Into The Night || KyCine story

Autorstwa rvante_

5.6K 193 47

An au in a corporate world where Kyle is the heir of the country's biggest tech company, and Francine took th... Więcej

Intro / Prologue
Characters
Chapter 1 - edited
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Note 1
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Note 2
Chapter 13
Note 3
Chapter 14
Special Part (Valentines Chapter)
Final chapter
Note, please read
My Angel Baby up now! :)

Chapter 9

233 11 6
Autorstwa rvante_

Weekend (balik sa 3rd person pov)

Nasa byahe na ang lahat papunta sa Subic gamit ang van ni Andrea. They chose to use her van kase daw ito ang pinakamalaki, at may cool features pa.

"Gusto nyo ba mag-stop over saglit?" Tanong ni Seth. "I need to use the cr."

"Alam mo, mag stop over na lang kesa pigilan mo yang ihi mo." Sagot naman ni Andrea.

Nasa last row ng van sina Francine, and Maymay. Sinama nya ito which is okay naman din sa tatlo. They insisted na magsama ng kakilala if hindi pa sya ganun ka-comfy na silang tatlo lang ang kasama.

Thankful naman si Francine sa ganung mindset ng magkakaibigan. Tiwala naman sya sa tatlo, pero at the same time, ayaw nyang iwanan ang matagal na nyang kaibigan just because she met new ones.

Bumaba ang lahat sa stop over para mag-cr, and bumili na din ng makakain along the way.

After some long drive, they finally arrived sa Subic rest house ng pamilya Fedelin. They decided to stay here, kesa mag-hotel since mukha na din naman itong hotel.

Hapon na, so they decided to stay in na lang muna. May pool, and jacuzzi naman din sa backyard kung gusto nila magtampisaw.

A/N: kunyari na lang eto yung rest house nila Seth. Para lang may visual ganon. Pero sa Boracay talaga kase ito haha. Anyway!

"Same room assignments naman tayo." Sabi ni Seth habang pababa silang lahat sa van. "Francine, Maymay, pina-ready ko ang guest room para sa inyo."

Sa bahay na ito, may own rooms din assigned for Kyle, and Andrea. Hindi nila alam how it started, basta ganun ang laging set up sa kanya kanyang bahay or rest house. Laging may room para sa isa't isa, hindi sa guest room.

~

Francine's POV

Pumasok kami sa room na itnuro ni Seth. Namangha naman ako dahil malaki ito, at ang ganda. Napaka-linis din. Halatang pinaayos nya dahil papunta kami dito.

"Ang ganda!" Maymay exclaimed bago tuluyang pumasok sa kwarto.

Lumapit ako sa isang kama, at ibinaba doon ang mga bag ko.

"Ang yaman talaga ng magkakaibigan na yun no." Dagdag pa ni Maymay.

"Sshh!" Saway ko. "Baka marinig ka nila, kung ano pa masabi saten."

Agree naman ako kay Maymay. Mayaman nga talaga ang mga taong kasama namin ngayon. Pero at the same time, napaka-down to earth nila, and never ko sila nakitaan ng masamang ugali.

"Mag ayos na tayo ng gamit, tas baba na tayo." Sabi ko kay Maymay na tinguan naman nya.

Nasa guest room kami, across ng room namin is yung kay Andrea. Nasa other side naman ng bahay ang room nila Seth, at Kyle.

Patapos na kami ni Maymay ng biglang may kumatok sa door.

"Francine? Maymay?" Tawag ni Andrea habang kumakatok.

Binuksan naman ni Maymay ang pinto.

"Ready na kayo?" Tanong ni Andrea, at tumango naman kami ni Maymay.

Bumaba kami at nagpunta sa backyard ng bahay kung saan nakita namin si Seth at ang ilang kasambahay na inaayos ang isang malaking barbecue grill.

"Here are the meats!" Napalingon kami kay Kyle na may dalang tray of meats.

Nilapag nya ito sa lamesa na nasa tabi ng ihawan. It looks like we're having barbecue night.

"Kelangan nyo ba ng tulong?" Tanong ko.

"Hindi na." Sagot ni Seth. "Kaya na namin dito."

"Don't worry, kami na nila Francine kukuha ng mga utensils." Sabi ni Andrea. "Tara?" Tingin nya samin ni Maymay.

Pumunta kami sa kusina para kumuha ng mga plato, at silverwares. Dahan dahan namin itong dinala sa backyard, at sinet up sa long wooden table. Nag iihaw naman na sina Kyle, at Seth. Kita ko na nag-eenjoy silang dalawa sa ginagawa.

"Favorite talaga nila ang barbecue night." Sabi ni Andrea habang nakatingin sa mga kaibigan nya. "Nag-aagawan pa yang kung sino ang magluluto."

Napansin kong nakangiti si Andrea habang tinitignan ang mga kaibigan nya. Para bang bihira lang sila maging ganito kasaya. Then napansin ko na unti unting nawawala ang ngiti nya, at napalitan ng lungkot ang mga mata nya.

"Ayos ka lang ba, Andrea?" Tanong ko.

Napatingin sya sakin, at ibinalik ang ngiti. "Oo naman."

Ano ba ang kwento ng mga lungkot sa mata nilang magkakaibigan?

"Tara, kuha na tayo ng drinks sa loob. Malapit na yan sila matapos." Aya ni Andrea.

Pumasok kami ulit sa loob at kumuha ng mga inumin. Nagdala din ng ilang bote ng alak si Andrea.

~

back to 3rd person pov

Natapos na mag-ihaw ng pagkain sina Seth, and Kyle. Agad naman nila tong inihain sa lamesa. Naglabas na din ng rice ang kasambahay.

"Grabe, namiss ko to." Sabi ni Seth bago umupo sa pwesto nya.

"Hmm, mukhang masarap!" Sabi ni Maymay nang maamoy ang bagong ihaw na pagkain.

Nagsimula na kumain, at magkwentuhan ang lahat. This is new to Kyle, Seth, and Andrea. Having new people eat with them dahil laging silang tatlo lang ang magkakasama.

After dinner, kinuha ni Seth ang soundbar sa loob, and he connected his phone. He started playing party music.

"Let's party!" Sigaw neto sabay sayaw sa music.

The others cheered naman, they started to have fun, and drink some. Seth, Andrea, and Maymay are getting crazy, partying wild. Dancing, and. singing along so loud sa music ni Seth. It's been a while nung last na makita ni Seth na mabaliw ang dalawang kaibigan.

Then Kyle noticed Francine standing by the pool side. Kinakabahan man, nilapitan nya ito para kausapin.

"Ang lamig ng simoy ng hangin, no?" Lingon ni Francine kay Kyle the moment he stopped beside her.

Agad din ibinalik ni Francine ang tingin sa dagat.

"Yes." Kyle agreed. "That's why we love it in here."

Silence took over between them. The only noise that you will hear ay ang mga kasama nilang nababaliw sa likod nila.

"We always go here pag nararamadaman na namin ang pagod. Pag nasasakal na kami sa mga buhay namin." Sabi ni Kyle.

"Papanong nasasakal?" Confused na tanong ni Francine.

Napabuntong hininga naman si Kyle. Will she understand? Naisip nito.

"Alam mo, Francine, money, and wealth is not everything." Kyle started. "Ako, si Seth, and si Andrea, people may think na we have everything. Pero we don't."

Tahimik lang na nakikinig si Francine. Gusto nya maramdaman ni Kyle na handa syang makinig sa kahit ano.

"Kaya ba laging malungkot ang mga mata nyo?" Francine asked.

"Is that obvious for the three of us?" Tanong ni Kyle na tinanguan ni Francine bilang sagot.

"Oo." Mahinang sagot ni Francine. "Sa mga times na nakakasama ko kayo, konti pa lang yung times na nakita kong masaya talaga ang mga mata nyo."

"We all have our sad sides, Francine." Sabi ni Kyle. "Ako, I may have everything pero I don't feel the love of a family."

Nagulat naman si Francine sa sinabi ni Kyle. Dahil nakikita nya na close naman si Kyle sa Daddy, at Kuya nya.

"All I ever wanted was my parents' approval, na maging proud sila saken. Just like kung gano sila ka-proud kay Kuya Paulo." Patuloy ni Kyle. "Na sana dumating ang panahon na ako naman ang makita nila, na sana makita naman nila ako."

Francine's heart broke for Kyle. Hindi nya inakala na may ganito syang sitwasyon. Sino bang mag-aakala na ang boss nya ay naghahanap ng pagmamahal na dapat naman ay nakukuha nito ng kusa.

"Don't get me wrong, I love Kuya Paulo so much. Pero minsan, nakakasakal, nakakapagod na makumpara sakanya palagi." Kyle continued.

Francine placed a hand on Kyle's shoulder. Napatingin si Kyle dito, then kay Francine na binigyan sya ng matamis na ngiti.

"Alam kong hindi approval ko ang gusto mo, pero I want you to know na you are doing so great, Kyle. You have been working so hard, deserve mo lahat ng praises." Matamis na sabi ni Francine. "Proud ako sa mga achievements mo, at sigurado ako na ganun din sina Seth, Andrea, at ang pamilya mo."

"Thanks, Francine." Ngiti ni Kyle. "That meant a lot to me."

After smiling at each other for a few seconds, sabay silang tumingin ulit sa night sky. Kung asan ang mga bituin na nagbibigay liwanag sa mundo.

-----

Medyo maikli hehe. Please send in some votes, and comments.

Sorry medyo mabagal ang takbo naten. But, Chapter 10, dun na magsisimula ang challenges para sa lahat.

See ya!

Rej x

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

39K 901 21
This is a LoiNie FanFic story. This is a book 2 connected with the first story I made and it is a sequel. You must read the book 1 for you to underst...
10.9K 135 16
Bloom was left heartbroken by Sky cheating on her with Diaspro. So Bloom decided to take a break from Alfea and decided to stay in Amber Beach and wo...
4M 254K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
3.5K 226 10
The ups and downs of school, family, and growing up test the affection between a budding artist and her handsome but indifferent classmate and neighb...