The Book of the Lost Love

By sexylove_yumi

39.2K 4.2K 849

Ang pakikipagpaligsahan ng mga tao sa alon ay nakakabilib kung minsan. Hindi nila tinitigilan ang paghahanap... More

Kabanata 1- UNOS NG DAGAT
Kabanata 2- KAMPUPOT
Kabanata 3- RIVERA
Kabanata 4- TANGHALIAN
Kabanata 5- PESTENG YAWANG SI POLGOSO
Kabanata 6- KALABAN
Kabanata 7- ANG ALAMAT
Kabanata 8- KASUNDUAN
Kabanata 9- 'POCUS'
Kabanata 10- ANG KASUNDUAN
Kabanata 11- SA PAGMAMAHAL KO
Kabanata 12- PURONG DIYOS
Kabanata 13- AKO NA
Kabanata 14- ORASYON NG TAGA-BANTAY
Kabanata 15- APOLAKI
Kabanata 16- KABIGUAN
Kabanata 17- ANO ANG KAPALIT?
Kabanata 18- ANG KAPALIT NG KALAYAAN
Kabanata 20- ANG AMING PASYA
Kabanata 21- GAWIN NATING OPISYAL
Kabanata 22- Aman Sinaya
Kabanata 23- SA PUSOD NG DAGAT
Kabanata 24- DIYOS AT DIYOSA NG KARAGATAN
Kabanata 25- BAKIT NGA?
Kabanata 26- ANG MUNGKAHI NG TAGA-BANTAY
Kabanata 27- ANG PAG-AHON SA LUPA
Kabanata 28- ANG SALAPANG NG DAGAT
Kabanata 29- ANG PAGLAYO
Kabanata 30- MULA SA AKING ALA-ALA
Kabanata 31- KATOTOHANAN
Kabanata 32- Sa Hilaga
Kabanata 33- ANG AGAM-AGAM
KABANATA 34- ANG NAPIPINTONG PAGHIHIWALAY
KABANATA 35- ANG KAKAMBAL NA LIBRO
Kabanata 36- PARAISO SA ILALIM NG DAGAT
Kabanata 37- ANG TAMPALASANG PANAUHIN
Kabanata 38- ANG PAGHAHATID NG BALITA
Kabanata 39- MARAHIL ANG KATAPUSAN
Kabanata 40- ANG TAKOT NA HINDI KO MAWARI
Kabanata 41- ANG TUSONG PAGTAWAG
Kabanata 42- ANG PAGLISAN
Kabanata 43- ANG DUGO SA BATO
Kabanata 44- ANG PAG-IBIG AT GALIT
Kabanata 45- SI BATHALA AT ANG LAHAT

Kabanata 19- ANG SIMULA NG PAGKAKAMABUTIHAN

814 97 23
By sexylove_yumi

Marian


Kasal? Iyon lang ba talaga ang paraan?

Kay Amanikable pa talaga.

Wala namang araw na hindi kami nagtalo nito.

"Paraa saan ang pagtitig na iyan?" walang ngiting tanong sa akin nito nang matitigan ko siya habang gumagawa ng sibat.

Kahapon nang sabihin niya sa akin ang kapalit ng pagtulong niya ay hindi naman siya namilit. Kung tutuusin ay iniiwan niya ako sa isla. Bumabalik lamang siya kapag may dala na siyang pagkain.

"Nag-iisip ako."

"Huwag mong masyadong pakiisipin. Hindi naman kita pinipilit."

"Pero iyon nga lang kasi ang nais mo."

Tumango si Amanikable.

"Kailan?"

Natawa siya ng bahagya. "Nagmamadali ka?"

Napabuntong hininga ako. "Alam mo ba ang pakiramdam na kahit hindi mo gustong gawin pero kailangan?"

"Obligasyon yata ang tawag doon," sabi nito habang naghahasa. "Hindi mo naman kailangang gawin."

"Ama ko pa rin siya."

Umiling si Amanikable. "Nanaisin mo rin siyang ikulong pagkaraan ng ilang araw."

"Bakit?"

Napatingin si Amanikable sa akin at nagkibit ng balikat.

"Ano ang ibig sabihin no'n?" naiinis na tanong ko.

"Hindi sa akin manggagaling ang una mong kaisipin tungkol sa iyong Ama."

Grrrr... Nakakainis naming kausap ito.

"Alam mo, kung magpapakasal tayo, dapat matuto kang sumagot sa mga tanong ko."

Napabuntong hininga si Amanikable. "Hindi pa tayo kasal."

Bwisit kausap!

"Dapat pagkatiwalaan moa ko."

"Uh-huh."

Tatango-tango siyang bumalik sa paghahasa.

"Ano ang tunay mong ngalan?" Natahimik ako sa tanong ni Amanikable.

"Kita mo na, hindi mo nga nais sabihin ang tunay mong ngalan sa akin tapos ikaw ang dami mong tanong. Upang maikasal tayo, kailangan kong sambitin ang ngalan mo... ang tunay na ngalan mo."

Ang pangit ng una kong pangalan. Ayaw kong ginagamit.

"Humahaba 'yang nguso mo," natatawang puna ni Amanikable. "O siya, maiwan na kita."

"Iiwan mo na naman ako!" Singhal ko dito.

Natawa ito. "Eh 'di sumama ka. Madali naman akong kausap. Bakit kailangang magalit ka?"

Huminga ako ng malalim at saka nagsalita muli. "Saan ka ba pupunta?"

"Mangangaso."

"Sa kabilang isla?" Nalukot ang mukha ko.

"Naubos ko na ang mga hayop dito. Ang lakas mo kasing kumain," natatawang sagot niya.

Naningkit ang mga mata ko. Sinasabihan baa ko nitong matakaw? Hindi pa nga ako malakas kumain no'n.

"Sasama ka?" naiinip na tanong ni Amanikable.

"Hindi nga ako marunong lumangoy sa malalim, 'di ba?" paalala ko dito.

"Hindi naman malalim ang dagat na ito. Walang pating kaya makakalangoy ka."

"Hindi ko kaya. Hanggang leeg lang ang kaya ko."

Isang malalim na butong hininga ang pinakawalan ni Amanikable at saka lumapit sa akin. Tumalikod siya at umupo.

"Pumasan ka."

"Ano ako, unggoy?" mabilis na wika ko.

"Pumasan ka, o bubuhatin kita?"

"Kapag ako nalunod—"

"Pinabayaan na ba kita?" naiiritang tanong ni Amanikable at lumingon sa akin.

Hindi pa.

Nakasimangot akong pumasan sa kanya. Walang hirap siyang tumayo, bitbit ako sa likod na parang unggoy na nakasabit.

"Kumapit ka lang!"

"Bathala, ikaw na ang bahala."

"Amanikable ang pangalan ko, babae." May banta ang tinig ni Amnikable nang lumingon sa akin.

Hindi na nga ako magsasalita. Lumusong sa dagat si Amanikable. Napapikit ako nang dumantay ang tubig sa paa ko.

"Hingang malalim," bilin niya.

Huminga ako at parang sibat na lumusong si Amanikable sa tubig. Mabilis siyang lumangoy na hindi ko nakuhang magulat man lang. Naramdaman ko ang kamay niya na nakahawak ng mahigpit sa dalawang kamay kong halos masakal na ang leeg niya sa pagkakahawak ko. At dahil mahapdi ang tubig dagat sa mata, nakapikit lang ako habang nakasubsob sa likod niya ang mukha ko.

Nang malapit na akong kapusin ng hininga ay umahon na kami sa dagat. Nasa kabilang isla na kami nang gano'ng kabilis.

Hindi ko alam sa palabas sa telebisyon ha, pero kapag umahon ka sa dagat, parang lumot sa mukha ang lahat ng buhok at hindi ka kailanman makakadilat agad sa dami ng tubig alat sa iyong mata. Ay ewan ko ba, sino ba ang nakangiting aahon sa dagat at kakanta?

"Ayos ka lang?" natatawang tanong ni Amanikable.

"Hihinga muna ako."

"Hindi naman malayo—"

"Hindi ako syokoy," naiinis agad na sagot ko sa nakangising si Amanikable. "Hindi ako nakakahinga sa dagat."

"Masasanay ka rin. Mas madalas ako sa dagat kaysa sa lupa. Tara."

Agad-agad? Hindi ba pwedeng magpatuyo muna?

Sumunod ako kay Amanikable. Sa laki at taas niya ay wala siyang ingay na maglakad. Samantalang ako na maliit ay halos madurog ang mga tuyong dahon sa tuwing tatapakan ko.

"Ang ingay mo naman," angal niya.

Napatingin ako sa langit at huminga ng malalim upang hindi mabwisit.

'Di kalayuan sa amin ay may natanaw kaming baboy-ramo. Natingin ako kay Amanikable nang pigilan niya akong maglakad.

"Huwag kang maingay," bulong nito.

Hindi naman ako nag-iingay.

Yumuko si Amanikable at itinapat ang sibat na hawak niya sa baboy. Hindi ko alam kung bakit ang tagal niyang nakamasid sa baboy. Sa inip ko ay kumuha ako ng baton a kasing laki ng bola ng basketball at inihagis sa baboy.

Tinamaan sa ulo ang baboy. Napahiga ito kaagad.

Tumayo ng deretso si Amananikable at tumingin sa akin.

"Hinahamon mo ba ako?" tanong niya.

"Nagugutom ako. Ang tagal mong nakayuko."

Para itong napikon na ako ang naka-patay sa baboy at hindi siya. Iniwan ako at pinuntahan ang baboy na nagkakalat na ng dugo sa lupa. 

Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...