Eight Words Love Story

By ov3rtin_ker

2.3M 80.1K 34.8K

One of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough... More

Disclaimer
Note
EIGHT
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Moren's Secret Note
Ross' Diary # 1
Ross' Diary # 2
Ross Diary # 3
Ross Diary # 4
Ross Diary # 5
Ross Diary # 6
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
EIGHT
The Letter
Special Chapter
Note
ACCOUNTS

Chapter 33

41.4K 1.7K 729
By ov3rtin_ker

Sinabayan ng tunog ng pagtakbo ng kabayo ang ingay ng hangin na taliwas ang ihip.

Lumipas na ang pag-ulan. Kagabi pa lang ay tumila na ito, napagod sa ilang araw na pag-iyak ang mga ulap.

Sakay ako ng isang kalesa palayo sa isla. Walang ibang masasakyan kung hindi ito. Ihahatid ako ng kalesa sa bayan kung saan naroroon ang paliparan. Uuwi na ako.

Sariwa pa rin sa isip ko ang nangyari kahapon. At nasa proseso pa rin ako ng pagtanggap na bumalik siyang naaalala ako.

I just realized I'm too desperate to get rid of him that I didn't even apologize for what I did. I don't deserve his love. Ever since.

Tinignan ko ang hawak na bracelet at ngumiti. Magiging parte pa rin naman siya ng nakaraan ko. Pero hindi na ng bukas.

Kawangis ng araw sa buwan, ng umaga sa gabi at ng simula sa wakas, may mga bagay na hindi kailanman maaaring ipilit na magtagpo. Hindi tulad ng mga metapora, na ang dalawang bagay na lubusang magkaiba ay pilit na pinagsasama at pinagkukumpara para makabuo ng ideya. Hindi kami nararapat sa isa't-isa.

Maybe there's no place such sky meet the sea. Laging may espasyo, may naghihiwalay. Masiyadong mataas ang mga ulap para maabot ng alon. At masiyadong mababa ang tubig para maabot ang langit.

Nothing meets the sky. When we reach the line, it is pushed further. You can go on chasing it forever but will you be able to? It's always seen but not reached. That's how it is destined to be.

Lumipad ako ng Maynila para bumalik sa lumang bahay namin. Kung bakit kaunti lang ang dala kong gamit pero ang bigat ng dinadala ko.

The place changed so much like how I did. Mas marami na ang bahay at nagtataasan. Napag-iwanan na ang bahay ni Papa. Mukhang umaasenso na rin ang lugar. Nadagdagan ang mga street lights sa paligid, hindi katulad noon na bawat sampung bahay ay isa lang.

Kasabay ng pag-usbong ng komunidad ay ang pagdami ng mga bata sa amin. Nilagpasan ko ang mga batang naghahabulan. Hindi nila ako alintana, pero may isang batang babae ang kanina pa tumitingin sa akin, tila kinikilala ako.

Binubuksan ko ang gate namin nang lumingon ako sa kaniya at ngumiti. Nakumpirma kong may gusto itong sabihin nang lumapit siya sa akin. Hindi muna ako pumasok.

"Hello. Anong pangalan mo?" Lumiit ang boses ko.

"Ako po si Perla. Kayo po ba si Ate Moren?"

Ikinagulat kong alam niya ang pangalan ko. Umupo ako para pantayan ang taas ng batang babae.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Ngumiti siya. May bungi ito kaya ako marahang natawa. Ang cute niya.

"Ikaw nga!" she exclaimed. Para bang ang tagal na niya akong hinihintay umuwi. "Sandali lang po, may kukuhanin po ako."

Tumakbo siya para bumalik sa tapat ng bahay nila. Pagbalik niya ay may dala itong isang piraso ng puting rosas. Ibinigay niya ang bulaklak sa akin.

"Para sa 'kin 'to?" Nag-init ang puso ko.

Tumango siya. "Opo. Pero hindi po 'yan galing sa 'kin."

Kumunot ang noo sa pagtataka. "Kanino?"

"Hindi ko po kilala, eh. Basta maputi siya." Sinalat niya ang balat. "Tapos matangkad at mabait," inosente niyang paglalahad.

"Tuwing Sunday po ay pupumunta siya rito. Binibigyan niya ako ng flower at sabi po niya kapag bumalik ka, ibigay ko sa 'yo." Malapad siyang ngumiti.

"Paano kung hindi ako bumalik?"

"Sa akin na po ang mga bulaklak." She chuckled. "Pero sabi niya po, babalik ka. Hindi niya lang po alam kung kailan."

Lumamlam ang pagkurap ko at nakangiting tumango sa kuwento niya. "Thank you sa paghihintay, Perla."

"Welcome po. Bye bye, Ate. Maglalaro pa kami." Itinaas niya ang kamay sa lebel ng pisngi para kumaway.

"Bye-bye."

She ran to her playing friends. Nilingon ako nito at muling nginitian. Nang makapasok ako sa loob ay nabaling ang atensiyon ko sa bulaklak.

I went inside our home to see an abandoned place. Puno ang bahay namin ng agiw at napaglipasan na ng panahon ang pintura kaya tumamlay ang kulay. Ang mga bintana ay kinakalawang na. Nagkamatayan ang mga halamamg pakiwari ko'y nauhaw sa limang taon kong pagkawala.

Hirap pumasok ang liwanag sa loob dahil nakasara lahat ng bintana. Binuksan ko iyon at pinagpag ang dumi para dungawin sa labas ang hilera ng mga bahay.

I sat beside the window and stared at the white rose. Sino naman kaya ang may gawa nito. Si Ace? Si Adrien? Si Franz?

"Kamusta na kaya sila?"

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong plano ko sa mga susunod na araw. Iginagapang ko lang ang kasalukuyan kahit hindi pa ako nakakalaya sa nakaraan.

Ano ba ang pakiramdam ng gigising kang may dahilan para bumangon? Hindi lang para magtrabaho, hindi lang para maghintay sumapit ang gabi at matulog ulit.

Ganoon ang buhay ko sa limang taon, eh. Gigising, lalaban, matutulog. Gigising, susubok, mapapagod, matutulog. Hindi gigising, mabubuhay, susubok, matututo, magpapahinga.

Hinaplos ko ang braso at pinakawalan ang malalim na buntong-hininga. Nanatili ako sa puwesto hanggang sa sumapit ang gabi kaya kinailangan kong sindihan ang gasera. Putol na ang linya ng kuryente kaya wala akong ilaw.

Matutulog na ako nang tumunog ang cellphone ko dahil sa pagtawag ni Fritz. Sinagot ko 'yon habang nakahiga.

"Sis! Nasaan ka na?" Nagpeke siya ng iyak. "Nilayasan mo na talaga kami rito? Ang sama ng ugali mo–"

Naputol ang pagsasalita ni Fritz nang agawin sa kaniya ni Agusta ang cellphone. "Akla! Wititit kang beki ka. Bumalik ka rito at sasabunutan lang kitang minsan."

"Miss ka na namin, Freda. Bumalik ka na. Maraming Fafa!" si Fritz ulit. "Akin na nga! Mang-aagaw ka."

Narinig ko ang pagtatalo nila. Ngayon pa lang, namimiss ko na sila. Sa lahat ng nangyari sa akin sa isla, sila ang pinaka-ipinagpapasalamat ko.

"Hindi muna ako makababalik. May kailangan akong gawin ngayon," sabi ko.

"Kailan nga?!"

"Sana makabalik pa 'ko, pero kung hindi na, mag-iingat kayo palagi, ha."

Humagulgol si Fritz, hindi ko masabi kung totoo 'yon o mema lang. Hindi ko naman siya nakikita.

"Kapag hindi ka bumalik, pupuntahan ka namin diyan!"

Mahina akong natawa. Muntik na akong dapuan ng antok kanina dahil sa pagod sa biyahe pero tumawag sila kaya tumagal ako hanggang hatinggabi. Kung hindi ko pa sinabing mauubos ang charge ng cellphone ko ay hindi nila ibababa ang tawag.

Bumalik na raw ako roon at paalis na si Ross. They thought I left just because I don't want to be his personal assistant anymore. Wala silang alam sa totoo kong dahilan. At wala rin naman akong planong sabihin.

I woke up with another call. Inakala kong sila ulit 'yon kaya sinagot ko nang hindi nakikita ang pangalan, but the silence made me confused. Kunot ang noo at naniningkit pa ang matang tinignan ko kung sino 'yon. Numero lang ang nakalagay.

"Hello?" tanong ko sa inaantok pa na boses.

"Hindi mo pa rin ba ako pipigilan?"

Ginising ako ng isang tanong. Bumilis naman ang tahip ng dibdib ko. Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya dahil sapat na ang ginawa kong pag-alis para masabi ang desisyon ko.

"I don't deserve your love, Ross." I closed my eyes. "Live well . . . G-Goodbye, my safe haven for fourteen years."

Iyon lang ang sinabi ko at ibinaba na ang tawag, takot na baka kapag nagsalita pa siya ay magbago ang isip ko.

Nagpalipas ako ng isang araw sa Maynila bago nagtungo sa Batangas. Noon, kapag umuuwi ako sa probinsya namin, pagkasabik ang nararamdaman ko. Takot na iyon ngayon, lungkot dahil napalitan ng masakit na alaala ang masasayang memorya ko noong bata.

I came here to take him back. Si Papa. Ang dahilan kung bakit pinilit kong magpursigi sa pagtatrabaho.

Umunlad na rin ang lugar, hindi na ito naiiba sa kabihasnan. Hindi na nga rin ako kilala ng mga tao. Or so I thought.

"Si Moren ba 'yon?"

"Anak ni Alfredo?"

"Bakit kaya bumalik pa siya rito?"

"Baka dadalawin ang inabandona niyang ama."

"Totoo. Kawawa nga si Alfredo at ganiyan ang naging anak. Isipin mo, pinalaki at pinakain niya tapos nagkasakit lang ay iiwan na."

"Tama ka, ganiyan na ata ang mga kabataan ngayon. Makasarili."

Bawat paghakbang ko ay bulungan ang naririnig. Every word I hear adds weight to my feet. Nilunok ko ang lahat ng narinig at hindi sila pinansin. Hanggang sa marating ko ang bahay namin ay pasaring na pintas ang nakuha ko sa mga tao.

Umiyak ako. Hindi dahil sa galit kung hindi dahil mahina akong sagutin sila. Hindi ako 'yon, eh. Hindi ko naman inabandona si Papa para sa wala. Pero bakit parang walang nakakaintindi sa 'kin? It hurts because I know I'm not that person, pero hinahayaan ko lang silang kilalanin ako sa ganoong paraan.

Nagpahinga lang ako sandali, pagkatapos ay naghanda na para pumunta sa Home for the Aged.

Malawak ang espasyong tinitirikan ng isang gusali. Mula sa labas ay rinig ko na ang ingay sa loob. Huminga ako nang maluwag bago pumasok.

Bumungad sa akin ang abalang mga tao. Maraming matatanda ang nasa labas at kaniya-kaniya sa ginagawa. May mga naggagantsilyo ang iba'y tumutulong sa pagbabalat ng saging.

Marami rin ang nakawheelchair pa. Ang ilan sa kanila, bakas na ang kahinaan sa mukha. Gayunpaman, may ngiti kang makikita. Sa mukha ng mga lolo at lolang nagpapasalamat sa mga taong umaruga sa kanila.

Naglakad ako habang pinanonood ang mga tao sa paligid. Nabuhay ang mga balahibo at dumapo ang kaba sa dibdib. Nasaan kaya si Papa?

Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob magtanong sa isang caretaker ay may lumapit na sa akin.

"Sino po sila?" tanong ng babae.

"U-Uh, s-si Moren po. Papa ko po si A-Alfredo," hirap kong sabi.

Nagliwanag ang mukha niya. "Ah, ikaw pala ang anak ni Tatay Fredo. Mabuti at nakadalaw ka."

Masaya ang babae, sa katunayan ay magaan siyang kausap. Ngumiti ako pabalik.

"Nasa loob si Tatay Fredo, nakikinig sa mga makukulit na nagkakantahan sa loob." Tumawa siya. "Halika."

Pinagsiklop ko ang mga kamay at sumunod sa babae. Nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa braso. Ngiti ito nang ngiti kaya gumagaan ang pakiramdam ko.

Sa loob ng gusali ay ang mga hilera ng higaan. Walang harang ngunit may maliit na espasyo sa pagitan. Maraming matanda sa loob at ang ilan katulad ng sinabi ng babae ay umaawit.

Hinanap kaagad ng mata ko si Papa. And when I saw him, nakagat ko ang labi. Sinubukan tumakas ng hagulgol sa bibig ko.

An old man on his wheelchair, with grey hair and lines on his face. Nangatal ang baba ko sa pagpipigil ng hikbi. Tumatango si Papa at nakangiti habang pinanonood ang mga umaawit.

Hinawakan ako ng babae sa likod. She comforted me with a tap. "Puntahan mo na si Papa mo."

I puckered my lips and started walking slowly. Huminto ako sa gilid niya. Nanginig ang kamay kong hindi siya maabot kahit anong lapit na namin sa isa't isa.

Pinalipas ko ang ilang minuto para lang pagmasdan siya. Hindi siya nabagabag sa presensiya ko, hindi niya ako pansin.

"P-Pa." I failed on my first try.

"Papa," I called him longingly.

Nakangiti pa rin si Papa nang lumingon sa akin. Ngunit nang mamukhaan ako ay naitikom niya ang labi. Tiningala niya ako. Dalawang segundo ang binilang bago gumuhit ang noo niya.

"Papa," I called him again.

Nadagdagan lamang ang pagtataka niya. "Sino ka?"

I lost it there. Naging maingay ang pag-iyak ko. Humawak ako sa wheelchair niya kasabay nang pagbaba sa sahig.

"Papa, kinalimutan na ba 'ko?"

Umiling siya. Iniwas niya ang kamay nang subukan ko iyong abutin. Kilala niya pa 'ko, eh. Kilala niya pa ako bago kami maghiwalay.

"Hindi kita kilala," aniya sa takot na boses. "Sino ka ba?"

Wala akong maisagot. Dahil hindi rin naman niya ako paniniwalaan. Lumapit ang babae sa amin at kinausap si Papa.

"Janine!" masayang bati ni Papa sa babae.

Ibinaba ng babae ang daliri ni Papa na nakaturo sa kaniya. "Jocelle po," pagtatama niya.

"Eh, sino ba ireng bata na 're? Alam mo ba ang ngalan?" tanong ni Papa sa kaniya.

The woman couldn't think of words to say, tila hirap din siya sa nasasaksihan. "Moren, halika. Sa labas muna tayo, may sasabihin si Ate Jocelle." Tinapik niya ang likod ko.

Lumabas kami katulad ng sinabi niya. Humihikbi akong iniwan si Papa sa loob. Dinala ako ni Ate Jocelle sa bahaging wala gaanong tao.

"Uminom ka muna." Inabutan niya ako ng bottled water.

Hinaplos niya ang likuran ko habang umiinom ako. Hinintay niya akong matapos bago magsalita.

"Sobrang makakalimutin na ng Papa mo. Mayroon kaming regular check-up para sa kanila. Lumala ang Alzheimer ng Papa mo kaya madalas kailangan pa naming magpakilala. Pero hindi lang siya ang may ganoong kalagayan. Halos lahat ng nasa loob kanina ay katulad ng Papa mo. Pasensiya ka na, Moren, ha. Tagapag-alaga lang naman kasi kami at alam nating walang lunas sa sakit ni Papa mo."

Umiiyak akong tumango, naiintindihan kung bakit siya nagipapaliwanag sa akin.

"Maayos si Tatay Fredo. Magaling siyang maggantsilyo. At saka mahilig kumanta. Maligalig siyang tao."

I smiled. Maligalig naman talaga si Papa.

"Hinanap niya naman po ako, 'di ba?" I asked.

I got a silent smile from her. That's it. That's the answer. Masakit akong tumango.

"Nakalimutan ng Papa mo ang pangalan mo, pero alam mo? Parati siyang may ikinukuwento sa amin. May anak daw siyang maganda at magaling kumanta. Ipinagmamalaki ka niya sa amin. Nakakatuwa nga, e. Na hanggang ngayon, naaalala niya pa rin ang ibang detalye tungkol sa 'yo."

Kahit papaano ay binawasan no'n ang pagkasawi ko. He doesn't remember my name but he remembers who I am.

"Iuuwi ko na po si Papa," ani ko.

Tumango ang babae. "Uuwi na si Tatay Fredo kasama ka."

Kinabukasan matapos maayos ang mga dokumento ay ihinatid kami ng service van nila pauwi ng Maynila. Inakala kong mahihirapan kami pasamahin si Papa. Pero kinilala niya lang ako bilang si Marah, isa ring caretaker doon.

Naninibago si Papa sa paligid pero darating ang araw at masasanay ulit siya. Nilinis ko ang bahay namin at nagtanim ng bagong halaman sa labas. Tinignan ko ang naimbak na sasakyan sa garahe.

"Hi, Cross," bati ko dito. "Long time, no ride. Na-miss mo ba 'ko?" Kinausap ko ang motor. Nilisan ko rin 'yon at sinubukan kung umaandar pa. It still works.

Buong araw akong nagligpit sa loob at labas ng bahay namin. Papadilim na nang sunduin ko si Papa sa labas. Tuwang-tuwa ito sa mga bata. Mababait naman ang mga batang kung minsan ay nilalapitan siya.

"Kain na tayo, Pa," aya ko sa kaniya.

"Sino ka ba?" tanong niya.

"Anak mo 'ko. Hindi ba sabi mo pa nga, ako 'yung pinakaguwapo mong anak?

Umiling siya. "Hindi kita kilala.

Hindi naman na 'yon ang unang beses na narinig kong sabihin niya 'yon pero masakit pa rin.

"Gusto mong sumayaw, Pa?" I asked him.

Ikinatuwa niya ang tanong ko. Masaya itong tumango. Hinanap ko sa gamit niya ang lumang music box. Itinabi iyon ni Ate Jocelle dahil sabi niya tuwing tutugtog daw 'yon ay umiiyak si Papa.

Binuhat ko siya. Ang mga paa niya ay salat ang akin. Niyakap ko siya habang marahan na iginagalaw ang katawan kasabay ng ritmo ng tugtog at ang pag-ikot ng mumunting prinsesa sa music box. Sabi niya, ako raw 'yon.

"My love, my darling. I've hungered for your touch. A long, lonely time. And time goes by so slowly. And time can do so much. Are you still mine?" Kumanta si Papa.

Dinama ko ang liriko ng paborito niyang kanta. At sinabayan siyang umawit.

"I need your love. I need your love. God speed your love to me." Ngumiti siya nang marinig ang boses ko.

"Lonely rivers flow. To the sea, to the sea. To the open arms of the sea . . . lonely rivers sigh. Wait for me, wait for me." My voice just broke.

He indeed wait for me.

"I'll be coming home, wait for me," si Papa.

"We're home, Pa."

Hindi gaanong malaki ang ipon ko. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan o saan 'yon aabot. Pero hindi ko na ulit iiwan si Papa.

Kinabukasan, nagpapahinga pa ang araw sa kabilang dako ay gumising ako. Malamig ang madaling araw, mahamog pa sa labas kaya basa ang mga halaman.

Sinamantala ko ang pagkakataon na dumalaw sa puntod ni Moris habang tulog pa si Papa. Dumaan ako sa isang flower shop para bumili ng madadala kay Moris.

"Good morning, Ma'am," bati ng florist sa akin.

Tinignan ko ang mga bulaklak. Pinasadahan lahat para makapamili. Kinuha ko ang isang bungkos ng yellow daisy. Iyon na ang huling boquet no'n.

Maya-maya ay may lumapit sa akin. Isang babaeng estudiyante. "Excuse me? Are you getting that one?" tanong niya. Ang hawak kong bulaklak ang tinutukoy niya. Hindi ako kaagad nakasagot.

"Ma'am Era, nahuli ka. Kahapon kami maraming daisy," anang florist sa babae.

"It's fine." She smiled at the florist. "I'll just have . . . hmm . . ." Minamatahan niya pa rin ang hawak kong bulaklak.

Natawa ako sa isip. "You can have this." I extended my arms to give them to her.

"Really?" Sumigla ang mukha niya, gayundin ang boses. "Thank you so much."

I nodded. Mabilis niyang binayaran ang bulaklak. Nag-usap sila na para bang parati na siyang bumibili rito at parating daisy ang hinahanap.

Pagkalabas ng babae ay ang pagpasok ng isang lalaki. Napalingon ako sa pintuan nang magkabungguan sila.

"Sorry," sabay pang saad ng dalawa. The young girl walked away and the man went inside.

Itinuon ko na sa mga bulaklak ang paningin. Kukuhanin ko na sana ang isang bungkos ng puting rosas nang may makasabay ako. Nagkatinginan kami.

Bago ko pa siya makilala ay binitawan na niya ang bulaklak para yakapin ako. Kung hindi siya nagsalita ay baka naitulak ko na siya.

"You're back," sambit ni Franz. Humiwalay ito sa akin pagkatapos ng mahigpit na yakap. "When did you come here? Have you been well?" Hawak ni Franz ang magkabilang braso ko.

"Kamusta na?" iyon lang ang naisagot ko.

He exhaled deeply. "We miss you, all of us miss you."

I don't know but I felt like crying. Pakiramdam ko ay maraming nagbago sa kaniya. Dahil ba matagal kaming hindi nagkita?

"Where are you going?" Pareho kaming nangangapa ng sasabihin.

"Sa simenteryo," sagot ko. "Dadalawin ko si Moris."

"Can I go with you?"

I don't see any reason to say no kaya pumayag ako. Bumili ako ng bulaklak at kandila. I was right when I thought it's him behind those white roses. Naalala ko pa ang letter of confession niya noon. Nahihiya akong alalahanin.

Sakay ng kotse ni Franz ay narating namin ang simenteryo. Malayo-layo rin ang nilakad namin bago natunton ang lapida ni Moris. Ginapangan na kasi 'yon ng damo.

"Can I?" Humingi siya ng permisong umupo sa tabi ng lapida. Tumango ako.

"Pinakilala ko naman kayo sa kaniya," ani ko. "Malabong multuhin ka."

Tumabi ako sa kaniya. Tinulungan niya akong linisin ang lapida ni Moris. Ibinaba ko ang bulaklak sa gilid at sinindihan ang kandila sa kabila. I grew up loving white roses because she loves it.

"How old is she now?" tanong ni Franz.

"Twenty," sagot ko.

Kinain kami ng katahimikan pagkatapos ng tanong na 'yon. I broke the silence when it became awkward.

"Kamusta ka na?"

"I'm handling our business here ever since I graduated; as a co-CEO of my Father."

"Ibig sabihin hindi pa rin ikaw ang pinaka-CEO. Bida-bida naman ang Daddy mo."

Natawa siya sa biro ko. "My parents want me to get married first then I will take over. My father will step down."

"Akala ko kasal ka na." Tumawa ako.

He chuckled. "I'm waiting for you. So someone will stop the wedding."

"Itigil ang kasal! Gano'n?" I tried. Tinawanan niya ako.

"I was so worried you'll change. Ikaw pa rin 'yan, Moren." Ginulo niya ang buhok ko.

"Kamusta si Ace at si Abcd?"

"Ace has a project in Laguna. Adrien is dealing with some stuff right now. You know, work."

"Wow." Nakahinga ako nang maluwag. "Engineer na si Ace at journalist na si Adrien, loloko-loko lang sila dati."

"You won't ask me what I do?"

"Kasasabi mo lang, eh."

He grinned. He looks more intimidating now. "I'm working as my parent's puppet," aniya.

Tumawa na lang rin ako kahit nasasaktan para sa kaniya.

"Ikaw?" Ibinalik niya sa akin ang tanong.

I glanced at him. Hinaplos ko ang braso at kabadong tumawa. "Hindi ako nakapag-aral ng college, hindi ako engineer o journalist, at mas lalong hindi ako acting CEO katulad mo," mabilis kong sabi. "Ano lang ako . . . tourguide." Kinamot ko ang ulo.

"I'm asking how are you," aniya. "How have you been?"

Umawang ang labi ko. "A-Ah, ayos lang." I lied. "Masaya naman kasi sa isla ako nagtatrabaho. Nag-enjoy ako saka may mga nakilala akong kaibigan."

"Have you talked to Ross?"

Nagulat ako. "Alam mong nandito siya?"

He nodded. "We all know he's here. It's not his first time going back here. After the accident, his Dad took him and made up stories to cage him in America. He went back when he recovered. His father knows nothing. They thought he still can't remember anything. But it's been two years since he recovered," paglalahad niya.

"Two years na?"

"Umuwi siya ng Pilipinas two years ago. But you weren't here, we had no idea where you were. He went back to the U.S. to finish his degree. Then back to the Philippines again to find you.

"We know everything that happened, Moren. None of us get mad when you disappeared. It's just we hoped you told us where you'll go."

Naintindihan ko ang sinabi niya. "I'm sorry."

"There's no need to apologize." He smiled. "But have you guys talked?"

"We met. And he pretended he didn't remember me. Pero kahit naman naaalala niya ako, hindi mabubura ang kasalanang ginawa ko. Franz, ako 'yung dahilan kung bakit kami naaksidente noon."

"Ross doesn't think that way, Moren. He's not blaming you."

Yumuko ako. "Iyon nga ang problema, Franz. Hindi ako karapatdapat sa pagmamahal niya."

"Masiyado siyang totoo. He is so genuine. He is so in love with me . . . Pero ako? I don't think I've done something best for him."

"Who are you to say that if it's only you he wants?"

I know he didn't mean to offend me but that's a little harsh.

"Don't you love him?"

Nanatili akong nakayuko. "I want him to get the love that he deserves."

"You didn't answer my question," he snorted. "If you can imagine a life without him, then you're fine to let him go. But if you feel otherwise, you know what to do.

"Baka sa susunod, hindi na siya bumalik dito, hindi na siya bumalik sa buhay mo. Will you be fine?"

Tumingin ako sa kaniya. Nginitian niya ako at hinawi ang buhok. "Think about it, Moren.

"I don't want to see my first love heart broken." He chuckled.

Continue Reading

You'll Also Like

264K 7.3K 34
Amanda Jessica Hall is a normal 22 year old woman who always wear a smile on her face though things have been rough on her. The man she thought of sp...
149K 16.8K 47
Unicode အကယ်၍ သင်သာနတ်ဆိုးတစ်ကောင်ရဲ႕ နက္ခတ်နှင့်အတူယှဉ်ပြီး မွေးဖွားခဲ့မည်ဆိုလျှင်... Zawgyi အကယ္၍ သင္သာနတ္ဆုိးတစ္ေကာင္ရဲ႕ နကၡတ္ႏွင့္အတူယွဥ္ၿပီး ေမြ...
40.8K 2.2K 12
"اكثرُ ما يُعجبني بالفتياتِ هو تلكَ الاشياءُ الكبيرة والمُنتفِخه" -مَاذا لو اخبرتُكَ ان حركاتُكَ البغيضَةُ صَارت ترُقني؟ -مَاذا لو اخبرتُكِ ان لسانكِ...
1.2M 38.9K 52
"I am falling for you." he said as he cupped my face into his large hands. I shook my head and pushed his hands away. "No you're not. You don't know...