My Husband is Gay

Galing kay Jejelobsss

110K 4.6K 417

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... Higit pa

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 35

1.9K 71 13
Galing kay Jejelobsss

Chapter 35: Amnesia

"Graduation ko na mamaya. Wala ka man lang bang regalo sa'kin?" paglalambing sa'kin ni Ay-Ay habang naka yakap ang bisig niya sa bewang ko galing likod.

Nandito kami ngayon sa kwarto, nanonood habang nag-aalmusal. Ewan ko ba dito kay Ay-Ay. Imbis na sa dining area mag breakfast ay dito pa talaga sa kwarto namin.

Napanguso naman ako, "Kailangan pa bang regalohan kita?"

Ang totoo niyan ay maghahanda kami ng mga maid dito sa bahay at isusurprise namin siya pag-uwi.

Proud na proud kasi ako sa asawa ko dahil isa siyang Summa Cum Laude! Pero kahit hindi siya magkaroon ng honor ay hahandaan ko pa rin siya noe. Proud kaya akong asawa.

Imagine, pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho sa kumpanya nila tapos with highest pa siya. Sabi kasi niya ay siya na daw ang magpapatakbo ng kumpanya nila dahil ayaw na niyang maisugod ulit sa hospital si papa. Pagsasabayin niya nalang ang pag-aaral at sa kumpanya nila at nang dahil sa pagsisikap niya ay ito na! Nakapagtapos na din siya.

At ilang buwan na ang nakakaraan ay ayos at masaya naman na ang pagsasama namin. Syempre, hindi na kasi nagpaparamdam iyong si Calvin tanging ang kuya niya nalang na ipinagpapasalamat ko. Ayoko talaga sa Calvin na iyun 'e. Bukod kasi sa ex siya ni Ay-Ay ay masama din ang pakiramdam ko sa'kanya, hindi ko maipaliwanag. Basta masama.

Ilang buwan din kaming naging busy na dalawa sa pag-aaral at sa trabaho sa'kanya. Minsan ay palaging hindi kami nagkakasabay pumasok at kumain. Pagdating ko dito ay wala siya tapos pagdating naman niya dito ay wala ako. Tapos paggabi naman ay maaga akong natutulog kaya hindi kami nakakapagbonding pero pag weekends ay bumabawi siya. Ipinapakansel pa niya ang mga appointments niya dahil time namin sa isa't isa ang weekends.

Kahit busy siya parati ay nagkakaroon pa rin siya ng oras sa'kin at naiintindihan ko naman iyun. Para din naman iyun sa'min 'e.

"Hayst, 'wag mo na nga akong regalohan." nagtatampong sabi niya at binitawan ako.

Natawa naman ako at yinakap siya.

"Nagtatampo ka na naman. Syempre, reregalohan kita kasi proud na proud ako sa asawa kong bakla. Pero secret lang muna."

Napangiti naman siya at yinakap ako, "Ano yung regalo mo?"

Napasimangot naman ako, "Secret nga diba? Atsaka kapag sinabi ko ay hindi ka na masusurprise mamaya."

Natawa siya ng mahina at kinurot ang ilong ko, "Ang dami mo namang alam, babae."

"Syempre, matalino kaya ang asawa mo, binabae." natawa naman ako at napasubsob sa'kanya.

Naamoy ko na naman ang pabango niya na palagi kong hinahanap hanap kapag nandyan siya kaya palagi ko siyang gustong yakapin 'e. Napakabango niya.

"Yan ka na naman kakasinghot sa'kin 'e, baka maubos ako niyan." saway niya sa'kin habang tumatawa ng mahina.

Tiningala ko naman siya, "Ikaw din naman 'a. Pag yinayakap mo ako ay parati mong sinisinghot ang leeg ko 'e."

"Inaamoy ko lang kung amoy pawis ka." inirapan niya ako na ikinasimangot ko.

Minsan talaga ganito to 'e, ayaw pang aminin. Atsaka hindi naman ako parating amoy pawis dahil lagi akong nag popolbo.

"Hindi ako amoy pawis 'a. Pinagpapawisan lang ako pero hindi nagkakaamoy. Magkaiba yun." inirapan ko din siya at humarap sa tv.

"Wow, ang talino na talaga ng asawa ko. Mukhang lumalaki ka na talaga 'a." yinakap niya ang bewang ko at ipinatong ang chin niya sa balikat ko.

"Kailan pa ako naging maliit? Duh." pagsusungit ko sa'kanya na ikinatawa niya lang.

Tutok na tutok ako sa palabas pero nawala ang atensiyon ko dun ng maramdaman ko ang magaan niyang paghaplos sa tiyan ko pero binalewala ko nalang kahit nakikiliti ako.

"Gusto ko ng magka-baby." biglang bulong niya sa tenga ko habang ang kamay niya ay humaplos sa tiyan ko.

Ngumuso ako, "Me too pero kailangan ko pang matapos ang medicine noe."

Hindi naman siya makaimik pero maya maya ay narinig ko siyang nagsalita.

"Huwag mo ng tapusin."

Napatigil ako at napahiwalay sa'kanya. Gulat ko siyang tiningnan.

"What? E pangarap ko yun." naiinis na ani ko.

Napabuntong hininga naman siya at yinakap ako ulit kaya hindi na ako nakagalaw.

"Kasi pag naging isa ka ng ganap na doktora ay mawawalan ka na ng time sa'kin baka hindi pa tayo magka-anak kong ganun. I admit that I am selfish pero ayaw ko lang na umabot sa ganun." mahinang sabi niya.

Naiintindihan ko siya pero hindi ko ihihinto ang pag-aaral ko ng medicine. Humarap ako sa'kanya at hinawakan ko siya sa pisngi. Napapikit naman siya at dumilat. Nagkasalubong ang mga mata namin.

"Hindi mangyayari iyun ok? Kahit na busy ang maging isang doctor ay hindi ako mawawalan ng time para sayo. At wag kang mag-aalala, mag-kakababy din tayo. Antay lang, ok?" ngumiti ako ng matamis na ikinangiti.

"I'll wait, kahit gaano pa yan katagal. Ang mahalaga ay masaya tayo at magkasama." sinakop niya ang labi ko kaya hindi na ako nakasagot.

Ang ginawa ko nalang ay tumugon sa halik niya.

"Wife, where are you? Malapit ng magsimula." sabi ni Ay-Ay sa kabilang linya.

Napakagat ako ng labi habang nakatingin sa traffic light. Ang traffic! Siya nga pala at marunong na akong mag drive! Isa sa mga bonding namin ni Ay-Ay kapag weekends ay ang pagtuturo niya sa'kin kung paano mag drive. Ayaw pa sana niya nung una pero pinilit pilit ko siya kaya wala na siyang nagawa. Gusto kong matuto mag drive 'e.

"Paparating na ako. 'Wag kang mag-alala darating ako. Sige na muna, ibaba ko na. Bye bye." hindi ko na siya pinagsalita dahil pinatay ko na.

Pinauna ko kasi siya dun dahil tumulong pa ako sa mga maid na maghanda kahit parang hindi nila ako mautos utusan.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng umusad na ang mga sasakyan. Habang nag da-drive ako ay napatingin ako sa phone ko dahil tumutunog iyun. Tumatawag si Danreb.

Inabot ko ang phone ko pero nalaglag iyun. Malas naman 'oh.

Napatingin ulit ako sa daan, mabuti nalang ay walang kotseng dumadaan tanging ako lang. Sinubukan kong abutin ang phone ko na gumagalaw dahil sa pagvibrate. Hindi ko naman iyun maabot kaya napatingin ako ulit sa daan.

Wala naman sigurong susulpot na sasakyan noe?

Napahinga nalang ako ng malalim at napayuko ako para kunin ang phone ko. Nang maabot ko na ang phone ko ay napangiti ako pero agad ding nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang malakas na busina.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makagalaw dahil kunti nalang ay mababangga na ako pero sinubukan ko pa ring iliko ang manibela. Hindi ko na makontrol ang sasakyan at naramdaman ko nalang ang malakas na tumama ang ulo ko sa bakal kasabay nun ang paggulong gulong ng sasakyan.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko at ramdam ko din ang pag daloy ng dugo ko na galing sa ulo. Nanlalabo na rin ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

Ay-Ay...




Hindi ko magawang idilat ang mga mata ko, parang hirap na hirap ako at ang nahihirapan din akong huminga. May narinig akong tumatawag ng doctor at parang lahat ng nasa paligid ko ay nag papanic.

Hindi ko alam kung anong ginawa ng taong lumapit sa’kin basta ang alam ko nalang ay umuubo ubo na ako at dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Bumungad sa’kin ang liwanag at puting kesame. Parang... parang ang tagal kong tulog.

Sinuri pa ako ng isang lalake na doctor at tango lang ako ng tango sa mga tanong niya. Pagkatapos niyang magtanong ay napahinga siya ng malalim at sa isang iglap ay nawala na ang ilang nurse. Tanging ako at ang doctor nalang ang nandito.

“Kilala mo ba ako?” napatingin ulit ako sa doctor.

Akala ko ay tapos na ang tanong niya pero hindi pa pala. Tiningnan ko ng mabuti ang mukha niya at umiling iling ako.

“H-Hindi...” mahina kong sambit.

“Fuck.” napamura pa siya ng ilang beses na ikinagulat ko at sinabunutan pa niya ang buhok niya bago napatingin ulit sa’kin.

“Alam mo ba kung anong nangyari sayo kaya ka nandito sa hospital?”

Napaisip ko pero hindi ko magawang makapag isip dahil sumakit bigla ang ulo ko.

“Ah!” napahawak ako sa ulo ko sa sakit.

Sobrang sakit na gusto ko nalang mahimatay.

“Shit!” mura ng doctor at may itinurok siya sa’kin na hindi ko alam pero bigla bigla akong kumalma at bumibigat na din ang talukap ng mata ko hanggang sa makatulog na ako.

“Cal, nagka-amnesia siya. Hindi niya ako makilala. At hindi niya din alam kung bakit siya nandito.”

Nagising ako sa ingay at kahit gusto ko pang matulog ay nilabanan ko nalang. Napatingin ako sa kanan at nakita ko ang dalawang lalake na nag-uusap.

“It’s better.” simpleng sagot ng lalakeng kausap ni Doc na kausap ko din kanina.

“What?! Tangina, mukhang mas natutuwa ka pang may amnesia siya!” sigaw ni Doc at kwinelyuhan ang lalake.

Hindi naman nagsalita ang lalake at bigla itong napatingin sa’kin. Nanlaki ang mga mata niya at lumapit sa’kin.

“How are you? May masakit ba sayo? Tell me.” sunod sunod na sabi niya.

Napapikit naman ako at dumilat din. Nagtataka ko siyang tiningnan.

“Sino ka?” takang tanong ko.

Napangiti siya na ikinataka ko. Hinawakan niya ang kamay ko na may nakakabit na kung ano man ito.

“I’m Calvin Castillo, baby. Your husband.”

“The fuck!” singhal ng doctor.

Gulat akong napatingin sa’kanya at nangunot ang noo ko. Ano? Asawa ko siya? E wala nga akong maalala na ikinasal kami.

“Stef, hindi mo naalala dahil nawala ang mga alaala mo nung maaksidente ka.” malungkot na aniya.

Nagsalubong ang kilay ko, “Stef? Aksidente?”

Malungkot naman siyang ngumiti, “You are Stefani Castillo, my wife. Naaksidente ka dahil hinahanap mo ako nun kaya I'm sorry, wife. I'm sorry.” naiyak siya sa palad ko.

Nabigla ako sa ginawa niya at parang may humaplos naman sa puso ko dahil sa pag-iyak niya.

“Kahit wala akong maalala ay ayos lang at... ilang araw na ba akong nandito?” napatingala naman siya at umiling.

“Hindi lang araw. Hindi lang buwan kundi isang taon. Isang taon kang nandito at ngayon ka lang nagising.”

Ang tagal ko pa lang  nandito? Napahawak ako sa ulo ko at naramdaman kong may benda dun. Napuruhan siguro ang ulo ko kaya nawalan ako ng alaala pero pipilitin kong makaalala lalo na tungkol sa’min ng asawa ko.

Pero bakit ganun? Bakit pakiramdam ko ay wala naman akong naramdaman sa asawa kong ito na si Calvin?

“Gusto mo bang uminom?” napatingin ako sa doctor na may dalang basong tubig.

Tumango naman ako at kinuha ko ang tubig. Tumayo naman si Calvin at ngumiti sa’kin.

“Stef, ito si Kuya Noel Castillo. He is a doctor and my brother. Sa isang taon ay siya ang gumagamot at nag-aalaga sayo. Alam kong hindi mo siya kilala pero noon ay close na close kayong dalawa.” mangha naman akong napatingin kay Doc. Noel pero wala man lang akong makita na kahit anong emosyon sa mukha at mata niya.

“Alis lang ako.” at lumabas na siya ng kwarto.

Lumapit sa’kin si Calvin at yinakap niya ako.

“Pagpasensyahan mo na si Kuya, ganun lang talaga iyun kahit sayo noon.” aniya at tiningnan niya ako ng mariin, “I miss you. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng maaksidente ka at ang saya saya ko dahil nagising kana. Thank you dahil lumaban ka.” yinakap niya ulit ako.

Ngumiti naman ako, “Hindi man kita maalala... alam ko kung gaano ka naghirap dahil sa’kin. Kaya thank you din dahil hindi ka sumuko sa’kin.”

“Hindi ko susukoan ang asawa ko, hm.” hinaplos niya ang buhok ko.

Ilang araw na ang nagdadaan ay unti unti na din akong lumalakas dahil na din sa tulong ni Doc. Noel at ni Calvin, ang asawa ko. Sa bawat araw ding nagdadaan ay palagi akong kwekwentuhan ni Calvin tungkol sa pagsasama naming mag-asawa noon. Habang tumatagal ay nakukumpirma ko nga na asawa ko talaga siya. Grabe siya kung mag-alaga sa’kin at palagi din siyang nagkwekwento sa’kin kung ano ako noon.

Tulad ng med student pala ako at sinabi ko din sa'kanya na kung gagaling na talaga ako ng tuluyan ay gusto kong mag aral ulit ng med student dahil pakiramdam ko talaga ay gustong gusto ko iyun. Pinayagan naman niya ako basta ay magpagaling daw muna ako. Kwenentuhan niya din ako kung anong pinag daanan namin habang nagsasama kami kaya naniniwala talaga akong asawa ko siya.

Pinakita niya din sa’kin ang papel tungkol sa marriage naming dalawa at ang mga larawan namin noon.

Kaya hanggang ngayon ay hindi talaga ako makapaniwala na hindi mo man lang maalala kahit na katiting ang asawa ko. Kahit na palagi siyang nagkwekwento ay wala man lang alaala ang pumapasok sa utak ko pero alam kong asawa ko nga siya.

“Uuwi na tayo sa bahay.” masayang balita sa’kin ni Calvin.

“Tagala?! Gusto ko ng makita ang bahay natin, nakakasawa na dito sa hospital.” napanguso ako na ikinatawa niya.

“Pero, wife. Yung bahay na pupuntahan natin ay hindi natin bahay noon dahil nasa State tayo.”

Namilog ang mga nata ko, “State?!” hindi makapaniwalang sabi ko.

Tumango tango naman siya, “Hindi ka kasi magagamot ng tuluyan dun sa Pilipinas. Mas mabuti na ang dito sa State ka namin pinagamot dahil alam kong gagaling ka.”

Napatango tango naman ako, “E kailan tayo uuwi sa Pilipinas?”

Natigilan siya at napatahimik pero ngumiti din.

“Kapag natapos mo na ang pag-aaral mo ng medicine dito.” nakangiting aniya na ikinagulat ko.

Napayakap ako sa'kanya sa sobrang saya, “Yey, thank you. Pangako, ipapasa ko ang medicine para makita ko na din ang mga magulang mo na mama at papa ko din.”

Natawa siya ng mahina at hinaplos ang buhok ko.

Kapag natapos ko ang medicine ay uuwi na din kami sa Pilipinas! Gusto ko na ding makita ang magulang ni Calvin dahil palagi iyung kwenikwento sa’kin ni Calvin, gustong gusto daw nila ako kay Calvin ‘a kaya gusto ko silang makilala. At ang isa pang dahilan kong bakit gustong gusto kong pumunta sa Pilipinas ay dahil parang may naiwan ako.

Hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko ‘e. Para kasing... may kulang.

Parang may hinahanap ang puso ko.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.7M 93.2K 46
|๐‘๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐‚๐ข๐ ๐š๐ซ๐ž๐ญ๐ญ๐ž๐ฌ - ๐ˆ| She was someone who likes to be in her shell and He was someone who likes to break all the shells. "Jun...
7.4K 166 5
The 2 princes of the Wind and Mist kingdom are paired up for an arranged marriage to stop the war between the kingdoms. Find what happened next!
5K 123 11
As punishment for his actions, a young prince is transformed into a monstrous beast by a mysterious enchantress. Only condition is if he can learn to...
852K 8.4K 68
๐ข๐ง๐œ๐ฅ๐ฎ๐๐ž๐ฌ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐›๐จ๐ฒ๐ฌ โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ don't forget to vote, share and comment. ๐Ÿค