Simoun: The Aggressive Man Ch...

By xxakanexx

4.3M 136K 26.1K

Simoun Paul Azul is lost. Buong buhay niya ay may hinahanap siyang isang parte ng buhay niya na bubuo sa kan... More

Simoun Paul
Prologue: She knew
Challenge # 1
Challenge # 2
Challenge # 3
Challenge # 4
Challenge # 5
Challenge # 6
Challenge # 7
Challenge # 9
Challenge # 10
Challenge # 11
Challenge # 12
Challenge # 13
Challenge # 14
Challenge # 15
Challenge # 16
Challenge # 17
Challenge # 18
Challenge # 19
Challenge # 20
Challenge # 21
Challenge # 22
Challenge # 23
Challenge # 24
Challenge # 25
Challenge # 26
Challenge # 27
Challenge # 28
Challenge # 29
Epilogue: Challenge # 30

Challenge # 8

143K 4.3K 513
By xxakanexx

"I told you, we are done."

I almost rolled my eyes when I saw Lukas Consunji entered my hospital suite. Mukhang hindi naman siya natinag sa sinabi ko. He left the door opened and a woman entered too. Kilala ko ang babae, her name was Sheena Consunji. She was friends with my mom when she was alive. Madalas kong marinig kay Mom noon na nagkikita sila ni Sheena sa mga charity events noon. There was one time that I picked my mom up and she was there. Alam ko kung ano ang relasyon niya sa mga Consunji noong mga oras na iyon -- my mom knew it too -- of course they were friends pero hindi na ako nagtanong.

"Apollo knew him, Luke." Nakangiting wika ni Sheena sa akin. I imagine her to be as glamorous as my mom if she is alive today.

Lukas slowly turned his head to Sheena. Questions strated flowing in his head. Hindi ko kailangan makita ang utak niya para malaman na napuno ng tanong ang isipan niya. I guess his children didn't tell him about the pendant I acquired from her wife. Ngumisi lang ako sa kanya. He looked at me.

"You knew my wife?" What he said gave me goosebumps. Napailing na naman ako. Ayoko talaga ng presensya ni Lukas sa buhay ko. I was just lying on the bed while looking at him. Iniisip ko kung bakita pa siya nagpunta dito. Tapos na ang usapan namin kahapon pa. Hindi ko kailangan ang kahit na ano mula sa kanya.

"Dalawang beses pa lang tayong nag-uusap pero lalo lang nadaragdagan ang galit ko sa'yo. Umalis ka na."

"I'm a Consunji. You don't get to tell me what to do." He said to me. Napataas ang sulok ng bibig ko. Napipikon ako. Gusto kong saktan si Lukas Consunji. "I will come here whenever, wherever I want. I am your father - no matter how odd that sounds, I am your father and you are my son." Palakad-lakad siya sa harapan ko na para bang natetensyon. Tinitingnan niya ako panaka-naka. Napapatingin naman ako kay Sheena Consunji na nakangiti lamang sa akin. Wala ba silang ibang sasabihin? Bakit pa sila nagpunta dito kung wala naman siyang sasabihin at uulitin niya lang sa akin na anak niya ako. Hindi ko kailangan marinig ang mga bagay na iyon dahil ayos na ako.

"But I need formality." Biglang wika niya. He looked at Sheena. "Do you see him? Does he look like me?"

"Yes, Luke. Siguro pati ugali, kamukha mo din." Nakangisi si Sheena sa akin. Napapailing ako. Can't they do this some other place?

"Yes, I see the resemblance, but just to be sure..." He said. Alam ko na kung saan tutungo ang usapang ito.

"You want a test?"Nanghahamon ako. Wala namang masama sa gagawin niya. Noong araw na nalaman ko na lumabas na ang katotohanan ay naisip ko na agad ang DNA test. Alam kong hihingi siya noon sa akin.

Bumunot ako ng piraso ng buhok ko at umabot ng tissue, ibinalot ko doon ang buhok ko. Kinuha ko rin ang isang cotton bud tapos ay ipinaikot iyon sa bibig ko. Ibinalot ko rin iyon sa tisyu at ibinigay sa kanya. "That's my sample. Bumalik ka na lang dito kapag may result na. After that, we call it quits. I don't need a father. I already have one and he is the father that I needed -- of course, I'm talking about Ledesma, Consunji. He's all the father that I need. Now please leave. I don't want to be rude, but please leave."

Matagal siyang nakipagtitigan sa akin. Hindi rin naman ako nagbabawi ng tingin, sa huli ay umalis na din siya dala ang mga samples na bigay ko. Wala akong pakialam kahit na sabihin niya na negatibo ang resulta ng test. Alam ko ang katotohanan. Kilala ko ang sarili ko at alam kong hindi ko siya kailangan.

Ilang minuto pag-alis ng mga Consuji ay ang siyang pagdating ng mga kaibigan ko. Una kong nakita si Axel John na may dalang cake na may nakasulat na We're sorry and we miss you SP! Get well soon!

Si Ido naman ay may dalang dilaw na teddy bear na may hawak na puso na nakalagay din ang salitang I'm sorry. Mahala na mahal kita, Babes! Hindi ko alam kung tatawa na ako o mas lalo pang mayayamot sa kanila. Sumunod naman na pumasok si King David at si Judas na may dalang isang bouquet ng Ferrero Rocher. Si King David naman ay may hawak na banner na may nakalagay na SP, Fuck you! Go after Arruba already.

"It's never gonna happen, KD. I don't love her." Mabilis kong sagot. Napatawad ko na sila. Wala naman akong ibang choice kundi ang pagbigyan sila. Naisip ko na para sa akin nga siguro talaga ang ginawa nilang lahat. Para sa ikabubuti ko. Maybe all of them wanted the mystery to end. Kahit naman ako ay ayoko na ng sikreto, sisiguraduhin ko na lang na may distansya sa pagitan ko at ng mga Consunji.

"Pare, na-miss kita!" Ido rushed to hug me. Napaigik ako dahil natamaan niya ang balikat ko.

"Putang ina mo! Masakit! Gago ka!"

The door opened again. I smelled Leira's perfume and it ticked me off. Itinulak ko si Thaddeus palayo sa akin at saka ako tumikhim. Hinintay ko siyang pumasok sa mismong kwarto. Siguro ay may inilagay siya sa maliit na sala ng kwartong iyon. Binilang ko ang mga hakbang niya at nang ika-anim na hakbang ay nakita kong sumilip siya sa divider ng silid.

"Hi, boys! I brought food!" Parang magic word ang sinabi ni Leira. Nag-alisan ang mga kalalakihan at naglipatan sa kabila upang kumain. Naiwan kaming dalawa. She loooked different today. She was wearing a floral sleeveless flowey shirt and a pair of cute shorts. Naka-sandals siya at nakaladlad ang mahaba niyang buhok.

"Summer na summer ang peg! Anong meron?" Biro ko sa kanya. I was looking at her and I realized that I really need to open up to someone else other than my friends. My friends are my comfort zone. Sa kanila ang takbo ko kapag ayoko ng mga nangyayari sa buhay ko pero tama siya na hindi sa lahat ng pagkakataon nandyan ang mga taong ito para sa akin. They have their own life to live and I have mine at hindi pwedeng sa lahat ng oras ay on call sila sa akin. I have Arruba but I love her and I don't want my feelings to get involve with her especially now that I know how David must feel about her.

I have to keep my distance.

"Pume-peg ka na ngayon ha!" Nilapitan niya ako. She was smiling at me and somehow, for some reason, that smile melts away all my walls, I've let my guard down. Leira, isn't so bad after all.

"Do you know how to drive?" I asked.

"Yes. Why?" Hinaplos niya ang balikat ko na natamaan ni David kanina.

"I need you to get me to somewhere. Now."

Matagal niya akong tinitigan tapos ay huminga siya nang napakalalim.

"Kaya nawala ang schedule ko dahil sa'yo."

Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin doon pero napangiti na rin ako.

----------------

I cannot believe that I let a man escape the hospital. Kinakabahan ako hanggang ngayon. Iniisip ko kung paano ako kapag nahuli kami. Maraming CCTV sa ospital. Baka isipin nila tinakasan ni Azul ang bills niya! Pinipilit akong kumalma ng lalaking sira ulo pero kinakabahan talaga ako.

"Babalik ako, 'wag kang kabahan. I still need therapy. A nurse told me once to not skip therapy." I looked at him and I saw his eyes being melodramatic and stuff. I just pout my lips. Ako ang nagmamaneho. Sinabi niya na ideretso ko lang daw ang sasakyan. Hindi pa naman niya sinasabi sa akin kung saan kami pupunta, pero alam ko na hindi niya ako pababayaan kaya hindi na rin naman ako nag-aalala. Injured or not injured, he will do everything just to pretect me. I sounded so involve with him - I am involve with him- pero sa mababaw na lebel lang.

Pinadaan niya ako sa Dang-wa para mamili ng mga bulaklak. He asked for a white rose and a red rose. Tig-isang piraso lang ang binili ko tapos ay sinabi niya sa akin na pupunta kami sa Eternal Cemetery. Napatitig ako sa kanya. That was the moment when I realized that we're about to visit someone who died - maybe a loved one...

Maybe his mom.

At hindi ako nagkamali. Nakasaklay si Azul at ako ang umaalalay sa kanya. Humantong kami sa isang puntod malapit sa ilalim ng puno ng Narra. Inalalayan ko siyang maupo roon. The name engrave at the grave is Olivia Maria Azul - Ledesma: A loving mother, wife and a kind hearted person.

"She's my Mom." Azul spoke. "She died when I was sixteen. Cancer." I braced myself to whatever is coming to me. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag nagiging emosyonal ang isang lalaki. "She dated Lukas Consunji back in the days, they had sex many times which led to me as a result." Huminga pa siya nang napakalalim. Napilitan akong maupo sa tabi niya at makinig. Gusto kong makinig. Maybe he took my advice to finally let someone in and he wants that someone to be me. Naniniwala ako na hindi masama si Azul. Naniniwala ako na may kabutihan siya sa puso at iyon ang nakikita ko sa kanya ngayon. He sounded so sad and I want that sadness to go away. I don't know why I suddenly have the urge to care for him. I just have it and if I don't use it, masasayang iyon.

"She could've told him, Leira. Pwede niyang sabihin but she chose his happiness over ours. I needed a father back then, and to give it to me, he married Ledesma. Wala akong reklamo pero mas maayos sana kung sinabi niya din sa kanya ang totoo. I don't blame my mom..." Wika niya pa sa akin at naniniwala ako. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi siya nakakaramdam ng kahit na anong galit sa kanyang ina.

"You know, Ledesma is a good dad. He took me to my first basketball game with the twins, he took me to my first R-rated movie, he gave me a woman to divirginize me. it's actually funny but the fact that despite everything that's happening to me back then with my step dad, I couldn't fool myself. Hindi ako masaya, Leira. Gusto ko ng atensyon ng totoo kong tatay."

"Why are you telling me this?" Hinawakan ko ang kamay ni Azul at pinisil iyon. Gusto kong maramdaman niya na kaya kong makinig sa kanya, na pwede niya akong gawing kaibigan. "Azul, nandito na siya. I think that him being here means that he wanted you to be a part of his life and his family. Sure, may gusot pa kayo ngayon pero maayos iyon at makikita mo na gusto ko nga niyang makilala. Bakit hindi mo ibigay sa kanya ang panahong ito bilang unang taon ng buhay na kasama mo siya? I'm sure that he can be the father that you need. You love him - walang anak na hindi mahal ang magulang. Kahit na gaano pa tayo kagalit sa magulang natin, alam mo sa sarili mo na may pagmamahal kang nararamdaman sa kanya. Gamitin mo ang pagmamahal na iyon para mapatawad mo siya. You are both victims here. Biktima kayo ng isang desisyon ng nakaraan na bumago pareho sa buhay ninyo. Walang may gusto nito, Azul..."

Nakatingin siya sa akin. Hindi ko sigurado kung nakikinig nga ba siya sa mga sinasabi ko o iniisip niya na napakaepal kong tao at kung ano-ano ang sinasabi ko sa kanya. Wala naman kasi ako sa lugar. Hindi ko rin naman alam kung gaano kasakit ang pinagdadaanan niya. Gusto ko lang siyang samahan sa ngayon.

"You remind me of someone." He smiled and touched my face. Nagulat pa ako sa ginawa niya kaya bahagya akong lumayo sa kanya. Nakadama kasi ako ng kung anong init nang dumampi ang palad niya sa pisngi ko.

"S-sino?" There goes my stutter again.

"My mom." He smiled. "If she's alive, she would tell me exactly what you had just said to me. Kaya ka pamilyar sa akin. It's because of my mom and that trait of yours. I missed her, Leira. It would be a lot better if she's here. I will never be the bad man that I am if Mom is here."

"You are not a bad man..."

"I am, Leira. I have done unimaginable things. So you better stay away..."

---------------------

A week later...

Apollo Consunji's mansion

"I will only apologize to him if and only if he is really our blood. Ilang beses ko na bang sinabi? Hindi ko kapatid ang taong iyon. Wala tayong kapatid sa labas! Even our father disapproves of him. He asked for a DNA. Ibig sabihin hindi naniniwala si Papa sa kanya."

I closed my eyes as I hear Hera Consunji - my daughter yell at her brothers from inside my bedroom. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang hawak ang sobreng kulay puti na galing sa Genesis Labaratories. It's been a week and today is the day when I will read the results. I could do that inside their premises but I had to do it alone today. I stood up and took my keys.

"Pa?" Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ako ni Bathseeba. Karga niya ang apo kong si Telulah. Agad akong napangiti. She's pregnant again and I know that Ares is taking a good care of her and their baby. "Saan po kayo pupunta?"

"Emergency meeting at the office. Tell your siblings not to wait for me." Nilagpasan ko siya at dumiretso sa sasakyan ko. Bago ako makasaya ay tinawag naman ako ni Artie. She run to me.

"Papa Lukas saan ka pupunta? Pupuntahan mo ba si Lolo Tatay Sancho saka si Lolo Daddy Adam? Sama ako gusto ko makalaro si Ate Hyan kahit na para siyang si Elsa noong hindi pa sila bati ni Ana. Kasi naman Papa hindi niya ako masyadong kinausap. Mas gusto niya pang magbasa ng libro kesa maglaro kami ng ten-twenty. Alam mo ba Papa, naglaro kami noong isang araw kasama namin si Hyron pero sabi nila sa akin ang wierd ko daw hindi daw nila ako maintindihan kasi daw boyish ako at hindi daw ako proper. Papa ano pa iyong propker? Kapag iyong mga taga kanto ang kalaro ko walang proper. Sabi ni Hyan sa akin lalaki daw akong walang breeding. Diba iyong breeding iyongh nilalagay sa fried chicken ni Mama Nina! Sama mo ako!"

Hinagkan ko si Artie sa noo ay saka lumuhod sa harapan niya. Everytime I look at Artie, it's like seeing Apollo grow before my eyes and I love my grand daughter dearly. She is my favorite because she is the spitting image of my Apollo. And that's what I need right now, the presence of my Apollo.

"I'm going to Mama Apollo's grave. You can't come, baby. But tomorrow, I'll take you. Okay? Now, go inside and playe with your sister. I love you."

Tumayo ako at sumakay na sa kotse ko. I drove fast while listening to Apollo's favorite song. I have her last letter inside my pocket. Sa tuwing naaalala ko siya ay binabasa ko ang sulat upang maibsan ang pangungulila ko. Many times, I prayed to the Lord above to take me away so I could be with her but every damn time I open my eyes in the morning, I hated life. I hate the fact that she's not with me.

I lover her. I am never unfaithful to her. Kahit ako ay hindi ako makapaniwala na nagawa kong maging faithful sa kanya. Ako pa ba naman... But because of her I became a better man.

I parked my car in front of the mausoleum and when i got inside I stood in front of her grave.

"Hey, it's me..." I smiled and touched her names as if I am touching her cheeks like the old times. "Babe... I didn't know..." Wala na sa harapan ko si Apollo pero hirap na hirap pa rin akong sabihin sa kanya ang totoo. It's like the scandal thing all over again. Ayoko siyang masaktan pero alam kong wala man siya din ay masasaktan ko siya.

Knowing about the presence of Olivia's sone confused the hell out of me. Sa paano paraan? Bakit hindi niya sinabi kung akin talaga? she could tell me! Gumagalaw kami sa iisang circle, sa iisang mundo. When I saw her with Ledesma, she told me that they had three sons, a pair of twins and a boy names Paul and after almost twenty-years, malalaman kong akin ang bata? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Sheena told me Apollo knew Simoun Paul. Why did Apollo kept it a secret? We tell each other everything. Ang dami-dami kong tanong at ang mga taong makakasagot ng tanong ko ay wala naman na dito.

"I didn't know about him, Apollo. I just... I'm still not sure..."

Kinuha ko sa bulsa ko ang sobre na naglalaman ng DNA results ni Azul. Nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahang binubuklat iyon. I slowly read what was written inside and my chest throbbed with pain when I read the word: 99.9% POSITIVE.

I broke down in front of Apollo's grave and cried like I did when I lost her that day.

"F-forgive me, Apollo. I-I didn't know. F-forgive me..." I let it all out. I let myself go. "I didn't know..."

Continue Reading

You'll Also Like

190K 5.6K 36
#PLAGIARISM IS A CRIME PROLOGUE Catholic High - is a prestigious school for catholic students only. Father Director (ang namamahala sa school na ito)...
292K 7.2K 74
She is accidentally mistaken as another girl or should I say as a princess who is in line for the prince's heart. Ten girls. Three challenges. At fir...
70.6K 1.6K 35
Formerly Twisted Happiness (Season 2). Book 2 of the #SanLie Trilogy. #THS2. "Falling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is...
197K 4.3K 86
COMPLETED!!! NOTE: Madaming typo grammatical errors dito, masyadong cringe basahin. :))) Hindi ko pa 'to naeedit. Highest Rank/s: #1 PROBINSYANA - I...