You Are My Destiny (PUBLISHE...

By AiaRev3use

8.8K 662 1K

He is a totally hardheaded, A pain in the ass. What he wants, he get. Panglimang lipat niya na sa ibang paar... More

SYNOPSIS
You Are My Destiny
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
EPILOGO
SPECIAL CHAPTER
YAMD BOOK

KABANATA 14

152 12 16
By AiaRev3use

[CHAPTER 14:]

'Rina Joy (RJ) P.O.V'

Gabi na at nakapalibot kami ngayon sa bone fire, grupo grupo kami. At aksidenteng nakatabi ko si Elias.

Tahimik lang akong nakatingin sa apoy habang ang mga kasama ko ay patuloy sa pagkwekwentuhan. Itong mga nakaraang araw pakiramdam ko ang laki ng ipinagbago ko, pero hindi ko alam kong ano yong nagbago sa akin.

Malalim akong napabuntong hinanga at nangalumbaba sa tuhod ko.

"Why are you wearing that feated shirt and three fourt short?" tanong ni Elias sa aking tabi, bahagya akong nagulat dahil ito ang kumausap sa akin ngunit nanatili parin akong sa pagkakapalumbaba sa aking tuhod.

"Ito ang nahugot ko sa damitan ko." walang buhay na boses kong sagot dito.

"Hindi bagay sayo." bakas ang inis sa boses ni Elias.

"At wala kang pake kung bagay ba sa akin o hindi." ismid ko

"Believe me hindi bagay sayo, so change it now." pageencourage nito sa akin. Inis ko itong hinarap.

"Ano bang problema mo sa suot ko huh? Eh ano naman ngayon kung hindi bagay sa akin, may angal ka?" inis na inis kong tanong.

"Oo meron, kaya magpalit kana." hindi man lang natinag kong gaano ako kainis.
"Bigyan mo ako ng isang dahilan para sundin kita Ramirez." nagtitimping sabi ko at tumingin sa kaniya. "At ano bang pake mo kong hindi sa akin bagay?"

'Third Person's P.O.V'


Elias hate it! When he see Rj wearing that feated shirt and three fourth short dahil kita ang hubog ng baywang ni Rj dahil sa suot nitong damit.

Akala ni Elias mataba ito, ngunit hindi dahil lang pala ito sa mga sinusuot nitong maluluwag na damit.

Mas ikinainis ni Elias ng makita niya ang ilang kapwa nila estudyante na lalaki na madalas tumingin kay Rj.

Kaya ngayon pinipilit niya ang dalagang magpalit. Ngunit sadyang matigas ang ulo nito, wala namang masama sa suot ni Rj pero para sa kaniya meron, naiinis siya ng makita kong paano tumingin ang ibang lalaki kay Rj.

Pumunta sa harapan ang isang teacher. "Nagenjoy ba kayong lahat sa ginawa nating team building kanina? Isang malakas namang Oh-Yes diyan!"

"OH-YES!" malakas na sigawan ng lahat.

"Bukas natin ipagpapatuloy ang mga activity na hindi natin natapos, Anyways I have a question for anyone, pipili lang ako ng ilan." sabi ng teacher at inilagay ang dalawang kamay sa baywang na para bang nag-iisip kong sino ang pipiliin niya para tanongin.

"You, Miss nakakulay blue na damit." sabi ng teacher sa isang nerd na babae, nahihiya naman itong tumayo.

"Yes Ma'am?" the nerd girl ask.

"What is the biggest mistake that you do in you're life?" the teacher ask the girl.

Natahimik naman ang babae tila nag-iisip ng isasagot. "My biggest mistake in my life when I hurt my parents. Hindi ko sila sinaktan physically but I hurt them emotionally. Nasaktan ko sila gamit ang mga salitang lumabas sa bibig ko at sinagot sagot ko sila. For me that was my biggest mistake that I do. Dahil hindi dapat natin sinagot sagot ang mga magulang natin kahit sa anong sitwasyon pa man yan."

Natahimik ang lahat sa sagot ng babae, marahil ang ilan ay natamaan sa sagot nito. At isa na sa mga natigilan ay si Elias, natamaan siya sa sinabi ng babae.

"Napakagandang sagot, Tama nga naman ang huli niyang sinabi. Hindi dapat sinasagot sagot ang mga magulang sa kahit ano pa man ang sitwasyong iyan." sang-ayon ng teacher.

"So next in line, pipili ulit ako at  magtatanong." inilibot ng teacher ang kaniyang paningin at huminto ito kay Rj.

"Ikaw Miss. I want to ask you, stand up." utos ng guro, tamad na tumayo si Rj at hinarap ang guro.

"Anong klaseng tanong?" tanong niya, sa sarili lang naman dapat niya yon sasabihin kaso napalakas lang ang boses. Well hindi niya na yon kasalanan. Napatikhim ang teacher at ngumiti sa kaniya mabuti nalang at mabait ito.

"What are you afraid of? Ano ang kinatatakutan mo?" tanong ng teacher sa kaniya.

Natahimik si Rj, Ano nga ba ang kinatatakutan niya? Ipis? Palaka? Gagamba? Pero bukod sa hayop ay may mas kinatatakutan pa siya.

"Being fragile." sagot niya akmang uupo na siya ng magsalita ang teacher.

"I'm not still done with my question. Give a explanation why are you afraid being fragile?" sabi ng teacher na ikinatayo niya ng tawid at lihim na umirap.

Ayaw na ayaw niyang magpaliwanag.

"Why I am afraid of being fragile? Because I am afraid of it. At sa akin nalang yon kung bakit." walang buhay na boses niyang sagot.

'I am afraid of being fragile because I know that it will be my down fall. Marupok ako at kung hindi ko yon pipigilan ako lang rin ang masasaktan sa huli and that is my down fall.' sabi niya sa kaniyang sarili, bakit naman niya sasabihin ang dahilan sa mga taong naririto.

"Okay I understand you Miss, masyadong personal siguro yon para sayo." sabi ng teacher at ngumiti sa kaniya. Naiirita siya kapag nginingitian siya, kaya hindi niya nalang ito pinansin at umupo nalang sa damuhan.

"You are rude." mahinang bulong ni Elias na pinariringgan siya.

"Nagsalita ang hindi rude." sarkastiko niyang niyang sabi dito.

"Alam kong ilugar yon." nainis si Elias.

"Ano yong nilalagyan mo ng lugar sa tuwing nagiging rude ka?" hindi nawawala ang sarkastiko sa boses ni Rj.

"Stop, I'm not playing with you." naiirita niyang sabi.

Tulog na ang lahat at nasa loob na sila ng kaniya kaniya nilang tent bawat grupo. Ngunit si Rj nanatili paring gising habang nakahiga sa tent katabi ang kaniyang mga kagrupo, medyo masikip ngunit kaya naman niya dahil sanay na siya.

Dahil tulog naman na ang lahat naisipan niyang niyang bumangon at lumabas ng tent, malamig kahit pa na ang suot na niya ay pajama at malaking damit nilalamig parin siya.

Isinuot niya ang kaniyang tsinelas at naglakad lakad balak niyang pumunta sa tambayan niya dito sa school, dahil sa tulong ng mga lights ng poste sa gilid at buwan at maging ang mga bituwin ay nakikita niya ang kaniyang daraanan.

Napabuntong hininga nalang siya ng makarating doon, tinanggal niya ang dahon na nakalagay sa malaking tipak ng bato at doon umupo.

Hindi kalakasan ang hangin ngunit sapat na iyon para maihangin ang mahaba at nakalugay niyang buhok.

Samantala hindi makatulog si Elias mula pa kanina dahil sa naging sagot ni Rj. Bakit naman ganoon nalang kung makasagot si Rj?

Napailing-iling siya na parang nasisiraan ng bait, palagi nalang laman ng isip niya ang dalaga. Simula noong makilala niya ito lagi na itong gumugulo sa isip niya at nakakakuha ng atensyon niya.

Isa pa sa ikinaiinis niya at isa sa dahilan kong bakit hindi siya makatulog ay ang mga lalaking katabi niya na ngayong natutulog na nagpa-paligsahan at palakasan ang mga ito nang paghilik.

Bumangon siya at lumabas ng tent. Wala siyang pakialam kong may makahuli sa kaniya basta gusto niyang lumabas, lalabas siya.

Gusto niyang pumunta sa tahimik na lugar dahil nairita ang tainga niya sa mga paghilik ng mga katabi niyang lalaki. Dahil tahimik na lugar ang gusto niya naisipan niyang puntahan ang pinupuntahan nila ni Rj.

Noong hindi niya ito pinapansin hindi rin siya pumupunta sa lugar na 'yon dahil alam niyang naroon rin ang dalaga.

Ngunit ngayon imposible naman yatang pumunta doon si Rj dahil gabing gabi na. Ngunit pagkarating niya roon ay nagulat siya. Naroon si Rj nakaupo sa malaking tipak ng bato sa kadalasang pwesto nito. Inihahangin ang itim at mahaba nitong buhok.

Akmang aatras na siya upang aalis ng lumingon si Rj sa kinaroroonan niya.

"I'm doom!" mahinang bulong niya sa sarili, nakita na siya ni Rj.

"Anong ginagawa mo rito?" salubong ang kilay na tanong ni Rj sa kaniya.

"I just want to go to peaceful place that's why I came here." sagot niya at naglakad papalapit dito.

"At bakit mo naisipang pumunta dito?" tanong ulit ni Rj habang nakatingin sa mga mata niya.

"Because it's peaceful here." sagot niya at umupo sa katabing malaking tipak ng bato na kinauupuan ni Rj. "I thought you're not here."

"Gusto ko rin sa tahimik na lugar kaya ako nandito." mahinang sabi ni Rj sapat para marinig niya.

"Hindi ka rin makatulog?" tanong ni Elias.

"Oo." tipid na sagot ni Rj dito. Napatango tango naman si Elias.

"You're answer lately looks like double hit, I mean meaning." sabi ni Elias at pinagkrus ang dalawang braso sa kaniyang dibdib.

"Oh ano naman ngayon?" walang buhay na boses na sagot ni Rj dito.

"Sinasabi ko lang." ismid naman niya dito.

Mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan nila ng basagin yon ni Elias.

"It's getting more late, let's go back to the camp." aniya at nangunang tumayo, sumunod namang tumayo si Rj.

Sabay silang naglakad pabalik ng camp sight. Mabuti naman at hindi sila nagtalo habang magkasama.

"Goodnight Rina." paalam ni Elias ng malapit na sila sa kaniya kaniyang tent.

"Goodnight Ramirez." tugon ni Rj.

Kinaumagahan lahat sila ay maagang nagising, paano ba namang hindi sila magigising sa lakas ng boses ng teacher na gumigising sa kanila ay daig pa ang lakas ng speaker.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
365K 24.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...