My Husband is Gay

By Jejelobsss

98K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Special Chapter
Jejelobsss

Epilogue

2.5K 107 16
By Jejelobsss

“Anak, umayos ka nga.” suway sa’kin ni Mom pero hindi ko siya pinansin.

I sighed. I don’t know kung bakit kami nandito sa mga Camino and kanina pa talaga ako naiinip kaya wala akong ginawa kundi ang paikot ikotin ang hawak kong tinidor. Sino pa ba kasing hinihintay namin? I pissed na, sobrang tagal ng kung sino man iyun.

“My daughter is here!” napatigil ako pero binalewala ko nalang iyun at pinagpatuloy ang pagpapaikot ikot sa tinidor na hawak ko.

Tumaas ang kilay ko ng mapansin ko na titig na titig ang anak na babae nina Mrs and Mr. Camino sa’kin. She’s familiar o baka naman ay kamukha niya si.... Shit! Magkamukha nga sila ni Stefani, yung gagang babaeng iyun na mang-aagaw ng boyfriend. Pero kakaiba ang babaeng ito ‘e, nakakatuwa siya at the same time pero mas nakakainis talaga siya.

Ha! Akala kaya ng lalakeng iyun ay hindi ko malalaman na ikakasal na pala siya.

“Dad, straight to the point please? May gagawin pa ako.” naiinis kong sambit dahil kanina pa talaga ako bagot na bagot.

“Ikaw at ang anak ko ay... ikakasal.” sabi ni Tito.

“Ah ikakasal–WHAT?!” sabay pa kaming napasigaw sa gulat.

What the fuck?! Ikakasal ako?! At sa babaeng slow at pilosopo na ito?! Alam ba nilang bakla ako, at ang bakla ay mas bagay sa mga lalake hindi sa babae.

“Ma, sabi ni yaya ay bata pa daw ako!” napataas ang kilay ko sa himalang ito.

Bata pa nga siya, mukha siyang isip bata. Ayaw ko sa impaktang ito!

“I know, sweetie. Pero kayong dalawa ay kailangan ng ikasal sa lalong madaling panahon.” sabi naman ni Tiya.

Nag-init ang ulo ko dahil ayaw ko talagang ikasal sa babaeng ito. Mas gusto ko pang ikasal sa lalake.

“Dad!” napasigaw na ako sa galit.

“Ipinagkasundo kayo ng mga lolo niyo! Kaya wala kayong magagawa! At ikaw!” itinuro pa niya ako, “Nararapat lang sayo ang ikasal sa'kanya para maging lalake ka na!”

Hell no! Kahit pa ikasal ako sa impaktang ito ay hindi ako magiging lalake! Never!

“Hi, Ay-Ay!” napatigil ako at tumaas ang kilay ko ng napatingin ako sa babaeng papakasalan ko.

Ano na namang ginagawa ng impaktang ito dito? Don’t tell me na dito siya mag-aaral?

“Good morning.” ngiting ngiti pa siya, nakakadirdir.

“Wag mo nga akong lapitan.” umirap ako at tinalikuran ko na siya.

Pumasok ako sa building namin at lumapit sa’kin si Vero na kaibigan kong lalake. Sa lahat ng lalakeng nakilala ko ay siya lang ang hindi ko natipuhan, ang panget ‘e.

“Balita ko ay ikakasal ka na daw.” tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

Kami palang naman ang nakakaalam nun ‘a. Bakit parang ang bilis yata nilang mabalitaan?

“Si Tita ang nagsabi sa’kin.” he chuckled,  “Congrats bro. Magiging lalake ka na din at iputok mo lahat ‘a para magkalahi ka na din.”

“Gaga!” gusto ko siyang upakan pero masisira lang ang beauty ko sa’kanya.

Nasira ang buong araw ko dahil dito sa Miracle na babaeng ito. Umiinit talaga ang dugo ko sa’kanya kapag nakikita ko siya. Kamukha niya kasi ang babaeng pinili ng gago kong ex ‘e. Sarap nilang ibalibag pareho.

Pumunta kami kinagabihan sa mansion ng mga Camino kasama sila Tita. Pag-uusapan na daw kasi ngayon ang kasal at mukhang sila ang ikakasal ‘e kasi mas excited pa sila kesa sa’kin.

Napatingin ako babaeng pumasok dito sa dining area. Napatigil ako ng makita ko siyang naka baby pink dress. I admit that she’s beautiful, really beautiful and cute. Nakakainggit.

Ngumiti siya sa'kin na hindi ko naman tinugunan.

“Bakit hindi natin pagsulohin ang mga anak natin, Felicio?” tanong ni Dad na ikinakunot ng noo ko.

“Anong tinitingin-tingin mo dyan?” I asked her.

Kanina pa kasi ako nako-conscious sa tingin niya sa’kin, hindi ako mapakali. Nagulat naman siya.

“Bakit bawal ba tumingin sayo?” tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin bago tumingin sa malayo. Nakakainis talaga ang babaeng ito, she’s so slow. She’s innocent and of course napakapilosopo niya.

“May baklang aswang ba sa tinitingnan mo?”

The hell! Gusto ko siyang itulak sa pool. Sapakin ko ‘tong babaeng ito ‘e.

“May tanong ako sayo, bakla.” tanong niya maya maya.

Hindi naman ako lumingon, nanatili lang ako nakatingin sa magazine na binabasa ko. Ayoko siyang kausap, baka kung ano na namang katarantaduhan ang sabihin nitong impakta na ‘to.

“Paano gumawa ng baby?” natigilan ako sa paglipat ng page at hindi makapaniwalang napatingin sa’kanya.

“Seriously?” I asked with amaze in my face, she don’t know how to make a baby?

Well, ako marunong akong gumawa. Kaya nga kitang buntisin ‘e.

Oh fuck, Aywayne! What the shit are you saying?! Naiinis ka dyan sa impaktang yan, 'wag kang mag-isip ng ganun.

“Ano nga? Paano ba gumawa ng baby? Sabihin mo sa’kin, step by step.” nakangiting sabi nito.

Step by step, gawin nalang natin?

Oh god, ano ba itong pinag-iisip ko?!

“Gusto mo ba talagang malaman?” I smirked.

“Nagtatanong nga diba? Summon sence naman bakla.”

Ang obob din nito ‘e.

“Common sense yun, tanga.”

“Ano nga?” ang kulit! Peste!

“Sa huling baon, may puputok. Yun na yun.”

Gusto kong tumawa ng malakas sa reaksyon. She’s funny pero pinigilan ko lang ang matawa baka magtaka siya kung bakit ako natatawa. Hindi ko alam kung ano ang nagyayari sa’kin basta ang alam ko lang nung gabing iyun ay gusto ko ng ikasal sa’kanya.

Sa bawat araw na nagdadaan ay nagugustuhan ko na ang pagiging slow, pilosopo at makulit. She’s amazing, hindi sa mga babaeng nakilala ko na kung makadikit sa’kin ay kulang nalang ang mag hubad. They all kadirdir, you know.

Napatingin ako kay Lance na kakadating lang dito sa park. Tinawagan niya ako, I don’t why. Isa si Lance sa mga ka fling ko. Ayoko kasi sa mga babae, mas gusto ko pa sa lalake. Maliban lang talaga sa magiging asawa ko, she’s different kasi in many girls I’ve meet.

May sinabi siya sa’kin na ikinatawa ko naman. Pumunta kami sa dulo nitong village na ito pero may napapansin ako na nakasunod sa’min. I looked around secretly, and I see Miracle.

Napatago siya sa kaya hindi siya makikita. Lihim akong napangiti and then I kissed Lance na ikinagulat niya. Naitulak ko si Lance ng makaalis si Miracle.

“Hey!” sigaw ni Lance pero tumakbo ako para habulin si Miracle.

Bumagal ang lakad ko ng nasa malapit na ako sa’kanya at sumabay sa’kanya. Napansin ko na may hawak siyang cup ng ice cream.

“Tunaw na ang ice cream mo.” I said para mapansin naman niya ako dahil nasa malayo ang tingin niya.

Napatigil siya sa paglalakad at gulat na napatingin sa’kin. Umatras siya at pumasok na sa bahay nila. I sighed, mukhang hindi siya maka get-over sa nakita niya kanina ‘a. Napangisi lang ako.

Halos hindi ako makahinga ng maayos habang tinitingnan siyang naglalakad papalapit sa’kin, suot ang wedding gown na ako mismo ang pumili. She’s really beautiful. To the point na sobrang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan kong bakit. Lihim akong napahawak sa dibdib ko.

Why I am feeling like this? Hell, hindi ko dapat ito maramdaman dahil unang una ay hindi makakaramdam ng ganito ang katulad kong bakla sa babae. Napabuntong hininga nalang ako. Kinakabahan lang ako, yeah kinakabahan lang.

Pagkatapos naming mag umagahan sa mansion nila Tita at Tito ay pumunta na kami sa magiging bahay namin. At guess what? Iisang kwarto lang ang bukas, pauso ng mga matanda na iyun.

Pinagluto ko si Miracle dahil tinatamad akong magluto ngayon. Wala pa naman silang ibinigay na maid sa’min. Kayang kaya ko naman na kumuha ng maid ‘e pero malalagot naman ako kay Mom.

“A-Ano ‘to?” turo ko sa mga niluto niya na halos hindi ko makilala dahil sunog ito lahat.

Halos magwala ako ng sabihin niyang bacon at hotdog iyun. Sarap ibalibag ng mga gamit dito dahil sa inis sa’kanya at ako pa talaga ang sinisisi niya kung bakit ganun ang luto. Hindi siya marunong magluto! E ako nga na bakla ay magaling akong magluto, siya pa kaya? Ang ending ay nag order kami ng pizza. Baka ikamatay ko pa kung kakainin namin ang niluto ng impaktang ito.

Napa-ungol ako bigla sa gitna ng mahimbing kong tulog dahil may naramdaman akong humihimas sa petchay ko. Ang sarap, kingina! Siguro panaginip lang ito kaya hindi ako nagmulat ng tingin.

Nawala din iyun maya maya, gusto ko sanang magmulat pero antok na antok talaga ako.

“Potangina talaga.” napamura ako ng ikwento sa’kin ni Miracle ang kagabi.

Siya pala yung humihimas sa petchay ko! Gusto ko siyang iuntog sa pader pero napipigilan ako dahil sa inosente niyang mukha. Bakit ba ang inosente niya?! Hirap na hirap tuloy akong saktan siya.

“Bwesit, ang bakla mo talaga!” sigaw niya na ikinatawa ko.

Binato ko lang naman siya ng prutas. Ngayon lang ako naging masaya ng ganito. Hindi ko inaasahang masaya makasama ang isang inosente at isip batang katulad niya. Habang tumatagal ay gusto kong akin lang siya, walang makakalapit sa'kanya.

Kaya palagi akong nagagalit kapag kasama niya si Lance o ang Danreb na iyun. Gusto kong basagin ang pagmumukha nila dahil sa pagdidikit nila kay Miracle. Akin lang siya, wala karapatan na lumapit sa asawa ko. At kahit hindi ko naiintindihan kong bakit ako nagkakaganito ang mahalaga ay mailayo ko siya sa mga lalakeng iyun!

“Don’t you dare touch my wife again! You bastard!” galit na galit kong sigaw sa lalakeng nang bastos sa asawa ko.

Sinuntok ko siya, gusto ko siyang patayin sa ginawa niya sa asawa ko. Galit na galit ako, sa sobrang galit ko ay nasigawan ko si Miracle at sa’kanya ko naibunton ang galit na nararamdaman ko. Nakita ko siyang papaiyak na pero bago pa siyang umiyak ay umakyat na ako sa taas. Ayoko siyang makitang umiiyak.

“Huwag mo akong pilosopohin! Layuan mo si Lance!” galit kong sigaw sa’kanya.

Nakita ko silang magkasama dito at biglang uminit ang ulo ko. Ayokong may ibang lumalapit sa’kanya. Ako lang dapat, ako lang.

Nagulat ako ng bigla nalang siyang umiyak sa harap ko. At sa mga oras na iyun ay gusto ko ng bugbugin ang sarili ko dahil pinaiyak ko siya. Parang may kung anong sakit ang gumuhit sa puso ko habang tinitingnan siyang umiiyak.

Isa lang ang nasa isip ko nun. Ayaw ko ng makita siyang umiiyak ng dahil sa’kin.

“Nag seselos ako! Nag seselos ako! Ano bang mahirap intindihin dun?!” sigaw ko sa’kanya.

Inaamin ko sa sarili ko na nasaktan ako ng sabihin niyang gusto niya ang doctor na iyun. Hindi ko matanggap na may gusto siyang iba. Ano bang dapat kung gawin para magustuhan niya ako?

“Wife...” niyakap ko ng mahigpit ang bewang niya.

Alam kong gising pa siya. Gusto kong sabihin sa’kanya na bawiin niya ang sinabi niya kanina na gusto niya ang doctor na iyun. Kasi nasasaktan ako. At kahit hindi ko man aminin ko man sa sarili ko ay gusto ko siya. Mahal ko na ang asawa ko pero hindi naman niya ako gusto. Kaya kong magbago, kayang kaya ko para sa’kanya magbabago ako.

“Lasing ka ba?” tanong ko dahil nahahalata ko sa boses niya na parang nakainom siya ng alak.

Nasa Palawan siya ngayon at nag-iimpake ako para sumunod sa’kanya dun. Hindi ko hahayaang kunin nila sa’kin ang asawa ko.

“Bakit mo alam? Nandito ka noe?” mahina akong napamura.

Lasing nga siya! At sino na namang gago ang nagpa-inom sa’kanya?! Hindi ba nila alam na mababa ang alcohol tolerance niya! Binaba ko ang tawag at tinawagan ko si Vero.

“Zup, bro.” bungad niya.

“Kunin mo ang private plane ko at ikaw na din ang bahala mag excuse sa klase natin.” walang paligoy ligoy kong sabi.

“Bakit, bakla?”

Nagsalubong ang kilay ko ng tawagin niya akong bakla. Wala siyang karapatan na tawagin ako ng ganun, mas masarap pa sa tenga kung ang asawa ko ang tatawag sa’kin ng ganun.

“Basta, gawin mo nalang. At don’t call me gay.”

“Wow, new ka na talaga ‘a.” natatawang aniya pero pinatay ko na ang tawag.

Wait for me wife. Susunod ako sayo.

“Ngayong nandito na ako, walang makakalapit sayo. Kundi ako lang. Ang baklang asawa mo lang.” ngumisi ako sa’kanya ng mapansin ko ang paglunok at paglikot ng mga mata niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng makaamin na ako sa’kanya na mahal ko siya pero hindi pa rin napapanatag ang puso ko hangga't hindi ko nalalaman kung sino ba talaga ang gusto niya. Kung si Noel man ay hindi ko hahayaang mapunta sa'kanya ang asawa ko. Ano siya hello? Kahit hindi man ako gusto ni Miracle ay hindi ko siya ipapaubaya.

“Cameron Aywayne!” napatigil ako sa paglalakad at napatingin kay Miracle.

Mukhang kinakabahan siya. Lihim akong napangiti.

Kinagat niya ang labi niya bago nagsalita, “M-Mali yung iniisip mo tungkol sa nararamdaman ko para kay Doc. Noel. I like him as a friend, hanggang dun lang naman 'yun.”

Pinigilan ko ang pag-ngiti ko. Ibig sabihin ay wala talaga siyang gusto sa lalakeng iyun! Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil may pag-asa pa pala ako pero natigilan ako ng mag-salita siya ulit.

“I-Ikaw... Ikaw yung gusto ko–este ikaw yung mahal ko.”

Sa sobrang saya ko ay hinalikan ko siya. Ang labi niya na palagi kong hinahanap. Sa wakas ay nawala na ang mabigat sa dibdib ko ng umamin siya. Mahal na mahal ko ang asawa ko at ikakabaliw ko kung mawala siya sa’kin.

Hindi ko napigilan ang init na nararamdaman ko sa asawa ko. Shit, kagabi ko pa ito nararamdaman. At hindi ako nakapagpigil dahil sa suot niya ngayon. Inangkin ko siya sa pangpang at sinigurado ko talagang walang makakita sa’min. Ako lang ang pwedeng makakita ng katawan ng asawa ko.

She’s always asking me how to make a baby. At ngayon ay gagawin na namin pero sana ay hindi pa siya mabuntis dahil may mga pangarap pa siya. Pangarap niyang maging doctor.

Pumunta muna ako sa banyo. Nandito kami ngayon sa isang five star hotel nila Danreb dahil birthday ng lalakeng iyun. Kinulit ko pa nga si Miracle na umuwi na dahil ayokong mag-usap ang dalawang, wala akong tiwala sa lalakeng iyun ‘e.

Napatingin ako sa lalakeng pumasok din sa banyo. Hindi ko naman iyun pinansin at pinagpatuloy ang paghuhugas.

“You’re here too.”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng magsalita ang lalakeng kakapasok palang. Pamilyar ang boses niya. Tumabi siya sa’kin kaya napatingin ako sa’kanya. Kahit na nagulat ako ng makita ko siya ay nanatiling walang emosyon ang mukha ko.

Yung gago kong ex, nandito. Si Calvin.

“It’s been a while.” ngumiti siya sa’kin.

“Yeah, it's been a while. Mabuti at buhay ka pa.” hindi ko na siya pinansin.

Wala na akong pakialam sa’kanya dahil sa asawa ko na ako ngayon.

“You’re always harsh to me.” hinawakan pa niya ang dibdib niya.

Mahina akong napamura. Ano bang ginagawa ng gagong ito dito? Parehas sila ng Noel na iyun ‘e, kaya badtrip na badtrip talaga ako sa doctor na iyun lalo na ng halikan niya si Miracle ng gabing iyun. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa dahil kay Miracle ‘e.

Humarap ako sa’kanya para sana barahin siya pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kwelyo ko at hinalikan bigla ako.

“What the hell!” naitulak ko siya sa gulat.

Natawa naman siya, “Sweet, as always.”

Sinamaan ko siya ng tingin at kwenilyuhan siya. Galit ko siyang tiningnan.

“Gago! Hindi na ako katulad ng dati at layu-layuan mo ako. Mas mahal ko ang asawa ko kesa sayong gago ka.” itinulak ko siya at lumabas na ako.

Ginulo ko ang buhok ko. Napakagago talaga ng lalakeng 'yun. Nakakadiri yung halik niya. Ang labi kong ito ay para lang sa asawa ko, para sa asawa ko lang.

Pumasok ako sa banyo para suyuin ang asawa ko. Hindi siya nagsasalita kanina pa. Napansin niya kasi ang itsura ko sa party. Tangina ng lalakeng iyun, hindi tuloy ako pinapansin ng asawa ko. Kasalanan ng gagong iyun ‘e. Slow man ang asawa ko ay alam kong matalino siya at madali siyang manghinala.

“Sa MCDO tayo?!” masayang sigaw ni Miracle.

Natawa naman ako sa kakyutan niya. Para talaga siyang bata. Magde-date kami ngayon at alam kong mas gusto niya sa mga ganito kesa sa mga mamahal na restaurant. Hindi ko inaasahang nandito si Calvin at muntik pang magkagulo dito. Nang-iinis ba ang lalakeng ito? Nasisira kami ni Miracle ng dahil sa’kanya.

Akala ko ay huling beses ko na iyong makikita si Calvin pero hindi pala dahil isa siyang investor ng kumpanya namin. At dahil ako ang CEO at pinagkakatiwalaan ni papa na mag-palago nun ay nakisama ako kay Calvin kahit na naiinis ako sa’kanya.

I cussed, hindi pa sinasagot ni Miracle ang tawag ko. Pinatayan nalang ako bigla ng nung nag-uusap kami. Napatingin ako sa labas. Umuulan ng malakas. Where are you wife? Pabalik balik na ako ng lakad habang tinatawagan siya.

Gulat akong napatingin kay Miracle na kakapasok pa lang. Basang basa siya at ang putla na niya.

“Ay-Ay, basang basa ako.” mahina niyang sabi.

Wala akong pakialam. Alam kong galit siya sa’kin dahil sa hindi ko pagtupad sa pangako ko pero babawi ako. Nagulat nalang ako bigla ng mawalan siya ng malay.

“Damn.” napamura ako ng makapa ko ang leeg niya.

Ang taas ng lagnat niya. Inalagaan ko siyang buong gabi at halos hindi ako makatulog. Hinubad ko ang pang itaas kong damit at yinakap siya ng mahigpit. Hindi na siya nanginginig dahil sa ginawa ko. I’m sorry.

“Wife, where are you? Malapit ng mag-simula?” sabi ko ng sagutin niya ang tawag.

Graduation na namin ngayon at siya nalang ang hinihintay namin. Pinauna niya kasi ako ditong pumunta ‘e dahil sa ang kulit niya ay wala naman akong nagawa kundi ang sundin siya. Sinabi niyang pupunta na daw siya kaya napahinga ako ng maluwag.

Bumagsak ang balikat ko ng makuha ko ang diploma ko. Napatingin ako sa dami ng tao pero wala man lang dun ang asawa ko. Ngumiti naman ako ng pilit kay Mom para sabihing ayos lang ako.

“T-Tita, Tito.” lumapit si Erin kay Mama Calixta, nagtaka naman ako sa ikinikilos ni Erin at Danreb.

Lumapit ako sa’kanilang dalawa.

“Anong ginagawa niyo dito?” I asked, hindi ko alam kung bakit umiyak ng malakas si Erin at namumula din ang mata ni Danreb.

Hindi ko alam kung bakit ako sinalakay ng kaba.

“What? Bakit kayo nandito?” naiinis kong tanong dahil hindi man lang sila sumagot.

“W-Wala na siya.” tumulo ang luha ni Danreb.

Kwenilyuhan ko siya at madilim ang mukha ko ng tingnan siya, “Anong wala na ba?!” sumigaw na ako at nakuha nun ang atensiyon ng lahat.

“N-Naaksidente si Miracle at... at n-nang puntahan namin siya ay naabutan nalang namin ang nasusunog na ang kotse.” napahagulgol si Erin.

Biglang tumigil ang mundo ko at halos wala na akong marinig na ingay. Nabitawan ko si Danreb at dahan dahang napaatras. Narinig ko ang pag-iyak ni Mama Calixta at ni Mom.

“You’re fucking lying! Sabi niya susunod siya!” galit kong sigaw at nag-init ang sulok ng mga mata ko pero hindi ako iiyak dahil wala naman akong iiyakan.

Hindi pa patay ang asawa ko, buhay pa siya.

“I’m sorry, p-pero iyun ang totoo.” kwenilyuhan ko si Danreb at sinuntok siya.

“Anak...” awat sa’kin ni Mom pero iwinaksi ko ang kamay niya at umalis dun.

Pinaharurot ko ang kotse papunta sa bahay. Hindi iyun totoo, buhay siya. Buhay ang asawa ko. Itinigil ko ang kotse mo ng may nakita akong pamilyar na kotse na inaapula ng mga bumbero at may mga pulis na din ang nag-iimbestiga.

Hindi, hindi iyun ang kotse ng asawa ko. Bumaba ako at lalapit na sana pero hinarangan ako ng mga pulis.

“Sir, bawal po dito.” aniya.

“Anong bawal?! Kotse ng asawa ko yan! Titingnan ko kung nandyan baa ng asawa ko!” galit kong sigaw sa’kanila.

“Wala pong tao sa kotse, Sir.” natigilan ako.

Ibig sabihin, buhay ang asawa ko?

Ilang araw, buwan at taon na ang nagdaraan simula ng mangyari ang pangyayaring iyun. Pinahanap ko siya sa mga tauhan ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Lagi kong sinasabi sa utak ko na buhay pa siya pero pinaparamdam nilang lahat na wala na ang asawa ko. Wala akong ginawa kundi ang uminom at umiyak habang tinatawag ang asawa kong bumalik na. Hindi ko matanggap na wala na siya, hindi ko matanggap. Halos lahat sila ay sinasabing mag move on na ako sa’kanya pero tangina, ang hirap. Ang hirap hirap ng pinapagawa nila at kahit kailan ay hindi ko magagawa dahil mahal na mahal ko ang asawa ko.

“Kuya, ganyan ka na ba talaga?” tanong ni Dwayne ng bumisita siya dito ng isang beses.

Ang bata pa pero kung umasta ay parang mas matanda pa sa’kin.

“Wala kang pakialam.” ininom ko ang bote ng alak na hawak ko.

“Kuya, sa tingin mo ay matutuwa si Ate Miracle sa ginagawa mo?”

Napayuko ako ng marinig ko ang pangalan niya at naramdaman ko na namang tumulo ang luha ko.

“Kuya, alam ng lahat na patay na siya pero ikaw ay naniniwala pa ring buhay pa siya kahit ako. Kaya ayusin mo ang buhay mo baka sakaling bumalik siya, kung buhay nga man si Ate.”

Napatingin ako sa’kanya, “A-Akala ko ay lahat kayo tanggap na ang pagkawala niya.” nabasag ang boses ko.

Umiling iling siya, “Hindi, bukod sayo ay naniniwala akong buhay pa din si Ate kaya ayusin mo ang buhay mo kuya. Antayin mo lang siya, pero 'wag kang umasa.”

Nangunot ang noo ko, “Parehas lang 'yun, tanga.” natawa ako ng mahina na ikinangiti niya.

“Yan ngumiti ka din, dalawang taon ko ng hindi nakikita ang ngiti mo ‘a. Miss na miss ko na ang Kuya ko na Ate din kaya sana ay bumalik na siya.” ngumiti naman ako at yinakap siya.

Inayos ko ang buhay ko. Bumalik ulit ako sa kumpanya at mas pinalago pa ito. Lagi akong subsob sa trabaho pag umaga pero pag dating ng gabi ay sinasalakay na naman ako ng kalungkutan at pangungulila sa’kanya. Kaya pagsasapit ang gabi ay laging bote ng alak ang hawak ko.

Madami nagbago sa’kin. Lagi na akong mainitin ang ulo kahit maliit lang ang nagawang pagkakamali ng mga tao sa kumpanya o sa bahay. Nagbawas din ang timbang ko dahil wala akong ginawa kundi ang uminom gabi gabi. Napabayaan ko na ang sarili ko, naging miserable. Hindi ko na alam kung anong pang mangyayari sa’kin.

“Dude.”

Hindi ko pinansin ang pumasok. Nakatingin lang ako sa papel na pipirmahan ko. Naupo siya sa harap ko.

“You’re so old and ugly na, Aywayne.” natatawang sabi ni Vero.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at bumalik sa ginagawa ko.

“Inom tayo sa bar. Alam ko namang iinom ka mamaya ng solo ‘e, kaya sasama na kami.”

Tiningnan ko siya, “Ok, get out.”

“Putcha, ang lamig ‘a.” natawa nalang siya ng sinamaan ko siya ng tingin at umalis na.

Napahawak ako sa sentido ko. Napatingin ako sa picture namin ni Miracle na mag kasama habang nakayakap siya sa’kin. Anim na taon na, anim na taon ka ng wala. Anim na taon na akong umaasa na sana ay buhay ka.

Bago pa ako salakayin ng lungkot ulit ay itinuon ko nalang ang sarili ko sa kaninang ginagawa ko.

“Hey, itlogan ba ng ibon ang buhok mo?” natatawang sabi ni Lance ng maka-upo ako sa pwesto namin.

Sinamaan ko siya ng tingin bago uminom ng alak. Wala akong pake kung ano man ang itsura ko ngayon.

“Pero ang gwapo pa rin niya, babe.” nakangiting sabi ni Layla na asawa nitong si Lance.

Yeah, right. Ang dalawa kong kaibigan ay may mga asawa na. Si Danreb at Erin naman ay ikinasal na ng maging isa na silang ganap na doctor. Kasabay sana nila ang asawa kong mag-gagraduate.

“Sinong mas gwapo, ako o ang asawa mo?” naasar na sabi ni Lance.

“Syempre, ikaw na asawa ko.” at kinurot ni Layla ang pisngi niya.

Napairap ako at mahinang napamura. Sabuyan ko sila ng alak ‘e, sa harap ko pa talaga naglalandian.

“Oy, may bitter!” tukso ni Vero na ikinatawa nila.

Nagkwentuhan lang sila habang ako ay nakikinig lang at umiinom ng alak. Wala ako sa mood, magsalita ngayon kaya tango nalang ang palagi kong naisasagot sa’kanila.

Tumayo ako at muntik na akong natumba sa hilo pero nabalanse ko naman ang katawan ko. Sobrang lasing na lasing na ako ngayon dahil naka ilang bote din ako ng alak.

“Aywayne, saan ka pupunta?” tanong nila pero tuloy tuloy lang ang lakad ko.

Sa paglalakad ko ay may nabangga akong isang lalake. Uminit ang ulo ko.

“Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ha?!” kwenilyuhan ko siya.

“Aba, ikaw na nga itong nakabangga sa'kin tapos ikaw pa ang galit?!” itinulak niya ako at sinuntok.

Hinawakan ko ang labi kong pumutok at tiningnan ko ang lalakeng sumuntok sa’kin.

“Gago! Sino nagbigay sayo ng karapatang bangasan ang pagmumukha ko ha?!” sinugod ko siya pero nakailag siya.

Putcha, pinagtawanan pa ako. Kung hindi lang sana ako lasing ay kanina pa ito walang malay ‘e. Sinuntok ko siya at natamaan naman. Napangisi ako pero nagulat ako ng bigla niya akong suntukin.

Hindi ako naglaban sa sunod sunod niyang suntok at balibag sa’kin. Ito naman talaga ang plano ko ‘e. Suntokin mo lang akong gago ka para mawala na yung sakit na ilang taon ko ng nararamdaman.

“Tangina...” nanghihina kong sambit.

Bugbog sarado na ako pero hindi pa rin naaalis ang sakit sa dibdib ko. Tiningnan ko ang lalake at nagulat ako ng may inilabas siyang kutsilyo. Tama yan, patayin mo nalang ako. Hirap na hirap na ako.

Napasigaw ako sa sakit ng saksakin niya ako sa tagiliran. Napasigaw din sa gulat ang mga tao dito na nanonood lang.

“Tangina mo din.” sabi niya bago ako bitawan.

“Aywayne, jusko!” rinig kong sigaw ni Layla.

“Hoy, sinaksak mo?!” sigaw ni Lance at kwenilyuhan ang lalake.

Tangina mo, Lance. Nakita mo na ngang dumudugo ang tagiliran ko ‘e.

“Oo, bakit?” nakangising sabi ng lalake na parang hindi man lang takot kay Lance.

“Ang gago mo! Isa syang Del Vecho at humanda kang putangina ka sa mga tauhan niya. Higit pa sa saksak ang matatamo mo sa’kanila.” napangisi ako ng mapansin ko ang pagkawala ng kulay sa mukha niya.

“Condolence, dude.”

Hindi ko na alam ang nangyari dahil nawalan na ako ng malay. Sobrang bubog sarado ang katawan ko at nanghihina na din ako sa maraming dugo na nawala sa’kin kaya nawalan na ako ng lakas pa.

Puro puti ang bumungad sa’kin kaya panigurado akong nasa hospital ako. Iginala ko ang paningin ko at natigilan ako ng makita ko ang isang babaeng doctor.

Miracle?

Napapikit ako at natawa, “Aywayne, wala dito ang asawa mo. Baka namamalikmata ka na naman.”

“Sigurado ba kayong nasaksak ang lalakeng ito?” napamulat ako at tiningnan siya.

Ang inosente niyang mukha at ang boses niya ay parehong pareho sa asawa ko. Napahawak ako sa dibdib ko, bakit ang lakas ng tibok ng magtagpo ang mga mata namin? Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Ilang taon din akong nangulila sayo, ilang taon akong naghintay at ngayon sa wakas ay nandito ka na. Napabalikwas ako pero napa-aray nalang ako sa sakit ng tagiliran ko.

Nasaksak nga pala ako. Pinagsabihan niya akong 'wag masyadong gumalaw pero hindi ko iyun pinansin.

“Miracle... my wife.” hinuli ko ang palapulsuhan niya at umiyak sa kamay niya.

Totoo siya, siya ang asawa kong matagal ko ng hinahanap. Matagal ko ng hinahantay. Masaya ako dahil sa wakas ay makakasama ko na siya ulit pero ang sayang iyun ay biglang nawasak ng malaman kong hindi niya ako naaalala. Hindi niya naaalala kaming lahat.

Gusto kong magwawala sa sakit at galit ng malaman ko ding ang itinuturing niyang asawa ay si Calvin. Tangina, sobrang sakit na malaman mula sa bibig ng asawa ko na hindi niya ako asawa kundi ang Calvin na iyun.

Nasasaktan ako kapag nakikita ko silang magkasama, masaya at nagawa pa nilang maghalikan sa harap ko. Sobrang sakit din ang mga sinasabi niya sa’kin na hindi ako ang asawa niya. Gusto kong suntokin si Calvin hanggang sa mabasag ang mukha. Isa siyang napakalaking gago! Nakapa kalaking sinungaling!

“It’s hurt seeing you happy with him, while I’m here silently crying.” mahina kong bulong ng makaalis siya.

Hindi ko pinalampas na hindi mabugbog si Calvin ng gabing iyun sa labas ng bar. Pero kahit anong pagbubugbog ko ay kulang na kulang pa rin.

Lahat ng sakit ay tiniis ko pero nung pumunta si Miracle dun sa hospital.oara bisitahin si Calvin ay hindi ko na nakayanan. Pumunta ako sa bahay at binasag ko ang lahat ng mahahawakan ko. Napaluhod ako habang umiiyak. Ang sakit sakit na, Miracle. Kailan ka ba babalik sa’kin?

Ilang linggo na ang nagdadaan ay wala akong ginawa kundi ang magkulong sa kwarto at lunurin ang sarili sa alak. Sa mga oras na ito, siguro ay masaya na silang magkasama. Masayang masaya samantalang ako ay nagdurusa dito. Binato ko ang bote ng alak sa pader at kumuha ulit. Uminom lang ako ng uminom pero natigilan ako ng may tumawag sa’kin.

Asawa ko.

Sa mga oras na iyun ay masasabi kong bumalik na siya sa’kin.

Nakangiti akong napatingin kay Miracle na naka swim suit. Wala naman saking problema kung magsuot siyang ganyan dito dahil kami lang namang dalawa ang nandito sa Isla nila.

Ilang araw na din kaming nandito at napagdesisyunan ko na ngayon ko na gawin ang plano ko. Hindi man ito ang plinano ko noon ay ayos na ito basta ang mahalaga ay makuha ang sagot niya.

“Lalim ng iniisip ng bakla ko ‘a.” I chuckled.

Really? Hanggang ngayon ay iyun pa rin ang tawag niya sa’kin? Pero masarap sa pandinig.

Tumayo ako at hinawakan ang pulsuhan niya kaya napatayo din siya.

“Maligo tayo sa dagat.” nakita ko naman ang pag-alangan niya kaya napangiti ako, “Wag kang mag-alala, hindi na mangyayari sayo ang nangyari noon sa dagat. Trust me.”

Ngumiti naman siya at tumango. Pumunta kami sa parte na hanggang dibdib. Yakap yakap niya ang batok ko parang takot na takot na makawala sa’kin. Niyakap ko ang bewang niya.

“Wife, matagal kitang hinintay at hinanap. Sa sobrang tagal ay halos mabaliw na ako pero hindi ako sumuko. Naniwala pa rin akong babalik ka, naniwala akong buhay ka. At dahil dun ay nandito tayo ngayon. Masaya, magkayakap at nagmamahalan sa isa't isa.” napatingala siya sa’kin, nakita ko ang paglandas ng luha niya sa pisngi kaya pinahiran ko iyun.

“Diba sinabi ko noon sayo na papakasalan kita?” tumango-tango naman siya.

Ngumiti ako at kinuha ko ang box sa board short ko. Napaluha naman siya habang tinitingnan ang box na hawak ko. Binuksan ko iyun at mas lalo siyang napaiyak ng makita ang singsing sa loob.

“Matagal ko na itong binili, nung hindi ko pa sinasabi sayo na papakasalan kita. Gusto ko ulit tayong ikasal. Ikasal na may nararamdaman sa isa't isa. Ikasal na mahal na mahal ang isa’t isa.” huminga ako ng malalim.

“Will you marry me again?” kasabay nun ang pagpatak ng luha ko.

Walang pag-aalinlangan siyang tumango tango, “Yes! Yes, I'll marry you again!”

Isinuot ko sa'kanya ang singsing at dahil nasa tubig kami ay hindi ako makatalon sa sobrang saya kaya ang ginawa ko nalang ay hinalikan siya ng punong puno ng pagmamahal.

I Cameron Aywayne Del Vecho, officially Miracle Camino’s gay husband.

—END—

©All Rights Reserved 2021

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
92.7K 4.2K 92
A collection of my favorite quotes from all the wattpad stories that I have read. Quotes you could relate to. Cover credit to the amazing @emilymarie...
852K 70.8K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
2.6M 152K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...