If I Was Gone

By love_dine

2.6K 487 101

Gabriella Series #2 Status: Completed Synopsis: Melissa Ray Manuel will do anything just to be loved by her... More

If I Was Gone
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34: Part I
Chapter 34: Part II
Chapter 35
Epilogue
Love, Dine

Chapter 16

55 9 2
By love_dine

Warning: May contain offensive language

Chapter 16

Dilim.

Dilim ang unang sumalubong sa pagmulat ng mga mata ko. Hindi ako makasigaw at hindi rin makahingi ng tulong.... kasi paano? Paano, gayong hindi ko alam kung bakit ako narito? HIndi ko alam kung anong meron, pero ang tanging may ideya lang ako ay sa telang ginamit para takpan ang mga mata ko at ang nakapasak na isa pa para sa bibig. Ramdam ko rin ang hapdi sa pulso dahil nakatali rin iyon at ang nakakabinging katahimikan.

Takot ako... takot na takot. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan pero hindi ko iyon ininda. Kahit sunod sunod ang buhos ng luha ko ay hinayaan ko lang iyon. Yumuko ako at nag-isip. Inisip ko ang posibleng motibo nila para malaman ang dapat na gawin para makaalis ng hindi nasasaktan. 

Ransom? Kailangan ba nila ng pera para mapaalis ako? Biglang sumagi sa isip ko si Papa, magbibigay ba siya pagnagkataon? O hindi? Mas madaling isipin na hindi siya magbibigay kaysa sa umasa akong igagasta niya ang mga pera niya para saakin. Baka sisihin pa ako nun kung sakali...

Kung tatakas ako ay hindi ko pa sigurado. Paano kung may mga baril sila? O ibang mga armas? Kung may mga gamit para ipanakot saakin? At paano kung hindi ko rin alam ang lugar na pinagdalhan nila saakin? Paano ako makakatakas ng hindi nasasaktan? Napaisip ako... kung iyon ang iniisip ko, ang makatakas ng walang galos ay masyadong imposible, lalo na at hindi ko pa alam ang dahilan nila kung nila nagawa ito. At... sino? 

Napasinghap ako nang makarinig ng tao. Hindi lang isa, hindi ko alam ang bilang pero nasisiguro kong higit sa dalawa o tatlo ang naririnig ko.

"Tangina mo! Kanina ka pa pumapalpak, ang bobo!" Rinig kong saad ng isa sakanila bago sundan ng halakhakan. 

Mga lalaki? Mas lalo akong nanginig sa takot dahil doon, kahit na kanina ko pa naisip na mga lalaki nga ang kumuha saakin.

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala si Ada at si Silas! Baka napahamak din sila dahil saakin. Kung sakali baka nandito rin sila!

"S-Silas?" Bulong ko. Pinakiramdaman ko pa kung may iba pang nasa gilid ko.

"A-Ada?" Nanginginig kong ani. Sunod sunod ang paghinga ko at nang mapagtantong ako lang ang maaring nakuha ay nabunutan ako ng tinik doon.

"Hoy! Magsibangon nga kayo! Gising na itong bata!" Mahigpit akong napahawak sa kamay dahil sa narinig.

Marahas na tinanggal ng lalaki ang piring ko. Napaiwas ako ng tingin dahil sa biglaang pagkasilaw sa liwanag na nagmumula sa dilaw na ilaw.

Nang makapag-adjust na ay saka ko lang pinalibot ang tingin at bumungad sa harapan ko ang apat na lalaki. Tama ako na higit pa sa dalawa ang mga ito.

"Sabihin niyo kay boss ay gising na ang bata! Ano kamo ang gagawin? Bubugbugin ba?" May ngisi nilang ani.

"Ganda pala nito boss! Kaya lang ay batang bata!" Akmang hahaplusin ako ng isang lalaki pero mabilis siyang tinampal nang tinatawag nilang boss.

"Tigilan mo! Bata lang iyan! Baka ransom lang ang habol ni boss!"

Boss? Siya ang tinutukoy na boss nila pero mukhang may iba pa silang tinutukoy na leader nila?

"Pakainin niyo muna!"

"Wala namang sinabing pakainin!" Anito.

Kaya bandang huli, kahit gutom na gutom ay hindi ako pinakain ng mga ito.

Apat lang sila. Apat na payat na lalaki.

Hindi ko alam kung anong oras na pero base sa lamig ay mukhang madaling araw palang.

Tinanggal na nila ang piring ko pero may busal pa rin sa bibig. Hindi ko rin magawang matulog dahil baka may kung anong gawin sila saakin. Sa ganitong oras naman, abala lang sila sa paglalaro ng baraha at paninigarilyo.

"Madayang kang putang ina ka! Inuubos mo ang pera ko! Ayoko na!" Sabay tawanan ng ilan.

"Hindi ka kasi marunong! Ako na nga!" Bago pinalitan ng isa pa. Ang isa naman ay padabog na tumayo dala ang sigarilyo palabas.

"Huwag nga kayong magmura! Naririnig kayo ng bata! Tangina niyo!" Bago sila nagtinginan saakin.

I looked away.

"Hoy! Matulog kana!" Saad nila saakin.

Lumipas lang ang oras at nagpatuloy sila sa paglalaro. Wala akong balak na sundin sila sa pagtulog pero dahil sa pagod ay nakatulog din ako, hindi lang din nagtagal at muling nagising dahil naman sa gutom.

Mukha naman silang mababait, dahil paggising ko ay saka nila ako binigyan ng pagkain.

"Kain ka muna!" Pasigaw pa rin nilang saad saakin. Ayos lang kung sigawan nila ako basta hindi saktan, ayos lang din kung manigarilyo sila sa harap ko kahit na nauubo na ako sa usok nito, basta lang huwag nila akong lalapastanganin. At ngayon ko lang din napagtanto... na ayos lang na ako ang nakuha, huwag lang si Ada o si Silas... dahil naging mabuti naman sila saakin.

Kumain ako nang nakatali lang ang mga paa ko at panandalian nilang tinanggal ang sa pulso ko.

"Tubig?" Tanong ng isang binatilyo na pinakabata sakanila at ang pinaka tahimik din. Hindi naninigarilyo at hindi nagsusugal. Nanonood lang ito at siya ang palaging nauutusan na magbantay at magpakain saakin.

"O-Oo sana..." He nodded and get up to get me a water and comes back to hand me one.

"Salamat..." He nodded before he turns his back on me.

Anong plano nila? Nag-umaga nalang at muling naggabi na ganoon lang ang ginagawa nila. Kung hindi naglalaro ay nagkukwentuhan lamang. Parang walang plano at mukhang naghahantay lang din ng utos sakanila. Kung wala silang alam sa motibo, paano pa ako? Hindi ba?

Tahimik lang ang binatilyo sa sulok. Mukhang malalim ang iniisip. Napabuntong hininga ako. Sa kanilang apat, kahit na walang ginagawang masama saakin ang tatlo, sa binatilyong iyon lang ako  mayroong pag-asa na matulungan sa pag-alis dito.

"Hey," Tawag ko.

"Kuya!" Sitsit ko dito. He looked at me but before he could walk towards me, tinawag na siya ng isa pang mas matanda sakaniya.

"Hoy bata!" Mukhang hindi pa alam ang pangalan ng lalaki. Muli itong bumaling saakin at hesitant pa nang magtungo sa tumatawag sakaniya kaya tumango lang ako para sundin niya na ito.

"Hoy!" Napapikit ako nang batukan ito ng lalaki.

"Gago ka! Bakit hindi mo binalik ang busal nung batang iyon?!" Kinagat ko ang pang-ibabang labi nito.

"Wala naman siyang ginagawang iba,"

"Eh paano kung mayroon?!" Napayuko ito.

"Binabantayan ko naman." Umiling ito at tinulak ang noo para mag-angat ng tingin.

"Sumasagot sagot ka pa diyan! Oh siya! Sunduin mo sa labasan si Ben!" Ang binatilyo ay muling tumingin saakin mukhang hesitant na sundin ang lalaki.

"Ako na ang magbabalik ng busal diyan!" Tumango lang ito.

Nang umalis ang lalaki para sundin ang inuutos nito ay siyang paglapit ng isa pa para ibalik ang busal ko.

"Hmp!" Napaiwas ako ng biglain niya ang pagtali sa bibig ko.

"Huwag na huwag mong susubukan na tumakas, mayayari ka sa boss namin!" I shook my head. Gusto sana magsalita pero dahil may busal na ay hindi magawang maisatinig ng maayos.

"Anong sabi mo?!"

"Hmp!" Iling ko.

"Boss 'di mo talaga maiintindihan iyan, tinapalan mo ang bibig eh." I nodded. Malakas siyang binatukan nito kaya ang lalaki ay napakamot nalang.

Tinanggal niya ang busal ko at hinayaan ang magsalita.

"Anong sabi mo?!" Inayos ko muna ang paghinga bago nagpatuloy.

"K-Kailan niyo po ako ibabalik?" Umiwas ang lalaki at nagbulungan sila.

"Bakit niyo po ako kinuha? Pera po ba ang kailangan niyo? Kakausapin ko po ang mama ko!" Pakiusap ko. Muling bumaling ang tinatawag nilang boss at tinitigan ako.

"Huwag na ang masyadong maraming tanong, ibabalik ko na ito." Akmang ibabalik na niya nang umiling ako at mas nagmakaawa.

"Maawa po kayo saakin, wala po kaming pera!"

"Ano ba! Hindi naman pera ang kailangan namin!" Marahas niyang tinabig ang kamay ko.

H-Hindi pera?

Akmang ibabalik niya ang tela sa bibig ko nang sabay sabay silang napatingin at tuwid na nagtayuan sa dumating. Mas natakot ako na isiping ang boss nila ang dumating.

"P-Pauwiin niyo na ako!" Sigaw ko sa sobrang panginginig at takot na baka dito na nila ako sasaktan.

"Kanina pa ako nag-aantay sa labasan! Itong bagong bata niyo ay palpak!" Napaangat ako ng tingin sa bubungan nang marinig ang malakas na buhos ng ulan. Hindi ito lumang warehouse, parang malaking garahe lang ng mga sasakyan, pero may pagkaluma din. Hindi ko pa alam ang itsura ng labas.

"Pasalan niyo!" Bulong ng kausap ko kanina sa katabing lalaki. Agad naman itong sumunod. Nagpapasag ako pero inipit niya lang ako kaya nahinto rin.

Nakatalikod ang pamilyar na lalaki saamin.

"Ang camera ay iayos niyo na." Saad ng pamilyar na boses. At t-teka... camera?

"Camera raw!" Ang kausap ko kanina, ang kalbo na lalaki.

"Camera? Akala ko ba hindi ransom?" Taka nitong saad. Mukhang lito rin at hindi alam ang plano.

"Tsaka bakit ngayon lang?" Ani ng isa pa.

"Sundin niyo nalang," Habang may kausap sa cellphone ang kararating na lalaki. Ang dala nitong camera ay sinet-up nila pati ang laptop.

Muling kinabit ang pagkakatakip sa mga mata ko kaya mas kinabahan ako gayong hindi ko nakikita at hindi din makapagsalita.

"Boss, ano bang sabing gagawin sa bata?"

"Ito na ba 'yon?" Napakunot ang noo ko sa pamilyar na boses na iyon.

"Oo boss, tulad ng sabi, madali na nga lang namin nakuha at kusang lumapit saamin." Sabay tawanan nila.

"Mukhang pamilyar ah?"

"Pamilyar nga boss, maganda eh, kaso mukhang sobrang bata pa." Parang nanghihinayang pa nilang ani.

"Bakit, gusto niyo ba?" Nakakaloko nitong ani. Naghalakhakan sila kaya mas lalo lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa binitawan nitong salita. Anong ibig niyang sabihin?

"Ang bilin ni boss ang ipapakita lang ang kalagayan sa tatay, para takutin." Rinig kong ani ng binatilyo.

Natahimik ang ilang lalaki.

"Sino ka nga ulit?" Nakakatakot nitong tanong.

"A-Ah! Bagong bata namin boss, pasensya kana at bata pa rin kasi ang isang ito at baguhan pa." Kabadong tinig ng kung sino.

"Pero sabagay? Tama naman siya hindi ba?" Tunog ngisi nitong sambit.

"Bawal galawin ang batang ito!" Malaki ang boses nitong ani.

"Sasabog ang buong Pilipinas kapag ginalaw niyo ito, damay pati ang pamilya niyo." Nakakaloko nitong ani na animo ay nakangisi.

Ako? Baka naman nagkakamali sila? Hingan at bigyan nga sila ng Papa ko ng pera ay napaka-imposible, ang mangyari pa kaya ang sinabi niya?

Naramdaman ko ang takot ng mga ito sa narinig.

"Kunin niyo ang balde na kulay asul. Ang natira ay sumunod saakin at sasabihin ko ang plano." Rinig kong sambit niya.

"Ang bagong bata ang pagbantayin niyo. Ayusin mo bata, babae lang 'yan." Mas naginhawaan ako nang malaman na ang binatilyo ang naiwan saakin.

Rinig ko ang papalayo nilang yabag.

"K-Kuya?" Hindi maayos na pagkakasambit ko.

"Kuya?" Ulit ko hanggang sa naramdaman ang pagkalapit niya saakin.

"Bakit?" Anito. Nakahinga ako ng maluwag nang tanggalin niya ang takip sa bibig ko pero nakapiring parin.

"S-Salamat," Nanginginig kong sambit.

"Nauuhaw ka?" I shook my head.

"Tulungan mo ako, kuya..." Pagmamakaawa ko. Rinig ko ang buntong hininga niya bago ako nagpatuloy.

"B-Baka nag-aalala na sina Mama, please... hindi ko kayo isusumbong, promise!" Tumango tango pa ako.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka naman nila sasaktan." Anito. I shook my head.

"H-Hindi, hindi! Hindi mo ata n-naiintindihan! Baka saktan nila ako!" Nanginginig ang labi kong sambit.

"Pangako, hindi ka nila sasaktan." I shook my head even more.

"Sige na po! Baka pagsamantalahan nila ako!" Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay niyang nakahawak saakin.

"B-Babae rin ang nakababata kong kapatid, hindi ko hahayaan na mangyari iyon." I shook my head. Napatigil siya nang marinig ang palalapit na yabag.

"Tanggalin mo na 'to, please!" Mas humigpit ang hawak niya bago napagpasyahang ibalik ang tela sa bibig ko. I cried silently.

Naghahalakhakan sila pagdating at naramdaman ko ang binabalak nila.

Nag-usap lang sila sandali at maya maya ay parang nagbubulungan nalang.

Akala ko ay wala na hanggang sa naramdaman ko ang pagbuhos ng malamig na tubig saakin. Nagpapasag ako nang may ibang naamoy doon.

"Hmp! N-No!" Iling ko. Naghalakhakan pa sila doon.

"N-No!" Halos nagmamakaawa kong ani. Hindi ko maipaliwanag ang amoy nito basta ang alam ko lang ay may halo.

"Sisindihan na ba namin nang sumilab?"

"M-Ma!" Hiyaw ko sa takot na baka ang kakaibang amoy na iyon ang magdulot ng pagsilab ko.

Hirap na hirap ako sa pag-iyak, hindi makahinga at napapahagulgol lang.

Muling may binuhos saakin at rinig na rinig ko ang tawanan nila na para bang katawa tawa iyon.

"Sandali!" Saad ng huling dumating kanina.

"Sinend ni boss ang mga gagawin sa bata! Ihanda ang mga ito!" Nahihirapan akong habulin ang hininga dahil sa mga naririnig. Hindi pa man din tapos ay parang dumidikit na sa isipan ko ang tawa nila, hindi pa nakakatulong na wala akong ideya sa mga ginagawa nila. Naiimagine ko lang at mas malala ang nabubuo kong imahinasyon sa isip.

"Titikman daw ba, bossing?" Biro nito.

"Kung pwede lang ay," Anito.

"Wala sa listahan ang mga sinasabi niyo." Malamig na tugon ng binatilyo.

"Ikaw naman! Kanina ka pa ah! Alam mo namang biro biro lang eh!" Iritang ani ng isa.

"Gawin niyo nalang ang mga nariyan! Huwag niyong ipaparinig para legit na legit ang boses, tapusin niyo na bago pa dumating si bossing!" Rinig kong ani.

"Hmp!" Ani ko ng tapikin ang hita ko.

"Baril?" Rinig ko.

"Boss, hindi ba aalisin ang piring?" Narinig ko ang ilang bulungan nila. Mukhang sinenyas lang ang sagot at ang sunod kong naramdaman ay ang paghablot sa buhok ko. Dinig ko ang talim ng gunting dahil pinapanakot iyon.

"Huwag na muna, iyan muna ang gawin, inaantay ko pa ang tawag ni Rolando."

"N-No!" Tinampal ng lalaki ang bibig ko. May narinig akong kumosyon at isa malakas na sapak bago pinapaalis ang isang kasamahan kasama ang isa pa.

Kuya? B-Baka 'yung lalaking tumutulong saakin iyon!

Napaluha ako sa higpit ng hawak niya sa buhok ko at nang mas diinan ay napahiyaw ako sa sakit.

"M-Mama!" Sigaw ko at muling umiwas nang gupitin nila ang dulo ng buhok ko. Hindi ako sigurado pero naramdaman ko ang paglaglagan ng buhok ko bago hinatak ang blouse na suot ko at pinunit din.

"Tama na po!" Pinasag ko ang katawan at naramdaman ko ang matulis na bagay na tinutok sa pisngi ko bago sila naghalakhakan. Napaigtad ako sa pagsabunot nila kaya dumikit ako sa patalim at ramdam ko ang likido na umagos mula doon.

Napahiyaw ako at napayuko nang muling hampasin ang binti ko.

"Tama na 'yan!" Sigaw ng boss nila.

"Iyan na muna!"

Sunod sunod ang malalim kong paghinga at hilong hilo na sa sakit.

Nawala ang mga boses at ang yabag na papalayo lang ang naririnig ko pero hindi nakatakas ang huling sinabi.

"Bukas na ulit, mukhang nakukulangan sa video eh."

"Kulang ba sa iyak, boss?"

"Huwag niyong pakainin, tubig lang."

I groaned in pain. Are they torturing me? Dahil ba pinigilan ko ang humagulgol at maiyak kaya nila uulitin bukas? Para saan?

Binaba nila ako sa pagkakaupo. Kung kanina ay nasa kahoy na upuan ako, ngayon naman ay sa sahig ako pinaupo at tinali sa poste.

Humahapdi ang hita ko at parang namamaga ito sa labis na sakit.

Muling umalis ang boss nila. At gaya ng bilin nito, hindi ako pinakain at ang pag-inom ng tubig saakin ay limitado lang.

Napadausdos ako sa semento at nahiga doon kahit na bahagyang nakaangat ang mga kamay ko.

"T-Tubig..." Hinang hina kong ani. Kung noong una ay binibigyan pa nila ako, ngayon naman ay nagtuturuan sila at sa huli ay walang magpapainom saakin.

"M-Mama ko... P-Pa..." Natatakot kong sambit.

"N-Nasaan--" Hindi ko na magawang ituloy dahil sa labis na panghihina.

Ilang araw na ba ako dito? Bakit parang walang gustong tumulong saakin?

Nakatulog ako at muling nagising nang may sumipa sa tiyan ko. Napatihaya ako at naubo sa hapdi.

Hindi ako makapagsalita, at ang hirap na hindi ko nakikita ang nangyayari dahil mas malala ang naiisip kong itsura nila habang sinasaktan nila ako.

Noong una ay hindi ganito, pero ang sabi'y may nag-utos? Sino, kung ganoon?

Hindi ko na muling narinig ang binatilyo at ang hula ko ay pinaalis ito dahil sa ginawa niyang pagpipigil.

Umalis ang boss nila kahapon at ngayon ay muling bumalik.

"Pinakain niyo ba 'to?" Hula ko ay siya ang sumipa saakin base sa lapit niya.

"Hindi boss, tulad ng bilin niyo. Nilimitahan na rin ang tubig." I almost heard his smirk.

Napaatras ako at napahikbi nang maramdaman ang paglapit niya.

Marahas niyang hinawakan ang pisngi ko. "May kamukha talaga eh." Anito.

"Dahil sa kamukha mo ang taong kinaiinisan ko at ng anak ko, mapapadali lang ang trabaho namin." Hindi ako nakadepensa nang pabalya niyang binitawan ang pisngi ko kaya bahagya akong nauntog sa semento.

Hinang hina akong napahiga sa semento at muling napaangat nang maramdaman ang init ng sigarilyo sa hitang pinalo nila nung nakaraan.

"Argh!" Kasunod ang malakas na sigaw at hagulgol.

"M-Ma!" Sigaw ko. Humalakhak ang lalaki. "Ma? Eh Mama mo nga ang may pagawa nito?" Nang-uuyam nitong sagot.

"Dahil sa katangahan ng ama mo! Ang tanga tanga ng tatay mo!" Gigil niyang sambit at muling pinagdiskitahan ang buhok ko.

Pagod na ako para i-proseso ang sinabi niya. Ganoon pa ma wen ay hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nito.

"H-Hindi totoo 'yan!" Sigaw ko. Pumalag ako hanggang sa matanggal ang nasa bibig ko.

"Hindi totoo 'yan! Bawiin mo ang sinabi mo!" I screamed.

"Pokpok ang Nanay mo diba?" Halakhak nito. Siya nalang ang naririnig ko sa background, ang mga kasama ay nagbubulungan lang.

"Kung sino-sinong lalaki ang sinasamahan, minsan ay pinagsasabay pa!"

"Bawiin mo ang sinabi mo!" Sigaw ko. Nang lumapit siya saakin ay malakas kong ginamit ang mga paa para masipa siya. Hindi ko alam kung anong nasipa ko pero base sa sigaw niya at pag-igtad ng kaniyang palad sa mukha ko ay alam ko na ang natamaan ko. Natakot ako sa para sa sarili.

"Boss!"

"Putangina mo!" Gigil niyang sambit saakin.

Napasigaw ako nang marinig ang utos niyang dospordos at ang marahas nitong palo sa kabila kong hita.

Impit akong umiyak at bumaluktot kaya ang sumunod niyang napuruhan ay ang likuran ko. I screamed in so much pain. Napaigik ako nang ulitin niya iyon. Sa sobrang gigil ay nakalimutan niyang baka mapatay ako. Inulit niya nang inulit hanggang sa katiting nalang ang paghinga ko.

"Boss!" Sigaw ng mga kasamang lalaki.

"Putangina mo ka!" Hiyaw nito at muling hinampas sa braso ko bago tuluyang pumagitna ang mga lalaki, base sa naririnig kong ingay nila.

"Huwag niyo akong pigilan!"

"Boss baka mapatay mo!"

Tuluyan akong nawalan ng malay at kahit sa pagtulog ay sunod sunod ang patak ng luha ko. I groaned in so much pain.

Wala ni isang tumulong saakin at ang pag-asa ko na tutulungan ako ng binatilyo ay nawala na.

Nanginginig ako sa hapdi ng katawan. Hindi ko na tuluyang maigalaw ang mga kamay at pagod na pagod na talaga.

Sa muling paggising ko, hilong hilo ako at ramdam ko ang init ng buong katawan na parang inaapoy ng lagnat.

Wala akong ni isang marinig mula sa mga lalaki.

"Argh!" Napaigtad ko sa sakit sa bawat galaw ko.

Gustong gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang makaalis dito... Nasaan ba sila? Sinong tutulong saakin dito?

Naalala ko si Juan Miguel... mahahanap ba nila ako dito?

Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko at kung bakit nila ito ginagawa saakin. Hindi ko sinasadyang saktan ang lalaki, gusto ko lang na tigilan niya ako sa pagiging malupit saakin. Wala ba silang anak na babae? Kailanman ay hindi ako naging malupit sa kahit sino man. Lagi akong nagpapakumbaba at madalas pang malimutan na depensahan ang sarili kaya bandang huli ay sila ang panalo.

Ilang beses na akong nasabihan ng masasakit na salita, ang intensyonal na saktan at husgahan. Pero ni kailanman ay hindi ako nagreklamo na ginagawa nila iyon saakin, kahit na ang totoo ay naging mabuti ako sa kanila.

Si P-Papa... kaya ni Papa na hanapin ako ng ilang saglit lang.... ni hindi kami umaalis sa lugar na ito, naririnig ko rin na nagpapadala ng video sakaniya at baka naman... baka naman alam niya ang lugar... pero bakit hindi niya pa ako pinupuntahan?

Si Mama... hinahanap ba ako ni Mama? Ng mga kapatid ko? Bago ako mawala ay hindi pa naging maganda ang nangyari saamin, naakusahan ako sa bagay na hindi ko ginawa.

Hindi ako nagreklamo sa nangyaring iyon... kahit si Ate Lisa ay halatang dismayado rin.

"G-Gusto ko nang umuwi..." Bulong ko na naging hikbi kalaunan.

Baka hinahanap pa ako nina Silas, ni Juan Miguel... Si Ada... Baka nag-aalala ang mga iyon, sila lang ang kaibigan ko at masaya ako na kahit papaano ay dumagdag pa si Silas at Ada.

N-Naisip ko tuloy... dito ba ako m-mamatay? at kung papatayin ba nila ako dito... iuuwi pa rin ba ako nila Mama?

Hindi nila alam ito kasi kung alam nila ito ay baka nahanap agad nila ako. Baka malayo ang lugar na ito... baka hindi nila alam ang daan o baka naharang sila...

Kung papaslangin ako sa lugar na ito, ng hindi ko alam ang dahilan, ng hindi ko alam kung ano ang nagawa ko... may makakaalam ba? may makakakilala ba saakin para maiuwi sa pamilya?

Hindi ako naniniwala sa sinabi ng lalaki. Mahal na mahal ako ni Mama, iiyak 'yon at sisisihin si Papa gayong hindi pa ako nahahanap. Si Ate Linny ay baka wala lang sakaniya ito, pero si Ate Lara... iiyak iyon panigurado... pagod akong napangiti sa iniisip. Iiyak si Ate Lara... baka nagpupumilit pa iyon na hanapin ako...

"P-Pauwiin n-niyo na po a-ako..."

Nakatulog ako nang ganoon ang iniisip. Nagising lang sa mabahong tubig na binuhos saakin. Kahit nagulat, nanghihina lang akong nagmulat ng mga mata at napapaigtad pa.

Bubugbugin ba ulit ako? Para sa video? Ilang video ba ang kailangan para dumating sina Papa? Ganoon pa man ay hinanda ko na ang sarili.

"Gisingin lang raw!" Nang hindi agad ako bumangon dahil sa panghihina ay muli silang nagbuhos kaya kahit na pagod at nanlalambot, pinilit ko ang sarili na maupo at sumandal sa poste.

"Gising na, hayaan niyo na muna. Dadating ang isa pa nating kasamahan! Umayos kayo ha!"

"Yes, boss!"

Naubo ako sa sakit.

"Ganda talaga nung bata, boss. Ang kinis pa, baka naman pagkayari?"

"Aray! Joke lang naman!"

"Baka pwede nga ano?" Ani ng tinatawag nilang boss, hindi ang boss na umaalis at bumabalik din. Naghalakhakan sila dahil doon.

Hindi ko inubos ang lakas ko sa kung anong bagay. Nang naging tahimik na ulit sila at rinig ko sa malayo ang halakhakan. Doon ako gumawa ng paraan para makatakas.

Napaigtad ako sa sakit nang pilitin kong mas lumapit sa poste. Dumikit ako doon para matanggal ang piring. Nang naging matagumpay ay napapikit pa ako nang masilaw sa liwanag mula sa bumbilya.

Kinabahan ako at napalinga linga nang may maramdamang papalapit.

"Shh.." Nanlaki ang mata ko nang makita ang binatilyo dito!

"Anon--" Umiling lang ito. Nakaramdam ako ng awa sa itsura niya. Para siyang binugbog at puro pasa ang mukha.

Hindi niya ako pinansin at naging abala lang sa pagtanggal ng tali.

"Kaya mo ba?" Tumango tango ako.

"Sasamahan kita--" I shook my head repeatedly. Kapag nahuli siya sa pagtulong saakin ay baka mas mapahamak siya.

"I-Ituro mo nalang ang daan, ayokong mahuli ka din." Iling ko.  Akmang tatanggi siya nang muli aking umiling.

"S-Sabi mo ay may k-kapatid ka..." Nagtagal ang titig niya saakin at pansin ko ang bakas ng pagod doon.

"H-Hahanapin ka nun..." He sighed before nodding his head. Pagod akong ngumit.

"Umalis ka na rin 'pag n-nakatakas ako..." He nodded.

Mabilis niyang pinaliwanag ang daan palabas. Sa likod siya dumaan at doon din ako dadaan. Sabay kaming lalabas mula sa sinasabi niya para makita siya ng mga kasamahan na papunta palang dahil iikot siya para sa harapan dumaan at hindi maghinala ang mga kasamahan kapag napagtantong wala na ako.

Inakbayan niya ako dahil paika-ika ako. Sinabi niya rin kung saan maaring magtago kapag napagod ako. Laking pasasalamat ko dahil kaya pala siya nawala ng dalawang araw ay dahil napagalitan siya at ngayon lang pinabalik pero inabala pala ang sarili sa pag-aaral ng lugar na ito.

"D-Dito na ako! Dito na lang, bumalik ka na doon." Nag-aalala kong tinig. Baka kasi mahuli talaga siya dahil saakin at mabugbog ulit.

"Sigurado ka?" Tanong niya. Sunod sunod akong tumango.

"Oo! S-Sige na!" Sabay bahagyang tulak ko sakaniya.

Noong una ay hesitant siya, pero kalaunan nang mapansin ang frustration ko ay napabuntong hininga at tumango kaya mabilis akong humiwalay at tinalikuran na siya agad.

I didn't look back anymore. I continued walking faster like I was trying to save my remaining chance to live. I hold onto this opportunity like this is the last time I could ever use to go home.

I hid myself when I got tired. Hindi pa ko lubusang nakakalayo sa garahe. I looked around the place. Matataas ang damo at ang akala kong garahe na pinaglagyan saakin, ay para pala siyang lumang barn house at isa itong malawak na abandonadong farm.

Tinanggal ko ang buong blouse ko. Naka black sando ako sa loob kaya ayos lang. Ginamit ko ang sira sirang tela pantapal sa sugatan kong hita. Likod, hita, at braso ang pinakamasakit saakin. Hindi pa nakasabay na pagod rin ako.

"Punyeta!" Napaigik ako nang may bumato sa likuran ko. Napatingin ako sa lumang sapatos na pinangbato saakin. Hindi pa man nakakatakbo ng tuluyan ay nahablot na ako nito.

Nakayuko ako habang sabu-sabunot niya ang buhok ko sa bandang batok.

"Tatakas ka?! Sinong nagpatakas sa'yo?!"

"Lintek na 'yan! Kung hindi pala ako bumalik ngayon ay matatakasan ang mga siraulo!" Pabalya niya akong tinulak sa pinto at nabuksan iyon. Diretso ang lagapak ko sa sahig na kinagulat ng mga lalaki.

Natatabunan ng malagkit kong buhok ang buong mukha ko. Iyak ako ng iyak habang gumagapang palayo.

"Dapat sa mga tulad mo ay pinaparusahan!" Nagsialisan ang mga lalaki at pagbalik ay may dalang mga camera.

"Ayusin niyonang trabaho niyo! Pagkayari nito ay tayo ang magtutuos!" Ani niya habang tinatanggal ang sinturon.

"H-Huwag po!" Iling ko. Nang unti unti niya ipalibot sa kamao ang sinturon.

"Sige! Mag makaawa ka! Ano nalang ang mangyayari kapag dumating si Rolando ha?! At walang madatnang bata dito?! Edi kami ang mabubugbog!" Sabay malakas niyang hampas saakin. Napaigik ako at nahinto sa paglayo.

So this is how they do it?

I cried in so much pain when he started hitting me using his belt. Nakadapa na ako at gigil na gigil siya sa kung ano man ang ginawa ko.

"Tama na!" Ang lalaki. Ang isa pang lalaki ay mabilis siyang hinatak palabas.

"Boss!" Tawag nila.

Hilong hilo na ako ay nang bumaba ang tingin sa hita at binti ay nakita kong puro dugo na ito.

"May tao sa labas, boss!" Hindi pa rin siya matigil. Sinilip niya lang ito kaya nagkaroon ako ng tsansa na bumaluktot at itago ang mga binti.

"Si Rolando lang 'yan! Puntahan niyo!" Bago muling tinuon ang pansin saakin.

"Sobra na ata, boss. Puro dugo na ang binti niya." Gigil lang na umiling ang lalaki. Lumapit siya saakin at inapakan ang hita ko bago ginamit ang sinturon para hampasin ang tiyan ko.

"Siraulo ka, muntik mo pa kaming ipahamak!" Hindi ko ito magawang silipin at takot na takot lang ako kaya tinatago ang mukha ko dahil noong nakaraan ay nanggigil siya dahil may kamukha raw ako.

"Tumingin ka saakin!" Marahas niyang utos. Sunod sunod ang malalim kong paghinga, hinahabol dahil nahihirapan.

"Hindi ka titingin?! Kumuha kayo ng tubig at ibuhos dito!" Gigil niyang saad. Sa sobrang panghihina, kahit gusto kong sundin ang utos niya para hindi na ako pagmalupitan ay hindi ko naman ito magawa ng maayos.

"Sinabing tumingin ka!" Bago niya marahas na hinarap ang mukha ko. Pikit mata lang ako at tuloy tuloy ang buhos ng luha. Nanghihinang imulat ang mga mata sa pagod.

"R-Ray?" Rinig kong wika niya. Malakas akong napaubo nang may marahas na bumuhos ng tubig saakin. Tuluyan akong napaupo at hindi ko na nakayanan at tuluyan nang sumuka. Pagod kong minulat ang mga mata, sinuntok suntok ang dibdib dahil naninikip. Puro dugo na rin ang nasuka ko.

"A-Anong ginagawa mo dito?" I opened my eyes... and from here... I saw Joyce's father.

"Bakit si Ray ito!" Kabado niyang saad.

"Mga putangina niyo! Bakit anak ni Mayor 'to?!"

Anong ibig sabihin nito... Na mali? Mali ang nakuha nila? Hindi dapat ako ang nagkakaganito ngayon?

I slowly curled up my body, I hug it and cried harder. Iyak ako ng iyak at rinig na rinig iyon sa buong barn. I cried really really hard na para akong mamatay sa sakit nang pinaggagawa nila saakin.

Tahimik lang silang nandoon. Hindi malaman ang gagawin at hinahayaan akong umatungal.

"Bakit si Ray ito?!" Sigaw niya sa mga kasamahan at nagawa pang suntukin ang isa.

"Anong nangyayari dito?" Ani ng kararating na lalaki kasama ang binatilyo dahil agad itong dumalo saakin.

Ramdam ko ang panginginig niya at ang bulong na hindi ko makuha.

"I-Iuwi niyo nalang ako..." Nanginginig kong ani.

"P-Parang a-awa niyo na... s-sige na po..." Tahimik lang sila.

"Sino ito?" I looked at the person that just came.

"Kuya?" I asked. It was Ate Rose's boyfriend!

"Ray?" Lito niyang saad. I cried harder when he looked so shock. Pinalibot niya ang tingin sa buong katawan ko na puno na ng pasa, galos at dugo.

"What the..." Umiling iling ako. Bumitaw ako sa lalaki at nanghihinang gumapang patungo sakaniya. Lumuhod ako at kinaskas ang dalawang palad habang hilom na sa luha, nagmamakaawa.

"I-Iuwi niyo n-nalang po ako, p-please... h-hinahanap na a-ako saamin..." Napaigtad ako sa gulat nang may humiyaw na lalaki.

Pagsilip ko ay nakita kong pinagsasapak ni Rolando sina Kuya Ben at ibang mga kasamahan nito.

"Anong ginawa niyo sa bata?!" Galit na galit nitong sigaw. Gumapang ako papunta sa gilid at niyakap ang sarili doon.

Pinanood ko kung paano niya kinuha ang belt at pinalibot iyon sa kamao niya at pinaghahampas sa mga lalaki.

"Putangina! Walang sinabing ganito ang gagawin! Sinong may utos nito sainyo ha?!" Galit na galit niyang sigaw.

Napasulyap ako nang lumapit ang binatilyo na may dalang tubig. Tinakpan niya ang pinapanood ko.

"Uuwi ka," I nodded repeatedly.

"P-Pauwiin niyo na a-ako." He nodded. Tinanong ko siya kung ilang araw na ako dito at sabi niya ay apat na araw na.

Apat na araw? Maiksi pa ba ang panahon na iyon para hanapin ako?

"Ray ang pangalan mo," Hindi ko siya sinagot kaya tumango siya.

Bugbog sarado ang mga lalaki kasama ang tatay ni Joyce.

"Dito ka muna--" Umiling ako.

"U-Uwi na ako..." Parang bata kong saad. Nagtagal ang titig ni Rolando bago tumango.

"Kumain ka muna," Muli akong umiling kaya napabuntong hininga nalang siya. Umiwas ako ng tingin dahil baka magalit siya.

Nawalan ako ng malay sa taas ng lagnat. Pero naramdaman ko ang pagpiring nila saakin para hindi ko makita ang daan na tinatahak nila.

Nagkakagulo sila pero tahimik lang ako. Baka kasi mamaya ay magalit sila saakin kapag may sinabi pa ako.

Hinayaan ko ang ginagawa nila. Kahit ang pagbalot nila saakin ng itim na garbage bag ay tahimik ko lang na iniyak... sa isip isip ko ay hinahanap ko na ang mama ko.

Hilong hilo ako nang magsigawan sila.

"Anong gagawin niyo?!" Sigaw ni Kuya.

Nagpanic ako nang buhatin nila ako. Binuksan ang pinto habang umaandar at hinagis palabas na parang hayop. Walang awa kahit alam nilang nagkamali sila saakin. Walang pag-aalinlangan na binugbog ako para ipakita sa tatay ng taong dapat na binubugbog nila, hindi ako at kailanman ay hindi ko alam kung sino dapat.

Para akong patay na hayop na basta nalang nila tinapon sa kung saan. Parang hindi nila naisip na isa rin silang mga magulang... na kung hindi nakikita ang anak ng ilang araw... ay labis labis ang takot at pangamba na kung baka napaano na... Para silang hindi ama, o walang anak o kapatid na babae kung bugbugin ako... ng walang kasalanan, o na hindi alam kung bakit nila ito nagawa saakin...

Anak ako ng Mama at Papa ko... hindi ba nila iyon naisip? Na ama sila ng kanilang mga anak, o anak ng kanilang ina o ama... na mag-aalala at  mangangamba...

Mali? mapapatawad ko pa ang sarili ko nang gabing nagkamali ako ng sasakyan? ng gabing nagkamali sila nang nahatak papasok at ako ang nadampot?

Hindi ko sila kayang patawarin gayong pinagkatuwaan nila akong saktan... wala akong nilapastangan na kung sino... kaya bakit ako? bakit ako ang ginanito...

Humampas ang ulo ko sa semento, habang nakasaplot sa itim na lalagyan ng basura at iyon... iyon ang huli kong naalala hanggang sa naglaho ang mga ito.

Kung hindi ko kayang mapatawad ang sarili ko... bakit ako magpapatawad ng iba?

-----

#parakayjaira

Click the link in my profile and find me here: https://heylink.me/dinedc/

Love, Dine

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 256 66
𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐈𝐍𝐒𝐓𝐀𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐁𝐄𝐇𝐈𝐍𝐃 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 Jade Cailystier Morghan. The woman who cares and values everyone around her. A wom...
179K 4.6K 64
𝗦𝗵𝗲'𝘀 𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘁𝗼 𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗲𝗿 𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲 𝗜𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝗯𝗲 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗯𝘂𝘁 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘄...
2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
75.1K 4.1K 47
"Kailan ka ba mapapagod sa kahahabol saakin?" "Kailan ka ba mapapagod sa katataboy saakin?" hyungwon x jennie ff. | 090216-091616 | graphics by: @ht...