Oblivion Series 1: All Lies (...

By AteSamuha21

89.3K 1.6K 11

PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE GENRE: Romance Mikael S. Brilliantes is an engineer. Her life is fu... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2✓
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
FINALE AUTHOR'S NOTE
OBLIVION SERIES 2: ALL FAKE
AUTHOR'S NOTE
PRE-ORDER BOOK

CHAPTER 3

1.8K 40 0
By AteSamuha21

Chapter 3: Meet again

NASA Mall of Asia ako sa mga oras na ito para mamili ng mga stocks ko sa condo, naubusan na kasi ako. Medyo maingay sa loob na buhat ng mga customers na nag-uusap-usap.

May makikita kang magpamilya, magkaibigan at mag-nobyo't nobya. Bakas ng kasiyahan ang mga mukha nila.

Sa hindi kalayuan ng mall ay napatitig ako sa malaking poster ni Morry Tsumaga. Nakaka-insecure siya na lahat ng gusto niyang suotin ay nagagawa niya.

Never akong nagsuot ng damit pambabae at heels. Puro office attire lang ako. Kaisa-isa ko lang yatang sinusuot ay ang panty. Ironic right? Tapos bra? Hindi naman ako nagsusuot no'n dahil may ginagamit akong chest cover.

"Do you like my girlfriend?" I heard a baritone voice from behind.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumingon ako sa pamilyar na boses na 'yon.

Crimson Del Labiba. Nakasuot lang siya ng black v-neck shirt at puting pants. Naka-black leather shoes din siya.

Hindi siya mukhang CEO ngayon, mukha siyang outsider. Nagsalubong ang kilay ko bigla.

Bakit naman siya nakangiti? Tapos maaliwalas ang bakas ng guwapo niyang mukha. Napahawak ako sa dibdib ko nang nararamdaman ko pa rin ang bilis ng tibok nito.

"I repeat, do you like my girlfriend?" he asked again at humakbang siya palapit sa akin pero wala na 'yong ngiti niya.

"Ano naman?" malamig na saad ko at tumaas ang sulok ng labi niya.

"So, gusto mo nga ang girlfriend ko?" tanong niya ulit sa akin.

I rolled my eyes at humakbang na habang tulak-tulak ko ang push cart.

"What a gay, babae lang ang gumagawa no'n. Bagay sa 'yo ang maging babae, Mikael," komento niya na ikinahinto ko.

Bakit ang lakas ng impact sa akin nang sambitin niya ang pangalan ko?

At bakit kinakausap niya ako? Feeling close lang? At bakit naman niya sinasabi 'yon? Nahahalata ba niyang iba ang kilos ko? Pero na-master ko na ang lahat ng mga kilos ng isang lalaki. Bakit ba iyon ang napapansin niya?

"Ang lambot mo para sa isang lalaki," saad na naman niya at tinulungan ako sa cart ko. What the...

"Ako na," mariin ang boses na wika ko. Ngumiti lang siya sa akin at hindi ako pinansin.

"Let me, engineer. I'm trying to be a gentleman sa kapwa ko lalaki, okay?" aniya at kumindat pa sa akin.

"Del Labiba," I uttered his surname.
"You can call me, Crimson or Crim," he said.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa kakulitan niya at naunang tinungo ang counter.

Iilan lang ang nakapila kaya mabilis din kaming nakapag-bayad ng pinamili ko. Balak pa yata niyang bayaran ang bills ko kung hindi ko lang siya naunahan na maglabas ng cards ko at inabot sa cashier.

Tinulungan pa akong magbitbit ng mga binili ko bagay na ikinakunot ng noo ko.

"What do you want, Del Labiba?" I asked him when we reached the parking lot.

"Nothing," nakangiting sabi niya. Napako ang mata ko sa labi niya.

"What's with the smile?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Interesado lang akong makilala ka, Mikael. We can be friends, right?" wika niya at hinawakan ang palad ko para mag-shake hands na mabilis na inagaw ko rin ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Hindi ako nakikipag-kaibigan sa kung sinu-sino lang. Lalo na sa mga lalaking katulad mo," sabi ko at malamig pa sa yelo ang boses ko.

Humalakhak siya at nag-init ang pisngi ko sa naisip. Bakit ang sexy ng tawa niya?! My God.

"Para ka talagang babae kung umasta. I like you, Engineer Mikael," he said and my heart skipped a beats.

CRIMSON DEL LABIBA's POV

TAHIMIK na sinundan ko lang nang tingin ang papalayong kotse ni Mikael.

Nakita ko lang siya rito sa Mall of Asia at ewan ko ba kung bakit ko siya nilapitan bigla. Iritado ko pang sinundan ang tinitingnan niya, then I saw my girlfriend's poster. Hindi ko gusto ang idea na may gusto siya sa girlfriend ko.

May gusto nga ba siya? At totoo ang sinabi ko na interesado akong makilala siya. Interesado ako sa buhay niya. Interesado akong maging kaibigan niya.

Para nga akong bakla na ang laki ng attraction ko sa kanya. Ang weird sa pakiramdam basta gusto kong mapalapit sa kanya.

"Engineer Mikael S. Brilliantes, makukuha ko rin ang loob mo," nakangiting sabi ko.

***

"What? Gusto mong kunin natin sa trabaho si Engineer Mikael, kuya? What's your plan? Bakit gusto mo sa ibang engineer?" salubong ang kilay na tanong ng kakambal ko nang sabihin ko sa kanya na magpapatayo kami ng bagong project at gusto kong maka-trabaho namin si Mikael.

"Ang firm nila ay isa sa kasosyo natin, Crim. Come on, bro. I want Mikael for this project," seryosong saad ko at napasinghap pa siya.

"You are crazy, Kuya. Bakla ka ba at may gusto ka sa Engineer na 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya. I pinched the bridge of my nose.

"N-No," tensyunadong sagot ko.

"Dad, Mom! Ang panganay po niyo ay bakla! May crush po yata sa engineer na 'yon!" It's too late para pigilan si Drim dahil nakatakbo na siya.

"Damn you, Drim! It's not like that!" sigaw ko at pumunta sa dining room.
Nandoon ang parents namin at naka-awang ang mga labi nila dahil siguro sa gulat na sinabi ni Drim.

"Mom, Dad, it's not like that. It's not what you think, g-gusto ko lang talagang maka-trabaho si Mikael. Iyon lang naman, eh," depensa ko. Nagkatinginan pa ang parents ko at tumaas ang sulok ng labi ng nanay ko.

"Bakit tila defensive ang sagot mo, son?" my Mom asked.

"It's okay, son. Kung gusto mo ang kapwa lalaki mo ay hindi ka namin pinipigilan," saad naman ni Dad.

"Kung saan ka masaya ay masaya na rin kami for you, baby," Mom added.

My jaw dropped. "Hindi po kasi ganoon!" sigaw ko.

Natawa lang sila, lalo na si Drim kaya sinamaan ko nang tingin.

"Bakla pala ang kakambal ko. Me too, bro. I don't mind being you a gay. Basta mawala na sa buhay mo ang gold digger mong girlfriend. Doon ka na sa engineer mo."

"What the hell?! Hindi kasi ganoon 'yon, Drim!" sigaw ko dahil sa nararamdaman kong frustration.

Gusto ko lang naman maka-trabaho si Mikael at iba ang iniisip nila! Seriously? I'm not gay for God's sake! May girlfriend na nga ako, eh. Pero bakit ba kasi interesado ako sa baba--lalaking iyon?

There is something with that engineer at gusto kong malaman kung ano ba 'yon. Pero 'tangina talaga nitong kakambal ko, eh. At iyon pa ang naisip niya!

Nanghihinang napaupo ako at pinatong ko ang braso ko sa mesa saka ako nangalumbaba. Naghahanda si mom ng dinner namin at tinutulungan siya ngayon ni Dad..

Retired na si Daddy sa trabaho niya kasi iyon ang gusto ko. Gusto kong i-enjoy na lang nila ni mom ang buhay nila at kami na ang bahala ni Drim sa kompanya namin. Pero paminsan-minsan ay kinakailangan din ni dad na pumunta sa kompanya.

"Sino ba ang masuwerte na engineer na 'yan, son? Ipakilala mo sa amin," tanong ng ama ko sa akin at napakamot ako sa batok ko. Ano ba naman 'yan.

Sila pa naman ang tipo ng parents na kay kulit. Kahit ilang beses mong magpaliwanag na hindi ganoon, na hindi 'yon ang ibig sabihin pero pinipilit pa rin nila 'yong pinagsasabi ng kakambal ko. Nakakainis talaga.

"Dad naman..." usal ko at tumawa na naman ang kakambal ko.

"Drey, hayaan mo na nga ang baby natin. Baka mawala na nang tuluyan ang kulay niya at maging red na, oh," natatawang saad ni mom.

"Mom!"

"Don't cry, baby. Suportado mo kami ng dad mo. Basta ipakilala mo sa amin 'yang engineer na 'yan. Kung bakit ba nahulog bigla ang loob mo ro'n," she added.

"Nahulog kaagad? Mom, interesado lang akong makilala si Mikael," parang batang saad ko at napangiti siya.

Lumapit sa akin si mommy at hinaplos ang pisngi ko. "Mukhang close na kayo ng engineer na 'yon at sa first name basis mo na siya tinatawag. As what your dad have said, hindi ka namin pipigilan sa nais mo. As long as masaya ka at hindi ka sasaktan ng boyfriend mo," nakangiting sabi ni mommy at nagusot ang matangos kong ilong.

"B-Boyfriend?!" hindi makapaniwalang bigkas ko. Ano ako babae?!

"Croi, I didn't know na may anak pala tayong babae," Da commented.

Naihilamos ko na lamang ang palad ko sa mukha ko. Wala na akong magagawa pa. Iyon na 'yon. Ang kulit nila. Pagod na ako magpaliwanag pa.

"How about you, Drim? Seryoso ka na ba kay Carlin? Paano naman si Fauzia?" untag na tanong naman ni Dad kay Drim and it's his turn na naman.

Umayos ako nang pagkakaupo at may mapaglarong ngiti sa labi. God knows na iyon ang iniiwasan niyang paksang pag-uusapan namin.

Nagsalubong ang kilay niya. "Mom, I love Carlin. Wala na po akong pakialam sa babaeng tinutukoy niyo," sabi niya.

"Kahit ang pagbanggit ng pangalan ay hindi mo magawa. Hay naku, baby. Mas gusto ko ang Fauzia na 'yon kaysa kay Carlin," Mom said.

"Ano po ba ang mayroon kay Fauzia na wala kay Carlin? Kaya gustung-gusto po ninyo ang isa?" tila inosenteng tanong niya sa parents namin.

Huling nilapag ni dad ang niluto nilang adobo ni Mom at tumabi siya nang upo sa kakambal ko. Katabi ko namang nakaupo ang Mommy ko.

"Ikaw ang mas nakakaalam no'n, son. Higit pa sa amin," makahulugang sabi ni Mommy.

"Doon na lang kayo kay Shin and Art, ang tagal na ninyong magkakaibigan pero ni hindi namin nakilala ang dalawang babae sa buhay niyo," kunot-noong saad ni Mom.

"Mom, may pamilya na po 'yon," sagot ko sa mahinang boses.

"Saka Mom, parang kapatid na po ang turing namin sa kanila," dagdag naman ni Drim sa sinabi ko.

"Oh, okay. Pero roon ka na lang sa engineer mo, Crim. Ikaw naman Drim, bahala ka kung si C ang pakakasalan mo at iwan mo na lang si F," wika naman ni Mom.

Kung mag-usap-usap kami ay parang magkakaibigan kaming apat. Well, ganito ang pamilya namin. Masuwerte kami ng kakambal ko at sila ang naging parents namin.

Croi Laksamana-Del Labiba, she's a former actress. Sikat na sikat si mommy noong kabataan pa nila ni Daddy. My mom is beautiful, kakaiba ang ganda niya, sabi ni Dad kaya nahulog kaagad ang loob niya rito. Isa pa na mabait si Mom at naiiba sa mga actress.

Drey Del Labiba, former president ng kompanya namin. Ilang taon din namang pinatakbo ito ni Dad. Since ipinamana sa kanya ng lolo namin ang kompanya. May sariling company naman noon na naipatayo ng ama ko.

He's a great business tycoon. I could say that, kaya sana makuha ko rin ang galing ni dad sa nagpapatakbo ng negosyo namin.

Continue Reading

You'll Also Like

300K 5K 44
[NOT YET EDITED] Stella Kaysyee Gonzales-Vasco grew up longing for her father, who died before she was born. She always looks for a father figure-a f...
165K 3K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
52K 1.3K 45
She is an American citizen but she is not aware of which country she is from. Because she didn't remember anything, it caused the private jet to cras...
30.8K 681 19
Heaven Angel Calle, she dreamed of having a pilot boyfriend. She meets Syrn Antonio Lavern, who is a very intelligent pilot. She became her boyfriend...