ALICE { o n g o i n g ...}

By purpleangel23

841K 12.2K 2K

A girl who stranded in the world of unknown; she will discover that this world was different from where she c... More

PROLOGUE
Chapter 1: It is still a Once upon a time
Chapter 2 : The Truth
Chapter 3 : Pagtakas
Chapter 4 : NO TRESPASSING
Chapter 5 : Where am I
Chapter 6 : Helping hand
Chapter 7 : What?
Chapter 8 : Dark Spell
Chapter 9 : Sha magic...
Chapter 10 : Metru Nui
Chapter 11 : Waiting for you
Chapter 12 : Omegas
Chapter 13 : Leprechaun
Chapter 14 : Blood
Chapter 15 : Fairies
Chapter 16 : Sphinx
Chapter 17 : Nokama
Chapter 18 : Counting Dance
Chapter 19 : Hurts
Chapter 20 : Dark Cave
Chapter 21 : Morbuzakh
Chapter 22 : Water Sprite
Chapter 23 : Invisible Cloth
Chapter 24 : Nightmare Jar
Chapter 25 : Little Punishment
Chapter 26 : Telepathy
Chapter 28 : Crystal Eye
Chapter 29 : Cyclops
Chapter 30 : Sylph
Chapter 31 : Jealous
Chapter 32 : Totema Famfight
Chapter 33 : Revenge of the Wolf Part 1
Chapter 34 : Revenge of the Wolf part 2
Chapter 35 : Revenge of the Wolf Part 3
Chapter 36 : Black Witch and the Labyrinth Mansion
Chapter 37 : Elitist (Grand Witch)
Chapter 38: Shadow Reaper
Chapter 39 : Cerberus
Chapter 40 : Red Mist
Chapter 41: Maiden Warriors and the Damah Desert
Chapter 42 : Cronos Game 1
Chapter 43 : Cronos Game 2
Chapter 44 : Cronos Game 3
Chapter 45 : Pegasus Necklace
Chapter 46 : Sanctuary Grave
Chapter 47 : Dim Ghost Ship
Chapter 48 : Nation of Spirits
Chapter 49 : Princess Morbuzakh
Chapter 50 : Gargoyles
Chapter 51 : Trust and Acceptance
Chapter 52 : No Mana Zone
Chapter 53 : Kitty Punch
Chapter 54 : I'm not yet ready
Chapter 55 : Mortal World
Chapter 56 : Steps to Hope
Chapter 57: Steps to Hope I
Chapter 58 : Steps to Hope II
CHAPTER 59 : STEP TO HOPE III

Chapter 27 : Goblin and Dark Raven

13.8K 156 16
By purpleangel23

CLYDE P.O.V.

Tumigil na si Alice sa kanyang pagiyak pero hindi parin humihinto ang pagluha ng kanyang mga mata. Kapag tinatanong ko kung ano ang mga pinakita ni Vhisola sa kanya, naririnig kong nagiiba ang tibok ng puso niya at lalo pa siyang lumuluha.

Sa tingin ko sa ibang araw ko nalang siya tatanungin tungkol dito. Sa araw na… kaya niya ng sabihin ang lahat.

Pagkalabas namin sa templo, nagtaka ako dahil ang bilis naman dumilim, hindi ko inaasahan na malapit na palang gumabi. Kailangan na namin bumalik sa kaharian ng Nokama.

Habang naglalakad kami papunta kung saan kami ibinaba ni Grego. Napansin kong malungkot pa din si Alice, walang imik at namumugto ang mga mata.

Tumingin ako sa paligid baka sakaling may bagay na magpapasaya sa kanya at hindi naman ako nabigo. Binili ko ang bagay na nakita ko at ibinigay sa kanya. “Ehem… sa tingin ko magugustuhan mo ito.”

Tinitigan niya yung bagay na binili ko at saka niya ito kinuha pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya dito.

Ang cute niya para siyang bata. Titigil na sa pagiyak at sasaya na kapag binigyan ng lollipop.

Pero… maya maya… napansin kong nagsisimula na naman siyang umiyak. Nagulat ako “Te-teka Alice… Ba-bakit ka na naman umiiyak, hi-hindi mo ba nagustuhan?” taranta kong sinabi sa kanya habang hawak ko ang mga balikat niya. Lintik! mas malala ang iyak niya ngayon kesa kanina. Napansin kong nakatingin sa amin yung mga dumadaan at umiiling sa akin.

Tsh! Putulin ko mga ulo niyo diyan! Wala akong ginawa dito!!

Nawala ang pagkataranta ko ng bigla niya akong niyakap. “Alice… Kung---” napatigil ako sa aking sasabihin dahil nakaramdam ako ng panganib. “Kailangan na natin umalis.”

Nagiba ang timpla ng kalangitan para bang may paparating na bagyo. Kahit ang mga tindero, tindera at mamimili sa Metru Nui nakaramdam din na may paparating na panganib, mabilis silang nagligpit at naglakad palayo.


“Clyde, bakit nagmamadali silang magligpit?” nagtatakang tanong ni Alice.


“Bilisan natin. Kailangan na nating puntahan si Grego at makaalis sa lugar na ito.”

Biglang sumigaw ang isang babae at turo turo ang langit. Pagkatingin ko sa langit. Nalintikan na! Isang kumpol na Dark Raven ang papunta sa Mertu Nui.

Hanggang sa sunod sunod ng nagsisigawan ang mga tao sa paligid dahil may mga Goblins ding umaatake habang ang mga Dark Raven naman kinuha nila ang mga nakikita nilang nagtatakbuhan pero bakit halos lahat ng kinukuha nila ay puro babae.

Inalayo ko agad si Alice sa mga Dark Raven at Goblins.


 “Clyde!! Ano nangyayari!!? Ano ang mga yan!!!?” takot na tanong sa akin ni Alice.


“Mga Goblins at mga Dark Raven. Kumapit ka lang sa akin huwag kang bibitaw.”

Ano meron at sumusugod sila?

Malapit na kami sa lugar kung nasaan si Grego pero sadyang maraming Goblins sa paligid. Napatigil kami sa pagtakbo ng may humarang na mga Goblins sa amin. Nakakaasar!!! Bakit ngayon pa!!

Pinalibutan kami ni Alice dahil doon unti unti ng lumabas aking pangil at humaba na din ang aking mga kuko.


“Waaaahhhh!!!!” nakita kong may kumakapit na isang Goblin kay Alice. Agad kong hinawakan ang ulo ng Goblin at tinaggal sa pagkakapit kay Alice.


“Bitaw!!!” Sa pagkabitaw ng Goblin ibinalibag ko ito sa lupa at saka ko ito inapakan sa ulo ng malakas. Huminto sila sa paglapit sa amin ng narinig nila ang butong tumunog sa kapwa nilang Goblin. Tinitigan ko sila ng masama “Huwag na huwag niyo siyang hahawan!!!”

======

ALICE P.O.V.

Nakakadiri ang mga itsura ng mga goblins na pumapalibot sa amin ni Clyde. Para silang mga malalaking palaka na may mga pangil.

Naramdaman kong may sumusundot sa binti ko. Pagkatingin ko yung Goblin may hawak na stick at ito ang ginagamit pangsundot sa binti ko. Waaaah!!!! Tinitignan ba nila kung may laman ako. Bigla ko sinipa yung Goblin.

Waaaahh!!! hindi ako masarap!! Chupy!! Chupy!! Waaah!! Ayoko sa inyo!!!

Nakarinig ako ng mga sigaw mula sa itaas. Nakita kong may mga bitbit na babae ang mga Dark Raven. Ano ba ang mga nangyayari at bakit kumukuha sila ng mga babae?

Nahagip ng tingin sa akin ang isang Dark Raven, lumipad siya papunta kung saan ako nakatayo. “Clyde!!!!” hindi ko naiwasang matakot at isagaw ang pangalan niya.

Nalaman ito agad ni Clyde at bago pa ako makuha ng Dark Raven ginamit ni Clyde ang kanyang mahahaba at matatalas na kuko para mapatay ito.

Sa pagpatay ng malaking ibon sumugod agad ang mga Goblins. Mabilis naman itong nilabanan ni Clyde, hindi ko nakita ang mga nangyari dahil sa bilis niyang kumilos. Nagkalat ang mga berdeng likido sa paligid. Kadiri!!!!! Dugo pala ito ng mga Goblins.


“Alice!! Tumakbo kana, hanapin mo si Grego!! Susunod ako sayo!!” sigaw sa akin ni Clyde.


“Pero Clyde!!! Ayoko!!! Hindi Pwede!!” nakita kong maraming paparating na goblins at sinugod agad si Clyde.  


“Sige na Alice!!!” galit na sigaw sa akin ni Clyde. Labag sa loob ko pero sinunod ko pa rin ang sinabi niya.

Nakikita ko na si Grego at kahit siya inaatake ng mga Goblins. Habang tumatakbo ako papalapit sa kanya hindi ko inasahang may makakabunggo ako.

Nadapa kami parehas at napasubsob sa lupa. Nakita kong may paparating na isang Goblin kung saan lumabas yung nakabunggo ko. Agad ko itong hinawi at tumilapon naman ito sa mga wood barrel.


“Arrgh!!!” nakaramdam ako ng hapdi sa aking kamay. Nakarmot pala ako ng Goblin. Hinayaan ko lang ito at agad kong tinignan yung nakabunggo ko. “Miss ayos ka lang?” tumungo siya habang hawak hawak ang ulo niya.

Narinig kong bumabangon ulit ang Goblin sa mga nakatumbang barrel. “Miss tumayo kana bilis!!” Pero bago pa man siya bumangon bigla siyang hinawakan sa paa ng Goblin.

Hindi ako nagdalawang isip na sipain ito. Sa pagkakabitaw ng Goblin sa kanya hindi ko namalayan na may Dark Raven na papalapit sa aking harapan. Nakatayo lang ako at hindi alam ang gagawin.

Hanggang sa may taong nagiwas sa akin para hindi ako makuha ng Dark Raven at sabay kaming tumumba sa lupa. Pagkatingin ko, yung babae palang tinulungan at nabunggo ko kanina.

Pero sadyang napakabilis lumipad ng Dark Raven. Papalapit ulit ito sa amin at handa na kaming kunin ng mahahaba niyang mga kuko.

Narinig kong may binubulong yung babaeng katabi ko, takot na takot at mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang kwitas.

Sandali! Ito ang pangyayari na pinakita sa akin ni Vhisola.

 

Oh… deae in desuper lumen (Oh… Goddesses in the light above)

Mitte ad me vestri tutela cum amantia verba (Send me your protection with words of love)

Ades potestate uti in bonum (Lend me your power to use for good)

In tutela meipsum et ones amo (In protection myself and the ones I love)

Ita ut fiat (As I will so mote it be)

Timore nihil ad me. (With no harm come back to me.)

Gaya ng aking nakita umilaw ang kwintas. Nagulat nalang ako ng hindi makalapit sa amin yung Dark Raven na sumusugod sa amin kanina, para bang may barrier sa paligid namin.

Pero sadyang matigas ang malaking ibon, walang tigil parin ang Dark Raven sa pagwasak sa barrier at marami pang mga Goblins ang tumungo sa amin.  Sa sobrang takot ng babae hindi niya naiwasang mapayakap sa akin.

Napansin kong papunta sa amin ang lahat na lumilipad na Dark Raven dahil sa agaw pansin na liwanag na bumabalot sa amin.

Sa mga pinakita sa akin ni Vhisola hindi ko makakailang isipin na siya ang prinsesa, pero kailangan ko pa rin masiguro na siya nga ang prinsesa. Sa ngayon kailangan ko siyang protektahan at hindi makuha ng mga Dark Raven.

Pinalilibutan na kami ng mga Dark Raven at Goblins, pilit nilang sinisira ang barrier. Sa lakas at tulong tulong nilang paggiba ng barrier nagkaroon na ito ng marka. Konting giba nalang nila mawawasak na tuluyan ang barrier.

Hanggang sa nakarinig ako ng ungol ng isang aso para bang ungol na lumalaban. Pagkatingin ko sa labas ng barrier may isang lobo na isa isang nilalaban ang mga Dark Raven at Goblins.


“Luke!!!” sigaw ng babaeng katabi ko.

Biglang nabasag ang barrier at sa lakas ng pwersang bumalot, napahiga kami sa lupa. Hindi ko inaasahan na mahablot ako sa paa ng isang Dark Raven. “Waaaahhh!!!” buti nalang nahawakan ako agad ng babae sa aking kamay. Nang umaangat din siya kinagat naman ng lobo ang robe ng babae.


“Huwag kang bibitaw!!!” sigaw niya sa akin.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya pero sandyang malakas ang Dark Raven at tuluyan ko na siyang nabitawan. Palayo ng palayo na ako sa kanya, balak nila akong iligtas pero sinalubong din sila ng isa pang Dark Raven at mga Goblins.

Ginawa ko na ang lahat para makaalis sa pagkakahawak sa akin ng Dark Raven, sinisipa ko ito pero walang epekto. Natatakot na ako dahil pataas na ng pataas ang paglipad ng malaking ibon. Katapusan ko na!!! Kakainin na nila ako!!! Waaahhh!! Ayoko!!! Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak sa akin ng Dark Raven.

Nagulat ako ng sumigaw ng malakas ang Dark Raven. Pagkatingin ko dito, nakita kong may tumamang liwanag sa leeg ng Dark Raven, huminto na siya sa paglipad at unti unti na kaming bumabagsak sa lupa.


“Waaaaaahhhh!!!!” palapit na palapit na ako sa lupa. Diyos ko!!! Hindi pa ba tapos sa ganitong parusa!!!   

Hanggang sa may sumalo sa akin. “Sorry Alice, hindi ako agad nakasunod sayo.” Pagkatingin ko si Clyde. Ngumiti siya sa akin “Mukhang sanay ka na.” Alam ko ang ibig niyang sabihin at hindi ko talaga maiwasang maiyak sa nangyari. Nakita ko si Grego at isinakay niya ako sa kanya. “Dito ka muna kay Grego.” Tumungo ako sa kanya at saka siya umalis.   


“Ayos ka lang ba Alice?” Napatingin ako sa nagtanong sa akin.


“Montblanc!!! Panung---” napatigil ako sa sasabihin ng ginamit niya ang wand niya pangtira sa paparating na Goblin.


“Nabalitaan namin ang nangyari sa Metru Nui. Kaya pumunta agad kami nila Third Prince”

Hinanap ko agad si Prince Azera nakita ko siya nakikipaglaban sa mga Goblins at meron siyang mga kasamang may hawak na nagliliwanag na pana. Sila pala ang pumapana sa mga lumilipad na Dark Raven at merong sumasalo sa mga nalalaglag na babae.

Tumingin sa gawi ko si Prince Azera nagulat nalang ako ng naglagay siya ng water barrier sa paligid namin ni Grego at Montblanc.

Habang nakatitig ako kay Prince Azera, bigla ako nahilo at dumilim ang paningin. Hindi ko naiwasang mahulog sa pagkakasakay kay Grego.


“Alice!! ano nangyari!!” narinig ko angboses ni Prince Azera. *blur*


*blur* “Bakit hindi mo sa akin sinabi!!” boses naman ni Montblanc ang naririnig ko. *blur* “may sugat siya Third Prince galing sa Goblin” *blur*

At tuluyan na ako nawalan ng malay.  



++++++

Sana magustuhan niyo.. hihihihi...

Salamat po ng madame sa pagbabasa at pagsupport sa Alice...

labs...labs...labs...

COMMENT/ VOTE po kayo...

Godbless!!! Have a nice day!!! ^__^V 

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...