The Colors of Us

By koreanvicerylle

97 8 6

Lost, confused, and tired. Three words to describe Vice before that one morning at Katipunan. Never did he t... More

Deja Vu ba, sis?

Kuya, bayad po

63 5 2
By koreanvicerylle

Let's be clear: art is subjective. Hindi naman tayo pare-pareho ng pag intindi sa isang obra. Maaring tama tayo, maaari rin namang mali. Bakit nga ba ganoon? Hindi ko rin alam, e. Ang alam ko lang naman ay mag appreciate ng art. Napaka komplikadong bagay kasi ng salitang art. Itong isang salita pa nga lang marami nang pwedeng maging kahulugan. Kailangan lang talaga natin maging diretso kung ano ba talaga yung gusto nating maging kahulugan nito. Ganito siguro talaga ang magiging epekto sa'yo kapag walong oras kang nakatayo sa museo at naghihintay ng taong magtatanong sa'yo kung ano ba ang ibig sabihin ng pintang nakasabit sa pader. Bilang naman sa dalawang kamay ang mga nagtatanong sa akin na genuine sa pagtatanong, yung ibang mga bisita, nandoon lang para mag picture para sa instagram. SMH sa kanila, charot.

Natigil ang malalim kong pag iisip nang matanaw ko na ang karatula ng LRT station habang nakasakay dito sa FX. Katipunan, ang nakasulat sa karatula na kulay purpowl. "Kuya, sa may katipunan lang po."

Dali dali naman akong bumaba ng FX dahil may mga sasakay namang ibang pasahero na papunta ng Cubao. Habang pababa ng hagdanan ay hinarap ko muna ang bag kong nakasukbit sa likod para kunin ang aking beep card. Lagi ko talagang nilo-load-an ito tuwing Biyernes at dahil ngayon ay Wednesday pa lamang, may tira pa 'tong laman. Sayang din kasi ang piso na discount, pang dagdag na ring pang bili ng fishball.

Pagkatapos kong i-tap ang aking card sa turnstile ay pumila naman ako sa platform para maghintay sa pagdating ng tren. "Let's go, let's go, let's make it easy! GSM blue mojito" rinding rindi na talaga ako sa jingle na yan. Sa araw araw ba namang pumapasok ako sa trabaho 'yan lagi ang ad na naririnig ko rito sa LRT.

Mula sa platform hanggang sa loob mismo ng bagon, hindi na ako tinantanan ni Sue Ramirez. Pag sinuntok kita sa puson, girl, tignan natin kung makapag inom ka pa ulit.

Halos pareho araw-araw ang eksena palagi rito sa LRT. Sa umaga, lahat ng Recto station bound train, mga estudyanteng fresh, mga taong mag di-divisoria na nakaharap agad ang bag, at syempre, mga manggagawa na lumuluwas pa sa ka-Maynilaan para maghanap buhay, tulad ko, ang laman ng mga bagon. Pag pabalik naman mula Recto, ay syempre asahan niyo na ang mga uwing uwi, hagardong pagmumukha, at nakabusangot na fez ang maaabutan niyo.

"Uy, dire-diretso ka!" Gulat kong sambit dahil sa isang babaeng bumangga sa akin na nakayukong nagaayos ng bag habang naglalakad papunta sa platform. Mabuti na lang at sa akin siya bumangga kasi diretso hulog talaga siya sa riles ng tren kung nagkataon.

"Ay, sorry po, kuya, nagmamadali lang" hinihingal na sambit ng babae na halatang nagulat din. Sinagip ko buhay mo, teh. Wala bang thank you dyan? Atsaka kuya? Nangilabot ako doon ah.

"Sige, dito ka na lang sa likod ko para makapasok ko agad." Tumango na lamang siya ngumiti na may halong hiya.

Narinig ko naman ang bulong na protesta ng mga tao sa likod namin. "Ay ano ba yan, singit si ate." Rinig kong reklamo ng isang pasahero sa likod. Ikaw nga, mukha kang singit, narinig mo ba akong reklamo? Hindi, diba? Ok, sit down. Nahabag naman kasi ako kay ate girl, basa pa nga yung kulot niyang buhok at di pa nakasintas nang maayos ang sapatos niya. Napansin ko ring may bakas ng pintura ang sleeves ng sweater niya. 'Tong si ate ang init init sa Pinas naka-sweater pa. Kainaman.

Nang dumating na ang bagon ng tren, naramdaman kong kumapit si ate sa laylayan ng damit ko habang papasok ng tren. As usual kasi ay nagdagsaan na naman kasi ang mga tao na papasok sa tren para makahabol, alas otso na rin kasi, rush hour na.

Dumiretso naman ako sa gitnang bahagi ng tren tutal sa pinaka dulong station pa naman ang baba ko. Pero parang wala na ata si miss dungis na nakakapit sa damit ko kani-kanina lang. Nilingon ko naman ang paligid para hanapin siya at nakita ko ang mala-lion king niyang buhok sa kabilang dulo ng bagon. Tila awtomatikong napalingon naman siya sa aking gawi at nagulat nang makita akong nakatingin sa kaniya. Baka isipin nito na stalker niya ko pero binigyan niya lamang ako ng sinserong ngiti na siya rin namang sinuklian ko ng kindat. "Audio Technica? Rich girl pala 'to. Pero bakit ang dungis niya?" Bulong ko sa aking sarili matapos na makita siyang magsuot ng headphones. Oo na, ang salbahe ko. Madungis man siya, pretty pa rin naman.

"Arriving at Recto Terminal Station. Paparating na sa Recto Terminal Station." Naging hudyat ko naman ito para maghanda nang bumaba at magpadala sa daloy ng tao pababa ng hagdanan. Habang naghihintay ng Jeep pa-Taft ay napansin ko naman na nasa tabi ko pala si miss dungis. Sinusundan ba 'ko nito? Pero hindi naman niya ata napansin ang presensya ko kasi nakasuot pa rin siya ng headphones. Teh, sinasabi ko sa'yo pag nahablot yan sa ulo mo, maiiyak ka talaga.

Tatapikin ko na sana siya nang sakto namang may tumigil na Jeep sa harap namin. Mukhang pa-Taft din ang bruha. Nauna siyang sumakay at sumunod naman ako. Bakas sa mukha niya muli ang gulat nang makita akong nakaupo katapat niya. Ito talaga, lagi na lang nagugulat ganda ko kahit natatakpan ng face mask ang aking beautiful face.

"Saan ka pala bababa?" tanong niya sa akin habang hawak ang wallet at dumudukot ng barya.

"Ah, sa city hall lang ako. Ikaw?" Tanong ko naman pabalik dahil baka stalker ko talaga ito.

"Uy, sakto. Doon din ako. Ako na magbabayad sa atin." Nabigla naman ako dahil sa sinabi niya.

"Kuya bayad-" hindi ko na siya pinatapos at nauna nang inabot ang bayad sa driver.

"Ako na. Kuya, bayad po, dalawang city hall." Hindi na siya nakalaban pa dahil kinuha na agad ni manong ang bayad.

"Salamat" Nahihiya naman niyang sambit sa akin. Kota na 'to si girl sa akin, pero keri lang naman. Minsan lang naman ako maging mabait dahil palagi akong parang sugo ng diyablo, pang dagdag points na rin kay Lord. Chariz.

"Miss dungis, bababa ako rito sa underpass, ikaw ba?" Tanaw ko na rito mula sa binabaan namin ang trabaho ko. 'Di pa man ako nakakapasok, sumasakit na agad ang ulo ko.

"Dito ako pa-Intramuros. Salamat ulit a. Bawi ako sa'yo sa next life. Joke." Pareho naman kaming natawa sa sinabi niya. Nagpaalam na kami sa isa't isa pero ang weird kasi di na kami nagpakilala or nag sabi man lang ng name. I guess it doesn't matter naman. 'Di naman na kailangan ng pangalan ang pagiging mabuti sa kapwa. Naks, dagdag points na naman ito kay Lord, baka bukas makalawa kasama ko na si Lord. Charing, huwag naman sana.

Matiwasay at puno ng sama ng loob akong nakarating sa trabaho at ngayo'y nakatayo ako sa tapat ng Obra ni Hernando Ocampo at pinagmamasdan maigi ang patterns sa painting niya. "Mission accomplished." Mahina kong basa sa pamagat ng larawan. "Sana ako rin e maging mission accomplished na" Paano ba naman ako mag a-accomplish sa mission ko e simpleng resignation letter lang di ko pa magawa.

Halos dalawang taon na rin akong nagt-trabaho dito sa museo. Oo nga't mahal ko ang trabaho ko at higit sa lahat mahal ko ang sining pero gusto kong gumawa ng obra. Gusto kong gumuhit, gusto kong magpinta, gusto kong magpunta sa iba't ibang lugar at kumilala ng mga bagong tao na siyang magiging inspirasyon ko sa pagguhit. Ang hirap kasi rito sa Pilipinas, lagi ka na lang sasabihan ng "hindi ka mapapakain ng arts na yan". E kung isuksok ko kaya sa lalamunan nila ang canvas ko? Hindi pala mapapakain ah.

"Lalim ng iniisip mo ah."

"Tang— ano ba naman yan, Anne. Nakakagulat ka naman masyado, bigla bigla kang sumusulpot dyan sa tabi." Hinampas pa ako ng bruhilda nang beri beri layt. Lokang 'to, siya na nga nanggulat, siya pa nang hampas. Pag binigwasan kita dyan, teh, sure ball iyak ka talaga sa sakit.

"Ikaw naman kasi, kanina pa kita pinagmamasdan diyang nakatayo tapos nagsasalita ka mag isa. Baliw lang, girl?" Tawang tawa ang walangya.

"Late ka ata ngayon? May booking ka ba kagabi?" Nabigla naman ako sa sinabi ni Anne kaya nahatak ko na talaga ang buhok niya. Dazurb.

"Huy, bunganga mo naman! Ang laki na nga, puro kabalahuraan pa lumalabas!" Matutuwa sana ako kung totoo ngang may booking ako kagabi, e kaso nganga. Dagdag sa inis ko 'tong naglalakad na bungangang 'to.

"Violence in the workplace!" Eksaheradang sabi ni Anne. Well, totoo din naman kasi, minsan kapag late ako e may ganap ako the night or madaling araw before. Sa tagal na naming magkaibigan ni Anne, kabisado niya na ang mga rason kung bakit ako nala-late or absent...pero not this time, sobrang bago ng rason ko ngayon kung bakit ako na-late.

Kinuwento ko naman sa kaniya ang mga nangyari kanina habang naglalakad lakad kami sa loob ng mga exhibitions. Wala rin naman kasing masiyadong guests ngayon dahil Wednesday, may mga pasok ang tao. "Ikaw ha, di mo naman nasabing merlat na pala tinitibok ng puso mong mamon ngayon" Nangilabot naman ako sa sinabi ni Anne. "Gusto mo talagang makatikim ngayong araw, ano?" Isang isa na lang bi-binggo na talaga 'tong babae na 'to. "Huy, sis, di ako willing maging first victim mo ah" Medyo nag loading naman sa utak ko ang sinabi niya pero nang napagtanto ko ang punto ni Anne ay hinatak ko ulit ang buhok niya. "Kota ka na sa sabunot ah!" Nakabusangot namang sagot ni bruha sa akin. "Ayusin mo kasi yang mga lumalabas sa bibig mo, nakakaloka ka" Nagpatuloy kaming maglakad lakad dahil nagsimula nang dumami nang bahagya ang mga bisita ngayong araw. Oras na ulit para magtrabaho.

Naghahanda na kami ng gamit ngayon dahil tapos na ang aming shift. Inaya ako ni Anne kung gusto ko bang sumama sa kanila ng jowa niya na mag dinner pero nag decline ako. Haller, hindi ako pinanganak para maging third wheel lang, sa ganda kong 'to dapat nga tatlo ang jowa ko ngayon. May bagong bukas din kasing Starbucks sa loob ng Intramuros kaya gusto ko munang tumambay doon, baka may mga pogi na taga Mapua. Charot.

Dahil pagabi na ay lumalabas lalo ang ganda ng Intramuros dahil sa mga pa-ilaw. Feeling ko tuloy nasa ibang bansa ako at nag sho-shooting ng teleserye, leading man na lang talaga ang kulang, ehe. Natanaw ko na sa malayo ang kapehan kaya naman ay medyo na-excite ako. 'Di naman sa hindi ako nag ka-kape or something, nae-excite ako kasi may ilang mga pumapasok na boylet sa loob ng Starbucks.

"Shit." Mahinang bigkas ko nang makita ko siya sa counter. "Si Miss Dungis" Hindi ko alam kung tutuloy ba akong o-order o lalabas na lang. Naa-awkward na kasi ako ngayon na makita siya dahil sa pang babalahura ni Anne kanina. Medyo kaunti rin kasi ang tao rito sa loob. Shet naman o. Nanaig naman ang sinisigaw ng utak ko na tumuloy na lang sa pag order. Nauuhaw na rin talaga ako sa lasa ng kape at masakit na ang mga paa't binti ko dahil sa buong araw na pagtayo.

"Hi! Welcome to Starb— uy! Ikaw ulit!" Yes, ako nga ito. Nasilayan mo ulit ang kagandahan ko kaya maging thankful ka. "At sumainyo rin. Charot" ANO RAW? ANONG CONNECT NUN? Please lang, Lord. Kadagdag ko lang ng points, mukhang mababawasan na naman. Buti na lang at natawa itong si Miss Kulot. "Small world talaga. Anyway, may I get your order, stranger?" Parang 'di ko na pala kailangan ng kape, nagising na kasi ang diwa ko.

"Ano, Venti na strawberries and cream, tapos can you please add extra whipped cream? Thank you" Sumaludo naman siya bilang sagot at ni-repeat ang order

"Anything else po?" Umiling naman ako at sinimulan na niyang sulatan ang cup. Is-scan ko na sana ang aking card para magbayad pero  tinakpan niya ang barcode scanner para pigilan ako.

"'Wag na, it's on the house." Kinindatan niya naman ako at parang nanlambot ata ang mga tuhod ko. Yuck, babae. Mga ilang segundo rin bago ako nakabalik sa reyalidad.

"Keri lang, teh! Kung pang bawi mo 'to dahil doon sa nangyari kanina, no need na."

"Sige, sabi mo e." Hinayaan niya naman akong i-scan ang aking card at nagpatuloy na sa pagp-prepare ng aking order. Tsaka ko lang din na-realize na hindi niya tinanong ang pangalan ko. Paano kaya ako tatawagin nito? Bahala nga siya dyan, ang sakit na talaga ng binti ko. Inabot naman niya sa akin ang receipt at naghanap na ko ng vacant seat malapit dito sa counter para di malayo ang lalakarin kapag kinuha ko na ang drink ko.

Lumipas lamang ang ilang minuto at nakita kong papalapit si miss dungis sa table ko habang hawak hawak ang tray na may drink ko. Walang sali-salitang inilapag niya ang drink at napansin kong may note sa gilid ng cup. Babasahin ko na sana ang note nang bigla siyang magsalita.

"Hey, ano pala, my shift's about to finish. Would you mind if I sabay with you? Pang bawi lang doon sa kanina, please. 'Di matatahimik ang conscience ko if hindi ko ma-give back yung kindness." Naka-pout naman niyang pag e-explain. Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng eyeglasses na bilog at nakapusod na ang buhok niyang parang pugad ng ibon sa laki. Cute.

"Ah, ok lang naman sa akin, pero sure ka ba dyan?" Tumango lang siya

"'Di ka natatakot na baka kidnapper pala ako or holdaper?" Tinawanan niya lang ako bago sumagot

"May point ka. Pero recorded naman na ng CCTV namin yung pagpasok mo rito so mahuhuli ka rin." May point din naman siya kaya pumayag na lang ako. Nagpaalam naman siya para ligpitin ang gamit niya at ako naman ay nagsimula nang uminom. Malamig naman dito at malamig din naman ang iniinom ko pero bakit parang pinagpapawisan ako. 'Di kaya siya talaga yung tunay na kidnapper? Charet.

Nang makaalis na siya  ay sinilip ko muli ang note na nakalagay sa gilid ng aking cup 'Thank you, stranger'. Ganda ng handwritting, infernez. Feeling ko magaling 'to sa arts. Feeling ko lang, feelingera ako e.

Hinintay niya muna akong maubos ang frappe na iniinom ko bago niya ako ayain na umuwi. Dahil gabi na, madali na lang kaming naka-sakay papunta sa istasyon ng LRT. Katulad ng sinabi niya kanina, bumawi naman siya sa akin sa pagbili ng dalawang card, isa para sa akin at isa para sa kaniya. Sayang, hindi ko nagamit ang Beep ko ngayon. Di bale, pang siomai ko na lang yung ipa-pang load ko sa Biyernes.

Pasado alas otso na ng gabi kaya kakaunti na lamang ang mga pasahero at matiwasay kaming nakaupo sa tren.

"Salamat ulit a? First day of work ko kasi ngayon kaya medyo may pagka lutang pa ako" Napalingon naman ako sa kaniya.

"Ok lang, baliw. Maliit na bagay" totoo naman, maliit na bagay lang siya para sa akin pero baka sa kaniya hindi. Hindi ko pa naman siya kilala talaga kaya baka may pinagdadaanan siya. Hindi naman masamang maging maunawain kahit na sa mga taong hindi natin kilala. Sabi nga ni Bob Ross 'There's nothing wrong with having a tree as a friend'. Anong connect? Wala naman, naalala ko lang yung buhok ni Bob Ross dahil sa mala-lion king na buhok ng babaeng katabi ko, parehas ng kay Bob Ross.

"Mauna na ako, babawi ako sa'yo ulit kapag pinagtagpo tayo ulit ng tadhana. Joke" Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng Katipunan station nang nag aya siyang tumigil muna saglit.

"Baliw ka talaga. Pero malaki talaga ang chance na magkasalubong tayo ulit lalo na't sa iisang station tayo sumasakay at bumababa." Napatingin naman siya sa kalangitan na tila nag iisip. Tinanggal naman niya ang kaniyang salaman at inabot sa akin.

"Ito, salamin ko ito. Walang grado yan pero suotin mo lang. Bigay yan ng mama ko kaya sobrang valuable niyan sa akin." Seryoso ba 'tong babaeng 'to? Parang ako naman yung nahiya bigla.

"E valuable pala sa'yo 'to, bakit mo binibigay sa akin?" Nakangiti niyang inabot ang kamay ko at binuksan ang aking palad at inilapag niya doon ang salamin. Pagkatapos ay inilagay niya sa aking dibdib ang kamay kong may hawak sa salamin.

"Sinagip mo ang buhay ko kanina sa LRT, utang ko sa'yo ngayon 'tong buhay ko." Serendipity ba 'to? Feeling ko talaga bida ako ng pelikula ko ngayon. May camera ba sa paligid? Wow mali ba ito? Kung may camera man, sana maganda ang anggulo ko.

Ngumiti na lamang ako sa kaniya dahil hindi hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Parang nawawala nga ang dila ko ngayong araw.

"Kapag meant talaga tayong magkita ulit, pagtatagpuin tayo ulit ng universe at kapag nangyari yun, tsaka mo na ibalik sa akin yang salamin ko."

Tumayo naman ako nang maayos at sinuot ang salamin na kabibigay lang niya. "Ok, edi see you again pala, miss dungis?" Napataas naman bigla ang kilay ng bruha dahil sa tinawag ko sa kaniya at tumawa na lang din kalaunan. Mukhang aminado rin pa lang madungis siya.

Nang makatawid na kami, naalala kong hindi pa pala namin alam ang pangalan ng isa't isa. Itatanong ko ba o hindi na? Sa susunod na lang kaya kapag nagtagpo kami ulit? Bahala na nga.

"Vice." Sambit ko sa aking pangalan at nakalahad ang aking kamay sa kaniya. Nagitla naman siya at tila naguluhan na kita sa kaniyang ekspresyon pero nang maintindihan niya na ang nangyayari, inabot niya ang kamay ko at nakipag kamay din nang may napakatamis na ngiti bago banggitin ang isang pangalan na alam kong tatatak na sa isip ko simula ngayong gabi "Karylle."










-----------------------------------------

HOLABELLS, MGA VEV! Wala talaga akong ibang maisip na ambag bukod dito para naman wholesome ang content ko ngayon, treww? anyway, happy happy 10th anniversary sa ating lahat! Halavyu ol mga vev! Dahil sa pagbubukas ng panibagong kabanata ng ating buhay, magbubukas din ang kwento nila Miss Dungis at ni *insert name* hINDI KO PA ALAM TO FOLLOW NA LANG PETNAME NATIN KAY VICE HERE HAHAHAHAHA

See you next week :))

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
48.4K 2.6K 23
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...