Ethan's POV
I continue kneeling and begging but I can't hear anything but my mom's sobs. But I won't give up, I'm willing to kneel for weeks or even for months if it means they'll help me to find Zenadia. Nanatili akong nakayuko nang may isang pwersa na tumayo saakin. Kahit na nanlalabo tingin ko dahil sa luha, I can still see dad's worry face.
"Stop this already son.." pakusap nya pero sunod sunod akong umiling
"N-No.. No! I won't stop until--"
"Until what? Until you totally broke down? Until you completely lost everything?" tanong nya kaya natigilan ako sandali "Wake up, Ethan! This isn't how your mom and I raised you, you're more than this!"
Kaagad na lumapit si mom at pinigilan si dad but she couldn't.
"Forget her already, that's the best thing to do" mahinahon na sabi ni dad kaya napayuko ako "Don't give up all you have just for a girl. Remember who you are Ethan and your responsibilities! You're a crown prince, the next king of my and your mom's kingdom" aniya bago bumuntong hininga "Don't let your people suffer, and become one of the great leaders of this world" he said with full of authority
Tumalikod na sya saakin pero nakakailang hakbang palang sya ay nag salita ako.
"Don't I deserve to be happy?" tanong ko habang nakayuko
Nagsimula nanamang mamuo ang luha sa mata ko pero hindi ko iyon pinansin at tumingin kay dad kahit na nakatalikod na siya.
"Since I was a kid, I always follow your demands and orders. I achieve all the greatest and become all the most. I didn't even had a time to love someone because I'm too busy doing everything to make you proud and be worthy for the throne. But when I met her, when I met Zenadia.. I started to less care about my crown. She made me the happiest even in every simple ways. And you even admitted that you like her for me" sabi ko sa saka natawa ng mapakla bago pinunasan ang luha ko at napakuyumos ang kamao "Now, tell me dad, don't I deserve to be with someone who makes me happy?"
Sandali syang hindi umimik bago nagsalita ngunit nanatilo pa ding nakatalikod "You'll be engage with the first princess of Lightning Kingdom and marry her. Forget about that lady already and stop imagining that you'll end up with her, ‘cause you won't" aniya at lumabas na ng kwarto
Kita ko kung paano nag alinlangan si mom na lumabas pero sinundan nya pa din si dad. Nang hihina akong napaupo sa gilid ng kama ko at napasabunot sa buhok.
"AHHHHHHH!!!" puno ng galit akong nag palabas ng apoy at binato iyon sa kung saan
Sunod sunod na tumulo ang luha ko pero ang tanging nasa isip ko lamang ang sinabi ni dad. I don't want to be engage with someone else and I don't want to marry other woman except from my Zenadia.
Sunod sunod ang pag tulo ng luha ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko, nang biglang may humwak sa pisngi ko kaya napamulat ako. At tulad kanina, nakita ko nanaman ang mukha ng babaeng pinakamamahal ko.
"You're such a crybaby" then instead of wiping my tears, she kissed it
Mas lalo akong napaiyak dahil sa ginawa nya. I want to hold her but I can't, I don't want her to disappear like she always does.
"W-What should I do?" I asked her
Hinaplos nya ang pisngi ko and everything feels so real. I can feel her warmth and even her presence. Fuck it! This illusion are getting more real.
"Am I being selfish if I tell you to not give up on me?" tanong nya at malungkot na ngumiti
"W-Where are you? W-Why do you keep on l-leaving me hanging and w-waiting for you?" I asked her again.
I fucking looks so crazy taking to an illusion of her, but I don't care. If this is the only way I can talk to her, even to an illusion, I still will.
"I-I'm sorry, I can't tell you right now. But I promise to go back as soon as I can--"
"And when will that be?" kaagad kong pigil ngunit hindi sya nakasagot "M-Miss na miss na miss na kita, gusto na kitang makasama.." sabi ko at hinaplos ang pisngi nya
Nagulat nalang ako nang tuluyan ko syang nahawakan pero hindi pa din sya nag lalaho. I even held her hands but she still didn't disappeared like a bubble being popped. Napaayos ako ng upo at nanginginig na hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"A-Are you real?" I asked like a lost kid
She didn't answer but she smiled at me sweetly. Hinawakan nya ang parehas na kamay ko at inalis iyon sa pag kakalapat sa pisngi nya. She held both of my hands tightly before kissing it.
"Babalik ako sayo.." bigla nua akonh hinalikan sa labi kaya hindi agad ako makapag react "I love you, my prince.." malambing nyang aniya
Bago pa ako makapag salita ay bigla syang naglaho kaya kaagad akong nataranta. Nag madali akong tumayo at luminga linga sa loob ng kwarto ko ngunit hindi ko na sya nakita. Tumakbo ako palabas ng kwarto at nag babaka sakali na makita ko sya but I couldn't find her.
"Ethan?" dinig kong tawag saakin at pagkalingon ko ay nakita ko si Kade. Kaagad syang lumapit saakin pero hindi ko sya pinansin at nag patuloy sa paglingalinga sa paligid "What are you doing? Anong hinahanap mo?"
"S-Si Zenadia.. I saw her" sabi ko at mag lalakad na sana pero pinigilan nya ako
"Y-You saw who!?" gulat nyang tanong
"I saw Zenadia, she was here just a minute ago" sabi ko ulit at inalis ang pagkakakapit nya saakin "Let go of me, Kade" aalis na sana muli ako pero pinigilan nanaman nya ako "Ano ba! Kailangan ko pang hanapin sya!"
"Stop it already Ethan, you're hallucinating her again" sabi nya kaya kunot noo ko syang tiningnan "I always heard you talking to someone that's why I got curious. Palihim akong pumasok sa kwarto mo pero nakita ko na wala kang kasama pero patuloy ka sa pag sasalita"
Mabilis akong umiling at marahas na inalis ang kamay nya "But this time, I really saw her! Naandito talaga kanina si Zenadia. She even kissed my tears and also my hands. She said that she loves me after kissing me.." pag depensa ko but he doesn't seems to believe it. Natawa ako ng mapakla at lumayo sakaniya ng kaunti "You don't believe me, do you?"
Napaiwas sya ng tingin and that answers everything. They think that I'm crazy, they think I'm lying and they pity me.
"All of you, just fucking go to hell" inis kong sabi at bumalik sa kwarto ko.
Malakas kong sinarado yung pintuan at sinigurado na walang makakapasok dito. I created a barrier inside my room that only Zenadia can enter. I don't need them, they don't believe me anyways.
Bumalik ako sa pagkakahiga ko sa kama at pumikit. Kaagad na bumuo sa isip ko ang mukha ni Zenadia and I can't stop thinking about her. Muli akong nag mulat ng mata at tumingin sa gilid ko. Nang bigla ko nanamang nakita si Zenadia na nakahiga patagilid habang pinagmamasda ako.
"Babe.. they don't believe me" pag susumbong ko at tumagilid din ng higa para makita sya ng tuluyan "They think that I'm just hallucinating of you, they think that I'm crazy" sabi ko at natawa
Hindi sya sumagot at nanatiling nakatingin lang saakin habang nakangiti. I stared at her face for the whole time until I fall asleep again.
I don't want to admit it but.. I, myself, really don't know of she's real or not.
Zenadia's POV
I watched him until he fall asleep. Napangiti ako ng malungkot at hinalikan sya sa noo. I don't understand what's happening to him but based on what I heard from Kade, he's hallucinating about me.
I don't know if that's a good thing or not but after I heard how king Emett mentioned that he's going to marry someone else, I want to be selfish. I want him to wait for me, I want him to keep on thinking about me, I want him to still continue loving me despite on what I did to him.
"Just another 10 months.. please don't give up on me" mahinang pag mamakaawa ko
Kasunod nun ang biglaang pag sulpot ni Rose sa gilid ko.
"Kailangang na po nating umalis" pahayag niya
Napabuntong hininga nalang ako at tumango. I broke a rule and I know the 12 Thrones knows about this already, hindi ko na pwedeng dagdagan pa ang kasalanan ko dahil baka maging hadlang na iyon sa pagiging Gratia ko.
For the last time, I kissed Ethan's forehead and whispered I love you to him. Tumayo na ako at inayos ang hinigaan ko kanina para hindi sya makahalata na totoo nga ako.
I will tell him after this but for now, I want him to think that I'm just an illusion. Once I finished my first mission, I promise to go back to Ethan and just be with him even in short period of time. I don't know if this will work but I know I won't give up, even if hell would freeze.
"Rose," tawag ko
"Ano po iyon?"
"You can manipulate things, right?" tanong ko dahil naalala ko na nabanggit nya saakin kanina habang kumakain kami ang kapangyarihan nya
"Opo, bakit po?"
"Pigilan mo ang magaganap na pagpapakasal ni Ethan sa kung sino mang prinsesa, just until I hold the title of being a Gratia" utos ko "But if it's too impossible, then just kill whoever she is, wala akong pakialam kahit prinsesa pa siya. And if you can torture her first, then I give you my permission" madiin kong sabi
No one, no fucking woman can marry him but me.
Dinig kong napabungisngis si Rose pero sumunod nalang din sya. Muli na kaming naglaho at bumalik na sa Alvera para makarating na kami sa Isadas. Ilang oras pa ay nakarating na din kami sa lagusan sa mundo na pupuntahan namin.
Awtomatiko na nag bago ang wangis ko habang si Rose naman ay naging isang kulay pulang ibon at pumatong sa balikat ko. Pagkapasok namin sa lagusan ay isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad saamin kaya napapikit ako at napatakip sa mata.
Nang tuluyan ng makapag adjust ang paningin ko ay tumingin na ako sa kapaligiran. At halos hindi ako makapaniwala sa nasasaksikhan ko. This world.. is totally different.
May mga nag sisilutangan na mga malalaking balyena sa ere na para bang mga nasa tubig. Ang mga puno ay buhay at ang ilan pa ay nag lalakad at nag sasalita habang nag hahanap ng panibagong pwesto sa kanilang pag tataniman.
May nakita akong mga hayop na bago lang sa paningin ko pero sadyang kakaiba sila kumpara sa mga nilalang na madalas kong nakikita sa Magia. Ultimong mga isda ay kulay dilaw na may pagka kulay ginto at umiilaw habang nakalutang din na tila ba ay lumalangoy lang sa tubig kahit na nasa ere sila.
Nag simula akong mag lakad habang palinga linga sa paligid. Kailangang kong dumaan sa kagubatan dahil wala akong makitang bahay sa paligid kundi mga puno lamang at kakaibang mga hayop. Wala din akong nakikitang kahit isang tao o isang nilalang na katulad ko.
Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nag lalakad lakad pero parang walang katapusan ang kagubatan na ito. I don't know this place since this is my first time I got here. Patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa nagutom na ako.
"Let's rest here for awhile" sabi ko at naupo sa ilalim ng isang malaking puno.
Hindi naman kailangan kumain ni Rose dahil nakakain na sya kaninang umaga. Ang nabanggit nya saakin kanina ay isang beses sa isang araw lang daw sila kailangang kumain. Ilang sandali lang ay natapos na din ako at nakapag pahinga sa dali.
But to make sure that we're not really lost, I marked the place where we stopped. Dahil hindi ko pwedeng ukitan ang mga puno dito at hindi ko din pwedeng mag iwan ng kahit anong gamit. I just used the Earth element and created a single white daisy on the ground.
Sa pag lilibot ko dito kanina ay wala akong nakitang kahit anong pamilyar na bulaklak kaya pag nadaanan ko itong daisy mamaya, ibig sabihin ay paikot ikot lang kami dito sa kagubatan.
Muli akong nag patuloy sa paglalakad habang si Rose ay nanatili lang na nakapatong sa balikat ko. Hindi ako sanay sa wangis ko ngayon dahil sobrang liit ko kumpara sa totoong height ko.
Ang bilis ko din na hingalin at mapagod gamit ang katawan na ito pero wala akong magagawa dahil hindi namin pwedeng gamitin ang totoong wangis namin.
Ilang sandali pa ng pag lalakad namin ay tama nga ang hinala ko. Nag squat ako ng kaunti at hinawakan ang bulaklak na ginawa ko kanina lang. Paikot ikot nga lang kami sa kagubatan na ito kaya kanina pa kami hindi makalabas.
Nagulat ako nang biglang nabuhay ang mga puno sa paligid at muling nag iba ang pwesto nila. Damn it! That explains why we got lost. It's not because we're new here, but because of these freaking trees. They keep on changing their locations and sometimes, its blocking the way out to this forest.
"Are you lost?" napalingon ako sa likuran ko
Bumungad saakin ang isang babae na may puting buhok, silver na mata, mala-nyebe na kutis at maamong mukha. May hawak hawak siyang bell o isang maliit na kampana habang nakaupo sa isang may malaking isda na tukad ng nakita namin kanina ay lumulutang sa ere na may kulay na dilaw at ginto.
Tiningnan ko ang mata ng babaeng kaharap ko nang makalapit siya saamin habang nakaupo pa din sa isda. Tumango ako bilang sagot dahil hindi ko naman siya pwedeng pagkatiwalaan kaagad.
"Baguhan ka siguro sa mundo namin" aniya at nauna "Sumunod ka at ipapakita ko sayo ang labas ng kagubatan"
Sa bawat pagdaan nya ay kaagad na tumatabi ang mga puno na tila ba nag bibigay saan sakaniya. Napansin ko din ang pasimpleng pag yuko ng mga hayop na makakasalubong namin sakaniya.
Tumigil ako sa pag lalakad at mukhang napansin nya kaagad iyon ngunit nanatili siyang nakatalikod habang sakay sakay sa isang isda.
"You're the lady of nature, aren't you?" tanong ko
Humarap sya saakin na tila humahanga bago ngumiti "Magaling" aniya at bumaba
Naglakad sya papalapit saakin at sa bawat kahbang nya ay mahinannyang pinapatunog ang hawak hawak nyang kampana. Napangiwi ako dahil sa nakakabinging tunog na nililikha nito.
Napahawak ako sa ulo ko dahil nag eecho sa utak ko ang tunog ng kampana.Nakapikit na din ang isa kong mata at nag sumula na akong pawisan ng malamig.
"Mas mahina ka pa sa inaasahan ko. Paano ka magiging Gratia sa ganyang kalagayan mo? Mukhang mali ka ng desisyon na pinili, babaeng may lilang mata" walang emosyon na aniya
Damn it! This is crazy.