Isla Fontana Series #4: Ruthl...

By RosasVhiie

828K 28.1K 3.4K

Title: Ruthless Slave (Isla Fontana Series 4th Installment) Genre: Romance, Erotica, Drama, Violence, Mature... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1 (Slave)
Chapter 2 (Borrow)
Chapter 3 (Touch Me)
Chapter 4 (Scar)
Chapter 5 (Calm)
Chapter 6 (Blood)
Chapter 7 (Dangerous)
Chapter 9 (Scared)
Chapter 10 (Knives)
Chapter 11 (Flesh and Blood)
Chapter 12 (Belt)
Chapter 13 (Fall In Love)
Chapter 14 (Creepy)
Chapter 15 (Don't Look Back)
Chapter 16 (Break Up)
Chapter 17 (Tears)
Chapter 18 (Jealousy)
Chapter 19 (Regret)
Chapter 20 (Surrender)
Chapter 21 (One and Only Dream)
Chapter 22 (Fight With Her)
Chapter 23 (Basement)
Chapter 24 (The World is Too Cruel)
Chapter 25 (Savior and Salvation)
Chapter 26 (Promise)
Chapter 27 (Heavy Rain)
Chapter 28 (Tame the Beast)
Chapter 29 (Invade)
Chapter 30 (Healed)
Chapter 31 (Don't Go Home)
Chapter 32 (Give Up)
Chapter 33 (Stay By Your Side)
Chapter 34 (Save Me)
Chapter 35 (You're Not The Devil)
Chapter 36 (Buried)
Chapter 37 (Broken Pieces)
Chapter 38 (His Own Flesh and Blood)
Chapter 39 (Warmth, Care, Protection, and Love)
Chapter 40 (You Deserve So Much Better)
Chapter 41 (Destiny)
Chapter 42 (Warm Heart)
Chapter 43 (Love Wins. Love Is Powerful)
Chapter 44 (Passed Out)
Epilogue
PUBLISHED BOOKβ€ΌοΈπŸ–‹οΈπŸ“š

Chapter 8 (Enchanted)

27K 831 127
By RosasVhiie

CHAPTER 8

NAPASABUNOT siya sa sariling buhok at napabuntong-hininga. He knew that it was too much of him. Seiranel is just a simple and an island girl. Hindi ito sanay sa lalaking katulad niya.

She passed out earlier and he's really bothered. Kanina pa siya hindi mapakali habang nakatingin sa dalaga na nakahiga sa papag.

Pabalik-balik siyang naglakad at nang marinig ang mahinang daing nito ay para siyang naging tuod. Hindi niya alam kung hahawakan ba niya ang dalaga o hahayaan ito.

Hindi siya sanay na nag-aalo ng babae. Sa lahat ng mga babaeng naikama niya noon, kaagad niyang nilalayuan ang mga ito at hindi na nagpapakita pa.

Natulala siya kay Seiranel nang marinig ang muling pagdaing nito. Wala sa sariling umupo siya sa tabi ng dalaga at awtomatikong hinawakan ang kamay nito.

"Seiranel..." Her name came out softly from his mouth.

Nanatili itong nakapikit at mahinang dumadaing na tila ba may iniinda ito. Her face right now says it so. She's breathing heavily as well like someone is chasing her in her dreams.

Tila may sariling isip ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ng dalaga na tila ba sapat na iyon para patahanin ito.

To his amusement, Seiranel's beautiful face slowly calmed by his touch.

Dahan-dahan niyang napagtanto ang ginagawa at tila napapasong binitawan niya ang dalaga.

Marahas siyang napabuntong-hininga at napahilamos sa sariling mukha. Akmang tatayo siya nang mapansin ang palad ng dalaga.

He sighed as he stared at her wound. This woman is crazy. How could she cut herself for him? She didn't even ask why. She's not even scared of him.

Tumayo siya at kinuha ang first aid kit na tinatago niya at muling bumalik sa tabi ng dalaga. Her wound on her palm is not deep but still, it must hurt a lot.

Ginamot niya ang sugat sa palad nito. Tutok na tutok siya sa sugat ng dalaga kaya bahagya siyang nagulat nang mapansing gising na ito.

"Sorry for touching you while you're asleep," he murmured.

Mataman lang itong nakatingin sa kaniya. Muli niyang tinuon ang pansin sa sugat nito at nang matapos niya iyong lagyan ng bandage ay kaagad niyang binitawan ang kamay ng dalaga.

"Are you okay? May masakit ba sa'yo? I was rough and—"

"Ayos lang ako," putol nito sa sasabihin niya.

Napatitig siya sa mukha nito. He noticed a small scratch on her forehead. He heaved a sigh and wiped the blood on Seiranel's forehead.

"Listen, Seiranel. We should stop this. Baka hindi lang ito ang magawa ko sa'yo kung ipagpatuloy natin ito. I already told you, hindi ako katulad ng ibang lalaki. I am not gentle. I don't treat women differently. I am always rough and—" he stilled when Seiranel held his hand tightly.

Napatitig siya sa dalaga. Nakikiusap ang mga mata nito.

Bumangon ito habang hawak pa rin siya sa kamay na tila ba takot itong bumitaw.

"Hindi ka puwedeng umurong," mahinang sabi nito.

"Why are you doing this? Bakit kailangan mo ako, huh? Bakit kailangan mong hiramin ang katawan ko? I want to know why," aniya sa dalaga.

Napatitig ito sa kaniya at siya naman ay nagulat sa sarili. This is not him. He was never interested to any woman like this before. He don't ask. He never ask. Pero bakit pagdating sa babaeng ito ay gusto niyang malaman ang lahat? He even searched for this woman, goddammit!

Ang buong akala niya, kapag nahanap na niya ang babaeng ito ay matatahimik na siya. Pero mukhang mas lalo lang lumala simula nang nanatili siya sa islang ito.

Araw-araw ay tila mas lalo lamang nadadagdagan ang curiosity niya kay Seiranel. Tila gusto niyang halukayin ang buong pagkatao at alamin ang bawat sekreto nito.

"Kailangan kita," tugon ng dalaga.

Muli ay napatitig siya sa dalaga. Sa simpleng sagot na iyon ay tila sapat na sa kaniya.

"Iyon lang ang alam ko sa ngayon. Kailangan kita, Hunter. Kaya pakiusap, huwag kang umurong sa usapan natin. Wala akong pakialam kung sino o anong klaseng tao ka. Kahit saktan mo ako, ayos lang sa'kin. Basta manatili ka lang sa tabi ko dahil ikaw ang kailangan ko. Hindi ako magtatanong kung sino ka talaga. Hindi ko aalamin kung saan ka nanggaling. Hindi ko papakialaman kung ano ang mga ginagawa mo at kung bakit nandito ka sa isla. Wala akong pakialam kung sino ka, kung mabuti o masamang tao ka ba, basta manatili ka lang sa tabi ko hanggang kailangan kita. Iyon lang ang gusto ko," mahabang patuloy nito habang nakatitig sa kaniya.

Napatiim-bagang siya. Sinasabi nitong wala itong pakialam kung sino talaga siya. This seems complicated but damn, he couldn't resist. He couldn't resist this woman since the very beginning like he was enchanted by her.

Marahas siyang napabuntong-hininga.

"So, you are saying that if you don't need me anymore, you will throw me away?" natatawang tanong niya.

Hindi siya nito sinagot at kinagat lang ang ibabang labi. Bigla siyang kumilos at mariing hinawakan ang panga ng dalaga.

"It's okay if I treat you like this, then? It's okay if I hurt you everytime we fuck?" mariing tanong niya.

Dahan-dahan ay tumango ito.

"Basta huwag mo lang akong layuan. Kailangan kita, Hunter," anito sa mahinang boses at nakikiusap na mga mata.

She seems desperate and he fucking want to know why she's acting this way! It seems like he is her lifeline the way her eyes beg.

Marahas niya itong binitawan.

"Just promise me one thing," aniya sa dalaga at seryoso itong tiningnan. "Don't you dare fall in love with me, you hear me?"

Napatitig ito sa kaniya, sandaling hindi nakasagot. Dahan-dahan ay tumango ito.

"Pangako," tugon nito habang nakatitig sa mga mata niya.

Tumayo siya at akmang hahakbang nang tinawag siya nito.

Kaagad niyang nilingon ang dalaga.

"Ikaw din," anito sa mahinang boses habang nakaangat ang tingin sa kaniya. "Huwag mong hayaang tumibok ang puso mo sa akin."

Napatitig siya sa mga mata ng dalaga sabay ngisi.

"I won't," he answered and walked away.

Nang makalabas siya ng bahay niya ay muli siyang nagsalita.

"Gusto mo bang ihatid kita pauwi sa inyo o ikaw na lang?" tanong niya.

"Ako na lang," anito na alam niyang sumunod sa kaniya.

Hinarap niya ito at bahagyang napakunot ang noo dahil sa pagkakalugay ng buhok nito. Napatikhim siya at namulsa.

"Ingat pauwi," aniya sa dalaga.

Tumango ito.

"Salamat, Hunter," mahinang sabi nito at humakbang papalayo sa kaniya.

Ni hindi ito lumingon. Ngayon lang din niya napagtanto na hinahatid niya pala ito ng tingin.

Nang mawala na sa paningin niya ang dalaga ay napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung ano itong pinasok niya pero nakakatawang isipin kung paanong parang binalaan din siya ng dalaga na huwag tumibok ang puso niya rito.

Napatingala siya sa madilim na kalangitan at tumitig sa bilog na buwan.

"Falling in love was the last thing I had on my mind," he whispered.

Bumalik siya sa loob ng bahay niya at nahiga sa papag. Kinuha niya ang unan na hinihigaan nang mapansing naiwan ang amoy ng dalaga roon.

Iritadong hinagis niya ang unan pero ilang sandali lang ay pinulot niya iyon habang marahas na napapabuntong-hininga.

Right. He will just enjoy this. Seiranel will not be the one who will throw him away. Bago iyon gawin ng dalaga, sisiguraduhin niyang siya ang unang gagawa.

Pagbibigyan niya ang kapritso nito. He is bored, anyway. Isa lang din si Seiranel sa mga babaeng dadaan lang sa buhay niya. Kung aabot man ng ilang buwan itong relasyon nilang umpisa pa lang ay kumplikado na, ito na siguro ang pinakamatagal.

Atleast, their relationship for each other are both beneficial. She needs him and he want her to fulfill his boredom as well.

Unti-unti siyang pumikit at hindi namalayang nakatulog na siya.

Halos wala na siyang emosyon habang nakatingin sa tatlong taong nasa harapan niya. Nakaluhod ang mga ito habang nagmamakaawa sa lalaking katabi niya.

Hindi na siya nagulat pa nang pinalo ng lalaki ang tatlo ng hawak nitong baseball bat dahilan para dumugo ang ulo ng mga ito.

"Ilibing mo ng maayos ang mga 'yan. Nakatakas na ang isa noong nakaraang araw at kasalanan mo iyon, hayop ka. Ayusin mo trabaho mo, tangina ka," utos nito sa kaniya.

Tumango siya at kinuha ang pala. Gumagalaw pa ang tatlo kahit duguan. Ang isa ay gumapang patungo sa kaniya at nakiusap.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa pala at tiningnan ang lalaki. Napakaraming dugo na dumadaloy mula sa ulo nito. Titig na titig siya doon.

Paulit-ulit itong nakikiusap sa kaniya. Tumingin siya sa paligid at napatingin sa lalaking nakasandal sa puno na madalas siyang binabantayan.

Muli siyang tumingin sa lalaking nagmamakaawa sa harapan niya. Walang imik na isa-isa niyang tinulak ang tatlo sa malalim na hukay at tinabunan ng binungkal niyang lupa.

Halos tulala lang siya habang papunta sa C.R. Tahimik niyang hinugasan ang duguang mga kamay at mukha. Kahit paulit-ulit niya iyong hinuhugasan, ayaw matanggal ng dugo. Alam niyang wala na ang mga dugong iyon pero nakikita pa rin iyon ng mga mata niya.

Araw-araw ay ganito na halos ang ginagawa niya. Buong paligid niya ay puno ng dugo. Wala siyang takas sa mundong kinalakihan niya.

Ngayon, bukas, at maging sa susunod na mga araw, paulit-ulit siyang makakakita ng dugo mula sa mga taong nililibing niya, patay man o buhay.

"Pagkain mo," anang lalaking nakangisi at hinagis sa maputik na sahig ang isang pirasong tinapay.

Inapakan pa nito iyon habang nakangisi sa kaniya sabay talikod at iniwan siya.

Nang umalis ang lalaki ay pinulot niya ang tinapay at kaagad na sinubo. Tinapay na lasang putik at maging tubig na lasang putik, sanay na sanay na siya.

Kinabukasan ay inutusan siyang nakawan ang isa sa pinakamayamang negosyante sa bayan. Kailangan niyang sundin at kailangang may dala siya pabalik dahil magugutom at mapupuno na naman siya ng pasa sa katawan kapag hindi niya iyon nagawa.

Habang hinihintay ang sasakyan ng matandang negosyante ay umupo siya sa kalsada. Gutom na gutom siya at nahihilo sa sobrang init kaya nagpahinga muna siya saglit.

Mula sa kabilang kalsada ay napansin niya ang batang babae na nakatingin sa kaniya. Mukhang kaedad lang niya ito o mas matanda siya ng ilang taon.

Nginitian siya ng batang babae pero hindi niya ito pinansin. Lumingon siya sa paligid at hinahanap ang sasakyan ng matandang negosyante. Anumang sandali ay darating na ito kaya naghanda siya.

Tumayo siya at napatigil nang makitang nasa harapan na niya ang batang babae.

"Sa iyo na ito," anito habang inaabot ang isang plastic ng tinapay at isang bote ng tubig.

Kaagad na itong tumakbo papalayo sa kaniya nang mailapag sa semento ang binibigay. Nang malayo na ang batang babae ay nakangiting kumaway ito sa kaniya.

"Huwag kang magpapagutom, ha? Sana magkita pa tayo sa susunod," anito at sumama na sa kasama nitong may edad na babae.

Nang wala na ang bata ay napatingin siya sa binigay nito. Napalunok siya at kinuha iyon. Dahan-dahan ay napangiti siya.

Pabalikwas siyang napabangon at napahawak sa sariling ulo. Tumingin siya sa orasan at nakitang alas dos na ng madaling araw.

Hinihingal na umayos siya ng upo at napatingala. That girl again. Napansin niyang madalas niya itong napapanaginipan nitong mga nakaraang araw. Napakaraming taon din ang lumipas na hindi ito pumapasok sa panaginip niya pero ngayon ay bumabalik na naman.

Napabuntong-hininga siya at lumabas ng bahay. Nagulat pa siya nang makita si Seiranel sa gilid na nakaupo at tulog na tulog.

Anong ginagawa ng babaeng ito rito sa harap ng bahay niya?

Pupungas-pungas na nagising ito at kaagad na tumayo. Napaatras naman siya sa pagkabigla.

"Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong niya.

Napayakap ito sa sarili sabay kagat sa ibabang labi.

"Puwede bang...dito na ako matulog gabi-gabi?" tanong nito.

Napakurap siya at wala sa sariling tumango.

"Yeah, sure," wala sa sariling tugon niya.

Seiranel smiled and walked inside his small and simple house. Tila naeengkanto namang sinundan niya ito ng tingin.

He's really enchanted by her. Sanay siyang siya palagi ang nasusunod pero kapag ang babaeng na ito ang nagsasalita, siya itong mistulang nagiging sunod-sunuran.

To be continued...

A/N: Hunter isn't aware that he's slowly falling for the woman he promised not to fall in love with.😁

Continue Reading

You'll Also Like

1M 24.8K 44
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
201K 3.9K 43
Wednesday Addams x Enid Sinclair arts πŸ–€ Β© Art Credit Goes To The Rightful Owners Cover Art: @/notholaenas (on IG)
3.4M 146K 48
As the first Lady Knight of Monrique, Juliette Van Helsing regularly deals with criminals who threaten the peace and security of her country. When a...
108K 3K 57
A story in which Isabella Jenkins shows great potential from a young age. When Isabella's powers first appeared they were aggressive and violent. Her...