Secret Series #3 Beautiful Sc...

By Momoxxien

12.1K 956 116

"Leave it or have it. Just keep it." More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
EPILOGUE

CHAPTER 14

136 27 2
By Momoxxien

Pagkalabas ko, si Rain na agad ang aking nakita. Nakasandal siya sa kaniyang kotse at nakangiti habang nakatingin sa akin. Ganunpaman, ngumiti rin ako at agad na lumakad. At kailanman, hindi nagbago ang kaniyang kaguwapuhan. Sa halip, mas lalo pa itong tumindi.


Hinalikan ko siya sa pisngi pagkalapit ko.


"How's your day, Hon?" tanong niya.


"Okay naman, how about you?"


"I just need to apologize about yesterday," sumeryoso ang kaniyang mukha. "Hindi ko nasagot ang mga tawag mo. Masyado akong busy."


Hinawakan ko ang braso niya, "It's okay. And besides, naiintindihan kita."


Seryoso siyang nakatingin sa akin pero agad din naman niya ako pinagbuksan ng pinto. At sa sandali pa ay umalis na rin kami.


Since he was my boyfriend, sumasang-ayon ako sa kaniya kung saan man niya ako dadalhin. And even before when we we're on our school days, I trusted him more than a lot.


But like before, muli niya akong dinala sa mismong Unit niya. At sa pagpasok ko, kakaibang ambiance ang sumalubong sa akin. Nakaramdam ako ng takot at pag-aalala para sa aming dalawa.


At hawak ang aking kamay, dinala niya ako sa dining area. Napangiti ako ng makita ang mesa. The dinner was a kind of date.


"Do you like it?" tanong niya. Tumingin naman ako sa kaniya.


"I like it." The feeling of mine was mixing up.


He offered me a sit at saka rin ako umupo. Nakakailang si Rain. At kahit na sabihin pa na boyfriend ko siya, nahihiya pa rin ako sa kaniya.


"At dahil matagal din tayong hindi nagkasama, sulitin natin ang gabing ito, ng tayo lang ang magkasama." He poured a wine into our glasses at nag-toast kami.


"Na-missed ko ang ganitong ganap, Rain," sagot ko.


He sipped a little at tumingin sa akin, "Sobra kitang na-missed, at alam mo iyan."


Tahimik kaming kumain. At sa paglipas ng Oras, kasama ko naman siyang nakaupo sa sofa habang nakamasid sa mga isda na nasa kaniyang aquarium.


"Sobrang ganda nila," sabi ko ng may pagmamangha.


"Kasingganda mo sila," tugon niya at ngumiti naman ako.


"Matagal mo na ba silang kasama?"


"Sobrang tagal ko na silang inaalagaan," lumingon siya sa akin. "Gusto mo bang malaman kung kailan?"


Hindi ako sumagot. Hinawakan naman niya ang aking isang kamay, at dama ko ang init sa kaniyang palad.


"It was a month after you left me." Para akong nanlumo sa aking narinig. Muli akong kinain ng konsensiya ko.


"Sa totoo lang, ayokong mag-alaga ng mga isda," he added. "Pero sa tingin ko, okay magkaroon ng pet na kagaya nila." Ngumiti siya, pero alam kong deep inside, nasasaktan din siya.


"Hindi nila ako magawang kausapin, pero alam kong naririnig at naiintindihan nila ako the way I talked to them. At sila ang mas nasasabihan ko ng mga problema kumpara sa mokong S.G."


Sumandal ako sa kaniyang balikat. Ang lungkot na aking nadarama ang bumabagabag sa akin araw-araw. At sana patawarin ako ng Diyos sa aking mga nagawang kasalanan.


He slowly round his arms around me. "At ngayong nandito ka na ulit, ikaw na ang magiging kakampi ko."


Inangat ko ang aking ulo. Isang maamong mukha ni Rain La Costa ang nakabaling sa akin.


"May tiwala ka ba sa akin?" Gusto ko rin masiguro kung kaya niya nga ba akong pagkatiwalaan.


"Malaki ang tiwala ko sa'yo, Ash," hinalikan niya ako sa noo. "At sana pagkatiwalaan mo rin ako."


"Mahal kita, Rain. Sobrang mahal kita."


"At salamat sa paghihintay mo sa akin." Ang mga lungkot na namuo sa aking mga mata ay tuluyan ng bumaba. Hindi ko na kinaya ang malaking pagbabago na nangyari sa kaniya at sa buhay niya.








***
"SH*T," usal ni Sky na agad na bumaba ng sasakyan at dali-daling tinungo ang harap nito. He saw someone, a lady who's picking her things up.



"Hey, are you okay?" Hindi siya sigurado kung napaano ito.



"Pasensya ka na, hindi kita napansin," sagot ng dalaga at mabilis na tumayo. "Nagmamadali kasi ako."


Pinulot na rin niya ang iba pang mga gamit nito. Mga libro, notebook at mga naka-stapled na reviewer ang dala ng dalaga.


"English University?" tanong ni Sky habang inaabot ang iilan pang gamit. Sumeryoso ang mukha ng babae at tumango habang tinanggap ang mga iyon. He saw her face, realizing how beautiful she was.



"Galing ka pala sa E.U." Pasimple itong ngumit.



"Pasensya ka na, Tyler Mendez," bumaling siya sa kotse ng binata, "naabala pa kita."



"Hindi kita napansin," sagot ng binata, "nagmamadali rin kasi ako."



"Pareho tayong nagmamadali."



"Sigurado ka bang okay ka lang?" panigurado niya ng may halong pag-aalala.



"Tumango ang dalaga, "Yeah, I'm fine."



"Uuwi ka na ba?" tanong niya.



"Tapos na ang klase ko at hindi pa ako uuwi," tugon nito at lumingon sa lumang gusali na hindi kalayuan sa kanila.



Checking his watch, "Gusto mo bang samahan na kita?"



Nagulat ang babae at hindi makapagsalita, pero agad naman itong ngumiti. "A-ano kasi, p-private appointment ko."



Nilingon ng binata ang lumang gusali. Something went wrong, and he seemed she's a kind of weirdo.



"If that so, then take your time," sabi niya at nagsimulang maglakad pabalik sa kaniyang sasakyan.



"Have a good day, Mr. Mendez," pagkasabi nito ay muli itong ngumiti saka umalis.



Nakatayo pa ang binata sa labas ng kotse nang palihim siyang nakatingin sa kaniya habang ito'y papalayo. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa marating nito ang second floor at pumasok sa isang silid.



Pasimple siyang naglakad at tinungo ang gusali. Walang bantay at walang katao-tao ang lugar. Mabilis niyang narating ang ikalawang palapag. He simply turned every door's knob pero hindi naka-lock ang mga ito maliban na lamang sa huling silid.



He held the knob and slowly turned it. Naka-locked ito at agad din naman niya naintindihan. Inilapit niya ang kaniyang tainga sa pinto para makiramdam. He heard three voices. One was her, and the two were men.



"Magaling kang sumayaw," sabi ng isang lalaki, "I really like you."



She was giggling na tila ba tuwang-tuwa sa kaniyang nagawa.



"Mas gusto ko pa rin iyong nakaupo ka sa akin, Sie," dagdag ng isa pa.



"Damn," tugon ni Sky sa mahinang boses. At hindi nagtagal ay bumaba na rin siya pabalik sa kaniyang sasakyan at mabilis itong pinatakbo palayo.







**
A S H Y

Magdamag ko siyang kasama, at ito ang best feeling at all. And unlike before, mas ramdam ko ang katatagan namin sa kasalukuyan.


Hawak niya aking kamay habang kami ay palabas sa kaniyang condo. Pareho kaming masaya na tila ba hindi dumaan sa matinding pagkabigo sa buhay.


Idinaan niya ako sa shop at tumuloy na rin siya sa kaniyang trabaho. Pagkapasok ko, tahimik na paligid ang bumungad sa akin. Tinungo ko ang opisina at tuloy lamang sa pag-upo sa swivel chair. Sinapol ko ang aking noo. At sa dami pa naman ng aking iisipin, hindi ako makapag-isip ng maayos.


I opened my table's drawer at muling kinuha ang envelope. Seeing my son's name, nagsimula akong maghinala. At sa sandali pa lamang ay pumasok ang isa naming staff.


"Miss," lumapit siya sa akin at bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala. I gave her a nod para umupo. Ngunit, nanatili lamang ito sa kaniyang kinatatayuan at saka bumuntong ng hininga.


"May problema ba?" Agad siyang umiwas ng tingin sa akin.


"Hindi pumasok si Sylvia," may kaba sa boses nito.


Tumango ako, "Hindi siya nagpaalam sa akin."


"Miss, patay na po 'yung Lola niya." Nakaramdam ako ng takot at nginig sa aking narinig.


"Anong sabi mo?"


"Hindi niya po ba ito sinabi sa'yo?" Umiling ako habang nakatingin sa kaniya.


"Ikaw ang matalik niyang kaibigan," sabi ko. "At malamang sa'yo siya may tiwala."


"Wala ba siyang sinasabi sa'yo, Miss?" I stood as we've met our eyes.


"She told me about her grandmother's illness, at iyon lang 'yon. Nothing more."


"Miss, may sasabihin ako sa'yo," dagdag niya. "Maniniwala ka ba sa akin? Kaya mo ba akong paniwalaan?"


"Ano ba ang tungkol sa sasabihin mo?"


"Si Sylvia kasi . . ." Biglang naputol ang sana'y kaniyang sasabihin ng may biglang pumasok.



"Miss," tawag sa akin, bumaling naman ako rito.



"May naghahanap sa inyo."



Tumango ako, "Susunod ako." Agad din naman lumabas ang babae saka ako huminga ng mariin.



"Mahalaga ba ang sasabihin mo, Gwen?"



"Tungkol kay Sylvia."



"Mag-usap tayo mamaya," sabi ko at nagsimulang maglakad. Agad naman siyang humarang sa aking daraanan. May kung anong bumabagabag sa kaniyang isipan. She's weird and lil bit nervous.



"Gwen." Muli naman siyang tumingin sa akin.



"Huwag mo siyang pagkatiwalaan," sagot niya. "Don't stay close to her."



"Mag-usap tayo mamaya," saad ko saka tuluyan ng lumabas. Tinungo ko ang entrance kung saan nakapuwesto ang guwardiya.



"Sino ang naghahanap sa akin?" Tumingin siya sa labas at naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Lumabas naman ako. At sa hindi kalayuan, natatanaw ko ang lalaking nakasuot ng black bonnet, nakasuot din ito ng silky black jacket and dark sunglasses. I began to lean on when he saw me.



As he removed his glasses, ngumiti siya.



"Good day, Ms. Fortalejo." Pansin ko na may nginunguya siyang gum.



"Do I know you?" tanong ko, then he smirked.



"Hindi mo ba ako kilala?" Habang nakatitig sa kaniya, iniisip ko kung sino siya. At nang maalala ko, umiwas ako ng tingin sa kaniya saka yumuko.


"Anong kailangan mo?"


"Pinapauwi ka na ni boss," sabi niya. "Kailangan mo ng umuwi. Nag-aalala siya sa'yo."


I began to sigh, "Hindi ako pwedeng umuwi."


"Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong umuwi. Dahil iyon ang utos niya." Hindi na lamang ako sumagot.


"Susunduin kita rito mamaya. And Ash, huwag mo siyang galitin."


Para akong nilamon ng lupa sa tindi ng aking kaba, takot at pag-aalala. Parati akong walang choice sa buhay. Lagi akong nasa pagitan ng dalawang mahihirap na sitwasyon. Tumalikod ako at agad na bumalik sa loob ng shop.


Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Pero ganunpaman, hindi ko pinahalata sa aking mga katrabaho ang tungkol sa kung ano man ako on the other side.


"Miss." Muling pumasok ang isang staff sa opisina at lumapit sa akin.


"Are you okay?"


Tumango ako, "Yes, I'm fine." Nginitian ko siya na para bang walang nangyari sa akin.


"Anyway, how's your assignment?"


"Okay naman, wala ako naging problema."


"Good." Pumagitna ang sandaling katahimikan sa aming dalawa.


"About Sylvia." Pagkarinig ko sa pangalang iyon, tumigil ako na para bang tumigil din ang pag-ikot ng mundo. My eyes slowly went on her.


"About Sylvia?" pag-uulit ko.


"May iba siyang katauhan."


"Do you know her?"


"How about you, Miss. Hindi mo ba siya kilala?"


"Sylvia Montecillo- one of my trusted staff," huminto ako sandali at napaisip. "And your trusted friend."


"Hindi iyon ang ibig kong sabihin."


I raised my brows, "Then, what?"


"Sa tingin ko nga hindi mo siya kilala," pagkasabi niya ay tumayo siya at nagsimulang maglakad.



"Gwen?" Muli siyang humarap sa akin. I smiled.



"Thank you."



Tumango siya at ngumiti saka umalis. My mouth began to utter her name.




Sylvia Montecillo.

Continue Reading

You'll Also Like

278K 5.2K 29
Duke & Izza
171K 4K 49
To be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, st...
656K 17.3K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...
259K 8.8K 24
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...