The Cat Princess of Norris Ki...

By Ichira_akari

117K 4.2K 29

basahin niyo para masaya:^) More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Epilogue

Chapter 54

864 35 0
By Ichira_akari

Chapter 54

Andito ako ngayon sa hallway habang nag iisip pa din sa nangyari kanina.

Kaya ba binigyan ng misyon si Chase na hanapin ang legendary dragon na nay apat na mata kahit magiging delekado ng buhay ni Chase ay para ipaalam sa lahat na mas makapangyarihan si Chase sa kahit na sinuman?.

Hindi paba sapat ang Phoenix soul na meron si Chase? Talaga bang gusto nilang patayin ang anak nila? Eih sa pagcontrol pa nga ng Phoenix soul ay 50 percent lang ang chansa na makontrol niya iyon dahil baka bumaliktad ang sitwasyon at siya ang kontrolin nito.

Pero kung alam na ni Chase na pinag iinitan siya ng ulo ng daddy niya dahil rito, bakit hinahayaan niya parin ako na pumatay ng Demon sect? Bakit hindi niya ko pinigilan o sinabihan man lang na siya ang karapat dapat na pumatay sa mga Demon sect instead of me?.

"Salem hindi ka ba pupunta ngayon sa Bayan? Nakahanda na ang karwahe" sulpot ni Adi sa gilid ko kaya tumango naman ako.

"Samahan mo ko" sabi ko at tumango naman siya.

Nang makarating na kami sa bayan para maglibang ay agad kaming naglibot libot.

"Alam niyo ba yung tungkol sa babaeng pumatay sa tatlong namumuno sa Demon sect?" Chismis ng isang babae.

"Ano?" Tanong ng kachismis nito.

"Sabi nila ay yun daw ang prinsesa 20 years ago" sabi ng babae na ikinagulat ko.

"Pero diba patay na iyon?" Tanong ng isa.

"Kaya nga hindi pa sigurado eih" sabi ng babae. "Pero magkatugma din naman kasi, baka naghiganti yung prinsesa sa mga Demons dahil sa nangyari 20 years ago kaya niya isa isang pinatay ang mga Demon sect imbes na ang mga royalties ang dapat na gumawa nun, at tiyak akong ang Demon King na naman ngayon ang puntirya niya".

"Sino kaya ang babaeng iyon? Sana makita ko siya" sabi ni Adi.

So ibig sabihin ay tanging royalties lang ang may alam na ako na isang estudyante sa academy ang pumatay sa tatlong Demon sect?.

Siguro dahil ayaw nilang mapunta sakin ang atensyon imbes na sakanila dapat.

"Umuwi na tayo" sabi ko kay Adi at nauna ng maglakad papunta sa karwahe.

Nang makauwi kami ay nagulat ako ng biglang may tumawag sakin.

"Salem" tawag sakin ng kung sino kaya agad naman akong lumingon.

"Mahal na reyna" bati ko sakanya sabay yuko.

"Mauna na ako Salem" paalam sakin ni Adi kaya tumango naman ako.

"Ipagpatawad mo ang ugali ng asawa ko kanina sa hapag iha, nadala lang talaga siya sa emosyon" sabi niya.

"Ah wala po iyon, totoo naman po ang sabi niya na dapat ay ipinaubaya ko nalang iyon kay Chase at hindi ako padalos dalos" sabi ko. "Nadala lang po kasi ako sa galit ko dahil matagal kona din po kasing gustong makapaghiganti sa mga Demons".

"Alam ko iha, kaya sana ipagpatawad mo ang asawa ko" sabi niya kaya tumango naman ako. "Ganun lang talaga siya sa kadahilanang ayaw niyang madisappoint ang mga Diyos sakanya sa pagpili sakanya bilang mumumuno sa ngayong henerasyon".

"Po?" Tanong ko.

"Pareho lang kami ng asawa ko na tagalingkod ng Norris Kingdom 20 years ago, isa akong katulong habang ang asawa ko naman ang tagabantay ng mga kabayo, nong araw ng sabotahe ay andoon kami, akala nga namin ay papatayin kami ng mga Demons pero nakatakas kami salamat sa mga Diyos dahil ginamitan nila kami ng teleportasyon para makaalis sa kaharian kaya kami nakaligtas. Utang na loob namin ang buhay namin sa mga Diyos kaya ayaw naming madisappoint ang mga Diyos saamin sa pagpili saamin na bagong mamumuno".

"Iniligtas kayo ng Diyos?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nanunubig ang nga mata ko at pinipigilang umiyak.

"Oo iha, niligtas niya kami sa kadahilanang kami daw ang mamumuno sa panibagong henerasyon" sabi niya. "Sige na iha magpahinga kana".

Pagkaalis ng reyna ay naiwan ako dito sa hallway ng mag isa at hindi pa din makapaniwala sa mga narinig ko.

Napakagat ako ng labi sabay tingin ng paligid at tumakbo papunta sa lugar ng walang katao tao.

"Ahhhhhhh" malakas na sigaw. "Hindi ako makapaniwala".

Tuluyan ng bumuhos ang luha ko dahil sa sobrang hinanakit ng puso ko.

"Pano mo nagawa sakin toh? Pano mo nagawa samin toh ng mga magulang ko?" Sigaw ko pa. "Bakit sila niligtas mo pero ang mga magulang ko hindi? Anong klase kang Diyos ha?".

"Nagsilbe kami sayo, lahat ginagawa ng mga magulang ko para sa mundong binuo niyo" sigaw ko sa langit. "Pero anong ginawa niyo? Pinalitan niyo lang sila na parang damit pagkatapos pagsawaan".

"Siguro kung wala akong siyam na buhay ay pati siguro ako pinabayaan niyo na" inis na sabi mo. "Napaka makasarili niyo, edi sana hindi niyo nalang ako binigyan ng siyam na buhay ng saganun ay makasama kona ang mga magulang ko".

"So ito pala ang plano niyo sakin ha? Ang pahirapan ako ng mag isa? Ano ba ang ginawa kong mali ha? Anong ginawa kong mali sainyo, sagutin niyo ko". Inis na sigaw ko. "Kunin niyo nalang ako please, gusto ko ng makasama ang mga magulang ko, miss na miss kona sila parang awa niyo na".

Nakaramdam ako ng panghihina kaya napaupo naman ako sa damuhan hanggang sa unti unti ng dumilim ang paningin ko.

Sana ito na ang huli kong pagtulog.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 436K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
10M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
137K 4.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...