Isla Fontana Series #4: Ruthl...

By RosasVhiie

768K 27K 3.3K

Title: Ruthless Slave (Isla Fontana Series 4th Installment) Genre: Romance, Erotica, Drama, Violence, Mature... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1 (Slave)
Chapter 2 (Borrow)
Chapter 3 (Touch Me)
Chapter 5 (Calm)
Chapter 6 (Blood)
Chapter 7 (Dangerous)
Chapter 8 (Enchanted)
Chapter 9 (Scared)
Chapter 10 (Knives)
Chapter 11 (Flesh and Blood)
Chapter 12 (Belt)
Chapter 13 (Fall In Love)
Chapter 14 (Creepy)
Chapter 15 (Don't Look Back)
Chapter 16 (Break Up)
Chapter 17 (Tears)
Chapter 18 (Jealousy)
Chapter 19 (Regret)
Chapter 20 (Surrender)
Chapter 21 (One and Only Dream)
Chapter 22 (Fight With Her)
Chapter 23 (Basement)
Chapter 24 (The World is Too Cruel)
Chapter 25 (Savior and Salvation)
Chapter 26 (Promise)
Chapter 27 (Heavy Rain)
Chapter 28 (Tame the Beast)
Chapter 29 (Invade)
Chapter 30 (Healed)
Chapter 31 (Don't Go Home)
Chapter 32 (Give Up)
Chapter 33 (Stay By Your Side)
Chapter 34 (Save Me)
Chapter 35 (You're Not The Devil)
Chapter 36 (Buried)
Chapter 37 (Broken Pieces)
Chapter 38 (His Own Flesh and Blood)
Chapter 39 (Warmth, Care, Protection, and Love)
Chapter 40 (You Deserve So Much Better)
Chapter 41 (Destiny)
Chapter 42 (Warm Heart)
Chapter 43 (Love Wins. Love Is Powerful)
Chapter 44 (Passed Out)
Epilogue

Chapter 4 (Scar)

24.5K 792 70
By RosasVhiie

CHAPTER 4

MULING umangat ang katawan niya sa muling paggalaw ng daliri ng lalaking nasa harapan niya ngayon. Titig na titig siya sa binata na ngayon ay madilim at seryoso ang guwapong mukha.

Sa nanunubig na mga mata ay sinapo niya ang mukha nito. Hindi niya matanggap na nagkakaganito siya ngayon. Hindi siya ganito noon. Isa lamang siyang simpleng babae na namumuhay ng tahimik at payapa sa isla noon. Pero ang lahat ay nagbago mula nang mangyari sa kaniya ang madilim na parte ng nakaraan.

Ano kaya ang tingin ng lalaking ito sa kaniya ngayon? Nandidiri ba ito? Malamang oo, dahil kahit siya ay nandidiri sa sarili.

Gusto niyang itigil ng binata ang ginagawa nito sa kaniya. Iyon ang sinisigaw ng isip at puso niya. Hindi niya ito gusto. Pero hindi niya ma-kontrol ang kagustuhan ng sariling katawan. Hindi niya kayang kontrolin ang sarili.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. Sa paghikbi niya ay kusang tumigil ang binata at tumitig sa mukha niya.

Nakita niya ang pag-igting ng panga nito kasabay ng paghugot ng daliri sa loob niya.

"Don't cry like I was the one who forced you on this, woman," anito sa magaspang na boses.

Hindi siya umimik. Muling tumitig ang binata sa kaniya at bumuka ang bibig para magsalita pero muli ring itinikom na tila nagbago ang isip. Marahas itong napabuntong-hininga at kapagkuwan inayos ang suot niya.

Magaspang ang kilos nito, walang halong pag-iingat at halatang hindi maginoo pero tinulungan pa rin siya nitong ayusin ang suot niya at tinulungan din siyang bumangon at itinayo.

Kaagad din siyang binitiwan ng binata na tila ba ayaw na siya nitong hawakan.

Napayakap siya sa sarili at hindi alam kung ano ang sasabihin. Nahihiya siya sa ginawa niya at maging sa nasaksihan nito. Ilang beses na nga ba siyang nasaksihan ng binata sa mga nakakahiyang eksena?

"H-Hunter, ahm...pasen—"

"Shut up," supladong putol nito sa sasabihin niya.

Naikagat niya ang ibabang labi.

"And stop doing that," mariing sabi nito na habang salubong ang kilay na nakatingin sa kaniya.

Hindi makapaniwalang sinalubong niya ang tingin ng binata. Mukhang masama ang timpla nito. Dahil hindi na niya alam kung ano ang sasabihin ay muli na naman niyang kinagat ang ibabang labi.

Marahas itong napabuntong-hininga at nang hindi makuntento ay mariing napamura. Anong problema nito? Halata ang pagiging iritado ng binata. Galit ba ito?

"Ayos na ang pakiramdam mo?" Ilang sandali lang ay nagtanong ito pero hindi na nakatingin sa kaniya.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Sa hindi malamang kadahilanan at sa kauna-unahang pagkakataon ay bumuti ang pakiramdam niya ng hindi niya namamalayan. Noon, kapag inaatake siya, ilang oras niya iyong iniinda na halos ikabaliw niya.

Kahit hindi nakatingin si Hunter ay tumango siya.

"Kailan ka pa nagkaroon ng gan'yang sakit?" Muli ay tanong nito.

Natigilan siya at naramdaman ang panginginig ng mga kamay. Nakita niyang bumaba ang tingin ni Hunter sa kamay niya at kapagkuwan ay tumingin sa mukha niya.

"It's okay if you don't want to answer me," anito habang nakatitig sa mga mata niya.

Nang muli niyang kinagat ang ibabang labi ay awtomatiko itong nag-iwas ng tingin.

"Uwi na tayo," anito at nauna nang naglakad patungo sa bangka.

"Hunter," tawag niya sa binata.

Tumigil ito sa paglalakad at nilingon siya.

"What?"

Salubong na naman ang kilay nito. Napatitig naman siya sa binata. Suplado ito, hindi maginoo at misteryoso pero nakakatawang isipin na bumagay iyon sa binata. Nakakaintriga ang personalidad ni Hunter pero aaminin niyang isa iyong malaking atraskyon sa kahit na sinong babae.

"Bakit hindi mo tinatago sa akin ang totoo mong pagkatao?" mahinang tanong niya.

Tumitig ito sa mga mata niya.

"Kilala mo na ako, so what's the use of hiding it from you?" tugon nito.

"Paano kung sasabihin ko ito sa iba?" tanong niya.

Natigilan ito at kapagkuwan ay ngumisi. Napaatras siya nang humakbang ang binata patungo sa kinaroroonan niya.

"What if I tell them your condition? Should I tell them that you're sick and seeking my help, wanting me to have sex with you?"

Napasinghap siya sa narinig. Takot na hinawakan niya ang laylayan ng damit nito.

"H-Huwag, pakiusap..." kaagad na pakiusap niya.

Ramdam niya ang pamumutla sa takot na malaman ng mga tao, lalong-lalo na ng lola niya, ang kondisyong meron siya ngayon. Ayaw niyang malaman ito ng lola niya. Ang lola niya ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay niya. Ayaw niya itong makitang nasasaktan dahil sa sakit niya.

Maluha-luhang tiningnan niya si Hunter sa mga mata. Kahit hindi pa niya ito lubos na kilala, alam niya at ramdam niyang hindi ito nagbibiro.

Umangat ang sulok ng labi nito sabay hapit sa beywang niya. Napakalapit ng mukha nito sa mukha niya. Pigil na pigil niya ang hininga kasabay ng mabilis na kabog ng puso.

"Hindi mo ako mahahawakan sa leeg. I could see that you're smart, Miss Seiranel. You even understand my words and my language. Kung inaakala mong hawak mo na ako sa leeg dahil pumayag akong ipahiram ang katawan ko sa'yo, nagkakamali ka," anito sa mariing boses at marahas siyang binitiwan na halos ikawala niya ng balanse.

Mabilis niyang naibalanse ang sarili at sinamaan ito ng tingin. Ngumisi lang ito sabay talikod.

Napabuntong-hininga siya at sinundan ito. Nakabalik sila sa isla na hindi na nag-uusap pa. Halos hindi na siya nito tinitingnan. Ni hindi na nga siya nito tinulungan na makababa sa bangka. Dire-diretso lang itong bumaba, ni ayaw siyang sulyapan.

"Suplado. Bastos. Walang modo," mahinang bulong niya habang bumababa mula sa bangka.

"I can hear you," anito.

Nakasimangot na tinalikuran niya ito.

"May ideya ako kung anong klaseng sakit meron ka. Pina-doktor mo na ba 'yan?"

Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang sinabi nito. Lumingon siya sa binata at tumango.

"Kaya nakakabili ako ng gamot ko," aniya.

"Regular ka bang pumupunta sa doktor mo?" Muling tanong nito.

Hindi siya nakasagot kaagad. Kinagat niya ang ibabang labi.

"Hindi. Nasa Maynila ang doktor ko. Isang beses lang akong pumunta roon para ipatingin ang kondisyon ko," aniya at tuluyan na itong tinalikuran.

Kinagabihan ay pumunta siya sa lugar kung saan ay naging paborito na niyang tambayan tuwing gabi. Sumandal siya sa batuhan at tumingala sa kalangitan.

Inangat niya ang dalang bote ng gamot at tinitigan iyong mabuti mula sa liwanag ng buwan. Ilang taon na siyang umaasa sa gamot na ito pero hindi pa rin sapat para tuluyan siyang gumaling.

Gusto siyang ipagamot ng mas maayos ng ate Kathy niya pero ayaw niyang gastusin nito ang pinaghirapan nitong ipunin. Alam niyang hindi lang siya ang nagdurusa. Dalawa sila ng ate niya ang nagdusa mula sa nakaraan. Hangga't maaari, ayaw niyang ipakita sa nakakatandang kapatid na nanghihina siya. Gusto niyang ipakita na malakas siya. Gusto niyang ipakita na maayos lang ang kalagayan niya.

Napabuntong-hininga siya at nilapag sa maliit na bato ang bote ng gamot. Tumayo siya at dahan-dahang hinubad ang mga saplot. Bumagsak ang mga saplot niya sa buhanginan. Wala siyang tinirang saplot sa katawan.

Niyakap niya ang hubad na katawan. Kahit malamig ay hindi niya alintana. Kahit anong lamig ng paligid, wala iyong epekto sa nag-iinit niyang katawan.

Dahan-dahan siyang naglakad at nilubog ang sarili sa dagat. Unti-unti siyang napangiti at dahan-dahang lumangoy.

Maingat siyang lumingon sa taong nagmamay-ari ng anino na kanina pa niya napapansin.

"Gusto mo akong samahan?" balewalang tanong niya, diretsong tumingin sa kinaroroonan ng binata, walang pakialam kahit nakita siya nitong hubo't-hubad.

Mula sa liwanag ng buwan ay nakita niya itong ngumisi. Sumunod ang tingin niya bawat galaw ng binata. Mula sa pag-angat ng kamay nito para dalhin ang hawak na sigarilyo sa bibig hanggang sa pagbuga nito ng usok ng sigarilyo.

Napakaganda nitong pagmasdan sa ilalim ng maliwanag na buwan. Wala itong suot na saplot sa itaas kaya kitang-kita niya kung gaano ka-perpekto ang matipunong katawan.

May mahaba itong peklat sa katawan na tila napakatagal naghilom. Gaano kaya ito katagal nagtiis dulot ng mahabang peklat na iyon?

Hindi niya maalis ang tingin sa katawan ng binata. Ang katawan nito ay tila ay nakaranas ng kalupitan dahil hindi lang ang mahabang peklat na iyon ang napansin niya. Marami itong peklat sa katawan pero hindi nakabawas sa kaperpektuhan ng katawan ng binata.

Napakurap siya ng unti-unti itong naghubad. Gusto niyang tumalikod pero nagmistula siyang naging tuod. Sa harapan niya ay isang perpektong lalaki na nakatayo sa ilalim ng buwan. Isang lalaki na sa isang iglap lang ay tila mauubusan ka ng hininga sa isang hawak lang nito.

Napalunok siya at tumingin sa mga mata ng binata. Umangat ang sulok ng labi nito.

"Why? You're naked so I'm allowed to get naked as well, am I not?" anito habang nakangisi.

Unti-unti itong lumusong sa tubig at lumapit sa kinaroroonan niya. Halos ayaw niyang kumurap hanggang sa hinapit siya nito sa beywang. Titig na titig sila sa isa't-isa.

Unti-unti nitong nilapit ang labi sa labi niya. Iniiwasan ng binata na maglapat ang labi nilang dalawa habang nakangisi. Alam niyang nananadya ito.

Imbes na magpa-apekto sa temptasyong pinapakita ng binata ay tumuon ang pansin niya sa mahabang peklat sa katawan nito. Wala sa sariling hinahawakan niya iyon at marahang hinaplos.

Nanginginig ang mga kamay niya habang dinadama ang peklat na iyon. Tila bigla ay naramdaman niya ang sakit na dulot niyon. Namamangha siya sa peklat ng lalaking ito.

Nag-angat siya ng tingin sa binata at nahuli itong titig na titig sa kaniya. Nakikita niya mukha nito na tila nagulat ito sa ginawa niya.

Nang mapagtanto ang ginawa ay tila napasong nilayo niya ang kamay mula sa peklat ng binata pero mabilis siya nitong hinawakan sa pulsuhan.

Gulat niya itong tiningnan at napasinghap nang mariin siya nitong hinawakan sa panga. Madilim na ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.

"B-Bakit?" aniya na halos hindi makahinga dahil sa kaba.

Ano ba ang meron sa lalaking ito? Napaka-misteryoso ng buong pagkatao. Natatakot siya sa klase ng tingin na binibigay nito ngayon sa kaniya.

Ang kaba niya ay unti-unting napalitan ng pagtataka nang makitang pinagpapawisan ito. Mabilis niya itong sinapo sa mukha.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Nakikita niya kung paano nito hinahabol ang hininga kasabay ng marahas na pagbitaw ng binata sa panga niya. Mabilis nitong sinuntok ang sariling dibdib at tumalikod.

"Don't come near me!" anito sa malakas na boses.

"T-Teka lang. Mukhang hindi maganda ang lagay mo kaya gusto kong tingnan kung maayos ka at—"

"I'm okay. Just don't come near me," anito at naglakad papalayo sa kaniya.

Nang masiguradong malayo na ito sa kaniya ay doon siya nito nilingon.

"Don't touch my scar next time, I might kill you, woman," anito sa madilim na mukha at tuluyan nang umahon.

Iniwan siya nitong nakatulala at punong-puno ng katanungan sa isip.

To be continued...

A/N: I'm back with my daily updates. Sana mapanindigan. Hihi. Labyuuu and I miss you guys!😘 Hope everyone are safe and healthy.

HAPPY NEW YEAR! HAPPY NEW STORY!💛

Continue Reading

You'll Also Like

97K 4K 64
༆᯾𑁍 𝐃𝐨π₯π₯, "Yeah, You Bleed Just To Know You're Alive." In which The Winter Soldier and Struckers Number One Pupil or more co...
Mystique Flower By shy

General Fiction

17.1K 1K 23
Fascination Series 2nd installment. Can you handle her thorns and poison?
10.2K 417 30
love letter series #1 | Dokyeom "pretty face, flawless skin soon they will fade but not my love for you" ⚠ U N E D I T E D
4.8K 235 10
Luke is a Lab Child in the interstellar world but was killed because his life support was taken away and was accidentally crushed so he transmigrated...