Lucresia: We All Lie

By caxeia

6.6K 107 22

Republished: February 9, 2022 | January 18, 2024 End: March 18, 2022 Taglish Story of Astrid and Pierre. A... More

MAKE READING A HOBBY!
Prologue
1 - Home
2 - Background
3 - Gray
4 - Piton
5 - Drunk Party
6 - Jail
8 - Pierre
9 - Unknown Number
10 - Sick
11 - Camping
12 - Felix

7 - Picture

153 7 0
By caxeia


Astrid's POV


Minulat ko ang mga mata ko at malabong likod ng lalaki ang nakita ko. Tumalon sya sa bintana at saktong pumasok si lola.


"ASTRID?! YOU'RE AWAKE? THANK GOD YOU'RE AWAKE! DOCTOR! CALL THE DOCTOR!" napairap nalang ako ng marinig ang malakas na boses ni lola na parang nakalunok ng microphone.


Agad syang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko "Are you fine? May nararamdaman ka bang masakit?" inalis ko ang pagkaka- hawak nya sa kamay ko at umupo sa kama.


Naramdaman ko ang sakit sa may dibdib pero binalewala ko iyon at tumayo.


"Where are you going?!" nagaalalang tanong ni lola at hindi ko lang sya pinansin.


Hinanap ko sa cabinet ang damit ko pero napakunot ang noo ko at may nakitang isang plastik. Kinuha ko iyon at hindi na pinakita kay lola saka kinuha ang bag.


"You're not healed yet!" saad pa lola pero wala na syang nagawa nang pumasok ako sa banyo at nilock iyon para makapagbihis.


Napangiwi ako sa sakit ng itaas ko ang kaliwang kamay pero nasuot ko yung fitted red na shirt at black pants saka sneakers. Pagkalabas ko ay nando'n na ang doktor.

"Hindi pa ho kayo pwedeng umuwi mahal na Prinsesa" tinanguan ko lang sya at naglakad papunta sa pinto.


"The General was here before he died, right?" saad ko na kinagulat ni lola.


"H-how did you--"


"So do you think I'm safe here?" masungit kong saad at naglakad na.


Nagulat ang mga kawal at umakyat papunta sa rooftop kung saan nagaantay ang helicopter. Naiiling si Hendrix nang makita akong naglalakad palapit sa helicopter.


"So this is your plan for you to get out of jail?" sarkastikong saad nya at hindi na ako nagsalita dahil dumating na si lola.


Naguluhan pa sya nang makita si Hendrix at ang helicopter.


"How did you know that Hendrix is here?" tanong ni lola sakin at nagkibit balikat lang ako para wala na syang tanong.


Pinadalhan ko ng morse code si Hendrix kanina bago kumain kaya alam nya lahat. May tinurok din ako sakin na pampawala ng tibok ng puso para akalain nila na patay na talaga ako, iyon yung kinuha ko sa clinic kagabi.


Pagkababa ng helicopter ay naglakad na ako papasok ng palasyo.


"K-kumusta ka, Astrid?" nagalalang tanong ni Rachel pero nilagpasan ko lang sya.


Nakita ko naman si Aiden at inabot sakin ang phone ko at walang pakeng nilagpasan ako.


"A-ateee" naglakad pababa si Annalise at nginitian ko sya pero umiyak sya sa harap ko.


"The news said that you died" saad nya kaya lumapit ako at ginulo ang buhok nya.


"Hey, I'm alive. Come and hug me" saad ko at umiling sya.


"I might touch your wound" saad nya kaya napangiti ako at ako na ang yumakap sa kanya.


"I'll just take a rest okay?" saad ko at tumango sya kaya umakyat na ako sa kwarto.


["Glad that you're alive"] inirapan ko si Hunter at may tinype sa laptop.


"Secure her and her family" saad ko at napakunot ang noo nya.


["Isn't she's the one who stabbed you?"] tinanguan ko sya at sumandal sa headboard.


"The General asked her to kill me but she said she's more scared of me than the General so she helped me" saad ko at tumango naman sya.


"In exchange of a secure and good life for her family" dagdag ko pa.


"I heard that the General is talking to the person who ordered him to find someone to kill me inside of the jail. Find a person named Aristea"


["Masusunod boss"] saad nya at nawala na ang hologram nya.


Dahil sa pagkamatay ng General at dahil sa nangyari sakin ay pinatigil ng mga law makers ang parusa ko sa kulungan.


tok tok toook*


"Come in" saad ko.


"Naiah" napangiti ako nang pumasok sina lala at lolo.


"Lalaaaaa" agad ko syang niyakap at gano'n din si lolo.


"Kumusta ka apo? Nako! Magagalit sakin ang mama mo kapag nalaman nyang pumayag ang lolo mo na ipakulong ka. Ito kasing si Erwan! Iyon pa ang piniling parusa sayo!" natawa ako ng hinampas ni lala si lolo.


Kinindatan ko si lolo at tumango lang sya.


They are my mom's parents and the head of lawmakers.


"Nasa ibang bansa ako at sa balita ko pa nalaman na nasa kulungan ka! At ikaw na bata ka! Bakit pumayag ka pa? Iyan tuloy! Napahamak ka" nginitian ko si lala.


"My wound healed na po Lala at okay lang po iyon, diba ho kailangan parusahan kapag nagkasala?" sinamaan ko ng tingin si lolo nang makitang natatawa sya sa pagkukunwari ko.


"Hay nako talaga! O sya, maiwan ko muna kayo ng lolo mo. Pupuntahan ko lang ang iyong ama"


"Ang hari, Lala. I don't have a dad anymore" saad ko at napailing nalang sya saka hinawakan ang kamay ko.


"Hindi gusto ng mama mo na ganyan ang itrato mo sa iyong ama, apo" iniwasan kong umirap.


"Sigurado hong parehas kami ng pananaw ni mommy kapag nalaman nya ang ginawa ng hari sa pamilya namin" saad ko pa at napailing nalang si lala saka nagpaalam.


Pagkalabas ni lala ay agad akong pinitik ni lolo sa noo.


"Aray, Lolo!" angal ko habang hinihimas ang noo ko.


"Kung alam ko lang na mapapahamak ka sa kulungan, sana ay hindi na ako pumayag sa gusto mo" nginitian ko lang sya at tinaas ang kaliwang kamay ko.


"Okay na ho ako oh" saad ko pa at napailing sya saka ginulo ang buhok ko.


"Magagalit ang mama mo kung buhay pa sya" napanguso nalang ako.


Nag-usap pa kami ni lolo saka sya umalis dahil kailangan daw syang kausapin ng hari at pupuntahan nya rin daw yung kapatid kong si Aiden.


Dalawang linggo na ang nakalipas nang masaksak ako. Magaling na ako pero hindi lang ako naglalalabas labas para kunwari ay malala pa yung sugat ko. Baka pabalikin pa ako sa kulungan e.


"Pasok" saad ko ng may kumatok sa kwarto ko.


"Mahal na Prinsesa, pinapadala ho ng hari" kinuha ko ang files kay Malcolm at lumabas na sya.


Tinignan ko ang laman at napairap nalang ng makita kung ano 'yon... Ang isa pang parusa.


Naligo ako at nagsuot ng simpleng black cropped racer top, jeans at sneakers. Nagmessy bun lang ako at nilagay ko rin sa tote bag ang laptop pati yung mga documents saka lumabas ng kwarto.


Kakaalis lang nina Lala nang lumabas ako ng kwarto.


"Astrid, where are you going?" tanong ng hari. Ngayon lang kasi ako lumabas ng kwarto at hindi rin ako nasabay sa pagkain nila. Tuwing gabi ako nalabas at hindi nila napapansin dahil sa bintana ako nadaan.


"Somewhere" maikli kong saad at lumabas na saka nagdrive sa pinakamalapit na coffee shop.


Napahinto ang mga tao nang makita ako at masungit na tingin lang ang dinapo ko sa kanila. Naglakad ako sa cashier mismo at hindi na pumila.


"Caramel macchiato and cinnamon bread" nagbayad na ako at naglakad para pumili ng upuan.


Napangisi ako nang makitang tumayo ang mga tao at hinanda na ang mga gamit kung sakaling gusto kong umupo sa upuan nila.


Wala ako sa mood na mang-away kaya umupo na ako sa sulok at nilabas ang laptop ko pati yung mga documents.


Medyo marami ang gagawin ko dahil bukod sa pageenroll ay irerevise at iaapprove ko ang mga activities na mangyayari sa Royal University.


Alam ng hari at ni lola na kapag hindi ko nagustohan ang mga mangyayari sa school ay gagawa ako ng kalokohan kaya siguro nila binigay sakin 'tong gawain na 'to pero gusto ko lang ding makalabas ng palasyo kaya pumunta ako rito.

 

"Here's your order Princess Astrid" hindi ko pinansin ang babae at nagfocus lang sa ginagawa. Nagfocus ako sa pagla-laptop nang may naglapag ng isang baso ng kape at umupo sa harap ko.



"Do you want me to end your life?" masungit kong saad at dahan dahang tinaas ang tingin sa kanya.


"OH MY! TITA ELLAINE!" agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya.


"No wonder why this place is so quiet" napangiti ako sa sinabi ni Tita.


She's my mom's one and only best friend. One of the people that I trust the most.


"How long have you been here?" tanong ko sa kanya.


"I arrived yesterday and I was about to go to the palace to visit you but I saw you here" pinaupo ko sya sa harap ko at nagusap kami.


Tinitigan nya ako at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya pero ngumiti parin sya.


"You really look like your mom" napangiti ako at bumuntong hininga.


"Yeah that's why they also want me dead" saad ko at sumandal sa upuan.


"The person who's chasing you is the reason why you got stabbed?" tanong nya at tumango ako.


"Well, I already knew that I was going to stabbed that day but I want to make them feel the victory even just for a few hours so I let their plan go" sarkastikong saad ko at natawa sya.


"Do you want to use your card now?" tanong nya at umiling ako.


"There's a right time for that Tita" saad ko at tumango sya pero bigla syang naging seryoso.


"Your mom left me her things including her diary. I only tell you about this today because I know you can protect yourself now" napaawang ang labi ko sa nalaman.


"Can I get it?" tanong ko at tumango sya.


"Here" may inabot syang susi at napakunot ang noo ko.


"She knows that she might die sooner and the day before she died, she left me that thing and she told me that you know where to find the lock to that key" napakunot ang noo ko at tinitigan ang susi.


"I have her diary" napatingin ako kay Tita.


"But she told me that you can't get it easily. You have to work hard first before I give it to you" napangisi ako.


My mom always wants me to work hard before I get what I want.


"What is it?" tanong ko.


"Since your mom didn't tell me what challenge should I tell you to get the diary, I'll be the one that will make it, is it okay to you?" tumango ako.


"My nephew just arrived here last month from Knestiana. He doesn't have friends here and he's not that sociable person so I want you to be with him, be patient with him, be good to him for a month or two then I'll give you the diary" napataas ang kilay ko sa sinabi ni Tita.


Patient?! Good? With someone? That's not my thing. Goodness! Mas gusto ko pang makipagsaksakan sa mga tao kesa maging patient sa tao.


Nakita kong napangisi si Tita ng makita ang reaksyon.


"Is there no other way? I can fight, I can give you whatever you want but not that thing, tita" saad ko at umiling lang sya.


Napatitig ako saglit saka bumuntong hininga.


"Fine" napangisi si Tita at tumango.


Nagpaalam na sya dahil may mga gagawin pa raw sya pero may iniwan syang isang makapal na suitcase sakin.



Umuwi ako sa palasyo at dumiretsyo sa kwarto dala dala ang suitcase na binigay sakin ni Tita Ellaine.


May password iyon at napangiti nang bumukas iyon, pinagsama ko ang birthday ko at birthday ni Aiden. Unang bumungad sakin ang ID ni mommy.

"Agent Alani Vasquez. Code name: Hera" tinignan ko ang mukha ni mommy sa ID at napangiti.


Pinasadahan ng darili ko ang mukha nya sa ID "I miss you" saad ko at malungkot na ngumiti bago tinignan ang iba pa nyang gamit.



May mga gamit pang spy katulad ng laser pen, spy watch, throwing card knives, net gun, wallet lock pick at kung ano ano pa.

Inisa isa ko ang mga gamit habang tinitignan ang mga iyon hanggang sa yung suitcase nalang ang matira.


Ibabalik ko na sana lahat ng gamit pero hinaplos ko muna ang loob ng suitcase.


"Access accepted" nanlaki ang mga mata ko nang may isang part ang bumukas sa suitcase at may isang maliit na vault. Kinuha ko iyon at kinuha ang susi na bigay ni Tita Ellaine kanina saka pinasok sa maliit na vault.

Napaawang ang labi ko nang bumukas iyon pero isang picture frame lang ang nakita ko.

Nasa library sila ng palasyo at nakangiti sa camera. Dalawa lang sila ro'n. Ang hari at si mommy.

Pero napakunot ang noo ko...

"Why is there a big red letter x on mom's face?"

......













Continue Reading

You'll Also Like

23.4K 1.2K 172
These are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading...
78.7K 1.8K 138
an epistolary [PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE] completed Vermilion Series #1: Sparrow Vermilion Series# 2: I envy you Just a NOR...
286K 22.3K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
45.5K 1.7K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...