong hinalikan.

"Now I'm ready." nakangiti kong sinabi dito at sigurado akong kaya kong harapin ang lahat basta kasama ito, kasama ng taong pinakamamahal ko.

Continue Reading

You'll Also Like

70.6K 2.5K 36
[[[Completed]]] This is a bromance story so if you're homophobic, you're free to step back. Thanks!!! .............. This is a story about a sweet...
350K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
687 57 5
"Never fall to a guy that makes you feel comfortable." - Liarose Uy Santigo. Paano kong sa motto niyang iyan ni Liarose ay siya mismo ang bumaliktad...
114K 3.7K 56
New start means New Life? Ethan and Riri were settling things in order. Ang pag-iibigan nila ay parang kinulong na may rehas. They were locked and se...