(How is Love: Book #1) Hello...

Autorstwa f_r_a_n_c_e_s11

28 0 0

After watching her parents' relationship go astray, namuo ang takot sa puso ni Karina na magmahal. Iginuhit... Więcej

Chapter 2
Chapter 3

Chapter 1

16 0 0
Autorstwa f_r_a_n_c_e_s11

Karina's POV

"Hanggang kailan pa ba ako magtitiis para maayos ang relasyong ito, Rualdo?! Pagod na ako! Ilang pilit ko nang sinusubukang paganahin itong samahang ito para sa anak natin pero hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari. Babaero ka pa rin! At ako naman itong si martyr, umaasang magbabago ka, pero hindi eh! Hindi ka nagbago at kailanman, hindi mo ipinaramdam sa akin na gusto at kaya mong magbago! Kung bakit naman kasi hindi mo mai-sukbot diyan sa sapin mo 'yang lintik na alaga mong kating-kati!" rinig na rinig ko sa bawat iyak at hikbi ni nanay ang sakit.

Ramdam ko ang pagod at sakit na kinimkim niya sa bawat paghagulgol niya dahil sa mga kalokohan at kagaguhan ni tatay.

Kagagaling lang namin sa palengke ni nanay kanina nang madatnan namin si tatay na may kahalikang babae sa loob pa mismo ng pamamahay namin.

"Putangina! Bakit kasalanan ko pa?! Ilang beses ko nang gustong tapusin 'to, pero ikaw itong pumipilit!" pasigaw na depensa ni tatay.

Ang kapal ng mukha!

"Sinubukan ko, Rualdo. Hindi para sa sarili ko, kung hindi para sa anak natin. Para kay Karina!" Nasasaktan ako nang sobra para kay nanay lalo na't kapakanan ko ang laging nasa isip niya.

Iniisip niya ang pagiging buo ng pamilya namin para hindi ko maramdaman na kulang ako ng amang pigura sa buhay ko.

"Nay! Tay! Tama na po!" hindi na ako nakapag-pigil mula sa sulok na kanina ko pang pinagtataguan ng maliit kong katawan.

Hindi ko na nakayanang makitang masaktan pa ang inay para lang mabigyan ako ng kumpletong pamilya.

Mas gugustuhin ko pang watak-watak ang pamilya namin kung laging ganito ang masasaksihan ko sa lugar na dapat ay pahinga ko, kung ganito ang magiging depinisyon ko ng pagmamahal.

"Karina, anak." malumanay na tawag sa akin ni nanay saka ako ipinasok sa mainit niyang yakap.

"Tignan mo! Pati ang anak mo ay nagising na sa katotohanang hinding-hindi na 'to aayos pa!" sumbat ni tatay na akala niya ay sa kaniya ako sang-ayon.

"Hindi naman porket nasabi ko iyon ay hindi mo na kailangan magbago, tay. Sa tuwing umiiyak si nanay habang tinitiis niya na makasama ka kahit alam niyang maling-mali na dahil iniisip niya ang kapakanan ko, nasasaktan ako at nagg-guilty dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit siya naghihirap." pasigaw kong ibinuhos ang lahat ng hinanakit ko kay tatay, wala nang pake kung kabastusan ang magiging labas ng ginagawa ko.

"Bakit kaya hindi mo subukang magbago, tay? Kahit hindi na para sa akin o kay nanay. Kahit para sa sarili mo na lang po. Hindi ako sumasang-ayon sa hiwalayan niyo dahil gusto kong hayaan ka na lang sa bisyo mong alak at babae kung hindi dahil pagod na akong naririnig na umiiyak si nanay!" dagdag ko.

Alam kong walang respetong pakinggan pero sawang-sawa na rin ako sa ganitong klase ng sitwasyon.

"At opo! Nagising na ako sa katotohanang hinding-hindi na maayos pa ang relasyon ninyo dahil ni isang pagkurap lang ng mata ko, hindi ko nakitang sinubukan mo. Ang lagi niyo na lang isinusuksok sa isipan ay inom dito, inom doon! babae rito, babae ro'n!"

"Mag-impake ka na ng mga gamit mo, nay. Aalis na tayo sa pamamahay na 'to. Ayaw na kitang nakikitang ganito dahil sa pagiisip mo sa ikabubuti ko kasi nasasaktan din po ako." matapos kong masabi ang lahat kay tatay, tumungo ako kay nanay na nakaluhod na sa malamig na semento ng sahig at inalalayan patayo saka pinagpagan ang maalikabok niyang daster.

Hawak-hawak ko ang kamay niya at parehong nagmartsa papunta sa kuwarto.

"Anak," bakas sa mata at boses ni nanay ang pagaalala. "Saan tayo titira kung aalis tayo rito sa bahay? Wala akong sapat na ipong naitabi para pang-renta man lang sana ng isang kuwarto dahil nagiging bayad utang lahat sa alak ng tatay mo." dagdag niya gamit ang nanliliit niyang boses na tila ba nahihiya saka kumamot sa ulo.

Napabuntong-hininga ako at napatulala, nilalamon na rin ng pagaalala. Ilang minuto na ng pagmumuni-muni at sa wakas ay may ideya na akong naisip.

Tumakbo ako papunta sa aparador at inabot sa kasuluksukan nito ang kulay blue na alkansyang baboy na ibinigay ni nanay sa akin noong pasko, mga ilang taon na rin ang nakalilipas.

"Heto, nay. Kunin niyo ho muna 'tong ipon kong pera at maki-renta muna tayo ng maliit na kuwarto ni Aling Tina sa may bayan."

Iniabot ko sa kamay niya ang mahigit-kumulang sampung-libong pisong pinag-ipunan ko simula pa no'ng maibigay ni nanay sa akin ang alkansya. Ibinigay niya ito para hulugan ko raw para may maitabi ako para sa pag-aaral ko pero hindi muna ako mage-enroll para matulungan si nanay sa pagkayod, lalo na't hindi lang iisa ang pino-problema niya ngayon.

Alam kong mahirap matigil sa pag-aaral lalo na't second-year college na ako sa susunod na pasukan pero wala nang mas mainam na solusyon na meron eh. Ayaw ko rin manisi ng kahit sino, lalong-lalo na si inay kung bakit hindi ako makaka-tuloy ng eskwela dahil alam ko namang ginagawa niya lahat ng paraang alam niya para mabigyan ako ng maayos na buhay.

Saka hindi naman doon magtatapos lahat ng pangarap ko eh. Pwede naman kaming sabay mag-trabaho at mag-ipon. Tsaka na ako babalik kapag sapat na pera namin. Pansamantalang titigil pero hindi susuko.

"Hindi pwede,anak."tutol niya, reaksiyong alam kong gagawin ni nanay. "Pinag-hirapan mo itong itabi para sa kinabukasan mo at hinding-hindi ko magagawang kunin sa iyo 'yan, Karina." dagdag niya kasama na ng nagbabadyang pagtangis.

"Pera lang po 'yan, nay. Hindi muna ako papasok para sa susunod na school year para makapag-hanap ng pagiipunan." pigil-luha kong pinaluwagan ang loob niya at pinunasan ang mga luha na muling tumulo sa mga pisngi niya. "Mas gugustuhin ko pa iyon kesa makita kang nasasaktan kay tatay at piliting tumira pa sa parehing bubong kasama siya."

"Salamat, anak." Lahat ng pinigilan kong luha kanina ay nagsi-unahan nang tumulo nang muli akong ipasok ni nanay sa komportable niyang yakap. "Maraming salamat."

"Pasensiya na kung hindi ko maibigay sa iyo ang lahat anak, minsan ay kulang pa pero pangako ni nanay na magdodoble kayod ako para makabalik ka sa pag-aaral at bigyan ka ng mas maayos na buhay."

Maraming minuto na nga ang nakalipas at nahimasmasan na kami kaya nagpagdesisyunan na naming mag-ayos ng gamit para sa pag-alis namin kinabukasan saka natulog sa loob ng yakap ng isa't-isang parehong nasaktan, loob ng yakap na nagbigay ng pahinga mula sa pagod at sawin naming damdamin.

"ANAK!" napa-igtad akong nagising nang marinig ang kabado at tarantang pagsigaw ni nanay.

"Ano pong nangyari, nay?" tanong ko gamit ang baritono kong boses mula sa pagkagising habang sinusuportahan ang sarili ko para umupo.

Tinanggal ko muna ang puwing na namuo sa mga mata ko bago umayos ng pagharap kay nanay.

Hindi na siya nagsalita at nanginginig na lamang na itinaas ang alkansiyang sira-sira na at wala nang ni-isang kusing na laman.

Parang nakalimutan kong huminga nang makitang wala na lahat ng mga pinaghirapan ko.

Biglang namuo ang mas matinding galit at ganid sa kasuluk-sulukan ng puso ko nang makita ang pocket-knife na ginamit para panira ng alkansiya, naka-kalat lamang sa sahig.

Alam ko kung kanino iyon dahil ini-regalo ko 'yon sa kaniya at hindi man lang siya nag-abalang itago dahil sa kakapalan ng pagmumukha niya.

Nanggagalaiti akong tumayo at lumabas ng bahay para hanapin siya kung saang dako man siya nagpunta.

"Tay!"

Halo-halo ang nararamdaman ko pero ni isa ro'n, walang nakakapanlubag-loob. Lahat ng itinabi kong pera, pati ba naman iyon kukunin niya? 'yun na nga lang ang natitira sa amin ni nanay para sa mga susunod na linggo.

Mas kumirot ang puso ko nang makita ko siyang umiinom kasama ng parehong babae na kahalikan niya kahapon.

Namumula ang mga pisngi niya sa kalasingan habang kalat ang mga bote ng alak na nilagok niya ng kay aga.

Tumakbo ako sa kinaroroonan niya habang nakakuyom ang mga kamao na halos magdugo na ang mga palad dahil sa pagkakabaon ng mga kuko ko.

Sa sandaling nakalapit ako sa kanila ay walang-awa kong itinulak ang babae niya bago siya sinampal gamit ang buong lakas na naipon ko sa buong gabing pagtulog.

"Putangina kang bata ka ha!" bulyaw niya sa akin.

Lumaki ang mga mata niya sa galit bago tumakbo sa babae niya para tulungan siyang tumayo.

"Ako pa ang putangina, tay? Ako pa? Ako pa talaga?!" nanuya ako bago sumumbat sa bulok niyang pambubulyaw sa akin.

Nanginginig ang buong katawan ko sa galit.

Akala ko ay tapos na ang lahat ng sakit na ipaparamdam niya sa amin ni nanay kagabi, pero hindi pala.

Tanga-tanga ako dahil naisip ko pa 'yun.

"Hindi ka pa nakonsensiya, tay?!" sigaw ko kasabay ng agresibong pagpasada ko ng mga daliri sa aking buhok dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

"Nasaan po 'yun, tay?! Nasaan niyo pinunta lahat ng ipon na ilang taon kong pinaghirapan?!" dagdag ko.

Matapang ko siyang sinugod at sinubukang kapain ang mga bulsa ng amerikana pero tinulak niya lang ako sa lupa, sanhi para masugatan ang palad kong ginamit kong pang-suporta sa bumagsak kong katawan.

"Karina!"

Umalingawngaw ang boses ni nanay mula sa 'di kalayuan nang makita niya ang ginawa ni tatay sa akin.

Umiiyak siyang lumapit at alalang tinulingan ako para tumayong muli.

"Rualdo naman! Bakit mo naman nagawang saktan ang bata?! Baka nakakalimutan mong anak mo pa rin siya!"

"Gago kasi 'yang anak mo eh! Bigla-bigla na lang sumusugod!" depensa niya sa sarili.

"Paanong hindi ako susugod, tay?! Kinuha niyo po 'yung perang pinag-hirapan ko!" singit kong sigaw.

"Nasaan na po iyon, tay? Nasaan? Parang-awa niyo na po. Ilabas niyo na." pagmamaka-awa ko sa kaniya saka inabot ang kamay niya, kulang na lang ay luhod ako sa harapan niya at iparamdam sa kaniya na isa siyang diyos.

Wala na akong pakialam king pinagtitinginan na kami ng mga kapitbahay sahil sa iskandalong sinimulan ko.

"Putangina! Wala na!" saad niya bago iwinaksi ang kamay ko mula sa kaniya.

"Paanong wala na, tay?! Meron pa naman po 'yun kagabi eh!" hagulgol ko kasabay ng unti-unti pagpukaw ng pag-asang meron ako.

"Wala nga eh! Kahit sumuksok ka pa sa lahat ng bulsa ko, wala na!" pagpupumilit nito. "Tutal, lalayas na kayo sa pamamahay ko, isipin niyo na lang na iyon ang bayad ng pakikitira ninyo!"

Wala na!

Tuloy nang nadurog ang pag-asa ko at nanghihina na rin ang mga tuhod ko, hindi lang sa pagkuha ni tatay ng pera ko kundi pati na rin sa pagpapakita niya ng kawalan ng konsensiya at kahihiyan.

"Tay naman! Pinambayad mo po ba ulit sa mga bisyo mo?! Pinaghirapan ko 'yun, tay! Hindi na ba kayo nahiya?! Hindi niyp man lang ba sumagi sa isip ninyo na ilang taong itinago at inipon ng anak niyo 'yun para sa pagaaral niya sana?!"

Hinahagod ni nanay ang likod ko pero hindi sapat iyon para pagaanin ang sakit na nararamdaman ko.

Pinili kong isakripisyo ang pag-aaral ko para lang may magamit kami ni nanay na pera pero hindi man lang iyon inisip at ikinonsidera ng tatay ko.

Ang sakit!

Sobrang sakit!

Biglang umalis si nanay sa tabi ko at nangga-galaiting lumapit kay tatay saka niya idinapo ang palad sa pisngi ni tatay para naman magising ito ng kaunti mula sa kawalan ng muwang na dulot ng kalasingan.

"Walang hiya ka! Wala na akong pakialam kung magtanan at ibubong mo 'yang kabit mo pero bakit hindi mo man lang naisip ang anak mo?! Gago ka talaga! Sana'y mas maaga akong nagising mula sa walang kahihiyan at kagaguhan mo! Magsama kayo ng kabit mo!"

Gigil na bumalik si nanay sa akin at inalalayan pauwi habang galit na nakahawak si tatay sa pisngi niyang mas pinapula pa ng sampal ni nanay.

Malandi naman siyang nilambing at pinakalma ng kabit niya.

Nakakahiya't nakakadiri silang pareho. Alam nilang pamilyado na si tatay pero pinili pa rin nilang maglandian na parang mga batang walang responsibilidad.

"Sige, tay. Hayaan niyo na ang perang ninakaw niyo sa akin basta't ito ang itatak mo sa utak mong walang ibang inisip kundi mambabae at uminom. Nakakasuklam at nakakasuka kayo! Bagay nga kayong dalawa. Huwag na huwag ka nang magpapakita sa amin ni nanay matapos ang lahat ng ginawa mo. Gagawin ko ang lahat ng pwede kong gawin kung makita kong saktan mo ulit kami ni nanay."

Hindi ko pa hinintay ang isusumbat niya at tumalikod na saka lumakad papalayo nang may dala-dalang mabigat na damdamin.

"PASENSIYA na, anak. Kasalanan ko lahat kung bakit ng nangyari. Kung hindi ko sana ipinilit ang sarili ko sa tatay mo---"

"Nay. Hindi-hindi mo kasalanan ang nangyari. Ginusto mo lang naman ng kumpletong pamilya pero hindi iyon naibigay ni tatay dahil sa pagiging makasarili niya. hindi mo pakana kung gago si tatay. Ang mabuti pa ay tapusin na lang po natin ang pagiimpake para mabilis na tayong makaalis dito."

"Pero saan tayo tutuloy, anak? Wala na tayong kapera-pera." Nakayukong pagaalala ni nanay.

"Utang muna ho ang renta natin, nay. Tutulungan kita. Maghahanap po ako ng trabaho para makatulong sa gastusin."

Mabigat man sa loob kong tumigil ng pag-aaral lalo na't napunta ang pinag-hirapan ko sa kasakiman ni tatay pero kailangan ko namang pansamantalang limutin ang sakit para sa amin ni nanay.

Gusto ko siyang tulungan.

"Hindi ko ginusto at kailanman hindi ko gugustuhing matitigil ka sa pag-aaral, anak, pero salamat sa pagsa-sakripisyo mo. Pangako ni nanay na magdodoble kayod ako para matustusan ang pangangailangan natin at para makapagpatuloy ka sa eskwela."

Tumango na lang ako at pumilit ng ngiti para pagaanin ang loob ni nanay. 

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

3.7M 154K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
677K 56.9K 32
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
2.8M 32.9K 11
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
333K 38.2K 26
"𝒚𝒐𝒖 𝒄𝒐𝒖𝒍𝒅 𝒃𝒓𝒆𝒂𝒌 𝒎𝒚 𝒉𝒆𝒂𝒓𝒕 𝒊𝒏 𝒕𝒘𝒐 𝒃𝒖𝒕 𝒘𝒉𝒆𝒏 𝒊𝒕 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒔, 𝒊𝒕 𝒃𝒆𝒂𝒕𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖" ...