Repost : New Era {under final...

By jinstal

6.6K 252 114

Lips lie but eyes doesn't. 121413 - xxx More

Prologue
Chapter 1 - Ruined Moment
Chapter 2 : Confessions of a Sinner
Chapter 3 : Again and End
Chapter 4 : The Second Version
Chapter 5 : Mopery
Chapter 6 : How the beast returns
Chapter 7 : Hidden secrets
Chapter 8 : Hide and seek
Chapter 9 : Compared to an egg
Chapter 10 : At its finest
Chapter 11 : Guilty Pleasure
Chapter 12 : Victims of the slaughter
Chapter 13 : Power of a visual
Chapter 14 : Case closed
Chapter 15 : Pyscho's Scythe
Chapter 16 : Missed me?
Chapter 17 : Butterfly's pandora
Chapter 18 : Broken promises
Chapter 19 : Another monster
Chapter 21 : Law of the jungle

Chapter 20 : Ending's paranoia

100 5 2
By jinstal

20 :: Ending’s paranoia.

--------------------------------------x

HARA’s POV

“What the heck are you saying, Hara? Another monster?!” Sigaw ni Arch habang inaalog ang magkabila kong balikat. Pero kahit anong pag-alog ang gawin ni Arch sa akin ay hindi maalis sa isip ko na bumuhay ako ng isa pang demonyo. Isang demonyo na maaaring sumira muli sa buhay ko at sa buhay naming lahat.

Alam ko na kung sino ang maaaring sumira sa buhay namin. Alam ko na kung sino kina Cassandra at Gabriel ang demonyo. Napakalaki kong tanga na pinili kong putulin ang buhay ni Jade. Napakatanga ko.

“Hara, please don’t say that Cassandra is one of the killers..”  Pakiusap ni Arch pero umiling nalang ako bilang sagot sa katanungan nito. “Cassandra is going to kill Shaun!” Sigaw ko kay Arch muli.

Malinaw na sa akin ang lahat. Si Jade at si Cassandra ang pumapatay. Si Jade ang Born Killer at si Cassandra ang Made Killer. Si Gabriel lamang ang pwedeng naming pagkatiwalaan ngayon.

“Pero Hara, paano kung silang tatlo ang pumapatay?” Bulong ni Arch na siyang bahagya kong ikinagulat. Bakit hindi ko iyon naisip? Pero ang sinabi ni Charline ay isa lang ang inosente sa kanilang tatlo? Paano?

“Gabriel loves Cassandra and he will do anything for her. Pag naging demonyo si Cassandra, magiging demonyo din si Gabriel.” Sambit ni Arch kaya agad na nanlaki ang dalawa kong mata. P-putangina.

Hindi pumapasok sa isip ko ang mga nanyayari at ang mga sinasabi ni Arch sa akin kaya hindi ko namalayan na nagkaroon na ng ilaw. Agad akong tumakbo papunta sa Detention Room. Bubuksan ko sana ang pintuan nito pero naramdaman ko nalang ang panlalamig ng buo kong katawan nang hindi ko ito mabuksan. Naka-lock ang pintuan!

Agad kong kinalampag ang pintuan at mas lalo akong kinabahan nang may narinig akong malamig na boses mula sa loob. At hindi ito boses nina Rylle at Shaun.

“Rylle! Shaun!” Impit na sigaw ko mula sa labas ng Detention Room. Diyos ako, nawa’y nasa maayos na kalagayan ang mga kaibigan ko.

RYLLE’s POV

“Shaun..” Pagtawag ko kay Shaun at agad din itong tumingin sa akin at ngumiti. Naramdaman ko nalang ang pang-iinit ng dalawa kong mata. Kailangan ko nang aminin ang lahat kay Shaun bago pa maging huli ang lahat.

Kailangan na niyang malaman ang lahat ng sikreto patungkol sa kanya. Lahat ng sikretong itinago ko simula nang maaksidente siya.

“Shaun, kailangan mo nang malaman ang lahat..” Bulong ko sa kanya, sanhi ng pag-iiba ng itsura nito. “Shaun, hindi namatay ang nanay mo dahil sa pangan---” Naputol agad ang sinasabi ko nang bigla naming narinig ang biglang pagbigay ng bintana dito.

Nagulat ako nang makakita ako ng dalawang tao, isang pamilyar at isang hindi pamilyar. Ang isang taong iyon ay si Samantha..

“Hello Troublemaker II. Missed me?” Malamig na sambit ni Samantha sa amin na may nakakurba na nakakatakot na ngiti.

Hindi. Hindi maaari. Patay na si Samantha. Napatay na ni Arch si Samantha.

“Tama na Sam! Wala na si Justine dito. Wala ka nang makukuha sa amin. Tigilan mo na kami parang awa mo na!” Biglang sigaw ni Shaun kay Samantha nang magkaroon na ng ilaw dito sa kwarto.

“Ehem. Hindi niyo ba ‘ko kilala?” Biglang sabat nung isa pang babaeng kasama ni Samantha. Sino ba siya at ano ang kailangan niya sa amin?

“Oh come on Sunyoung. Tama na ang suspense. Diba gusto mong gantihan si Rylle dahil iniwanan ka niya sa sementeryo mag-isa at muntik ka pang mapatay ni Daile?” Nagulat nalang ako sa mga salitang lumabas sa bibig ni Samantha.

Siya si Sunyoung? P-Pero bakit iba na ang mukha niya?

“Hello. I was once Sunyoung Choi, but now, my name is Risae Kwon. Wala na akong pakialam kung si Rylle ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon. All I want is Daile’s death and that’s that.” Malamig ngunit kalmadong saad ni Sunyoung na ngayo’y si Risae na.

SAMANTHA’s POV

“Hindi ako napatay ni Arch dahil iniligtas ni Harper ang buhay ko.” Malumanay na saad ko.

Naramdaman ko nalang na naaapakan na nina Arch at Hara ang katawan ko nang akala nila ay isa na akong malamig na bangkay. Hindi pa ako patay pero pakiramdam ko ay mamamatay na ako dahil sa tumamang bala ng baril sa likod ko. Napapaluha nalang ako sa sakit habang pinipilit kong gumapang palabas ng bahay para makahingi ng tulong.

Wala na ang sasakyan ni Daile sa labas at malamang ay nakuha na iyon nina Arch dahil sa kasabikan nilang makatakas.

Tuluyan na akong nakalabas ng bahay pero mas humapdi ang sugat ko sa likod dahil sa malakas na pagbagsak ng tubig-ulan. Pinilit kong sumigaw ng tulong sa abot ng makakaya ko. At napangiti nalang ako nang makita ko si Justine na naglalakad papalapit sa akin.

Magsasalita sana ako muli pero naramdaman ko nalang ang dalawang matalim na kutsilyo sa binti ko. Tuluyan na akong napaluha nang makita kong si Justine ang may gawa nito.

“P-putangina..” Mahina kong mura pero naramdaman ko nalang na sinampal ako ni Justine sa mukha. Kahit na nanghihina na ako ay pinilit kong hinawakan ang mukha ni Justine at pilit na nagsalita.

“A-akala ko b-ba mag-magkakampi t-ta-tayo?” Impit kong sambit sa kanya pero nakita ko ang pag-ngisi nito sa akin. Napaluha nalang ako nang biglang kapain ni Justine ang sugat ko sa likod at pilit pa itong sinusugatan lalo gamit ang mga mahahaba nitong kuko.

“Kakampi? Si Marco at Daile lang ang kakampi ko Samantha.” Muling tumawa si Justine nang malakas, “Tangina Samantha. Napakatanga mo. Ikaw? Papatay ka para sa akin? You’re going to kill Hara for me? Fuck I don’t even like Hara or you. Nagsasayang ka lang ng oras. At nagsasayang ka lang ng buhay mo.” Tumayo na si Justine at tinadyakan niya ang dalawang kutsilyo sa binti ko. Napahiyaw nalang ako sa sakit dahil pakiramdam ko ay natanggalan ako ng buto sa katawan. Nararamdaman ko nalang ang paghapdi ng binti ko dahil butil-butil na tubig-ulan ang pumapasok sa sugat ko.

That moment, I loathed Justine. Akala ko siya ang kakampi ko. Akala ko siya ang lalaking mag-pprotekta sa akin kahit na hanggang magkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Nakakamatay din pala ang maling akala.

Simula nung araw na iyon ay ipinangako sa sarili ko na gagantihan ko si Justine. Wala na akong pakialam kung si Justine pa ang mahal ni Hara. Kung haharangan ako ni Hara sa paghihinganti ko kay Justine, wala akong choice kundi patayin ko lahat ng haharang sa akin kung mabubuhay man ako.

Pero naramdaman ko na ilang oras na akong nanghihingalo dito. Pakiramdam ko ay nawawalan na rin ako ng pag-asa na may magliligtas sa akin. Siguro nga ay oras ko na rin.

Pero nagkamali ako. Nakita ko ang isang lalaki at agad akong binuhat nito papunta sa kotse nito. Agad akong ipinasok nito sa kotse at nakita ko na apat ang tao dito sa kotse. At ang natandaan ko nalang na ang pangalan ng tatlong iyon ay Niel, Mae at Nick.

Nang maipasok nito ako sa kotse ay nakaramdam ako ng kasiyahan. Mabubuhay pa ako. Siguro ay kailangan muna pagbayaran ni Justine ang kasalanan niya bago pa ako mamamatay.

Bago pa ako mawalan ng malay ay nagawa ko pang maitanong ang pangalan ng taong nagligtas ng buhay ko. Bago ako nawalan ng malay ay narinig ko ang pangalan nito. At ang pangalan nito ay Harper.

Ilang linggo din bago ako nagising. Isang nakakasilaw na ilaw mula sa kwarto ko ang bumungad sa akin. At ang unang tao na bumungad sa akin ay si Nick.

“Harper said that I need to bring you to Zemirah City.” Saad ni Nick kaya tumango nalang ako. Nagpapasalamat ako kay Harper na iniligtas niya ang buhay ko. Si Harper ang kapatid ni Shaun. Hindi alam ni Shaun na may kapatid ito, pero wala din naman akong balak na sabihin sa kanila iyon dahil malaki ang utang na loob ko kay Harper.

Ilang araw ay nakalabas na ako ng ospital at agad kaming bumiyahe ni Nick papunta ng Zemirah City. Nagpalit din ako ng pangalan nun. Ilang buwan kaming nanirahan ni Nick sa Zemirah. At sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nakita ko si Charline. Buhay na buhay si Charline pero wala pa’rin akong pakialam.

Pagkatapos ng maraming buwan ay bumalik din kami ni Nick sa lungsod. At ilang araw lang pagkatapos nun ay nakita kami muli ni Sunyoung na ngayo’y si Risae na kasama ang dalawa pang lalaki na pamilyar sa akin. Hindi ko inasahan na buhay din sila dahil sa naging palabas nina Daile at Justine. Pero ang tanging napansin ko ay ang nagbagong mukha ni Sunyoung. Pagkatapos ng araw na iyon ay kina Sunyoung na ako tumira at hindi na muling nagkita ang landas naming nina Harper o ni Nick. Pero alam ko ay prinoprotektahan ako ni Harper ngayon dahil nangako siya na siya ang tutulong sa akin para magantihan ko si Justine.

SUNYOUNG’s POV

“I was never killed by Daile. Sadyang napakagaling lang talaga ni Moon at Adrian na itago ako.” Sambit ko sa kanila at napansin ko ang panlalaki ng mata nina Rylle at Shaun.

“B-buhay din sila?” Nanginginig na tanong ni Shaun kaya napangisi nalang ako. Akala nila. Akala nila ay sila-sila lang ang nabuhay.

“Akala niyo kayong walo lang ang buhay? Ako, si Samantha, Rylle, Shaun, Cassandra, Gabriel, Hara, Arch, Justine, Daile, Charline, Moon at Adrian ang buhay. Labing-tatlo tayong buhay.” Nakangisi kong saad sa kanya at naramdaman ko nalang ang presenya ng dalawa pa naming kakampi.

“Moon..” Nangiyak-iyak na sambit ni Rylle at agad na tumakbo papunta kay Moon. Kahit na blanko lang ang mukha ni Moon ngayon ay nararamdaman ko sa kanya ang kasiyahan na nakita niya muli ang mga kabigan niya. Agad na niyakap ni Rylle si Moon. Ganito din ang ginawa ni Rylle ay Adrian na nakabusangot na.

Hindi dapat sa amin matakot sina Rylle, dahil kaming apat ang totoo nilang kakampi nila. Kami ang po-protekta sa kanila. Dahil alam na namin kung ano ang kayang gawin ng kampo nina Daile.

Kahit na sabihin na nating si Harper na siyang lider ng mga pumapatay ngayon ang nagligtas kay Samantha ay wala nang iba pang choice, kailangan na naming ubusin ang angkan nila. Ang angkan ni Harper. Ang mga kapatid nito bukod kay Shaun dahil biktima din siya dito. Kailangan naming mapatay ang ina ni Harper at ang tatlo nitong kapatid. Pati din ang dalawang demonyong kaibigan nito.

Naramdaman ko nalang ang panghihina ko dahil sa kutsilyong nakabaon sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng hangin sa baga.

Tuluyan na akong napahiga sa damuhan ng sementeryo. Diyos ko, kayo na po na ang bahala sa akin.

Unti-unti na akong nawawalan’ ng pag-asa na may makakita sa akin hanggang sa naramdaman ko na may nagtanggal ng kutsilyo sa dibdib ko at bumuhat sa akin. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nagawa ko pang itanong ang pangalan nito. At ang pangalan ay Harper.

Ang saad sa akin ng doktor ay dalawang buwan akong nakaratay dito sa ospital. Napakatagal na panahon din pala ang ginugol ko dito. Tinanong ko sa doktor kung nasaan na ang nagdala sa akin dito ngunit ang tanging sagot nalang ito ay “Simula nang isinugod ka niya dito sa ospital ay hindi na siya muling nagpakita muli”

Nang makalabas ako dito sa ospital ay pasikreto kong binisita ang Winslet Academy. Gusto kong makita ang mga kaibigan ko. Pero nang sisilipin ko na sana ang bintana ng silid namin ay bigla akong hinila ng isang tao, at si Adrian iyon.

Sinabi ni Adrian sa akin na aalis silang magbabarkada dahil nag-aya si Moon. Pero nang magpaalam na sana ako kay Adrian ay biglang sumulpot si Moon sa harapan. Siyempre ay nagulat siya na makita pa ako dahil nasabi na rin ni Adrian na akala nila ay patay ako.

Kaming tatlo. Kaming tatlo nina Adrian at Moon ay bumuo ng isang pact. Sumama ako nang palihim kina Moon at Adrian sa outing nilang magkakaibigan. Pero hindi ko naman alam na pakulo pala ni Justine ang outing na ito. Dahil kasama si Justine sa pumapatay, kakampi niya sina Daile at Marco.

Hindi ko inaasahan na sa pagdating ko dito ay agad akong nahanap ni Daile at agad akong ikinulong sa isang masikip na kwarto kung saan malapit ang pinaka-pintuan ng bahay-bakasyunan na iyon.

Nanlaban ako kay Daile pero hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Agad-agad niyang binuhusan ang mukha ko ng kumukulong tubig. Maraming mainit na tubig ang ibinuhos ni Daile sa akin. Pakiramdam ko ay nalapnos na ang balat sa mukha ko. Nararamdaman ko na rin ang dahan-dahan na pag-tuklap ng balat mula sa mukha ko.

Hindi ko na alam ang susunod na nanyari dahil pagkamulat ng mata ko ay wala akong nakita. Kinabahan ako dahil wala akong makita. Puro dilim lang ang nakita ko. Pero nawala din ang kabang iyon nang maramdaman ko na may telang tinatanggal mula sa mukha ko. Bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha nina Adrian at Moon.

“Surgery successful.Biglang sabat ng doktor kaya agad na kumunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ako nang biglang iniharap sa akin ng doktor ang isang salamin.

Agad akong napahawak sa mukha ko. Sino ito? Ako ba ito?

Samu’t saring tanong ang nasa isip ko pero nasagot din ang mga tanong na ito. Hindi pa ako patay? Bakit iba ang mukha ko? Bakit nasa ospital ako?

Hindi pa ako patay. Napalitan na siguro ang itsura dahil sa katarantaduhang ginawa ni Daile sa akin.

Nang tuluyan na akong nakalabas mula sa ospital ay pinili naming magpakalayo nina Moon at Adrian. Pero hindi ko inasahan na si Adrian pala ang lalaking magmamahal sa akin. Kahit na sabihin nating nangako si Adrian na si Quintin lang ang mamahalin niya pero magiging masaya din si Quintin sa Itaas kung magiging masaya sa ibaba si Adrian.

Napangiti nalang ako habang hinihimas ko ang tiyan ko. Ito ang pang-walong linggo ni Baby Saeron sa tiyan ko. Oo, nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan namin ni Adrian.

“Baby, kapit lang kay nanay ‘ha? Pagkatapos nito ay lalabas ka na sa isang tahimik na buhay.” Napangiti nalang ako habang hinihimas ko ang tiyan ko muli. Hindi ko pinagsisisihan na nabuntis ako ng maaga.

“Anong ginawa niyo kina Rylle at Shaun?!” Umalingawngaw ang sigaw ni Hara sa loob ng kwartong kinaroroonan namin. Nakita ko ang pag-iiba ng mukha nito na mistula bang nakakita ng multo.

“Samantha? Moon? Adrian? B-Ba’t nandito k-kayo? P-patay na k-kayo.” Nanginginig na sambit ni Hara habang pilit siyang pinapakalma ni Arch na nasa likod niya.

“Tanga –” Sambit ni Moon pero nagulat nalang kami nang makalanghap kami ng isang hindi kaaya-ayang amoy mula sa labas.

“Isara niyo yung bintana!” Sigaw ni Adrian kaya agad kaming kumilos. Pilit naming hindi huminga para hindi namin malanghap ang masangsang na amoy sa labas.

“Kailangan na nating umalis dito!” Sigaw ni Hara kaya sabay-sabay kaming tumango sa naging suhestiyon nito.

Sabay-sabay na kaming kumarimpas ng takbo palabas ng kwarto. Nararamdaman ko na makakatakas kami dito. Pero ilang sandal ay namatay ang ilaw na nagsisilbing gabay namin dito sa hallway.

“Putangina!” Sigaw ni Shaun habang nakaturo sa isang tao na nasa kabilang dulo ng hallway.

Si Daile. At may hawak siyang kutsilyong may dugo at spraycan.

CASSANDRA’s POV

“Bawal pa tayo pumunta sa eskwelahan. Tumawag si Clark sa akin na biglang nagkaroon ng stampede sa school. Lahat daw ng estudyante ay pinauwi na.” Sambit ni Hyacinth nang matapos ng mga nurse na gamutin at linisin ang mga sugat namin ni Gabriel.

“Pero.. Hya, bakit hindi puwede? Kasabwat naman tayo ni Charline kaya puwede na tayong pumunta doon.” Tanong ko kay Hyacinth na kasalukuyang nakabantay sa kama ni Lotus.

“Magkasabwat nga kayo ni Charline, pero gusto din niya kayong patayin. Gusto niyang tapusin ang palpak na laro ng kapatid niya.” Malumanay na boses ni Hyacinth. Ako, si Hyacinth, si Gabriel at ang nakaratay na si Lotus lamang ang nandito. Pinili ni Charmaine na umuwi nalang sa bahay nila ni Clark.

“Hyacinth, ikaw ang Second Visual. Bakit ayaw mong kumilos? Sa tatlong visuals natin ay ikaw ang pinakamatalino at makapangyarihan dahil kapatid mo din si Harper.” Tanong ko pa muli kay Hyacinth pero inisnaban lang ako nito.

“Hey, alam niyo yung Scream 4?” Biglang tanong ng kanina pa’y tahimik na si Gabriel. “Pano kaya kung gawin din natin iyon?” Dagdag niya habang may kumukurbang ngisi sa mukha niya.

“Dude, we’re not in a fucking horror movie. Tsaka nung isang taon lang nang nanyari ang 4-B massacre.” Reklamo ni Hyacinth pero agad din nitong inunahan ni Gabriel. Ngayon ko lang nakita na nagkakaganito si Gabriel.

“We already have a Trevor. Kaso naging babae siya sa katauhan ni Jade.” Muli pang sambit ni Gabriel kaya napailing nalang kaming dalawa ni Hyacinth.

“What the heck is wrong with my suggestion? Ayaw niyo nun? Kaming dalawa ni Cassandra ang Jill at Charlie.” Asik pa muli ni Gabriel. Nakita ko na nag-iba ang ekspresyon ni Hyacinth at agad niyang sinugod si Gabriel.

“Shut up or I’ll end up being Jill. Remember Gab, Jill betrayed and killed Charlie.” Pananakot ni Hyacinth kaya sapilitang tumango si Gabriel. Napangiti nalang si Hyacinth at agad binitawan ang nanghinang si Gabriel.

Napakalakas nga ni Hyacinth para sa isang babae. No wonder she killed Christopher in just a blink of an eye.

“Bakit ka pumapatay, Hyacinth?” Wala sa sarili kong tanong sa kanya. Pero imbis na sugurin at sakalin din niya ako ay ngumiti siya sa naging tanong ko.

“Remember Mikee, right?” Bigla nitong tanong kaya nanlaki nalang ang mata ko. Mikee? Yung boyfriend ni Mimi? Anong kinalaman niya dito?

“Ang main rule ay bawal magkaroon ng Visual na babae pero tinanggal din ito ni Kuya dahil namatay si Mikee. Fuck, malaking kawalan ang pinsan ko. Ang galing pa naman niya sa kutsilyo.” Tumawa si Hyacinth pero agad na may pumatak na luha muli sa mata niya. “si Mikee, kahit na pinsan ko siya ay minahal ko siya. Aminado ako, ilang beses nang may nanyari sa amin kay Mikee, muntik pa nga kami mahuli nung Mimi pero sadyang magaling siya magtago. Hindi ko nga alam na nasa iisang paaralan lang sina Mikee at Kuya.” Mangiyak-iyak na sambit ni Hyacinth.

“So, si Mikee ang dahilan kaya ka pumapatay ngayon? Damn it Rivera, patay na si Mimi at Darcie!” Sigaw ko sa kanya pero isang ngiti lang ang naging tugon nito sa akin.

“Not everything circles in revenge. In a fucking revenge. As you can see, Kylie loathes my fucking mother. Our fucking mother that fucks every man she fucking sees. Kylie lives in a fucking life and we want to fix her fucked up life, you motherfucker. Fuck you, not everything revolves about killing a fucking life. It’s about living in a fucking life you fucking chose.” Dada ni Hyacinth na puro naintindihan ko lang ay “fuck”

Biglang tumunog ang cellphone ni Hyacinth. Kinuha niya iyon at mukhang sinagot niya ang isang tawag. Nagsalita siya ng konti at agad niyang ibinaba ang tawag.

“It’s Daile. Pinapapunta na niya tayo sa university.” Sambit ni Hyacinth at agad-agad kaming lumabas sa kwarto ni Lotus sa hospital.

THIRD PERSON’s POV

Papalapit ng papalapit si Daile sa grupo nina Hara habang may natatakot na tingin sa kanilang pito. 

“Oh? Apat lang ang ineexpect ko ngayon? Bakit naging pito kayo? Mga espesyal na panauhin? Wow.” Sarkastikong sambit ni Daile habang inikot-ikot niya ang kutsilyong may bahid pa ng dugo ni Jade na kanina’y ginamit lang ni Charline.

“Putangina Daile.” Nanggagalanting sambit ng ngayo’y nag-aapoy na sa galit na si Sunyoung. Nakita nanaman niya si Daile, ang lalaking nagsilbing “Demonyong Kupido” na sumaksak sa kanya and muntik nang pumatay sa kanya. Hindi namalayan ni Sunyoung na dahan-dahan na siyang humahakbang papalapit kay Daile. Pilit na sumisigaw si Hara pero hindi din ito pinansin ni Sunyoung.

“Oh? New face here. Sino naman ang magandang dilag dito?” Sambit muli ni Daile nang makalapit na sa kanya si Sunyoung. Imbis na pangalan ni Sunyoung ang maging sagot niya ay agad niyang sinipa sa pribadong parte ng katawan ni Daile.

Mistulang nangisay si Daile habang kinakapa ang parteng iyon. Maliksing kinuha ni Sunyoung ang kutsilyo at spraycan na nahulog ni Daile.

Tatakbo na sana palayo si Sunyoung nang mapansin niyang wala na ang iba niyang kasama. Natigil si Sunyoung sa kinatatayuan niya kaya hindi niya namalayan na nakatayo na si Daile sa likod niya. Agad niyang hinila si Sunyoung papunta sa isang piller ng hallway at agad niyang hinampas ang ulo ni Sunyoung doon. Agad na nawalan ng malay si Sunyoung dahil sa sobrang pagkahilo.

Sa kabilang dako naman ay nagulat nalang si Hara nang mapansin niyang anim ang taong humahawak sa kanila ngayon. Hindi niya makilala ang mga ito dahil nakamaskara at bonnet ang mga ito.

Agad silang itinapon sabay-sabay sa isang kwarto ng eskwelahan at agad nilang nilock ang pintuan. Kinalampag ni Arch ang pintuan pero wala din nitong silbi dahil mukhang kami-kami nalang ang tao dito.

Bigla nalang nagkaroon ng ilaw sa kwarto at nagulat nalang sila sa unang nakita nila. Ito ang dating kwarto ng 4-B. Pero ang mga dingding ng kwarto ay napuno na ang vandalism. At ang nakasulat dito ay patungkol sa batch nila.

DAPAT NAMATAY ANG BUONG 4-B. Agaw-pansin ang isang vandal na nakasulat gamit ang pulang tinta. Bigla nalang napaluha si Rylle nang maalala niya ang araw na pinagtanggol siya ni Clark dahil sa mga ibang estudyante na nagsasalita ng masasama patungkol sa kanya at sa iba pang nabuhay sa 4-B.

“Game Tally?” Biglang sambit ni Samantha na nasa harapan ng whiteboard kaya sa kanya napunta ang atensyon ng mga tao.

Tinignan nila ito at ang una nilang napansin ay ang tatlong pangalan na nakaukit gamit ang pulang tinta. Pangalan ito nina Christopher, Mika at Jade. Napansin din nila ang naka-P.S na sulat sa baba ng mga pangalan.

“Christopher is a coward guy that holds on his peer’s tail. Mika is an insecure kid that wants attention. And Jade was supposed to be your lead about us. Stupidity, huh?”

Nang matapos nilang basahin ang nakasulat ay biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanila ang tatlong pamilyar na tao.

Napamura nalang si Shaun nang makita niya ang dalawang taong pinagkatiwalaan nila.

“Hey bullies! Second Visual is here!” Sigaw ng nakangising tagumpay na si Hyacinth, na kasama sina Gabriel at Cassandra na may hawak na sari-sariling kutsilyong malalaki.

{ end of chapter 20 – first part }

---------------------------x

AUTHOR’s NOTE

Date and Time Check: 04/09/2015 – 1:16AM.
First of all, dalawa po ang part and the second part will be posted a few days after. Second of all, pasenya kung inabot ng isang buwan bago nagkaroon ng update. Don’t worry dahil magiging regular na ang updates ng Repost. Gusto kong matapos ang Repost before June para matapos ko ang Find Lilian Sebastian sa December.

Open po ako sa Dedication ngayon. Pwede po kayong mag-message sa akin para ma-reserve ko kayo sa Dedication List. Wag kayong matakot sa akin kekekeke.

Thank you for reading!
Drop your reactions!

Continue Reading

You'll Also Like

56.1M 989K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
EMPIRE HIGH By sai

Mystery / Thriller

5.8M 177K 63
Empire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes starts, a nerd girl named Fuschia will enr...
17.5M 656K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...