A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️

By heradevils

1.7M 55K 54.1K

~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGH... More

INTRODUCTION
CHARACTERS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
F I N A L
EPILOGUE

CHAPTER 13

49.2K 1.8K 1K
By heradevils

Gail

Paulit-ulit kong tinignan ang card na hawak ko para alamin kung nasa tamang home address ako. Nang makompermang ito nga yung bahay nila Maureen, di nako nag-hesitate na mag-doorbell.

"Sino sila?" tanong sakin ng isang guard paglabas nito sa gate.

"Abigayle po, bagong assistant ni Ma'am Maureen." pakilala ko sabay pakita sa school id ko.

"Ah ikaw pala yung tinutukoy ni madam sa amin kanina, sige pasok ka." niluwagan ng guard yung gate. Agad akong pumasok saka tinungo ang main door ng bahay. Timing pagdating ko, bumukas yung pinto at iniluwa doon ang kasambahay.

"Magandang hapon po. Ako po yung bagong assistant ni ma'am Maureen."

"Abigayle Ortiz?"

"Opo." sagot ko.

"Tuloy ka." niluwagan ng maid ang pinto, agad din akong pumasok sa loob. "Nasa taas si Madam. Umupo ka muna tatawagin ko lang siya."

Tinangohan ko ang kasambahay saka magaang nginingitian. Pumuwesto ako sa mahabang sofa at buong hangang pinalibotan ng tingin ang buong living room. Grabe, napaka elegante ng interior tapos ang laki pa, para syang five star hotel.

Maya-maya pa'y dumako ang mata ko sa isang shelves sa gilid. Puro yun Award trophies at Plaque of Recognition. Tumayo ako para tignan ang mga ito.

NEWS ANCHOR OF THE YEAR
MAUREEN RICCI

JOURNALIST OF THE YEAR
MAUREEN RICCI

OUTSTANDING BROADCASTER OF THE YEAR
MAUREEN RICCI

I'm amazed. More than 30 yung mga awards niya. Damn, halos lahat na yata ng category meron sa journalism ay hinakot niya na. How I wished to be like her someday.

Inabot ko yung gold na Plaque saka yun hinawakan. Nakaka-inspire naman si Ma'am, na-motivate tuloy akong ayusin ang pag-aaral ko. Sana ilang taon mula ngayon magkakaroon din ako ng sarili kong Award tulad niya.

Anchorwoman of the Year, Abigayle Ortiz.

Naks, feelingera!

Ibinalik ko ang Plaque sa puwesto nito saka tinignan naman ang ilang picture frame na naka-display. Puro yun litrato ni Maureen.

Hays, ang ganda talaga.

Isa-isa ko yung tinignan hanggang sa maagaw ng atensyon ko ang isang picture frame sa gilid kung saan may hawak siyang batang babae.

My forehead creased as I stared at the photo. Kinuha ko yun saka pinagtitigan.

Maureen looked so young here, tantya ko nasa early twenties palang siya dito. Pero sino 'tong batang kasama niya? Bakit parang familiar? I feel like I already saw the kid somewhere pero di ko lang matukoy kung saan. Hula ko nasa 2 or 3 years old lang ito.

Hmmm baka pamangkin niya. Anang isip ko.

Isang tikhim mula sa aking likuran ang nag-paingtad sakin dahilan para muntik ko nang mabitawan ang picture frame, mabilis ko yung ibinalik sa lagayan at hinarap ang taong tumikhim. It was none other than Maureen.

"Good afternoon, ma'am." bati ko sa kanya.

"You're early, 5:20 pa lang ng hapon. 6pm yung duty mo sakin diba."

"Sorry, na-excite lang po kasi ako." nahihiyang sagot ko.

Maureen walked towards my direction. Tumigil siya sa tabi ko. "I see you checking out my awards."

"Oo, ang galing mo po. Nakaka-inspired."

Matamis na ngumiti si Maureen saka kinuha ang isang Silver-Gray na Plaque. "This was my first award as a news journalist. I was only 21 when I got this."

Napanganga ako at di maiwasang mamangha.

The fact that she was at my age when she first received her award. I swear I could never. Successful na siya sa edad na 21 samantalang ako, ewan ko na lang.

Ibinalik ni Maureen ang hawak na Plaque sa lagayan saka humarap sakin. "Shall we go to my office now?"

Mabilis akong tumango bilang sagot.

Nauna na siyang naglakad paakyat sa hagdan habang ako naman ay nakasunod. Nang marating na namin yung opisina niya, isa-isa niyang inexplain sakin ang magiging trabaho ko.

"This will be your working place. You have your own desk and computer set. Hindi naman masyadong mabigat ang magiging trabaho mo kasi mostly paperworks lang lahat. Kung ano yung naging trabaho mo noon kay Vaughn, yun din ang magiging trabaho mo sa akin."

"Noted po, ma'am."

Itinuro ni Maureen ang ilang papeles sa gilid ng mesa. "You can start now by assorting these documents and encode them. Medyo marami-rami 'to kasi ito yung trabahong iniwan ng secretary ko bago nag resign."

"Okay ma'am. Walang problema."

"And in case you need anything, just knock on my bedroom." she pointed the door that connects to her room. "Huwag kang mahiya okay?"

"Sige po." sagot ko.

"And by the way, kapag tumawag sayo si Vaughn, please do ignore her."

"Uhm." medyo nagtaka ako. "Bakit naman po?"

"Basta, ayukong ma-distract ka kung sakaling may isusuyo siya sayo. Huwag mo siyang pansinin. Can you promise me that, Abi?"

Nagtataka man ay tumango nalang ako.

"I'll leave you now." tumalikod na si Maureen at lumabas na ng opisina. Ako naman ay nagumpisa na sa trabaho ko. I started by arranging all the documents dahil medyo magulo yun at hindi naka-organize ng maayos. After that, I proceed on encoding.

So far, hindi naman stressful yung ginawa ko. Madali lang siya compare sa trabaho ko dati, medyo madami nga lang. Napatigil lang ako nang may kumatok sa pinto at sumilip doon ang kasambahay.

"Ma'am, mag haponan muna kayo." yaya nito sa akin.

Sinulyapan ko ang relo ko para alamin yung oras. Alas otso na pala. "Sige po manang, tatapusin ko muna 'to saglit." tugon ko.

Tumango naman ito saka umalis.

Dali-dali kong inencode ang panghuling papeles bago tumayo saka lumabas ng office. Bumaba ako ng kusina at nadatnan ko doon si Maureen. Marahil napansin niya yung presensya ko kaya nag-angat siya ng tingin at pormal na ngumiti.

"Hi, how's your work?"

"Maayos lang naman po ma'am." magalang na sagot ko.

"Come here," she pointed the vacant chair. "Take a sit and have dinner." 

Nahihiya akong umupo sa kabilang side ng dinning table saka kumuha ng pagkain.

While having dinner, napansin ko ang mga mata niya na parang namamaga. Yung tipong galing sa pag-iyak. I wanted to ask her if she's alright but in the end, I choose to be quite.

After dinner, bumalik ako sa taas at muling nagpatuloy sa aking trabaho. Alas nueve na nung tumigil ako. Inayos ko ang mga gamit ko para uuwi na. Kinatok ko ang pinto ng kwarto ni Maureen para sana mag-paalam kaso hindi siya sumagot.

Bumaba ako ng hagdan at nagbabakasakaling nandito lang siya, at tama ako. Nasa harapan siya ng Altar habang nag-sisindi ng kandila.

Lalapitan ko na sana siya ngunit natigilan ako nang mapansin yung hitsura niya. Judging her reflection through the mirror beside her, she's obviously been crying. Her eyes were swollen while her nose were red. This is the second time I saw her crying. Una nung naghiwalay sila ni boss Vaughn, pangalawa ay ngayon.

Hinintay ko nalang siya saglit.

Minutes went by, humarap na si Maureen sa kinaroroonan ko. Nagulat siya sabay pahid sa kanyang luha.

"Abi, kanina ka pa ba dyan?"

"Uhm, ngayon lang. Magpapalaam na sana ako."

She forced a smile. "Gusto mo bang magpahatid sa driver namin?"

"Naku, huwag na po. Bata pa naman yung oras. Saka madami pakong masasakyan jeep pauwi sa dorm ko."

Maureen nodded before grabbing something on her pocket. Inabot niya sakin ang isang maliit na envelope. "That's your weekly transportation allowance."

Medyo nag-hesitate akong tanggapin yun kasi hindi naman kailangan, pero sa huli di nako umangal dahil alam kong hindi siya papayag kapag tatanggi ako.

"T-thank you po." nahihiyang pasalamat ko.

"Mag-ingat ka pauwi."

"Ma'am, ayos ka lang po ba?" di nako naka-tiis.

"Yes," mabilis niyang sagot. "I'm alright."

"Sure ka ho?" panigurado ko.

"Actually.....i'm not. But you don't have to worry. Sige na, umuwi ka na."

Parang may pwersang pumipigil sa akin. "Kung gusto mo ng kausap, pwede ako ngayon."

A genuine smile appeared her lips. "Thank you, Abi. But I'm okay."

Nabaling ang atensyon ko sa larawang nakalagay sa ibabaw ng Altar. I was kinda stunned upon realizing it was a picture of a kid....the same kid I saw on the picture frame lately. 

"Sino po yan?" wala sa loob na tanong ko.

Maureen's eyes averted on the kid's photo. "That's Ellie."

Na-curious ako. "How is she related to you?"

It took a while before she answer. "She's my daughter."

Napanganga ako. "M-may anak ka na?"

Malungot siyang ngumiti. "Yes. And it's her birthday tomorrow and....." nag-iwas siya ng tingin at di na nagsalita.

"Saan n-na si Ellie ngayon?" tanong ko pa.

"She passed away."

Natuptop ko ang bibig ko. "I'm sorry. I didn't mean to asked that."

"It's alright." aniya, bago lumapit sa shelve. Kinuha niya yung picture frame nila ni Ellie at marahan yung hinaplos. I could see love on her eyes while doing it.

Nilapitan ko siya at pumuwesto sa tabi niya.
"Akala ko kanina pamangkin mo lang yan. Pwede ko bang malaman kung...anong dahilan ng....pagkawala niya?"

Maureen didn't say anything.

"Sorry huwag na lang pala." bawi ko.

"I was 24 when I have Ellie." umpisa niya sabay tingin sa akin. "Anak namin siya ng ex-boyfriend kong si Noah. Pero dahil sa kagagahang ginawa ko, maaga siyang kinuha sa akin." may bahid na lungkot at sisi ang kanyang boses. "Sometimes I think it must be karma."

Napakunot-noo ako. "Bakit mo nasabi?"

Malungkot siyang bumuntong-hininga. "It has something to do with my relationship with Noah before."

"Bakit?" curious na tanong ko.

"He was actually Theia's boyfriend." guilt written all over her face. "Noah and I were great friends, close din siya kina Theia at Helaena. And then one day, Helaena set him and Theia on a romantic date because according to her, they have feelings for each other. Of course I got jealous, I have feelings for him too, matagal na. Pero dahil bestfriend ko si Theia nag-give way na lang ako. I endure all the pain whenever I see them together. Pero nang tumagal, hindi ko na kinaya yung selos ko lalo nasa tuwing nakikita ko silang sweet. It really kills me. Kaya naman dahil 'don, gumawa ako ng bagay na labis na ikinagalit nila Theia at Helaena sakin."

Na-intriga ako at mataman siyang tinitigan. "Anong nangyari?"

"I seduced Noah and I actually suceeded. Nagkaroon kami ng lihim na relasyon sa likod ni Theia. Aware akong mali ang ginawa ko noon pero nung mga panahong yun, wala akong paki-alam." Mapakla siyang tumawa. "Diba napaka-hypocrite ko? Ang lakas ng loob kong magalit sa mga kabit pero isa din pala ako sa kanila dati?"

I don't know what to react.

"But I was too young back then, Abi." dagdag niya. "And I was so thirsty for love too. Hindi ko yun naranasan sa sarili kong magulang, most likely sa Papa ko. My mom and I separated ways when I was young, that's why I didn't got the chance to spend more time with her. And during those days, I feel like si Noah ang makakapagbigay sa akin ng pag-ibig na hinahanap ko. Kaya kahit mali, I took the risk."

Di ako makasagot. "Paano nalaman ni miss Theia ang tungkol sa inyo ni Noah?" kapagkuwan tanong ko.

Maureen heaved a sigh. "Sa condo ko, during my birthday. Noah and I make out in my bed at yun ang eksenang naubutan nila Theia at Helaena. They were supposed to surprise me pero sila yung nasupresa. I still remember all the horrible things Theia said to me that night and I honestly can't blame her. She had all the rights to be mad at me because I betrayed her. Pero ang hindi ko lang matangap ay yung kinalat niya sa buong campus yung nangyari. Theia has always been a bitch but I didn't expect her to stoop that low. Kinalat niya ang mga larawan namin ni Noah na nakahubad sa mga classmates namin, and I got so mad of course. She can yell me all she wants pero huwag naman sanang umabot sa ganon. I confronted her and we have a big cat fight. Luckily Helaena stopped us and suggested me to transfer in a different university. And so I did, lumipat kami ni Noah."

Napatitig ako sa kanya. I never expected all of these from her.

Maureen settled her eyes back on Ellie's picture frame. "After the incident, hindi na kami nagusap nila Theia. Nasira yung friendship namin dahil sa ginawa ko. It's been 11 years and she's still mad at me. Alam kong nagpapaka-plastic lang siya sakin tuwing magkasama kami, and I don't really care anymore. I already apologized to her before, problema niya na kung hindi siya maka-move on."

Now I know the reason behind their war. Alam na kaya 'to ni Maggie?

Tumikhim ako at saka muling nagtanong. "Yung sa inyo ni Noah, anong nangyari?"

May kung anong emosyon lumarawan sa mukha ni Maureen. "Noah and I lasted for 5 years. We were celebrating our Fifth Anniversary together when I told him that I'm pregnant. I was expecting him to be happy, pero salungat yun sa inaasahan ko. He was horrified. Gusto niyang ipalag-lag yung bata, syempre hindi ako pumayag. Pinag-awayan namin 'yon ng ilang araw, he didn't want the child. Then one day, he left our condo. Hindi siya nag-paramdam sa akin ng ilang linggo. I waited for him but he never came back. I got so depressed. Buti na lang at nandyan si Vaughn, she was there for me during my preganancy journey. She never left my side hanggang sa manganak ako."

I felt a heavy squeezed in my heart.

"When I bore Ellie, I promised myself to be a good mother to her. Ibinigay ko sa kanya lahat ng pagmamahal na meron ako. Pero may minsan din, umaasa ako na baka isang araw babalikan ako ni Noah at tatangapin niya yung anak namin....but that never happened." her eyes started to tear up.

"Shhh that's enough." tahan ko sa kanya.

"After 2 years, somewhere around the city, I saw him again. Pero may kasama na siyang ibang babae at bata. Alam mo ba yung feeling na parang pinag-sakloban ng langit at lupa? Ang sakit lang sa part ko na, kaya niyang maging ama sa anak niya sa ibang babae pero hindi sa anak naming dalawa? I feel so sad for my daugther because she would never experience what it feels like to have a father. I don't want her to end up like me who grow up longing for a father's attention."

May kung anong kumurot sa puso ko.

"I was badly hurt that time and I wasn't myself when I drove my car. Huli na nung ma-realized kong nag overspeed ako at nawalan ng control. We meet a terrible accident.....a-and...a-and.." tuluyan na siyang umiyak. Agad ko siyang inalo.

"Ma'am, tahan na. Huwag ka nang mag-kwento." hinagod ko ang likod niya.

"My daugther died because of me, Abi." pahikbing sabi niya. "Hanggang ngayon nagisisi pa rin ako sa ginawa ko. I failed her, I broke my promise to her." mas lalong lumakas ang mga hagulhol niya. "If that was my karma for betraying my friend, then I can't accept it. Mas matatanggap ko pa kung ako yung mag-susuffer keysa sa anak ko."

Tuluyan ko na siyang hinila saka mahigpit na niyakap. She cried loudly in my shoulders.

"Ever since my Ellie passed away 6 years ago, hindi ko siya kailanman binibisita sa sementeryo." dagdag pa niya. "Di ko kaya tingnan ang puntod ng anak ko knowing that ako yung rason kung bakit siya nandoon."

"Shhhh, tahan na."

Maureen stayed in my arms for a while. Hinagod-hagod ko ang likod niya hanggang sa bumitaw na siya. She wiped her tears and smile shyly at me.

"I'm sorry, I got carried away. Ngayon lang ulit kasi ako nagkwento tungkol sa past ko."

Kinuha ko mula sa bulsa ko yung panyo saka ito ipinunas sa mata niya. "I'm sorry din kasi nagtanong ako."

Kinuha ni Maureen sakin yung panyo ko saka siya na mismo ang nagpahid sa luha niya. "It's getting late. Baka wala ka nang jeep na masasakyan pauwi."

"Sige lang, may tricycle naman. Mas nag-aalala ako para sayo."

"Don't mind me, ganito lang talaga ako sa tuwing sasapit na yung birthday ni Ellie, masyadong naging emosyonal."

Nakaramdam ako ng lungkot. Kahit hindi ako makarelate sa sitwasyon niya, alam kong masakit ang mawalan ng anak.

"Here's your handkerchief, nabasa ko tuloy." ibinalik niya sakin ang panyo ko. "Umuwi ka na, malalim na yung gabi. Do you know how to drive? I can let you borrow my car."

"Naku huwag na, ma'am. Kaya ko na po sarili ko."

"Sige." tipid siyang ngumiti. "Thank you for today, Abi. Mag-ingat ka."

I smiled back at her before giving her a quick kiss on the forehead. Natigilan siya sa ginawa ko at napatitig sa akin.

"I'll see you tomorrow." sweet na sabi ko.

Maureen's cheeks turned red. "S-see you."

Nagpaalam na'ko sakanya saka lumabas na ng bahay niya.


••••••🌈••••••

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 30.1K 21
Kilala siya bilang isang magaling na abogada, istriktong haciendera, at isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. She's better known for being heart...
1.4M 61.7K 57
Freyja Akane Mitsuki. The SC President. The almost perfect. Hinahangaan ng maraming estudyante dahil sa taglay nyang ganda. She have a body to die f...
24.6K 1.8K 24
People who has the nature to save usually the one who needed to be saved. Would you agree? Or no? Then let's find out with this story.
2.8M 80K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****