Learn To Love Again (Boyxboy)

By jwayland

332K 9.1K 903

After bumalik sa Canada two years ago ni Dustin ay kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas kahit labag sa kal... More

After Two Years
The Wedding
Can't Wait to Go Back
Home Sweet Home
Responsibilidad
Rebelde
I Lost My Virginity.....
Failed to Be a Goodboy
A Complication
What The F?!
Fly Like A Bird
Revenge is Sometime Salty
Pag-amin
Missing Him
Siya Ulit!
New Home
Meeting Alexander Villanueva
Game Over
New Guy
Hindi Pa Tamang Panahon
Time to Find My True Love
Are You In Drugs?!
My Abductor
Stranded
Restraint
This Is The End
You Get What You Want
The Right Choice
Living With Andrei Montevista
Unexpected Meeting
Walk A Tight Rope
The Escaped
The Brawl
A Promise Of Forever
Special Chapter

Three Days

6.7K 189 17
By jwayland

Magandang hapon guys still rest day kaya patuloy sa pagdadraft nakakatuwa tuloy tuloy ang idea na pumapasok sa isip ko, hindi ako magtataka kung matapos ko siya ngayon or bukas hehehe, after more than 5 months nagweekday off na naman kami ang saklap lang pero ganon naman talaga ang kalakaran sa BPO industry.

Picture of Dustin Wills on the right=======>>>>>>>>

Song is A Different Beat by Boyzone

===============================================================================

CHAPTER THIRTY

Dustin's POV

Can't believe it's been three days since nagdecide akong makituloy kay Andrei and so far puro magaganda lang ang naging pakikitungo nito sa akin, hindi pa nito naibabalik ang pagiging pilyo nito nang una kaming nagkita.

Maaga akong gumising para naman ako naman ang maghanda ng almusal naming dalawa, sobrang nakakahiya na naman na lagi na lang ako nitong pinagsisilbihan eh hindi naman ako imbalido para gawin niya iyon, kaya naman wala pang alas cinco ng umaga ay bumangon na ako at agad dumiretso sa kusina nito.

"Ano bang masarap iluto?" sa loob loob ko ngunit alam ko naman ang capabilities ko kaya naman pinili ko na lang magluto ng bacon, egg, salami at dahil may natirang kanin pa mula kagabi ay naisipan ko na din magsangag, magaan sa loob ko na gawin ito dahil at least maipapakita ko ang pagpapasalamat ko sa hospitality nito sa pag-stay ko sa bahay nito.

Bandang mag-aalas sais ng umaga nang marinig ako ng yabag ng mga paa at ilang sandali nga lang ay dumungaw na ang ulo ni Andrei.

"Don't come any closer, let me finish it." pagpigil ko dito nang akma itong papatigilin ako sa pagluluto at mabuti na lang at hindi naman na ito nakipagtalo, naiiling na lang ito na umupo sa hapag-kainan habang hinihintay akong matapos na makapagluto at ilang minuto nga lang ay natapos din and I'm quite satisfied sa kinalabasan ng luto ko.

"Let's dig in." ang masayang sinabi ko dito at ilang sandali nga lang ay magana na nitong nilantakan ang mga hinanda ko, pinilit kong huwag lumabas ang ngiti sa mga labi ko dahil nakikita kong nagustuhan nito ang pagkain na hinanda ko para dito.

"You...... know Dustin... hindi mo naman kailangan gawin ito eh, bisita kita kaya obligasyon kong pagsilbihan kita." ang namumuwalan nitong sinabi at muntik na nga itong maubo dahil sa sunod sunod nitong subo mabuti na lang at naagapan ko agad itong bigyan nang tubig.

"Hindi mo naman kasi kailangan magmadali, at wala lang gusto lang kitang ipagluto." ang sinabi ko dito.

"Mag-ingat ka baka naman mawili na ako sa luto mo at hindi na talaga kita pakawalan diyan." biro nito ngunit nararamdaman kong may halong katotohanan ang sinabi nito na tinawanan ko na lang dahil ayokong bigyan ito ng pag-asa dahil wala naman kasiguraduhan sa buhay na ito.

"Kumain ka na nga lang." ang natatawa kong sinabi naman dito at nagpatuloy na din akong kumain at matapos kumain ay tinangka kong ligpitin ang mga pinagkainan namin ng pigilan ako nito dahil ako naman daw ang nagluto kaya siya na ang bahala sa paghuhugas ng mga pinggan, hindi na din ako tumanggi at lumabas na muna ng bahay para makapagpalaglag ng kinain, naalala kong matagal na pala akong hindi nakakapag gym kaya mamaya itatanong ko kung may malapit ba na gym sa lugar na ito.

Ilang sandali lang ay umupo na si Andrei sa bakanteng silya na nasa maliit na hardin ng bahay nito, medyo mamasa masa pa ang kamay nito sa ginawang paghuhugas ng mga pinggan.

"Maraming salamat sa almusal." ang nakangiti nitong sinabi sa akin.

"Walang anuman iyon, iyon man lang magawa ko para ipakita ang pagpapasalamat ko sa pagpayag mong mag-stay ako dito." sagot ko naman dito.

"Bilang pagsukli ko naman sa ginawa mo, iniimbitahan kitang gumala mamaya." excited nitong sinabi at agad akong napailing dahil wala ako sa mood na gumala.

"Huwag na Andrei sobra sobra na ang pinapakita mong kabutihan sa akin at hindi mo naman obligasyon na pasayahin ako." patuloy ako sa pagtanggi sa gusto nito.

"Sige na gusto ko din naman ito, don't worry it's not a date date, it's just a friendly date, sige ka kung hindi ka pumayag iisipin kong hindi ka nag-eenjoy sa company ko." pangblablackmail nito at hindi na din ako nakatanggi dito at pumayah na din ako sa gusto nito, napagdesisyunan namin na bandang hapon na mamasyal.

Nakangiti na itong tumayo dahil napapayag na din ako nito sa gusto niya ngunit bigla ko itong pinigilan nang may maalala akong gusto ko nga palang itanong dito.

"Andrei wait." tawag ko dito.

"Bakit?" nakangiti pa din nitong tanong na mukhang hindi na maaalis ang ngiti sa mga labi nito.

"May alam ka bang malapit na gym dito?" tanong ko dito.

"Meron, ten minute walk from here kung gusto mo sasamahan kita bukas na bukas din." sagot naman nito at nagpatuloy na ito sa pagpasok.

Minabuti ko na munang maglinis ng bahay ni Andrei, since sinimulan ko na ay ituloy tuloy ko na din kahit na nga ba anong pagpipigil sa akin ng binata ay hindi ako nagpaawat kaya naman ito na ang nagluto ng tanghalian namin ng matapos akong maglinis ng bandang mga alas dies ng umaga.

Maaga na kaming kumain ng tanghalian para na din daw makapagpahinga na muna ako bago ang friendly date namin kaya naman sinunod ko na lang ito, sandali akong nagbanyos at agad din akong nakatulog bandang alas tres nang magising ako sa mahihinang katok at nang buksan ko ay nakita kong nakahanda na si Andrei samantalang ako ay nakasuot pa din ng pambahay ko kaya naman dali dali akong naligo at nag-ayos dahil ayoko naamn na paghintayin ito ng matagal.

Mga fifteen minutes lang siguro ang ginugol ko sa pag-aayos at ilang sandali nga lang ay sakay na kami ng kotse nito na nakapark naman sa tapat ng bahay, maliban kasi sa motor nito may isa pa itong kotse.

"Ready?" tanong nito sa akin na tinanguan ko lang at ilang sandali nga lang ay patungo na kami sa SM CIty Masinag kung saan kami kakain at manonood ng sine, sakto naman at palabas na ang The Fast and the Furious seven kung saan ang huling movie ni Paul Walker.

Bandang mga five thirty pa ang ticket na nabili namin kaya naman naisipan naming maglibot libot na muna sa naturang mall, sakto naman na may nadaanan akong sport equipment kaya bumili ako ng gagamitin ko sa pagdigym.

"You sure are concious about your body." komento ni Andrei sa akin.

"Nagsalita ka naman, tignan mo ang ganda nang katawan mo." puri ko naman dito dahil totoo naman na maganda ang hubog ng katawan nito.

"Do you think so?" biro nito at talagang tinaas pa nito ang suot na tshirt para lang ipakita sa akin ang abs nito, napansin kong may mangilan ngilan na tao ang biglang napatingin sa katawan nito at ilang mga pamacho ang hindi napigilang maglaway sa katawan ng binata.

"Ibaba mo na nga yan at baka magkariot pa." sawata ko naman dito dahil nakakahiya nasa public place pa naman kami.

At ang mokong natatawa naman na binaba iyon, at dahil medyo maaga pa ay nagdecide kaming kumain na naman at napili naming sa fast food na lang kumain dahil malamang sa malamang pagkatapos ng movie ay hapunan na.

Nag-order lang ako ng burger at fries samantalang ito ay nag-order naman ng two piece chicken at dalawang rice.

"Akala ko ba light lang ang kakainin natin?" nanunudyo kong tanong dito.

"This is light meal for me." ang sagot naman nito na agad nilantakan ang inorder, habang naghihintay ay nagkuwentuhan muna kami ng tungkol sa mga bagay bagay sa buhay namin, hanggang umabot iyon sa usapin sa mga naging karelasyon namin ngunit kapansin pansin na parang may iniiwasan itong topic patungkol doon na hindi ko na pinilit.

Around five ay tumungo naman kami sa grocery para bumili ng kutkutin namin habang nanonood ng sine, bumili itong ng pringles samantlang ako ay nagdecide na bibili na lang ng pop corn sa mismong sinehan.

At bandang five twenty ay nagsimula na silang magpapasok sa naturang cinema, nasa bandang dulo kami dahil ayokong makaistorbo kapag kinailangan kong pumunta ng banyo at ilang sandali nga ay nagsimula na ang movie sa kalagitnaan ng movie ay naramdaman ko ang braso ni Andrei na umakbay sa akin na agad ko din inalis.

Sobrang ganda ng movie too bad nga lang at hindi na makakasama si Paul Walker kung magkaroon pa ng panibagong Fast and the Furious.

At katulad ng inaasahan ay past seven na din natapos ang movie at katulad dati ay kumain na din kami akala ko nga uuwi na kami pagkatapos non ngunit nag-aya naman si Andrei na magbar na muna kami.

"Puwede bang umuwi na lang ako?" tanong ko dito dahil medyo napagod na ako sa ginawa naming pamamasyal.

"Sige na sandali lang tayo Dustin may gusto kasi akong matikman na alak para sa bar ko." pakiusap nito kaya wala na din akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon.

Pagdating sa naturang lugar hindi kalayuan sa mall ay agad itong nag-order ng iba't ibang klaseng alak para sa dalawa.

"Ano ba naman yan Andrei hindi naman ako iinom eh." reklamo ko dito na tinawanan lang naman nito.

Hindi nasunod ang plano naming sandaling pagstay sa naturang lugar lalo na't mukhang naenjoy nang masyado ni Andrei ang pag-inom, bandang alas dose ay hindi na talaga ako pumayag na magtagal pa kami kaya naman akay akay ko na ang lasing na binata at ako na din ang nagdrive ng dala naming kotse.

Pagkadating sa bahay ay sobrang hirap ang pinagdaanan ko para lang maiakyat ang halos wala nang malay na si Andrei at malapit na kami sa kuwarto nito nang bigla itong muntik nang mapabagsak mabuti na lang talaga at nasalo ko agad ito ngunit laking gulat ko nang biglang tumakip ang bibig nito sa bibig ko, nalalasahan ko pa ang iba't ibang alak sa hininga nito.

"Andrei.....stop." pagpupumigil ko dito ngunit nagulat ako sa lakas na nararamdaman ko nang nagpupumilit pa din itong sakupin ang labi ko na pilit kong iniiwas at nang tignan ko ang mga mata nito ay doon ko lang napagtanto na nakamulat na pala ang mga mata nito at labis ang naramdaman kong pagkabahala ng makita ko ang nag-aapoy na pagnanasa doon.

Mahigpit ang pagkakayakap nito hanggang mapaibabawan na ako nito at mahawakan na nito ang dalawang kamay ko.

Inipon ko ang lakas ko at ilang sandali lang ay nawala na sa ibabaw ko ang naturang binata na halatang nahimasmasan sa nagawa.

"So....sorry Dustin...." hindi ko na hinintay ang sasabihin nito at dali dali akong pumasok sa kuwarto ko, hindi ko maiwasang hindi matakot lalo na't pangalawang lalaki na itong gumawa sa akin ng bagay na iyon.

Biglang parang nanghina ang mga tuhod ko sa nangyari, ramdam ko pa ang labi ni Andrei at nang mapatingin ako sa mga kamay ko ay nakita ko pa ang bahagyang pamumula noon mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Andrei kanina.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 293 18
Zyron Umuziyaki is a freshman student in Revlon College. He is introvert, shy and the top of that, lack of confidence. Bukod sa pagiging pandak, isa...
11.9K 1K 32
Ang kwento ito ay tungkol sa isang simple, and problematic person na laging naka ngiti kahit anong problema ay hinaharap nya at di nya namalayan na m...
74.2K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.1M 61.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...