My Husband is Gay

By Jejelobsss

110K 4.6K 417

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 24

2K 98 2
By Jejelobsss

Chapter 24: Nag-iinit

(Meds spg haha)

Napahawak ako sa labi ko ng binitawan na niya ako. Sandali pa akong napatulala hanggang sa bumalik ako sa katinuan ng tumayo si Ay-Ay at naglakad papalayo sa’min. Napatingin ako sa kamay niyang nakakuyom. Napatayo ako bigla, lagot galit siya! Parang manununtok ang kamay niyang nakakuyom.

Sinundan ko siya hanggang sa napatigil siya sa paglalakad sa isang parte dito na madilim, napatigil din ako. Napaigta naman ako ng bigla niyang sipain ang buhangin at galit na sumigaw.

“B-Bakla...” nauutal na tawag ko.

Napatigil naman siya at napatingin sa’kin. Mabuti nalang ay may kunting liwanag kaya nakikita ko siya kaso ay napaiwas ako ng tingin dahil sa galit niyang mukha.

“Bakit ka sumunod?! Dun ka na sa Noel mo!” galit niyang sigaw sa’kin.

Napakagat naman ako ng labi at lumapit sa’kanya ng kunti.

“S-Sorry, hindi ko alam na gagawin niya yun.” napayuko naman ako.

“Pero hinalikan pa rin niya ang labi mo na pagmamay-ari ko! At talagang sa harap ko pa!” niluwagan niya ang neck tie niya at ginulo ang buhok bago tumingin sa’kin.

“Dun ka na! Ayaw kitang makita.” tinalikuran niya ako kaya uminit ang sulok ng mga mata ko.

Napayakap ako sa’kanya at naramdaman ko ang pagkagulat niya. Humikbi ako habang nakasubsob sa likod niya.

“S-Sorry na, please? Ayaw kong magalit ka sa’kin.” umiiyak na sabi ko sa’kanya.

Ayaw kong magalit siya sa’kin, hindi ko kaya na ganun siya. Tinanggal niya ang pagkakayakap sa’kin at humarap sa’kin.

“Arhg! Ano ba! Dapat galit ako ‘e!” naiinis niyang sigaw na ikinataka ko.

“Ano–” bago pa man matuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang hawakan ang pisngi ko at hinalikan.

Nagulat pa ako sa una pero sumabay din ako sa galaw ng labi niya. Nalalasahan ko ang alak na ininom niya kanina. Ang tamis.

Habol ang hininga namin ng bumitaw siya at hinila niya ako papalapit sa’kanya bago tinitingnan ng seryosong tingin.

“Subukan ulit niyang halikan ang labi mo dahil hindi ako magdadalawang isip na basagin ang mukha niya.” nag igting ang panga niya at humigpit ang pagkakapit sa bewang ko.

“H-Hindi ka na galit?” pagkukupirma ko pero ngumisi siya na ikinatayo ng balahibo ko.

“Sinong nagsabi na hindi na ako galit sayo? Wife, marupok ako pero galit pa rin ako. And because of that I’ll punish you really hard.”

“Ha? Pero hinalikan mo na ako.” napanguso naman ako.

“Ako lang kasi ang pwedeng humalik sayo kaya inalis ko ang king inang bakterya ng doctor na yun.”

Napasimangot ako, “W-What is your punishment to me?”

Ngumisi siya at nagkagat ng labi na ikinataka ko. Hinaplos niya ang buhok ko at tiningnan ako ng taimtim.

“You know, Wife. Kahit bakla ako ay kaya pa rin kitang buntisin.” paos niyang sabi na ikinataka ko, “Diba gusto mong magkaroon na ng baby?”

Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Gustong gusto ko ng magkaroon ng baby naming dalawa ‘e. Pero biglang nawala ang ngiti ko ng may maalala ako.

“Yes, kaso ay bawal pa daw mag-baby ang mga med student.” napayuko ako.

“What?” hindi makapaniwalang tanong niya kaya napaangat ako sa’kanya ng tingin at tumango tango.

“Bawal pa daw mag-baby ang mga med student.” pag-uulit ko.

“What?”

“Bawal pa daw–”

“Argh! Kainis!” sinabunutan niya ang buhok niya at tinalikuran niya ako.

Nagtaka naman ako sa inasta niya. Gustong gusto na din ba niyang mag-kababy kaya ganito siga naiinis? Atsaka paano nga ba gumawa ng baby? Sa pagkakaalam ko ay alam yun ng mga katulad kong med student ‘e, ako lang ata yung hindi. Try ko kayang magbasa ng libro ko sa pagdo-doctor.

“Bakla...” hinawakan ko siya sa braso pero nagulat nalang ako ng hawiin niya ito.

“Don’t touch me. Stay away from me.” nangunot ang noo ko lalo na nung paraan niya ng pagsasalita, mabibigat kasi ang pag hinga niya.

“Ano bang nangyayari sayo? Galit ka ba sa’kin kasi hindi muna ako pwedeng mag karoon ng baby?” takang tanong ko.

Humakbang ako papalapit sa’kanya pero mukhang naramdaman niyang papalapit ako kaya umatras din siya at tumingin sa’kin. Hindi maipinta ang mukha niya at may kung ano sa mga mata niya na hindi ko maintindihan.

“Hoy, bakla!” sigaw na tawag ko sa’kanya dahil tinitingnan niya lang ako.

“Damn, bakit ako nag-iinit? Tangina naman oh.” bulong niya pero rinig ko naman kaya mas lalo ko siyang hindi maintindihan.

“Ha? Na-iinit ka? May lagnat ka ba, Ay-Ay?” lumapit ako sa’kanya at kinapa ang noo niya.

Naestatwa naman siya ng hawakan ko ang noo niya. Ramdam ko pa din ang mabibigat niyang paghinga. May sakit ba ito? Pero habang kinakapa ko ang noo niya ay hindi naman mainit pero parang pinag papawisan siya. Ano bang nangyayari sa baklang ‘to?

Sinamaan ko ng tingin si Ay-Ay na nakatingin lang sa’kin.

“Hoy bakla, kapag hindi mo sinabi sa’kin kung anong nangyayari sayo, sasapakin talaga kita.” pagbabanta ko sa’kanya pero parang hindi man lang natakot.

“Nag-iinit ako.” parang wala sa sariling sabi niya.

“Ha?”

Nagulat nalang ako ng bigla niyang takpan ang mukha niya at tumili ng tumili na parang babae. Imbis na mainis ay natawa ako sa pag tili niya.

“Ah! Kailangan kong lumayo sayong impakta ka!” sigaw niya at tumakbo.

Nakatingin lang ako sa'kanya na tumatakbo papalayo sa’kin. Napakamot naman ako ng ulo ko. Bakit kailangan niyang lumayo sa’kin? Panget na ba ako? At yun na naman ang tawag niya sa’kin na impakta o impakteta. Dapat wife yun ‘e.

Lumipas ang ilang menuto ay napagdesisyunan ko ng pumunta sa hotel room ko. Nadaanan ko pa ang pwesto namin kanina ng mga pinsan ko at nila Ay-Ay pero wala na sila dun. Wala na ding apoy. Siguro ay natutulog na sila ngayon. Anong oras na din kasi ‘e. Gabing gabi na.

Mag-isa akong pumunta sa hotel room ko. Yung kasing asawa kong yun ay iniwan nalang ako bigla bigla. Hindi ko talaga maintindihan ang ilang mga ikinikilos niya ‘e. Nang makapasok ako sa room ko at naghalf bath muna ako. Pagkatapos kong magbihis ng silky night dress ay lumabas muna ako para pumunta sa kwarto ni Ay-Ay.

Hindi ko siya titigilan hanggat hindi niya sinasabi kong anong nangyayari sa’kanya. Katabi ko lang ang kwarto ni Ay-Ay kaya malapit lang ang lalakaran ko. Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot hanggang sa napatingin ako sa door knob.

Kumunot ang noo ko dahil hindi pala nakasara. Ang bobo mo talaga kahit kailan, Miracle. Katok ka ng katok pero bukas din naman pala. Pumasok ako sa room niya at isinara ang pinto. Katulad ko din ang kwarto niya, parang condo ‘e. Nilibot ko ang buong room pero wala siya kaya pumunta nalang ako sa kwarto niya.

Pagkapasok ko ay narinig ko ang lagaslas ng tubig kaya baka naliligo siya. Umupo muna ako sa kama at inilibot ko ang paningin ko buong kwarto habang dinuduyan ko ang mga paa ko. Napatigil lang ako ng bumukas ang pinto ng banyo kaya napatingin ako dun pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang hubad na katawan ni Ay-Ay.

Napatingin ako sa baba niya at mas lalong namilog ang mga mata ko.

“A-Ahas! Ah!” sumigaw ako ng malakas sa takot at tinakpan ko ang mukha ko.

“Potangina! Anong ginagawa mo dito?!” nagpapanic na sigaw ni Ay-Ay.

Idinilat ko naman ang mga mata ko at nakahinga ako ng maluwag dahil naka towel na siya sa pang-ibaba. Pero nasaan na yung ahas?

“B-Bakla, may ahas sa ibaba mo.” napatigil siya sa pag suot niya ng t-shirt at takang napatingin sa’kin.

“Ahas? Anong ahas? Wala naman ditong ahas?” kunot noong sabi niya.

“Meron! Nasa baba mo!” tinuro ko pa ang gitnang parte ng ibaba niya.

Napatingin naman si Ay-Ay dun sabay tingin sa’kin at biglang tumawa ng malakas na ikinataka ko. Kulang nalang ay gumapang siya sa sahig kakatawa ‘e.

“Omg! Ahas!” tumatawang sigaw niya.

Tiningnan ko lang siya at hinintay na matapos siya sa pagtawa niya. Napanguso nalang ako. Ano bang nakakatawa? Maya maya pa ay tumigil siya sa pag tawa at pinahiran niya ang mata niyang naiiyak na pala dahil sa kakatawa niya.

“This is my petchay, Wife. Hindi ahas.” natatawang sabi niya.

Napakamot ako ng pisngi. Ay yun ba yung petchay niya? Yun ba yung hinimas ko at biglang tumayo?

“Pero bakit hindi naman mukhang petchay? Mukha siyang hotdog at mukha ding ahas.” tumabingi pa ang ulo ko.

Namula bigla ang pisngi niya at tenga na ikinataka ko naman.

“Ewan ko sayo. Magdo-doctor ka ba talaga? Dapat ang katulad mong doctor ay alam kung anong ahas– este petchay ito.” tinuro pa talaga niya ang gitna niya na ikinatingin ko naman dun.

“Bakit kahit naka towel ka ay bumubukol pa rin? Para talagang hindi siya petchay ‘e. Ahas talaga siya.” napatakip ako ng bibig at namimilog ang mga matang napatingin kay Ay-Ay, “Makamandag ba yan, bakla?”

Napangisi siya, “Yes, gusto mo try natin?”

“Anong ita-try?”

Humakbang siya papalapit sa’kin at itinukod niya ang dalawang kamay niya sa gilid ng kama at inilapit ang mukha niya sa’kin kaya napa-usog ako ng kunti dahil ang lapit lapit ng mukha niya.

“Gusto mo bang i-try ang kamandag ng ahas ko.” napakagat siya ng labi.

Umiling iling naman ako, “Ayoko, mamatay lang ako.”

Mahina siyang napatawa, “Hindi ka mamatay. Masasaktan ka lang sa una pero masasarapan ka din.”

“Anong masasarapan? Duh, nakakamatay kaya yung ahas. Baka kung i-try natin ay bumulagta nalang ako dahil sa laki at kamandag ng ahas.” napairap naman ako.

Nagulat nalang ako ng bigla na naman siyang tumawa at napahiga sa kama habang hawak hawak ang tiyan niya.

“Oh god, papatayin mo ako sa ka-inosentehan mo.” natatawang sabi nito.

Napanguso naman ako, “Totoo naman kasi na nakakamatay ang ahas noe. Hindi ko nga alam kong bakit tumubo ang ahas sa ibaba mo ‘e.”

Narinig ko na naman ang pagtawa niya ng malakas at may pahampas hampas pa sa malambot na kama ‘e. Maya maya ay napatigil siya at naupo.

“Ok, seryoso na talaga ‘to.” pero tumatawa naman.

Pimalobo niya ang bibig niya at huminga ng malalim bago tumingin sa’kin. Namumula na ang mukha niya sa kakatawa.

“Why are you here pala?” takang tanong niya.

Dun ko lang naalala kong bakit ako nandito, “E kasi hindi ako makakatulog kapag hindi ko malaman kung anong nangyayari sayo kanina. Iniwan mo pa akong mag-isa dun.”

Natigilan siya pero napabuntung hininga din, “I’m sorry sa inasta ko kanina. Come here.”

Kahit nagtataka ay lumapit ako sa’kanya at bigla niya akong yinakap ng makalapit ako sa’kanya. Hinalikan niya ang buhok ko at hinaplos.

“Dito ka nalang matulog, please?” napangiti naman ako sa sinabi niya.

“Sige.”

Nagsuot muna siya ng boxer niya at tinabihan niya ako sa pagtulog. Niyakap niya ako at sumiksik sa leeg ko. Nakikiliti ako sa mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko. Hinawakan ko siya sa braso pero agad na nangunot ang noo ko ng ngayon ko lang naramdaman na sobrang init niya. Teka, ito ba yung sinasabi niyang nag-iinit siya? Pero kanina ay hindi naman siya mainit ‘a.

“Ay-Ay, nilalagnat ka.” nag-aalalang sabi ko.

“Hmm...” ungot niya lang.

Sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap niya pero sobrang higpit ng yakap niya sa’kin kaya hindi ako maka-alis.

“Ay-Ay, pakawalan mo ako. Kailangan kitang gamutin.”

“Ayoko, dito ka lang.” isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.

Sinubukan ko pa ring maka-alis sa pagkakayakap niya pero nagulat nalang ako bigla ng puma-ibabaw siya sa’kin. Parang may kung anong naglalagablab sa mata niya na siguro ay dala ng lagnat niya.

“Ay-Ay, umalis ka dyan. Gagamutin kita.” pero nakatingin lang siya sa’kin.

Itinulak ko siya pero ang lakas niya. Ramdam na ramdam ko din ang mabibigat na naman niyang paghinga. Napalunok ako habang nakatingin sa’kanya. Napasinghap nalang ako ng halikan niya ako ng madiin na parang sabik na sabik sa labi ko. Bahagya pa akong lumubog sa malambot na kama dahil sa ginagawa niya.

“Ay-Ay...” mahinang sabi ko ng maramdaman kong lumakbay ang kamay niya sa katawan ko pababa sa bewang ko.

Anong ginagawa niya? Gusto ko siyang itulak pero parang gusto ng katawan ko kong ano man ang ginagawa niyang ito.

Hinalikan niya ang panga ko pababa sa leeg ko na biglang ikinaungol ko kaya naman ay nagulat ako ng lumabas iyun sa bibig ko.

“B-Bakla, a-ano bang ginagawa mo?” kumawala na naman ang ungol sa bibig ko ng sipsipin niya ang leeg ko.

“Wife...” napatingin siya sa’kin at hinalikan na naman ang bibig ko na ikinapikit ko pero bigla siyang napatigil.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama kaya napadilat ako.

“Fuck, Fuck. Ano itong ginagawa ko?” bulong niya sa sarili niya at sinabunutan ang buhok niya.

Napaupo din ako at tumingin sa’kanya, “Ay-Ay...”

Napatigil siya at napatingin sa’kin. Bigla nalang niya akong niyakap.

“I’m sorry, dapat hindi ko ginawa iyun. Nadala lang ako.” mahina niyang sabi.

Napakagat naman ako ng labi at tumango nalang. Hindi ko alam kung ano yung ginawa niya pero parang gusto kong ulitin niya yun sa’kin. Napailing iling naman ako sa iniisip ko. Ano ba yan!

“Matulog ka na. Aalagaan kita.” ngumiti ako sa’kanya.

Ang init init niya pa din kasi ‘e kaya pansamantalang ako muna ang magiging nurse niya ngayon.

“Ayoko. Yakapin mo lang ako buong gabi, magiging ayos din ako.” ngumiti siya sa’kin na ikinangiti ko nalang.

Kung yun ang gusto niya, e di sige. Gusto ko din siyang kayakap kapag natutulog ako ‘e.

Nahiga kami ulit at niyakap niya ako ng mahigpit. Napatingala ako sa’kanya. Nakapikit na siya ngayon kaya napangiti ako.

“Good night bakla kong asawa.” napabungisngis naman ako pero nabigla ako ng ngumiti siya kahit nakapikit.

“Good night, Wife. Te amo.”

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya nung huli pero binalewala ko nalang hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 93K 46
|𝐑𝐨𝐬𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐢𝐠𝐚𝐫𝐞𝐭𝐭𝐞𝐬 - 𝐈| She was someone who likes to be in her shell and He was someone who likes to break all the shells. "Jun...
1.2K 59 15
President Nouvelle Eloise Valeria have upholded several images inside their school community, one is that she's the most intimidating yet most succes...
210K 3.5K 74
I'm not sure if anyone will really read this, but upon looking I can't seem to find any of these. So I just thought it'll be a nice idea :) a friend...
283K 8.4K 38
Small youtuber Mintmochi has always been a fan of Tubbo. After grabbing the attention of the boy the two started interacting more. Watch as these swe...