Kabanata 22- Aman Sinaya

737 94 21
                                    

Amanikable


Ano ang ginagawa ko? Hindi ito tama.

Ano ang hindi tama? Kabiyak mo si Marian—Liway.

Kahit hindi sanay mahagkan ay tumugon si Marian sa akin. Kinailangan kong lumayo dahil kung hindi... hindi kami makakaalis sa isla na ito.

"Lasang kape." Dinaan ko sa manunudyo ang lahat.

"Lasang dagat," sagot niya.

Sa ngayon, ganito muna ang pagsasama namin. May kakailanganin akong harapin bago ko mapakawalan si Malakas at hindi iyon magiging madali.

"Kailan tayo—"

"May kailangan tayong hintayin muna. Magpapakita rin 'yon."

"Niloloko mo ba ako?" biglang nainis si Marian. Dinaan ko na lamang sa tawa ang lahat.

"Hindi ko susubukan na lokohin ka."

"Marian! Marian!" Sa may bandang kubo naririnig ko ang boses ng kabiyak ni Sidapa. "Marian!"

"Gusto mong umalis?" mapaklang tanong ko.

Umirap si Marian at saka tumayo sa buhanginan. "Bakit ba? Ang aga-aga mong sumisigaw!" sigaw niya sa gawi ng kubo.

"Ay, 'and'yan ka pala. Guys, nasa beach si Marian," wika ni Jelie habang papalapit "At may kasamang... syokoy," pagtatapos niya nang makita ako. "Ang ago mo, Amanikable."

"Ano na naman ang kailangan mo?" tanong ko rito.

Hindi nagtagal ay sumunod sa kanya ang mga kaibigan niya.

"Wahhh, bakit ka may seashells, seashells by the neckline?" baling ni Jelie kay Marian.

"Bakit kayo nandito?" walang ganang tanong ni Marian at hindi sinagot ang tanong ni Jelie.

"Galit ka pa?" nakuha pang tanong ni Jelie.

"Lagay matuwa ako sa ginawa ninyo," walang ganang sagot ni Marian.

"Si Tala kasi talaga ang may kasalanan no'n," mabilis na sagot ni Jelie.

"Hindi ako naniniwala," sabat ko.

"Eh 'di don't," mabilis din na sagot ni Jelie sa akin.

"Kasal na si Marian—" wika ng asawa ng mandirigma. Nasaan ba ang mga kabiyak nito at nandirito ang mga ito?

Napasinghan sila. Lumapit ang Adarna at tiningan mabuti ang marka sa leeg may leeg ni Marian.

"OMG, nagpakasal ka tapos hindi kami invited!"

Kapal ng mukha ng kabiyak nI Sidapa na ito.

"Kaibigan ba kita para imbitahin?" walang emosyong sagot ni Marian na ikinatawa ko.

"Grabe naman, sorry na. Si Tala kasi talaga ang may kasalanan nito," ungot ni Jelie. "Pero kasal ka na nga? Kay Syok... I mean Amanikable?"

"Kanino pa ba?" tanong ko rito.

"Sabihin na ninyo ang kailangan ninyo para makaalis na kayo agad."

"Sorry Marian," wika ni Amihan. Napabuntong hininga ito. "Mali kami roon."

"Mali talaga," sabat ko.

Sa 'di kalayuan ay nakikita ko na ang isang malaking alon na palapit sa pampang. Mabilis akong tumayo. "Tumakbo kayo sa may bundok."

"Bakit?" nakapamewang na tanong ni Jelie sa akin.

"Bahala kang malunod..." tampalasan ka.

Si Marian ay hindi malulunod, mababasa nga lang at ayaw niya iyon.

Napatingin ang Adarna sa dagat at saka malakas na suminghap. "Tara, takbo!"

Nauna siyang tumakbo palayo. Sumunod sa kanya ang mga kabigan niya. "Jelie, lagusan!"

"Teka, natataranta ako," nakuha pang sumagot ni Jelie habang tumatakbo sila. "Teka lang... taym pers. Wahhh, Dodong... help!" sigaw niya.

Isang galit na galit na Aman Sinaya ang lumabas sa alon na lumukob halos sa buong isla. Basang-basa si Marian nang humupa ang alon.

"Amananikable!" sigaw ni Aman Sinaya habang papalapit sa amin.

Ah, ang diyosa ng karagatan, nagpakita na rin.

"Anong kalapastanganan ito?"

"Sino siya? At bakit may biglang alon?" naiinis na tanong ni Marian habang pinupunasan ang mukha at hinahawi ang basang buhok.

"Isa ba iyong pagbati sa aming pag-iisang dibdib?"

Nagliliyab ang mata nI Aman Sinaya nang bumaling ang tingin sa akin.

"Sa anak ni Malakas?"

"At ni Maganda, oo, tama ka. Marian si Aman Sinaya, Sinaya, ang aking kabiyak—"

"Huwag mo akong patawanin," putol ni Aman Sinaya sa sinasabi ko.

Namaywang si Marian rito. "Mukha ba kaming nagpapatawa?" tanong niya na parang si Jelie kung manuya. "Mukha ba kaming isang biro sa iyo?"

"Aman Sinaya— magandang umaga," bati ni Apolaki na lumitaw sa tabi ko.

Naramdaman ko ang presensya ng ibang diyos at diyosa. Makikialam na naman ang mga ito.

"Ano ang maganda sa umaga kung ang bubungad na balita sa aking pagbabalik ay ang pag-iisang dibdib ni Amanikable at nitong babaeng ito?"

"Mag-ex ba kayo?" narinig kong tanong ng tampalasang dalahirang asawa ni Sidapa.

"Shhhh," pagbabawal sa kanya ng mga kaibigan.

"Affected eh," katwiran pa ni Jelie.

"Hindi kami ang kalaban, Sinaya," ani ko.

"Ay talaga? Kaya ba—"

"Anak siya ni Maganda—"

"Kaya pinakasalan mo? Dahil hindi ka minahal ni Maganda kaya sa anak ka na lang, gano'n ba?"

"Affected talaga siya," sabat muli ni Jelie. "May lihim na pagtingin."

"Ano naman sa iyo?" galit na tanong ni Marian kay Sinaya. "Ako ang pinakasalan ngunit hindi umaangal, ikaw itong ang daming dada."

"Tampalasan ka, katulad ng iyong Ama."

"Pakawalan mo na si Malakas," walang ganang wika ko na ikinatahimik ng buong isla. "Kailangan nilang makausap."

"Hindi. Maging ikaw ay ikukulong ko kapag nagpumilit ka. Mula ngayon, binabawi ko na ang karagatan."

"Ay, pwede?" sabat muli ni Jelie. Sino ba ang kausap nito? Hindi ba naririndi si Sidapa sa kanya?

"Walang problema. May kukunin lang ako. Sidapa, kayo muna ang bahala kay Aman Sinaya." Hinawakan ko ang kamay ni Marian at basta na lamang pinasan.

"Kapit—"

Hindi na niya nakuhang tumili pa nang mabilis akong lumusong sa dagat kasabay ng magsigaw ni Aman Sinaya sa dalampasigan.

Sana lang ay mapigilan nila Sidapa kahit kaunti si Aman Sinaya bago ako habulin nito. 

The Book of the Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon