Three is better than Two (Boy...

By secretauthor014

89.4K 2.6K 61

Third sex generation? May love story ba talaga para sa mga may ganitong kasarian? Sabi nila, lalaki at babae... More

3rd book
Chapter 1: Truth or Dare
Chapter 2: Dead or Alive
Chapter 3: I Have An Idea
Chapter 4: Naughty Alex
Chapter 5: Angriness Turns Guilty
Chapter 6: Guys, Si Tiffer
Chapter 7: No Choice
Chapter 8: Puyat
Chapter 9: Rainy day for Tiffer
Chapter 10: Crazy Brixton
Chapter 11: This is it, Pansit!!!
Chapter 11: This is it, Pansit!!!
Chapter 12: Ferdy the Great
Chapter 13: Whatttttt!!!!!!
Chapter 14: Surprise
Chapter 15: It's complicated
Chapter 16: Gagong Kent
Chapter 17: Crazy Brixton Part 2 and Tiffer Too.
Chapter 18: Chapter 18
Chapter 19: Meeting Parent
Chapter 20: From the Book
Chapter 22: Not used to be
Chapter 23: Start of Something New
Chapter 24: Ang Desisyon
Chapter 25: Three is Better than Two (Part 1)
Chapter 25: Three is Better than Two (Final)

Chapter 21: Trap

1.9K 61 0
By secretauthor014

Tiffer POV

Para na akong zombie kinaumagahan dahil hindi ako nakatulog kagabi. Hindi kasi umuwi kagabi si Alex sa apartment dahil kasama niya daw si Brixton. Hindi tuloy kami sabay na kumain. Hindi ako nakapag-review sa engineering mechanics para sa quiz namin ngayong umaga at hindi rin ako makatulog. Naka 200 push-ups pa nga ako para pampaantok pero wala akong nagawa. Kahit alas singko pa lang ng umaga ay naligo na ako. Naisipan kong tawagan si Alex. Gusto kong itanong sa kanya kung may nangyari ba sa kanilang dalawa ni Brixton. Kaso ng madinig ko na boses niya. Umurong na lang bigla ang dila ko. Wala na, natanong ko na lang kung makakauwi pa siya dito sa apartment bago pumasok ng school kaso hindi pa din daw. Sa school ko na lamang siya makikita.

Dahil nga hindi ako nakapag-review. Sa school na lan ako magbabasa. Maaga pa nga ng pagdating ko sa school wala pa masyado estudyante. Umupo ako sa pwesto ko sa room namin at binuklat ang book ko sa EM. Ilang minuto pa at may biglang tumatawag sa akin. Tinawag niyang bigla ang pangalan ko at nakilala ko ang boses nito.

"Maxine? Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong dito.

"Tiffer, I came here to say sorry. Nagkamali ako, dapat hindi kita iniwan teka, hindi ka ba nakatulog kagabi? paliwanag nito ng makalapit sa akin.

"Wala ka ng pake kung napuyat man ako saka bakit ka nagsosorry ngayon?"

"I realize na ikaw pa pala ang gusto ko" pagmamakaawa niya.

"At sa paaanong dahilan mo na-realize na ako pa pala ang gusto mo. Dahil nagbalik na ang dati kong katawan, iyon ba?"

"Consider that pero iba ka kay Jomark, I missed you" narinig ko na naman ang pangalan ng lalaking pinalit niya sa akin. Ka-buddy ko dati si Jomark sa gym, hindi na kami masyadong nagkasama simula ng maging busy ako sa pag-aaral at paggawa ng project namin sa school. Dahilan iyon ng pagtaba ko, napabayaan ko ang katawan ko which turned out na ipagpapalit ako ni Maxine dahil sa pagtaba ko. Masakit pa, ka-buddy ko pang si Jomark nga.

"I'm sorry, I can't just accept you easily. Let me think about it" ang nasabi ko lang sa kanya at pinaalis ko na siya. Nawalan lang ako tuloy lalo ng gana sa pagre-review. Nagtxt sa akin si Alex at gusto niya akong makita dahil nasa school na daw sila ni Brixton. Nag-reply ako na mamaya ko na lamang siya kikitain dahil nagre-review ako. Totoo man ang sinabi ko, hindi na din ako nakapag-review hangang mag-start na ang klase namin. Ipinamigay na ang mga test booklet at may 8 problems ang dapat sagutin. Naramdaman kong bigla ang antok at hindi ko pa alam sagutin ang mga problems. Pagkatapos ng isang oras. Pinapass na ang mga test booklet namin. Anim lang ang nasagot ko. Di pa ako sure. Naalala ko na hindi ko pala pwedeng i meet si Alex ngayon dahil may isa pa akong subject na papasukan sa vacant time nila. Kung marunong lang siguro ako gumuhit, magsi-shift talaga ako ng architecture.

Siguro, wala ng puwang sa akin si Maxine, si Alex na lang palagi ang iniisip ko. Ng oras na ng vacant ko, sinilip ko si Alex sa kwarto nila. Maiigi silang nakikinig sa guro nila pero siya, nakakunot ang mga kilay niya. Math kasi subject nila ngayon. Natawa lang ako habang nakatanaw lang sa kanya. Napatingin siya sa kinatatayuan ko at nag-hi siya sa akin. Nag-gesture naman ako na tatawag ako mamaya sa kanya. Tumango lang ito at nagpaalam na ako sa kanya.

Mabilis lang natapos ang mga sumunod kong subjects at tumawag na ako kay Alex, sumagot ito at pinapapunta pa ako sa lumang gusali kung saan siya tumakbo dati. Ano kayang ginagawa niya doon?

Brixton POV

After ng klase namin. Pinuntahan namin ang mga dabarkads namin ni Alex. Itatanong namin kung pinapagawan din sila ng new building design ng titser namin sa edraw 315. Agad na nagsabi si Alex na iriri-design niya ang lumang building malapit sa school namin. Nakikita ko naman iyon palagi bago ako pumasok ng school.

Habang nakikipag-kwentuhan kami, nagpaalam si Alex na magsi-cr lang ito. Medyo nainip na ako dahil 30 minutos na siyang wala. Naiisip ko na sundan na lamanh siya. Pagdating ko ay wala ni isa mang tao sa loob ng cr. Bigla akong kinabahan. Sasabihin ko na sana sa mga kaibigan namin na wala si Alex biglang may nagtxt.

Unknown number:

'Ikaw, pumunta ka sa lumang bahay malapit sa school kung gusto mo makita si Alex'. Pagkatapos ko itong mabasa agad-agad akong tumakbo papunta sa nasabing lugar. Tumawag ako kay Kent at pinauna na sila. Ayoko ko pang mag-alala sila kaya di ko na sinabi na kinidnap si Alex.

Alex POV

Ng mabasa ko kanina ang plano nung lalaki na binalak niya sa mga bestfriend niya kaya naisip ko din na gawin ito kina Brixton at kay Tiffer. Pansin ko kasi na hanggang ngayon, cold pa din sila sa isa't-isa.

Kaso lang, hindi ko alam kung saang parte ng school na ito ko sila ikukulong. Hanggang sa banggitin ng titser namin ang isang project na ire-design ang isang lumang building aa bagong anyo. Parang may bombilya na sumindi sa taas ng ulo. Nung magpunta ako doon. May napansin akong isang kwarto sa second floor na pwede pa. I'm sure ilan lang ang bintana nun na kailangan ipako para hindi malabasan at pinto lang pwedeng gamitin.

Kaya paglabas namin, sinabi ko kay Brixton na makipag-kwentuhan muna kami sa mga kaibigan ko. Nagpaalam ako ilang minuto lang na kasama sila ng mag-cr ako. Wala naman silang duda na hindi ko na sila babalikan at ako ay dideretso na sa lumang bahay. Biglang tumatawag na si Tiffer sa akin at sinabi ko lang sa kanya na pumunta siya dito.

Patapos na ako sa pagpapako ko ng biglang magsara ang pintuan. Naisip ko na baka hangin lang ito pero mali ako. May nag-lock ng pinto. May narinig kasi akong mga babae na tunatawa sa labas nitong kwarto kung nasaan ako. "Oh no, mission failed" sabi ko sa loob ko. Teka papunta nga pala si Tiffer dito. Oo, hintayin ko na lang siya. Ilang minuto lang, biglang bumukas ang pinto at biglang itinulak papasok si Tiffer ng walang malay.

"Tiffer, anong nangyari sayo? Tiffer?" pagtawag ko uli dahil wala talaga siyang malay. Sinubukan ko uli buksan ang pinto pero nakalock talaga. Binalikan ko ang walang malay na si Tiffer at sinandal ko ang ulo niya sa legs ko. Ilang minuto ulit at nakita kong bumukas na naman ang pinto, madilim na kasi sa kaya hindi ko makita ang biglang pumasok ng kwarto.

"Alex, nandito ka ba?" bigla akong nabuhayan dahil nadinig ko ang boses ni Brixton. Hindi ko kasi siya natxt kanina dahil si Tiffer pa ang kinausap ko.

"Brixton! Andito kami" sigaw ko at sinindi ko ang cellphone kong walang load. Lumapit ito at nagulat na kasama ko si Tiffer.

"Buti walang nangyaring masama sa iyo Alex, nag-alala ako ng husto. Bakit nandito si Tiffer?" hinila niya ako't inalis ang pagkakapatong ng ulo ni Tiffer sa legs ko. Tapos niyakap niya akong mahigpit.

"Sino yung mga tao sa labas?" tanong ko sa kanya.

"Mga babaeng kinakainisan ka kasama ng mga frat nilang boyfriend. Ikukulong daw tayo, kapag lumaban ka, sakitan ang labas. May nasaktan na daw sila akala ko ikaw yun, si Tiffer pala" paliwanag ni Brixton.

"Di tayo pwedeng makulong dito, yung cellphone mo? Tawagan mo sina Kent at Clifford" utos ko kay Brixton.

"Kinuha nila eh"

Pagkamalas-malas naman, ako ang may plano na ikulong ang dalawang ito. Ngayon, kasama pa pala ako. Hay buhay.

"Tingin mo ayos lang si Tiffer nito?"

"Nawalan lang siya ng malay" sagot niya sa akin. Tapos niyakap niya ako. Hinayaan ko na lamang siya. Madilim naman saka wala pang malay si Tiffer. Nagulat lamang ako ng halikan ako bigla ni Brixton, sinubukan ko siyang pigilan pero ang higpit ng hawak niya sa ulo ko. Bilang na-miss ko na din siya eh ginantihan ko na siya ng halik.

"Alex? Brixton? Kayo bang dalawan iyan?" natigil kami ng marinig naming magsalita si Tiffer. Bumitaw kami ni Brix sa paghahalikan at tumingin kay Tiffer.

"May malay ka na pala" sabi ni Brixton.

"Bakit? Gusto mo ba na hindi pa ako magkamalay para matuloy niyo ang ginagawa niyo"

"Hindi naman sa ganun Tiffer ah ayos ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Tingin mo?!" matigas niyang pagkasabi. Natahimik lang kami. Galit ba si Tiffer sa amin. Baka nandiri siya sa amin.

"Sorry Tiffer kung nagawa namin iyon"

"Bakit ka nagso-sorry Alex. Wala naman masama sa ginawa natin" bulyaw ni Brixton.

"Nakakaasiwa kaya" pabulong ngunit nadinig naming dalawa ni Brixton ang sinabing iyon ni Tiffer.

"What did you just say?"

"Totoo naman di ba, nakakaasiwang makakita ang dalawang lalaking naghahalikan" biglang sinuntok ni Brixton si Tiffer at may sinabi siya na ikinagulat ko.


"Nandidiri ka? E bakit mo ako hinalikan?!!"

----------------

A/N: Ang gulo ko talaga, ano kayang kahihinatnan ng kwento nilang tatlo. Dahil dry ang panahon, nagiging dry din ang utak ko. Sana matapos ko na siya. Hanggang sa next update.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 39.2K 49
Seventeen years old si Miggy nang ipagtabuyan siya ng stepbrother niya sa hacienda ng pamilya nito pabalik ng maynila sa kasalanang hindi niya ginawa...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
24K 1.2K 45
Andrei and Yvonne shared a deep bond of friendship ever since Yvonne was abandoned by her parents because of the fire accident. Andrei become famous...
79.9K 3.2K 16
He's so pretty, smart and charming. how can he find a work kung nagiging problema nya ay ang pagiging magandang lalaki. pano pag may nag offer sa kan...