My Husband is Gay

By Jejelobsss

98.2K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 39

1.5K 68 7
By Jejelobsss

Chapter 39: Alaala

Napatingin ako sa pinto ng bumukas at pumasok si Calvin. Ang tagal nilang mag-usap ng kuya niya.

“Hindi ka muna papasok, magpapahinga ka muna sa bahay.” seryosong sabi niya na ikinabigla ko.

Minsan lang siya maging ganito sa’kin, nagiging seryoso siya kapag galit ‘e. Ano kayang pinag usapan nila ni Kuya Noel.

“Pero–” napatigil ako ng magsalita siya.

“No buts. At hindi ka na muna magtatrabaho dito.” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“What? Calvin, you know how much I love my career.” inis na sabi ko.

“Yes, I know. At dahil dyan sa pagmamahal mo sa trabaho mo ay mawawala ka naman sa’kin.” natigilan ako sa sinabi niya.

Nangunot naman ang noo ko, “Calvin, sumakit lang ang ulo ko. Hindi pa ako mamatay, at hindi ako mawawala sayo.”

Nagtagis ang bagang niya at ginulo ang buhok niya. Tiningnan niya ako at nandidilim ang mga mata niya kaya napalunok ako.

“Hindi ka na papasok dito bilang isang doctor! That’s final!” sigaw niya at malakas na sinara ang pinto dahilan para mapa-igta ako.

Ano bang nangyayari sa’kanya? Sumakit lang naman ang ulo ko at nahimatay pero ganun na siya. Ano ba kasing pinag usapan nila ni Kuya Noel?

Napabuntong hininga ako at isinukbit ko ang seatbelt sa’kin. Napasandal ako at napatingin sa labas. Iuuwi na kami ngayon ni Calvin sa condo daw niya. Hindi na muna daw kami titira sa mansion nila kaya mas naguguluhan ako ngayon. Napatingin ako sa’kanya ng paandarin na niya ang kotse.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob hanggang sa huminto ang kotse sa parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto at lumabas naman ako. Pumasok kami sa elevator at nang makarating kami sa condo niya ay pumasok siya sa kwarto niya siguro kaya sumunod naman ako.

Narinig ko ang lagaslas ng tubig kaya alam kong naliligo siya. Napaupo naman ako sa kama at huminga ng malalim. Maya maya pa ay lumabas na din siya sa banyo na nakatapis ng towel sa baba at kumuha ng damit sa closet niya.

“Uhm... hindi ka na ba papasok?” nag-aalangan kong tanong.

Napatigil naman siya at tinuloy ulit ang pagkukuha niya ng damit.

“No, babantayan nalang kita.” seryosong aniya.

Nangunot naman ang noo ko, “Calvin, wala namang mangyayari sa’kin ng masama ‘e. Paano nalang kung hanapin–” napatigil ako ng tumayo siya at tiningnan ako ng galit na tingin kaya napalunok ako.

“Why are you pursuing me to go back to my company? Bakit makikipag kita ka ba sa Aywayne na iyun?” nagtagis ang bagang niya at nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

“What?! Ano bang pinagsasabi mo?!” sigaw ko sa’kanya at napatayo ako.

“Tama ako diba, makikipagkita ka sa lalakeng yun?!” hinawakan niya ng madiin ang braso ko kaya napangiwi ako.

“Bakit ano bang ikinagagalit mo kung makikipag kita ako sa’kanya?! Natatakot ka ba na malaman ko talaga ang totoo ba?!” hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong sabihin iyun basta ang alam ko lang ay kailangan kong malaman ang totoo.

“Ano nang sinabi niya sayo ha?! Na asawa mo siya! That’s fucking a lie! Ako ang asawa mo, hindi siya! Hindi pa ba sapat ang mga ikweninto ko sayo noon na ako talaga ang totoo mong asawa! Hindi ang lalakeng iyun!” galit niyang sigaw, “At paano ka niya magiging asawa ‘e bakla siya!”

Natigilan ako, “W-What?” hindi makapaniwalang sabi ko.

“Yes, he is a gay! At ang mga baklang katulad niya ay lalake lang ang gusto!”

Hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin nagsisinungaling sa’kin ang Ay-Ay na iyun? Hindi niya talaga ako totoo asawa! Pero bakit pag nandyan siya ay parang magwawala ang puso ko at kumportable ako sa’kanya.

“Huwag mo siyang paniwalaan, Stefani. Ako lang ang paniwalaan mo.” niyakap niya ako ng mahigpit.

Naiiyak naman akong yumakap sa’kanya pabalik, “S-Sorry, huwag ka ng magalit sa’kin.” naiiyak na sabi ko.

“Hush... hindi na basta ako lang ang paniwalaan mo hmm?” hinaplos niya ang likod ko at tumango tango naman ako.

“Ikaw lang.”

____

“Naks, ang gwapo ng asawa ko.” nakangiting sabi ko kay Calvin.

Naka white polo at black pants siya. Simple lang pero ang gwapo niya. Dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng mag-away kami at ngayon ay pupunta kami sa isang bar para i-celebrate ang anniversary ng kumpanya nila. At isasama niya ako para ipakilala sa mga kaibigan at tauhan niya ng kumpanya nila.

“My wife is so gorgeous.” niyakap ako kaya natawa ako, “Pero sa’kin ka lang dumikit, baka magka-interes pa sayo.” pinalo ko siya na ikinatawa niya.

Isang simpleng black dress lang ang suot ko at naglagay din ako ng light make-up. Naka sandals din ako pero maliit lang ang takong, kahit matangkad ako at naka sandals pa ay ang tangkad pa rin niya katulad ni Mr. Del Vecho na hindi ko maabot. Napailing iling ako, kanina ko pa talaga iniisip ang lalakeng iyun na hindi ko alam kung bakit.

Bakla pala siya? Sayang.

Ay, Stefani! May asawa ka na, 'wag kang malandi!

“Let’s go.” ngumiti naman ako at kinuha ko ang purse ko.

Sumakay kami ng elevator para makababa. Nasa condo niya pa rin kami ngayon, hindi na kami bumalik sa mansion at ipinaalam naman niya iyun kay Mama. Ewan ko kung anong ginawang dahilan ni Calvin para payagan kami.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya kaya pumasok naman ako. Umikot siya at naupo sa driver seat. Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Tumanaw ako sa labas na madilim na pero may ilaw naman. Malamig din ang hangin na tumatama sa balat ko.

Maya maya pa ay huminto ang kotse sa isang bar. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya lumabas naman ako. Umangkla ako sa braso niya at lumapit kami sa isang guard ng bar.

“Castillo.” sabi ni Calvin.

Yumuko naman ang guard at pinapasok na kami. Mangha naman akong napatingin kay Calvin. Wow, binanggit lang ang apelyido niya ay pinapasok na kami ‘a. Natawa naman siya sa reaksyon ko.

Pagkapasok namin ay bumungad sa’min ang maingay na sigaw ng mga taong nagsasayawan at maingay na music. Naghahalo din ang iba ibang kulay ng ilaw sa madilim na bar na ito. Umakyat kami sa taas, siguro nandun ang table namin.

Lumapit kami sa maraming lalake at babaeng nagkakasayahan. Napatingin sa’min sila.

“Boss Calvin!” sigaw ng ilang mga lalake.

Ngumiti naman ako ng naiilang nang lumipad ang tingin nila sa’kin.

“Kumportable ba kayo dito?” tanong ni Calvin, mabait siya sa mga empleyado niya.

“Yes, boss. Btw, sino po yang kasama niyo?” tanong ng isang lalake at tiningnan ako.

Hinapit naman ni Calvin ang bewang ko kaya nagkatyawan sila ng ikinapula ng pisngi ko sa hiya.

“She is Stefani Castillo, my wife.” parang proud pang sabi ni Calvin.

Kinilig naman sila, “Ang ganda ng asawa niyo Sir, bagay na bagay kayo.” kinikilig na sabi ng isang babae.

Napangiti naman ako at nagpakilala naman sila isa isa sa’kin. Naupo kami ni Calvin sa sofa at kumuha ako ng wine. Nag cheers kaming lahat para sa anniversary ng kumpanya nila at isenebrate din na may asawa na ang boss nila na ikinatawa ko nalang.

Actually, pumapangatlo ang Castillo sa isa sa mga mayayaman sa buong Asya. Nangunguna kasi ang Del Vecho at ang pangalawa ay ang Salazar.

Del Vecho? Si Aywayne pala iyun. Napapikit na naman ako ng sumagi sa isip ko ang mukha ni Aywayne na umiiyak.

Iwinaksi mo nalang iyun sa isip ko at nakisabayan nalang sa mga kasama ko. Masaya silang kasama at kakwentuhan, mukhang mababait sila.

“Doktora pala si Mrs. Stefani?” gulat na sabi ni Rachelle.

Napangiti naman ako at tumango, “Yeah, nagtapos ako sa States at isang taon din akong doctor sa isang malaking hospital hanggang sa pumunta kami dito sa Pilipinas.”

“Kaya pala wala si Boss ng ilang taon ‘a.” napatingin sila kay Calvin.

Natawa naman si Calvin at lumagok ng inumin, “Mas mahalaga ang asawa ko kesa sa kumpanya.”

Again, kinatyawan na naman kami at ang iba pa ay kinikilig. Natawa nalang ako sa’kanila. Uminom ako ng wine at hindi ko sinasadyang mapatingin sa table na medyo malayo sa’min. Nandun si Aywayne kasama ang tatlong lalake na hindi ko kilala. Muntik na nga akong mabulunan dahil natagpo ang tingin namin.

Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa’kin at ito na naman ang puso ko na ang bilis ng kabog pero masarap sa pakiramdam. Nag iwas ako ng tingin. Mabuti nalang hindi ako napansin ni Calvin dahil busy siya sa pakikipag-usap sa kaibigan niya.

“Boss, sayaw lang kami kasama si Ma’am Stefani.” paalam ni Anne maya maya.

Medyo tinamaan na din ako at nahihilo na ako dahil sa alak. Napatingin naman ako kay Calvin at nababasa ko an tutol siya pero ngumiti lang ako.

“Please, sayaw lang kami.” pagmamakaawa ko sa’kanya.

Napabuntong hininga naman siya at tumango, “Fine, bantayan niyo ang Ma'am niyo ‘a? Kung hindi...” pananakot ni Calvin kaya pinalo ko siya na ikinatawa nalang niya.

Bumaba kami at nakipagsiksikan sa mga taong sumasayaw sa dancefloor. Nakataas ang dalawang kamay ko habang tumatalon talon habang tumatawa. Medyo naging wild din ang pag sayaw ko dahil nga sa lasing na ako.

Tinatawanan lang ako nila Anne na sumasayaw din. Sa gitna ng pagsasayaw ko ay may humawak sa bewang ko. Kahit nakakalanghap ako ng sigarilyo ay mas nangibabaw ang pamilyar na pabango. Humarap ako sa taong iyun at nagulat ako ng mapagtanto ko kung sino.

Pabango palang, alam kong siya na iyun.

“Ganito ba ang ‘asawa mo?’ Pinapabayaan kang sumayaw dito.” pinag diinan pa niya ang ‘asawa mo’ at nag-igting ang panga niya na ikinalunok ko.

Tinulak ko siya pero malakas siya sa’kin. Hinapit niya ang bewang ko papalapit sa’kanya kaya nanlaki naman ang mga mata ko dahil dikit na dikit na ang katawan namin.

“Tonight, I stole what’s mine.” sabay hila niya sa’kin.

“Let me go! Help!” sigaw ko pero parang hindi iyun naririnig ng mga tao dahil mas lumakas pa ang music at ang hiyawan ng mga tao.

Nagpupumiglas ako sa’kanya pero napakalakas niya at idagdag pa ang panghihina ko dahil sa hilong nararamdaman. Nakarating na kami sa labas at kinaladkad niya ako papunta sa parking lot.

“Bitawan mo ako! Bitaw!” galit kong sigaw at napatingin ako sa guard, “Hel me, please!” pakikiusap ko sa guard pero umiling lang siya na parang takot na takot sa lalakeng ito.

Naiiyak na ako pero napatigil kami ng biglang may humablot sa isang braso ko. Hindi ako nagawang bitawan ni Aywayne dahil mahigpit ang kapit niya sa braso ko na tiyak ng namumula. Napatingala ako sa humawak ng isa kung braso at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang madilim na awra ni Calvin. Napalunok ako at napatingin kay Aywayne na ganun din ang awra.

“Bitawan mo ang asawa ko.” matigas na sabi ni Calvin habang galit na nakatingin kay Aywayne.

Nagulat nalang ako ng bigla akong hilahin ni Aywayne sa lakas nun ay nabitawan ako ni Calvin. Napasalampak ako sa lupa dahil binitawan din ako ni Aywayne at sumugod kay Calvin. Kwinelyuhan niya ito at mabilis ang pangyayari. Nakita ko nalang si Calvin na nakasalampak na sa lupa at may dugo din ang labi niya.

Dugo? Napahawak ako bigla sa ulo ko dahil sa sakit.

Itinayo ni Aywayne si Calvin, “Asawa mo?! Tangina mo, asawa ko si Miracle! Hindi siya sayo! Hindi mo siya asawa! Tangina mo, ilang taon akong nangulila sa'kanya tapos malalaman ko nalang na na sayo pala siya! At ginawa mo pa siyang asawa! Gago ka!” galit na galit na sigaw ni Aywayne habang pinagsusuntok si Calvin na hindi lumalaban.

Nakita ko din ang paglandas ng luha ni Aywayne habang binubugbog si Calvin. Napatayo ako kahit na sumasakit ang ulo ko. Napatigil si Aywayne sa pagsuntok kay Calvin at kwenilyuhan niya si Calvin na hinang hina na pero nagagawa pa ring ngumisi.

“Pagbabayaran mo ang ginawa mo.” nagtagis ang bagang ni Aywayne at nakikita ko din sa mga mata niya na handa siyang patayin si Calvin.

Natawa si Calvin na ikinatindig ng balahibo ko. Ibang iba si Calvin ngayon.

“Go on, at least nasarapan ako sa asawa mo.” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Napatingin siya sa’kin at ngumisi pero kahit anong tago ng emosyon niya ay nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot at ang paghingi ng tawad. Lumandas ang luha sa mga mata ko.

“Potangina mo!” mas galit na si Aywayne ngayon at nanginginig na din ang tuhod ko sa takot ko sa'kanya ngayon.

Binugbog niya ulit si Calvin na hinang hina na at punong puno na ng dugo ang mukha at damit niya.

Lumapit ako kay Aywayne at yinakap siya sa likod.

“Tama na..” mahinang sabi ko pero sa galit sigurong nararamdaman niya ay naitulak niya ako at tumama ang ulo ko sa kotse.

Napasigaw ako sa sakit ng pagkakatama ng ulo ko at napahawak pa ako sa ulo ko dahil dumoble ang sakit. May nakikita na din akong mga emahe na habang tumatagal ay nagiging malinaw na sa’kin.

“Fuck! Miracle!” rinig kong sigaw ni Aywayne at lumapit siya sa’kin.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nagkasalubong ang mga mata namin.

Ay-Ay...

“I’m sorry, baby. I'm sorry.” yinakap niya ako at naramdaman ko ang tubig na tumutulo sa balikat ko.

Napaiyak naman ako dahil sa sakit at saya. Naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang asawa ko, ang totoo kong asawa. Napapikit ako sabay pagtulo ng mga luha ko dahil sa hindi ko na makayanan ang sakit na nararamdaman ko ay nawalan ako ng lakas hanggang sa nilamon na ako ng kadiliman.

Chandelier sa kisame ang bumungad sa’kin pagkagising ko. Natulala lang ako habang inaalala ang nangyari. Lumandas ang luha sa pisngi ko.

Si Calvin, niloko niya ako. Pinaniwala niya akong asawa ko siya. Pinaniwala niya akong siya ang mahal ko. At ako naman ay naniwala sa mga kasinungalingan niya dahil kumbinsido ako sa mga kasinungalingan niya ‘e. Gusto kong magalit sa ginawa niya, gustong gusto ko pero kahit anong hanap ng galit sa dibdib ko ay wala.

Wala akong nararamdamang galit sa’kanya, siguro kasi may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyun. At yung mga mata niya kagabi ay nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya. Kalungkutan na matagal na niya sigurong kinikimkim. Pagsisisi, lungkot, sakit at paghingi ng tawad ang nababasa ko sa mga mata niya kaya hindi ko magawang magalit.

Nagmahal lang siya.

Continue Reading

You'll Also Like

The Archer By Aidee

Mystery / Thriller

403 59 58
A young woman who is expert in defending herself to all of those her enemy. Instead of escaping from those bad guy that want to abduct her, she'd rat...
48.9K 1.2K 8
Jungkook Killed his family for unknown reason no one ever knew, Even the polices. He is a bad boy everyone is afraid of at the Jail and In the world...
289K 7K 76
EMPIRE SERIES #1 Maxine Alexis Isabelle, a nerdy girl who was hurted by a guy that she thought he can love her back the way she loved him. She went o...