A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️

By heradevils

1.7M 55K 54.1K

~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGH... More

INTRODUCTION
CHARACTERS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
F I N A L
EPILOGUE

CHAPTER 14

55K 1.8K 1.7K
By heradevils


Kinaumagahan ay maaga akong gumising para sana maghandang pumasok sa eskwelahan kaso naalala ko biyernes pala ngayon, wala akong morning class kaya nag-linis nalang ako sa buong dorm.

Nagtutupi ako sa mga damit ko nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Maureen. Mabilis ko yung binasa para alamin.

Madam boss 💕
Abi?

Me:
ma'am?

Madam boss 💕
are you busy?

Me:
hindi naman po,
mamayang hapon pa klase ko.

Madam boss 💕
Can you come over? I'm not feeling well :(
Day off kasi ng mga Maids ngayon, i'm alone.

Napatayo ako bigla.

Me:
I'll be there. Saglit lang po, magbibihis lang ako.

Hindi ko na hinintay ang reply ni Maureen dahil mabilis kong tinungo ang banyo para maligo.

Di nagtagal ay nakabihis na ako at nagmamadaling umalis ng dorm. Buti nalang at di masyadong ma-traffic yung daan kaya madali ko lang narating ang bahay niya. Agad akong pinagbuksan ng gate ni manong Guard pagkakita nito sa akin.

Me:
Ma'am, nandito na 'ko.

Madam boss 💕
May spare key nakatago dyan sa ilalim ng flower pot,
kunin mo para mabuksan mo yung pinto.

Nakita ko din naman agad yung flowerpot na tinutukoy niya kaya kinuha ko mula doon ang susi at saka ito ginamit para mabuksan ang main door ng kanyang bahay.

Pagpasok ko, umakyat agad ako sa hagdan at tinungo ang kwarto niya. I knocked on her room twice before I heard her answering 'come in'

Pinihit ko ang sendura ng pinto at dahan-dahang yung itinulak pabukas. I immediately saw Maureen laying down on her huge bed. Naka-balot ang buong katawan niya sa puting kumot habang napapalibotan ng mga unan, I got worried. Nilapitan ko siya at umupo sa gilid niya. Sinalat ko ang noo niya para alamin ang kanyang temperatura at naramdaman kong medyo mainit siya.

"Ma'am, uminom ka na ba ng gamot?" nagaalalang tanong ko.

Maureen opened her eyes and slightly shook her head. "Not yet, hindi pa kasi ako kumakain. Day off kasi ng mga trabahante dito sa bahay at masyadong mabigat yung ulo ko para magluto sa kusina, that's why i called you."

Napatingin ako sa orasan, lagpas alas nueve na. "Anong gusto mong iluluto ko?"

"Anything." sagot niya lang.

"Sopas gusto mo? Mas maganda yun para ma-relieve agad yung lagnat mo."

Maureen just nodded before closing her eyes again.

Tumayo na ako at bumaba papuntang kusina. Buti nalang at kumpleto ang mga rekados sa ref at pantry kaya di ako masyadong nahihirapang magluto.

I was in the middle of cooking when someone barged into the house. Dumadagundong ang pamilyar na boses nito sa sala.

"Maui?" it was boss Vaughn. Narinig ko ang papalapit nitong yabag sa kusina. "Maui where are you, why didn't--" natigilan ito nang makita ako. "Gail." she looked surprised.

"Boss." sagot ko.

"You're here." nakangiting lumapit ito sa kinaroroonan ko. "You work with Maui now?"

Nahihiya akong tumango. "Oo, assistant niya."

"Nice, kailan pa?"

"Kagabi pa lang."

"Good for you. Where is she by the way? Kanina ko pa siya tinatawagan sa phone niya kaso ayaw naman niyang sagotin. Ipapakita ko lang sana 'tong business proposal na inihain sakin nung isang kliyente ko last week." anito saka inilapag ang bitbit na folder sa mesa. "I also went to her office at RIBC but she wasn't there, that's why I decided my luck here. Nandito ba siya?"

"Nasa taas si Ma'am, nilalagnat."

"Aww, no wonder." tinignan nito ang niluluto ko. "What are you making?"

"Sopas po para sa kanya. Di pa kasi yun kumakain e."

A playful smile formed on Vaughn's lips. "Akala ko ba Assistant yung trabaho mo sa kanya? bakit parang naging personal care taker ata?"

"Assistant naman talaga, timing kasi nag-day off yung mga kasambahay dito sa bahay kaya tinawagan niya ako."

"Aww okay." mahina itong natawa. "Ano palang pinang-gagawa ng bagong amo mo kahapon at nagkaroon 'yon ng lagnat?"

Ibinaba ko muna ang hawak kong sandok bago ito sinagot. "She was crying really hard last night."

Biglang natigilan si Vaughn na para bang may na-alala. "Oh shit, I forgot it's Ellie's--" she paused for a while.

"Birthday." dugtong ko.

"Alam mo?" nagulat ito.

"Oo, kwenento ni ma'am sakin kagabi."

Ilang beses kumurap-kurap si Vaughn. "Konti lang kaming nakakaalam sa totoong nangyari kay Maui noon....it seems like she's comfortable with you dahil sinabi niya talaga sayo."

"Parang ganun na nga." nakangiting sagot ko.

Umupo si Vaughn sa stool saka itinukod ang dalawang siko sa kitchen island. "Well today is her daughter's birthday. 6 years old na sana ngayon si Ellie kung hindi lang siya maagang nawala."

My smile faded, nakaramdam ako ng lungkot. "Sayang."

Vaughn heaved a sigh. "I witnessed it all, Gail. And it was really heartbreaking. Bago pa man naging kami noon ni Maui, we started as good friends. Kami yung unang naging close simula nung lumipat siya sa university na pinasokan ko. Nung mga panahong yun medyo girly pa ako ha, at laging ako yung third wheel sa kanilang dalawa ni Noah."

Hearing that guy's name is already pissing me off.

"I was also there for her when that bastard choose to be irresponsible. I helped her raised Ellie hanggang sa ayon....kinuha yung bata ng diyos. Until now Maui is still suffering from that pain. Sino bang inang gustong mawalan ng anak? Kahit naman ako nalulungkot din kasi naging close din sa akin yung bata."

My heart saddened. Di nako nag-komento dahil mas nalulungkot lang ako para kay Maureen.

Muli ko nalang ipinagpatuloy ang pagluluto ko at nagsandok para ipa-tikim yun kay Vaughn.

"Boss, tikman mo nga. Chef ka naman e, tingin mo magusustohan 'to ni Ma'am?"

Lumapit ito sa akin saka kinuha ang sandok. Tinikman nito yun at ninamnam. "Lagyan mo ng konting asin."

Agad ko namang sinunod ang sinabi nito, binudboran ko ng konting asin yung sopas saka yun hinalo-halo bago ulit nag-sandok at muling ipinatikim kay boss Vaughn.

"Okay na ba?" hopeful kong tanong.

"Infairness, may talent ka palang magluto." anito after matikman ang sopas.

"Masarap?"

Vaughn nodded. "It's yummy. Pwede ka nang mag-asawa." she joked.

"Asawa ka dyan, wala nga akong jowa e."

Natawa ito. "Saan na pala yung mga babaeng naka-anohan mo dati tuwing magkasama tayo sa mga businesstrips?"

"Wala yun, di ko type yung mga 'yon."

Ngumisi ito ng nakakaloko. "Sino ba type mo?"

Type ko?

Hot ✔️
Mature ✔️
Beautiful ✔️
Intelligent ✔️
Sophisticated ✔️
Older women who are 6 to 9 older than me. ✔️
aka Maureen Ricci 😋

Ngunit agad ko ring ipiniling ang ulo ko.

As if naman may chance ako sa isang 'yon. Asa ka bata!

"Anyways, Gail. May kilala ka bang mga graduating HRM students sa school nyo?" pag chechange topic nito.

"Bakit po?" tanong ko.

"V's Palace Cebu branch will be opening soon, naghahanap ako ng mga bagong staff para duon. Baka may kilala kang magaling mag-luto, just tell them to submit a CV on our website."

Si Yen agad ang naalala ko. "Meron akong kilala boss, masarap magluto yun. Pang world class yung talent niya sa culinary."

"Talaga, sino ba?"

Kinuha ko yung phone ko saka sinearch ang pangalan ni Yen sa facebook, agad ko yung ipinakita rito. "Ayan siya, Yvonne Chua."

Inakbayan ako ni boss Vaughn saka tinignan ang profile ni Yen. Her eyes grew wide. Inagaw nito sakin ang cellphone ko saka zinoom ang larawan ng kaibigan ko. "What the hell, this is her!"

Nagsalubong pareho ang kilay ko. "Ha?"

Vaughn pointed the photo. "Eto yung babaeng binuhosan ako ng red wine nung isang araw! Kaibigan mo yan!?"

Nagulat ako sa sinabi nito. "Binuhosan ka niya?"

"Yes, in my own restaurant." Nagtagis ang bagang nito. "Saan ba nakatira 'tong babaeng 'to ha?"

"Uhm nasa iisang dormitory building lang kami." sagot ko.

Ibinalik ni boss Vaughn sakin ang phone ko habang lukot ang mukha. "Send me her phone number later. I'll deal with little miss goldilocks after my meeting."

Kinain ako ng kuryusidad. "Sige po, isesend ko mamaya."

Muli ako nitong inakbayan. "Don't tell her that I got her number from you okay?"

Nagtataka man ay tumango naman ako. "I won't."

"Ahem." isang malakas na tikhim ang umagaw sa atensyon namin. Pag-lingon ko, it was Maureen. Mabilis kong inalis ang braso ni Vaughn sa balikat ko.

"H-hi ma'am." kinakabahang bati ko sa kanya.

"Maui," masaya siyang sinalubong ni Vaughn. "I've been calling you since morning, ba't di mo ko sinagot?"

"So?" Maureen gave her a deadful glare. "Paki-alam mo ba kung ayaw kong sagotin?"

Vaughn scratched her head. "Remember the business proposal I told you the other day?"

"O tapos?"

"Dala ko na yung copy."

"O tapos?"

"Iiwan ko siya sayo para mabasa mo."

"O tapos?" she was now crossing her arms.

Umiling si Vaughn sabay ngiwi. "Wala na."

Maureen averted her eyes on me. Wala siyang sinabi bagkos matalim niya lang akong tinignan.

"Uhm sopas po?" sabi ko.

"Kainin nyo yang dalawa. Tutal mukhang pareho naman kayong nag-enjoy dito e." padabog nitong binuksan ang ref saka kumuha ng juice, umalis ito ng kusina at pagalit na bumalik sa taas.

Vaughn chuckled humorously. "Out na ako 'don, Gail, ha. Ikaw na bahala."

"Teka, boss. Galit ba si ma'am sa akin?"

"Aba malay ko sa inyo." patay malisya lang na sagot nito saka nagmamadaling umalis ng bahay.

Kamot-ulong kinuha ko nalang yung ceramic bowl saka naglagay ng sopas. Gumawa din ako ng cheesy ham sandwhich at nag-slice ng mansanas. Inilagay ko ang mga ito sa tray saka yun dahan-dahang binitbit paakyat sa kwarto ni babe--este ni Maureen.

Hindi naka-lock yung pinto kaya madali lang akong napasok sa loob. Nakita ko si Maureen pasandal na nakaupo sa ibabaw ng kama habang nanonood ng classic movie sa Netflix.

"Ma'am, kumain ka na."

"I'm not hungry." malamig niyang sagot.

"Sige na po kumain ka na, kailangan mo pang uminom ng gamot diba." inilapag ko ang tray sa gilid ng kama saka sinalat ang nuo niya. "Mainit ka pa o."

"Ilagay mo lang yan dyan, kakainin ko yan mamaya." ganon parin ang dating ng boses niya.

"You should eat now, ma'am, habang mainit pa. Nag effort akong pumunta dito para lang iluto 'to sayo."

Maureen sighed and tap the bed. "Come here, nangungunsensya ka pa dyan."

Malawak ang naging ngiti ko. Tumabi ako sa kanya bibit yung tray. "Kain ka na."

Maureen grabbed a spoon and began to eat, inuna niya yung sopas, and I can say that she's enjoying it.

"Masarap ba?" tanong ko.

"Honestly, yeah."

I feel proud of myself. "Ubosin mo yan, pati 'tong sandwich at mansanas para mabusog ka."

She glance at me. "Wala ka bang pasok?"

"Mamayang hapon pa. Yung dalawang subjects mo na pinalitan ni Sir Dexter yung klase namin."

Tumigil siya sa pagkain. "Actually you don't have to join his class anymore. Secure na yung mga grades mo sa kanya."

"Ha??? paano ho?"

"Basta, Abi. Secure na yung grades mo. Huwag ka nang magtanong."

I got confused for a minute. "Teka hindi ko gets, ma'am. Paano ho yung secure e di pa nga ako nakapag final exams kasi hindi ko pa nabayaran yung mga fees ko?"

"Tapos na, bayad ka na lahat."

Natigilan ako at napakunot-noo. "Ha?"

May inabot na mga resibo sa gilid ng nightstand si Maureen saka yun ibinigay sa akin. Isa-isa ko yung tinignan at binasa habang nanlaki ang mga mata.

"S-seryuso ba 'to?" namamanghang tanong ko.

Maureen just nodded while enjoying her creamy sopas. I'm speechless.

"Zero balance....it means....wala nakong dapat bayaran sa semester na 'to?"

"Pricesly." sagot niya.

"Ikaw ba nag bayad?"

"Of course, sino pa ba? Unless may ibang tao kang inaasahan." tumalim bigla ang tingin niya. "Meron ba? Sino?"

"Wala. Self support lang naman ako e. Pero.....seryuso ka po? Ba't mo binayaran?"

"Stop asking questions, Abi. Ang importante wala ka ng dapat problemahin. Yung perang inipon mo para sa mga fees mo, just save it or better yet, mag-open account ka sa bangko."

Gusto ko sanang tumili dahil sa sobrang saya pero pinigilan ko yung sarili ko. Gagamitin ko nalang ang perang na-ipon ko para makabili ng bagong cellphone. Panahon narin para bumili ako, need din kasi yun sa pag-aaral ko.

Bibili ako mamaya.

"Maraming salamat, ma'am ha. Huwag ka pong mag-alala, promise babawi ako sa mga ipapagawa mo sa akin. Kahit gaano kadaming paperworks yan, hanggat kaya ko, gagawin ko. Pangako."

Ngumiti lang sakin si Maureen habang patuloy parin sa paglantak sa ginagawa kong sopas. I was enjoying watching her as she finished her meal with satisfaction. Agad kong inabot ang tubig at gamot sakanya na agad naman niyang ininom. After that lumabas nako ng kwarto niya para hugasan ang mga plato. Pagbalik ko, tulog na siya.

Inayos ko ng mabuti ang kumot sa ibabaw ng katawan niya saka nilagyan ng unan ang magkabilang gilid niya.

When I felt that she's already comfortable, pumuwesto ako sa pinaka-dulo ng kama at nanuod ng tv. Ngunit di pako umabot ng dalawang minuto sa pwesto ko ay tinawag niya ako.

"Abi?"

"Hmm?"

"Huwag ka munang umuwi ha?"

"I won't, I'll stay here hanggang sa okay ka na."

"Come here." she pointed the space beside her. "Dito ka lang."

Lumipat din naman ako doon at paupong tumabi sa gilid niya.

As Maureen went back to sleep, I gently caressed her hair using my fingertips. Patagilid siyang natulog. Masuyo kong hinaplos-haplos ang buhok niya hanggang sa umabot yun sa kanyang mukha.

Bigla siyang gumalaw at tumihayang humiga dahilan para makita ko yung cleavage niyang konting-konti nalang ay kita na yung kabuoan. Bigla akong napalunok at nag-iwas ng tingin. Sinubokan kong hilahin yung kumot para takpan ang dibdib niya kaso naipit niya.

Nag focused nalang ako sa pinanuod kong palabas sa netflix para mabaling dito ang atensyon ko, kaso kahit anong gawin ko ay sadyang traydor 'tong mga mata ko.

Nakaka-distract din naman talaga kasi yung cleavage niya e! Tapos hindi pa siya nag bra sa lagay na yan.

Muli na namang gumalaw si Maureen, but this time tumagilid na siya ng patalikod sa akin. Medyo nakahinga ako ng maluwag.

But just when I thought the temptation was over, my eyes roamed around her curvy back down to her edible looking butt. Umaandar na naman yung kaharotan ko.

Ano ba! Lahat nalang yata ng parte ng katawan ng babaeng 'to ay perpekto. She's so damn sexy. Her body is just too perfect to handle. Ang sarap anohin......

Behave, Abigayle! Bayot ka!

Hinila ko yung kumot saka tinakpan ang katawan niya.

Ang lamig-lamig ng kwarto pero pinag-pawisan ako, pisteng yawa talaga. Demonyo!

Palala na 'tong naramdaman ko. Kapag nagpatuloy pa 'to, ewan ko nalang kung saan 'to hahantong.


•••••••🌈••••••

Continue Reading

You'll Also Like

687K 24.2K 42
Athena De Vera, a very famous Celebrity has decided to enroll to a Graduate School Program in order to fulfill what she wants in life. She met her Pr...
24.6K 1.8K 24
People who has the nature to save usually the one who needed to be saved. Would you agree? Or no? Then let's find out with this story.
970K 40.7K 48
Allyson Gotham, a bitch in the campus. Kilalang-kilala na patay na patay sya kay Axle Cooper, ang kilalang playboy sa kanilang campus. Mas lalong umi...
1.4M 61.7K 57
Freyja Akane Mitsuki. The SC President. The almost perfect. Hinahangaan ng maraming estudyante dahil sa taglay nyang ganda. She have a body to die f...