My GF Is So Panget (Various F...

By PrinceofBanat

1.8M 11.2K 4.4K

Mukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't... More

Prologue and Chapter 1: The Voice
Chapter 2: Beleaguered Prince
Chapter 3: Kiss From A Witch
Chapter 4: Weapon of Miss Destruction
Chapter 5: He Who Persists
Chapter 6: In Action
Chapter 7: To Live with a Witch
Chapter 8: Just Us
Chapter 9: Tell Me Where It Hurts
Chapter 10: Newly Found Wall
Chapter 11: Flash Drive
Chapter 12: The Attack of the Flirting Prince
Chapter 13: The Road
Chapter 14: First 143
Chapter 15: Unsuitable
Chapter 16: First Date with Flirt Mate
Chapter 17: Davember
Chapter 18: The Only Exception
Chapter 19: The Battle
Chapter 20: Broken Friendship
Chapter 21: The Best Joke In Town
Chapter 22: My World
Chapter 23: Beauty Over Ordinary
Chapter 24: Relationship Status
Chapter 25: Is There One or None?
Chapter 26: Wake Me Up When September Comes
Chapter 27: Fucking Monthsary
Chapter 28: Ube
Chapter 29: Annoying Call
Chapter 30: Freed from a Fib
Chapter 31: The Decision
Chapter 32: Worst Feeling Ever
Chapter 33: I Love You Versus I Love You Too
Chapter 34: Eclipse
Chapter 35: Fujiwara Effect
Chapter 36: Tears of Joy
Chapter 37: Ube Mooncake
Chapter 38: The Extra Part 1
Chapter 39: The Extra Part 2
Chapter 40: Rainbow
Chapter 41: Compunction of An Ex-Angel
Chapter 42: This Week Is Not Weak To Make Me Miss My Miss
Chapter 44: No More Ube
Chapter 45: One More Lonely Girl
Chapter 46: Lost
Chapter 47: The Longest Word in the World
Chapter 48: Very Weary Christmas
Chapter 49: Silent Lover Here
Chapter 50: A Free Rapunzel
Chapter 51: Doomsday
Chapter 52: Crownless Princess
Chapter 53: Raise the White Flag
Chapter 54: Supernova
Chapter 55: Blood Tension
Chapter 56: Scars of the Stars
Chapter 57: No More Eclipse
Chapter 58: When Fate In Disguise Reveals Reality, It Sucks, Fucks, and Cracks
Chapter 60: Various Ways of Saying I Love You
Epilogue

Chapter 43: I Seriously Hate One Lizard

29.8K 218 107
By PrinceofBanat

Chapter 43: I Seriously Hate One Lizard

Dave

Katatapos lang naming mag-lunch nang malaman kong bumalik na agad ng classroom si Maggie pagkatapos niyang kumain, kaya imbis na maglaro pa ako ay dumeretso na rin ako ng classroom. Sumama naman sa akin ang mga kaibigan ko. Nang makarating kami ng room ay may nadatnan akong isang pangyayaring malala pa sa kahit na anong patayang napanuod ko na sa TV at movie: Nakikipaglandian ang girlfriend ko sa isa naming kaklase na animo'y butiki sa sobrang kapayatan -- si Allan.

May dala siyang gitara, at tinutugtugan niya ngayon si Maggie. Nang makita ko 'yun ay tinabig ng paa ko ang mga upuang nadaanan ko para makalikha ng ingay. Nakuha ko ang atensyon ng lahat ng kaklase ko sa loob ng classroom, pero wala akong pakialam dahil atensyon nina Maggie at Allan ang gusto ko. Isang mabilis na sulyap lang ang nagawa ko sa kanila, kaya nalaman kong nakuha ko rin ang atensyon nila--na nagulat sa maangas kong pagdating.

Nang makaupo ako ay narinig ko mula sa likuran ko nang muling tumugtog ang butiking si Allan--ngunit ang bagay na lalong nagpabagabag sa akin ay nang sinabayan naman siya ng pagkanta ni Maggie.

Wow! Tang ina! Nandito na ako, oh?! Porke nakatalikod ako sa kanila, pwede na silang maglandian? Ang sarap bangasan 'tong si Allan. Tugtugan sila nang tugtugan. Kantahan nang kantahan. Ampanget naman ng boses ni Butiki. Tang ina! Kung ikukumpara naman siya kay Daniel, mas magaling mag-gitara ang kaibigan ko; at kung ikukumpara naman ang boses niya sa boses ko... Ah, teka, huwag na pala. Sa boses kaya ni Don? Huwag na rin pala.

"Wait, alam mo 'yung theme song ng A Beautiful Affair? 'Yung After all?" tanong sa kanya ni Maggie nang huminto sila sa pagtugtog at pagkanta ng kantang hindi ako pamilyar.

Agad akong napalingon sa kanila. Masama ang tingin ko sa kanilang dalawa, pero hindi nila ako sinusulyapan kahit saglit man lang. Tang ina nila! Hindi ba nila ako nakikita?

Lapitan ko na kaya sila? Pero anong sasabihin ko? Hindi kami nagpapansinan ni Maggie ngayon, eh. Pero boyfriend niya ako, 'di ba? Tama bang makipagharutan siya sa iba--sa harap ko pa? Ano? Lalapit na ako? No way. Kung ang aim nila ay pagselosin ako, hindi nila 'yun magagawa. Hindi ako nagseselos. Nagja-jamming lang sila. 'Yun lang 'yun.

"Ah! Oo, alam ko 'yun! Sige, kantahin natin... Duet!" tugon ni Butiki, sabay ng muling pagtalikod ko. Hindi naman ako masokista para panuorin pa silang mag-duet.

Nagsimula nang tumugtog ang Butiki.

Allan: Ako muna. Well here we are again / I guess it must be fate / We tried it on our own / But deep inside we've known /  We'd be back to set things straight. ♪

Maggie:   I still remember when /  Your kiss was so brand new /  Every memory repeats / Every step I take retreats ♪

Allan and Maggie: Every journey always brings me back to you ♪  

Ano ba? At talagang nag... Nag-duet nga!

Allan and Maggie: " After all the stops and starts / We keep comin' back to these two hearts ♪ "

Nanadya bang magpaselos si Maggie? Bullshit!

" Two angels who've been rescued from the fall ♪ "

Shit! Pakiramdam ko may kamay na nakahawak sa ulo ko at pilit itong pinipisa.

"♪ After all that we've been through / It all comes down to me and you ♪ "

Tang ina! 'Yung boses nila... 'Yung napakagandang boses ni Maggie... 'Yung pahangang boses ni Allan... Shit! Bakit nagbe-blend? Ang... Ang ganda.

" I guess it's meant to be / Forever you and me / After all ♪ "

instrumental ♪

May balak talagang tapusin? Hindi pwede. Nang walang anu-ano ay bigla na lang akong napa-rap ng malakas at wala sa oras.

"Hey! Hey! Oh! Yeah! Uh. Uh-huh... Uh... Oh..." Nilingon ko si Don at si Daniel para sabayan ako kahit beatboxing lang pero ang mga gago, napakasupportive--gulat at pagtataka lang ang naging response.

Nakakahiya ako. Out of nowhere, bigla na lang akong nag-ingay. Nagtinginan ang mga kaklase ko. Nagkaroon ng katahimikan ng unti-unting maglaho ang kagaguhan kong pagra-rap. Shit! Nakakahiya talaga. Pero okay lang, tumigil na rin naman sina Maggie sa pagkanta, eh.

Nanginginig na ang mga kamay ko kaya mahigpit kong hinawakan ang edge ng arm desk ko para ma-steady ito, nang sa gano'y walang makahalata.

"Ano pang kaya mong i-play, Allan?" tanong ni Maggie.

"Um, kanta ba?"

"No, I mean, instruments." Whoa, ha! Ume-english.

Hindi. Hindi na ako lilingon sa kanila. Wala akong pakialam. Pero ang mga mata ko, hindi ko mapigilan sa paggalaw nang pakaliwa't kanan. Nangangalay na ang leeg ko. Pakiramdam ko magkaka-stiff neck ako sa hindi paggalaw. Ano ba? Tatawagin ko na ba si Maggie? Lalapitan ko na ba siya? Hindi. Kaya ko 'to.

"I can also play saxophone, flute, and violin. At sa ngayon, pinag-aaralan ko na rin mag-drums." tugon ni Butiki. Tang ina! Ang yabang! Whoo! Kanya na lahat ng instruments.

"Wow! Talaga? Ang galing! Ako, gitara at piano lang ang kaya kong i-play. Ikaw, pati saxophone, flute, at violin? Tsaka ano, drums?! Hanep! And take note, maganda rin ang boses mo, ha. Ba't 'di ka sumali sa choir?" papuring ewan ni Maggie kay butiki. Hangang-hanga na siya dun? Sus!

Napakunot-noo ako sa mga sinabi niya. Amplastik! Ang sarap sigawan si Maggie ng, "You can only play guitar and piano? Hey, girl! You're starting to play dirty moves if you haven't notice!"

Exam na namin sa Lunes kaya karamihan sa amin ay busy na sa pagre-review, pero ang Maggie at ang butiking 'to, busy sa harutan.

Hoy, Butiki! Hindi pa kami break! LQ lang! 'Yung boyfriend ng babaeng hinaharot mong butiki ka, nandito sa paligid mo. Aba naman, konting respeto. 'To namang Maggie na 'to, kay landi!

Bakit nga ba kasi may mga taong ganyan? Kung makaharot sa taong taken, kay inam! At bakit may mga taong taken na pero kung makalandi sa iba, kay inam din! Ang taong lumalandi sa taken, dapat tawaging bastos; at ang taong lumalandi habang taken, dapat may pektos!

Naririnig ko pa rin ang tawanan nila sa likod ko. Oo, gusto kong palaging masaya si Maggie, pero ayokong sumaya siya dahil sa iba. Gusto ko dahil sa akin lang. Ayokong tumatawa siya dahil may ibang nagpapatawa sa kanya. Ayokong ngumingiti siya dahil may ibang nagpapangiti sa kanya. Gusto ako, ako lang--ko lang ang dahilan kung bakit siya maligaya.

"Maggie!" tawag ni Chloe.

Nagulat ako nang bigla siyang tawagin ni Chloe. Nanlaki rin nang 'di oras ang mga mata ko sa kanya na parang nagsasabing, "Kung anuman ang binabalak mo, huwag mong itutuloy!" Kinabahan ako sa ginawang pagtawag ni Chloe kay Maggie. Paano kung palapitin niya ang girlfriend ko dito sa amin at makita ang kalagayan ko ngayon? Paano kung may sabihin siyang hindi maganda? Napakamadada pa naman ng girlfriend na 'to ni Dan.

"Ano 'yun?" tugon ni Maggie.

"Ahh... Um..." Lalo ko pang nilakihan ang tingin kay Chloe. "Pwede ba stop na muna kayo ni Allan? Um, Allan, please?"

Shit ka, Chloe! Anong pinagsasabi mo? Pinapatigil mo ba sila para sa akin kasi halatang-halata na apektado ako sa landian nila ngayon? Tang ina! Hindi, 'no!

"Almost everybody is reviewing kasi for the exam... Sorry, ha. Silent muna kayo, please," mapagkumbaba niya pang dagdag.

Shit! Kinabahan ako dun, ah. Akala ko idadaldal na ni Chloe ang nararamdaman ko ngayon. Okay. Tama rin naman si Chloe: Ang daming nagre-review.

Napatingin ako kay Chloe. Kinindatan niya ako. Anong ibig sabihin niya? Pinatigil niya talaga sina Allan at Maggie para sa akin? Dapat ba akong maging thankful?

Tinapik ako bigla ni Don at bumulong ng, "Huy, 'tol! Okay ka lang?" Bumibilis na pala ang paghinga ko. Pakiramdam ko may nakadagan sa dibdib ko, at nananakit na rin ang kamay ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak ko sa arm desk -- pati na rin batok ko na kanina pang naka-steady, ang sakit-sakit na rin.

Hindi ako sumagot kay Don, bagkus ay may napansin ako: Sina Mitch kasama sina Nice at Daisy na nagre-review. Tumayo ako at lumapit sa kanila.

Dumaan ako sa likod ni Mitch at tinakpan ang mga mata niya gaya ng lagi naming ginagawa ni Maggie. Napasulyap ako kay Maggie saglit, dahil sa pwesto ko ngayon ay magkaharap na kami. Mabilis lang din ang pagtingin niya sa ginawa ko kay Mitch. Malamang... Naapektuhan din siya.

"Sino 'to?" tanong ni Mitch habang takip-takip ng mga kamay ko ang mga mata niya.

Alam ko at ng mga kaklase kong may crush sa akin 'tong si Mitch pati na rin si Daisy na nasa harap ko rin katabi si Nice, kaya nauunawaan kong nagulat sila sa paglapit ko, at kitang-kitang hindi sila mapakali.

Inalis ko na ang kamay ko sa mga mata ni Mitch at humila ng isang upuan para tabihan siya, at sinabing, "Ey! Anong nire-review niyo?"

"Ahhh..." bukambibig ni Mitch na halatang kinakabahan at gulat na gulat.

Ngumiti ako at sinabing, "Hm... Physics! Gusto niyo ng tulong?"

"Oo naman, Dave. Okay lang ba? Magpapaturo s-sana kami. Eh, na-na... Na-ano.. Nahihirapan na din kasi kami," pautal-utal na sabi ni Daisy.

"Siyempre, akin na." Kinuha ko ang notebook ni Mitch, binasa saglit at sinimulan silang turuan. Napansin kong huminto sa tugtugan sina Maggie at Butiki. Natabunan sila marahil ng lakas ng boses at tawanan namin habang nagre-review. Habang nagtuturo pa ako ay patingin-tingin ako sa lugar nina Maggie, hanggang sa... Boom! Huli! Nagkasalubong ang mga mata namin ni Maggie. Yes! Alam ko, nagseselos na siya! Patas na ang laban! Tumawa pa ako nang malakas kahit hindi ko alam kung may nakakatawa. Kung kaya niyang sumaya kasama ang iba, pwes lalo na ako.

"Tara sa labas," pagyaya ni Maggie kay butiki. Lumabas sila at habang ipinapakita ko sa mga classmate ko ang solution ko ay napatingin ako saglit ng dumaan sa amin sina Maggie at Butiki. Ilang saglit lang ay nawalan na ako ng ganang magturo sa mga kaklase ko. Bumalik na ako sa pwesto kung nasaan ang mga kaibigan ko.

"You think you and Maggie look cute? Nooo! You look silly, guys! I know! I know I have no I idea what happened between you and Maggie, but, hey, Dave! Both of you are not funny... Kapag tinatanong naman namin kayo kung bakit ganyan kayo sa isa't-isa... Nobody even bothers to answer," speech ni Chloe nang makaupo ako sa tabi ni Don.

"Know what, Chloe? Stop it. Sa'yo na galing: Hindi mo--NIYO--alam kung anong nangyari, and to tell you the truth, if you are clueless, so do I! So please stop nagging at me. Sometimes, you're tongue in a sleep mode is more helpful."

Ilang segundo pa ang lumipas bago niya sabihing, "Dave, okay, fine! Sorry. We're your friends, and, um, it's hard for us... to see you like that. Sorry if I sound like a -- like -- like a nagging woman. I didn't mean to act that way. Kasi nga, nahihirapan na kami sa set up niyong dalawa. Christmas season na, hello?! Ganyan pa kayo? LQ, LQ-han? Acting like kids?" Bumaba at bumait ang tono ni Chloe, kaya tumahimik na ako. Ayoko nang sumagot. Hindi ko nga kasi alam ang isasagot. Hinahabol ko na pati paghinga ko.

Isa-isa na namang pumasok sa ulo ko ang mga kalbaryo ko. Ang bigat. Konti na lang, sasabog na ako, at kapag sumabog ako, hindi nakakatuwa.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ako. Lumingon ako sa buong paligid nang marahan, 'yung tipong kunyari dumudungaw sa hangin--simpleng pinagmamasdan ang buong kapaligiran na animo'y nagpapahangin lang; at 'yung tipong walang partikular na hinahanap. Siyempre, ayokong ipahalata na hinahanap ko kung saan nagpunta sina Maggie at Butiki, at 'yun na nga, nakita ko na sila sa bandang kaliwa ko.

Nang makita ko sila ay agad kong inilayo ang tingin ko. Ayokong mahuli nila akong nagmamasid sa kanila. Ayokong ipabatid na binabantayan ko sila; na... Okay! Nagseselos nga ako. Teka, ako ang boyfriend kaya may karapatan naman ako, 'di ba?

Hindi na ako nakatiis. Nagpasya akong lumapit sa kanila, kahit mabigat sa kalooban ko. Naiinis na ako sa ipinapakita nilang harutan. Garapalan na talaga, eh! Tawanan nang tawanan, wala namang nakakatawa.

"Maggie,"  sabi ko na may tonong parang boss. Dapat lang naman, e. Ako ang boyfriend, kaya ako ang may authority over Butiki.

Kahit si Maggie ang tinawag ko ay kay Butiki ako nakatingin ng masama. Habang nakatingin ako sa kanya ay paulit-ulit tumatakbo sa utak ko ang salitang 'butiki'.

Si Butiki naman ay hindi makuhang tumingin sa akin, mata sa mata. Kapansin-pansin din sa kanya ang pangamba at hiya. Dapat lang! Kasi mangyari lang na pakitaan niya pa ako ng yabang, babasagin ko ang bungo niya.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nakatuon na ang atensyon sa akin ni Maggie, kaya napatingin na rin ako sa kanya.

"Nakapag-aral ka na ba sa Physics mo?" walang emosyong tanong ko sa kanya.

Inismidan niya muna ako bago sabihing, "Hindi pa."

Shit! Sumagot na siya. Akala ko kasi hindi niya ako papansinin. Pinansin niya na ako. Ang boses niya, kahit hindi maganda ang tono, pagkatapos ng higit isang linggo, narinig ko uli na kausapin ako.

Muntik na akong ngumiti, pero pinigilan ko. Boss ako ngayon, lalo na't nasa harap kami ni Butiki. Kailangan niyang malaman na ako ang boyfriend ng babaeng hinaharot niya ngayon, kaya naman pinanatili ko ang tono, tindig, at ekspresyon ko na matikas.

"Tara... Tarang mag-review," pag-anyaya ko sa kanya.

Inirapan niya lang ako sabay alis at bumalik sa room namin na sinundan ko naman ng tingin. Whoa! Ganun siya kaganda? Talaga? Nak-ng!

Sinupladahan niya na naman ako kaya muli na naman akong nabwisit. Muntik na, oh! Muntik na kaming um-okay. Ano bang mali sa sinabi ko? Niyaya ko lang naman siyang mag-review, ah? Alam kong hindi pa siya nakakapag-review dahil kinuha ko ang Physics notebook niya sa bag niya nang maiwan iyon sa akin. Hindi kaya alam niyang nasa akin?

Sumunod ako sa classroom, at walang nagbago. Hanggang matapos ang araw, hindi pa rin kami okay ni Maggie.

<Wednesday>

Kinabukasan, dinala ko ang Physics notebook niya para isauli, at umaasa na ito ang magiging daan para makapag-usap na kami. Pero sa recess at lunch ay hindi ko siya maabutan. Mabilis siyang nawawala kapag breaktime, at bumabalik nang eksakto sa oras ng klase, kaya naman wala talaga akong chance para makabwelo ng pakikipag-usap sa kanya.

Pinaikli ang oras ng bawat subject namin sa hapon para bigyan kami ng opportunity para makapag-review sa exams namin next week; at para na rin makapagplano para sa christmas party pagkatapos ng three-day exams. Pero ang bawat libreng sandali para makalapit ako kay Maggie ay hindi mangyari-yari dahil para siyang bula kung mawala. Nang una, kasama niyang nawala si Butiki, pero sa pangalawang beses na may free time kami, siya lang mag-isa ang nawala.

Pag-uusapan na namin ang plano para sa christmas party, kaya nag-request si Edith na walang lalabas, at ipatawag ang lahat ng lumabas. Isa si Maggie sa mga lumabas. Tine-text siya at tinatawagan pero naka-off na pala ang phone niya. Naisipan kong lumapit kay Butiki para itanong kung alam niya ba kung saan nagpunta si Maggie.

"Buuu... But... Ah... Allan!" Muntik ko na siyang matawag na butiki.

"Oh?"

"Si Maggie, saan nagpunta?"

Kibit-balikat lang siyang tumugon.

"Kanina, saan kayo nagpunta?"

"Sa... Ano... Sa Medical Lib. Ah, tignan mo na lang doon, baka dun siya uli pumunta."

Umalis ako agad at nagpaalam sa mga class officer at mga kaibigan ko na susunduin ko lang si Maggie.

Agad kong pinuntahan ang Medical Lib. Si Maggie ang pakay ko pero hindi ko inakalang sa isang hindi magandang sitwasyon ko siya madaratnan. Nakatalikod sa akin si Maggie habang nakaharap siya kay Lani, at nagtataray. Ibang-iba ang Maggie na nasaksihan ko. Mainit ang ulo, mataray, suplada, maldita. Kabaligtaran ng kadalasan kong masaksihan sa tuwing makikita kong nagkakaharap sina Maggie at Lani.

Nakapamewang na tinarayan ni Maggie si Lani. "Pwede ba? Wala ako sa mood, baka hindi suspension ang mangyari sa atin sa susunod... Baka kick out na! At mahiya ka naman, Lani. E-extra ka lang sa kwento ng buhay ko, kontrabida pa ang role mo?"

"Aba!" hirit ni Christine na agad namang hinawakan ni Lani sa braso. Nakita ko kung paano pigilan ni Lani ang kaibigan niyang patuluan si Maggie--tanda na nagbago na nga talaga siya. Nagbalik na ang kilala kong Lani. Ang maganda, sweet, at mabait na si Lani Marie Gomez Guevarra.

Tumalikod sila kay Maggie at umalis. Hindi man lang nila ako napansin, pero si Maggie na nakatalikod sa akin at may ilang metrong layo ay lumingon kaya kami nagkaharap.

Hindi maganda ang mood niya base sa ekspresyon ng mukha niya. Ako naman, kahit gusto kong ngumiti para batiin siya ay hindi ko magawa. Hindi ko nagustuhan ang inasal niya. Ibang-iba na siya. Anong nangyari sa kanya?

Lumakad siya papalapit sa akin, habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa pwesto ko. Nilampasan niya lang ako--hindi pinansin. Naamoy ko na naman ang amoy ng pabango niya nang lampasan niya ako. Amoy strawberry. Siya ang ube ko na amoy strawberry.

Sinundan ko siya at tinawag pero hindi niya ako pinapansin. Sinabi kong kailangan niya nang bumalik ng classroom dahil may meeting kami para sa christmas party pero kahit ano pang dada ko, at kahit sabayan ko pa ang halos patakbo niyang paglalakad ay para pa rin akong hangin sa kanya--pilit nagpaparamdam pero hindi nakikita.

Nagsisimula na ang meeting nang makarating kami ng classroom. Si Don na lang daw ang magkukwento sa akin ng mga bagay na napag-usapan na, mamaya. Magbububutan na kami for exchange gift, at syempre, isa lang ang gusto kong mabunot at makabunot sa akin. Tinatanong pa ba 'yun? Kung oo, sinasagot pa ba 'yun?

Si Maggie na ang bumunot. Siyempre, hindi ko alam kung sino ang nabunot niya. Si Chloe at Dan ang nakabunot sa isa't isa kaya naman pakiramdam namin nandaya ang dalawa. Si Don naman, ayaw sabihin kung sino ang nabunot niya.

"Dave!" Tinawag ako ni Edith dahil turn ko na para bumunot.

Habang inaalog ko ang box na pinaglagyan ng mga pangalan namin ay hinihiling kong sana si Maggie ang mabunot ko. Dahan-dahan kong binuksan ang nakarolyong piraso ng papel at nang makita ko ang pangalan ay nanlaki ang mga mata ko.

Kapag minamalas ka nga naman, oh! Si Allan pa ang nabunot ko. Tang ina niya!

Next week, Monday-Wednesday na ang exam namin, at next Thursday naman ang christmas party na gaganapin sa isang resort within the city. Wednesday na at hindi pa rin kami nagpapansinan ni Maggie. Kagabi pa ako isip nang isip kung bakit kami nagkakaganito ng girlfriend ko. Ano 'to? Isang araw, nagising na lang siya na ayaw niya na sa akin? Isang araw nagising na lang kami na hindi na nagpapansinan, na starngers na lang? Bakit? Paano nangyari 'to?

***

<Thursday>

Kanina ko pang umaga pasimpleng tinatanong isa-isa ang mga kaklase ko kung sino ang nabunot nila. Halos 3/4 na ng buong klase ang umamin sa akin kung sino ang nabunot nila. Syempre, dahil na rin'yun sa tulong ng mga kaibigan ko. Si Don lang ang ayaw umamin kung sino ang nabunot niya. Siguro, ako ang nabunot niya kaya ayaw niyang sabihin.

"Tol kung ako nga, please, makipagpalit ka kay Maggie," pakiusap ko.

"Hindi nga ikaw. Hindi rin si Maggie. Basta, iba."

"Ba't ba kasi ayaw mo pang sabihin?"

"Walang basagan ng trip," huling sagot ni Don.

Balak ko sanang makipag-trade sa nakabunot kay Maggie, pero patapos na ang araw, hindi ko pa rin nalalaman kung sino ang nakabunot sa kanya.

Nang makapag-break kami ay may ipinakisuyo ako kay Chloe na liham para iabot kay Maggie.

"Let's meet tomorrow after class at Alfonso Road, so we can talk what needs to be talked about. Sa bench na lagi nating pinupwestuhan. Hihintayin kita bukas. I'll bring you back your Physics notebook thereafter," ang nakasulat sa papel. Sa ilalim niyon ay may nakasulat pang, "From: Ube/Mr. Physics."

Gusto kong bago man lang matapos ang week na ito ay makapag-usap na kami nang makapag-ayos na. Hello? Two weeks na kaming ano... LQ? Hindi pwede 'tong ganito kami lalo na't exam na sa Monday at christmas party na sa Thursday, so pagkatapos niyon ay christmas vacation na.

Agad na lumapit sa akin si Maggie at mataray na sinabing, "Ibalik mo na ang notebook ko, please. Kailangan ko nang mag-review."

Nagulat ako. Hindi ko inasahang lalapitan niya ako. "No way. Bukas, after class, bigay ko sa'yo kapag dumating ka."

***

<Friday>

6:35 pm na at kanina pa akong naghihintay kay Maggie. Nagpasya na akong aalis na dahil dumidilim na. Kinuha ko ang knapsack ko at isinuot sa kanang balikat ko. Tumayo ako -- huminto saglit -- umaasa ako na baka sakaling biglang dumating si Maggie. Pero nang lumingon ako sa buong paligid ay wala akong nakita kahit hibla man lang ng rebonded na buhok ni Maggie.

"Kanina ka pa, ah," ang boses na narinig ko.

NOTE:

Chapter 44, 45, 46, and 52 are private chapters. If you can't read them, follow the instructions on "Frequently Asked Questions with Queries You Hesitate to Ask" on my profile. Thanks. :)

Continue Reading

You'll Also Like

279K 19.2K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
94.2K 2.8K 34
[CLASS COMPLETED] Every KPOP fan has a chance to be an Artist This is a school were you can train how to : DANCE and SING and the teacher is the EX...
1.4M 56.2K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...