My Husband is Gay

By Jejelobsss

110K 4.6K 417

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 40

1.8K 78 0
By Jejelobsss

Chapter 40: Truth

Pinahiran ko ang luha ko ng bumukas ang pinto. Pumasok dun si Ay-Ay na gulo gulo ang buhok. Gusto kong maiyak, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

Marami akong masasakit na sinabi sa'kanya noon, marami akong nagawa sa'kanya na ikakasakit niya. Kaya hindi pa ngayon ang tamang panahon para sabihin sa’kanya ang totoo. Na nakakaalala na ako. Kailangan ko munang malaman ang dahilan ni Calvin at kailangan ko munang pagbayaran ang mga sakit na idinulot ko kay Ay-Ay.

“Wife...” malamlam ang mga mata niya.

Napaupo naman ako at inilibot ko ang paningin ko. Kwarto namin na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago. Maraming alaala dito sa kwartong ito. Pinigilan ko ang sariling umiyak.

“N-Nasaan ako?” nautal pa ako at napalunok.

Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya na ikinawas ko ng tingin. I’m sorry, 'wag kang mag-alala pag ayos na ang lahat. Babalik ako. Babalik ako sayo, asawa ko.

“In my room.” mahinang sabi niya.

Tumango tango naman ako at hinawi ko ang kumot sa katawan ko.

“Gusto ko ng umuwi.” pahinang pahina na sabi ko pero alam kong narinig niya iyun.

Napatulala siya sa’kin at kita ko din ang pamumula ng mga mata niya. Tumango tango siya at ngumiti pero alam kong peke.

“Ihahatid na kita. Maligo at magbihis ka muna dahil dalawang araw ka ng walang malay at ngayon ka lang nagising.” tinalikuran niya ako at pasimpleng pinahiran ang luha niya sa mga mata niya bago umalis.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya. Napahinga ako ng malalim, pinipigilan ang umiyak.

Tumayo ako at pumunta sa walk-in closet ko noon na hanggang ngayon ay ayos na ayos pa rin ang mga damit, sapatos, sandals at bag. Napangiti ako.

Pumasok ako sa banyo at naligo na. Dalawang araw pala akong walang malay? Kamusta na kaya si Calvin, nang mahimatay ako ng gabing iyun ay wala na rin siyang malay. Siguro nasa hospital siya ngayon, kailangan ko siyang maka-usap.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na din ako at bumaba na. Napahinto pa ang ilang maid na nakakasalubong ko at nakita ko ang gulat sa mga mukha nila. Ngumiti naman ako. Pumunta ako sa dining area at nakasalubong ko si Karina na gulat na napatingin sa’kin at parang maiiyak na siya. Gusto ko man siyang yakapin pero baka mahalata ni Ay-Ay.

“H-Hi...” nag aalangan kong bati sa’kanya.

Napasinghap siya sa gulat at bago pa siya makapag salita ay inunahan ko na siya.

“Nasaan ang amo mo?” tanong ko na ikinabigla niya.

“S-Señorita, hindi niyo po ba ako naaalala?” nauutal niyang tanong.

I’m sorry, Karina pero hindi niyo pa dapat malaman ang totoong kalagayan ko.

Umiling iling ako na ikinabigla niya. Napahinga siya ng malalim dahil parang maiiyak na talaga siya.

“N-Nasa dining area po siya.” sabay dali dali siyang umalis.

Sinundan ko lang siya ng tingin at ng wala na siya sa paningin ko ay napabuntung hininga ako. Pumunta ako sa dining area at nakita ko siyang naghahanda ng makakain.

Napatingin siya sa’kin at ngumiti, “Kumain ka muna bago umalis.”

Tumango nalang ako at naupo sa harap niya. Sasandok na sana ako ng kakainin ko ay inunahan na niya ako kaya wala na akong nagawa kundi ang pabayaan siya.

“Saan kita ihahatid mamaya? Sa hospital o sa bahay nila?” napatigil ako sa panguya at napaangat ng tingin sa’kanya.

“N-Naospital siya?” kahit na alam ko na nasa hospital nga siya ay nagkunwari pa rin akong gulat.

Tumango naman siya habang seryoso ang tingin sa’kin.

“Yeah, sorry but not sorry. Nararapat lang sa’kanya ang ginawa ko, kulang pa nga iyun ‘e.” mabibigat ang paghinga niya kaya alam ko na naman na galit siya.

“Bakit ano bang ginawa sayo ng a-asawa ko kaya ka galit ng ganyan? Halos patayin mo na ang asawa ko.” pinag salubong ko pa talaga ang kilay ko.

Miracle! Dinagdagan mo pa ang sakit na nararamdaman niya! Shit ka talaga!

“Tapusin mo na iyan.” sabi nalang niya.

Hindi nalang ako nagsalita pa, baka kung ano pang salita ang masabi ko. Ayaw kong dagdagan pa ang masasakit na salita na sinabi ko sa’kanya noon dahil baka hindi ko talaga patawarin itong sarili ko nang dahil sa kagagahan ko.

Nang matapos kami kumain ay inihatid niya ako sa hospital ng Castillo. Tahimik lang kaming dalawa buong byahe, sobrang awkward. Pagka-labas ko ay bumaling ako kay Ay-Ay para magpasalamat sa paghatid pero bigla nalang humarurot ang kotse at naiwan akong nakatayo.

Napabuntong hininga ako, galit at nasaktan ko na naman siya. Pumunta ako sa front desk at tinanong kung saang kwarto si Calvin. Sumakay ako ng elevator para makarating fifth floor kung saan nandun ang kwarto niya.

Hinanap ko ang room number niya at ng mahanap ko na ay hinawakan ko ang door knob. Napahinga ako ng malalim bago buksan ang pinto. Nakita ko siyang nakaupo sa hospital bed habang nanonood ng tv pero ang layo layo ng tingin.

May mga benda din siya sa mukha at namamaga din ang mata niya. Putok din ang labi niya pero kahit ganito ang itsura niya ay mas nanaig ang kagwapuhan niya pero mas gwapo si Ay-Ay.

Napabuntong hininga ako sa isip ko. Napatingin siya sa’kin, sandali siyang nabigla bago mawalan ng emosyon ang mukha niya at nag iwas ng tingin. Sinara ko ang pinto at lumapit sa'kanya. Kinuha ko ang isang upuan at naupo sa tabi niya.

“Are you okay, now?” panimula ko.

Napangiti naman siya ng tipid, “I'm happy na dinalaw mo ako at go on, sigawan mo ako at sampalin. I know na bumalik na ang ala-ala mo.”

Napangiti ako, “Kahit gusto kong magalit sayo ay hindi ko magawa. Kaya hindi kita magagawang sigawan at sampalin.” natawa naman siya.

“Bakit ba ang bait bait mo? Hindi ko tuloy maiwasang mahulog sayo ng sobra.”

Sandaling katahimikan ang namayani sa’min bago ko napagpasyahang magsalita ulit.

“H-Hindi ko magawang magalit sayo kasi a-alam kong may dahilan ang ginawa ko. Kaya please, Calvin. Tell me the truth.” hinawakan ko ang ang kamay.

Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa’kanya bago sa mukha ko. Ngumiti siya, ngiting hindi peke. Ngiting palagi kong nakikita nung nagsasama pa kami.

“You want to know?” tanong niya at tumango naman ako.

Sandali siyang napatahimik bago ngumiti ulit, “Hindi ako ang asawa mo, si Aywayne ang totoo.”

Napanguso naman ako, “Alam ko na iyun ‘e.”

Natawa siya at napasandal siya sa higaan niya. Napatingin siya sa kisame at kitang kita ko ang paglandas ng lungkot sa mga mata niya.

“Nung time iniwan ko si Aywayne ng walang paalam at nagpunta sa ibang bansa ay ang dahilan nun ay ikakasal na ako... ikakasal ako sa babaeng hindi ko naman mahal katulad ng nangyari sa’inyo ni Aywayne.” pinigilan kong magtanong at nanatiling nakikinig nalang sa'kanya.

“Ikinasal ako sa babaeng iyun, babaeng matagal ko ng kaibigan. Galit ako sa'kanya dahil hinayaan niya lang ang mga magulang niya na ikasal kami, kaibigan ko siya ‘e ang kaibigan ay kaibigan lang.” napabuntong hininga siya, “Pero pumayag din naman ako dahil wala naman akong magawa para pigilan ang kasal namin.”

“Ilang taon din kaming nagsama, masaya naman kahit lagi kaming nag-aaway. At hindi ko namalayang sa bawat araw na nagdadaan ay nahuhulog na ako sa bestfriend ko, nahuhulog na ako sa asawa ko.” napangiti siya na parang inaalala ang pangyayari na iyun.

“Pero nung mapagtanto ko na ang nararamdaman ko sa'kanya ay nawala naman siya.” naglandas ang luha niya sa pisngi.

“A-Anong nawala?” nauutal kong tanong.

Tiningnan niya ako, “N-Namatay siya sa car accident. At kaming dalawa lang ni Kuya Noel ang nakakaalam ng pagkamatay niya kaya ganun na lamang ang tuwa sayo ni mama.”

Napalunok ako. Na car accident din ako pero buti nalang ay hindi ako namatay. Alam kong sobrang sakit ng naramdaman niya ng mamatay ang asawa niya dahil kitang kita ko naman sa mga mata niya ang pagmamahal niya sa asawa niya.

“A-Anong ibig mong sabihin?”

Napangiti siya ng mapait, “Dahil kamukhang kamukha mo ang asawa ko. Kamukhang kamukha mo si Stefani pero alam kong hindi mo siya kapatid, kamukha mo lang siya.”

Habang prinoproseso ng utak ko ang nalaman ko ay parang nakukuha ko na. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa’kanya.

“Kaya mo iyun ginawa...” hindi ko na matuloy ang sasabihin ko.

“Yeah, masyado akong naging miserable ng mawala ang asawa ko. Masyado akong nagdusa at nang pumunta ako dito sa Pilipinas at nakita kita. Kamukhang kamukha mo siya at dahil dun ay may nabubuo na sa utak ko na gusto kitang agawin sa’kanya, gusto kitang mapasakin.” nag-init ang gilid ng mata ko.

“Nung araw na graduation ni Aywayne ay nakita kitang mag-isa habang nagmamaneho ng kotse. At sinundan kita nun pero hindi ko inaasahan na maaksidente ka. Bumalik sa’king alaala ang nangyari sa asawa ko kaya niligtas kita bago pa sumabog ang sasakyan pero sa pagligtas ko sayo ay hindi na kita ibinalik sa asawa mo. Masyado akong nasaktan sa nangyari sa asawa ko kaya ko nagawa iyun.”

Napaiyak ako sa sinabi niya dahil sa nararamdamang awa sa’kanya at sa sakit.

“I’m sorry kung ninakaw ko ang ilang taon niyong dapat kapiling ang isa’t isa. I’m sorry sa kasinungalingang ginawa ko. Sorry sa lahat.” umiiyak siya sa kamay ko kaya hindi na din maawat ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

“W-wag kang mag-alala pinapatawad na kita, alam kong mas masakit pa ang pinagdaraanan mo ngayon.” yinakap ko siya at hinaplos ang likod niya.

“T-Thank you, kahit ang dami kong nagawang kasalanan sayo ay nagawa mo pa din akong mapatawad.”

“Marami ka namang ginawa sa’king mabuti ‘e. Pinag-aral mo pa nga ako.” natawa siya sa sinabi ko.

Ilang minuto din kaming ganun hanggang sa bumitaw na ako sa yakap. Pinahiran ko naman ang luha kong natuyo na sa pisngi. Nagkatinginan kami at ngumiti.

Napahawak siya sa dibdib niya, “Sa wakas nailabas ko din itong ilang taon na sakit na nararamdaman ko .” natawa ako sa’kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa’kin. Ngumiti ako.

“Wag mo sanang sabihin kay Ay-Ay o kahit kanino na may naaalala na ako. Tayong dalawa lang muna, ok?” kahit nagtataka ay tumango.

“Pero, paano ang mga magulang mo?” takang tanong niya.

Tumango naman ako, “Ako na ang magsasabi at magpapaliwanag sa’kanila. Basta 'wag mo sabihin sa mga kaibigan ni Ay-Ay lalo na din kay Ay-Ay ha? At sa Kuya mo din.” tumango nalang siya.

Ilang oras din akong nagtagal sa hospital dahil sinamahan ko pa si Calvin na manood at nagkwentuhan pa kami. Alam kong makakawala din siya sa sakit na nararamdaman niya para sa asawa niya at sana maging maayos na siya. Umalis ako ng hospital ng gabi na at nagpara din ako ng taxi.

Pagkarating namin sa bahay namin ay nagbayad ng ako sa taxi driver. Tumingala naman ako sa napakalaking mansion nila mama’t papa. Napahinga ako ng malalim, 'wag naman sana silang magulat kapag bigla akong sumulpot.

Kapag kasi nagulat sila ay baka atakehin si papa sa puso ‘e. Nag doorbell ako sa gate at binuksan naman iyun ng isang guard. Nanlaki ang mga mata niya at parang takot na takot. Sinasabi ko na nga ba na matatakot ang mga tao dito kapag nakita ako.

E ang sabi sa’kin ni Calvin ay alam ng lahat na patay na si Miracle Camino ‘e.

Itinapat ko ang daliri ko sa labi ko na nagsasabing 'wag siyang maingay. Tumango tango naman siya at pinapasok ako. Ngumiti ako sa’kanya bago naglakad pero napatigil ako ng may kumalabog. Napatingin ako sa likod ko, nahimatay si Manong guard!

Sa sobrang takot siguro sa’kin ay nahimatay siya. 'Wag na kaya akong tumuloy kila Mama baka mahimatay din sila ‘e.

Katulad ng guard ay gulat at namumutla din ang bantay sa malaking pinto ng mansion. Ngumiti naman ako sa’kanila.

“Wag kayong matakot, hindi ako multo. Dinosaur lang, rawr!” umakteng pa akong parang kakagatin sila.

Natawa naman ako sa isa na napahawak sa dibdib dahil sa gulat. Nanginginig nilang binuksan ang pinto at tumambad sa’kin ang malawak na sala at engrandeng hagdanan. Pumasok naman ako, ang tahimik ng buong bahay.

“Jusmeyo!” napa-igta ako sa gulat dahil sa sigaw ni Manang Loyda.

Gulat na gulat ang mukha niya at napahawak pa siya sa dibdib niya. Ngumiti naman ako kay Manang.

“Hello, Manang. Hindi po ako multo, tao po ako. Hindi pa po ako patay, buhay pa po ako.” nakangiting sabi ko.

Lumapit siya sa’kin at nanginginig ang kamay niyang humawak sa pisngi ko.

“Jusko, ikaw nga! Miracle, buhay ka!” niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak siya.

Ngumiti naman ako, “Ako nga po.”

Maya maya din ay tumigil ang siya sa pag-iyak at tiningnan ako.

“Buong Camino ay alam na wala ka na. Grabe ang pagluluksa ng pamilya mo, iha. Umabot na sa puntong nagkasakit ang mama mo dahil sa kalungkutan na wala na ang nag-iisang anak niya. At ang papa mo naman ay pilit na nagkakapatatag kahit alam kong gusto niya na din niyang bumigay.”

Bumalatay ang pag-alala at pagkabahala sa mukha ko, “Manang, nasaan po si Mama at Papa? Gusto ko po silang makita.” naiiyak na sabi ko.

“Nasa kwarto silang dalawa, iha. Ang papa mo ang nag-aalaga sa mama mo ngayon.”

Tumango naman ako kay Manang at dali daling umakyat sa taas. Pumunta ako sa kwarto nila papa at nang nasa harap na ako ng pinto ay huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Pagkabukas ko ay siya ring paglandas ng luha sa mga mata ko ng makita ko si Mama na nasa kama habang si Papa naman ay naka-upo sa tabi niya. Ang laki na ng pinagbago ni Mama, ang payat na niya at halata din ang panghihina sa katawan niya.

“Mama... Papa...” umiiyak na pag tawag ko sa’kanila.

Natigilan silang dalawa at gulat na napatingin sa’kin. Napaiyak si Mama habang si Papa ay hindi makapaniwalang nakatingin sa’kin.

“Sweetie, anak ko... ikaw ba yan?” umiiyak na sabi ni Mama.

Lumapit naman ako sa’kanya at lumuhod sa sahig. Hinawakan ko ang kamay ni Mama at napahagulgol ako sa sakit.

“A-Ako nga po ito, Ma. Buhay ako, hindi po ako namatay. Ma, nandito na ang anak niyo kaya sana gumaling ka na.” mas napaiyak si Mama at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.

“F-Felicio, buhay ang anak natin. Buhay ang prinsesa natin.”

Continue Reading

You'll Also Like

3M 118K 75
"α€˜α€±α€Έα€α€Όα€Άα€€α€œα€¬α€•α€Όα€±α€¬α€α€šα€Ί α€„α€œα€»α€Ύα€„α€Ία€œα€Ύα€―α€•α€Ία€žα€½α€¬α€Έα€œα€­α€―α€·α€α€²α€·.... α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€›α€•α€«α€˜α€°α€Έα€—α€»α€¬...... ကျွန်တော် α€”α€Ύα€œα€―α€Άα€Έα€žα€¬α€Έα€€ α€žα€°α€·α€”α€¬α€™α€Šα€Ία€œα€±α€Έα€€α€Όα€½α€±α€€α€»α€α€¬α€•α€«.... α€€α€»α€½α€”α€Ία€α€±α€¬α€Ία€›α€„α€Ία€α€―α€”α€Ία€žα€Άα€α€½α€±α€€...
2.6K 63 14
Isang mafia queen na arrange marriage sa isang bakla mahuhulog ba ang loob niya sa isang lalaki na may pusong babae din?
1.2K 59 15
President Nouvelle Eloise Valeria have upholded several images inside their school community, one is that she's the most intimidating yet most succes...
169K 2.6K 58
Ready for the another round? ;) It's not just Riddles, but logics, codes, and many more. Let us see your intelligence in solving. Credits to all resp...